Celebrity Unleashed: A Gamer’s Life – Chapter 8 (Finale)

Stalker_Eyes

Written by Stalker_Eyes

 

Celebrity Unleashed: A Gamer’s Life
Chapter 8: The Last Stand

Ang karugtong…

Mabilis na nakatakbo si Sammie palabas ng torture chamber ni Kiko. Naka-bathrobe lang ito dahil hindi niya mahanap ang suot nitong damit kanina. Pinaghahanap pa rin niya ang kaibigang si Devon.

“Bestie? Devs?” tawag ni Sammie. Ngunit wala pa ring Devon sa paligid.

Sa di kalayuan, maririnig ang boses ni Kiko na pinaghahanap pa rin ang dalagang artista na nakatakas. Nagmamadali na si Sammie tumakbo palabas ng lugar. Nang biglang…

“Sammie! Sumakay ka na dito. Dali!” anang isang boses. Hinanap ng dalaga ang pinagmulan nito. Ilang saglit pa’y nahanap din niya kung saan nanggaling ang boses na iyon. Laking tuwa naman niya na nakilala niya kung sino ang tumawag sa kanya.

Si Lance.

“Lance!” wika ni Sammie. “It’s good to see you again.”

“Sammie. We got her. Na-rescue na namin si Devon. We need to get out of here bago pa tayo mahuli ng Kiko na yan,” sagot ni Lance at pinaandar na niya ang sasakyan. Tumabi si Sammie kay Devon at kinamusta ang kaibigan.

“Bestie…” sabi ni Sammie na medyo hinihingal na. “Thank goodness you’e okay…”

“No need to thank me,” sagot ni Devon. “Kay Lance ka magpasalamat.”

Di nagtagal ay may nakarinig silang putok ng baril sa likuran. Sinilip ni Lance ang sasakyan na nasa likuran nila. Ito na yung sasakyan ni Kiko!

“Shit…” ani Lance. “Kailangan nating umiba ng direksiyon. Sumusunod sila sa atin!”

Nagdesisyon si Lance na umiba ng direksiyon. Nakita niya ang isang side road sa kanan at doon na sila dumaan.

Samantala, sa sasakyan ni Kiko…

“Damn it!” galit na sigaw ni Kiko. “I won’t allow them to get away. I want Devon back!!!” Pagkatapos ay madiin na niyang inapakan ang gas ng sasakyan para habulin ang sasakyan lulan sina Devon na pilit lumalayo sa kanya.

Ilang saglit pa’y nakatanggap siya ng voice message.

“Boss. Nahanap na namin ang sasakyan.”

“Tell me the location.”

“Nasa 25th street corner 37th avenue.”

“Ito ang gagawin niyo: gumawa kayo ng barricade sa tapat ng 18th street. I think doon sila papunta eh. Siguraduhin niyong hindi na sila makakatakas pa. And make sure you get Devon back from them.”

“Copy that, Boss.”

Mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan ni Kiko. “Devon. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala sa akin. Dahil akin ka lang!”

Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating na sa 18th street ang sasakyan ni Lance. Nagulantang sila dahil may nakaharang sa daan. Napakaraming mga sasakyan at tao.

“Damn it!” sigaw ni Lance. “Sammie, kailangan niyong mag-stay dito sa loob ng sasakyan. Ako na ang bahala dito.”

Tumango ang dalawang babae at nilagyan na ni Lance ang baril ng bala at maingat na lumabas ng sasakyan. Ang mga naiwan sa sasakyan na sina Devon at Sammie ay hindi rin maiiwasan ang mag-alala para kay Lance.

Hinarap ni Lance ang pinakamabigat na pagsubok sa buong buhay niya. Hindi niya akalain na sa mga laro lang nagaganap ang mga ganitong uri ng scenario. Kailangan niyang labanan ang mga tauhan ni Kiko para maligtas ang buhay ng dalawa. Ngunit napakarami ng mga tao at sasakyan na nag-aabang.

“Hmmm… I need to do this myself. Wala na akong ibang choice kundi lumaban,” sabi nito sa sarili.

Ilang saglit pa’y nakipagpalitan na ng putok ang mga tauhan ni Kiko at si Lance. Nagawa namang maitumba ni Lance ang mga tauhan ni Kiko gamit ang kanyang baril. May ilan pang mga tauhan na akmang sugurin si Lance pero isa-isa rin silang tinumba ng mga kamao at sipa ng binata.

Nakarating na rin ang sasakyan ni Kiko. Inaantay ni Lance ang paglabas ni Kiko sa sasakyan. Ilang sandali pa’y lumabas na din ito ng sasakyan.

“Kiko!” wika ni Lance. “Layuan mo na si Devon at Sammie. Hindi ka na mahal ni Devon eh!”

“Wala akong pakialam!” pangungutya ni Kiko. “Basta ang akin lang, akin lang si Devon. Naintindihan mo?”

“Kiko naman… Hindi mo ba alam yun? Ilang beses ka na niyang nire-reject pero bakit ba balik ka pa ng balik? Eh binasted ka na niya eh!”

Nagulat si Kiko dahil nagawang maitumba ni Lance ang lahat ng mga tauhan nito. “Hm hm hm hm. I see na tinumba mo rin ang mga tauhan ko. You’re indeed a worthy opponent, I suppose.”

Pero dahan-dahang lumapit si Kiko sa sasakyan ni Lance. “But still, akin pa rin si Devon!” Bago pa mang napihit pabukas ang sasakyan ni Lance ay nakarinig ito ng putok ng baril. Di nagtagal ay nabaril din si Kiko sa braso. Lumingon si Lance at nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng maskara na may pormang pusa.

Hindi makapagsalita si Lance sa nakita. Ilang sandali pa’y lumapit ang babae sa kanya. “Ako na ang bahala dito sa lokong ito. Go save your friends now.”

Tumango si Lance at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. Dahan-dahang binuhat ng binata si Devon habang sunod na lumabas si Sammie ng sasakyan.

“O Sammie,” wika ni Lance, “ikaw na muna ang humawak ng baril na to. Ikaw na ang bahala sa pagpatay ng mga tauhan ni Kiko.”

Natuwa naman si Sammie dahil for the first time in three years ay nakahawak din ito ng baril. Ang huling pagkakataon na nakahawak siya ng baril ay sa isang military training kasama ang ama niyang sundalo.

“About time we kick some ass,” nakangiting sagot ni Sammie. Nagkataon na magaling din pala si Sammie humawak ng baril.

Ilang sandali pa’y pumasok sila sa isang eskinita para magtago.

Samantala, lumapit ang babaeng naka-maskara at kinausap si Kiko.

“Kiko Estrada, I guess it’s about time we end you once and for all.”

“Who the hell are you?” tanong ni Kiko. “How come na kilala mo ako?”

“Hindi ko maisasagot yan. Rot in hell, you ingenious bastard.” Pagkatapos ay binaril ulit ng babae si Kiko sa ulo.

May ilan pang tauhan ni Kiko ang akmang sugurin ang babae. Ngunit napaka-flexible nito. Solo niyang tinumba ang mga tauhan sa pamamagitan ng mga suntok at sipa, ganoon din sa pakikipagpalitan ng putok.

Ilang sandali pa’y napadaan ang babae sa eskinita na kung saan nagtatago sina Lance, Sammie at Devon. Nakarinig sila ng busina ng pulis.

“Guys. Let’s get out of here. Paparating na ang pulis.” wika ng babae.

Sumunod naman ang tatlo at agad silang sumakay ng sasakyan ni Lance.

Nang tuluyan nang nakaalis ang sasakyan lulan sina Lance ay nakarating naman ang mga patrol car ng mga pulis. Nakita nila na may nakahandusay na tao sa tapat ng daan. Nakilala agad ng mga pulis si Kiko. Nagkataon pala na convicted na rin pala siya ng murder at attempted homicide.

Agad nilang pinosasan si Kiko at idinala na siya sa pulisya.

Sa loob ng sasakyan ni Lance, nag-uusap-usap sina Devon at Sammie kasama ang babaeng naka-maskara.

“Thank you talaga. For saving our life,” pasasalamat ni Sammie.

“We owe you big time, my friend,” sabi ni Devon.

“You’re welcome. But first, allow me to introduce myself.” Tinanggal ng babae ang maskara nito. Hindi makapaniwala sina Sammie at Devon sa tunay na mukha ng babae na nasa likod ng maskara.

“Chienna?!” gulat na sambit ni Sammie. “Ikaw ba talaga yan?”

“Surprised you, didn’t I?” sabi ni Chienna. “Well, I missed you both.”

“Miss ka na din namin, Chie!” masayang wika ni Devon at ilang saglit pa’y nagyakapan ang tatlo.

Pati si Lance ay hindi makapaniwala na si Chienna pala ang babaeng naka-maskarang pusa.

“Chie! Hindi ako makapaniwala na ikaw pala yan!” sambit ni Lance.

“Hi Lance! It’s been a while,” bati ni Chienna sa binata.

“Yeah. But anyways, mamaya na muna ang chikaan. Pupunta tayo sa bahay ng nobya ko.”


Nakarating na ang sasakyan ko sa bahay ni Barbie. Magkasabay kaming lumabas ng sasakyan. Agad na kaming pumasok sa bahay.

“Love! I’m home!” sabi ko. Sinalubong ako ni Barbie na marahil ay nag-alala na rin sa akin.

“Lancelot, my love…” wika ni Barbie at niyakap ako ng matagal. “Thank goodness you’re okay…”

“Yes, my love. And actually, hindi ako nag-iisa ngayon. Girls, pasok na kayo,” hudyat ko sa kanila.

Namangha si Barbie sa pagdating ng mga bisita. Mga kagrupo niya ang mga ito sa GirlTrends.

“Barbie… Na-miss ka namin…” wika ni Devon.

“Barbs… Finally, you’re pregnant!” masayang bigkas ni Sammie.

Ilang sandali pa’y nag-group hug ang apat. Kinamustahan din nila ang buhay ni Barbie gayong buntis na ito at nalalapit na rin ang panganganak.

Iniwan ko muna sila pansamantala para makapag-handa ng meryenda. May nais din akong sorpresahin. Nasa akin ang resulta ng ultrasound ng aking kasintahan. Hindi ko pa ito nabubukas isang linggo na ang nakakaraan.

Sa living room ay pinag-uusapan ng apat ang tungkol sa pagbubuntis ni Barbie.

“Alam mo na ba kung anong gender ng magiging anak mo?” tanong ni Chienna.

“Hindi pa eh. Hindi pa kasi namin binibuksan ang resulta for one week now,” sagot naman ni Barbie.

Hinimas naman ng bahagya ni Sammie ang lumulobong tiyan ni Barbie. “I’m so excited to see your baby na. Four months to go na lang at isisilang na ang inyong bituin!”

“I agree…” pag-sangayon ni Devon. Ilang saglit pa’y pumasok na ako sa living room at ibinahagi ko na ang meryenda sa mga dalaga.

“Oh ayan na ang meryenda niyo, mga ladies,” wika ko. “Enjoy the food!”

Iba’t ibang uri ng mga pagkain ang inihanda ko para sa kanila. May butterscotch, brownies at gatas para sa kanilang inumin. Pinaalalahanan ko sa kanila na naka-reserve na ang banana loaf para kay Barbie. Ipinaliwanag ko sa mga kasama niya na ito na ang pinaglilihian nito lately.

Lumabas ako pansamantala para kunin ang resulta ng ultrasound. Itinago ko ito sa ilalim ng kama niya. Hindi alam ni Barbie na dito ko pala itinago ito. Napag-usapan naman namin na hindi muna namin ito buksan hanggang isang linggo na ang nakalipas matapos naming magpatingin sa doktor.

Habang masayang kumakain ang mga kababaihan ay pumasok ulit ako sa sala bitbit ang resulta. Kinabahan ako kung ano nga ba ang kasarian ng magiging anak namin.

“Heto na. Bubuksan ko na ang envelope na ito. Dito malalaman kung ano nga ba ang gender ng magiging anak namin.” wika ko sa kanila. Si Barbie ay excited nang malaman ang resulta. Gayon din ang iba pa niyang kasama.

Dahan-dahan kong binuksan at ipinakita ang kuha ng ultrasound sa apat. Lalaki ang kasarian. Nagpapalakpakan sina Sammie, Devon at Chienna nang maipakita ko ang resulta.

“It’s a baby boy. Congrats, Barbs!” wika ni Chienna. Napaluha naman si Barbie sa pagbati sa kanya. Ako nama’y magkahalong emosyon naman ang naramdaman. Sobrang saya at excited na akong maging ama.

Ipinangako ko na sa sarili ko at maging sa future wife kong si Barbie na mamahalin ko siya ng todo at susuportahan ko ng buo ang magiging anak namin.


Four months later…

“Mr. Estrada, may bisita ka.” wika ng jail warden nang ipinatawag nito si Kiko sa loob ng selda. Tumutubo na ang balbas nito sa kanyang mukha at naka-orange shirt na ito na may tatak na “Detainee” sa likod.

Pinosasan ng tagabantay si Kiko at inilalayan ito sa visiting area. Si Devon ang naghihintay sa kanya.

Dagling naghari ang katahimikan sa dalawa. Di nagtagal ay si Kiko na ang bumasag ng katahimikan.

“Devon. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa’yo,” wika nito. “Pinagsisihan ko na lahat ng nagawa kong kasalanan laban sa’yo. Sana nama’y pagbigyan mo ulit ako, Devon. Mahal pa rin kita.”

Muling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa’y si Devon naman ang nagsalita.

“Kiko. Inaamin ko, mahal din kita,” sabi ng dalaga. “Pero bilang isang kaibigan na lang. Hindi ko na masasabi kung mamahalin pa rin kita bilang boyfriend ko.” Dito ay nagumpisang tumulo ang luha ni Devon.

“Ilang taon na rin tayong naglalambingan sa isa’t isa,” patuloy ni Devon. “Aaminin ko, hindi ko makakalimutan ang first date nating dalawa. Pero iba na ang panahon ngayon, Kiko. Hanggang kaibigan na lang ang turing ko sa’yo.”

“Devon…” pagsusumamo ni Kiko. “Please don’t leave me…”

“No, Kiko,” bulong ni Devon. “Masakit man ito para sa akin, but you have to let me go. I want to forget everything that you did to me and Sammie.”

“Devon…”

“Kailangan mo munang pagdusahan ang mga nagawa mo. At sa pagkakataong makakalabas ka na ng selda, kailangan mong ipakita sa akin na nagbago ka na nga talaga.”

Tumayo na si Devon mula sa kinauupuan. “Aantayin ko iyan. Hanggang dito na lang ako, Kiko.” Pagkatapos ay tuluyan nang lumisan si Devon at iniwan si Kiko nang nag-iisa.


Isang buwan na lang at isisilang na ang anak namin ni Barbie. Pero may pahabol pa akong sorpresa para sa kanya.

Lingid sa kaalaman ni Barbie, isa itong marriage proposal.

Nasa Rizal Park kaming dalawa at kakaunti lang ang mga tao doon. Masaya kaming naglalakad at namamasyal. Ilang minuto din kaming nakapaglakad hanggang sa mapagod kami at nagpahinga kami malapit sa puntod ni Gat Jose Rizal.

Dito ay sinimulan ko na ang proposal ko kay Barbie.

“Love, eight months na tayong nagmamahalan. Eight months na tayong naging sweet sa isa’t isa, at higit sa lahat, eight months na rin tayong naglalampungan bawat gabi. Thankful ako sa Panginoon dahil binigyan Niya ako ng isang babaeng mamahalin ako, at wala na akong ibang paraan na pasalamatan Siya kundi ang ibigin ka ng lubusan.”

Dito ay naguumpisang maging emosyonal ang aking kasintahan.

Lumuhod ako sa harapan ni Barbie at ipinakita sa kanya ang isang maliit na kahon. “Now, I’m going to ask you this million-dollar question, for the girl that I’ve loved for so long.”

Namangha si Barbie sa aking ginawa. “Ano yun, love? Kinakabahan na ako…”

Kahit medyo kinabahan ay medyo malakas naman ang loob ko. Dahan-dahan kong binuksan ang kahong ito at lumantad sa kanya ang isang singsing na kumikinang sa liwanag.

“Barbie, will you marry me?”

Napanganga si Barbie sa tanong na ito. Agad siyang lumapit sa akin at binigyan niya ako ng isang matamis at mahabang halik sa labi.

Bumitaw siya makalipas ang sampung segundo. “So I’m gonna take it as a yes, then?” tanong ko.

“Yes, Lance. I’ll marry you wampipti. I love you so much.”

“Hehe. I love you too.” Di nagtagal ay nagyakapan kami nang matagal. Ang mainit niyang mga braso ang siyang nagpapabuhay sa akin. Lalo pang kumulay ang buhay ko dahil sa puntong ito, engaged na ako sa babaeng pinagpantasyahan ko noon, at ngayo’y mahal ko na.

Hindi namin namamalayan na may mga kabataan palang nakasaksi sa amin.

“Sana all!” wika ng isa. “Sana all may minamahal.”

“Parang sina Enrique at Liza lang, hindi ba?” sagot naman nung isa. “Sana all mahal sila…”

Nakisali na rin kami sa tawanan ng mga kabataang nakapalibot sa amin. Di nagtagal ay tinanong ako ng isang bata na tumabi sa akin.

“Kuya, do you love her 3000?” tanong niya.

“Of course, baby boy. I so, so love her 3000!” sagot ko at ngumiti si Barbie sa akin. Gayon din ang mga kabataang kilig na kilig sa love story naming dalawa.

“And for my fiance who’s about to give birth one month from now, I’ll take you to a place na kung saan masasarap ang mga pagkain nila. Starbucks!”

“Wow! Basta sa akin ang banana loaf, ha?” sagot naman ni Barbie at agad na kaming lumisan ng park para makapunta na sa kainan.


EPILOGUE

Ikinasal sa simbahan sina Lance at Barbie ilang araw bago ang nakatakdang pagsilang ng magiging anak nila. Kasali sa mga ninong at ninang ang lahat ng mga dating miyembro ng GirlTrends, kabilang sina Sammie, Devon at Chienna. Thirty days matapos ang kasal ay isinilang na nga ni Barbie ang unang anak nilang lalaki ni Lance. Maputi ito at matangos ang ilong. Namana ang maputing balat ng bata sa ina at kuhang-kuha naman ang facial features ng ama.

Ipinagpatuloy naman ni Lance ang gaming career nito at isa na siyang ganap na professional gamer ng Dota 2 makalipas ang ilang buwan. Si Barbie nama’y ipinagpatuloy din ang trabaho niya bilang isang aktres at lalo pang lumalawig ang fanbase niya dahil sa husay nitong umarte. Isang taon na ang nakalipas at lalo pang umasenso ang buhay ng magkasintahan at paminsan nama’y nagde-date sila kung hindi sila busy.

Walang alam si Chienna na nagalaw siya dati ni Lance habang tulog ito. Isa na rin itong rising star sa showbiz tulad ni Barbie at ilang buwan pa ang nakalipas ay nakatagpo na rin ito ng kapareha. Ito ay walang iba kundi ang dating kaibigan ni Lance na si Jerome.

Matapos ang ilang buwang pagka-confine sa wheelchair si Devon ay sa wakas ay nakapaglakad na rin ito. Naka-base na ito sa Korea para makalimot siya sa mga naging masalimuot na nakaraan habang siya’y nasa Pilipinas. Dito na rin siya nakahanap ng pag-ibig: napang-asawa na niya ang isang Koreano na kasing-edad lang niya at makalipas pa ang ilang buwan ay nagsilang si Devon ng isang babae.

Hindi na muna nagka-boyfriend si Sammie dahil mas focused siya sa showbiz career at sa pagiging TikTok star. Ngunit makalipas pa ang ilang buwan ay nakatagpo rin siya ng lalaking magmamahal sa kanya: si Nelson na dati ring kaibigan ni Lance.

Pinagdusahan pa rin ni Kiko ang nagawang kasalanan niya kay Devon at Sammie. Napatunayan siyang guilty sa two counts of attempted murder at paglabag sa Violence Against Women and Children Act, at habambuhay siyang makukulong dahil dito. Pumanaw din si Kiko dahil sa malnutrisyon at sakit. Binigyan naman siya ng angkop na libing ng kanyang pamilya ngunit hindi na binisita ni Devon ang puntod ng dating kasintahan nito dahil umasenso na siya sa kanyang buhay sa Korea.

-FIN/WAKAS-

Stalker_Eyes
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories