X
SUBMIT STORIES

Daluyong ng Panahon – Kabanata 5

Daluyong ng Panahon

Daluyong ng Panahon – Kabanata 5

By Sjr666


 

 

KABANATA 5: SA GITNA NG PAGHIHIGANTI

 

“At para sa ating Physics Tag-Team Quiz Bee, narito ang mga opisyal na kalahok!” malakas na anunsyo ng host.

Lahat ay nakatingin sa stage, sabik na malaman kung sino ang magpapakitang-gilas sa matinding labanan ng talino. Nakangiti si Ms. Perez habang inaantay ang pagtawag sa kanyang mga estudyante. Si Rho naman ay walang pakialam, nakayuko, at nakakunot-noo—tila hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

“Para sa unang koponan… Mr. Redgie Montemayor at Ms. Valerie Sandikan!”

Biglang napamura si Rho sa sarili. “Putangina! Siya pa?!”

Hindi niya alam kung matatawa o magagalit. Ang dating niyang boss. Ang lalaking sumira ng kanyang buhay sa 2025. Ang dahilan ng kanyang pagkabangkarote. At ang mas masakit? Ang kasama nito sa team—si Valerie, ang kanyang dating asawa, na minsang minahal niya pero sa huli’y iniwan siya at ipinagpalit sa lalaking iyon.

Biglang bumigat ang dibdib ni Rho.

“Para sa pangalawang koponan… Mr. Rho Garcia at Ms. Arenas!”

Nakita niyang napatingin sa kanya si Ms. Perez, halatang nag-aalangan. Kilala niya ang labanang ito, at alam niyang hindi ito magiging madali. Isa lang ang pumasok sa isip ni Ms. Perez—“Sino ang mauuna sa amin ni Arenas sa pagsagot? Paano kung matalo kami agad?”

Bago pa siya makapagdesisyon, tumayo si Rho at diretsong lumipat sa harapan ng grupo niya.

“Ma’am, ako ang mauuna,” madiin niyang sabi.

“Ha? Sigurado ka?” tanong ni Ms. Perez.

Tumingin siya ng matalim kay Redgie, na kasalukuyang nakangisi at nakataas ang isang kilay. Hindi na nagdalawang-isip si Rho.

“Dudurugin ko ‘yang hayop na ‘yan.”

Hindi na sumagot si Ms. Perez. Ramdam niya ang bigat ng emosyon sa tinig ng binata. Si Arenas naman ay tahimik lang ngunit nagtataka kung bakit biglang nagbago ang aura ni Rho.

Habang nagsisimula ang kompetisyon, nanatiling nakayuko si Rho.

Ang isipan niya ay puno ng galit at paghihiganti.

“Redgie, hayop ka… Ilang taon akong naghirap dahil sa’yo. Sinira mo ang kumpanya ko. Sinulot mo ang asawa ko. Tinapakan mo ako nang hindi ko na kayang lumaban. Pero ngayon… ibang usapan na ‘to. Hindi na ako ang dating Rho na hinayaan mong yurakan. Ngayong bumalik ako sa nakaraan, babawiin ko ang lahat. Hindi lang ang dignidad ko—kundi ang pagkatao ko mismo. Kung ito ang simula ng laban natin, tatapusin ko ito nang ako ang panalo.”

Nakakunot ang noo ni Ms. Perez habang pinagmamasdan ang estudyante. “Bakit parang ang lalim ng iniisip nito?” Sa kanyang isip, baka natetense ito dahil sa nangyari kanina—o baka dahil sa matinding pressure ng quiz bee.

“Rho?” mahinahon niyang tawag.

Walang sagot.

“Hoy, Rho!” mas malakas na siya ngayon.

Wala pa ring reaksyon ang binata. Nakayuko lang ito, hindi man lang kumikilos.

Sa huling pagkakataon, sinigawan na siya ng guro.

“RHO!”

Nagising ang binata sa malakas na sigaw, tila isang sundalong binulabog mula sa kanyang panaginip. Bahagya siyang napatayo sa kanyang kinauupuan, halatang nagulat.

Napalitan ng bahagyang inis ang guro, ngunit sa kabila nito ay may kakaibang kapilyahan siyang naramdaman. Hindi niya alam kung bakit, pero napalapit siya kay Rho. Sa kanyang kalooban, gusto niya itong ganahan sa laban.

Lumapit siya sa binata at bumulong.

“Galingan mo, ha? Kung manalo ka sa Round 1… may bonus ka sa akin.”

Saglit na natahimik si Rho.

“Bonus?” tanong niya, seryoso.

Napakagat sa labi si Ms. Perez, saka nag-iwas ng tingin. “Shit, bakit ko nasabi ‘yon?”

“Sige, Ma’am,” sagot ni Rho, ngunit halata sa tono niya na iba ang iniisip niya. “Bonus? Siguro may academic exemption ako sa susunod na exam, o baka dagdag points.”

Ngunit iba ang pumasok sa isip ng guro. Namula siya, lalo na nang makita ang matalim na tingin ng binata—parang walang pakialam sa kahit anong biro. “Puta, bakit ako ang kinakabahan ngayon?”

Subscribe
Notify of
guest


0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
error: <b>Alert:</b> Content is protected, bawal kopyahin!