Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 24: Extraction

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Pumasok si Erica sa kwarto at me hinanap siya sa closet “ano ang gagawin mo?” tanong ng kaibigan niya “kailangan ko siyang hanapin” sagot ni Erica “how? Wait, paano siya kinidnap?” tanong ng kaibigan niya. “Si Dave at pamilya niya ang kumuha sa kanya” sagot ni Erica habang tinatanggal niya ang mga boxes sa sahig ng closet. “Kung sila ang kumuha sa kanya it means safe siya, right?” tanong ng kaibigan niya “she is not!” sagot ni Erica “bakit mo nasabi yan? I mean we know that she and Dave’s lolo was in a relationship before with that said safe siya” sabi ng kaibigan niya.

“Hindi nga siya safe” sabi ni Erica na lumapit sa kanya ang kaibigan niya “what made you say that huh?” tanong ng kaibigan niya “dahil malalaman niya na isa ako sa sindikato” sagot ni Erica na napailing ang kaibigan niya. “That is definitely not good, what are you going to do now?” tanong ng kaibigan niya “hahanapin ko nga siya shit, nasaan na ba yun?” tanong ni Erica sa kaibigan niya. “Geeze” sabi ng kaibigan niya at lumapit ito sa closet at tinuro ang kahon sa taas na agad tumayo si Erica at kinuha ito at nilagay sa kama.

Tumayo lang sa likod ni Erica ang kaibigan niya habang me hawak itong basong me alak at inamoy-amoy niya ito “you know, you can always go back home if you want to” sabi ng kaibigan niya. “NO! I’m going to see this thru” sabi ni Erica “hmp! Aren’t you going to inform her?” tanong ng kaibigan niya na napatigil si Erica at nilingon ang kaibigan niya. “She.. doesn’t need to know” sabi ni Erica at kinuha ang laman ng box at nilagay ito sa bulsa niya “wait!” tawag ng kaibigan niya dahil nagmamdaling lumabas ng kwarto si Erica.

Pumunta ng kusina si Erica at kumuha ng pagkain sa ref “God, i’m hungry” sabi niya at sumunod sa kanya ang kaibigan niya “goodness!” sabi nito kay Erica “get dress, you are coming with me” sabi ni Erica. “Huh? Saan?” tanong nito “kay Victor” sagot ni Erica “WHAT?! Se…seryoso ka?” gulat niyang tanong kay Erica “do I look like i’m kidding?” sagot ni Erica sa kanya. “Get dress and give me the car key” sabi ni Erica sa kanya na kinuha ng kaibigan ang susi ng kotse niya at binato ito kay Erica “i’m not going, you can have my car but not me” sabi ng kaibigan niya.

“IDIOT! YOU ARE AS MUCH AS RESPONSIBLE AS I AM!” sigaw ni Erica sa kanya “come on! I am already in my nighty.. can’t you see?” pilyang tanong ng kaibigan niya na binato siya ng sandwich ni Erica. “Such a drag” sabi lang ng kaibigan niya at bumalik ito sa kwarto para magbihis “HURRY UP!” sigaw ni Erica nung nasa pintuan na siya “i’m here, damn!” sabi ng kaibigan niya. “What?” taonng ng kaibigan niya dahil tiningnan siya ng masama ni Erica “what?” tanong ulit ng kaibigan niya “yan ang susuotin mo, really?” tanong ni Erica dahil naka sando, skirt at naka manipis na mahabang jacket ito “fashon, you know” sagot ng kaibigan niya at napailing lang si Erica.

Nasa daan na sila “kontakin mo si Victor” utos ni Erica sa kaibigan niya “yes boss!” sagot ng kaibigan niya at kinuha nito ang phone niya at tinawagan si Victor “nasaan ka?” tanong niya. “Stay there pupuntahan ka namin.. oo namin.. sino pa nga ba? Geeze.. fine!” sabi ng kaibigan niya sa cellphone at binaba niya ito “ano na?” tanong ni Erica. “Nasa computer shop siya ngayon hihintayin niya tayo” sagot ng kaibigan niya “good” “oh by the way” sabi ng kaibigan niya “ano?” tanong niya “kailangan nating dumaan ng Mcdonald” sabay ngiti ng kaibigan niya “for heaven sake!” sabi nalang ni Erica.

Pagkatapos dumaan ng Mcdo dumating na sila sa computer shop kung saan naghihintay si Victor “dito ka lang” sabi ni Erica sa kaibigan niya “ah! Dinala mo ako dito tapos iiwan mo lang pala ako sa kotse?” sabi ng kaibigan niya “fine!” sabi ni Erica at lumabas sila sa kotse at pumasok sa loob ng shop. Nakita nila si Victor na nakaupo sa dulo at abala ito sa paglalaro ng online game. “Hello Vicky!” sabi ni Erica na hindi siya pinansin nito “headphone” sabi ng kaibigan niya kaya hinawakan ni Erica ang ulo ni Victor at pinalingon niya ito sa kanila “Vicky!” sabi niya na tinanggal agad ni Victor ang headphone niya.

“Well, well, well… what in God’s grace are you two doing here?” tanong ni Victor sa kanila “kailangan ko ang tulong mo” sabi ni Erica sa kanya “what kind of help?” tanong ni Victor. Pinasa ni Erica ang phone niya kay Victor at tiningnan lang siya nito “upload mo yung GPS locator ng phone ni Minerva” utos ni Erica sa kanya “what? Kay Hepe?” tanong ni Victor. “Sino pa nga ba?” sabi ni Erica sabay abot niya ng bag ng Mcdo kay Victor “heto” sabi ni Erica na napangiti si Victor “my oh my.. galeng mo talaga Precy” sabi niya sa kaibigan ni Erica na umiinom ng soda.

Ginawa na agad ni Victor ang inuutos ni Erica habang pumunta naman sa me pintuan si Precy para bantayan ang kotseng nakaparada sa labas “hindi ka pa ba tapos?” naiinip ng tanong ni Erica. “Five more minutes geeze..” sagot ni Victor habang nagtatype ang kanang kamay niya at nakahawak naman ng big mac ang kaliwana niya “almost there..” dagdag niya at maya-maya lang ay “DONE!” sigaw niya sabay kagat ng big mac. “Wait..” sabi ni Erica nung nakita niya ang location ng phone ni Minerva “tama ba ito?” tanong niya kay Victor “yup 100%” sagot niya.

“Nasa Blue Height Tower siya?” gulat niyang tanong “hold on” sabi ni Victor at chineck niya muli ang location at tumama nga sa unang location na binigay ng GPS locator. “Fucker!” sabi ni Erica sabay kuha niya sa phone niya at dinayal ang numero ni Minerva, samantala sa tower narinig ni Edwardo na nagvibrate ang phone ni Minerva at nung tiningnan niya kung sino “hmm…” lang siya at kinuha niya ito at sinagot. Pareho silang hindi nagsalita ni Erica at nakipagpakiramdaman sila “…Erica…” sabi ni Edwardo “Edwardo?” gulat na sagot ni Erica.

“Bakit nasa sa’yo ang phone ni Hepe?” tanong niya “bakit mo siya tinatawagan?” tanong ni Edwardo sa kanya “oh God, hindi mo alam?” gulat niyang tanong kay Edwardo. “Ang ano?” tanong ni Edwardo “nevermind!” sagot ni Erica at binaba niya ang tawag “what’s up?” tanong ni Victor sa kanya “palpak, nakay Edwardo yung phone” sabi ni Erica. “So… we’re done here?” tanong ni Victor sa kanya “NO!” sagot ni Erica “what now?” tanong ni Victor sa kanya “there’s one more” sabi ni Erica at hinanap niya ang phone number ni Dave “trace this!” sabi niya kay Victor.

“Haayy.. ibang transaction na yan Erica” sabi ni Victor sa kanya na pinakita ni Erica ang baril niya “how about now?” tanong ni Erica na napangiti si Victor at humarap agad sa monitor niya. “Sweetie” tawag ni Precy na lumingon sa kanya si Erica “sa kotse nalang ako maghihintay” sabi ni Precy sa kanya dahil tinitingnan kasi siya ng mga tao sa computer shop. “Ok” sagot ni Erica at pinasa sa kanya ang susi ng kotse at lumabas na si Precy “bilisan mo” utos ni Erica kay Victor “teka nga! Shit!” sabi ni Victory.

“Bakit?” tanong ni Erica “hindi ko ma trace yung phone niya” sabi ni Victor “bakit?” tanong ni Erica “naka off kasi” sagot ni Victor “damn! Paano yan?” tanong ni Erica. “There is a way” sagot ni Victor “what?” “bilhan mo ulit ako ng Mcdo! Hehehe” natatawang sabi ni Victor na hinugot ni Erica ang baril niya at dinikit ang barrel nito sa ilong ni Victor. “OK! OK! Geeze!” sabi agad ni Victor at humarap siya sa monitor niya at nagtype sa keyboard “kelan mo ba siya huling nakausap?” tanong ni Victor “I think that was yesterday” sagot ni Erica.

“Teka, baka makuha ko yung last location niya noong nag-usap kayo” sabi ni Victor at nagbukas siya ng panibagong window at nagtype siya sa browser nito at nag-open ang isang website. “Ano ang site na yan?” tanong ni Erica na ngumiti si Victor “satelite site ng GPS company sa America” sagot ni Victor “hindi ba delikado yan?” tanong ni Erica. “Oo, kung hindi ka marunong magtago” sagot ni Victor “magtago?” “oo, naka block ang location ko kaya hindi nila ako ma trace sus parang wala kang tiwala sa akin” sabi ni Victor na napailing lang si Erica.

Samantala sa loob ng kotse, naiinip na si Precy habang nakaupo sa driver seat “tagal naman” sabi niya habang nakatingin siya sa orasan sa dashboard at napalingon siya sa kaliwa nung me namataan siyang lalaking papalapit sa kanya. “Hi miss” sabi nito nung malapit na ito sa kanya “hmp!” lang si Precy at binuksan ang radyo at nakinig siya ng music. “Hi, pwede bang makipagkilala?” nakangiting sabi ng lalake sa kanya na nilingon niya ito “sorry, I don’t talk to stranger” sagot ni Precy “oh? Kung makikipagkilala ka sa akin hindi na ako magiging stranger sa’yo” sagot ng lalake na sumandal na ito sa pintuan.

“Sige na miss, ako nga pala si Andrew” pakilala ng lalake na pinasok pa niya ng konte ang ulo sa loob ng bintana at napatigil nalang ito nung dumikit sa leeg niya ang dulo ng baril ni Precy. “Sabi ng ayaw kong makipag-usap sa stranger” sabi ni Precy na nanginig bigla sa takot yung lalake “so..sorry miss..” sabi ni Andrew na dahan-dahan itong umatras palayo. “Atta boy!” sabi ni Precy at nung tumayo si Andrew napansin niya ang isang kamay nitong me inabot sa likod niya kaya tinaas ni Precy ang shotgun na nasa kandungan niya at pinakita ito kay Andrew.

“Don’t even think about it” banta ni Precy sa kanya na napalunok ng laway ang binata at nung kinasa ni Precy ang shotgun napaihi sa shorts si Andrew at nagmamadali itong tumakbo palayo sa kanya. “Thought so!” sabi ni Precy at tinaas niya ang bintana ng kotse at binuksan ang aircon “ang tagal naman” naiinip niyang sabi kaya kinuha niya ang phone niya at dinayal ang numero ni Erica. “Shit!” napamura si Erica “what?!” sagot niya “i’m bored” sabi ni Precy sa kanya “maghintay ka!” sabi ni Erica sabay patay ng call “are you done?” tanong niya kay Victor na umiling lang ito.

“Sir” pumasok ang isa sa tauhan ni Edwardo sa office niya “bakit?” tanong niya “me masamang balita, kinidnap si Minerva” sagot ng tauhan niya na napatayo si Edwardo sa upoan niya. “Kailan nangyari ito?” gulat niyang tanong sa tauhan niya “kaninang umaga boss” sagot ng tauhan niya “PUNYETA!” galit niyang sigaw at nagmamadali siyang lumabas ng opisina niya kasunod ang tauhan niya. “Sino ang gumawa nito?” tanong niya nung nasa elevator na sila “pamilya ni Rudy sir” sagot ng tauhan niya na napatingini si Edwardo sa kanya.

“Si Rudy?” tanong niya na tumango ang tauhan niya at tumingin siya sa phone ni Minerva “kaya pala ganun nalang ang reaction ni Erica kanina” sabi niya “binalita po yan sa akin ni Javier” sabi ng tauhan niya. “Nasaan si Javier ngayon?” tanong ni Edwardo “nasa kabila pa po sir” sagot niya “hmp! Sabihin mo sa driver na aalis ako ngayon din” utos ni Edwardo “masusunod sir” sagot ng tauhan niya. Nung bumukas ang elevator agad umalis ang tauhan niya para kausapin ang driver niya habang pumunta sa lobby si Edwardo na sinalubong siya ng mga tauhan niya “aalis tayo” sabi niya na tumango silang lahat.

“DONE!” sabi ni Victor kay Erica na naiinip na sa kakahintay na matapos siya “finally!” sabi ni Erica na umiling lang si Victor at uminom ng coke “bakit sobrang apura mo sa paghahanap sa kanya?” tanong ni Victor. “Wala kana doon” sagot ni Erica “hold!” sabi ni Victor na napatigil si Erica “don’t make anything foolish Erica” sabi ni Victor sa kanya “don’t tell me what to do!” sagot ni Erica sa kanya. “You know what I mean” sabi ni Victor na naging seryoso ang mukha niya “…. alam ko…” sagot ni Erica at pinasok niya sa bulsa ang phone niya.

“Thank you” sabi ni Erica at tumalikod na siya para pumunta sa pintuan “Erica!” tawag ni Victor kaya lumingon siya “he is watching you” sabi ni Victor na nagulat si Erica sa sinabi niya. “Alam narin niya ang mga ginagawa mo” sabi ni Victor sa kanya na napayuko ang ulo ni Erica at tumingin sa kanang palad niya “…….” hindi nagsalita si Erica. Tumayo si Victor at me inabot sa kanya na tiningnan lang ito ni Erica “take it” sabi ni Victor na kinuha niya ito “she wanted you to have that, hindi mo kasi dinala yan bago ka umalis ng bahay” sabi ni Victor na napabugnot nalang ang mukha ni Erica.

“Salamat” sabi ni Erica “there’s no need, we are all in this together” sabi ni Victor sabay ngiti niya kay Erica “hmp!” lang si Erica at tumalikod na siya at lumabas ng computer shop. Nagkibit-balikat lang si Victor at umupo muli sa silya niya at kinuha ang phone at pinindot ang pangalan sa screen “sorry to bother you sister…. yes…. naibigay ko na sa kanya ang pinapaabot mo…. you are welcome sister” sabi ni Victor at binaba na niya ang phone niya. Sumakay na sa kotse si Erica at naiinis pa itong nilagay ang binigay ni Victor sa bulsa niya “tayo na!” sabi niya kay Precy na nakatingin lang sa kanya “MOVE!” sigaw niya na ngumiti lang si Precy at umalis na sila.

Me tinawagan si Erica sa phone niya nung nasa daan na sila “where to?” tanong ni Precy nung binaba na ni Erica ang phone niya “sa marina tayo” sabi ni Erica “huh?” takang tanong ni Precy. “Hmp!” lang si Erica at me pinindot siya sa phone niya at bumukas ang isang app at nakita niya sa screen ang last location ni Dave “son-of-a-bitch” sabi ni Erica. “Bless you” sabi ni Precy na napatingin si Erica sa kanya kaya nginitian lang niya ito “shut up!” sabi ni Erica “you are so worked up, why don’t you relax and..” natahimik nalang si Precy nung tiningnan siya ng masama ni Erica “tatahimik” sabi ni Precy.

“Bilisan niyo!” sabi ni Edwardo sa mga tauhan niya kaya nagmamadali silang nagkarga ng gamit sa mga kotse nila “sir! Sir!” tawag ng tauhan niya at nagmamadali itong lumapit sa kanya. “Bakit?” tanong niya “na trace na po namin kung nasaan si Minerva” sagot ng tauha niya “mabuti! Nasaan siya ngayon?” tanong niya “sir, nasa dagat po” sagot ng tauhan niya na ikinagulat ni Edwardo. “Na.. nasa dagat?” gulat niyang tanong “opo, na trace po namin na nasa me Batangas siya ngayon” sagot ng tauhan niya.

“Batangas?!” gulat niyang tanong “opo sir” sagot ng tauhan niya kaya tumingin si Edwardo sa mga tauhan niya “itigil niyo yan” utos niya sa mga tauhan niya na tumigil din sila. “Hmm… Kardo, tawagan mo si Julius sabihin mo sa kanya kailangan ko ng dalawang helicopter” utos niya “sige sir” sagot agad ng tauhan niya at nagmamadali itong bumalik sa loob. “Sir?” tawag ng isa sa tauhan niya “ilabas niyo ang mga gamit umakyat tayo sa taas, lilipad tayo” sabi ni Edwardo sa kanila na agad silang kumilos at diniskarga ang mga gamit nila.

Samantala: dumating na sina Erica sa marina bay at agad bumaba si Erica at pumunta sa likod ng kotse “buksan mo” utos niya kay Precy na agad nitong binuksan ang trunk at kinuha ni Erica ang isang bag at sinara ang trunk. “Seryoso ka ba talaga?” tanong ni Precy sa kanya na nakatingin lang sa kanyang naghubad ng damit hanggang naka bra at panty nalang si Erica. “Don’t tell anyone specially… you know..” sabi ni Erica na napailing si Precy “but you know…” sabi ni Precy na tumigil si Erica at umingin sa kanya “I can’t tell a lie if she asks me” sabi ni Precy na tiningnan siya ng masama ni Erica.

“I’m going” sabi ni Erica nung nakabihis na siya na cycling shorts at sports bra “hey, wait!” tawag ni Precy sa kanya “what?” tanong ni Erica “what am I suppose to do now?” tanong niya kay Erica. “Buy me some time” sabi ni Erica na napaisip sandali si Precy at biglang ngumiti siya “ROGER!” sigaw niya sabay saludo niya kay Erica at nagmamadali siyang sumakay sa kotse at umalis na siya. Nakita na ni Erica ang taong kausap niya kanina “Tenyente, seryoso ka ba sa gagawin mo?” tanong nung kausap niya “oo, dalhin niyo ako sa lokasyon na ito” pinakita ni Erica ang GPS coordinate “sige” sagot nung kausap niya at sumakay na sila sa bangka.

“Ano na ang balita Kardo?” tanong ni Edwardo sa tauhan niya “sir, yung isa papunta na dito pero yung pangalawa kinakargahan pa nila ng fuel at susunod na dito” balita ni Kardo. “Magaling, nasa Batangas parin ba sila ngayon?” tanong niya “nasa area pa po sila parang naka steady sila sa isang lugar” sagot ni Kardo “mabuti, hehehe maganda ito hindi na ako mahihirapan pang hanapin sila” natutuwang sabi ni Edwardo. “Sir ano ang plano mo?” tanong ni Zandro isa sa tenyente niya “kailangan kong makuha ang kapatid ko” sagot ni Edwardo “yung pamilya ni Rudy?” tanong ni Zandro na ngumiti si Edwardo at napangiti din ang mga tauhan niya “magandang plano yan boss” sabi ni Kardo sa kanya.

Pumunta ako ng mess hall para kumuha ng prutas, medjo nagugutom na kasi ako kaya pagdating ko ng mess hall nakita kong nagluluto si lola Aida “bakit?” tanong agad ni lola nung nasa me pintuan ako. “Ah.. nagugutom ako la” sabi ko “mamaya na, hindi pa luto ang niluluto ko” sabi niya “prutas lang muna la” sabi ko “sige kumuha ka diyan” sabi niya at kumuha ako ng apple at naupo sa silya. “Nasaan nga po pala si lolo Rudy?” tanong ko “hmp!” lang ang sinagot ni lola sa akin kaya na gets ko na “sige la, salamat” sabi ko at hindi man lang niya ako nilingon kaya lumabas ako at pumunta sa main deck.

Nakita ko sa labas si lolo Rudy at si Hepe na nag-uusap habang si daddy at mommy naman nasa bridge kasama si Rosana at tila me pinag-usapan din sila kaya naglakad-lakad lang ako habang kumakain ng apple. Napansin siguro ako ni lolo at Hepe dahil tinawag nila ako “Hepe, lolo Rudy” sabi ko “Dave, kumusta ang mga sugat mo?” tanong ni lolo sa akin “wala ito lo” sagot ko at napatingin ako kay Hepe. “Inspector” sabi niya “Hepe” sabay tikas ko “totoo ba talagang membro ng sindikato si Erica?” tanong niya sa akin “opo Hepe” sagot ko na nalungkot ang mukha niya.

“Hindi niyo ho ba alam, Hepe?” tanong ko “hindi, I am so disappointed on her” sabi ni Hepe “me kinwento po siya sa akin tungkol sa nakaraan niyong dalawa” sabi ko kay Hepe na napansin kong nagulat siya bigla. “A.. ano ang kinwento niya?” gulat niyang tanong sa akin na napatingin ako kay lolo Rudy “bakit Minerva, ano ba ang meron sa inyong dalawa?” tanong ni lolo sa kanya. “Ah.. wa..wala.. ano ang kinwento niya sa’yo Inspector?” tanong ni hepe sa akin “ah tungkol po dun sa pag-umpisa niya bilnag pulis. Ikaw daw po ang partner niya noon nung nagsisimula palang siya sa serbisyo” kwento ko.

“Ah… oo, noong nagsisimula palang siya ako ang unang partner niya dahil walang gustong makipagpartner sa kanya dahil baguhan palang siya” kwento ni Hepe “ganun ba? Parang discimination ata yun” sabi ni lolo Rudy. “Ganun na nga, wala akong choice kaya ako nalang ang nakipag partner sa kanya habang naghahanap ako para makapares niya” kwento ni Hepe. “Kaya pala ako ang pinili niyo?” tanong ko na natawa nalang si Hepe “sorry Inspector, alam kong matapang si Erica at by-the-book palagi yun kaya siya ang tamang maging partner mo dahil alam kong mabilis kang matuto” sabi niya sa akin.

“Natuto nga ako pero hindi tungkol sa serbisyo” sabi ko na natahimik bigla si Hepe “ah.. sorry po” sabi ko na umiling siya “ok lang yun, haayy.. ang taas ng expectation ko kay Erica” sabi ni Hepe. “Gaano mo siya kakilala?” tanong ni lolo Rudy “hmm.. nakilala ko siya noong nasa PNPA pa lang siya, pinakilala siya sa akin ni Ricky” sagot ni Hepe. “Sus, ang buwaya” sabi ni lolo Rudy “hah.. kung iisipin mo ng mabuti matagal na palang myembro si Erica, noong nasa PNPA pa pala siya” sabi ni Hepe na tumango ako hudyat ng pagsang-ayun ko sa kanya.

“Paano mo nalaman na myembro siya Inspector?” tanong ni Hepe sa akin “nandun kasi siya sa gusali ni Edwardo nung pinasok namin ito ni Johny” sagot ko “ito talagang kapatid ko” galit niyang sabi. “Napatay si Johny noong gabing yun at salamat sa kapatid ko… nakatakas ako sa kamay nila” sabi ko na napangiti si lolo Rudy sa sinabi ko. Tumalikod si Hepe at humarap sa dagat “hindi ko alam, marami palang maruming pulis sa presinto ko” sabi niya “hindi mo kasalanan yan Minerva, me mga tao talagang hindi pwedeng maglakad ng matuwid” sabi ni lolo sa kanya.

“Ano ang plano mo Hepe ngayon at alam mo na ang totoo?” tanong ko sa kanya na huminga siya ng malalim at humarap sa amin ni lolo Rudy “kailangan kong bumalik ng Pasay para harapin ito” sabi niya. “Delikado ang buhay mo” sabi ni lolo Rudy “tama po si lolo Rudy, Hepe. Magiging peligro ang buhay mo kung babalik ka ng Pasay” sabi ko sa kanya. “Paano magiging peligro? Hepe ako ng pulis hindi nila ako gagalawin at isa pa kailangan kong isettle ang problema mo” sabi niya sa akin na napaisip ako bigla.

“Ano ang gagawin mo para kay Dave?” tanong ni lolo “gagawa ako ng special report tungkol sa kaso niya at ipepresent ko ito sa board hoping mapawalang sala si Dave sa ano mang kasong isasampa nila laban sa kanya” sagot ni Hepe. “Hmm.. yan ay kung walang mangingialam sa kaso” sabi ni lolo Rudy “ano ang ibig mong sabihin Rodrigo?” tanong ni Hepe. “Minerva, malalim ang hawak ng sindikato sa PNP tiyak akong me mangingialam sa gagawin mong yan” sabi ni lolo Rudy “tama si lolo Rudy Hepe, as long as nandyan ang sindikato hindi magiging madali ang lahat” sabi ko sa kanya.

“Hindi natin alam hangga’t hindi ko ito susubokan” sabi ni Hepe sa amin “like I said hindi ka aalis sa barkong ito” narinig namin si Rosana nagsalita at nakita naming naglalakad na siya palapit sa amin. “Rosana!” sabi ni Hepe “malalagay sa peligro ang buhay mo ngayo’t alam na ng sindikato na kasama kita” sabi ni Rosana sa kanya “wala silang alam Rosana” sabi ni Hepe “mali ka ninang, naipalabas na sa balita kanina ang nangyaring sa sementeryo” balita ni Rosana sa kanya na natahimik nalang si Hepe. “Hindi ka aalis sa barkong ito, tapos ang usapan” sabi ni Rosana sabay talikod niya para bumalik sa loob “anak nga talaga siya ni Ednalyn” sabi ni Hepe na napangiti si lolo Rudy.

“Sir, nandito na yung unang helicopter na hiniling mo” balita ni Kardo sa kanya “sige, isakay niyo na ang mga gamit at kunin mo yung GPS tracker natin” utos niya na nagmamadaling kumilos ang mga tauhan niya. Pagkatapos isakay ng mga tauhan niya ang mga gamit sumakay narin siya “sir!” tawag ni Kardo “hintayin niyo ang pangalawang helicopter at sumunod agad kayo” utos ni Edwardo sa kanya. “Sige po sir” sagot ni Kardo “tayo na!” sabi ni Edwardo sa piloto kaya umatras palayo si Kardo pagkatapos isara ang pinto ng helicopter at lumipad na ito palayo sa helipad ng building.

Samantala: “Buy me some time” ang sinabi ni Precy nung nasa daan na siya papunta ng Blue Height Tower at inapakan niya ng dahan-dahan ang break ng kotse at huminto ito sa tabi pa mismo ng police mobile na nakaparada sa tabi ng kalye. Nilingon niya ang dalawang pulis na sakay nito na lumingon din sa kanya at nginitian pa siya in return nginitian din niya ang dalawa. Bumaba si Precy at pumunta siya sa likod ng kotse na sinundan siya ng tingin ng dalawang pulis at tumingin siya sa dalawa at nginitian niya ito at natuwa pa ang dalawa sa ginawa niya na tinaas pa nila ang suot nilang cap.

Binuksan ni Precy ang trunk at me kinuha siya sa loob na tumingin siya sa dalawang pulis at nginitian niya ito at natuwa muli ang dalawa at ngumiti sa kanya sabay sara niya ng trunk. Doon dahan-dahang nawala ang ngiti ng dalawang pulis at ang kaninang tuwang nakikita sa mukha nila napalitan ito ng takot dahil sa nakita nilang pinasan ni Precy sa balikat niya. “She said buy some time so i’m going to buy her some time” sabi ni Precy sabay kalabit ng gatilyo ng RPG at lumipad ito papunta sa 5th floor ng Blue Heights Tower at sumabog ang mga salamin at pader nito.

Nagsi takbuhan ang mga tao sa paligid ng building habang yung pedestrian ay nagsitakbuhan din palayo at me mga kotseng nagbanggaan dahil sa pangyayari habang yung dalawang pulis sakay sa kotse nila nataranta din. Agad nilang binunot ang baril nila at tinutokan si Precy “i.. ibaba mo yan!” sigaw nung isang pulis na nagpout pa si Precy “you guys are such a drag” sabi ni Precy sabay bagsak niya ng RPG sa lupa. “Pa.. pare tumawag ka ng back-up a.. ako na ang bahala sa kanya” utos ng isang pulis sa kasamahan niya.

Nagmamadaling bumalik sa patrol car ang isang pulis habang yung isa naman ay dahan-dahan naring lumapit kay Precy “itaas mo ang kamay mo at huwag kang kumilos” utos niya kay Precy. Tinaas naman ng dalaga ang kamay niya at nakangiti pa siyang hinintay makalapit ang pulis sa kanya “huwag kang kumilos” sabi ng pulis habang inaabot ng isang kamay niya ang posas niya sa likod. Nung ilang talmpakan nalang siya ni Precy biglang lumingon si Precy sa kasamahan nitong pulis na nasa sa loob ng patrol car na hawak nito ang radyo.

“That’s not good” sabi ni Precy na napa “huh?” nalang yung pulis na nasa harap niya “ano ang?” takang tanong ng pulis na nginitian siya ni Precy at sinipa ni Precy ang kamay ng pulis na me hawak na baril at umikot siya at tumama ang kanang paa niya sa dibdib ng pulis. “Aagghh..” napasigaw sa sakit ang pulis at natumba ito at nung nakita ni Precy na papalapit na yung pangalawang pulis agad niyang inapakan sa dibdib ang natumbang pulis at tumalon siya sabay patid niya sa mukha sa pangalawang pulis.

Nung nakita ito nung unang pulis agad siyang bumangon pero bago pa siya nakatayo pinatid siya ni Precy sa mukha kaya napa ikot siya at natumba muli sa semento “hmp!” lang si Precy at kita niyang parehong tulog ang dalawang pulis. Agad siyang tumakbo pasakay sa kotse niya dahil narinig niya sa malayo ang serena ng patrol car ng mga pulis “hehehe buy her some time, accomplished!” natutuwang sabi niya sa sarili at mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya papalayo sa eksena. Kinuha niya ang phone niya at nagsend ng text kay Erica “accomplished!” isang word na ikinatuwa niya.

“Fucking great!” sabi ni Erica nung nabasa ang text ni Precy kaya nag send agad siya ng reply at binalik sa bag ang phone niya “Tenyente E.T.A two and a half hours” balita ng kapitan ng bangka sa kanya. “Hindi ba pwedeng madaliin natin ito? This is very crucial” sabi ni Erica sa kanya “we are already in our top speed besides hindi natin alam kung nasa area pa ba sila ngayon” sagot ng Kapitan sa kanya. “Damn it!” inis niyang sabi na napatingin siya sa baril niya at napansin niyang lumapit ang tauhan ng kapitan at me binulong ito sa kapitan.

“Bakit?” tanong ni Erica “me problema tayo” sabi ng kapitan “ano yun?” tanong niya “me papalapit na bagyo, this is not good Tenyente” sabi ng kapitan sa kanya “that’s a good thing” sabi ni Erica. “Good thing? Paano mo nasabi yan?” tanong ng Kapitan “gagawin nating cover ang tropical storm na ito para hindi nila tayo mapansin” sagot ni Erica. “Hindi ko alam kung matapang ka o baliw ka Tenyente” sabi ng Kapitan ng bangka sa kanya “i’m just doing my job, that’s all” sagot ni Erica na napiling lang ang Kapitan ng bangka at iniwan siyang naghanda sa mga gamit niya.

Samantala: “Ibalik mo ang helicopter!” sigaw ni Edwardo sa piloto na agad nitong inikot pabalik ang helicopter sa building niya at nakita nila ang makapal na usok mula sa gilid ng gusali. “Ano ang nangyari?” tanong ni Edwardo “sir si Kardo tumawag” sabi ng tauhan niya “hello Kardo! Ano ang nangyari?” tanong agad ni Edwardo “sir, me sumabog sa gilid ng gusali, inalam pa ngayon ng mga tauhan natin” sagot ni Kardo. “PUNYETA! PABALIK NA KAMI DIYAN!” sabi ni Edwardo at pinamamadali niyang pinabalik ang piloto sa gusali niya.

Nataranta ang mga tauhan ni Edwardo sa pangyayari at yung iba nagmamadaling bumaba sa hagdanan dahil tumunog ang alarma ng buidling habang yung iba naman ay nasa lobby na naghahanda sa ano mang mangyari. “Pabalik na si sir Ewardo dito” sabi ni Kardo sa mga kasamahan niya “ano ang nangyari?” tanong ni Mario na kakarating lang din “balita ng mga nakakita me sumabog sa 5th floor” sabi ng isa. “Tingnan niyo sa cctv baka nakunan ito” utos ni Mario na agad kumilos si Kardo at pumunta sa security room.

Tiningnan nila ang photage ng cctv at “YAN!” sigaw ni Kardo at nakita nila ang dumaan na missile sa 3rd floor camera bago ito tumama at sumabog “tingnan mo sa lobby baka meron tayong makita saan galing ito” sabi ni Mario. Me pinindot si Kardo at tiningnan nila ang photage sa lobby pero wala silang makitang kakaiba sa paligid maliban sa kotse ng pulis na nakapara sa kabilang kalye. Pero ang hindi nila nakita ang kotseng nakaparada sa tabi nito na hindi makita sa view ng cctv, saktong-sakto ang position ni Precy kanina dahil tago ang pwesto niya at yung ilaw nalang ng missile ang nakita nila nung lumipad ito.

“Diyan!” turo ni Mario kaya agad silang lumabas ni Kardo kasama ang ibang kasamahan nila palabas ng security room palabas sa lobby at sa gusali “doon!” turo ni Kardo kaya tumawid sila sa daan papunta sa patrol car. “SHIT!” napasigaw nalang si Mario nung makita nilang nakabulagta ang dalawang pulis sa semento at wala na itong malay. “Mario mga pulis” sabi ni Kardo “alam ko, bantay sila dito sa labas” sagot ni Mario, narinig nilang tumunog ang cellphone ni Kardo na agad niya itong sinagot “Sir” sagot niya “sorry sir pero wala na ang taong gumawa nito” balita ni Kardo “sige po sir, aakyat na po kami” sabi ni Kardo.

Natutuwang nagmamaneho pauwi si Precy nang me napansin siyang taong nakatayo sa tabi ng kalye malapit lang sa traffic light at tila tinatawag ang pansin niya “hmmm..” lang si Precy at hinawakan niya ang baril na nasa tabi lang niya. Nagpalit ang ilaw kaya huminto siya nung naging pula ito at hinandan ang sarili sa maaaring mangyari, nakita niyang tumawid ang lalake at lumapit ito sa kanya. Nakahoody ito kahit na mainit ang panahon parang tinatago nito ang mukha niya kaya nilagay na ni Precy ang baril sa kandungan niya at nasa gatilyo na ang isang daliri niya.

Huminto ang lalake at biglang inalis nito ang hoody sa ulo niya na napabuntong-hininga si Precy nung makita ang mukha niya kaya inalis niya ang daliri niya sa trigger at binaba ang bintana. “Gabi na ah?” sabi nung lalake sa kanya na ngiti lang ang isinagot ni Precy at binuksan niya ang lock ng pinto at lumipat siya sa passenger seat at umupo na sa driver seat ang lalake at umalis na sila. Tahimik lang si Precy habang nasa daan na sila pabalik sa apartment niya “sasabihin mo ba o…” sabi ng lalake sa kanya na napapout nalang ang labi ni Precy at biglang niliko ng lalake ang kotse at mabilis niya itong pinatakbo papunta sa marina.

“Tenyente!” tawag ng kapitan sa kanya “medjo malayo pa tayo kaya mabuti pa magpahinga ka muna” balita ng kapitan sa kanya “okay!’ sagot ni Erica at chinek niya ang gear niya pati narin ang armas na dala niya. “Minerva..” sabi ni Erica at napansin niyang dahan-dahan ng humina ang takbo ng bangkang sinakyan niya “one and a half hour” sabi ng kapitan sa kanya na tumango si Erica. Kinuha niya ang phone niya at nagulat nalang siya dahil biglang nagbago ang coordinates na nakalagay sa screen “oh shit!” nasabi niya na napatingin sa kanya ang lahat ng crew ng bangka.

“Sino ang tatawagan mo?” tanong ni Marcus sa akin nung inon ko muli ang phone ko “….” hindi ko siya sinagot “gago! Huwag na huwag mong tatawagan ang bebot na yun” sabi niya sa akin. “Hindi naman siya ang nasa isip ko” sagot ko sa kanya “sino? …. Ah hahahaha..” natawa siya “bakit?” tanong ko “wala hehehe.. ano bro bibigyan kita ng privacy hehehe” natatawang sabi niya. “Gago ka!” sabi ko sa kanya na kinuha niya ang unan niya at lumabas ng cabin “gago talaga yun” sabi ko at inopen ko ang message box ko at binasa ang huling text message ni Helen “I love you, Dave!” ang nakasulat.

“Helen..” sabi ko at pinindot ang reply pero huminto narin ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko “shit.. bahala na!” sabi ko at nagtype ko ng “Hi!” at nagdadalawang isip kung isesend ko ba ito o hindi. “Isend mo na yan kasi!” narinig kong sabi ni Esmeralda “ha ah hehehehe” natawa lang ako na tumabi siya sa akin sa kama at kinuha ang phone ko. “Hoy! Akin na yan!” sabi ko at pilit kong kinuha ang phone ko na hinawakan niya ako sa mukha at tinulak niya ako palayo “Hi! Yun lang ang sasabihin mo? Tsk tsk tsk” sabi niya na nahiya ako bigla.

Hindi ko siya napansin na pumasok dito sa cabin namin ni Marcus “akin na yan kasi!’ sabi ko sa kanya na tiningnan niya ako ng masama kaya nasindak ako at napatigil sa pag-agaw sa phone ko. “Hmm…” siya na napatingin lang ako sa kanya “alam mo, kung talagang girlfriend mo siya..” sabi niya “ha?” takang tanong ko “kung talagang girlfriend mo siya dapat tawagan mo siya hindi yung magsend ka lang ng text” sabi niya sabay abot ng phone sa akin. “Call her!” sabi niya na natulala lang ako sa sinabi niya “what?” tanong niya “ah.. eh.. ma.. mahina kasi ang signal dito” sagot ko “fool! Lumabas ka!” sabi niya sabay bagsak sa phone ko sa kama at lumabas siya.

Bumalik siya sa loob “nga pala muntik ko ng makalimutan, dinner is serve!” sabi niya at nginitian niya ako bago siya umalis “geeze..” nalang ako at kinuha ang phone ko at binura ang “hi” na tinype ko kanina. “Tatawagan ko si Helen? Paano kung hindi niya ako sasagutin?” tanong ko sa sarili ko na bigla nalang me lumipad na unan at tumama sa mukha ko “gago! Kakain na” sabi ni Marcus sa akin sabay takbo niya palabas ng cabin. “GAGO!” sigaw ko kaya tumayo ako at hinabol ko siya sa labas papunta sa mess hall at napatigil nalang ako nung nakita ko si mommy at daddy “Davideo!” sigaw ni mommy sa akin.

Pinakita agad ni Erica ang bagong cooridnate na lumabas sa phone niya at agad itong chinek ng kapitan sa mapa nila “not good!” sabi ng kapitan sa kanya “bakit?” tanong ni Erica. “Path ito ng unos, hindi ito maganda” balita ng kapitan sa kanya “don’t worry, just drop me off at ako na ang bahala doon” sabi niya “nababaliw ka na ba?!” nagulat ang kapitan sa sinabi niya. “Just do what I say ok” sabi ni Erica sa kanya “alam kong me abilidad ka pero hindi ko alam pati kabaliwan meron ka” sabi ng kapitan sa kanya “just do what I say!” sabi ni Erica na nagkatinginan ang kapitan at ang mga tauhan niya “buhay mo yan” sabi ng kapitan.

“Ano ang balita?” tanong agad ni Edwardo nung bumaba siya sa helicopter “sir, me tumira ng rocket sa gusali” balita ni Mario sa kanya “PUNYETA! Sino ang gumawa nito?” tanong ni Edwardo. “Hindi namin alam sir pero me suspetsa kami na kasabwat ito ni Rosana” sagot ni Kardo “alam na ba kaya nila?” tanong ni Edwardo sa tauhan niya na nagkatinginan si Kardo at si Mario. “SHIT! BALIK SA HELICOPTER!” sigaw ni Edwardo sa mga tauhan niya “sasama na ako sa inyo sir” sabi ni Mario na nagmamadali silang sumakay muli sa helicopter.

“Kardo! Pagdating ng pangalawang helicopter sumunod agad kayo sa amin” utos ni Edwardo sa kanya “kalahating oras pa sir ang dating nun” balita ni Kardo “wala akong pakialam, basta dalian niyo” sabi ni Edwardo sa kanya “masusunod sir” sagot ni Kardo. “TAYO NA!” sigaw ni Edwardo kaya umatras na si Kardo at lumipad na yung helicopter at mabilis itong lumayo sa gusali. “Kardo!” tawag ng tauhan niya “ano yun?” tanong niya “me mga pulis sa baba pati narin mga bombero” balita niya “shit! Ngayon pa na me operasyon tayong gagawin” sabi niya “ano ang gagawin natin?” tanong ng tauhan niya “tara, harapin natin sila” sabi niya.

Kumain na kami ng hapunan at medjo abala ang isipan ko sa gagawin ko mamaya “tatawagan ko ba siya o itetext ko nalang?” tanong ko sa sarili ko habang kumakain ng hapunan. “Tawagan mo” sabi bigla ni Esmeralda na napatingin silang lahat sa akin “huh?” nalang ako at kita kong natawa si Marcus sa akin “sino ang tawagan niya iha?” tanong ni Rosana. “Sino pa nga ba? Hehehehe” natatawang sabi ni Marcus “Davideo?” tawag ni mommy sa akin na bigla akong tumikas sa pagkaupo at napakamot sa ulo.

“Dave?” tawag ni daddy sa akin na natawa nalang ako “sino ba ang tatawagan mo ha, Davideo?” tanong ni lola Aida sa akin na nakita kong nakatingin narin sa akin si Hepe. “Ah. eh.. hahaha.. hehehe…” natawa nalang ako “gago! Sabihin mo na kasi yung bebot mo ang tatawagan mo” sabi ni Marcus sa akin na binatukan siya ni Esmeralda. “Non dire cavolate che moron (do not say such stupid things you moron)” sabi ni Esmerlada sa kanya na natawa nalang kami pati narin si Hepe “Non mi si psico (I am not you pscyho)” balik ni Marcus kay Esmeralda.

“Sino ba talaga ang tatawagan mo Dave?” tanong ni lolo Rudy sa akin “si ano po.. si.. Helen..” sagot ko na biglang napatigil si mommy sa pagsubo ng pagkain at tumingin sa akin. “Si Helen? Hehehe oo dapat tawagan mo siya apo” sabi ni lolo Rudy sa akin “I like her” sabi ni daddy na napangiti ako at biglang tumayo si mommy at kinwelyuhan ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. “Ma… mommy?” takot kong sabi na nakita kong galit siyang nakatingin sa akin “DO NOT MESS THIS UP!” bigla niyang sabi sa akin na nagulat kaming lahat sa inasal niya.

“Ye..yes mommy!” biglang lumiit ang boses ko nung sinagot ko siya sabay bitaw niya sa akin at bumalik sa upoan niya “who is this Helen by the way?” tanong ni Rosana. “My idiot son’s girlfriend” sagot ni mommy “ohh.. is she pretty Dave?” tanong ni Rosana na tiningnan siya ng masama ni mommy “what?” tanong ni Rosana na tinuro lang siya ni mommy gamit ang tinidor niya. “Babe.. calm down” sabi ni daddy sa kanya at tinusok ni mommy ang isdang ulam niya at kinain niya ito “bakit na isip mong tawagan si Helen, Dave?” tanong ni daddy sa akin.

“He is not!” sabi bigla ni Esmeralda “huh?” takang tanong nilang lahat “itetext lang niya ito” sabi ni Esmeralda “weak! Akala ko ba magkapatid tayo?” tanong ni Marcus sa akin. “Ano ang relevance sa sitwasyon ko?” tanong ko sa kanya “HA! Kung hindi mo naitatanong pagdating sa mga be…” tumigil siya dahil tiningnan siya ng masama ni Esmeralda. “… ah hehehe I mean sa mga girls matinik pa ako sa ala singko” pagmamayabang niyang sabi. “Yeah right!” sabi nalang bigla ni Julie na naptingin kaming lahat sa kanya “matinik pa sa ala singko eh torpe ka pa sa alas dos” sabi ni Julie na sumabog ang tawanan sa buong mess hall “c’mon” nahihiyang sabi ni Marcus.

Habang nagkatuwaan silang lahat sa loob ng mess hall lingid sa kaalaman nila ang peligrong paparating sa kanila, ilang oras nalang marating na ni Erica ang lokasyon nila ni Dave. Habang si Edwardo naman ay nasa himpapawid narin papunta sa lokasyon nila, samantala inaasikaso na ni Kardo ang problema sa nangyaring pagsabog sa gilid ng gusali. Abala ang lahat ng tauhan ni Edwardo sa pag-asikaso sa buong gusali pati narin ang pag sagot ng mga tanong ng mga pulis sa kanila at pag-apila sa nasusunod na bahagi ng gusali. “30 minutes!” balita ng kapitan kay Erica “good!” sagot niya at sinuot na niya ang gear niya “Minerva…” sabi ni Erica.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x