Written by sweetNslow
Ang gagamba’y mapang akit.
Maganda itong maglubid,
Magpaikot ikot ng sapot.
Bago mo pa mamalayan
Ang mga ito’y sa paligid mo nakaikot.
Puwede kang mag paalam kung ito ang nais.
Ang di mo lang magagawa’y ang makaalis.
Ah, ang gagamba’y mapang akit!
ANG KASALUKUYAN…
BIHIS na si Katrina nang iluwa ito ng banyo. May tuwalya pang nakaikot sa buhok nito. Naka tshirt lang ang dalaga at naka shorts na maluwag. Tulad ng nakasanayan, wala na naman itong suot na bra. Matapos ilagay ang mga maruruming damit sa plastic bag na inilapag nito sa isang sulok.
Tinungo ng dalaga ang kusina at sinimulang initin ang paksiw na bangus. Kumuha ng isang pitsel ang dalaga at nilagyan ito ng tubig mula sa malaking plastic bottle na galing sa ref. Nilagyan nya na rin ng isang tray na yelo mula sa freezer. Humagip ang dalaga ng dalawang baso. Bitbit ang mga baso’t pitsel, umakyat ang dalaga sa ikalawang palapag ng bahay at inilapag ang dala dala sa small Narra table sa gitna ng living room.
Napalingon naman si Budoy na noon ay nasa balkonahe. Nakaupo ang matanda sa rocking chair at naninigarilyo habang nakatanaw sa malayo.
“Andyan ka na pala, Ineng,” bati nito kay Katrina.
“Opo, Manong..” sagot naman ng dalaga. “Iniinit ko lang po yung paksiw na bangus at dadalhin ko na ho dito.” dagdag na sabi nito,
Tumango tango lang si Budoy sa sinabi ng dalaga, Naaamoy niya ang preskong kabanguhan ni Katrina sa kinauupuan niya. Napasulyap na naman ito sa bahagi ng dibdib ng dalaga. Tama ang hinala niya. Wala na naman itong bra. Nababanaag ang munting bukol na nililikha ng pagbakat ng utong nito sa suot na tshirt.
Ibinaling ni Budoy ang paningin sa malayo…sa asul na karagatan…at nagsindi muli ng sigarilyo. Malalim ang unang hithit na ginawa ng matanda. Pilit nilalabanan ng isipan niya ang demonyong nangungulit sa kanyang imahinasyon.
Ilang ulit namang nag akyat baba si Katrina. Nang maihanda na ang pagkain, ulam at inumin sa lamesita ay tinawag na nito si Budoy.
“Manong, kain na po tayo” anyaya nito kay Budoy.
Tumango lang ang matanda at naglakad na ito papunta sa sofa kung san andun ang lamesita. Pagkaupo ay hinagip muna ni Budoy ang remote ng TV at iniabot ito sa dalaga.
“O, Ineng…ilagay mo na sa gusto mong programa,” sabi nito kay Katrina na mabilis naman nitong tinanggap.
“Thank you, Manong.” matamis na ngiti nito kay Budoy na sinuklian naman ng matipid na ngiti rin ng matanda.
Agad namang inilagay ng dalaga sa Netflix ang programa ng telebisyon. Tamang tama lang ang pagkakabukas ng TV. Sinimulan niyang panoorin ang Mr Sunshine na sabi ng kaibigan niya maganda daw na Kdrama.
Tuwang tuwang nagsimulang maglagay ng pagkain sa sariling pinggan si Katrina. Matapos lagyan ng sabaw ng paksiw at kumuha ng isang pirasong fillet ng pritong tambakol, itinaas pa nito ang isang paa sa single sofa at nagsimulang magsakol sa pagkain.
Naiiling na natatawa si Budoy sa medyo burarang pagkakapuwesto ng dalaga sa panonood. Nabulunan siya panumandali ng medyo lumilis ang maigsing shorts nito at nahantad pa lalo ang kaputian ng mabilog nitong hita.
Mabilis na napainom ng tubig si Budoy at pinilit magconcentrate sa pagkain. Ngunit nahihirapan ang matandang gawin ito. Naaagaw ang kanyang atensyon pabalik sa dalaga pag napapatili ito dahil sa kilig sa pinapanood…na nagiging dahilan ng medyo pag alog alog ng dibdib nito na lalong nagbibigay ng di mapakaling damdamin sa matanda.
Sa isip ni Budoy, hindi niya alam kung ito na ang pinakamasarap na tanghaliang naranasan niya…o pinakamasaklap na torture na nangyari sa kanya. Nararamdaman niya ang pag iinit ng kanyang katawan sa nakikita…at ang pagtindig ng sandata sa pinagkakasadlakan nito. Minabuti na nitong tapusin ang pagkain. Nag stretch ang kaliwang kamay ni Budoy upang abutin ang pitsel.
Napansin naman ito ni Katrina na pansamantalang nawala ang atensyon sa pinapanood dahil sa commercial break. Inunahan nito ng pag abot ang matanda sa pitsel.
“Ako na po, Manong,” nagmamadaling sabi nito.
Kailang-ilang ang sumunod na pangyayari. Sa pagmamadali ng dalaga, nawalan ito ng balanse. Bumagsak ang pitsel sa sahig ng living room. Ngunit hindi yun ang malalang nangyari. Sa pagkawala ng balanse ng dalaga, napasubsob ito sa kandungan ni Budoy…sa mismong kandungan…kung saan ang mukha mismo ng dalaga ang dumagan sa naninigas na pag aari ng matanda.
“Aw…”
Ito ang nasambit na lang ni Budoy na agad iniangat ang mukha ng dalaga sa kandungan niya.
Napatingin naman si Katrina sa namumulang mukha ni Budoy. Alam ng dalagang kahit siya ay namumula rin ang pagmumukha.Ramdam niya kung saan siya napasubsob….Ramdam niya ang laki at katigasan nun. Napalunok ang dalaga.
“So-sorry po, Manong.” medyo nauutal nitong paghingi ng paumanhin.
Pero hindi makatkat sa isipan ni Katrina kung ano ang pinagsadlakan ng sariling mukha ilang sandali lang ang nakakalipas.
Tumayo si Budoy at tumalikod sa dalaga.
“Wala yun, Ineng…disgrasya lang yun.”
Pilit pinapakalma ni Budoy ang sarili.
“Bahala ka nang mag imis dyan ha?” dagdag pa ng matanda at naglakad na ito patungo sa balkonahe.
Disgrasya, sa isip isip nito, baka madisgrasya ka sa kin, Ineng. Muli’y nagsindi ng sigarilyo ang matanda. Huminga ng malalim at bumuga ng usok…Umaasang kakalma na ang munting bagyong tumatambol sa kanyang dibdib.
Pilit inalis ni Katrina sa isipan ang ala ala ng kapalpakan niya at mabilis na nilinis ang pinagkainan nila ng matanda. Nakahanap ito ng basahan na ipinampunas sa basang sahig. Matapos ay bumaba na ito. Kumuha ito ng plangganita upang ilagay lahat ng ginamit nila ni Budoy sa pagkain.
Matapos umakyat muli at mailagay ang mga pinagkainan nila ng matanda ay bumaba na muli ang dalaga at dumiretso sa lababo. Nagsimulang hugasan ng dalaga ang mga maduduming pinagkainan. Malamig ang tubig na nararamdaman ng kanyang kamay at braso…ngunit hindi maalis ang init na nararamdaman ni Katrina dahil sa munting insidente.
Hindi maalis sa imahinasyon nya ang nunuksong imahe ng bagay na dumampi sa kanyang mukha. Biglang naisip nito, ano kaya ang itsura nun kung walang saplot? Katulad din kaya ng una niyang nakita? Maitim? Malaki? Sinaway ng dalaga ang sariling isipan. Pinagalitan nito ang sariling kalaswaan ng imahinasyon. Ano bang nangyayari sa kin? Tanong nito sa sarili. Litong lito ang dalaga sa paghahanap ng kasagutan.
Sa taas, nakakailang sigarilyo na si Budoy. Kahit papaano’y kumalma na ang dibdib nito. Payapa na namang pinagmamasdan ng matanda ang asul na karagatan ng Anilao at ang ilang bulubunduking naaninag mula sa kanyang kinalalagyan. Nanumbalik ang ilang alaala ng kabataan. Ang pangangahoy sa bundok Mailayen at pangunguha ng duhat kung saan didiretso sa dagat upang dun ay unahan sila sa pagsisid ng mga duhat na mismong sila ang nagtatapon sa tubig…Ang pakikipagsukatan ng lakas sa katig ng malalaking bangka kung saan ang matatalo’y direchong babagsak sa tubig…ang pakikipaglaban ng patagalan ng paghinga sa ilalim ng tubig…
Napangiti si Budoy. Naalala niya ang ginawa niyang pagkapit sa isang corral sa ilalim ng tubig upang di siya lumutang…Isang katangahan para lang masabing nanalo siya. At syempre, ang walang katapusang pakikipagsuntukan pag nagkahamunan. Hindi umatras kahit minsan si Budoy bagamat di rin lang iilang beses siyang umuwi na puro pasa ang mukha. Hindi mahalaga kung sino ang panalo sa suntukan. Isang bagay lang ang pinahahalagahan ng lahat…ang makitang hindi ka duwag at handang lumaban…kabaliwan nga! Muli’y sumungaw ang ngiti sa labi ng matanda.
“Manong?” naputol ang ang pagmumuni muni ni Budoy sa boses ni Katrina.
“Ano yun, Ineng?” tanong nito nang lingunin ang dalaga.
Namumula pa rin ang pagmumukha nito.
“Uwi na po muna ako,” pamamaalam nito sa wari’y nahihiyang boses.
“Di ka na ba manonood ng TV?” tanong ni Budoy .
Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng bahagyang lungkot.
“May gagawin pa po ako sa bahay…Baka po mapagalitan ako ng inay pagdating.” pagpapaliwanag ng dalaga.
“Ganun ba? Sige, ineng.” may unawang sagot ni Budoy.
Ngunit bago pa nakaalis ang si Katrina ay may naisip na uli ang matanda.
“Ineng?” tawag nitong muli.
“Po?” takang sagot naman ni Katrina.
“Samahan mo ako mamaya sa dagat ha?” pakiusap ni Budoy dito.
“Anong oras po?” tanong ni Katrina.
“Pag di ka na busy,” sagot naman ni Budoy.
Nag isip sandali si Katrina. Maya maya’y sumagot ito.
” Mga alas kuwatro ho?” tanong nitong muli kay Budoy.
Tumango lang ang matanda.
Nawala na sa kanyang paningin si Katrina. Bumaba na ito ng hagdan upang umuwi sa kanila. Mula sa balkonahe ay natanaw pa ni Budoy ang dalagang naglalakad pauwi. Napailing si Budoy…ang magandang si Katrina…ang maalindog na si Katrina.
Muli’y nakipagbuno na naman ang kanyang konsensya sa demonyong nangungulit sa isipan niya. Automatikong isinalpak ni Budoy ang bagong stick sa bibig at ekspertong sinindihan iyun. Malalim na hithit…Makapal na buga ng usok…Pinipilit itago ng mga munting ulap na ibinuga ng sariling bibig ang katotohanang may pagnanasa siya kay Katrina.
Wala pa rin ang kanyang ina ng pumasok si Katrina sa bahay nila. Dumirecho agad ng sariling kuwarto ang dalaga. Isinara ang lahat ng bintana. Nang masiguradong pati pinto ay nakalock na, mabilis na inalis ng dalaga ang lahat ng saplot sa katawan at humiga sa kama. Sa tapat ng kama ay ang kanyang tokador…ang salamin nito’y piping saksi sa sinimulang gawin ni Katrina sa sarili…Ang pagpisil pisil at pagmasahe sa sariling dibdib….Ang paggapang ng kamay sa sariling kaselanan…ang paghimas sa guhit na naroon…ang pagdiin nito nang matagpuan ang kuntil na sentro ng kanyang sariling pagnanasa.
Napatingin si Katrina sa salamin. Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon…ang masagwang eksena sa salamin ay lalo lang nagpainit sa kanyang nararamdaman….ang kanyang bibig ay napapaimpit na sa pagdaing…bumibilis lalo ang tibok ng kanyang dibdib na sinasabayan na ng mga daliri niyang kung hindi umiikot ikot sa pagkalabit sa kuntil ng kanyang pagkababae’y labas masok naman sa basambasang lagusan…Sa sandali ng sarap ay ang piping tanong ng sariling isipan.
Bakit ka nagkakaganyan Katrina? Tanong na paulit ulit…tanong na di niya masagot…Tanong na laging ginagapi ng tawag ng sariling kalibugan.
Di nagtagal at naramdaman na ng dalaga ang pangangatal ng sariling katawan at pabudyok budyok nitong reaksyon…dumating na naman siya sa paraisong bawal. Nairaos na naman niya ang isang bagay na di niya alam kung bakit di niya mapigilan. Muli’y ang pagsisisi…muli’y ang pagluha…muli’y ang paghahanap ng kasagutan at kung saan nga ba at bakit ang pinapasan niya’y nagsimula…
ITUTULOY
- Sabayan Mo Ang Pagluha Ng Langit 9 - January 4, 2021
- Dapithapon Sa Buhay Ni Budoy Fin (Revised And Reposted) - January 3, 2021
- Sabayan Mo Ang Pagluha Ng Langit 8 - September 14, 2020