Written by anino
Chapter IX: The Big Event!
Kinabukasan kasama namin silang nag-agahan at nagkatuwaan pa sila at nagpaplano para mamayang gabi “ano disco tayo ha? walang mawawala” sabi ni Jake sa amin na natawa lang kami ni Jessica “basta tayong walo, magwawala tayo mamaya” sabi ni Susan sa amin. “Grabe man sab, magwala” sabi ni Helen na natawa lang sina Jake at Susan sa sinabi niya “manang man gud ka Len mao nga nakasulti ka ana (manang ka kasi Len kaya mo nasabi yan)” sabi ni Susan sa kanya “di naman manang si Helen, ok nga ang attitude niya eh” sabi ni Jessica sa kanya “kita mo si Ruben, nagloloose narin di ba pare?” sabi ni Jake sa kanya na ngumiti lang ito. “Mauna na ako sa inyo” paalam ni Alan sa amin na tumayo agad ito at lumabas ng kusina “nangyari dun?” tanong ko na napangiti lang si Leslie. “Excuse me” sabi ni Leslie na sinundan nito si Alan “di pa ata sila ok” mahinang sabi ni Helen “siguro” sabi ni Susan.
Tinuloy nalang namin ang pagkain namin at pagkatapos lumabas muna kami ni Jessica at naglakad-lakad sa likod ng bahay “ano ang plano Anton?” tanong niya sa akin “pupunta ang mga agents ng NBI dito mamayang gabi” sabi ko sa kanya. “Aattend tayo ng pageant kasama natin ang ibang agents na magpeplain clothes at babantayan natin si Charito” sabi ko sa kanya “sasama ako?” tanong niya sa akin “oo, kasi gusto ko ituro mo sa amin kung sino sa mga tao dun ang suspek natin” sabi ko sa kanya “wala akong buong profile niya, besides konte lang ang info na nakuha ko sa kanya kaya di ko masasabing siya o sino man ang suspek natin” sabi niya sa akin. “I trust and believe you honey, we need your expertise tonight” sabi ko sa kanya na napailing nalang ito at sabing “I will have to go beyond my profession on this” sabi niya sa akin na napangiti nalang ako.
“Anton” tawag sa akin ni Igme “babalik lang ako” paalam ko kay Jessica “bakit? saan kayo pupunta?” tanong niya sa akin “titingnan ko lang yung lumang gusali, baka kasi me umaaligid dun” sabi ko sa kanya “sasama ako” sabi niya “hindi! delikado nga” sabi ko “basta sasama ako!” sabi nito na nauna pa itong naglakad papunta sa damohan kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya. Yumuko kami ni Jessica nung lumabas na kami sa damohan at tumitingin-tingin kami sa paligid para masiguro naming walang tao “ano ba ang gagawin mo?” tanong niya sa akin “titingnan ko lang sa taas kung me tao bang pumunta dun after ng gabing yun” sabi ko sa kanya. “Anton!” tawag sa akin ni Igme na lumutang ito palapit sa amin “bakit?” tanong ko “mga kaluluwa nakatayo lang sa labas ng gusali” sabi niya sa akin “me sinasabi ba sila sayo?” tanong ko “ganun parin Anton, kamatayan” sabi ni Igme na kinikilabotan si Jessica “sabi ko sayong sa bahay ka nalang eh” sabi ko kay Jessica na sinuntok ako sa braso.
“We need to go back” sabi ko sa kanila na tumayo na kami at nagulat nalang kami nung me narinig kaming mga yapak “me tao” mahinang sabi ni Jessica sa amin “Igme tingnan mo kung sino” utos ko sa kanya na hinawakan ko sa kamay si Jessica at nagtago kami sa likod ng malaking puno. “Nakikita mo ba?” tanong ni Jessica sa akin nung sumilip ako sa gilid ng puno “walang tao” sabi ko “ano ang ginagwa niyo dito?” nagulat kami pareho ni Jessica nung marinig namin ito at paglingon namin si Alan pala na nakatayo na sa likuran namin. “Pare, ikaw pala” sabi ko sa kanya “ano ang ginagawa niyo dito?” tanong niya uli sa amin na kita kong me dala itong maliit na bag “ah.. ano pare.. ah..” di ako makapagsalita ng maayos na tumingin siya kay Jessica at natawa nalang si Alan. “Kayo ha? hahaha alam ko yan, ginawa na namin dati yan ni Leslie” sabi niya sa amin na napangiti nalang kami “Wag kayo dito, maraming langgam dyan dun kayo oh!” turo niya sa kabilang puno “mas maganda dun kasi tago at walang makakarinig sa inyo dun” sabi niya sa amin na bigla nalang itong umalis.
“Pare saan ka pupunta?” tawag ko sa kanya na lumingon ito “lalayo lang muna ako, nakakainis na sa bahay!” sagot niya na tuloy lang ito sa paglakad palayo sa amin “Anton!” tawag sa amin ni Igme “huli kana!’ sabi ni Jessica sa kanya. “Saan ka ba nagpunta?” tanong ko kay Igme “tiningnan kung sino yung nag-ingay kanina” sabi niya sa amin “alam na namin” sabi ko sa kanya na lumabas kami ni Jessica sa likod ng puno at naglakad pabalik sa bahay. “Si Alan?” takang tanong ni Igme sa amin “oo, di mo ba nakita?” tanong ni Jessica “paano naging si Alan eh yung ingay nasa gitna ng damohan hindi sa gilid” sabi ni Igme na napatigil kaming dalawa ni Jessica at nagkatinginan kami. Tumakbo agad ako pabalik dun sa puno at di ko na nakita si Alan kahit na hinabol ko ito sa daan na dinaanan niya kanina nawala na talaga ito. “Anton! ano ang nangyari sayo?” tanong ni Igme sa akin “si Alan.. hindi ko na makita” sabi ko sa kanila “baka malayo na kaya di mo nakita” sabi ni Jessica sa akin “dalawng minuto palang ang nakakalipas nawala na agad?” tanong ko sa kanya na napaisip sila ni Igme.
Bumalik na kami sa bahay at naghanda kami para mamayang gabi, busy din ako sa phone dahil nakipag coordinate ako sa mga agents naming dadating mamayang gabi. Yung sweeper team ang makakasama namin mamayang gabi sa pageant, nilabas ko narin ang service ko at yung ibang gamit para sa operasyon namin. “Kailangan pa ba talaga yan?” tanong ni Jessica sa akin nung nakita niyang nilagyan ko ng magazine ang baril ko “oo, para sa proteksyon natin” sagot ko sa kanya “ano ang gagawin ko?” tanong niya sa akin “para safe, sumama ka sa kanila mamaya, wag na wag kang humiwalay sa kanila” paalala ko sa kanya na tumingin ito sa relo niya at tumayo ito “kinakabahan ako” sabi niya. Nilapitan ko siya at niyakap siya “wag kang mag-alala ligtas ka pagkasama mo ako” sabi ko sa kanya “eh.. di ko parin maiwasang kabahan eh” sabi niya “don’t worry honey” sabi ko sa kanya na hinalikan ko siya sa noo at yumakap narin ito sa akin.
Kinumotan ko lang ang gamit ko na nilagay ko sa kama at bumaba kami sa kusina para maghaponan at pagkatapos nagkanya-kanya narin silang pumasok sa kwarto nila para maghanda mamaya sa pageant. Nagbihis narin si Jessica habang ako naman ay naghahanda narin sa operasyon mamaya, pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko “basta, wag na wag kang hihiwalay sa kanila” paalala ko uli sa kanya. Binigyan ko siya ng celfon at earphone “isuot mo yan at naka auto answer yan para di mo na ito pipindotin pagtumawag ako” sabi ko sa kanya na ako na mismo ang nagpasok sa wire ng earphone sa ilalim ng damit niya at siya ang naglagay sa ear piece sa tenga niya. Tinawagan ko siya na automatic na sumagot yung phone “naririnig mo ba ako?” tanong ko “malamang kaharap kita eh” sagot ni Jessica na natawa nalang si Igme. “Basta yun!’ sabi ko sa kanya na natawa narin si Jessica “loko ka talaga Anton” sabi ni Igme sa akin na lumabas na kami ng kwarto at kita naming naghintay na sila sa labas.
“Wala si Alan?” tanong ko kay Leslie “ewan ko sa taong yun, di na nagpakita simula kaninang umaga” sabi ni Leslie sa akin “nakita namin siya kanina na me dalang maliit na bag” sabi ni Jessica sa kanya na kita naming parang wala lang kay Leslie ang sinabi ni Jessica sa kanya “bahala siya!” sabi niya na sumakay na kami sa kotse namin at nagkasya silang lima sa likod. Ang ingay nila sa likod na nagtatawanan at nagkukulitan na umupo na sa gitna namin ni Jessica si Jake at kumakanta pa ito. Pagdating namin sa plaza agad silang lumabas at nagstretch pa ang iba dahil parang sardinas kasi sila sa likod. “Ang ganda!” sabi ni Jessica nung makita niya ang mga iba’t-ibang kulay na naka decorate sa stage “me mas maganda pa niyan mamaya, di ba Ed?” sabi ni Jake sa akin na nakangiti itong nakatingin sa akin “hahaha loko ka talaga Jake!” sabi ko sa kanya na natawa lang ito.
“Agent M” tawag ng isa sa agent namin sa linya na napatingin sa akin si Jessica “honey, ibibili kita ng makakain ha?” paalam ko sa kanya “ah.. sige Hon salamat” sagot ni Jessica “ang sweet talaga ni Edwin” sabi ni Helen na yumakap ito kay Ruben “oo na” sabi niya na natawa lang kami. “Sige hon sunod lang ako” sabi ko kay Jessica na sumama siya sa kanila papunta sa stage “Agent K, give me a sit-rep (situation report)” sabi ko sa linya “prospect is already on the scene, four gents (gentleman/agents) are on the playground, so far there are no suspicious persons sighted” balita niya sa akin “affirmative, Agent K please keep me informed and be alert” sabi ko sa kanya “acknowledged” sagot niya at nawala na ito sa linya. Pumunta ako sa isang stall at bumili ng pagkain “Sir!” tawag pansin sa akin na napalingon ako sa likod ko “uy, kayo pala” sabi ko sa mga istudyante ko “Sir, bilhan mo naman kami niyan” sabi ni Teresa “ah hahaha, kulang ang pera ko” sabi ko sa kanya “kuripot!” sabi ni Ethel “hahaha” natawa nalang ako.
Wala akong nagawa dahil sa sobrang pangungulit nila nakabili tuloy ako ng tatlo pang kakanin at nagpasalamat naman sila nung nabayaran ko na “basta mag-aral kayo ng mabuti ha?” bilin ko sa kanila “basta bibilhan mo kami nito Sir, walang problema” sabi ni Ethel na natawa lang ako. “Hon” tawag ko kay Jessica at binigay ko sa kanya ang binili ko “kumusta na?” tanong niya sa akin “on schedule” sagot ko at nagsimula narin ang program kaya nanood na kami. Umaalis-alis si Igme para magmasid “Agent M, gents 2 spotted an unusuall fellow” report ni Agent Kintanar sa akin kaya nilapit ko ang mukha ko kay Jessica na kunwaring hahalik ako sa kanya para lang sagotin ang tawag ni Kintanar sa akin “please invistigate and make minimal interactions with the crowd, we don’t want our suspect to notice us” sagot ko sa kanya at humalik ako sa pisngi ni Jessica na tumingin ito sa akin at nginitian ako.
“Gents 2 here, person is heading towards the back stage. Gents 3 please be warned” report nito sa amin “Gents 3 here, copy that Gents 2” sagot nung isa kaya nilapit ko uli ang mukha ko kay Jessica “hon, alis muna ako” paalam ko sa kanya “sige” sagot niya “Honey, bilhan mo pa ako ng isa” sabi ni Jessica sa akin “gusto mo pa? sige ibili kita” sabi ko na nagpaalam ako sa kanila at tumango naman sila kaya saktong cover ito sa akin para makapunta ako ng back stage. “Agent M here, moving in towards the prospect” sabi ko sa linya na lahat sila sumagot ng “acknowledged!” at nakita ko ang mga kasamahan kong nag converge papunta sa back stage “Gents 2 please identify the person” sabi ko sa linya “wearing black pants, blue shirt and red cap” pag-dedescribe niya sa taong sinususpetsahan niya “akcnowledged Gents 2, target spotted” sagot ko na nakita ko pang palingon-lingon yung lalake at sininyasan ko agad si Gents 3 na lapitan niya na agad itong gumalaw at hinawakan sa likod ang lalake na lumapit ang dalawang pang Agents sa kanya at hinila nila ito palayo sa backstage.
“Ha.. ki.. kinsa mo? (sino kayo?)” tanong niya sa kanila “security bai, unsa may gibuhat nimo didto?” (security pare, ano ang ginagawa mo dun?) tanong ni Dela Cruz sa kanya na marunong itong magsalita ng bisaya. “Ah.. kuan.. kuan Sir (Ah ano Sir)” sabi niya na tinanggal ni Dela Cruz ang baseball cap niya at nakita ko ang mukha niya sa kinatatayoan ko “Attention Gents! kilala ko ang batang yan” sabi ko sa linya na kita kong sabay silang napahawak sa tenga nila “say that again?” tanong ni Dela Cruz “si Alfred yan, boyfriend ni Charito” inform ko sa kanila “is he a threat?” tanong niya “negative” sagot ko na kita kong binitawan na nila ito at pinaalis “ayaw pagsaba ani ha? kundi (wag kang maingay ha, kundi?)” banta ni Dela Cruz sa kanya na napailing nalang ako. “False alarm” sabi ni Dela Cruz sa linya at bumalik na sila sa position nila kaya pumunta uli ako sa stall na binilhan ko ng kakanin kanina at bumili ng isa at naglakad pabalik kay Jessica.
“Anton!” tawag sa akin ni Igme “Igme, bakit?” tanong ko “Anton, yung mga kaluluwa” sabi niya sa akin na tinuro nito ang likod ko kaya napalingon ako at nagulat nalang ako na nakatayo na sa likod ko yung apat. Nakalutang ito at umiiyak “ano ang kailangan nila?” tanong ko kay Igme “hustisya, katarungan” sabi ni Igme sa akin “teka, bakit apat lang sila?” tanong ko kay Igme “hindi ko alam kung nasaan ang isa” sabi ni Igme sa akin na biglang nagkagulo nalang sa stage kaya napatakbo ako papunta dun. “AGENTS WHAT’S GOING ON?” tanong ko sa linya “LEAD! SOMEONE IS ON THE STAGE” balita ng isang Agent sa akin na kita kong me taong me hawak na patalim at ginawang hostage ang isa sa mga contestants “what about the prospect?” tanong ko “prospect is safe, Lead!” balita ni Agent 3 sa akin na nagbabantay kay Charito. “Lead, please advise?” tanong ng Agent sa akin “stay put, let’s have the locals take care of this” advise ko sa kanila na sabay silang nag “acknowledged.”
Di kasi namin priority ang ganitong sitwasyon at ayaw din naming ipaalam na me operasyong nagaganap sa event na ito kaya nagmamadali akong bumalik kay Jessica at kita kong wala na sila sa kinauupoan nila. “Baka pinaalis na sila ng mga pulis” sabi ko sa sarili ko na kita kong palutang-lutang lang si Igme sa ibabaw ko “Igme, hanapin mo si Jessica” utos ko sa kanya na tumitingin-tingin ito sa paligid “ayun sila” turo ni Igme sa me bakery kaya tumakbo agad ako papunta dun at nakita ko lang sina Jake, Susan, Ruben at Helen na wala si Leslie at si Jessica “guys” tawag ko sa kanila “Ed” tawag ni Ruben sa akin “nakita niyo ba si Lara?” tanong ko sa kanila. “Nagpaalam sila ni Leslie na uuwi sa bahay” sabi ni Susan sa akin na nagulat nalang ako “di ba siya nagpaalam sayo?” tanong ni Susan sa akin “hindi” sagot ko na agad kong tinawagan ang phone ni Jessica at isang ring lang sumagot na ito “wag kang maingay.. hehehe mag eenjoy ka… Jessica” dinig kong boses ni Leslie sa linya na nagulat ako dahil tinawag niya sa totoong pangalan si Jessica at hindi Lara na alias niya.
“Fuck!” sabi ko nalang “excuse me?” sabi nung isang babae sa akin nung nagmura ako “Ed, me problema ba?” tanong sa akin ni Jake “wala pare, sige susundan ko nalang sila” paalam ko sa kanila na tumakbo ako papunta sa kotse ko. “All Agents be advised, the doctor has been abducted, I repeat the doctor has been abducted!” balita ko sa kanila na agad silang rumesponde. “Agent De Guzman please stay with the prospect while we take care of the situation” utos ko sa kanya “acknowledged, Lead” sagot niya. “Lead, go! We will be right behind you” sabi ni Dela Cruz sa akin na kita kong sumakay din sila sa kotse nila. Umalis na kami ni Igme sa plaza at binilisan ko ang takbo ng kotse na halos paliparin ko na ito para mahabol ko sila Leslie at Jessica “Anton” tawag sa akin ni Igme na kita ko ang maraming kaluluwang lumulutang papunta sa direksyon ng lumang gusali. “oh shit!” sabi ko na inapakan ko na hanggang nakatapak na sa sahig ang accelerator ng kotse para lang makahabol sa kanila.
“Paano naging si Leslie ang killer?” tanong ni Igme sa akin “yun nga din ang tanong ko eh, pero yun ang narinig ko sa linya tinawag niya si Jessica sa pangalan niya at hindi Lara” sabi ko sa kanya habang nagmamaneho ako. “Ang gulo Anton, ang layo sa mukha ni Leslie ang maging kriminal” sabi niya “gaya nga ng sabi ni Jessica sa briefing room, wala sa mukha ng tao ang pagiging psychopath niya” sabi ko kay Igme. “Ibig sabihin nun sa ganda ni Leslie me halimaw palang nakatago sa loob niya?” tanong ni Igme sa akin “oo, parang ganun na nga” sagot ko sa kanya na nakita ko na ang lumang gusali at kita ko na din ang maraming kaluluwang nakapalibot nito. “Shit!” sabi ko dahil sobrang dilim ng paligid at nakatago ang buwan sa likod ng ulap “Anton, di ko gusto ang sitwasyon na ito” sabi ni Igme sa akin dahil lahat ng kaluluwang nakapalibot sa lumang gusali galing pa ito sa iba’t-iba siglo dito sa pilipinas.
Pinarada ko ang kotse ko malayo lang sa lumang gusali kasi wala ng daan na pwede kong daanan para mapalapit kami, nakita ko din ang ilaw ng kotse ng mga kasamahan ko pero di ko na sila hinintay at tumakbo na ako papunta sa lumang gusali. “Shit, shit, shit, shit, shit, shit” napamura ako nung nadaanan ko ang mga kaluluwang palutang-lutang sa paligid na lahat sila napatingin sa akin at yung iba pilit pa akong hawakan na nanginig ako sa sobrang lamig ng mga kamay nila. Nakita kong huminto sa tabi ng kotse ko ang sasakyan nina Kintanar at papasok na sana ako ng building ng biglang me nagpaputok sa ibabaw nito at pinagbabaril ang sasakyan ng mga agents namin na kita ko silang napatalon sa damohan “AGENTS!” tawag ko sa linya “Lead, we are fine!” sagot ni Kintanar sa akin “we can’t move, we are pinned down” sabi ni Dela Cruz sa akin “I will take care of the shooter” sabi ko sa kanila at pumasok na ako sa loob na pansin kong wala sa likuran ko si Igme “ano?” tanong ko sa kanya “di ako makakapasok Anton” sabi niya sa akin na napatingin ito sa itaas na me nakasulat itong di namin maintindihan “mag ingat ka!” bilin niya sa akin na tumango ako at umakyat sa hagdanan.
Hawak ang baril ko dahan-dahan akong umakyat sa second floor at kita ko ang mga kaluluwang nakatira dito na tila takot sila sa presensya ng taong nasa taas “mag-ingat ka!” sabi nung isa sa akin “hoy, wag kang makialam” sabi naman nung matanda sa kanya na halatang takot talaga ito. “Ano ho ba ang rason bakit kayo parang takot sa taong yun?” tanong ko sa kanila “kamatayan” sabi nung matanda na hinila niya yung bata at bigla silang nawala. “Kamatayan” sabi ko na tumigin ako sa taas at tinawagan ko uli si Jessica na isang ring lang sumagot ito “Jessica?” tanong ko sa linya “hindi!” me sumagot sa kabilang linya kaya napaupo ako sa gilid at kinausap ko ito “….Leslie?…” tanong ko na huminga lang ito bago sabing “hello.. Agent Marasigan” sabi niya sa linya na napatigil ako “paano mo nalaman ang totoong pangalan namin?” tanong ko sa kanya “hmp! i’m not that stupid, NBI Agent Anthony Marasigan” sabi niya sa akin na buong pangalan ko na ang binanggit niya “don’t worry, Dr Jessica Dela Rosa is safe with me” sabi niya “nasaan si Jessica?” tanong ko “I said safe siya” sabi niya sa akin.
“But… kung di ka darating in time.. baka… hahahaha..” natawa ito na biglang kumidlat at umihip ang hangin “oohhh.. just in time..” sabi niya sa linya “bakit mo ginagawa ito Leslie?” tanong ko sa kanya “bakit? for fun! for excitement! for.. the thrill of killing!” sabi niya sa akin. “Ikaw din ba ang pumatay kay Elizabeth?” tanong ko sa kanya na nakarecord ang conversation namin sa phone ko “hmp! hehehe… well.. if you really must know, yeah.. I killed her!” kompisal niya sa akin. “Paano mo siya pinatay? Ano ang rason mo para patayin siya?” tanong ko sa kanya “me ginawa siyang malaking kasalanan sa akin, sinabihan ko na siya noon na layoan niya si Alan pero… well… alam mo na ang nangyari sa kanya, Agent Marasigan” kwento niya sa akin. Gumalaw na uli ako at umakyat ng dahan-dahan sa hagdanan papunta sa third floor at huminto uli ako nung nasa floor na ako.
“Ano ang connection ni Alan kay Elizabeth?” tanong ko sa kanya “ex-girlfriend ni Alan si Elizabeth, iniwan siya ni Alan para sa akin pero umaaligid-aligid parin siya kahit alam na niyang ako ang pinili ayaw parin niya itong tanggapin, ilang beses ko na siya winarningan, binantaan ko pa siya pero hindi siya nakinig kaya wala akong ibang choice” kwento ni Leslie. “Kaya mo siya pinatay?” tanong ko na nasa paanan na ako ng hagdanan paakyat sa fourth floor. “Mahal na mahal ko si Alan, ako ang pinili niya kaya karapatan ko lang pinaglaban ko” sabi niya sa akin “mahal mo si Alan pero nakikipagtalik ka sa iba? Pagmamahal ba ang tawag dun?” sabi ko sa kanya “hindi mo ako kilala, wag mo akong husgahan” sabi niya sa akin na narinig kong nagpaputok uli ito sa taas pero nagtaka ako na wala akong narining na putok ng baril sa linya.
“Hindi kita hinuhusgahan sinasabi ko lang ang nakikita ko” sabi ko sa kanya na dumungaw ako sa fourth floor at kita kong walang tao sa paligid kaya dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan at narinig ko uli ang putok ng baril sa pinakadulo ng floor kaya dahan-dahan na akong lumapit dun. “Ginagawa ko yun dahil bilang isang babae me pangangailangan din ako” rason niya sa akin “ikaw Agent Marasigan, bakit mo nagawa ang ginagawa mo sa ibang babae kung me karelasyon ka na?” tanong niya sa akin “Iba ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo” sagot ko sa kanya na nakayuko akong papalapit sa isang kwarto sa dulo ng fourth floor. Narinig ko uli ang putok ng baril na bigla nalang nawala sa linya si Leslie at bigla nalang akong pinagbabaril ng taong nasa loob ng kwarto kaya napatalon ako sa gilid at dumapa sa sahig. “Marasigan!” sigaw ni Kintanar sa linya “i’m ok” sagot ko “suspect is in the next room, i’m going to engage” advise ko sa kanya “negative, wait for us we are already near the building” inform niya sa akin.
“Negative, suspect is moving in my location need to engage” sabi ko sa linya sabay putok ko ng baril ko na kita ko ang hugis ng lalakeng biglang napayuko sa gilid at nagtago ito sa view ko “HOLD YOUR FIRE! I’M AN NBI AGENT! PUT DOWN YOUR WEAPON AND LAY ON THE FLOOR!” utos ko sa kanya na pinaulanan uli ako ng bala kaya napadapa uli ako sa sahig. “Marasigan!” sigaw ni Kintanar sa linya at napalingon ako sa likuran ko na me kaluluwang nakatingin sa akin kaya gumapang ako paatras sa position ko at bumalik malapit sa me hagdanan. “Marasigan don’t shoot we are coming up” inform sa akin ni Kintanar na nakita ko silang umakyat sa hagdanan mula sa third floor “GET DOWN!” sigaw ko sa kanila na pinagbabariil sila ng suspect buti nalang nakatago sila. “How many are there?” tanong ni Kintanar sa akin “Only one person is moving inside, I don’t know about the rest” sabi ko sa kanya
“The doctor?” tanong niya “I believe she is not here” balita ko sa kanya “what?!” “nakausap ko si Leslie sa linya at wala aknog naririnig na putok ng baril sa end niya kaya inassume ko na wala sila dito ni Jessica” balita ko. “Then who is shooting at us?” takang tanong ni Kintanar sa akin “flash granade!” sabi ko sa kanya na dumungaw si Dela Cruz at pinaslide sa akin ang isang flash grenade at tinaggal ko ang pin at binato ko ito sa loob ng kwarto sabay takip namin ng tenga at ilang segundo lang ay pumutok ito. “MOVE!” sigaw ko sa kanila na tumakbo kami papasok sa loob ng kwarto at gamit ang flashlight nakita namin ang suspect na nakadapa sa sahig at hawak ang tenga niya. “Apprehend him!” utos ni Kintanar sa kasamahan namin na agad nilang pinusasan at binaling ko ang flashlight ko sa paligid na nakita kong me babaeng nakaupo sa gilid ng kwarto at nakatlikod ito sa amin “Kintanar!” tawag ko sa kanya na napatingin kaming lahat dun sa direksyon na yun.
“Slowly!” sabi niya sa akin nung nilapitan namin ito at inilawan namin ang mukha niya at nagulat nalang ako dahil si Stella ang nakaupo sa silya at nakatali ang mga kamay at paa nito “Stella?” sabi ko “do you know these person, Marasigan?” tanong ni Kintanar sa akin “oo, siya yung bar owner sa kabilang bayan” sabi ko. “Sir!” tawag ni Martinez sa amin na lumapit kami sa kanya na kita naming naka ski mask ang taong nambaril sa kanila kaya hinubad ito ni Kintanar na nagulat nalang kami dahil si Alan pala ito “Alan!” tawag ko sa kanya na kita kong napangiti lang ito “wala na kayong oras, di niyo na siya maabotan pang buhay!” sabi niya sa amin. “Nasaan sila?” tanong ko sa kanya “hahaha.. putang ina mo..!” sabi ni Alan sa akin. “Why are you doing this?” tanong ni Kintanar sa kanya “for thrill, for fun… for the love of the killing..” kapareho ang sagot niya sa sagot ni Leslie.
Tumunog ang phone ko na kita kong numero ni Jessica kaya sinagot ko ito “nahuli niyo na ba si Alan?” tanong ni Leslie sa linya “nasaan kayo? nasaan si Jessica?” tanong ko sa kanya “like I said safe siya” sabi ni Leslie sa linya. “Anton!” tawag sa akin ni Igme na lumapit ako sa me bintana “alam ko kung nasaan sila” sabi niya sa akin sabay turo sa direksyon ng bahay “Kintanar take him into custody” sabi ko sa kanya sabay takbo ko papunta sa hagdanan “where are you going?” tawag niya “I know where they are” sagot ko sa kanya na nagmamadali akong bumaba ng hagdanan at lumabas ng building. Napansin kong lumutang sa ibabaw ko si Igme nung nasa labas na ako at papunta sa damohan “Igme mauna kana!” utos ko sa kanya na mabilis itong lumipad patungo sa bahay at huminto ako nung tanaw ko na ito at hinintay ang signal niya. Kumaway siya sa akin kaya lumapit ako sa likod at binuksan ang pinto, tahimik ang buong bahay kaya pumasok na ako sa loob at nung nasa sala na ako me narinig akong ingay sa taas “Igme” turo ko sa taas na lumutang ito paakyat sa taas.
Nakita ko siyang nasa tapat ng pinto nina Leslie kaya sininyasan ko siyang pumasok sa loob na lumusot ito sa pintoan “IGME!” narinig ko ang boses ni Jessica sa loob kaya dahan-dahan akong humakbang palapit sa pinto ng biglang me pumutok na baril sa loob ng kwarto at tumama ito sa pintoan kaya napadapa ako sa sahig. “WAG KANG LALAPIT!” dinig kong sabi ni Leslie sa loob kaya umikot ako at tinadyakan ang pinto habang nakahiga sa sahig na pinagbabaril ni Leslie ang pintoan nung bumukas ito. “Leslie!” tawag ko sa kanya na narinig ko ang pagbagsak ng magazine sa sahig at pagkasa ng baril niya, bumangon ako at sumandal sa gilid ng pintoan “Leslie!” tawag ko uli sa kanya “ibaba mo na ang baril mo at sumuko kana” utos ko sa kanya “hindi!” sagot niya sa akin na narinig kong sumigaw si Jessica kaya wala akong choice. “Pwede naman natin itong pag-usapan” sabi ko sa kanya “ibababa ko ang baril ko, tingnan mo” sabi ko na pinakita ko sa kanya ang baril ko habang nakatago ako sa gilid na pader.
Binitawan ko ang baril ko at dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto habang nakataas ang mga kamay ko “wala akong armas, kita mo hinulog ko ito sa sahig” sabi ko sa kanya na tinadyakan ko pa ito na tumama sa sapatos ni Jessica. “Wala na akong kargada” sabi ko sa kanya na kita kong nagtatago siya sa likod ni Jessica at nakatutok ang baril sa ulo niya “yung mga kasamahan mo?” tanong niya sa akin “nasa labas sila, di kana makakatakas pa Leslie kaya sumuko kana” sabi ko sa kanya. “Hindi! hindi ako susuko” sabi niya sa akin “Anton” tawag ni Igme sa akin “wag muna Igme” sabi ko “Igme?” takang tanong ni Leslie sa akin na napatingin lang ako sa kanya “a..ano ang sabi mo kanina?” tanong ni Leslie sa akin “sumuko kana..” pinutol niya ako “hindi yan! yun kani-kanina lang.. yung..” sabi niya “Igme?’ tanong ko na kita kong parang nagulat siya nung binanggit ko ang pangalan ni Igme.
“Ba…bakit mo.. bakit mo sinabi ang pangalang yan?” gulat na tanong niya sa akin “ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya “SAGOTIN MO AKO! BAKIT MO BINANGGIT ANG PANGALAN NA YAN?!” sigaw niya sa akin na tinutok niya sa akin ang baril niya. “Kaibigan ko si Igme, bakit?” tanong ko “im..imposible… ” sabi niya na napatingin ito sa paligid at tumingin si Leslie sa akin “niloloko mo ba ako?” tanong niya sa akin “bakit naman kita lolokohin?” sabi ko sa kanya na bigla nalang akong binaril sa braso kaya napabagsak ako sa sahig “AAHHH…” napasigaw ako sa hapdi “ANTON!” sabay sila ni Jessica at Igme nung makita akong bumagsak sa sahig. “BAKIT MO KILALA SI IGME?” tanong ni Leslie sa akin nung bumangon ako at umupo sa sahig habang hawak ang kanang braso ko “ANTON! ok ka lang ba?” tanong ni Igme sa akin “ok lang ako, Igme” sabi ko sa kanya “BAKIT MO BINABANGGIT ANG PANGALANG YAN DITO?” sigaw ni Leslie sa akin na tinutok ang baril niya sa ulo ni Jessica.
“Nandito si Igme, isa siyang kaluluwa” sabi ni Jessica sa kanya “kaluluwa? KALULUWA? PINAGLOLOKO NIYO BA AKO?!” galit na sabi ni Leslie sa amin na pinokpok niya sa pwet ng baril niya ang ulo ni Jessica at tinutok agad sa akin ang baril niya nung tumayo ako. “WAG MO SIYANG SAKTAN!” sigaw ko kay Leslie. “Pa…paano… Igme..Igme…” sabi ni Leslie na parang nagpanic ito at pansin kong nangingig ang kamay nito. Nakita kong hinimatay si Jessica dahil sa pagpalo ni Leslie sa ulo niya “Igme” mahinang tawag ko sa kanya “ano Anton?” tanong niya “naalala mo ba yung bagay na pinagbawal ko sayo?” tanong ko sa kanya na napatingin ito sa akin “bakit?” tanong niya “gawin mo ngayon” sabi ko na napanganga siya “seryoso ka?” “di ako nagbibiro” sabi ko sa kanya habang nakatingin ako kay Leslie.
Tumingin ako sa baril ko sa paanan ni Jessica na nakuha ito ni Igme kaya tumango lang ito at bumaba sa sahig at nawala ito “Leslie, bakit parang balisa ka pagbinabanggit ko ang pangalan ni Igme?” tanong ko sa kanya. “Hi.. hindi mo ba alam? Ma…matagal na siyang patay, tatlumpong taon na ang nakakalipas” sabi niya sa akin na nagulat nalang ako sa sinabi niya “paano mo nalaman yan?” tanong ko sa kanya “hindi.. imposible ito… pi.. pinatay siya ni.. ” sabi ni Leslie na binaril niya ako kaya napayuko ako at di niya ako natamaan. Nakita kong lumusot sa ilalim ng upoan ni Jessica si Igme at pumasok ito sa katawan niya. “IGME!” sigaw ko sa kanya na biglang nagising si Jessica at tinadyakan ang baril sa paanan niya na nagslide ito papunta sa akin at agad siyang tumagilid para makaalis sa harapan ni Leslie.
Agad kong dinampot ang baril ko at tinutok ito kay Leslie na kita kong nagulat ito kaya binaril ko siya sa balikat at nabitawan niya ang baril niya at napasandal ito sa pader. Agad akong lumapit sa kanya at sinipa ang baril niya palayo at tinutokan ko siya “Leslie!” tawag ko sa kanya na nakahawak ito sa braso niya “putang ina mo!” sabi niya sa akin “inaaresto kita sa salang pagpatay kay Elizabeth Luna” sabi ko sa kanya. “Marasigan!” tawag sa akin ni Kintanar sa labas ng kwarto “ok na!” sagot ko sa kanya na pumasok sila ni Dela Cruz sa loob ng kwarto at dinampot nila si Leslie na napangiwi ito sa sakit. “Local police are on their way” balita sa akin ni Kintanar “thanks” sabi ko “kailangan nating gamotin ang sugat mo” sabi ni Dela Cruz sa akin “no, siya muna” sabi ko sa kanila na kita nila ang dugo sa braso ni Leslie. Tinakpan ko ng tela ang sugat ko at kinalagan ko si Jessica at tinulongan ko siyang tumayo, nilabas na nina Kintanar at Dela Cruz si Leslie “ok ka lang ba, Anton?” tanong ni Jessica sa akin magkahalong boses niya at ni Igme ang narinig ko.
“Lumabas kana dyan” sabi ko sa kanya “wag muna, tagal ko na di nagawa ito eh” sabi niya sa akin “loko ka, lumabas kana sa katawan ni Jessica” sabi ko uli sa kanya “teka, teka.. Anton” tawag niya sa akin dahil naglakad ako palabas ng kwarto. “Ano?” tanong ko sa kanya na kita kong hinawakan niya ang kanang suso ni Jessica at sabi “got milk?” nakangiting sabi niya na natawa nalang ako at tinulak ko siya na parang nakuryente kaming dalawa at nakita kong natumba nalang sa kama si Jessica at naiwang nakalutang si Igme sa harapan ko. “Ay.. me isa pa sanang akong hahawakan eh” sabi niya sa akin na napailing nalang ako “tulongan mo nalang akong gisingin si Jessica” sabi ko sa kanya. “Ang sakit ng ulo ko” sabi ni Jessica sa akin nung nagising na ito “pinalo ka ni Leslie kaya hinimatay ka” sabi ko sa kanya “si Leslie?” tanong niya “nahuli na namin” nakangiti kong sabi sa kanya “oh no, me sugat ka” sabi niya “ok lang ito, malayo sa bituka” sabi ko na pinindot niya ang sugat ko kaya napasigaw ako “yeah malayo sa bituka” sabi niya sa akin na natawa lang si Igme.
Nakita namin sinakay si Leslie sa ambulance habang si Alan naman ay nasa likod ng sasakyan nila Kintanar “good job Agent Marasigan, Dr Dela Rosa” sabi sa amin ni Agent Kintanar “salamat sir” sabi ko sa kanya na nagkamayan kami at kinamayan din niya si Jessica. “Sir, kailangan niyo din pong pumunta sa ospital” sabi nung gumamot sa braso ko “ako na magdadala sa kanya” sabi ni Jesica sa kanya “sige po” sabi nito at sumakay na siya sa ambulance at umalis na sila kasunod ang mga pulis at sina Kintanar. Naglakad na kami papunta sa kotse namin na dinala ni Martinez kanina dito “Anton” tawag ni Igme sa akin na napalingon kami sa kanya at nakita namin si Elizabeth na nakangiting nakatingin sa amin. Nakikita na siya ni Jessica since naka psychic-link parin kami “salamat….” sabi ni Elizabeth sa amin na biglang me liwanag na nanggaling sa itaas at kita naming ngumiti siya at dahan-dahan na siyang umangat. “Hala!” sabi ni Jessica na napatakip ito sa bibig niya habang kinukuha na si Elizabeth ng sundo niya “salamat….” huling narinig namin sa kanya bago nawala ang liwanag.
“After life” sabi ni Jessica “oo” sagot ko “ganun din ang nakita kong liwanag nung kinuha nila si papa at si mama” kwento ko sa kanya “yung gamit natin” sabi ni Jessica na kinuha muna namin sa loob at umalis na kami papuntang ospital. “Good job, Agent Marasigan” sabi ni Sir Raymund sa linya nung naka admit na ako sa ospital “salamat po sir!” sagot ko sa kanya “I couldn’t have solved the case without the help of the team and Dr. Dela Rosa” sabi ko sa telepono. “How is the doctor?” tanong niya sa akin na kita kong natutulog sa sofa sa kwarto ko si Jessica “sound a sleep” sabi ko kay Sir “she deserve the rest and you too, Agent Maraisgan” sabi niya sa akin “thank you Sir!” “get well and I’ll see you soon” sabi niya at binaba na niya ang phone. Napatingin ako kay Igme na nakalutang lang itong nakahiga sa ere malapit sa kama ko at naalala ko ang sinabi ni Leslie kanina tungkol sa kanya.
Itutuloy…
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021