Written by littlekitty
First part of my second story. TIA for reading 🙂
———–
CRIME AGAINST FRIENDSHIP
by littlekitty
Part 1 : Why Not Me?
I promised him I would unlove him for the sake of saving our friendship. Ayaw ko kasi na sarili kong damdamin ang sisira sa kung ano ang mayroon kami at naitatag over the months. Alam kong may iba siyang minamahal noon at ako lang ang matigas ang ulo na hinayaan ang sariling mahulog sa kanya. Porke siya ang tanging mayroon ako noong mga panahong iyon na karamay ko sa lahat ng bagay at nakakausap ko sa araw araw.
We were very close. He was like a kuya to me, like the cool dad I never had, medyo best friend, minsan kalandian, and almost ka-MU (mutual understanding) but not quite. Kasi mas malinaw pa sa sikat ng araw sa amin na friends lang kami, na hindi man namin iacknowledge ay naghaharutan minsan, but the better fact was, patay na patay siya sa iba.
Interestingly, dalawang beses na niyang sinabi sa akin na mahal niya din ako, pero sadly, hindi sa parehong paraan. I was only a friend to him and rather than lose him, I ought to stay that way. (typical martyr)
*in Jolina’s voice* Oh yes, kaibigan niya ako. Kaibigan niya LANG ako. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend. (wehh)
Let me take you to 2018 when I just turned 21 years old. I met an erotica writer sa Wattpad site, which was my great escape since my mid-teenage years.
Pangalanan natin siyang Axel… 27 years old, project manager sa isang kumpanya sa Manila, 5’9″ ang taas, chinito with some Chinese blood, very maputi, heavily tattooed, very fit (may defined na abs si kuya), long haired, and with great sex appeal. Malalim din pala yung boses niya, which I particularly liked about him. Pati na rin pala yung fact na very hardworking siya na tao kaya mabilis siyang nakaangat sa buhay mula sa dati niyang humble beginnings (undergrad, pahinante ng truck).
Siya ang first love ko. Kahit na nagka boyfriend ako once (si Sir Ricky), there’s no denying na mas matindi ang naramdaman kong pag-ibig kay Axel noon na hanggang ngayon ay aaminin kong namimiss ko pa din.
Noong nakilala ko si Axel ay brokenhearted ito sa paulit-ulit na pambabasted sa kanya ng babaeng gusto, si Lena. Gaya ko ay avid reader din ni Axel si Lena sa Wattpad. Noong nalaman ko na ito ang babaeng gusto niya, nagulat ako kasi 18 lang si Lena noon. Halos isang dekadang agwat!
Big deal sa akin noon kasi hindi ko pa naman nadiscover yung interest ko sa older guys that time. Akala ko isolated case ang kay Axel since siya naman ang unang nagustuhan ko talaga na mas matanda sa akin ng maraming taon. Yung mga ka-SOC ko naman years ago ay halos kaedad ko lang din, kung may matanda man ay by 1 year lang.
Going back, naging friends kami ni Lena after some time and nalaman niyang may pagtingin ako kay Axel. Sa totoo lang, kahit alam ko na gusto siya ni Axel ay hindi ako naging hostile sa kanya. Totoo ang pakikipagkaibigan ko kay Lena at wala akong masamang agenda, hindi gaya ng ibang babaeng masyadong plastik. Naniniwala kasi ako na yung malabong sitwasyon namin ni Axel ay issue naming dalawa. Labas si Lena doon.
Natutuwa ako kasi hangad ni Lena na sana daw mapansin ako ni Axel at magkatuluyan kami. Pag chinachat nga siya ni Axel ay iniiba niya ang usapan minsan at kinakamusta ako through him. May ilang beses siyang nagpakita ng screenshot sa akin (wala kasing group chat sa Wattpad). Tinutulungan niya pa nga akong mas mapansin ni Axel.
Pero sa kabila ng efforts ni Lena at sarili ko na ding effort, nang magtapat na ako kay Axel after months of hiding it, lumabas na si Lena pa rin ang gusto niya kahit ako ang lagi niyang kasama’t nakakausap (maybe 90% of the time vs si Lena na once in a blue moon lang).
Kahit masaya siya sakin at lagi siyang eager na magkausap kami, sa huli, si Lena pa rin ang gusto niyang ligawan. Naisip ko tuloy na baka kailangan ko pang patunayan ang sarili ko sa kanya (kahit nagawa ko na ang lahat) para makita niya rin balang araw ang worth ko bilang babae.
Ang kaso, makalipas ang ilang buwan ay nakamove on si Lena sa ex at nang makitang hindi nagmaliw ang interes at pagpupursigi ni Axel na suyuin siya, kalaunan ay binigyan na din niya ang lalaki ng pagkakataon. Dito nadurog ang aking munting puso.
Pero dahil kaibigan ko sila pareho, nirespeto ko iyon at mas piniling ibaon ang aking nararamdaman at manatiling mabuting kaibigan sa kanilang dalawa na always by their side to support lang.
Kailanman ay hindi ko inisip na trinaydor ako ni Lena. Umpisa palang ay siya naman na talaga. Kinailangan lang maghintay ni Axel dahil nasa proseso pa ito ng paghilom. Batid ko kung gaano kaseryoso si Axel. He used to be a man who openly flirted with women, drank hard, partied hard, fucked many. Pero itong sinusuyo niya ay isang babaeng naiiba sa kanyang nakasanayan. Lena was a delicate girl. Innocent, charming, sweet, and she sounded like a five year old (voice-wise). A bold contrast to the man that Axel was.
He even flew to another country para sundan si Lena noong umalis ito ng Pilipinas. This happened after he confessed to her and it broke him. Hindi pa ba ‘yon true love? Bakit ko hahadlangan?
Nirespeto ko. Naging masaya ako para sa kanila kahit na kalahati ng puso ko ay nalugmok sa pighati. Nilabanan ko ang sama ng loob. Sa umaga ay masaya ko silang nakakausap pero pagsapit ng gabi ay maiiyak ako sa aking pagtulog, paulit-ulit na tinatanong sa dilim, sa buwan, at mga lamok kung bakit hindi ako ang pinili. Kung kulang ba ako.
Sa huli ay nanaig ang aking sama ng loob. No, I don’t hate them. I don’t hate him. I’m just…hurt. Dahil doon, bumalik ako sa estadong kinatatakutan ko. Naging unstable nanaman ako kasi mula noong nabawasan siya ng oras sa akin, nawalan ako ng solidong masasandalan. He kept me going everyday when life felt so hard. With him gone, para akong si Pi na nastranded sa gitna ng Pacific Ocean. (reference: Life of Pi)
My anxieties drove me back to my old habits of virtually pleasing men in exchange for their company. It started when I realized that it was easier to “befriend” men than women because of the “benefits” I could afford to give.
Sinong nagsabing you can’t buy friends? You can. Siguro, hindi true friends. Pero hindi naman ako naghahanap ng totoong kaibigan noon. Ang hanap ko ay mapagtutuunan ng atensyon so I could get my mind off some things that bothered me everyday.
That habit was years ago and I only stopped when I met Axel. FYI, kahit open kami sa sex topics, we’ve never really been sexual sa isa’t isa. At kahit alam kong madali ko lang siyang madadala sa red lawn kung gustuhin ko ay hindi ko ginawa. Kasi iniba ko siya sa mga lalaking ineentertain ko noon. Ngayon tuloy ay iniisip ko kung ginawa ko yun, would he have stopped going crazy over Lena?
Months later, noong kinamusta na niya ako, napakwento ako sa kanya na bumalik ako sa dating gawain. Ganoon ako ka-transparent sa kanya kasi he meant a lot to me. Next to myself, I trusted him the most.
Pero ang kanyang nasabi ay lalo lamang gumiba sa akin. “Kate, hanggang kailan mo gagawin ‘to?”
Nakakapanliit, at nahiya ako sa realisasyong binigyan ko lamang siya ng isa pang dahilan para hindi ako piliin. Na hindi ako gaya ni Lena na inosente at mas may respeto sa sarili.
Gusto ko siyang sisihin kasi iniwan niya ako. I was so used to being affectionate to him na noong biglang natigil, kinailangan ko ng pagbabalinan no’n. Dito nangyari yung part na may nagpropose sa akin kasi nahulog sa pinaggagagawa ko.
Again, hindi ko alam kung marupok lang siyang lalaki o napasobra ako.
Ang dapat sanang SOC/SOP lang ay napunta sa months-long roleplay kung saan umaakto akong girlfriend ng isang lalaki na iniimagine kong si Axel kahit na hindi pala!
Pinagmumumura ako ng lalaki noong ipagtapat ko ang totoo sa kanya. He was very hurt. He felt used and manipulated. Umiyak pa ako noon sa labis na pagkapahiya. Guilty-ng guilty ako sa paggamit ko sa kanya.
Ganunpaman, hindi ako tumigil. I cry today, I search for another man tomorrow. Ganoon ang naging gawain ko for more than half a year, I guess.
Tatlo, apat na lalaki in that duration, pero si Axel pa rin ang talagang hanap ko.
The rest of my encounters, hindi ko na ikinwento kay Axel bilang pag-iwas na rin sa disapproval niya.
Kahit hindi na kami regular na nag-uusap, once in a while ay mangangamusta naman siya. Usap for a few days bago bigla nanamang mawawala. Sa maikling mga panahon na iyon, sa halip na magtampo ay sinulit ko ang bawat minutong nakakausap ko siya. And I would think about him, dream about him, fantasize about him.
I had an intense desire for him kahit na in his head, komportable siya sa idea na kaibigan niya pa rin ako. I wanted him for myself kahit pag-aari na siya ng iba. Gusto kong bawiin niya ang naging desisyon niya. Bawiin niya na sinabi niyang si Lena ang mahal niya dahil gusto ko ako! I was selfish like that.
And maybe at one point, I was so wicked.
Wicked to feel sad when Axel told me about Lena’s miscarriage.
Wicked, because in the deepest darkest corner of my head, inisip ko..
“Maybe you lost the child because you made love to your girlfriend when you should have fucked me instead.”
TO BE CONTINUED…
———-
From melancholic to erotic real quick. Sorry, haha.
- Crime Against Friendship (2) - May 23, 2020
- Crime Against Friendship (1) - May 20, 2020
- Kitty, The Ex, & The Not-so-sex - May 19, 2020