Written by hunter
Dead of Time 1 – Humanity is still alive?
“takbo” sigaw ng isang lalaki dahil hinahabol sila ng hindi pa nabibilang na zombie.
tatlo silang tumatakbo para mabuhay si Archie ang nasa pinaka una may hawak na baril at inaalalayan ang mga kasamang nasa likod nya.
kasunod nya si Ry na may hawak na tubo para pamalo sa mga haharang sa kanilang zombie.
ang nahuhuli ay si Zychelle na may hawak na baril pero hindi nya eto ginagamit dahil nag titipid ng bala.
“bilisan nyo Ry si Zychelle tulungan mo” utos ni archie ng makitang nadapa ang babae.
kaya mabilis na bumalik si Ry at tinulungan makatayo si Zychelle mabilis naman etong nakatayo pero muntik narin silang mahuli ng mga humahabol sa kanila.
kung hindi lang may bumaril sa malapit ng maka lapit na zombie nagulat sila at tumakbo at habang tumatakbo ay hinanap nila ang tumulong sa kanila.
nakita nila ang isang lalaki at isang babae na nasa taas ng convenient store kaya dun nila naisip pumunta para makaligtas.
binuksan ng babae ang pinto ng convenient store at ng makapasok ang tatlo ay agad nya etong sinara.
sinalubong sila ng lalaki na bumaril sa zombie na muntik ng makahabol sa kanila.
“kamusta okay lang ba kayo” tanong nito sa tatlo.
“okay lang kami salamat” sagot ni Fade sa lalaki.
“mga sira ulo ba kayo anung ginagawa nyo sa gitna ng daan nag papakamatay” tanong ng babae na kasama ng lalaki.
“pasensya na pasok kasi ung lugar na pinagtataguan namin naubos lahat ng kasama namin kaming tatlo lang ang nakaligtas” malungkot na sinagot ni Zychelle sa babae.
“wag nyo na syang intindihin ako nga pala si Fade sya namang si Krish” pakilala ni fade.
“ah ako nga pala si archie eto si Ry at sya naman si Zychelle” sagot naman ni archie.
“saan ang punta nyo” tanong ni Fade sa tatlo.
“nag hahanap kami ng matataguan at mapag lilipasan ng gabi” sagot ni archie sa tanong ni fade.
“sige dumito muna kayo at dilikado mag hanap masyado ng madilim” nakangiting sinabi ni fade.
“salamat” pasalamat ni Zychelle kay fade.
“sira ulo kaba mag sasama kapa ng iba tayo nga hirap na” sabi ni krish kay fade.
“wag kang magalit at tao parin sila at nakalimutan mo ba kung bakit buhay kapa ngayon kung di kita tinulungan patay kana” sagot ni fade kay krish.
natahimik si krish at ang lahat dito natapos ang gabi nilang lima.
maagang nagising ang lahat dahil sa putok ng baril na ng gagaling sa labas kaya pumanik sila sa taas kitang kita nila ang grupo ng mga lalaki na hinahabol ng di mabilang na zombies.
pero na corner ang mga eto kaya kitang kita ng lima kung pano maubos ang mga lalaki ngayong hindi na sila makalabas kung nasaan sila.
“mukang matatagalan pa kayo dito” sabi ni fade sa tatlo.
“muka ngang hindi kami makakalabas hanggat hindi nakakaalis ang mga un” sagot ni Ry kay fade.
“teka fade ano un” mahinang tanong ni krish kay fade.
kaya nag mamadaling pumunta ang apat kung nasaan si krish at tinignan ang tinatanong nito.
nagulat sila ng makita ang isang malaking bagay na nag lalakad malaki ang bibig nito na nasa kanang braso nito at sa kaliwa naman ay kuko na parang matalim na itak at ang ulo nito ay may dalawang malaking mata at ilong lang ang nandun.
malaki ang nilalang na nag lalakad sa gitna ng maraming zombie at at sa bawat madadaanan nitong zombie ay kinakain ng kanang braso nito para etong hayop na walang kabusugan kung kumain.
kaya walang nagawa ang lima kung hindi dumapa at mag tago kasabay ng pag darasal na wag silang mapansin ng halimaw na nakita nila ngayon.
mabagal ang pag lakad ng halimaw kaya matagal ang naging pag tago ng lima.
na nginginig si Zychelle dahil sa takot na baka makita sila nila.
hindi alam ni krish kung takot ba ang nararamdaman o na mamangha sa nakikitang nilalang.
nagulat ang lima ng makitang huminto ang malaking nilalang at tumakbo ng mabilis ng makita nila ang pupuntahan nito.
meron tatlong tao sa di kalayuan un ang pupuntahan ng malaking nilalang.
walang kamuwang muwang ang tatlo na un na pala ang huling mga minuto ng kanilang buhay.
mabilis gumalaw ang halimaw at wala pang ilang minuto patay na ang tatlong tao na nilusob nito.
tulala lang ang lima sa nakitang ginawa ng nilalang na kanilang nakita.
“sana wag nating makasalubong un” dasal ni fade na sinang ayunan ng apat.
dahil sa takot sa nakita ay hindi nag bukas ng pinto ang lima at nanahimik sa loob ng convenient store.
sa di kalayuan isang lalaki ang nag lalakad nag hahanap ng makakain ang hawak lang nya ay isang itak at tubo.
“grabe apat na araw na akong walang kain” sabi ng lalaki at sabay palo ng tubo sa ulo ng zombie na nasa harap nya.
napangiti sya ng makita ang truck ng sardinas agad nya etong nilapitan pero napatago sya ng makita nya ang walong zombie’s na naka tayo malapit sa truck.
“kaasar grabe” pikon na sinabi ng lalaki sa sarili.
nag isip ang lalaki kung pano malalapitan ang truck.
“alam ko na” napa ngiti ang lalaki at dahan dahang nag lakad palapit sa pinaka malapit na zombie.
hinawakan nya ang ulo ng zombie at puwersahan nya etong binali.
“grabe kadiri talaga buti nalang at naka gloves ako” angal ng lalaki.
at sunod nyang nilapitan ang isa pa at ginawa ang ginawa nya sa unang zombie at pinaulit ulit nya ang ganung gawain hanggang sa maubos nya ang walo.
tuwang tuwa sya ng maubos ang mga zombies pero napasimangot sya ng makita ang loob ng truck.
“anak ng walang laman” galit na sinabi ng lalaki pero napa ngiti sya ng makita ang isang kahon meron pang natirang limang dilata.
“aus di pala sayang ang pagod ko” tuwang tuwa nyang kinuha ang limang lata ng sardinas.
“ngayon lugar para makakain na” sabi ng lalaki at napangiti sya ng makita ang isang van na mukang may gasulina pa.
nilapitan nya eto at lalo syang naging masaya ng makitang naka saksak pa ang susi dito.
sumakay ang lalakisa loob ng sasakyan at sinubukan nya etong paandarin.
umandar naman eto kaya tuwang tuwa ang lalaki.
masaya syang pinatakbo ng lalaki ang van ng masigurado nyang walang laman ang van.
masaya na ang lalaki ng biglang huminto ang van at pag tingin nya ubos na ang gasulina nito.
“anak ng kabayo naman oh kaasar” sigaw ng lalaki at dahil sa pag sigaw nya ay nilapitan sya ng mga zombie.
tatawa tawang tumakbo palayo ang lalaki dala ang bag na may lamang sardinas.
“muntik na ko dun ah” pero natigil ang lalaki ng makita kung anong meron sa tinatahak nyang direction.
mas maraming zombie ang na lalakad papunta sa kanya kaya napaisip ang lalaki.
“grabe mapapahamak ako nito” bulong ng lalaki sa sarili habang mabilis na papalapit ang mga zombies sa harap at sa likod.
“ayun” sabi ng lalaki sabay takbo pa punta sa bahay na naka sara at sinubukang buksan napangiti sya ng bumukas ang pinto.
mabilis nyang nilock ang pinto at pag lingun nya ay may nakatutok sa kanyang baril.
“sino ka” tanong ng isang babae.
“Mephis po short for mephisto” naka taas ang kamay na pakilala ng lalaki sa babae na may hawak ng baril.
narinig ni mephis at pag kalam ng sekmura ng babae kaya inalok nya eto ng pag kain na agad namang pinaunlakan nito.
dito na nag pakilala ang babae sya si Erich ang dalawang araw na syang walang kain kaya naubos agad ang limang dilatang sardinas.
“salamat teka mag kagat ka ba” tanong ni Erich sabay tutok ng baril kay mephis.
“nako wala kaya ganito kasi wala akong baril” naka ngiting sinabi ni Mephis kay ghegeh .
“mukang makukulong ako dito kasama mo ngayong gabi ah” sabi ni mephis kay Erich .
“okay lang pero may pakiusap sana ako sayo” sabi ni Erich
“ano un?” tanong ni mephis.
“isama muna ako pag alis mo dito please” paki usap nito.
kaya naawa si mephis alam nyang hirap ang babae sa lugar na eto.
“sige bukas pag wala na ang mga yan aalis tayo sasama kita” nakangiting sabi ni mephis kay Erich. ”
“pero may tanong ako meron ka bang kahit anong pamalo jan na puwede kung gamitin pasira na kasi tong tubo ko naka baluktot na oh” nakangiting tanong ni mephis kay erich.
“meron si papa jan samurai galing japan collector kasi sya at meron sya jan ung kahoy rin na samurai” sagot ni erich kay mepish.
“teka talaga sweet~ puwede ko bang kunin” tanong ni mepish kay erich.
tumango lang ang babae at kinuha ang samurai at ung kahoy na samurai at binigay kay mephis.
“wow ang gandang katana nito at tong bokken mukang matibay ayus toh salamat at dahil dito di kita pababayaan” sabi ni mephis kay erich na nag pa panatag ng loob ng dalaga.
“talaga” tanong ni erich.
“oo sige na at matulog kana bukas na bukas aalis na tayo sa bahay nyo kaya mag handa ka narin pala bago matulog” nakangiting utos ni mepish.
mabilis namang sinunod ni erich.
“ayus bukas na bukas masaya ng ang pag lalakad ko may escort pa” nakangiting “sinabi ni mephis.
natapos ng mag ayus si erich at natulog na sila ni mephis panatag ang dalaga na hindi sya iiwan ng lalaking kakakilala lang dahil muka namang may isang salita eto.
Itutuloy….
- Dead of Time 34 – Make a Road and Escape. - November 18, 2024
- Dead of Time 33 – How it all happens - November 18, 2024
- Dead of Time 32 – 3hours to Extraction Point - November 11, 2024