Written by Pabloneruda13
Di maintindihan ni Armando kung bakit sya napapayag na magpapasok ng isang estranghero sa kanyang sasakyan. Basta ang nasa isip lang nya ay naaawa sya sa binabaeng pulubi na kanyang kasama ngayon.
Nagtataka man ngunit totoo ang sinabi ng pulubi sa kanya. Marumi ang damit nito, butas butas, ngunit hindi naman masama ang amoy. Kung pipikit ka iisipin mong di marungis ang taong katabi ni Armando sa sasakyan.
Ipinagsawalang bahala nalang ito ni Armando at pinagmasdan ang binabaeng pulubi.
Kung ieestima, mga nasa edad 20 na ang binabae. Medyo mahaba na rin ang buhok nitong lagpas ba sa balikat. Matangos ang ilong nito at makapal ang mga labi. Mapungay din ang mga mata nito.
Ngunit ang ikinabigla ni Armando ay ng makita nya ang dila ng pulubi habang kumakain. Napakahaba nito! Parang hindi normal para sa isang tao ang may ganitong dila. Pero pinagwalang bahala muli ito ni Armando. Inisip nya na baka may mga tao talaga na may ganong katangian.
Habang nagmamasid sya sa kumakain na binabae ay bigla na lamang itong nagsalita.
“Nako kuya maraming salamat talaga ha! Kanina pa po ako nagugutom. Walang nagbibigay sa akin ng pagkain. Pinandidirihan nila ako. Iniiwasan. Ikaw lang po ang natatanging pumansin sa akin at tumulong.” Wika ng binabae
“Ah eh walang anuman. Gawain at hilig ko talaga ang pagtulong sa kapwa. Nakakahiya nga at iyang chichirya lang ang meron ako na maibibigay sayo di ka naman gaanong mabubusog dyan.” Paliwanag ni Armando.
“Okay na okay na po ito sa akin. Nakakabusog na rin po ito. Kung okay lang po matanong ko lang ano nga po palang pangalan mo? Ako po pala si Egay!” Nakangiti nitong sambit at inabot ang kamay kay Armando.
Kahit na medyo marumi ang kamay ni Egay ay parang nahihiya naman si Armando kung hindi nya tatanggapin ang pakikipagkamay nito.
“Nice to meet you, Egay. Ah ehh…. Ar..Armando ang pangalan ko.” Nakangiti ngunit naiilang na sagot ni Armando.
“Wow pang fafa talaga ang pangalan mo kuya! Bagay na bagay sa gwapo mong mukha at malaking katawan! Ughhh!” Malanding sambit ni Egay.
Medyo naasiwa man ay binalewala na lamang ni Armando ang pinagsasabi nitong si Egay. Sanay naman na din syang pinupuri dahil sa kanyang angking kagwapuhan at kakisigan. Alaga rin kasi ng gym itong si Armando. Dati rin syang varsity ng basketball sa university kung saan sya grumaduate.
Kung itatanong sa mga kakilala, kahawig ni Armando ang sikat na aktor na si Henry Cavill. Halos parehas din ng bulto ng katawan. May pagkasingkit nga lang ng kaunti itong si Armando.
Kaya naman di na rin sya nagulat sa paghanga sa kanya ni Egay. Ngunit dahil sa pagiging konserbatibo nya ay medyo naasiwa lamang sya sa kung gaano nito kalandi sinabi ang papuri nito sa kanya. Para bang hinuhubaran sya nito sa bawat salita.
Napatingin si Armando sa kanyang relo at tinignan ang oras.
“Aba’y bakit parang ang bagal ng oras? Kanina pa to kumakain dito parang ang bagal din maubos ng pagkain nya? Kanina 6:00pm na nung pumasok sya….. Tapos ngayon 6:02pm palang? Pano nangyari to?” Sabi nya sa kanyang isip.
“Ah Egay, hindi pa ba ubos yang pagkain mo? Anong oras na kasi baka hinahanap na ako ng asawa ko.” Naiilang na tanong ni Armando.
“Ha? Kakapasok ko palang kuya. Di ba nag check pa po kayo sa relo nyo? 6:00pm po ako pumasok dito, anong oras na po ba?” Tanong ni Egay.
“Ah eh uhmmm.. may sira kasi yata itong relo ko, 6:02pm pa rin kasi eh parang nasa sampung minuto ka na andito” paliwanag ni Armando.
“Eh kuya 2 minutes palang pala eh sabi mo 15 minutes ako dito?” Nagpapaawang tanong ni Egay.
“Sira nga kasi siguro itong relo ko eh. Saka pwede mo naman na kainin yang chichirya sa labas. Kunin mo na rin itong inumin ko.” Wika ni Armando.
“Ang daya naman kuya. Ah basta sabi mo 15 minutes eh. Di ako aalis dito. Di ba sabi ko sayo susulitin ko to?” Determinadong sagot ni Egay.
Di makapaniwala si Armando sa kanyang naririnig. Ang kaninang nakakaawang pulubi na kausap nya ay bigla na lamang naging agresibo at demanding.
“Teka aba sumusobra ka na ha. Pinagbigyan lang kita sandali. Ako na nga tong tumulong sa iyo ako pa tong gaganyanin mo?” Medyo may kataasang tanong ni Armando.
“Eh sabi mo 15 minutes! Kung talagang sincere ka sa sinabi mo gawin mo. Alam ko pulubi ako pero hindi mo dapat ako pinapaasa sa pangako. Hindi ako aalis dito hanggat hindi nagiging 6:15pm yang nasa relo mo.” Palaban na sagot ni Egay.
Natulala si Armando sa sinabi ni Egay. Kung kanina ay may liwanag pa sa labas. Ngayon ay wala na. Madilim na. Pero ang oras sa relo nya ay napakabagal ng usad. Para bang katumbas ng 1 minuto ay 10 minuto.
Nakaisip syang icheck din ang oras sa kanyang cellphone ngunit kagaya sa relo ay parehas din ang oras na lumalabas dito.
“Aba matigas ang ulo mo ha! Bumaba ka na ngayon na!” Singhal ni Armando.
“Ayoko! Wala pang 15 minutes! Matuto kang tumupad sa usapan fafa! Hmpp!” Giit ni Egay.
“Di ba sabi mo kayang kaya kita balibagin at saktan? Ayokong gawin yun kaya ngayon huling beses ko na to sasabihin. Bumaba ka na! Abusado ka ha!” Sigaw ni Armando.
Nagtataka sya kung bakit tila hindi natatakot itong si Egay sa kanya. Parang confident pa nga ito na alam nyang hindi sya kayang saktan ni Armando. Patuloy lamang itong kumakain ng chichiryang binigay nya na hanggang ngayon ay di maubos ubos.
“Alam kong di mo kaya gawin yun kuya. Ganon ka kabuting tao at kabait. Di mo kaya manakit ng iba. Sige tatanungin kita ngayon, kaya mo ba talaga akong sapakin? Kung oo oh eto gawin mo na” pang hahamon ni Egay.
Tila natahimik naman si Armando. Alam nyang pananakot lamang ang sinabi nya rito kanina. Ngunit ang totoo ay di nya ito kayang gawin.
“Ano bang problema mo? Ano bang gusto mo? Pera? Sige bibigyan kita. Magkano ba isanlibo? Ito tanggapin mo na bumaba ka lang sa sasakyan ko.” Pang aalok ni Armando.
“Ayoko nyan. Gusto ko masulit yung 15 minutes na pinangako mo sa akin!” Giit ni Egay.
Tahimik at walang maisip na sabihin si Armando. Ang tanging gusto na lamang nya ngayon ay makauwi na. Masyado ng gumagabi. Ultimo mga sasakyang dumadaan sa kalsadang tinatahak nya ay kumokonti na rin. Tanda na lumalalamim na ang gabi.
Ngunit kung pag babasehan pa rin ang oras sa kanyang relo, cellphone at maging oras sa kanyang sasakyan ay iisa lamang ang mga numerong ipinapakita nito. 6:02pm pa rin ang oras. Habang nag iisip si Armando ay bigla na lamang tumawag ang kanyang misis na si Celine.
“Love? Asan ka na? Anong oras na jusko wala ka pa rin dito? Tumawag ako sa boss mo sabi kaninang hapon ka pa nakaalis sa office nyo. Saan ka ba nagpupupunta pa? 9pm na!! Kanina pa kami nag aalala sayo!” Nagaalalang sabi ni Celine sa asawa.
“9pm na? Ah eh love sorry di ko napansin yung oras. Dumaan kasi ako sa isang kliyente namin. May inasikaso lang kami. Pero pauwi na rin ako Love. Natraffic lang talaga ako dito sa bandang Tagaytay eh ang daming tao dahil siguro weekend.” Pagdadahilan ni Armando.
Kahit na gusto nyang sabihin ang totoo ay hindi nya ginawa sapagkat alam nyang hindi ito maiintindihan ng misis nya. Maski man sya ay hindi naiintindihan ang nangyayari. Parang may sariling oras sa loob ng sasakyan nya. Sobrang bagal na para bang nasa ibang dimensyon sya ng mundo.
“Ha? Ang layo naman ng narating mo love! Hindi ka man lang nagpasabi nagaalala tuloy kami dito sayo!” Wika ni Celine.
“Sorry love nalimutan ko biglaan lang din kasi eh. Hayaan mo pauwi na rin naman ako, wag nyo na ako hintayin at baka matagalan pa ako.” Sagot ni Armando.
“Ay love tutal nandyan ka naman na sa Tagaytay, baka pwedeng bumili ka na rin ng Buko Pie? May mga bukas pang tindahan dyan for sure. Nag ccrave kasi itong anak mo. Eh narinig Tagaytay ayun nag rerequest.” Saad ni Celine.
Nabigla naman si Armando sa request ng kanyang asawa at anak. Dahil ang totoo ay wala sya sa Tagaytay. Naka hazard lamang sya sa gilid ng kalsada sa Maynila. Kung tutuusin 15 minutes nalang ay malapit na syang makauwi sa kanila kung hindi lamang sya huminto para sa pulubing kasama nya ngayon sa sasakyan.
“Ah eh love, mahirap na kasi magpark maraming tao sa susunod nalang siguro… Or bukas! Oo bukas hanap tayo ng buko pie para kay Adrian! Marami namang ibang nabibili dyan sa Maynila.” Palusot ni Armando.
“Ay anubayan sige na nga. Basta love ha. Umuwi ka na at dahan dahan sa pagmamaneho. Ingat! I love you!” Wika ni Celine.
“Yes love, mag iingat ako. I love you. Good night!” Sagot ni Armando at saka binaba ang tawag sa telepono.
Tumingin ulit sya sa orasan at nakitang 6:03pm palang. Hindi nya na talaga matiis kung hihintayin nya pang mag kinse minuto ang orasan. Alam nyang may mali ngunit di nya matanto kung ano ito.
“Okay sige anything na gusto mo? Ano? Para lang di na natin hintayin na mag kinse minuto eh baka abutin na ko nyan ng madaling araw kakahintay may mali talaga dito sa oras eh di ko maintindihan.” Nalilitong tanong ni Armando.
Pasimpleng nangiti si Egay sa sinabi ni Armando. Mukhang wala talaga itong alam sa nangyayari. Ni hindi man lang sya nito pinag isipan ng kung ano. Ang gusto lamang nito ay makauwi na.
“Sigurado po ba kayo na kahit anong gusto ko eh ibibigay nyo? Kahit ano?” Tanong ni Egay.
“Oo kahit anong kaya kong ibigay bumaba ka lang sa sasakyang ito.” Desididong sagot ni Armando.
“Hmmmm baka kasi di mo kaya wag nalang hintayin nalang natin yung oras.” Pang aasar ni Egay.
“Sabihin mo na at wala akong oras makipag laro sayo. Ano bang gusto mo para lang tantanan mo na ako dito?” Medyo may kataasang tanong ni Armando.
“Bago ko sabihin yung gusto ko, dapat pumayag ka na muna.” Simpleng sagot ni Egay.
“Anong papayag eh di ko pa nga alam yung sinasabi mong gusto mo?” Nagtatakang tanong ni Armando.
“Papayag ka o hindi ako aalis dito sa sasakyan mo? Mamimili ka lang naman fafa! hihihi!” Malanding tawa nito.
Naputol na ang pasensya ni Armando. Tingin nya eh hindi naman mahirap ang hinihingi ng taong to. Baka inaasar lamang sya nito kaya nagpag isipan nyang sumang ayon na lamang dito.
“Alright! Okay sige! Pumapayag na ko!” Nakataas kamay na sabi ni Armando.
“Ano nga ang gusto mo?” Tanong nito kay Egay.
Bigla na lamang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Egay. Sa di mabatid na sitwasyon ay bigla na lamang nakaramdam ng panlalamig si Armando. Lamig na iba sa ibinubuga ng aircon ng kanyang sasakyan. Ito’y lamig na para bang likido na unti unti dumadaloy mula sa kanyang paa papunta sa kanyang ulo.
Lumapit ng bahagya si Egay kay Armando.
“Ang gusto ko? ITO!” Biglang dakma ni Egay sa harapan ni Armando.
______________________________
Woot ano kaya sunod na mangyayari hahaha! Pakifollow po ako sa Wattpad: @finucklechiz
- Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 7) - March 22, 2022
- Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 6) - March 22, 2022
- Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 5) - March 20, 2022