Daluyong ng Panahon – Kabanata 4
By Sjr666
KABANATA 4: SA GITNA NG TUKSO
Nagpalakpakan ang lahat, kasabay ng kantyawan. Tila hindi pa rin sila makapaniwala na si Rho ang napiling representante ng kanilang klase at buong kolehiyo. Lingid sa kanilang kaalaman, noong binata pa si Rho, hindi naman siya mahina—mabilis ang kanyang pang-unawa at may matalas na memorya. Ngunit noong high school, ito rin ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan dahil sa matinding kompetisyon sa kanila. Kaya nang tumuntong siya sa kolehiyo, ipinangako niya sa sarili na hindi na niya seseryosohin ang lahat. Pinili niyang makihalubilo at makibagay upang mas ma-enjoy ang kanyang buhay.
Doon siya nagpapanggap na kumokopya sa kaklase ng assignment, namamali sa recitation, pero bumabawi tuwing midterms at final exams. Sa ganitong paraan, sapat ang kanyang mga marka upang manatiling regular na estudyante nang hindi napapansin ang tunay niyang kakayahan.
Agad namang napatayo si Rho at sumabat, “Ma’am, bakit ako?”
Sinagot siya ng guro, “Wala nang iba pang maasahan, ikaw na lang. Ie-exempt kita sa midterm exam kung sasama ka. At kung manalo ka, may premyo iyon—10k cash.”
Namangha ang mga kaklase sa offer ng guro. Ginatungan pa ito ng mga kasamahan niya sa likod—may mga humimas pa sa kanyang balikat at ulo na parang isang boksingerong lalaban. Isang kaklase ang pabirong nagsabi, “Tanggapin mo na! Malay mo, mga bobo rin ‘yung makakalaban natin. May pang-shot pa tayo!”
Wala nang nagawa si Rho kundi tanggapin ang alok ng guro, kahit gulong-gulo na siya sa lahat ng nangyayari.
Habang patungo sila sa gym kung saan gaganapin ang kompetisyon, tahimik na nauuna si Ms. Arenas. Isa siyang estudyanteng hindi lang masipag mag-aral kundi may likas ding kabaitan at pagiging matulungin. Sa unang tingin, tila wala ka nang hahanapin pa—ang tamang timpla ng talino at ganda. Ang maamo niyang mukha ay parang inililok mula sa isang anghel, at kahit pa simple ang kanyang ayos, hindi matatakpan ang natural niyang alindog.
Sumunod naman sa kanya si Ms. Perez, ang kanilang guro sa Physics. Ang babaeng kinatatakutan ng buong klase, hindi lang dahil sa pagiging masungit nito kundi dahil na rin sa kanyang talino at pagiging istrikto. Ngunit sa kabila ng kanyang matapang na personalidad, hindi maitatangging taglay niya ang isang kagandahang bihirang makita sa isang akademikong babae. Matangkad, balingkinitan, ngunit may pigurang nakakaakit kahit sa kanyang pormal na kasuotan.
Napalunok si Rho nang mapansin ang guro. Nakayuko siya habang nag-iisip—hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Isang linggo pa lang ang nakakalipas, nasa taong 2025 siya. Ngunit ngayon, heto siya, bumalik sa 2016 bilang isang estudyante, at halos wala siyang matandaan sa kabuuan ng kanyang kabataan maliban sa kanyang mga kakayahang mental. Para bang ipinagkait sa kanya ang emosyonal na bahagi ng kanyang alaala.
Dahil dito, tila naging mas sensitibo ang kanyang pakiramdam sa kanyang paligid—lalo na sa anyo ng kanyang guro. Ang hapit na itim na slacks ni Ms. Perez ay parang ikalawang balat na bumalot sa kanyang mahubog na balakang. Napansin ni Rho ang malambot ngunit matikas na paggalaw nito sa bawat hakbang, at hindi niya maiwasang itanong sa sarili… may suot ba itong underwear?
Pinilit niyang aninagin kung may bakas ng panty line, ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita. Dapat kahit seamless ay may konting guhit, pero ngayon—wala. Napalunok siyang muli, pilit kinokontrol ang kanyang isipan na huwag magpatalo sa bugso ng kanyang katawan.
Sa di kalayuan, tila napansin ni Ms. Perez ang mga sulyap ng binata. Sa una, hindi niya ito ininda, ngunit nang makita niyang tila masyadong nakayuko si Rho at hindi man lang kumikilos ng normal, biglang kumabog ang kanyang dibdib.
Naalala niyang hindi pa siya nakapaglaba nitong mga nakaraang araw kaya sa pagmamadali kaninang umaga, kung ano na lang ang nahablot niya mula sa kanyang drawer—isang itim na T-back. Napamura siya sa sarili.
“Shit…” bulong niya, bahagyang bumilis ang lakad upang makalayo kay Rho.
Alam niyang dahil sa sikip ng kanyang suot, imposible itong hindi mahalata. Kahit pa anong gawin niya, ramdam niya ang bawat hakbang na parang may gumuguhit sa kanyang balat. Hindi siya sanay magsuot ng ganitong underwear sa klase, at ngayon lang niya napansin kung gaano ito nakakailang.
Samantala, si Rho naman ay tila nawalan ng ulirat. Napansin niyang malayo na ang dalawang babae sa kanya, kaya sinubukan niyang humabol. Ngunit sa kanyang pagmamadali, hindi niya napansin na bigla palang huminto si Ms. Perez—
BLAGGG!
Bago pa siya makaiwas, bumangga ang kanyang noo sa malambot na dibdib ng kanyang guro.
Napaatras si Ms. Perez, gulat na napahawak sa kanyang harapan, habang ang binata naman ay bahagyang napatigil, naramdaman pa ang init ng lambot na sumalubong sa kanyang mukha.
“H-Hoy! Ayos ka lang?” singhal ng guro, halatang gulat ngunit may halong pag-aalalang nagpakunot sa kanyang noo. “Kanina ka pa tulala, ano bang nangyayari sa’yo?”
Hindi agad nakasagot si Rho. Naramdaman niya pa rin sa kanyang balat ang banayad na pagkakadikit sa katawan ng guro—hindi niya sinasadya, ngunit hindi rin niya agad malilimutan.
“Pasensya na, Ma’am…” alanganing sagot niya. “Kinakabahan lang po ako.”
Napansin ni Ms. Perez ang nanginginig pang kamay ng binata. Hindi niya alam kung dahil lang ba ito sa kaba sa darating na quiz bee, o kung may iba pang dahilan. Ngunit bago pa siya makasagot, aksidenteng napababa ang kanyang tingin—at hindi niya napigilang mapansin ang umbok sa harapan ng estudyante.
Saglit siyang natigilan.
Napakagat siya sa labi bago mabilis na umiwas ng tingin.
“A-Ano pa’ng tinatayo mo diyan? Bilisan mo na!” madiin niyang sabi bago mabilis na lumakad papalayo, pilit pinapakalma ang sariling damdamin.
Si Rho naman ay hindi na makapagsalita. Alam niyang nakita ito ng kanyang guro.
At sa loob-loob niya, hindi niya alam kung paano niya mapapahupa ang init na biglang sumiklab sa kanyang katawan.
- Daluyong ng Panahon – KABANATA 10 & 11: SA GITNA NG MATINDING LABAN - March 28, 2025
- Daluyong ng Panahon – Kabanata 9 - March 26, 2025
- Daluyong ng Panahon – Kabanata 8 - March 26, 2025