Written by anino
“This is not a good news for us” sabi ni Cain “you got that right!” sabi ni Precy “Victor, check every CCTV cameras in the area at hanapin mo kung saan sila pumunta” utos ni Hepe sa kanya. “I’m on it Chief!” sagot ni Victor “kailangan nating maghanda, anytime kailangan nating magdeploy nakahanda na ang mga gamit natin” sabi ni Erica. “Wait! Hindi tayo dapat magpadalodalos” sabi ni Cain sa kanya “no Cain, alam na natin ang sitwasyon at kung sino ang kalaban dapat maghanda na tayo sa susunod nating hakbang” sabi ni Erica sa kanya.
“I am with her, Cain” sabi ni Precy at sabay silang pumunta sa kwarto katabi lang ng kusina “ano ang gagawin natin, Hepe?” tanong ko sa kanya “we need to know where they are going and what they are doing, Victor kumusta na ang pinapahanap ko sa’yo?” sabi ni Hepe. “Teka lang Chief, minimum lang ang CCTV sa area hindi ito kagaya sa Makati o sa kalapit na syudad” sabi ni Victor. “Keep searching Victor, ilalagay ko sa mesa ang phone” sabi ni Cain at binaba niya sa center table ang phone niya at naupo kami ni Hepe sa sofa.
“Ano ang plano mo Chief?” tanong ko sa kanya “we need to know their moves, me kutob ako meron pa silang ibang gagawin” sabi ni Hepe “OH GOD!” narinig naming sabi ni Victor sa phone. “What’s wrong?” tanong ni Hepe “you guys, please put me online so that I can share this” sabi niya kaya tinawag namin si Erica para mahiram ang laptop niya. “Here!” sabi ni Erica at nung nag online siya doon ko lang nakita ang mukha ni Victor, tingin ko parang kasing edad lang sila ni daddy at ang kapal ng glasses niya.
“Ito ang gusto kong ipakita sa inyo” sabi ni Victor at me pinakita siya sa aming video at kita namin ang isang SUV na nakapark malapit lang sa pinangyarihan. Nakita din namin ang dalawang taong sakay nito at 20 seconds sa video biglang me tumama sa windshield ng SUV at ilang segundos pa sunod-sunod ang pagtama sa windshiled. “Oh shit!” napamura nalang ako nung nakita naming tinamaan ang dalawang taong sakay ng SUV at parang hindi ito napansin ng mga tao sa paligid dahil dinaanan lang ito ng mga kotse at mga taong naglalakad sa paligid.
“Victor, hanapin mo ang location ng sniper” sabi ni Hepe sa kanya “patay, sniper nga ito” sabi ko “heto nahanap ko pero hindi maayos ang video dahil sobrang layo nito sa location ng sniper” sabi ni Victor. Pinakita niya sa amin ang video “heto lang ang maipapakita ko sa inyo” sabi niya sa amin at nakita namin ang likuran lang ng kotse at ang sakay nito sa likod. “Ayun!” turo ko sa dulo ng rifle na ginamit at nakita din namin ang pagrecoil nito “ilang bala Inspector?” tanong ni Hepe sa akin “lima no, anim ang binitawan niya” sagot ko.
“Me kakapasok lang na balita, me natagpuang patay sa loob ng isan itim na SUV na nakapark lang dalawang kalye ang layo sa pinangyarihang pagsabog dito sa Ortigas” narinig namin sa balita. “Tatlong tao ang sakay ng SUV at pareho itong me tama ng bala sa dibdib at ulo, inalam pa ng mga pulis ang motibo o ang koneksyon sa pangyayaring ito sa nangyaring pagsabog sa gusali” balita ng reporter sa TV. “Me nahanap akong picture na nakuha ng isang netizen bago dumating ang mga pulis” sabi ni Victor sa amin at ipinakita niya sa amin ito.
Napasandal sa sofa sa Hepe at kita kong gulat na gulat siya “bakit Hepe? Kilala mo ba siya?” tanong ko sa kanya “si ano yan..” sabi ni Hepe “tama ho kayo Hepe” sabi ni Victor. “Mariano Tandangsora” sabi ni Cain na nakatayo na pala sa tabi ko “kilala mo siya?” tanong ko kay Cain “oo, siya ang isa sa mga heneral ng Supremo” sagot niya sa akin. “Heneral.. katulad ni Edwardo?” tanong ko na tumango siya “Minerva alam mo na ang ibig sabihin nito” sabi ni Cain sa kanya “oo, nagkakaroon ng destabilisasyon ang sindikato” sagot ni Hepe at tumayo siya.
“Cain, napapanahon na siguro para harapin ko siya” sabi ni Hepe sa kanya “hindi Minerva, susundin natin ang plano walang magbabago” sabi ni Cain sa kanya “kung nangyayari ang lahat ng ito dahil sa nawala na ang balanse ng sindikato mangyayaring lahat ng konektado dito ay itutumba niya” sabi ni Hepe kay Cain. “Ano ho ba ang sinasabi niyo? Ano po ang gagawin niyo Hepe?” tanong ko sa kanya na humawak siya sa balikat ko at umalis siya bigla kaya tumayo ako “Hepe!” tawag ko sa kanya na pinigilan ako ni Cain. “Hayaan mo siya” sabi niya sa akin na napatingin ako kay Hepe nung bumaba siya sa hagdanan papunta sa basement “Hepe” sabi ko.
“Fifteen minutes!” pinaalam ni Singko sa dalawa kaya nilabas na nila ang mga gamit nila at tiningnan ni Tres gamit ang binacular ang barkong susugorin nila “I see it, there are no movements” balita niya. “Good, meaning nakaalis na ang mga tauhan ng barko at ang targets nalang ang natitira” sabi ni Singko na narinig niyang binaba ni Uno ang bag sa gilid ng yacht. “I’m ready to kill someone” sabi ni Uno sabay tingin niya ng masama kay Tres “remember Uno, magkakampi tayo not enemies” paalala ni Singko sa kanya “yeah, allies” sabi ni Uno na napailing lang si Singko.
Nag-suot na sila ng assault gear at nilagay na nila ang kailanganin nila para sa pagsalakay, tumingin sa langit si Singko at kita niya ang namumuong ulap sa kalangitan “uulan ata” sabi niya. “All the more reason for the assault” sabi naman ni Tres “alright, 20 seconds” sabi ni Singko sabay buhat nila ng gamit nila at dahan-dahan ng pinatakbo ni Singko ang yacht at huminto na ito habang nakatingin parin si Tres sa barko gamit ang binacular niya. “Report” sabi ni Singko “no movements so far” report ni Tres at tumayo sa tabi niya si Uno dala ang sniper rifle niya at ipinatong niya ito at tumingin siya sa scope.
“No one is on the deck, helipad is empty… no movements in the bridge and on the bow of the ship” balita ni Uno habang nakatingin parin siya sa scope niya “confirm!” sagot ni Tres sabay tingin nila kay Singko. “We know they are armed and dangerous..” sabi ni Singko sa dalawa “but when it comes to assault and skills… ” sabay tingin niya sa dalawa “we are the best!” sabi niya na napangiti ang dalawa. “Saddle up sisters, we are going in!” sabi ni Singko na tinaas ng dalawa ang kamay nila at doon kinuha ni Singko ang satelite phone na dala nila at tinawagan niya si Llana “move forward and may the grace of her will guide you” sabi ni Llana sa kanila sa phone at doon pinatakbo na ng dahan-dahan ni Singko ang yacht palapit sa barko.
Naka monitor gamit ang binacular niya si Tres habang papalapit na sila sa barko at nung ilang meters nalang sila pinatay na ni Singko ang makina ng yacht at kusa itong lumutang papalapit sa barko. “Get ready!” sabi niya sa dalawa at nung tumabi na sa gilid ng barko ang yacht naghanda ang tatlo para akyatin ito, gamit ang baril na me hook tinira nila ito sa railing at nung nahook na ito umakyat na silang tatlo. Nauna si Uno sa dalawa at agad siyang yumuko at tinutok sa kaliwa at sa kanan ang armas niya sabay tayo niya at dumungaw “clear!” sabi niya sa dalawa kaya mabilis silang umakyat.
Nung nasa main deck na sila niluhod nila ang isang tuhod at nagpulong sila “Tres ikaw ang bahala sa top deck at sa bridge, Uno ikaw sa low deck at sa engine at ako na ang bahala dito sa main deck at sa cabins” utos ni Singko sa kanila. “Roger!” sagot nilang dalawa at naghiwalay na silang tatlo at makalipas ang kalahating oras nagkita silang tatlo sa main bridge ng barko at nagulohan silang tatlo. “Akala ko ba nandito sila?” tanong ni Tres kay Singko “ako nga din nagugulohan kung bakit walang tao dito” sabi ni Singko. “Ikaw Uno?” tanong ni Singko sa kanya na nagkibit balikat si Uno at tinuro ang console malapit sa steering wheel.
“Ano yan?” tanong ni Tres nung tiningnan ito ni Singko “shit! Nakaalis na sila” sabi niya “paano nangyari yu? Ni wala na ngang ibang masakyan na naiwan dito para magamit nila para makalayo” sabi ni Tres. “Bobo as always” sabi ni Uno na tinutokan siya ng baril ni Tres “say that again, bitch!” banta ni Tres “bobo as always” sabi muli ni Uno na idiniin ni Tres ang dulo ng baril niya sa ulo ni Uno. “Stop it! Pumalpak ang plano” sabi ni Singko sa kanila kaya kinuha niya agad ang satelite phone niya at tinawagan si Llana.
“Phase 3 has failed” balita niya “report” sabi ni Llana “they are no longer here when we got here, possibly some other group who helped them” balita ni Singko kay Llana. “Hmm.. two out of three” sabi ni Llana na napabugnot nalang si Singko “it can’t be help, you know what to do” sabi ni Llana sa kanya “roger, mother” sagot ni Singko at pinatay na niya ang phone. “Plant the bombs, we are leaving at 10” sabi ni Singko sa dalawa na agad silang kumilos at isa-isa nilang pinlanta ang bomba sa key area ng barko at pagkatapos nagmamadali silang nagrappel pababa sa yacht nila at agad pinaandar ni Singko ang makina at lumayo na sila.
Nakangiti pa si Uno nung pinindot niya ang trigger nung nakalayo na sila at nakita nilang sumabog ang gilid at ibang parte ng barko na ikinasunog nito “we failed!” inis na sabi ni Singko habang minamaneho niya ang yacht. “It’s all good, we will get her next time” sabi ni Tres na ngayon ay naka bikini na at nakahiga sa isang beach chair at nakabiliad sa araw. “She is mine, no one else” sabi ni Uno sa kanila na tinaas lang ni Tres ang sunglasses niya at napailing siya “we know Uno, we know” sabi ni Singko sa kanya.
Samantala, “God I hate this” sabi ni Chello nung tumigil sila sa paglangoy at lahat sila nakasuot ng life jacket “bear with it babe” sabi ni Dave sa kanya habang nakatali silang lahat sa iisang lubid. Nagulat silang lahat nung narinig nila ang malakas na pagsabog at nakita nilang nasunog ang barko “I told you!” sabi ni Rosana sa kanya na tinignan siya ng masama ni Chello. “Good thing nakaisip agad si mama ng idea” sabi ni Marcus habang yakap-yakap niya si Julie “oh shut up!” inis na sabi ni Julie dahil maliban sa kumikirot niyang sugat sa balikat kakalabas lang din ng dugo niya na lalo lang nagpapailang sa kanya. “Walang pating dito, right?” tanong ni Esmeralda.
“Come on MOVE!” sigaw ni Chello dahil bumagal sila sa paglangoy na nagpahila nalang sina Rudy at Aida sa kanila at hindi na sila lumangoy dahil sa pagod. “Malapit na tayo sa lupa kaya SWIM!” sigaw ni Chello at nagsimula na muli silang lumangoy “malapit na nga tayo” sabi ni Sony na nakitang kondisyon ito sa paglangoy “natutuwa ka pa ata sa sitwasyon natin” sabi ni Dino sa kanya. “Well, sabi ko sa’yo noon hindi ba na kailangan mong mag swimming baka magagamit natin ito pagdating ng panahon, so hehehe nandito na ang panahon” pagmamayabang na sabi ni Sony na tinadyakan siya sa pwet ni Dino.
“ANO BA?!” sigaw ni Sony “boys shut up!” sabi ni Chello sa kanila “Rosana, tag their leash will you!” sabi ni Chello sa kanya “lumangoy lang kayo para walang pating na magsisigaw sa inyo” sabi ni Rosana “I heard you!” sabi ni Chello sa kanya. “Argghh” lang si Rosana at lumangoy nalang siya “mama, i’m tired” sabi ni Esmeralda sa kanya nung tumigil siya sa paglangoy “just drag me please” dagdag niya na tinulak siya ni Marcus na agad naman siyang gumanti “STOP IT!” sigaw ni Chello sa kanila “Rosana with your permission i’m going to educate your kids about how-to-get-along” sabi ni Chello “do whatever you want” sabi ni Rosana “MAMA!” sigaw ng dalawa sa kanya.
“Almost there!” sabi ni Dave nung nakita na nila ang tabing dagat at sakto din dahil papalubog narin ang araw “SWIM!” sigaw ni Chello “WE ARE SWIMMING!” sigaw nilang lahat sa kanya. Makalipas ang kalahating oras narating na nila ang tabing dagat at lahat sila napahiga sa buhangin “oh God.. never again..” sabi ni Chello nung nahiga siya sa tabi ni Dave. “Diyos ko.. ayaw ko na ulitin ito..” sabi ni Aida “huwag muna tayong magbeach ng ilang taon… papalipasin na muna natin ito Aida.. paalala mo sa akin ito” sabi ni Rudy sa kanya na natawa silang lahat.
“..I have to admit..” sabi ni Marcus “na ano?” tanong ni Julie “.. I have much respect to that idiot brother of mine now.. nakayanan niya itong mag-isa nung tumakas siya sa barko..” sabi ni Marcus na napangiti ng palihim si Chello. “Kailangan nating makaalis dito” sabi ni Rosana nung tumayo na siya at hinubad ang life jacket niya, isa-isa narin silang tumayo at naghubad ng life jackets nila kung saan nakatali ang mahabang lubid. “Nasaan na ba tayo?” tanong ni Sony “Nasugbu Batangas” sagot ni Julie “saan?” gulat nilang tanong.
“Nakita ko ito sa mapa kanina sa barko, nasa Nasugbu, Batangas tayo ngayon” sabi ni Julie sa kanila “tama, ito ang coordinates na nakita ko kanina sa radar” sabi ni Chello. “Ibig sabihin nito malapit lang pala tayo sa Canyon Cove Beach Club” sabi ni Chello “paano mo alam?” tanong ni Aida “hehehe” napatawa lang ng mahina si Chello at tumingin kay Dave. Napakamot sa ulo si Dave at nahihiyang sabi na “ah eh hehehe naalala niyo nung iniwan namin si Dave at si Jenny sa inyo para pumunta ng Cebu para sa business conference?” “huh?” nalang si Rudy.
Biglang tumaas ang isang kilay ni Aida “hahaha matagal na yun mama, kalimutan nalang natin ang importante ligtas tayo” natatawang sabi ni Dave na kinamao na ni Aida ang kamay niya. Pinigilan ni Rudy si Aida dahil kita niyang nagsisimula na itong magalit “hayaan mo na Aida, Diyos ko naman kayo” sabi ni Rudy sa kanila na natatawa lang ang mag-asawa. “Tara na!” inis na sabi ni Rosana sa kanila at nagsimula na silang maglakad at binaybay nila ang tabing dagat “mama, sono stanco e affamato (I am tired and hungry)” reklamo ni Esmeralda.
“Just a few more baby malapit na tayo” sabi ni Rosana sa kanya “there!” turo ni Chello nung nakita na nila ang beach club “oh thnk God!” sabi ni Julie at nagmamadali silang naglakad paputa sa beach club. Napatingin sa kanila ang lahat ng tao nung pumasok sila sa building at dumiresto sila sa reception area “good evening ma’am how-” napatigil nalang receptionist nung makita sila. Basa at pagod ang mga mukha “hi, I would like to have five rooms please” nakangiting sabi ni Chello sa receptionst “uhm.. how.. would you like to pay for the rooms?” tanong ng receptionist sa kanya na tumaas bigla ang kaliwang kilay niya.
Madilim na nung narating ng tatlo ang marina at pinaarada na ni Singko ang yacht at nagmamadaling bumaba ang dalawa para itali ang lubid sa dock “ok na!” balita ni Tres kay Singko kaya pinatay na niya ang makina at bumalik ang dalawa sa yacht. Tinawagan ni Singko si Llana para ibalita na nakabalik na sila sa marina “good work my children” sabi ni Llana sa kanila “ano ang susunod niyong iutos, mother?” tanong ni Singko “for now wala pa, gusto kong mag enjoy kayo tonight as a gift sa magandang performance niyong tatlo” sabi ni Llana sa kanila.
“YES!” sigaw ni Tres na walang reaction naman si Uno “salamat mama” sabi ni Singko kay Llana at binaba na niya ang phone “narinig niyo yun?” tanong ni Singko sa kanila. “YES PARTY!” sigaw ni Tres “hmp!” lang si Uno at bumaba siya sa ilalim ng yacht “kill joy talaga yun!” sabi ni Tres “so ano, saan tayo?” tanong ni Singko kay Tres “the same place saan pa nga ba” sagot ni Tres sa kanya. “Hehehe i’m sure maraming guys na ngayon doon” sabi ni Singko “teenage boys with lots of money” sabi ni Tres “hahaha mahilig ka talaga sa teens” sabi ni Singko “eh ikaw, mahilig ka sa tandaners” sabi ni Tres sa kanya “experience beats youth sister” sagot ni Singko na nagtawanan silang dalawa habang nasa kwarto lang si Uno nagpapahid ng baril niya.
Makalipas ang isang oras kumatok si Singko sa kwarto ni Uno at binuksan niya ito “hindi ka sasama sa amin?’ tanong niya “no thanks” sagot ni Uno sa kanya habang nililinis niya ang gloc niya. “Suit yourself, don’t wait up!” sabi ni Singko sa kanya nung na assemble na ni Uno ang baril niya at tinuon niya ito sa pader “sure thing” sagot ni Uno at umalis na si Singko at si Tres. Sinilip ni Uno ang dalawa sa bintana niya at nakita niyang sumakay ang dalawa sa isang sports car sa parking lot at nung nakita niyang umalis na ang dalawa agad siyang nagbihis at binitbit ang helmet na nasa ilalim ng kama at bag sa aparador niya.
Pumunta siya sa kabilang side ng parking lot at inalis ang tarpulin na nakabalot sa motor at sumakay siya nito, tumingin muna siya sa maraming tao sa marina bago niya pinaandar ang motor at umalis na siya. Makalipas ang isang oras narating na niya ang destinasyon niya at nag-iingat siya nung tinahak niya ang daan papunta sa pupuntahan niya. Tumingin muna siya sa paligid para makasiguro na walang tao at kinuha ang laman ng backpack niya at nilagay niya ito sa harapa ng lapida at nag-alay siya ng dasal.
Pagkatapos magdasal tumingin muli siya sa paligid bago niya niluhod ang kanang tuhod sa lupa at hinimas ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ni Rosario “mama, patawad kong ngayon lang ulit ako nakadalaw sa’yo” sabi niya. “Marami na pong nangyari noong huling pumunta ako dito.. mag-aanim na taon na” sabi niya at lumingon muli siya sa paligid at nung natiyak niyang walang tao. “Mama… nakamit na po namin ang hustisyang matagal niyo na pong pinagdarasal noon” sabi niya at nagpahid ng luha sa pisngi niya. “…. Pero ang sanhi ng lahat ng kalungkutan at pagkamuhi niyo po sa mundong ito… hindi po namin nakuha kanina… pero.. ipinapangako ko sa inyo..” sabi niya.
“Matutupad ko ito… alang-alang po sa inyo.. mama..” sabi ni Uno na binaba niya ang ziper ng suot niyang itim na sweater at humawak siya sa dibdib niya “pangako ko po sa inyo yan!” sabi niya. Natahimik sandali si Uno na parang nagdarasal siya habang nakahawak parin ang kanang kamay sa dibdib niya ng biglang inabot niya ang patalim sa loob ng sweater niya sabay ikot niya at ibinato ito papunta sa isang puno. “Alam kong nandyan ka!” sabi ni Uno na tumayo na siya at inabot ang baril na nasa likuran niya at hinintay lumabas ang taong nasa likuran ng puno.
“Hmp! Matinik talaga ang pandinig mo” sabi ng isang tinig na nasa likod ng puno “ano ang dahilan kaya mo ako napansin? Ang mga yapak ko? Ingay ng damit ko?” tanong niya kay Uno. “Ang paghinga mo.. pati narin ang amoy mo… Cain” sabi ni Uno kaya lumabas mula sa likod ng puno si Cain at seryoso siyang nakatingin kay Uno “magaling ang nagturo sa’yo” sabi ni Cain “si Llana ba?” tanong ni Cain sa kanya “hmp! Wala sa kalingkingan si Llana sa abilidad ko, alam mo yan” sagot ni Uno sa kanya.
“Kung hindi si Llana, si Edwardo?” tanong ni Cain na natawa si Uno “patay na si Edwardo tingin mo siya ang master ko?” natatawang sabi ni Uno sa kanya “kung hindi sila, sino?” tanong ni Cain. “Alam kong kilala mo siya.. ” sabi ni Uno na inalis niya ang kamay sa baril niya at hinugot niya sa tabi nito ang patalim niya at itinaas niya ang kamay niya at pumorma siya na parang naghahanda siya ng labanan galing kay Cain. Nagulat ang huli sa nakita niyang porma ni Uno “hindi… im.. imposible ito..” nauutal na sabi ni Cain kay Uno “nakuha mo na kung sino?” tanong ni Uno sa kanya na napaatras ng konte si Cain sa gulat.
“Pa.. paano.. paano mo ito…” nauutal niyang tanong kay Uno na bigla nalang umabante ang huli papunta sa kanya na agad niyang hinugot ang patalim sa likuran niya at nakipaglaban kay Uno. Muntik ng mahiwa ni Uno ang kanang pisngi ni Cain mabuti nalang nakailag siya at nung sasaksakin na sana niya si Uno biglang sinampal ng huli ang kamay niya na me hawak ng patalim at nabitawan niya ito. Umatras palayo si Cain sa kanya na agad ibinato ni Uno ang patalim niya kay Cain at nung umilag siya pakaliwa at nakita niyang bumunot ng baril si Uno kaya binunot din niya ang baril niya at nagkatitigan silang dalawa.
“Magaling… tama nga ang sabi nila tungkol sa’yo” sabi ni Uno sa kanya “heh! Magaling lang ako sa mga taong nakakalaban ko” sabi ni Cain sa kanya “sabihin mo sa akin” sabi ni Cain “ano?” tanong ni Uno. “Sino ang nagturo sa’yo?” tanong ni Cain sa kanya na ngumiti si Uno at lumingon sa lapida ni Rosario “patawad mama kung na istorbo ko ang pagtulog mo” sabi niya “sagutin mo ang tanong ko, sino ang nagturo sa’yo?” tanong ni Cain sa kanya. “Isn’t it obvious?” balik na tanong ni Uno sa kanya na napaisip sandali si Cain at sabing “… imposible ito.. matagal na siyang patay..” “I know… ” sabay ngiti ni Uno sa kanya.
“Paano makakapagturo ang patay.. ilang taon ka na ba?” tanong ni Cain sa kanya “hmp! You have no manners at all, Cain!’ sabi ni Uno “alam mong hindi polite na magtanong ka sa edad ng isang babae” sabi ni Uno sa kanya. Biglang napaisip ni Cain sa sitwasyon niya “what’s wrong, having doubts?” tanong ni Uno sa kanya na napatingin si Cain sa lapida ni Rosario “me parte sa kahapon ko na hindi mo sinabi sa akin Rosario” sabi niya sa sarili niya. “I’m sorry, but I can’t stay long” sabi ni Uno sa kanya at dahan-dahan na siyang umatras at dinampot niya ang bag niya.
“I have places to go.. people to kill, you know the same old shit” sabi ni Uno sa kanya sabay lingon niya sa lapida ni Rosario “sorry kung nagmura ako mama” sabi niya sabay tingin niya kay Cain. “Teka.. me itatanong pa ako sa’yo” sabi ni Cain nung papalayo na si Uno sa kanya “malalaman mo lahat pagdating ng tamang oras” sabi ni Uno sa kanya “teka lang!” tawag ni Cain sa kanya. “HOY SINO KAYO?!” narinig nila pareho ang sigaw ng gwardya ng sementeryo “shit!” napamura si Cain at paglingon niya nawala na si Uno kaya tumakbo narin siya palayo at nakita niyang hinabol siya ng gwardya.
“Nasaan si Cain?” tanong ni Erica kay Precy na nagkibit balikat lang siya at tuloy lang ito sa paglalaro ng game sa cellphone niya “si Minerva?” tanong niya na nagkibit balikat muli si Precy. “You are useless aren’t you?” tanong ni Erica na ganun muli ang sinagot ni Precy sa kanya kaya babatukan na sana niya ito nung nakita niya si Dave nung lumabas ito mula sa banyo at nakatuwalya lang ito. “Ohh.. sexy” sabi ni Precy sa akin na binatukan siya ni Erica “bitch!” sabi ni Precy sa kanya na natawa lang ako sa dalawa.
Bumaba ako papunta sa basement at narinig kong sumunod pala sa akin si Erica at sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto “what’s up?” tanong ko sa kanya nung nakita ko siyang nakatayo sa pinto nung sinara niya ito. “Nothing..” sagot niya habang nakatingin lang siya sa akin “sure ka?” tanong ko nung inabot ko ang boxers ko at sinuot ko ito habang nakatalikod ako sa kanya. “Yeah” sagot niya at narinig ko nalang na lumapit siya sa akin at nagulat ako nung niyakap niya ako habang nakatuwad ako para isuot ang boxers ko.
“Erica..” sabi ko na sinandal niya ang sarili niya sa akin nung tumayo ako at nasa tuhod ko pa yung boxers ko “Erica?” tawag ko sa kanya na inabot niya ang tali ng tuwalya ko at nung tinanggal niya ito kusa nalang itong nahulog sa sahig. “Ah.. E..Erica?” sabi ko nung tumgin ako sa baba nakita ko ang kamay niyang humimas sa tiyan ko pababa sa alaga ko “Ericahh..” sabi ko na biglang napagitil siya at sabay kaming napalingon sa pintuan. “Oh la la..” sabi ni Precy na agad kong inabot ang boxers ko at tinaas ito “GET OUT OF HERE!” sigaw ni Erica kay Precy “poop! Hater ka talaga..Jerkrica..” sabi ni Precy sabay sara niya ng pinto.
Lumabas ng banyo si Chello at nagpapahid ito ng tulwaya sa buhok niya “how dare she?” sabi niya “how dare she acted as if I don’t have any shares with this damn beach club!” galit niyang sabi kay Dave. “Babe please calm down, hindi lang siguro niya tayo nakilala that’s all” pakalma ni Dave sa kanya “hmp! Dapat kilala niya kung sino ang mga-” “come on” niyakap siya ni Dave sa likod kaya natahimik nalang siya kaya nilingon niya ang asawa niya at hinalikan siya ni Dave sa labi. “Calm down ok? The important is safe na tayo at nasa mabuting lugar na tayo” sabi ni Dave sa kanya na huminga ng malalim si Chello at humalik sa labi niya.
Me kumatok sa pinto nila “ako na” sabi ni Dave sa kanya kaya bumalik sa loob ng banyo si Chello para patuyoin ang buhok niya, sumilip muna si Dave sa maliit na butas bago niya binuksan ang pinto. “Esme” sabi niya “papa, me dala po akong first aid kit gusto ko po sanang gamotin si tita Chello” sabi niya “ah sige, tuloy ka” sabi niya at nung isasara na sana niya ang pinto biglang me humarang nito “ehem” narinig niya sa labas at nakita niya si Rosana sa labas “oh, Rosana” sabi ni Dave na nagkahiyaan silang dalawa.
Lumabas ng banyo si Chello at nakita niya si Emseralda “Esme” sabi niya “tita, gusto ko pong gamutin ang mga sugat niyo” sabi ni Esmeralda sa kanya “nah i’m goog, galus lang ito” sabi ni Chello sa kanya at napatingin siya sa pinto. “Oh, what’s going on there?” tanong ni Chello na napalingon si Esme sa mama niya “ah gusto daw ka niyang makausap tita” sabi ni Esmeralda. “Well, what are you waiting for?” tanong ni Chello kay Rosana na tumingin muna siya kay Dave bago siya pumasok sa kwarto nila at tumayo malapit sa kama.
“Babe” tawag ni Chello kay Dave “yeah babe?” tanong niya “get out!” sabi ni Chello sa kanya na napangiti lang si Esmeralda sa papa niya at nakita nilang napailing lang si Dave. “I’ll be in Marcus’ room” sabi ni Dave “oh papa, don’t!” sabi ni Esmeralda sa kanya “why?” tanong niya “believe me, don’t” sabi ni Esmeralda na huminga lang ng malalim si Dave “doon nalang ako kina Dino at Sony” sabi niya at sinara ang pinto. Nagpapahid parin ng buhok si Chello gamit ang towel at naupo na siya sa kama at pagkatapos ipinatong ang tuwalya sa upoan at humarap kay Esme.
“Hubarin niyo na ang bathrob niyo tita para magamot ko ang mga sugat niyo” sabi ni Esmeralda sa kanya “haayy.. i’m telling you cutie okay lang ako” sabi ni Chello sa kanya. “No tita, kailangan kong gamutin yan baka magka infection ka galing pa naman tayo sa dagat kanina” sabi ni Esme sa kanya “why are you so persistent?” tanong ni Chello sa kanya. “Hay naku, hayaan mo na si Esme, Chello” sabi ni Rosana “tita kailangan ko po kayong alagaan” sabi ni Esme “why?” tanong ni Chello “dahil magagalit sa akin ang sis ko kung hindi ko yun ginawa” sabi ni Esmeralda na napangiti si Chello “fine” mahinang sabi ni Chello at hinubad ang bathrob.
“You!” tawag niya kay Rosana “speak” sabi ni Chello “lalagyan ko ng alcohol ang sugat mo tita” sabi ni Esmeralda “go ahead” sagot niya kay Esmeralda at naupo si Rosana sa silya kaharap ng dalawa. “Are you sure we are safe here?” tanong ni Rosana kay Chello “are you serious?” tanong niya kay Rosana “yes! I mean pinaghahanap na nila tayo ngayon” sabi ni Rosana “pffttt!” lang si Chello. “Look, I know how they operate and I know marami silang mga tauhan na alam ko ngayon nagkakalat na sa buong lugar” sabi ni Rosana.
“Haayy.. kaya ka tumatanda dahil you worry to much” sabi ni Chello sabay kindat niya kay Esmeralda na natawa siya ng mahina “of course i’m worried and.. HEY!” napasigaw nalang bigla si Rosana na natawa sina Chello at Esmeralda. “I’m not that old, truth be told mas matanda kapa sa akin” sabi ni Rosana na umiwas siya ng tingin kay Chello. “Who says matanda pa ako sa’yo, for your information I am two years younger than you” sabi ni Chello kay Rosana “right” balik ni Rosana na natawa lang si Esmeralda sa kanilang dalawa.
“What’s so funny, cuttie?” tanong ni Chello sa kanya “kayo kasing dalawa, parang comedy routine ang ginagawa niyo” natatawang sabi ni Esmeralda habang nilalagyan na niya ng bandages si Chello. Nagkatinginan ang dalawa at sabay nag isnaban sila na lalo lang natawa si Esmeralda “you guys crack me up!” sabi ni Esmeralda sa kanila at natapos ng gamutin ni Esmeralda si Chello. “Alright, you are all fix tita” sabi ni Esmeralda “thank you, Esme” sabi ni Chello sa kanya at sinuot na muli ni Chello ang bathrob niya.
“Mama, balik na muna ako sa kwarto natin. see you tita” paalam ni Esmeralda sa dalawa na yumakap siya ni Chello at humalik sa mama niya bago siya lumabas ng kwarto at sinara ang pinto. Lumipat sa kama si Rosana at nagkaharap na silang dalawa “ngayon” seryosong sabi ni Rosana “I know every nukes and cranny of this place, lahat ng posibility na papasukan nila me alam akong lalabasan” sabi ni Chello sa kanya. “How about the staffs?” tanong niya “nakita mo naman kanina na hindi nila ako nakilala” sabi ni Chello na napapikit si Rosana at nakita ni Chello na napangiti siya.
“Grrr.. say it already!” sabi ni Chello sa kanya “hehehe.. wala, sorry” natatawang sabi ni Rosana “i’m going to punch you” babala ni Chello sa kanya “pikon ka talaga as always. lighten up!” sabi ni Rosana sa kanya. “Hmp! Well I can tell you this” sabi ni Chello “before they created this beach club isa ako sa parte ng mga nagdesign nito” sabi ni Chello. “Kaya worry your wrinkles no more, beastfriend” sabi ni Chello na napangiti si Rosana “thank you!” sabi niya kay Chello “hmp!” lang si Chello at me kumatok sa pinto at bumukas ito “hey” sabi ni Dave sa kanila.
Lumapit si Chello kay Rosana at me binulong siya na nakita ni Dave ang reaction ni Rosana sabay tayo nito natawa si Chello at inabot ang tuwalya sa gilid ng silya at nagpunas muli siya ng buhok niya. Tumayo sa me pinto si Rosana at lumingon siya kay Chello na abala ito sa pagpapatuyo sa buhok niya at natatabunan ang mukha nito sa tuwalya. Humarap kay Dave si Rosana at binigyan niya ng nakaw na halik sa labi si Dave sabay alis niya na napahawak sa labi si Dave at tumingin kay Rosana na kumaway pa ito at nginitian siya bago ito pumasok sa kwarto nila ni Esmeralda.
“Babe, can you hand me another towel” sabi ni Chello na natauhan na si Dave at agad siyang pumasok sa loob ng kwarto at sinara ito, kumuha siya ng towel sa closet at binigay ito kay Chello. “Thanks!” sabi ni Chello at kinuha ni Dave ang ginamit niya at dinala niya ito sa banyo at ipinatong sa hook sa likod ng pinto “babe, gusto kong kontakin si ate Divina” sabi ni Chello. “I don’t think that’s a good idea babe” sabi ni Dave sa kanya “I”m worried about them” sabi ni Chello sa kanya “hmm.. sige kontakin natin siya at suggestion ko babe na papuntahin lang muna sila sa Barcelona” sabi ni Dave.
“You know what? That’s a really good idea” sabi ni Chello na napangiti si Dave at humiga sa kama, inilagay na ni Chello ang ginamit niyang towel sa banyo at pinatay ang ilaw ng banyo at sinara ang pinto. Nakita niyang nakatingin lang sa kisame si Dave kaya gumapang siya sa kama at dumapa sa ibabaw ng asawa niya “hi!” bati ni Dave sa kanya na hinalikan siya ni Chello sa labi. “I’m tired” sabi ni Chello sa kanya “sleep nalang tayo” sabi ni Dave “hmm.. but I want some” lambing ni Chello sa kanya “sabi mo pagod ka tapos gusto mo?” sabi ni Dave sa kanya na tumingin si Chello sa headboard ng kama at sa kanya “.. fine, sleep nalang tayo” sabi niya kay Dave.
Nakita ko sa phone ko mag-aalas dyes na pala ng gabi at nakita kong natutulog sa tabi ko si Erica “cute talaga” sabi ko nung pinindot ko ng mahina ang ilong niya at kita kong gumalaw pa ang nguso niya. Bumangon ako at sinuot ang boxer shorts at t-shirt ko at lumabas ng kwarto at umakyat sa hagdanan, nakita kong patay na ang lahat ng ilaw sa bahay. “Tulog narin ata sila” sabi ko nung papunta ako ng kusina at kinuha ang dalawang mineral water sa loob ng ref pagkatapos sinara ito at nakita ko ang mansanas sa mesa kumuha narin ako ng dalawa.
Nilagay ko sa kanang kili-kili ko ang isang bote ng mineral water habang hawak ko ang isang mansanas sa kaliwa at nakabitin sa pagitan ng daliri ko ang ulo ang isa pang mineral water. Naglakad na ako sa sala at nung kakagatin ko na sana ang mansanas bigla nalang me tumama sa batok ko at naramdaman ko nalang na nabitawan ko ang lahat ng hinawakan ko pati na nasa kili-kili ko at bumagsak ako sa sahig. Bago pa ako nawalan ng malay nakita ko ang isang pares ng boots na nakatayo malapit lang sa akin at doon nagdilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
“Hmp!” lang si Uno nung pagkatapos niyang patulogin si Dave at yumuko siya at nakiramdam sa paligid, nung nakasiguro siyang walang ingay na nanggagaling sa mga kwarto hinila niya si Dave papunta sa gilid ng sofa at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa hagdanan. Dahan-dahan siyang bumaba at nag-iingat siya na hindi gumawa ng ingay, pagdating niya sa baba yumuko muna siya at tiningnan ang gamit niya. Naka yuko siya nung papunta siya sa unang pintuan malapit sa hagdanan at nakita niya sa ilalim ng pinto na bukas ang ilaw nito kaya sinilip niya sa me susian at nakita niyang me natutulog sa loob pero hindi ang target niya.
Lumipat siya sa kabilang pinto habang tumitingin-tingin siya sa likuran niya at nakita niyang patay ang ilaw kaya niluhod niya ang isang tuhod sa sahig at inabot ang doorknob at dahan-dahan niya itong inikot. Hinila niya ito ng dahan-dahan at bumukas ang pinto at tumigil muna siya nung nagdulot ng mahinang ingay ang pinto at nakiramdam pero wala siyang narinig. Binuksan lang niya ng konte na sakto lang sa kawatan niyang makapasok sa loob at iniwan niya itong bukas at payukong lumapit sa kama at niluhod muli ang isang tuhod sa sahig at inabot ang baril sa likuran at dahan-dahan niya itong kinasa.
Tumayo na siya at nakita niya ang isang babaeng natutulog sa kama at nakakumot ito kaya tinaas niya ang heels niya at doon lumapit na siya sa kama at hinila niya pababa ang kumot at nakita niyang hubo’t-hubad pala ito. “Hmmm.. ” lang si Uno at dahan-dahang inabot ang pwet ni Erica at nilagay ang kaliwang palad niya sa kaliwang pisngi ng pwet ni Erica at ginalaw ito ng konte. “Hmmm..” napaungol ng mahina si Erica na napangiti sa tuwa si Uno at nung ginalaw niya pataas-baba ang kamay niya gumalaw ng konte si Erica at binaling ang mukha nito sa kaliwa at doon nakita ni Uno ang mukha niyang nakangiti pa ito.
“Hmm… Barbie….” dinig niyang sabi ni Erica na nag-eenjoy pa sa ginawa niya kaya pinisil niya ng mahina ang pwet niya na napataas ang mukha ni Erica at dumila pa ito sa labi niya. “Do you like it?” mahinang tanong ni Uno sa kanya na napangiti muli si Erica at sabing “hmmm… yeaahhh…” sagot niya “whose the slut?” tanong ni Uno na napasimangot si Erica “don’t ever call me that Barbie” sagot ni Erica na pinaikot-ikot ni Uno ang palad niya kaya napangiti muli si Erica at sabing “fine.. its me…” sagot ni Erica sa ginawa niya.
“Do you like it?” mahinang tanong ni Uno sa kanya na tumango lang si Erica kaya pinisil na niya ang pwet nito “how about now?” tanong ni Uno ngumiti pa lalo si Erica at tumango siya. “How about now?” tanong ni Uno nung ipinatong niya ang dulo ng baril sa ulo ni Erica na biglang nawala ang ngiti ni Erica at bumuka ang mata niya at nakita niyang nagulat ito nung makita siya. “……” gulat na gulat si Erica at halatang takot na takot itong makita siya “kumusta kana.. mahal kong Seven?” sabi ni Uno sa kanya na dahan-dahang gumalaw si Erica nung umatras si Uno palayo sa kanya.
“Ba…bakit ka nandito?” gulat niyang tanong kay Uno “wala man lang ‘hi Uno’ o ‘i’m happy to see you’ ha.. Seven?” tanong ni Uno sa kanya na nagtabon ng katawan si Erica gamit ang kumot at dahan-dahan siyang umalis sa kama at tumayo. “Pa.. paano mo kami natunton dito?” gulat niyang tanong kay Uno na hindi siya makapaniwala nasa harapan niya si Uno. “Yung walang kwenta mong kasama, si Cain” sagot ni Uno “ano ang ginawa mo sa kanya? Nasaan siya ngayon? I swear to you kung-” “huwag kang mag-alala buhay siya, sinundan ko siya dito at nung papasok na sana siya dito sa bahay biglang me tumawag sa kanya at umalis kaagad siya kaya kinuha ko ang pagkakataong ito kaya nandito ako ngayon” sagot ni Uno sa kanya.
“At yung.. lover mo” sabi ni Uno na ngayon lang na realize ni Erica si Dave na agad tinaas ni Uno ang kamay niya “don’t worry, buhay din siya nasa gilid siya ng sofa ngayon natutulog” sabi ni Uno sa kanya. “At magpasalamat pa ako sa’yo, ganun ba?” sabi ni Erica na napangiti si Uno at umiling siya “always the tough bitch aren’t we, Seven?” tanong ni Uno. “What do you want from us?” tanong ni Erica sa kanya “hmm…” lang si Uno at tumingin sa paligid at kay Erica at tumingin din siya sa suot niyang kumot ngayon “I want what you have” sabi ni Uno sa kanya.
“You want to be fuck?” tanong ni Erica na natawa ng mahina si Uno “not that I don’t want it, yeah that too and more” sagot ni Uno na nagkatitigan sila ng sandali ni Erica at sabay silang napatingin sa me pinto nung me narinig silang ingay sa labas. “Sshhh..” anya ni Uno na tinaas ang t-shirt niya para matakpan ang mukha niya at umatras siya padikit sa pader malapit lang sa pinto at pareho silang nakiramdam sa ingay na papalapit sa kwarto. Nagising ako makalipas ang ilang sandali na me kirot sa batok ko at pansin kong nasa gilid pala ako ng sofa “ano kaya..” nasabi ko at doon naalala ko ang boots na nakita ko kanina.
Kaya kahit nangarag pa ako dahil sa pagkahilo bumaba ako ng hagdanan at nakita kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Erica at inabot ko ang doorknob at nung binuksan ko ang pinto nakita kong nakatayo si Erica malapit sa kama at nakabalot ang kumot sa katawan niya. “Eri-” napatigil nalang ako nung me dumikit na bakal sa kaliwang ulo ko “be quiet and stay still!” mahinang sabi sa akin sa taong me hawak ng baril na ito “no!” mahinang sabi ni Erica na parang nag-iingat siyang huwag gumawa ng ingay.
“Move over there and stand next to her” utos sa akin nung taong me takip sa mukha at binuksan niya ang ilaw ng kwarto kaya dahan-dahan akong lumapit kay Erica na suminyas ako sa kanya sabay ikot ko pero binaba nung tao ang kamay niya kaya hindi ko naabot ang baril niya. Nung sumablay ako bigla ko nalang naramdaman ang sapatos niya sa dibdib ko kaya napaatras ako at bumagsak sa kama. “Barbie!” tawag sa akin ni Erica at nung babangon na sana ako sumalubong nalang sa akin ang pwet ng baril niya na tumama sa noo ko at doon hinimatay muli ako.
“Idiot” sabay sabi ng dalawa at nagkatitigan sila na napangiti silang pareho “so, these is the boy you are fucking with?” tanong ni Uno sa kanya na napabugnot ang mukha ni Erica. “He is no longer a boy” sagot ni Erica sa kanya “hahaha.. so he is quiet a man now, ha?” tanong ni Uno sa kanya na napansin niyang nakatingin lang sa kanya si Erica. “What?” tanong ni Uno sa kanya “why now?” tanong ni Erica sa kanya “why now, what?” tanong ni Uno “bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Ano ang dahilan mo?” tanong ni Erica sa kanya.
“….. ” hindi sumagot si Uno “alam mo ba ang hirap na pinagdaanan ko? Tapos ngayon susulpot ka nang… nang ganito ang sitwasyon natin?” sunod-sunod na tanong ni Erica sa kanya. Binitawan ni Erica ang kumot at nagulat si Uno sa ginawa niya. “Why are you?” tanong ni Uno sa kanya at tumalikod si Erica sa kanya na lalong ikinagulat niya nung makita ang maraming peklat sa likuran niya. “Ano ang…” tanong niya kay Erica “ito ang nangyari sa akin.. ito ang ginawa nila sa akin noong nasa facility pa ako..” naiiyak na sabi ni Erica.
“Se….Seven…” sabi ni Uno na humarap si Erica sa kanya “alam m ang totoo kong pangalan…bakit ayaw mo itong banggitin?” sabi ni Erica sa kanya na niyuko ni Uno ang ulo niya. Kaya nakuha itong pagkakataon ni Erica at agad siyang umabante at nahawakan niya ang kamay ni Uno na me hawak ng baril at inilayo niya ito sa kanya sabay yakap niya kay Uno ng mahigpit. Magkadikit ang katawan nilang dalawa na nararamdaman nila pareho ang kapwa pagtibok ng mga puso nila “….” hindi nakapagsalita si Uno sa ginawa ni Erica.
“Let it go… ate..” sabi bigla ni Erica kay Uno na nagulat siya sa sinabi ni Erica “hindi natin kailangan pang maglaban..tayong dalawa nalang ang natitira sa mundong ito..” sabi ni Erica. “What?” gulat niyang tanong kay Erica “alam kong nalulungkot ka.. I know dahil nararamdaman ko din yun” sabi ni Erica sa kanya na dahan-dahang dumaos-os ang kamay ni Erica papunta sa baril ni Uno at nung nahawakan na niya ito dahan-dahan niya itong inalis sa kamay niya. “Bitawan mo na ang baril mo.. at mag-usap tayo ng maayos” sabi ni Erica sa kanya.
Hindi binitawan ni Uno ang baril niya kahit pilit itong inaalis ni Erica “…alam ko.. ate.. please..” sabi ni Erica na naririnig at nararamdaman ni Uno ang lungkot sa tinig ni Erica. “Matagal ko ng gustong mayakap ka..” sabi ni Erica na bigla siyang itinulak ni Uno palayo sabay round house kick niya kay Erica na napaatras ang huli at napasandal sa pader. Tinaas ni Uno ang baril niya at binaril si Erica na agad siyang umilag nung tumalon siya sa kama at nung nakita niyang sinuot ni Erica ang kamay sa ilalim ng unan agad siyang tumakbo at binangga ang pinto para bumukas at nagdive sa sahig at doon sunod-sunod ang pagputok ng baril ni Erica.
Agad bumangon si Uno at mabilis siyang tumakbo papunta sa hagdanan na binangga pa niya ang pintuan nung binuksan ito ni Precy “ha?” nagulat nalang si Precy nung bumangga sa kanya si Uno at napahiga siya sa sahig. “GET YOUR GUN!” sigaw ni Erica kay Precy nung dumaan ito nung hinabol niya si Uno, agad bumangon si Precy at pumasok sa loob at kinuha narin ang bathrob dahil nakita niyang hubo’t-hubad lang si Erica nung dumaan ito sa kanya. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Uno na panay baril naman sa kanya si Erica kaya nung nakalabas na siya binaril niya ang pintuan ng bahay na agad namang nagdive si Erica sa sahig para makatago.
Tumakbo si Uno palayo ng bahay papunta sa motor niya at nung nasiguro niyang hindi siya sinundan agad siyang sumakay sa motor niya at pinaandar ito “FELICIA!” sigaw ni Erica sa malayo at tinarget siya nito. Nung kinalabit ni Erica ang baril niya “FUCK!” napamura nalang siya dahil wala na pala siyang bala “ERICA” tawag ni Precy sa kanya sabay bato nito ng magazine at bathrob na agad niyang sinalo ang magazine at hinayaan lang bumagsak sa lupa ang bathrob, Pagkatapos mag reload agad niyang binaril ang papalayo na ngayong si Uno “PRECY!” sigaw niya kaya bumalik sa loob ng bahay si Precy at sinuot niya ang bathrob pagkalabas ni Precy binato niya ang susi ng motor.
Agad pinaandar ni Erica ang motor niya at sumakay sa likuran niya si Precy at hinabol nila si Uno, nakita ni Erica si Uno kaya ininform agad niya si Precy “95 metes” sabi niya kay Precy na nakawahak sa beywang niya habang yung isang kamay ay hawak ang M16 niya. “Roger!” sagot ni Precy at isinipit ni Precy ang pwet ng M16 at pinosisyon niya ito sa gilid lang din ni Erica “ready” inform niya kay Erica. Binilisan pa ni Erica ang pagtakbo ng motor hanggang sa ilang meters nalang ang layo nila kay Uno.
Lumingon ng sandali si Uno nung nakita niya ang ilaw ng motor sa likuran niya kaya nagshift siya ng gear at bumilis ang takbo ng motor niya “damn it! Precy!’ sabi ni Erica “firing!” inforn ni Erica sa kanya at kinalabit niya ang gatilyo ng M16 niya. Nakita nilang pasuray-suray ang takbo ng motor ni Uno para ilagan ang mga balang mula sa armas ni Precy. “I need to reload” inform ni Precy kay Erica “do it!” sagot niya nilagay ni Precy sa pagitan nila ang M16 at nagreload siya ng panibagong magazine “ready!” sabi niya kay Erica “do it!” sagot niya kay Precy at nagshift siya ng gear at bumilis pa ang motor niya at doon kinalabit ni Precy ang gatilyo at umilag nanaman si Uno.
Napalingon si Precy sa likuran dahil napansin niya ang isang kotseng nadaan nila kaya sumandal siya kay Erica “ah Seven, I think we need to get out of here” sabi niya kay Erica. “NO! WE NEED TO GET THAT BITCH!” sabi ni Erica kay Precy “no, we really need to get out of here” sabi muli ni Precy sa kanya “THIRTEEN DON’T PISS ME OFF!” sigaw ni Erica. “We really, really need to get out of here” pangungulit ni Precy “WHY?” tanong ni Erica nang biglang tumunog ang serena sa likuran nila at nakita niya sa side mirror ang ilaw ng pulis sa likuran nila “that’s why” sagot ni Precy na ikinagalit ni Erica “DAMN IT!” sigaw niya.
“GET RID OF THEM” utos ni Erica sa kanya “SEVEN, YOU KNOW THE PROTOCOL!” paalala ni Precy sa kanya “PULIS AKO KAYA OKAY LANG!” sabi ni Erica “AND I’M NOT!” sabi ni Precy sa kanya. Walang nagawa si Erica kaya sumunod sa protocol nila kaya nafrustrate man siyang nakatingin kay Uno na papalayo sa kanila iniliko niya ang motor sa kaliwang kalye na muntik pang mabangga ang mobile patrol nung sinundan sila. Nag shift ng gear si Erica sabay patakbo niya ng mabilis habang umiilag sa mga kotseng nadadaanan nila.
“NASAAN NA SILA?” tanong ni Erica kay Precy na ngayon ay nakayakap na sa beywang niya at nakabitin sa likuran niya ang armas niya “malayo na tayo sa kanila” sagot ni Precy malapit sa tenga niya. “Damn it!” galit niyang sabi habang iniisip niya si Uno at niliko niya ang motor sa kaliwang kanto para bumalik sa safe house nila “paano niya tayo natunton?” tanong ni Precy sa kanya “sinundan niya si Cain” sagot ni Erica “damn Cain” sabi ni Precy. “Tawagan natin siya pagdating natin ng bahay, alam mo na ang gagawin mo” sabi ni Erica kay Precy na natuwa ito “yehey! You’re the best, Seven!” sabi ni Precy.
Nagising ako na me bukol sa noo at parang umiikot pa ang mundo “Erica?” tawag ko na wala na siya sa kwarto kaya bumangon ako at lumabas at pagdating ko sa sala walang tao. Kinatok ko ang kwarto ni Hepe at walang sumagot sa loob kaya binuksan ko ito at nakita kong wala siya sa loob ng kwarto niya “nasaan kaya si Hepe?” tanong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at saktong pumasok sina Erica at Precy “okay ka lang ba?” tanong ni Erica sa akin “oo, okay lang ako” sagot ko habang hinihimas ko ang bukol sa noo ko.
“Sino ba yung pumasok kanina?” tanong ko “mamaya ko na sasabihin sa’yo, gamutin muna natin yang noo mo” sabi ni Erica sa akin “okay lang ako” sabi ko “me dugo ka sa batok” sabi ni Precy. Kinapa ko ito at tama nga siya me dugo nga kaya pala nahihilo ako “tara sa baba, gamutin natin yan” sabi ni Erica “Precy tawagan mo si Cain at sabihin mo sa kanya ang nangyari dito” utos niya na sumaludo si Precy. Bumaba na kami ni Erica sa basement at ginamot niya ang ulo ko “nasaan nga pala si Hepe?” tanong ko na nagulat siya.
“Wala siya dito?” tanong niya sa akin “wala” sagot ko na agad siyang umalis at lumabas ng kwarto “Erica!” tawag ko at sumunod ako sa kanya sa sala “sabi ni Cain puntahan natin siya dahil hindi na tayo safe dito” sabi ni Precy. “Wala si Minerva dito” sabi ni Erica kay Precy “alam ni Cain, nagpaalam si Minerva sa kanya kanina” sabi ni Precy sa amin “damn that guy, bakit hindi niya tayo sinabihan?” tanong ni Erica na nagkibit-balikat lang si Precy. “Get your stuff, aalis tayo within 30” sabi ni Erica kay Precy na sumaludo muli siya at pumunta sa kwarto niya.
Nagbihis narin kaming dalawa ni Erica at pagakatapos inilabas ang dalawang malalaking duffle bags at ikinarga sa likod ng kotse at pagkasakay ni Precy umalis na agad kami. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Erica “sa second safe house namin” sagot ni Precy “saan?” tanong ko “better now knowing it, Barbie” sagot niya sa akin “ah ok, pero sino ba yung pumasok kanina sa bahay?” tanong ko sa kanila na nagkatinginan silang dalawa. “Come on, tell me!’ sabi ko sa dalawa “si Felicia” sagot ni Erica “teka, yung babae nakita natin sa picture?” tanong ko “oo, siya ang pumasok kanina” sagot ni Precy.
Samantala, nakalayo na si Uno sa mga pulis na humahabol sa kanya at tinahak na niya ngayon ang daan papunta sa isang gusaling tinatambayan niya sa tuwing tumatakas siya sa gusali ng Supremo. Pinarada niya sa likuran ng parking lot ng gusali ang motor niya at naka helmet pa siya nung umakyat siya sa hagdanan papunta sa rooftop. Pagdating niya doon dumiretso siya sa dulo at naupo habang suot-suot pa niya ang helmet niya “haayy..tatayo ka nalang ba diyan o lalapit ka sa akin?” tanong bigla ni Uno sa taong nakatayo sa dilim “lalapit” sagot nito sa kanya at doon na niya hinubad ang helmet niya at lumingon kay Minerva.
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021