Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 1)

Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 1)

Written by Pabloneruda13

 


“Good morning, love!!”, bati ni Armando sa kagigising lang na misis.

“Good morning din love! Aga mo yata nagising ngayon?” tugon ng misis nyang si Celine.

“Eh love bigla kasi tumawag yung boss ko, pinapapunta ako saglit sa opisina may pag uusapan lang daw na importante. Ewan ko ba bakit di nalang sa tawag pag usapan at kailangan ko pa bumyahe tuloy” inis na sagot ni Armando.

“Baka naman kasi sobrang importante yun love, ikaw talaga.” sabay halik ni Celine kay Armando.

“Eh ayun na nga, kaso lang di ba nag promise ako sa inyo ni Adrian na ilalabas ko kayo ngayong araw? Di na naman matutuloy gawa ng trabaho ko at demanding na boss” sagot ni Armando.

“Haha nako love kung makareklamo ka naman parang di kami spoiled sayo! Ikaw talaga masyado mong giniguilty sarili mo eh sobra sobra ka nga mag mahal at magbigay ng oras sa amin” natatawang sabi ni Celine.

“Eh syempre love, ayokong di ko natutupad ang pangako ko sa inyo ng anak natin. Saka baka magtampo kayo na inuuna ko ang trabaho ko kaysa sa inyo.” sagot ni Armando.

“Jusmiyo Armando sobrang paranoid mo naman! Napaka understanding kaya namin ni Adrian. Saka malaki na yung anak mo grade school na yun. Matalino kagaya mo at naiintindihan nya ang sitwasyon kapag kailangan mo umalis dahil sa trabaho. Alam mo ganon ka namin kamahal kaya ka namin intindihin, kasi ganon din ang ipinararamdam mo sa amin, love. Kaya wag ka na mag iisip ng kung ano ano!” pranka ngunit malumanay na sagot ni Celine.

“Hayyyy napaka swerte ko talaga sa inyong mag ina ko. Wala na kong mahihiling pang iba kundi makasama kayo at mabigyan kayo na maayos na pamumuhay.” sabay yakap at halik ni Armando kay Celine.

“Asus nambola pa! Given na yun love haha! Swerte din naman ako sayo gwapo na, masarap na, responsable pa! Ay saglit may nalimot ako…… Hmmmm… Ah!! Saka loyal pa hahaha! Sure naman ako na wala kang ibang babae tama ba love?” nang aasar na tanong ni Celine.

Alam ni Celine na conservative type na tao ang asawa nyang si Armando kung kaya’t naaasar ito sa mga usapang may patungkol sa pambababae o kahit na sa panonood lang ng pornograpiya.

“Love ayan ka na naman! Ilang beses ko ba sinabi sayo na wag mo binabanggit yan dahil una sa lahat di ko magagawa yan sa iyo. Sa inyo ng anak ko. Mahal ko kayong pamilya ko at kahit kailan hinding hindi ko kayo ipagpapalit kahit kanino.” asar na sagot ni Armando.

“Hahaha love naman sobrang seryoso! Nasobrahan ka na sa pagiging conservative love! Alam ko naman na di mo yun magagawa sa akin, sa amin. Pero yung totoo love kahit isang beses di ka nahumaling sa ibang sexy na babae?” Seryosong tanong ni Celine.

“Love, Celine, ano ba? Hindi nga sabi. Nakakainis na yang ganyan mo. Wala ka bang tiwala sa akin?” Sagot ni Armando.

“Oh chill!!!! Just asking, love. Ito naman di ka na nasanay sa pagiging curious ko. Saka ayokong mangyari yun no ako lang dapat ang mahal at kinalilibugan mo. Sa akin ka lang maaakit. Alam kong maraming nagpaparamdam sayo na babae at pati binabae pero confident akong wala ka namang papatulan don eh. Pero pwede ba love minsan try tayo ng something sa kama na di pa natin nagagawa? Pampa spice lang ba hihi” wika ni Celine.

“At ano naman yun? Ayan ka na naman sa mga ganyan mo sinabi ko na sayo na hindi ako interested sa mga fetish eh.” Tanong ni Armando.

“Ehhhh wala pa naman, love. Iniisip ko pa rin kung ano pero kapag naisip ko na dapat papayag ka! Para naman magupgrade ang sexlife natin. I mean di naman ako nag cocomplain. Daks ka, magaling sa kama. Pero love parang na curious ako gumawa ng mga exciting na bagay. Hahaha tingin ko mas magiinit yung pag sasama natin sa ganon” pahayag ni Celine.

“Hayyy sige sige pag iisipan ko. PERO! di pa ako pumapayag ha.” Nakasimangot na sagot ni Armando.

“Oo love wala pa rin naman ako naiisip, saka na natin pag usapan. Kasi baka malate ka na nyan sa work mo kanina pa tayo nag uusap hahaha! Sorry na love madaldal misis mo” nakatawang sabi ni Celine.

“Haha oo napakadaldal mo nga, puro ka kalokohan. Sige na love aalis na ko at baka maabutan pa ng traffic. Ipaalam mo nalang ako kay Adrian ha pag gising nya mukhang tulog pa eh di ko muna abalahin baka pagod kakagawa ng assignments nya kagabi.” Nagmamadaling sagot ni Armando.

“Sige love. Mag iingat ka sa daan ha wag mabilis sa pagmamaneho. I love you, Loveeee!” Sabay halik at yakap ni Celine sa asawa.

“Thanks love. I love you too! See you later ha. Babawi ako.” Sagot ni Armando habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

___________________________________

Pagkalabas ni Armando sa pintuan ng kanilang tahanan ay agad syang dumiretso sa kanyang sasakyang nakaparada sa labas.

Habang hinahanda ni Armando ang kanyang sasakyang ay napansin nito ang isang taong grasa na tila nakamasid sa kanya mula sa gilid ng kalsada. Nanlilisik ang mga mata nito at bahagyang naka ngisi ang mga labi.

Hindi masyadong matanaw ni Armando ang mukha ng taong grasa sapagkat nababalot ito ng dumi. Di rin nya matukoy kung isa ba itong lalake o babae, gawa ng nakasuot ito ng butas butas na jacket at maluwag na pantalon.

Hindi nalang binigyang pansin ni Armando ang taong grasa at agad ng pinaandar ang kanyang sasakyan papunta sa kanyang opisina.

__________________________________

“Tok tok tok!”

“Pasok! Bukas yan!” Sigaw ni Winston.

“Boss sorry natagalan saglit paano medyo naabutan na ng traffic sa Edsa.” Humihinging pag unawa ni Armando.

“Ayos lang di naman masyadong urgent tong pag uusapan natin” wika ni Winston.

“Ha? Eh bakit nyo po ako pinapunta kung di naman urgent, Sir? Tanong ni Armando.

“Ah di nga urgent pero masyado importante. Di pwede pag usapan sa labas ng opisina, Armando” sagot ni Winston.

“Ano po bang problema sir? Ano po talagang dahilan ng pagpapatawag nyo?” Kinakabahang tanong ni Armando.

“Hmmmm…”
“Kitang kita ng dalawang mata ko Armando ang pinag gagagawa mo dito sa loob ng opisina” seryoso at malalim na wika ni Winston.

“Huh? Boss? Anong ginawa? Wala po akong ginagawang kalokohan boss.” Malumanay ngunit kinakabahang sabi ni Armando.

“Walang hiya ka Armando! Pinagkatiwalaan kita! Tangina puring puri pa ko sayo sa mga board members! Tapos makikita sa CCTV yun?!!!” Bulyaw ni Winston.

“Te..teka… Anong cctv? Anong nakita? Hindi ko maintindihan sir Winston. Please kung ano man po yun wala po akong ginagawang masama. Baka nagkakamali lang po kayo. Mahal na mahal ko po ang trabaho ko.” naiiyak na nagmamakaawang tugon ni Armando.

“Oo kitang kita sa CCTV na mahal na mahal mo nga trabaho mo! Kitang kita kasipagan mo! Kitang kita ko kung paano mo pinapahalagahan yung oras ng trabaho! Kaya naiinis ako dahil kulang pala yung papuri ko sayo sa board members natin. Tangina mo ka, promoted ka na!!!” Pasigaw na sabi ni Winston.

Tila naguguluhan at di makasagot si Armando.

“HAHAHAHAHA HUYYY GAGOOOO NATULALA! Promoted ka ugok! Di ka tanggal sa trabaho hoyyy hahahaha. Seryoso ko anunaaa?!” Natatawang sigaw ni Winston.

“Gago ka sir! Hahaha seryoso baaa?! Weh? Baka prank to ha?” Di makapaniwalang tanong ni Armando.

“Oo nga gago parang tanga paulit ulit. Di mo pa kasi ako pinatapos sa sasabihin ko, akala mo tuloy kung ano na. Promoted ka na braderrr!! Yiiii!! Deserved mo naman. Nakita ko kung paano ka magsipag sa trabaho. At take note, mataas ang quality ng serbisyong ginagawa mo para sa kumpanya kaya naman naisipan kong ipromote ka na.” Nakangiting sagot ni Winston.

“Grabe. Di ako makapaniwala sir. Sobrang matutuwa ang pamilya ko nito! Naiiyak ako pasensya na. Di ko lang talaga inexpect to.” Naluluhang napayakap si Armando kay Winston.

“Oooppsss masyado na mahigpit yakap mo baby baka ikaw na ipalit ko sa asawa ko sige ka hahahaha.” Biro ni Winston.

“Sorry sir hahaha sobrang saya ko lang talaga. Akalain mo yun kakapasok ko lang dito sa kumpanya nyo. Mag iisang taon palang promoted na ko bilang manager. Maraming salamat ulit sir.” Wika ni Armando.

“Osya pwede ka ng umuwi. Saka nga pala yung isa pang regalo ko eh bibigyan kita ng 1 month leave with pay. Pakunswelo na sa pagiging masipag mo. Basta bawi ka nalang pag balik mo ha? Gamitin mo yang oras na yan para sa pamilya mo. Mag bonding kayo mahalaga yan. At syempre isa pang importante, wag mo kalimutan alagaan ang sarili. Pamassage ka na rin. Alam kong di ka umiinom ng alak kaya nga di na rin kita inaya mag celebrate sa labas good boy hahahaha” saad ni Winston.

“Nako sobra sobra naman po yata to sir. Kakapromote lang sakin naka leave agad 1 month pa haha. Di po ba nakakahiya? Baka ano pang isipin ng mga kaopisina ko.” Nag aalalang tanong ni Armando.

“Aba bakit sino ba may ari ng kumpanyang to? Di ba ako? Hayaan mo silang mga marites. Basta alam ko karapatdapat ka.” Tapik nito sa balikat ni Armando.

Kahit na saglit palang na nagttrabaho si Armando sa kumpanya ni Winston ay napalapit na ito sa kanya. Parang kapatid na ang turingan ng dalawa. Gayunpaman di pa rin nawawala ang employee-employer relationship nila kapag nasa loob ng opisina.

“Sige boss mauna na po ako umuwi. Nako mukhang matutuwa ng husto nito ang mag ina ko. Sobrang good news!” Pasasalamat ni Armando sa boss nya.

“Osya sige na baka magbago pa isip ko hahaha magiingat sa byahe brader ha! Regards sa misis at anak mo!” Kumakaway na sabi ni Winston.

Nagmadaling bumaba ng opisina si Armando at dumiretso sa kanyang sasakyan.

Sobrang galak ang kanyang nararamdaman at di mapakaling inayos ang seatbelt ng kanyang sasakyan.

Excited na syang ibalita ito sa kanyang pamilya lalong lalo na kay Adrian na matagal na nyang di nabibigyan ng oras. Alam nyang matutuwa ang kanyang anak kapag nalaman nitong bukod sa promotion eh may isang buwan pa syang free leave sa kumpanya. Sapat na iyon sa mga oras na di nito nakakabonding ang anak.

Mabilis na nagmaneho si Armando pauwi sa kanilang tahanan.

Sa kanyang pagmamaneho ay napahinto sya ng biglang may humarang na pulubi sa harap ng kanyang sasakyan.

Naalala nya bigla ang pulubing kanina lamang ay nagmamasid malapit sa kanilang bahay.

Mukhang kaaawa awa ang taong grasa na humarang sa kanya. Sumisenyas ito na ihinto nya ang sasakyan.

Dahil sa awa, tumigil muna si Armando at pinagmasdan ang papalapit na pulubi. Maya maya lang ay kumatok ito sa bintana ng kanyang sasakyan at tipong humihingi ng barya.

Napagdesisyunan ni Armando na kumuha ng iilang barya at iabot sa pulubing kumakatok sa kanyang bintana.

Sa pag bukas ng bintana ay agad na kinuha ng pulubi ang pera.

Sa pag aakalang tapos na ang pulubi sa kanyang intensyon ay isasara na sana ni Armando ang bintana ng bigla na lamang hinarang ng pulubi ang kanyang kamay upang mapigilan ang pagsara nito.

“Kuya kuya sandali po. Wag po muna kayo umalis.” Nagmamakaawang sigaw ng pulubi.

Dito napag alaman ni Armando na binabae pala ang pulubing kanyang kausap ngayon.

“Teka teka binigyan na kita ng pera ilabas mo yang kamay mo at baka maipit at masaktan ka” nag aalala at natatarantang wika ni Armando.

“Sandali kuya baka pwede pong makikain at makiinom na rin. Nakita ko po may chichirya po kayo dyan sa upuan nyo at inumin. Parang awa nyo na po gutom na gutom na po ako.” Nagpapaawang saad ng binabaeng pulubi.

Di kaila sa pamilya at mga kaibigan ni Armando ang pagiging mabait at maawain nito. Kahit sino yatang tao ang lumapit dito at humingi ng tulong ay tutulungan nya hanggat maaari. Sa sobrang maawain nito ay minsan na itong naloko at nanakawan ng pera. Pero ganunpaman, nanatiling buo sa pagkatao ni Armando ang pagiging maawain at matulungin sa mga taong nagangailangan.

“Ah sige sige para sana sa anak ko ito pero ibibigay ko nalang sayo, ibibili ko nalang sya ng bago. Saka itong inumin pala okay lang ba at nainuman ko na kasi yan?” Tanong ni Armando.

“Aba okay na okay po may laway nyo pa…. Ahhh este… Di na po ako mag iinarte uhaw na po talaga ako eh.” Nauutal na sagot ng binabae.

Iaabot na sana ni Armando sa bintana ang pagkain at tubig ng biglang magsalita ang pulubi.

“Kuya alam ko po marumi ako, hindi kaaya aya ang suot pero di pa naman ako mabaho. Di rin po ako masamang tao pero baka po sana kung ppwede eh masubukan ko pong makasakay man lang sa loob ng magarang sasakyan nyo. Pangarap ko po kasi to. Sana bago man lang ako mawala sa mundo ay maranasan kong makasakay sa ganitong kagarang kotse” nagpapaawang sabi ng pulubi.

“Ah eh teka di ppwede yun. Di kita kilala at nagmamadali na rin ako umuwi sa pamilya ko.” Sagot ni Armando.

“Mabilis lang naman po uubusin ko lang po ito lalabas na rin ako pagkatapos. Sa laki po ng katawan nyo kayang kaya nyo po ako ibalibag at suntukin nalang basta kung may gagawin akong masama sa inyo. Kahit kapkapan nyo po ako wala rin akong dalang kahit na anong patalim. Please po pumayag na po kayo” pagpupumilit ng pulubi.

Dahil nga nakasukbit pa ang kamay at braso ng pulubi sa bintana ng sasakayan ni Armando ay naisipan nyang wala naman sigurong masama kung pagbibigyan nya ito. Tama ang sinabi ng pulubi. Kayang kaya nya ito ibalibag sa laki ng pangangatawan nya. Saka nagmamadali na rin syang makauwi, ano ba naman ang sandaling maipaparanas nya sa pulubi na makasakay sa isang sasakyan.

Agad na napa hingang malalim si Armando at sinabi…

“Okay sige pero max na 15 mins ha. Bababa ka after 15 mins. Hinahanap na kasi ako ng mag ina ko. At isa pa, wag ka gagawa ng masama sabi mo nga kayang kaya kita suntukin. Di naman sa binabalaan kita pero nag iingat lang ako. Naaawa ako sayo pero hindi ibig sabihin na nagtitiwala ako sayo. Maliwanag ba?” Seryosong saad ni Armando.

“Opo sir! Okay na po kahit 15 mins! Nako maraming salamat po! Wag po kayo mag alala susulitin ko po yung 15 mins” nagmamadaling sagot ng pulubi at agad na nga itong dumako sa kabilang pinto ng sasakyan para sumakay.

_____________________________________

Hi!! First time ko lang mag sulat hahaha pasensya sa grammar and sa kung ano man pong mga mali sana subaybayan nyo.

May wattpad account din po ako pakisupport na din

Pabloneruda13
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories