X
SUBMIT STORIES

Daluyong ng Panahon – Kabanata 3

Daluyong ng Panahon

Daluyong ng Panahon – Kabanata 3

By Sjr666


 

 

KABANATA 3: SA GITNA NG NAKARAAN

Sa pagsisimula ng klase, muling bumalik sa kanyang kamalayan si Rho. Nakaupo siya sa isang pamilyar ngunit matagal nang limot na silid—ang Physics Room ng kanyang kolehiyo. Puno ito ng iba’t ibang kagamitan: skeletal system, microscope, tangke ng gas, mga flash tubes, at test tubes. Sa paligid, may iba’t ibang poster ng pormula at konseptong pang-agham. Hindi niya pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Ilang beses niyang ipinikit ang kanyang mga mata, pilit na ginising ang sarili, pero tila walang epekto.

“GARCIAAAA!” Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa harapan ng klase.

Nagulat siya. Apelyido niya iyon. Agad niyang tinignan ang pinagmulan ng ingay. Nanggaling ito sa kanilang guro—si Ma’am Perez. Ang estriktang guro na kinatatakutan ng lahat. Dalaga, nasa edad 32, walang nobyo, at kilala sa kanyang mataray na ugali. Ang sinumang mahuling hindi nakikinig sa kanyang klase ay walang ligtas sa bagsak na grado.

Napatayo si Rho, bahagyang naguguluhan pa rin. “Yes po, Ma’am?” mahina niyang sagot.

Matalim ang tingin ng guro. “Tila malalim ang iniisip mo, Mr. Garcia, at lumilipad ang iyong diwa habang nagtuturo ako. Ngayon, dahil mukhang alam mo na ang leksyon, sagutin mo ito.” Itinuro niya ang nakasulat sa whiteboard.

Tumawa ang buong klase. Pero agad silang pinatigil ni Ma’am Perez.

Binasa ni Rho ang problemang nasa whiteboard:

Newton’s Second Law: A 5kg object experiences a force of 20N. What is the acceleration?

Napangiti siya. Mabilis siyang lumapit sa pisara at isinulat ang sagot:

A = F/m = 20N / 5kg = 4 m/s².

Nanlaki ang mata ng guro. Hindi niya inaasahan na masasagot ito ni Rho, lalo na sa pagiging tila lutang nito kanina.

“Tama,” ani Ma’am Perez, bahagyang nagugulat. “Buti naman at naiintindihan mo ang tinuturo ko. Umupo ka na.”

Paupo na sana si Rho nang biglang sumigaw ang ilan niyang kaklase, “Bonus naman! Bonus naman!”

Napahinto siya at muling tumingin sa pisara. May isa pang problema sa ibaba. Napangiti siya nang basahin ito.

Bonus: Hanging Mass with Acceleration in Two Directions—Two masses, m1 and m2, are connected by a light inextensible string passing over a pulley. However, the pulley itself is attached to another mass M that can move horizontally. The system is released from rest. Find the acceleration of the masses.

Lumapit muli si Rho at nagsimulang mag-solve. Habang sinusulat niya ang sagot, tahimik ang buong klase, tila naghihintay sa kanyang paliwanag. Kahit ang guro ay hindi kumibo, pinagmamasdan lamang siya. Alam niyang hindi pa nila natalakay ang ganitong uri ng problema kaya imposible na may nakakaalam nito.

Matapos isulat ang solusyon, tumuwid siya ng tayo, humarap sa guro, at maingat na ibinalik ang marker sa tray.

“Ma’am, maaari ko po bang ipaliwanag ito sa klase?” tanong niya nang may kumpiyansa.

Nagpalitan ng tingin ang ilan niyang kaklase. Hindi ito pangkaraniwan—karaniwan, ang guro ang nagpapaliwanag pagkatapos isulat ang sagot. Ngunit sa halip na sumagot agad, pinagmasdan lamang siya ni Ma’am Perez, tila sinusuri kung kaya niyang dalhin ang responsibilidad.

Ngumiti ang guro nang bahagya. “Sige, Mr. Garcia. Ipaliwanag mo sa kanila.”

Tumikhim si Rho at humarap sa klase. Itinuro niya ang diagram na iginuhit niya sa pisara—isang sistema ng mga bloke at pulley, kung saan ang isa sa mga bloke ay nakakabit sa isang gumagalaw na pulley na nakaangkla sa isang mas malaking masa.

“Ganito,” panimula niya. “Dahil hindi fixed ang pulley, may tatlong bagay tayong kailangang isaalang-alang—ang paggalaw ng mass m1, mass m2, at ang mass M na nakakabit sa pulley mismo.”

Pinunasan niya ang bahagyang pawis sa kanyang noo bago ipinagpatuloy.

“Una, kunin natin ang acceleration ng buong sistema. Ang tension T sa lubid ay hindi basta-basta pareho sa isang simpleng Atwood machine dahil gumagalaw rin ang pulley. Kaya ang unang equation natin ay mula sa second law ni Newton sa mass M:”

M * aM = T1 + T2

Itinuro niya ang sumunod na bahagi. “Para sa mga bumabagsak na masses, isulat natin ang kanilang equations of motion:”

m1 * g – T1 = m1 * a1

T2 – m2 * g = m2 * a2

Ibinaba niya ang marker at muling humarap sa klase. “Dahil gumagalaw ang pulley, ang mga accelerations a1 at a2 ay hindi independent. May relationship sila dahil sa constraint ng lubid.”

Isinulat niya ang huling equation:

2 * aM = a1 + a2

Napansin niya ang pagtaas ng kilay ng ilan niyang kaklase. “Sa madaling sabi, ang paggalaw ng pulley ay nakakaapekto sa bilis ng pagbaba at pag-angat ng mga weights. Gamit ang mga equations na ‘to, puwede nating isolve ang values ng accelerations para sa bawat mass sa system.”

Nagkaroon ng katahimikan sa klase. Ang ilan ay tumango-tango, unti-unting nauunawaan ang paliwanag, habang ang iba naman ay halatang nag-iisip pa. Muling nagsalita ang guro.

“Magaling, Mr. Garcia. Mahusay ang paliwanag mo.”

Napangiti si Rho, saka bumalik sa kanyang upuan, ramdam ang bahagyang adrenaline na dulot ng pagsagot sa harap ng klase. Isang matamis na ngiti ang lumabas sa kanyang labi.

Isa lang ang nasa isip niya—hindi na siya ang dating Rho Garcia na mahina sa klase. Sa pagkakataong ito, may alam na siya. At sisiguraduhin niyang gagamitin niya ito upang baguhin ang takbo ng kanyang buhay.

Tila makalaglag-panga pa rin ang kanyang mga kaklase, pero habang nakaupo si Rho, kita niya ang mukha ng kanyang guro na tila nagdududa sa kanyang ipinamalas. Bagamat kilala itong terror sa klase, hindi maikakaila ang angking kagandahan nito—mula sa kanyang makulot na pabagsak na buhok, hanggang sa suot nitong salamin na lalong nagpapataray sa kanyang itsura. Ang kanyang pigura ay tila biniyayaan ng perpektong hubog, isang modelo sa kabila ng simpleng suot nitong bistada na bahagyang maluwag sa kanya.

Bago matapos ang klase, may inanunsyo si Ms. Perez, “Mr. Garcia at Ms. Arenas, magpaiwan kayo at sasama kayo mamaya sa gym sapagkat kayo ang napili kong kinatawan para sa Quiz Bee Competition sa Physics.”

Subscribe
Notify of
guest


0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
error: <b>Alert:</b> Content is protected, bawal kopyahin!