Written by anino
“We need to talk” sabi ni Chello kay Rosana na sa isang tingin lang ni Rosana sa mga tauhan niya agad silang umalis “babe” sabi ni Chello kay Dave “hmp! Fine!” sabi ni Dave at umalis din siya. “What do you want?” tanong ni Rosana kay Chello “you know what I want” sagot ni Chello sa kanya “hmp! It’s not going to be easy” sabi ni Rosana kay Chello. “I don’t care as long as I get my son back” sagot ni Chello sa kanya “so, what do you have in mind?” tanong ni Rosana kay Chello “you know exactly what It is!” sagot ni Chello na napatawa ng mahina si Rosana “you are one tough bitch” sabi niya kay Chello “right back at you!” sagot naman ni Chello.
Natawa si Imelda sa sinabi ni Edwardo “tutulongan mo akong patayin si Rosana? Edwardo, nababaliw ka na ba?” natatawang tanong ni Imelda sa kanya “seryoso ako at pagkatapos ni Rosana isusunod ko ang Supremo” sabi niya na biglang natahimik si Imelda. “Hoy, hoy, hoy hindi magandang biro yan, Edwardo” sabi ni Imelda sa kanya “hindi ako nagbibiro, me shoot-to-kill order kaming tatlo galing sa kanya kaya bago pa niya kami mapatay uunahan ko na siya” sabi ni Edwardo kay Imelda. Nagkamot ng ulo si Imelda at pinatay ang yosi sa ash tray at pabalik-balik itong naglakad sa harapan nila.
“Papatayin mo si Rosana at isusunod mo ang Supremo? Gaano ba ka sama ang gising mo at naisipan mong patayin sila?” seryosong tanong ni Imelda sa kanya “bakit Imelda? Natatakot ka ba?” tanong ni Mario sa kanya. “AKO?! Putragis man!” sagot ni Imelda “bakit parang kinakahaban ka? Takot ka no?” pangungutya ni Rico sa kanya na binunot ni Imelda ang baril na nasa likuran niya at tinutok ito kay Rico. “Hindi mo ata ako kilala boy!” sabi ni Imelda sa kanya na napaatras si Rico sa takot “ibaba mo yan, Imelda” utos ni Edwardo sa kanya.
“Tumahimik ka Edwardo! Kung me shoot-to-kill order kayong tatlo hehehe.. tiba-tiba pala ang reward na matatanggap ko galing sa Supremo” sabi ni Imelda “sir.. mali ata ang taong nilapitan natin” takot na sabi ni Rico. “Kumalma ka, gago!” sabi ni Mario sa kanya “hindi niya tayo itutumba, Rico” sabi ni Edwardo “paano kayo nakakasiguro sir?” takot niyang tanong kay Edwardo. “Dahil me paraan ako para makuha natin si Rosana” sabi ni Edwardo na binaba ni Imelda ang baril niya at ngumiti siya “hmp! Kilala mo talaga ako Edwardo, alam mo kung saan ang kiliti ko” sabi ni Imelda at nilagay ang baril sa mesa at umupo sa silya “ano ang plano mo?” tanong niya kay Edwardo.
Tumingin ako sa labas at nakita ko ang ilaw ng mga poste at mga bahay sa baba “Dave, okay ka lang ba?” tanong ni Hepe sa akin “uhm.. opo Hepe okay lang po ako” sagot ko sa kanya. “You are more than ok.. right Erica..” pilyang sabi ni Precy at kumindat siya kay Erica na binatukan siya ni Erica “tumahimik ka!” “ehh.. nagbibiro lang naman eh” sabi ni Precy sa kanya. “Saan po tayo pupunta?” tanong ko sa kanila “hindi ko alam” sagot ni Hepe “dadalhin ka namin sa lugar namin” sagot ng piloto na nakita kong nakatingin lang ito sa harap.
Tumabi sa akin si Erica at lumipat naman sa kabilang upoan si Hepe “Barbie” sabi niya “oh?” “bukas ang zipper mo” sabi niya sa akin kaya nataranta akong isinara ang zipper ko. “Hahaha busted! Ah the joy of being inlove” biro ni Precy sa amin “shut up, Precy!” sabi ni Erica sa kanya “you can’t deny it aaaannddd.. you can’t hide it anymore, missy” sabi ni Precy. “I said shut up!” sabi ulit ni Erica “wait til nine hears about this” sabi ni Precy “I SAID SHUT UP!” sigaw ni Erica “STOP IT!” sigaw ng piloto sa kanila na natahimik sila pareho.
Para silang mga bata kung umasal, si Erica na panganay at kinukulit ni Precy na bunso, ito nga ba ang ikinwento ni Hepe sa akin kanina ang sinasabing myembro ng project lullaby. Kay Erica makikita mo ang skills niya pagdating sa paghawak ng baril at lalo na ang hand-to-hand combat niya ito kayang si Precy ano kaya ang expertise niya. “Bakit?” tanong bigla ni Precy sa akin dahil napansin niyang nakatingin ako sa kanya “ah.. wa.. wala” sagot ko “oohhh.. you like what you see?” pilyang tanong niya sa akin “ah wala” sagot ko sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
“Erica” tawag ng piloto sa kanya “yes sir?” sagot niya “move up front” utos ng piloto “dito ka lang” sabi niya sa akin at lumipat siya sa harapan ng helicopter sa tabi ng piloto. Narinig kong nag-uusap silang dalawa pero hindi ko na pinansin ang pinag-uusapan nila “Hepe” tawag ko na lumipat siya sa tabi ko “saan po nila tayo dadalhin?” tanong ko sa kanya. “Sa lugar daw nila” sagot ni Hepe “don’t worry, the place we are going is safe and you don’t have to worry about anything” sabi ni Precy na nakangiti pa ito sa amin. “Psssttt..” sinitsitan ako ni Precy kaya tumingin ako sa kanya “hi!” sabi niya sabay hila ng kwelyo niya pababa at pinakita sa akin ang cleavage niya “PRECY!” nasigawan tuloy siya ni Hepe “just kidding!” sabi niya sabay tawa.
“Boss, malapit na po tayo sa pier” balita ng Kapitan kay Rosana “good, Dino” tawag niya “yes boss?” sagot ni Dino “inform mo ang mga tauhan natin na maging alerto at magbantay sa paligid” utos niya “masusunod boss” sagot ni Dino at umalis agad siya. Kinausap muna ni Rosana ang crew ng bridge bago siya bumaba papunta sa main deck ng barko. “Boss!” tawag ni Sony sa kanya “ano yun?” tanong niya “maghihintay sila sa pagdating niyo” balita niya “good!” sagot ni Rosana at bumalik na sa loob si Sony.
“Aalis kayo?” tanong ni Rudy sa kanya “Tito Rudy, ah.. opo” sagot niya na hinawakan ni Rudy ang dalawang kamay niya “mag-iingat kayo” sabi ni Rudy na ikinagulat ni Rosana. Akala niya kasi pipigilan siya nito “sa.. salamat po” sagot niya “alam kong kahit ano pa ang sabihin ko hindi ko kayo mapipigilan lalong-lalo na siya” sabi ni Rudy at tumingin sila kay Chello na naghahanda na sa tabi ng helicopter kasama si Dave. “Hehehe.. tama po ang ginawa niyo” sabi ni Rosana sa kanya “bumalik kayo agad” sabi ni Rudy sa kanya “opo” sagot ni Rosana at yumakap siya kay Rudy at pagkatapos umakyat sa helipad.
“Babe!” tawag ni Dave “don’t worry I’ll be back soon, really soon” sabi ni Chello sa kanya “don’t be reckless and please.. please for the love of God don-” natahimik nalang si Dave nung siniil siya ng halik ni Chello. “You worried to much you idiot!” sabi ni Chello sabay suntok niya ng mahina sa tiyan ni Dave “hehehe.. I love you” sabi ni Dave sa kanya. Hinawakan siya ni Chello sa harapan ng pantalon na napaiktad bigla si Dave sa ginawa niya at saktong nakatayo si Rosana sa tabi nila “this is mine, you understand!” sabi ni Chello habang nakatingin kay Rosana “whatever!” sagot ni Rosana at una na siyang sumakay.
“What was that for?” tanong ni Dave kay Chello “for goodluck and..” sabay tingin niya kay Rosana “to let those bitches know whose the boss” sabay halik niya muli kay Dave at sumakay na siya sa helicopter. Napailing nalang si Dave at nagmamadaling bumaba sa helipad at pagkababa niya lumipad na ang helicopter at lumayo na ito sa barko. “Anak” tawag ni Rudy sa kanya “Pa” “ano sa tingin mo?” tanong ni Rudy sa kanya na napahawak si Dave sa harapan ng pantalon niya sabay ngiti niya at sabing “mapapalaban ako nito siguro” binatukan siya ng mahina ni Rudy “gago!” natawa sila pareho.
Habang nasa himpapawid “boss, me tawag po kayo” sabi ng piloto sa kanya “alright” sabi ni Rosana at kinuha niya ang headset malapit lang sa ulo niya at sinuot niya ito. “Patch it through” sabi niya sa piloto kaya pinasa sa kanya ang tawag “go ahead” sabi ni Rosana “boss, si Wilfredo ito” sabi sa linya “Wilfredo ano ang balita?’ tanong ni Rosana. “Boss nagworried po ako dahil nakarating sa akin ang balita na me nangyari daw sa inyo kagabi?” tanong niya “wala yun, safe kaming lahat” sabi ni Rosana sa kanya “mabuti naman po kung ganun” sabi ni Wilfredo.
“Bakit napatawag ka?” tanong ni Rosana “oonga pala me ibabalita pala ako sa’yo” sabi ni WIlfredo “ano yun?” “boss, nagbaba ng order ang Supremo tungkol sa status ni Edwardo” balita ni Wilfredo. “Status? Ano ang status?” tanong agad ni Rosana “shoot-to-kill order” sagot ni Wilfredo na napasandal si Rosana sa upoan niya at napatingin kay Chello. “What?” tanong ni Chello “confirm ba ito?” siniguro ni Rosana “yes boss, galing mismo sa building A” sagot ni Wilfredo “sige, salamat sa balita” sabi ni Rosana at nawala na sa linya si Wilfredo.
“What’s up? What’s going on?” tanong ni Chello sa kanya nung hinubad ni Rosana ang headset “me shoot-to-kill order si Edwardo” balita niya kay Chello na napangiti naman ang huli. “What?” tanong ni Rosana “that means atin na siya” sabi ni Chello sa kanya “tama ka” sabi ni Rosana “so, what now?” tanong ni Chello dahil plano sana nilang kumuha ng inpormasyon tungkol sa mga nakapaligid kay Edwardo bago sila kumilos at dukotin ito. “Ngayong wala na siya sa puder ng sindikato isa lang ang pwede niyang gawin ngayon” sabi ni Chello “nagtatago na siya” sabi ni Rosana.
“Pwede na natin siyang hanapin without worrying na baka me haharang sa ating sindikato” sabi ni Chello “it’s not that easy” sabi ni Rosana “it is easy! Wala na ang sindikato niya so what’s the problem?” tanong ni Chello. “That’s the problem, wala na siya sa sindikato at sa ganyang kadahilanan pwede na siyang gumalaw independently” sabi ni Rosana sa kanya. “What do you mean?” tanong ni Chello “wala ng restriction si Edwardo, kung baga sa aso hindi na nakatali ang leeg niya at pwede na siyang tumakbo at kumagat kahit kanino” sabi ni Rosana na napaisip bigla si Chello. “Then we need to hurry back at the condo para kumuha ng supplies” sabi ni Chello “tama!” sagot ni Rosana.
“Ano ang plano mo?” tanong ni Imelda kay Edwardo na nagkakamot pa ito ng baba “mag-iisip pa ako tungkol sa Supremo pero pagdating kay Rosana.. meron na akong naisip” sagot niya. “Kung ganun” sabi ni Imelda sabay tayo niya at pumunta sa bintana “bilisan mo lang ang pag-iisip mo dahil..” putol niya at lumingon kay Edwardo “… baka hindi mo na matupad ang plano mong yan” tuloy niya. “Ano ang ibig mong sabihin, Imelda?” tanong ni Mario sa kanya at tumingin muli sa labas ng bintana si Imelda “dahil me mga panauhin tayong ayaw nilang mawala ang Supremo nila” sagot ni Imelda kaya napatayo silang tatlo. “Relax lang kayo” sabini Imelda na kinuha ang baril sa mesa “sumunod kayo sa akin” sabi niya sa tatlo.
Pumunta sila sa bedroom ni Imelda “tulongan mo ako Mario” sabi niya at tinulangan siya ni Mario’ng hilahin ang maliit na kabinet at nakita nilang me tagong pinto sa likuran nito. “Mario, dalhin mo yung bag na nasa ilalim ng kama” utos niya na sinunod agad ito ni Mario “mauna na kayo, sundin niyo lang ang daanan at sa dulo niyang me pulang kotse, ito ang susi” sabi niya sa tatlo. Unang pumasok si Edwardo at si Mario kasunod si Rico “dali” sabi niya kay Imelda na me kinuha itong bag sa kabinet at isang M4 CQB Assault Rifle.
Napatingin si Rico sa dala niyang armas “ang ganda niyan ah” sabi ni Rico na tinulak siya ni Imelda “bilisan mo” sabi ni Imelda at hinila niya ang kabinet at tumakip ito sa pinto. Nagmamadali silang naglakad sa mala tunnel na daanan “paano….” nagugulohan si Rico sa dinaanan nila “paano nagkaroon ng tunnel? Hahaha” natawa lang si Imelda. “Hindi mo kasi kilala si Imelda, Rico kaya nagtataka ka kung bakit me tunnel ang apartment niya” sabi ni Mario akay-akay niya si Edwardo “metikulosa yang si Imelda, lahat naka plano kahit sa maliit na detalye” paliwanag ni Edwardo “kaya hindi na ako nagtataka kung me ganitong daanan siya” dagdag niya.
Nakita na nila ang dulo ng tunnel “dito lang kayo” sabi ni Imelda at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas, suminyas siya sa tatlo na ligtas kaya lumabas na sila sa tunnel at tumungo sa pulang kotse. Nilagay ni Imelda ang mga gamit niya sa trunk at nung nakasakay na ang tatlo binuksan niya ang driver side at tumingin sa apartment niya. “Haayy pinaghirapan ko ang apartment na yan na naaayon sa espesifikasyon ko” sabi niya at sumakay sa kotse at pinaandar ito “Edwardo! Pagnatapos ang lahat ng ito at buhay pa tayo gagawan mo ako ng panibagong apartment” sabi ni Imelda sa kanya “walang problema” sagot ni Edwardo.
“Bakit? Hindi ka na ba pwedeng bumalik sa apartment mo?” tanong ni Rico sa kanya “gago ka ba?!” sagot ni Imelda sa kanya “paano ako makakauwi eh alam na ng sindikato na nandoon kayo” sagot niya. “Eh pwede naman kung mapatay na natin ang Supremo” sabi ni Rico “hindi na nga pwede” sabi ni Imelda “bakit nga?” pangungulit ni Rico. Sa apartment ni Imelda pumasok ang sampung tauhan ng Supremo at pinagtatadtad nila ng bala ang buong apartment at wala silang iniwang sulok na hindi tamaan ng bala nila. “Lead.. walang tao” sabi nung isa “baka na alarma natin sila” sagot ng lead na nasa pinto “lead teka..” sabi nung isa.
Dahan-dahan itong lumapit sa kusina at tinutok ang armas niya sa ref “bakit?” tanong ng team lead “wala.. akala ko mero-” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil “bakit nga?” tanong ni Rico kay Imelda at me narinig silang sumabog sa malayo kaya napalingon ang tatlo sa likuran ng kotse. “Yan ang dahilan” sagot ni Imelda nung sumabog ang bombang ipinlanta niya sa buong apartment niya. “Hahahaha.. meticulous as always” sabi ni Edwardo kay Imelda na napangiti lang ang huli nung tumingin siya sa rearview mirror niya. Umupo ng maayos si Rico at tumingin kay Imelda “paalala mo sa akin na huwag galitin ang babaeng ito..” sabi ni Rico sa dalawa na natawa lang si Imelda.
“Ngayon Edwardo” sabi ni Imelda “hmm?” “ano ang plano mo para mapatay natin si Rosana?” tanong ni Imelda “simple lang” sagot ni Edwardo na tumingin sa kanya si Imelda. “Hmm?” ni Imelda “the wife” sagot ni Edwardo “the wife?” tanong ni Imelda “tama.. siya ang magiging tulay natin para makuha natin si Rosana” sabi ni Edwardo. “Eh… ano naman ang meron sa ‘the wife’ na yan para makuha natin si Rosana?” tanong ni Imelda “Mario” tawag ni Edwardo “sir.. alam na namin ang location ng anak niya” sagot ni Mario. “Ha.. hahahaha… pagdating sa dirty job, magaling ka talaga Edwardo” natatawang sabi ni Imelda.
“Gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ko, Imelda… kahit buhay ng bata kukunin ko para makapaghiganti ako” sabi ni Edwardo na ikinagusto ni Imelda sa kanya. Hinimas ni Imelda ang kaliwang hita ni Edwardo habang nagmamaneho siya “ilang taon na ba Edwardo” tanong ni Imelda sa kanya na hinawakan ni Edwardo ang kamay niya at inalis ito. “Hanggang ngayon pa ba?” tanong ni Imelda sa kanya “wala ng papalit kay Ingrid sa buhay ko, Imelda” sabi ni Edwardo “hindi yan ang itinatanong ko” sabi ni Imelda na napatingin si Edwardo sa kanya “hanggang ngayon pa ba.. hindi na tumatayo yang sa’yo” sabay tawa ni Imelda na ikinagalit ni Edwardo.
Madilim pa nung nakarating sila ng condo ni Rosana, binaba ng piloto ang helicopter sa rooftop ng building at bumaba na sila ni Chello “huwag mo patayin ang makina maghintay ka lang dito” utos ni Rosana sa piloto “roger, boss!” sagot ng piloto sa kanya. Bumaba sila sa fourth floor at pumasok sila sa loob ng condo, pumunta ng gym si Chello habang sa kusina naman si Rosana. Binuksan ni Chello ang armory niya at napangiti lang si Rosana nung pumasok siya sa gym at nakita ang maraming armas ni Chello.
“Wow, hanggang ngayon parin ba meron ka niyan? Akala ko inalis mo na ito pagkatapos noon?” tanong ni Rosana habang naglalagay ng magazine si Chello sa baril niya. “It won’t hurt to prepare, after all buhay ka pa” sabi ni Chello sa kanya na napaismid si Rosana pati narin si Chello “go on, take your pick and the rest ilagay na natin sa bag” sabi ni Chello sa kanya. “I like this” sabi ni Rosana sa Berretta M12 na naka display sa case “its yours, now stop drolling and help me” sabi ni Chello sa kanya kaya kinuha nila ang malaking duffle bag at nilagay ang mga armas sa loob.
Nilagay nila ito lahat sa elevator at pagkatapos sinara ni Chello ang condo at inon ang alarm bago siya sumakay sa elevator at pagdating sa rooftop ikinarga nila ang mga armas sa helicopter. “Mauna kana sa barko at sabihin mo sa kanila na susunod na kami” utos ni Rosana sa piloto “boss, delikado kayo dito” sabi nito sa kanya “huwag kang mag-alala safe ako” sabi ni Rosana. HIndi agad gumalaw ang piloto “GO YOU IDIOT!” sigaw ni Chello sa kanya kaya nataranta ito at pinaangat agad ang helicopter at umalis na ito “you are such a screamer are you?” sabi ni Rosana sa kanya “meh, ayaw niyang gumalaw so..” sabi ni Chello na napailing nalang si Rosana.
Sumakay muli sila sa elevator pababa sa parking lot “me alam akong lugar kung saan magtatago si Edwardo” sabi ni Rosana “where?” tanong ni Chello “sa karibal ko, si Imelda” sagot niya. “A friend of yours?” tanong ni Chello “dati ko siyang nakasama noon nung nagsisimula palang ako, pero nagkalaglagan kami kaya no, hindi ko na siya friend” sagot ni Rosana. “Too bad, sounds bitchy” sabi ni Chello “she is!” sagot ni Rosana na nagtawanan silang dalawa “I bet that’s the reason why you two are not getting along” sabi ni Chello “what do you mean?” tanong ni Rosana “well, if you put two bitches in one room well.. you know that outcome” sabi ni Chello sabay tawa niya na tiningnan siya ng masama ni Chello.
“Oh lighten up” sabi ni Chello sabay labas niya nung bumukas ang elevator “bitch” mahinang sabi ni Rosana at sumunod na siya kay Chello “where’s your car?” tanong ni Rosana dahil naglakad sila papunta sa dulo ng parking lot. “Hey!” tawag niya kay Chello “I have a name and shut up!” sabi ni Chello at huminto siya sa mala container van at binuksan ito. “Ano ba ang meron…. diyan…. ” napanganga nalang si Rosana nung makita ang laman nito “he he he.. naalala mo si Beast right?” tanong ni Chello na napatango lang si Rosana “well.. meet his father… ” sabi ni Chello sa hummer na nasa loob ng container van “… Goliath!” sabi ni Chello.
“Sorry sa pag isturbo, Supremo” sabi ng tauhan niya nung pumasok ito sa opisina niya “okay lang Rodel, ano ang balita?” tanong niya sa tauhan niya “tama po ang balita na nakina Imelda nga sila Edwardo at dalawang tauhan niya” balita ni Rodel. Hindi sumagot ang Supremo at tuloy lag ito sa pagbabasa ng libro “uhm.. ano po sir.. pu..pumalpak ang mga tauhan natin at.. la.. lahat po sila napatay” nauutal na binalita ni Rodel sa Supremo ang sinapit ng mga tauhan nila. Binaba ng Supremo ang libro niya at binaling ang upoan niya para humarap sa bintana na nasa kaliwa niya at nagbuntong hininga at inangat muli ang libro at nagbasa.
“Pa.. patawad po Supremo” sabi ni Rodel sa kanya na tumango lang ito at dahan-dahang umatras si Rodel at lumabas ng opisina niya, binaba ng Supremo ang libro at nagbuntong hininga muli siya. “Tila.. nagiging tinik sa grupo si Edwardo mahal na Supremo” sabi ng sekretarya niyang nakaupo sa sofa “haayy… ” lang ang Supremo at nilagay ang libro sa mesa at tumingin ito sa bintana. “Oras na siguro para gamitin natin ang armas natin, mahal na Supremo” sabi ng sekretarya niya na napatingin sa knaya ang Supremo “suggestion ko lang ito, kayo parin po ang masusunod” sabi agad ng sekretarya niya.
“Hmm… tama ka, Llana.. napapanahon na siguro..” nakangiting sabi ng Supremo sa kanya “kung ganun ako na ang bahalang mag prepare sa lahat..” sabi ni Llana na tumango ang Supremo. Tumayo si Llana at naglakad ito para lumabas ng opisina “isang babala lang, Llana” sabi ng Supremo na huminto siya “hindi dapat makarating ito kay Erica” sabi ng Supremo sa kanya. Humarap si Llana sa Supremo “na hihiwagaan parin ako kung bakit mo kinupkop ang babaeng yun” sabi ni Llana sa kanya “kilala ko ang magulang niya, kaya ko siya kinupkop” sagot ng Supremo.
“Kung kilala mo lang, bakit mo pa siya hinayaang umabot sa ganun ang abilidad niya?” tanong ni Llana “dahil yun ang nararapat, yun ang opinion ko, me problema ba?” tanong ng Supremo na nasindak si Llana. “Wa.. wala mahal na Supremo” sagot ni Llana sabay yuko ng ulo niya “huwag mong ipaalam at ayaw kong malaman ni Erica ang paglabas nila, naiintindihan mo?” tanong ng Supremo sa kanya. “Naiintidihan ko, Supremo” sagot ni Llana at lumabas na siya ng opisina at doon tumayo ang Supremo at pumunta sa bintana at tumingin sa labas.
“Erica.. kung me pagmamahal pang natitira sa puso mo dapat isipin mo na ang kapakanan mo.. dahil..” sabi ng Supremo at ilang sandli narating na ni Llana ang basement at pagkabukas niya ng pinto nakita niya ang tatlong tao sa loob nito. “Magandang umaga, Llana” bati sa kanya ng isa sa tatlo “maghanda kayo, me mission kayo” sabi ni Llana sa kanila na natuwa pa ang dalawa habang yung isa naman ay agad inabot ang armas niya at kinasa ito. “Regalo sa inyo ng Supremo.. si Edwardo..” pagkasabi niya sa pangalan agad nagtalunan ang tatlo sa tuwa “sa wakas… SA WAKAS!” pagsisgaw nila “lalabas na ang mga kapatid mo sa lungga nila…” sabi ng Supremo “uno, tres, singko… si Edwardo ang target niyo” sabi ni Llana sa kanila.
Palabas na ang araw nung maglanding kami sa isang malayong lugar na wala kang makikitang kabahayan “saan ito?” tanong ko kay Erica “huwag kana magtanong pa Barbie” sabi niya sa akin. “Magmadali kayo, kailangan nating makarating ng bahay bago pa makalabas ng tuloyan ang araw” sabi ng piloto sa amin kaya nagmamadali kaming pumnta sa kotseng nakaparada sa baba ng puntod. Iniwan lang namin ang helicopter sa gitna ng maraming kahoy at dumaan ang kotse sa mabato at maraming lubak na daan, pagkalipas ng isa at kalahating oras nakaating na kami sa lugar na malapit lang sa dagat.
“Pumasok na kayo sa loob at itatago ko lang ang kotse” sabi nung piloto sa amin kaya naglakad na kami papunta sa isang bahay overlooking lang ang dagat at pagpasok namin sa loob nakita kong hind naayun ang hitsura sa loob kesa sa labas. “Gulat ka no?” sabi ni Precy sa akin “ah.. o..oo” sagot ko at nakita kong me basement ang bahay na ito na sa unang tingin mo sa labas bungalo ito pero malaki pala ito sa loob. “Sige, ilagay niyo na ang mga gamit niya sa loob ng kwarto” sabi nung piloto sa amin “ah.. teka.. hindi ba hostage niyo ako?” tanong ko sa kanila na nagkatinginan silang apat at natawa sa akin si Precy.
“You are such a fool” sabay tapik niya sa balikat ko “huwag kang mag-aalala hindi ka namin tatratuhin na hostage” sabi nung piloto sa akin “ah.. ano pala ako?” tanong ko sa kanya. “Pabigat!” sabi ni Erica sabay hila niya sa akin pababa sa basement at pumasok kami sa isang kwarto at nung isasara na sana niya ito biglang pumasok sa loob si Precy. “Dont mind me.. imaginin niyo nalang na wala ako dito.. hihihi” pilyang sabi niya sa amin “PRECY GET OUT!” sigaw ni Erica sa kany “awww.. c’mon.. sis.. I love you..” sabi ni Precy na binunot ni Erica ang baril niya kaya agad ko siyang pinigilan.
“GET THE FUCK OUT OF HERE OR ELSE..” sigaw ni Erica sa kanya “sus, gusto ko lang manood.. lame..” sabi ni Precy at lumabas ito ng kwarto pero hindi ito umalis dahil nakita naming naka bukas parin ng konte ang pinto. “That stupid bitch..” sabi ni Erica at tinadyakan niya ang pinto at sumara ito “OUCH..!” narinig naming sumigaw si Precy sa labas kaya napailing nalang ako sa inasal ng dalawa. “Sino ba siya?” tanong ko kay Erica “stupid bitch” sagot niya “no, kaano ano mo ba siya?” tanong ko sa kanya na napatigil nalang siya at tumingin sa akin “ah.. wala..” sagot niya sabay iwas niya ng tingin sa akin.
“Isa ba siya sa mga batang naitakas ni Sony noon?” tanong ko sa kanya na tiningnan niya ako at umiling siya “huwag kang maniwala sa kung ano ang sinabi sa’yo ni Minerva” sabi ni Erica sa akin. “Ganun? Kahit na totoo ang sinabi niya iisipin ko nalang na nagsisinungaling siya, ganun ba?” tanong ko sa kanya “tama!’ diretsong sagot niya sa akin. “Tama ka Dave.. kasamahan ako ni Erica sa facility noon” narinig kong sabi ni Precy sa labas ng pinto na tinadyakan ni Erica ang pinto “HAHA!” kantsaw ni Precy sa kanya kaya binuksan niya ang pinto at nakita kong tumakbo paayat sa taas si Precy nung hinabol siya ni Erica.
“BUMALIK KA DITO!” sigaw ni Erica sa kanya “NO WAY!” sagot ni Precy nung sinundan ko sila sa taas at nakita kong napatigil sila pareho nung tumingin sa kanila ang piloto. Umupo ang dalawa sa sofa at natahimik at halatang takot silang dalawa sa kanya “please Inspector, maupo ka” sabi sa akin nung piloto “salamat po” sabi ko sa kanya at tumingin siya sa dalawa na niyuko nila ang mga ulo nila. “Haayy… pagpasensyahan mo na ang dalawang yan Inspector” sabi nung piloto sa akin “ah Dave nalang ang itawag niyo sa akin” sabi ko sa kanya.
“Sige Dave.. ako nga pala si Cain” pakilala niya “ako naman si Precy!” pakilala niya “kilala ka na niya sira!” sabi ni Erica sa kanya “eh feel ko kasi hindi niya ako kilala eh, Hi Dave!” sabi niya sabay kaway sa akin. “Pagpasensyahan mo na si Precy, Barbie” sabi ni Erica sa akin “why sorry for me seven?” tanong ni Precy sa kanya “are you an idiot?! Don’t call me by my number you dumbass!” inis niyang sabi kay Precy. “Stop it!” sabi ni Cain sa kanila at natahimik silang dalawa at umayos ng upo sa sofa “haayyy.. ano ba ang gagawin ko sa inyong dalawa ha?” sabi sa kanila ni Cain na napangiti lang si Precy nung tumingin sa akin.
Sa tuwing pinapagalitan ang dalawa kita ko sa mukha nilang hindi naman sila takot kay Cain para lang nakakatandang kapatid ang turing nila sa kanya, kung baga siya ang peacekeeper ng dalawa. “Project Lullaby…” sabi ko na napatingin silang lahat sa akin at umiwas agad ng tingin sa akin si Hepe “Minerva?” tawag ni Cain sa kanya “…..” hindi sumagot si Hepe. “Haayyy…” nalang si Cain at pumunta ito sa kusina at uminom ng tubig “ano ba ang totoo?” tanong ko sa kanila “parte ba talaga kayo sa proyekto ni Edwardo noon?” sunod kong tanong.
“Barb-” “oo” sagot bigla ni Cain na natahimik si Erica “pero hindi ako kundi sila lang” dugtong niya na napayuko ang ulo nina Erica at Precy “apat na taon palang ako noon nung kinuha ako sa orphanage na tinitirhan ko” panimula ni Erica. “Kung iisipin mo, sa ganung edad laro at laruan lang ang dapat kong isipin pero sa edad na yun nagsimula akong matutong humawak ng baril at makipag sparing sa kasamahan ko” kwento ni Erica sabay lingon niya kay Precy. “Hihihi… limang taon naman ako nung napasali ako sa programang yun, gusto ko lang ay maglaro, kumain at matulog pero.. hmp! Tinuroan nila ako kung paano pumatay” kwento ni Precy.
“Lahat kami na nasa facility na yun ay nasa edad kwatro hanggang anim na taon, kasi sabi nga nila mabilis daw ang development ng isang subject kung nasa ganung edad” sabi ni Erica “dalawang taon na ako sa programa nung pumasok si Precy, iyakin, hindi nakikinig at..” putol ni Erica “… me sakit..” dugtong ni Precy sabay ngiti niya sa akin “nakikita mo naman ngayon, hindi ba.. Dave?” tanong ni Precy sa akin na nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. “ADHD” sabi ko na tumango si Precy “hehehe..” tumawa lang siya “pero paano?” tanong ko “binigyan siya ng gamot, na diagnose na siya noon nung bago siya ipinasok” sabi ni Cain sa akin.
“Me mga kapansanan ang mga ibang bata sa programang yun, Dave” sabi ni Hepe sa akin “kapansanan na hindi mo akalain na magiging mamamatay tao ang isang bata” sabi ni Cain sa akin. “Teka, Erica?” tanong ko na ngumiti lang siya at lumapit sa akin sabay sampal niya na ikinagulat ko pero wala lang sa kanila ang ginawa niya “mostly psychological ang kapansanan nila” panimula ni Cain at umupo muli si Erica sa sofa “si Precy me ADHD habang si Erica naman ay me history pagdating sa abuse at…” hindi na tinuloy ni Cain dahil tumingin sa kanya si Erica “…. na trauma siya and the only way for her to coup-up is to push back” sabi ni Cain.
“I guess alam mo na yun, right Dave?” tanong ni Precy sa akin sabay kindat niya kaya napatingin ako kay Erica at nakita kong nagblush nalang siya bigla at nung tumingin siya sa akin bigla nalang niyang dinilaan ang labi niya sabay kinagat ito. “Oh God..” nasabi ko nalang kaya natawa si Precy at napailing sina Hepe at si Cain. “I bet she beat you up before fuc-” natahimik nalang si Precy nung tinakpan ni Erica ang bibig niya “SHUT UP!” sigaw ni Erica sa kanya “STOP IT!” sigaw ni Cain sa kanila kaya tumigil sila at umayos ng upo sa sofa “haaayy… ” nalang si Cain sa kanila at nakita kong nakangiti lang si Hepe.
“Sigurado ka?” tanong ni Rosana kay Chello na nakangiti itong nakatingin sa sasakyan niya “c’mon!” sabi ni Chello “oh sure yan ang gamitin natin para malaman nila kung sino tayo” sabi ni Rosana sa kanya na natawa si Chello. “You are an idiot as always” natatawang sabi ni Chello na napanganga lang si Rosana sa sinabi niya “of course we are not going to use that” sabi ni Chello sabay kuha niya ng susi sa bulsa at pinindot ang lock nito. “Yan ang gagamitin natin” sabi ni Chello sa kotseng nasa likuran nila “oh God” sabi ni Rosana dahil lumang toyota corolla “its called disguise, dummy” sabi Chello at niyaya niyang sumakay si Rosana.
“Sigurado ka bang makakarating tayo sa pupuntahan natin nito?” tanong ni Rosana habang tumitingin siya sa interior ng kotse nung nasa daan na silang dalawa “yeah, why?” tanong ni Chello. “Ah.. well.. sigurado ka ba talaga?” tanong niya ulit na inapakan ni Chello ang break nung nasa harapan na sila ng traffic light at nilingon si Rosana. “Look, this is the best car for us! Kung gusto mong mapansin ka ng mga sindikato by all means bumili ka ng bago but I am sticking with old reliable” sabi ni Chello sa kanay sabay crank ng gear at umabanta na sila.
“I know you want us to be incognito but.. c’mon Chello” sabi ni Rosana “shut up!” sabi ni Chello sa kanya at huminto muli sila sa traffic light at me tumabi sa kanilang BMW na bago at nakita nila ang lalakeng sakay nito. Hindi nila ito pinansin nung binabaan sila ng bintana at tinawag silang dalawa “itapon niyo na yan!” sigaw nung lalake sa kanila na hindi nila ito pinansin at nakita ni Chello na naging yellow na ang ilaw sa kabilang kalye. “Haayyy..” nalang si Rosana nung napansin niyang nakahawak sa shifting gear si Chello kaya siniguro niya ang seatbelt niya at sabing “smoke his ass!” sabay ngiti ni Chello.
Iniwan nila sa traffic light yung naka BMW at nagtawanan ang dalawa nung nakita nilang nakanganga lang ito “katawan lang ang matanda nito, ika nga what’s inside that counts hindi ba?” nakangiting sabi ni Chello na napailing lang si Rosana. “So, saan ba nakatira ang babaeng ito?” tanong ni Chello kay Rosana “just follow the address and park two blocks away” sabi ni Rosana. “Bakit mo alam ang address niya? Me kontak pa ba kayo?” tanong ni Chello “nope, not after that incident” sagot ni Rosana “besides, I always keep tabs on my friends'” sabi ni Rosana na napangiti si Chello “crafty witch” sabi ni Chello.
Makalipas ang isang oras narating na nila ang lugar ni Imelda at nakita nila ang maraming pulis at bombero “not good” sabi ni Chello nung bumaba sila ng kotse “something tells me naunahan na tayo” sabi ni Chello sa kanya. “Yeah, just like Imelda making things way out of proportion” sabi ni Rosana “so what now?” tanong ni Chello sa kanya “wala na tayong magagawa dito, best is to return to the ship” sabi ni Rosana sa kanya “wait, what about my boy?” tanong ni Chello kay Rosana “if he is with them i’m sure ligtas siya” sabi ni Rosana sabay sakay niya sa kotse “you are full of..” hinampas ni Chello ang kamao niya sa bubong ng kotse bago siya sumakay “you’d better be right or else..” sabi ni Chello na ngiti lang ang sinagot ni Rosana.
“Saan tayo magtatago nito na hindi tayo mahahanap ng sindikato?” tanong ni Rico “hindi tayo pwedeng umuwi ng mansion dahil tiyak kong hinihintay nila tayo doon” sabi ni Mario. “Edwardo?” sabi ni Imelda “hmm.. me naisip akong lugar na alam kong hindi nila tayo hahanapin doon” sabi ni Edwardo “sir?” sabi ni Mario “saan naman ito?” tanong ni Imelda. Binigay ni Edwardo ang address at nung nabasa ito ni Imelda tiningnan niya si Edwardo “seryoso ka?” tanong niya “oo, yan lang ang lugar na alam kong hindi nila tayo mahahanap” sagot ni Edwardo sa kanya.
“Sir, hindi ba ito yung lugar na..” sabi ni Mario “oo, yan ang lugar na yan” sagot ni Edwardo sa kanya “kung sigurado ka sa lugar na ito then doon tayo” sabi ni Imelda at niliko niya ang kotse sa sumunod na kanto at pagkalipas ng kalahating oras narating na nila ang address. “Whoa, parang ni renovate nila ang gusaling ito” sabi ni Rico “ipasok mo sa loob ng garahe ang kotse” utos ni Edwardo kay Imelda at pagpasok nila sa loob pinark niya ito sa pinakatagong lugar ng parking lot. Tinulongan ni Mario si Edwardo habang paika naman naglakad si Rico kasunod nila si Imelda na dala ang bag niya.
Pumasok sila sa lobby at sumakay sa elevator “mabuti ito walang tao” sabi ni Mario at nung bumukas ang elevator at nakita nila ang mahabang hallway parang me nagflash sa isipan ni Edwardo. Isang aalala na nangyari noon dito “saan tayo?” tanong ni Rico “sa dulo” sagot ni Edwardo kaya naglakad na sila sa hallway at binigay ni Edwardo kay Rico ang susi ng condo at nung binuksan nila ito nakita nilang me konteng furniture sa loob at pinaupo nila si Edwardo sa sofa habang tumitingin naman sina Mario at Rico sa buong condo.
“Teka.. naalala ko ang condo na ito ah..” sabi ni Imelda “parang pamilyar nga sa akin ito” sabi naman ni Mario “sir.. ” sabi ni Rico na ngumiti si Edwardo “oo, tama kayo” sabi niya sabay tayo niya na tinulongan siya ni Mario. “Ito ang lugar kung saan nag-umpisa ang kwento nila dalawamput isang taon na ang nakalipas” sabi ni Edwardo at lumabas siya ng condo kasunod ang tatlo at tumayo sa hallway “.. at dito naman.. nagsimula ang galit ko kay Rosana.. ” sabi niya sa isang spot ng hallway kung nasaan pumanaw noon si Rosario “Lullaby…” sabi nalang ni Mario.
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021