Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 23: Reunion

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Alas dose ng gabi sa isang lumang bahay sa Pasay nakatayo sa me sala si Minerva habang hinihintay ang pagdating ni Edwardo, tumitingin siya sa paligid habang binabalik tanaw ang alalala nila dito noon ni Rudy. “Rudy… ” mahinang sabi ni Minerva ng biglang me nakita siyang ilaw sa labas ng bahay kaya humawak agad siya sa baril niya na nasa holster at tumingin sa me pintuan. Nawala na yung ilaw sa labas at narinig niya ang ingay sa labas kaya nagtago siya sa likod ng pader kung saan tanaw lang niya ang pintuan, nakiramdam siya sa taong papalapit sa pinto at nung narinig niyang bumukas ito yumuko agad siya.

Nakita niya ang hugis ng taong nakatayo sa me pintuan at pansin niyang tumitingin ito sa paligid na para bang me naalala ang taong ito “Minerva” tawag nito kaya tumayo siya at lumabas sa likod ng pader “nandito ako” sagot niya. Lumapit sa kanya si Edwardo pero hindi parin niya inalis ang kamay niya sa baril niya, napansin ito ni Edwardo kaya binuka niya ang jacket niya. “Wala akong dala kaya kumalma ka” sabi ni Edwardo sa kanya na inalis na ni Minerva ang kamay sa baril niya “mabuti kung ganun” sagot niya at tiningnan si Edwardo’ng naglalakad papunta sa gitna ng sala.

“Hmm… akala ko kinalimutan mo na ang lahat ng ito, Minerva?” tanong ni Edwardo “hmp! Hindi lahat kaya kong kalimutan Edwardo” sagot niya “pansin ko nga” sabi ni Edwardo at pumunta siya sa me bintana at tumingin sa labas. “Ah, nawala na pala ang gusaling nakatayo dito noon” sabi niya “oo, matagal na” sagot ni Minerva at sumandal siya sa pader habang nakatingin lang siya kay Edwardo. “Hehehe.. nakakatuwa no” sabi ni Edwardo “ang alin?” tanong niya “nakakatuwa isipin.. hindi.. nakakatuwang balikan nung mga bata pa tayo dito sa bahay na ito” sabi ni Edwardo na hindi sumagot si Minerva.

“Naalala ko, me single chair diyan malapit sa pader at nandito ang sofa natin noon kung saan tayo nakaupo habang nanonood ng tv” kwento ni Edwardo na lihim na napangiti si Minerva. “Naalala ko noon nung pasko, gusto ko ng bisikleta pero laruan ang binigay ni papa sa akin hahaha.. ang nakakainis sobrang liit pa nito na kasya lang sa palad ko ang laruan na yun” natatawang kwento niya. “Naalala ko pa noon, nung nagluluto si nanay… ” bigla nalang natahimi si Edwardo at napatingin kay Minerva “…..” hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya kay Edwardo.

“Oonga pala… nanay ko.. ” tuloy ni Edwardo na napatingin siya sa pintuan papunta sa kusina “… bakit mo ako pinapunta dito?” tanong ni Edwardo kay Minerva “bakit dito pa sa pesting bahay na ito…” dugtong niya. “Para ipaalala sa’yo kung saan tayo nanggaling, kung saan tayo nagsimula..” sagot ni Minerva “at kung saan tayo…” putol niya nung tumingin si Edwardo sa kanya. “.. Kung saan tayo naghiwalay….” dugtong ni Edwardo na pinikit ni Minerva ang mata niya at nung binuka niya ito tumingin siya sa sahig malapit lang sa tinatayuan ni Edwardo.

“Kung saan namatay ang ama natin..” sabi niya na napasandal sa pader si Edwardo at napahawak sa mukha niya “ikaw ang dahilan… kaya siya namatay.. ikaw ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin..” paalala ni Minerva sa kanya. Tumingin si Edwardo kay Minerva na ngayon ay galit na galit na itong nakatingin sa kanya “at ikaw din ang dahilan kaya namatay si.. huhu… si… huhu.huhu.. Ro.. Rosario….” naluluhang sabi ni Minerva. Dahan-dahang naupo si Edwardo sa sahig at niyuko ang ulo “… kung… inaasahan mong hihingi ako ng tawad sa’yo nagkakamali ka…” sabi ni Edwardo.

“Hindi Edwardo” sabi ni Minerva at nakita ni Edwardo na nakatotuk na sa kanya ang baril ni Minerva kaya dahan-dahan siyang tumayo at hinarap ang kapatid niya “papatayin mo ako?” tanong niya. “Hindi… hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kana sana ipinanganak” sabi ni Minerva “tingin mo.. ako ang dahilan ng lahat ng kamalasan mo, Minerva?” tanong ni Edwardo. “OO!” sigaw ni Minerva na umiling si Edwardo “hindi lang ikaw ang nawalan pati narin ako” sabi ni Edwardo “pero hindi ka nawalan ng anak! AKO OO KAMI NI RUDY!” sigaw ni Minerva sa kanya.

“Si Rudy” sabi ni Edwardo “heh, sabi ko na nga ba” patuloy niya “ano ang nakakatawa?” tanong ni Minerva “alam kong si Rudy ang dahilan kaya ka nakipagkita sa akin ngayon” sagot ni Edwardo. “Alam kong sangkot ang mga tauhan mo sa nangyaring gulo kanina” sabi ni Minerva “ano ngayon kung mga tauhan ko?” sarkastikong tanong ni Edwardo. “Oras na para ipasok kita muli sa kulongan Edwardo nang sa ganun matigil na ang gulo dito” sabi ni Minerva “aarestuhin mo ako? Nahihibang ka na ba?” sabi ni Edwardo “wala ka ngang ebidensya laban sa akin tapos ikukulong mo ako ng ganun-ganun lang?” tanong niya.

“Hindi ko na kailangan pa ng ebidensya, alam ko ikaw ang mastermind sa lahat ng gulong nangyayari dito” sabi ni Minerva “hahaha.. ganun ka na ba ka desperada para makuha muli ang pagtingin niya?” tanong ni Edwardo sa kanya. “Ano ang sinasabi mo?” tanong ni Minerva “come on Minerva, ganun ka ba talaga ka uhaw sa halik at yakap niya?” tanong ni Edwardo na ikinagalit ni Minerva. “PUNYETA KA!” sigaw ni Minerva at nilapitan niya si Edwardo kaya nakakuha siya ng tyempo nung malapit na sa kanya si Minerva.

Sinampal niya ang kamay ni Minerva’ng me hawak na baril at mabilis siyang lumapit at sinuntok sa tiyan ang kapatid niya kaya napayuko si Minerva at sinalo siya ni Edwardo. “Kagagahan lang ang sinasabi mo, ate” sabi ni Edwardo sa kanya na tinaas ni Minerva ang ulo niya at galit siyang tumingin kay Edwardo “huwag kang mag-alala hinding-hindi kita sasaktan well.. nasa sa’yo na ang lahat kung gagawa ka ng bagay na hindi ko magustohan” banta ni Edwardo sa kanya. “Tarantado ka talaga!” sabi ni Minerva na tinulak siya palayo ni Edwardo sabay tadyak niya kay Minerva kaya tumama ang likod niya sa pader nung tinamaan siya sa tiyan.

Napaupo si Minerva sa sahig at nahulog mula sa bulsa niya ang cellphone niya na agad naman itong kinuha ni Edwardo at napangiti siya nung nakita ang listahan ng mga contacts ng kapatid niya. “Nice to see you again ate, hopefuly sa susunod hindi na magiging ganito ang tagpo natin” sabi ni Edwardo at nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan. “Teka!” tawag ni Minerva sa kanya “huwag muna ipilit ate” sabi ni Edwardo at napatigil nalang si Minerva nung me pulang laser siyang nakita sa dibdib niya “hindi ako bobong katulad mo para pumuntang mag-isa dito” sabi ni Edwardo at lumabas na siya ng bahay.

Sumakay na ng kotse si Edwardo at huminto ito dalawang kanto lang ang layo sa bahay at sumakay si Mario “sir” sabi nito nung nakasakay na “good work Mario” sabi ni Edwardo habang tinitingnan ang phone ni Minerva. “Ano ang plano ngayon sir?” tanong ni Mario na napangiti si Edwardo “sa Crame tayo, me kakausapin ako” sabi niya “sige sir, Leryo narinig mo yun” sabi ni Mario sa driver “yes sir!” sagot niya at umalis na sila. Samantala, naka squat si Minerva habang hinihimas ang tiyan niya at napatingin siya sa paligid “Rudy…” sabi niya at dahan-dahan na siyang tumayo at napahinto nalang siya nung me narinig siyang yapak malapit lang sa kusina.

“Maayos ka lang ba?” tanong sa kanya sa taong nakatayo sa me kusina “oo” sagot ni Minerva at hinanap niya ang baril niya ng inabot ito sa kanya “salamat” sagot ni Minerva at binalik niya ito sa holster niya. “Ano ba ang dahilan bakit nakipagkita ka sa kanya?” tanong nung tao sa kanya “…… ” hindi sumagot si Minerva at tumalikod nalang siya at naglakad papunta sa kusina. “Sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong nung tao sa kanya na huminto siya malapit sa pintuan at lumingon siya “oo” sagot niya at humawak na siya sa pinto “kung ganun, ihahanda ko ang kabaong mo” sabi nung tao sa kanya at umatras narin ito pabalik sa kusina kaya lumabas narin si Minerva sa bahay.

Pumasok na kami ni Marcus sa cabin namin at nahiga narin ako sa kama “ganito pala ang pakiramdam” sabi niya sa akin “ang alen?” tanong ko “yung.. me papa ka” sabi niya sa akin na napangiti ako. “Kasi simula nung ipinanganak ako hanggang kahapon ang pakiramdam ko talaga kulang ang buhay ko.. namin ni Esmeralda pero ngayon” sabi niya na me ngiti sa mukha niya. “Hehehe get use to it bro” sabi ko sa kanya “yeah.. I like this feeling.. but that doesn’t mean buddy-buddy na tayo” sabi niya sa akin at kita kong nagbago ang expression ng mukha niya.

“Julie?” tanong ko “fool! Kung hindi ka gago at umastang one-man-army hindi magkakaganun ang girlfriend ko” sabi niya sa akin sabay tayo niya at pumunta ng pintuan “saan ka pupunta?” tanong ko. “Itatanong mo pa ba?” sabi niya na napatango lang ako at lumabas siya at pansin kong huminto siya sandali at kita kong si daddy pala nakasalubong niya. “Saan pupunta yun?” tanong niya “ke Julie dad” sagot ko at kita kong sumunod si lolo Rudy sa loob ng cabin “lolo Rudy” sabi ko “mabuti ito’t tayong tatlo lang” sabi niya sa akin.

Nakatingin lang sila sa akin habang nakatayo sila sa harapan ko “I know dad, lolo its my fault” sabi ko agad sa kanila “Dave, hindi ba kabilin-bilinan ko sa’yo” panimula ni daddy “I know dad, I failed you” sabi ko sa kanya. “It’s not that you failed haayyy..” sabi ni daddy “anak me kasalanan din ako dahil hindi ko napigilan ang apo ko” sabi ni lolo Rudy “no lolo, it’s really all my fault dahil nag-agree ako kay Johny na sumugod sa building na yun” sabi ko kay lolo Rudy. “Enough!” sabi ni daddy at umupo siya sa tabi ko “what I want to know is ano ang nakuha mo from all of these?” tanong niya na tumingin ako kay lolo Rudy at kita kong tumango siya.

Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang itim na libro na binigay ni Johny sa akin at binuksan ito ni daddy at binasa ang nakasulat sa loob, nakita kong parang nagulat siya “bakit dad?” tanong ko. “God!” sabi nalang ni daddy “anak?” “dad?” sabi naman ni lolo Rudy “these names.. kilala ko ang mga taong nakasulat dito” sabi ni daddy sa amin “ano?!” gulat na tanong ni lolo Rudy. “Sino sa kanila ang kilala mo dad?” tanong ko na umupo si lolo Rudy sa tabi ni daddy kaya napagitnaan namin siya “ito” turo niya sa ikatatlong pangalan na nasa first page ng libro.

“Emerson Caguillan” sabi niya “sino yan anak?” tanong ni lolo “business contractor ito pa na taga Malolos, Bulacan” sagot ni daddy “paano mo siya nakilala?” tanong ni lolo Rudy. “Isa siya sa contractor na kinuha namin ni Chello para sa condo, naalala mo anak nung pinaayos natin ang gym ng mommy mo?” tanong ni daddy sa akin “oo” sagot ko “siya yung gumawa ng armory doon sa gym” sabi ni daddy. “Oh God!” sabi muli ni daddy “what?” tanong ko “Stephen Lizardo, Andrew Sipayan, Gretchen Marina….” basa ni daddy sa mga pangalan.

“Sino naman sila?” tanong ni lolo Rudy “lolo si Stephen Lizardo yung contractor na kinuha ni mommy para gumawa sa elevator ng condo, si Andrew Sipayan yung contractor na gumawa sa garahe ng buidling at si…” sabi ko. “Si Gretchen Marina ang home gardener na tumulong kay Chello para ayusin muli ang garden niya sa rootfop ng buidling” dugtong ni daddy. Tiningnan pa ni daddy ang mga pangalan sa libro at nagulat kami pareho doon sa isang pahina kung saan nakita namin ang pangalan ni “Michael Librando” sabay naming sabi ni daddy.

“Sino naman siya?” tanong agad ni lolo Rudy na nagkatinginan kami ni daddy “kailangan nating ipakita ito sa mommy mo” sabi ni daddy sa akin “oo” kaya sabay kaming tumayo at lumabas ng cabin “teka, sama ako” sabi ni lolo Rudy at sumunod siya sa amin. Nakita namin si mommy sa mess hall kasama si lola Aida at Rosana “babe!” tawag ni daddy kay mommy na napatingin siya kay Rosana. “What?” tanong ni mommy sa kanya “tingnan mo ang mga pangalan sa librong nakuha ni Dave” sabi niya sabay abot kay mommy sa itim na libro at binasa niya ito.

“Bakit nasa librong ito ang mga pangalan nila?” tanong ni mommy kay daddy “hit list yan babe” sagot ni daddy na napatakip ng bibig si mommy “no…” sabi ni mommy nung marinig niya ito. “Bakit, sino ba sila?” tanong ni lola Aida “mga taong tumulong para ayusin ang condo namin” sagot ni mommy “hmm.. ito pala ang pinagkakaabalahan ni Edwardo” sabi ni Rosana. “Ano ang alam mo dito, Rosana?” tanong ni daddy sa kanya “honestly? Wala” sagot ni Rosana “me alam ka, spill it out!” sabi ni mommy sa kanya “kung meron hindi ko itatago sa inyo” sagot niya kay mommy.

“Teka, sino ba si Michael Librando?” tanong ni lolo Rudy na napatingin si mommy kay daddy sabay tango niya kaya napasandal si mommy sa upoan niya “babe…” sabi ni mommy kay daddy. “Siya ang architect at contractor na kinuha namin para ipaayos ang ancestral home nina Chello sa Quezon” sagot ni daddy “tapos?” tanong ni lolo Rudy “siya din ang original architect na nagdesign sa condo ni Chello, lahat alam niya ang pasikot-sikot nito pati narin ang mga hidden entrance at exits nito” sabi ni daddy. “That make sense now” sabi ni Rosana sa amin.

“What do you mean?” tanong ni mommy “remember.. uhm.. five years ago?” tanong ni Rosana na napabugnot si mommy “yeah and?” tanong niya “si Edwardo ang nagbigay ng info noon tungkol sa condo niyo, kaya napasok nina Diego ang condo niyo dahil sa infong yun” sabi ni Rosana. “Bastard!’ sabi ni mommy “so ibig sabihin nito kay Michael Librando nila nakuha ang information na yun?” tanong ni lolo Rudy “ganun na po lo” sagot ko na napaisip si mommy “babe we are no longer safe in there” sabi ni mommy “I know” sagot ni daddy at tumingin siya sa akin “sa bahay nalang kayo, ligtas kayo doon” sabi ni lolo Rudy.

“Hindi rin pa” sagot ni daddy “bakit?” tanong ni lolo Aida “naalala niyo yung pinaayos natin yung pader sa likod ng bahay nung nasira ito noong nakaraang bagyo?” tanong ni daddy. “Oo, pero si Pedro naman ang gumawa noon kaibigan ko, sumalangit na nga ang kaluluwa niya” sagot ni lolo Rudy “pa, nakasulat sa libro ang pangalan niya” sabi ni mommy sa kanya na ikinagulat nila ni lolo at lola Aida. “Dyos ko, Rudy” sabi ni lola Aida “akala ko inatake siya” sabi ni lolo Rudy “ganun gumalaw ang sindikato mang Rudy” sabi ni Rosana.

“Wala na tayong safe haven” sabi ni mommy “don’t worry, safe kayo dito sa barko ko” sabi ni Rosana at tumayo siya “malayo tayo sa mga ports at matataong lugar kaya ligtas kayo dito” dagdag niya. “It’s not about being safe anymore, babe we need to get Jenny i’m worried about her” sabi ni mommy “I know, na try mo bang kontakin si ate Divina?” tanong ni dad. “I’ve been trying to contact her pero hindi siya sumasagot sa phone niya” sagot ni mommy “me tauhan akong nagbabantay sa kanila so don’t worry, kokotankin ko sila para alamin kung nasaan na sila ngayon” sabi ni Rosana “babalik lang ako” sabi niya at lumabas na siya ng mess hall.

“What should we do?” tanong ko kina daddy at kita kong binasa pa ni mommy ang mga pangalan sa listahan “tawagan natin ang ninong mo Dave” sabi ni daddy sa akin “si Col. Andres?” tanong ni lolo. “Oo, kumpare ko yun at mapagkakatiwalaan natin siya” sabi ni daddy “that’s right hihingi tayo ng tulong sa kanya” sabi ni mommy “pero anak” sabi ni lola Aida “dapat mag-ingat narin tayo baka kasabwat din siya sa sindikato” sabi ni lola Aida “don’t worry mama, kilala namin si Col. Andres” sabi ni mommy “dad, mom.. what if?” tanong ko na napatingin sila sa akin “what if.. isa din siya sa sindikato?” tanong ko.

Nilagay ni daddy ang kamay niya sa balikat ko “we have to trust him son, parang pamilya narin ang turing niya sa atin remember that” sabi niya sa akin “what if kung kasabwat nga siya?” tanong bigla ni Marcus. “Marcus” sabi ni daddy “who knows kung sino sa mga nasa serbisyo ang sangkot sa sindikato mabuti narin na makasiguro tayo” sabi niya na napaisip sandali si daddy. “Babe we know him well” sabi ni mommy “wait Chello..” sabi ni daddy “… pa… ” sabi ni Marcus “alam kong mahirap pero tingin ko ang mapagkakatiwalaan nalang natin ang mga taong nasa barkong ito.. tayo.. ” dagdag niya.

“Me punto kayo” sabi ni daddy “sino ngayon ang tutulong sa atin?” tanong ni lola Aida “si Minerva” sagot ni lolo Rudy na napatingin kaming lahat sa kanya “si Minerva” ulit niya na tumingin siya kay lola Aida. “Sorry Aida pero..” “huwag mo na ituloy Rudy.. naiintidihan ko” sabi ni lola Aida at umupo siya sa tabi ni mommy na inakbayan siya nito “… hihingi tayo ng tulong kay Minerva” sabi ni lolo Rudy. “Hindi ba kapatid siya ni Edwardo? Bakit tayo hihingi ng tulong sa taong malapit sa kalaban natin?” tanong ni Marcus “hindi kalaban si Minerva, kakampi natin siya” sagot ni lolo Rudy.

“Paano natin siya makontak?” tanong ni daddy “me alam ako kung paano na hindi na natin kailangan pang tawagan siya sa telepono” sabi ni lolo Rudy at tumingin siya sa kalendaryo. “Pa?” sabi ni daddy “bukas… alam ko kung saan siya” sabi ni lolo Rudy na nagkatinginan kaming tatlo ni daddy at ni Marcus “sasama ako” sabi ni mommy “no babe, let us boys take care of this” sabi ni daddy na napangiti si Marcus. “Alright” sabi ni mommy “Davideo” tawag niya sa akin na napalingon kaming tatlo ni daddy at Marcus sa kanya “uhm.. third, be careful and don’t be a hero!” paalala ni mommy sa akin “don’t worry, sasapakin ko siya kung magpapakahero siya” sabi ni Marcus “as if!” sagot ko.

Sinabi namin kay Rosana ang plano namin at gustong sumama ni Dino sa amin para narin dagdag back-up “hindi na kailangan, kakausapin lang namin si Minerva” sabi ni lolo Rudy sa kanya. “Trust no one” yun ang pumatak sa isipan ko kaya pamilya lang ang dapat lumakad bukas at kaming apat lang “gagamitin namin ang helicopter bukas kung maaari” paalam ni daddy kay Rosana. “Anytime” sagot ni Rosana kaya natuwa kami ni Marcus at bumaba agad kami sa cabin namin para maghanda “kailangan ko pang magpaalam kay Julie” sabi niya sa akin “whip!” sabi ko na binato niya ako ng unan “gago!” sabi niya sa akin na natawa lang ako.

“Hi!” bati ni Marcus kay Julie na nakahiga sa kama “balita ko aalis daw kayo?” tanong ni Julie “oo, sasamahan namin si lolo Rudy” sagot niya “kung ganun, kailangan niyo ng look-out” sabi ni Julie. “Tsk! Look at you” sabi ni Marcus sa kanya “why?” tanong ni Julie “me sugat ka na nga sa balikat tapos sasama kapa sa amin, you will only slow us down” sabi ni Marcus. “Since when did I slow you down?” tanong ni Julie sa kanya na napangiti lang si Marcus “i’m sorry, pero lakad lang ito ng mga lalake” sabi niya na sinuntok siya ni Julie sa balikat.

Tumabi si Marcus kay Julie na agad siyang niyakap nito “i’m sorry kami nalang ok?” lambing ni Marcus na napabugnot nalang si Julie “I love you, ayaw kong madagdagan pa ang sugat mo” sabi ni Marcus. “Shut up!” sabi ni Julie sabay hila niya kay Marcus at hinalikan niya ito sa labi “I love you too” sagot ni Julie na niyakap siya ni Marcus pero nag-iingat siya “hehehe alam ko” sabi ni Marcus at naghalikan silang dalawa. “Hmmm… how long has it been?” tanong ni Marcus kay Julie nung hinimas niya ang tiyan ni Julie “gago! Hindi ka kasi sumama sa Italy malamang ilang taon na” sagot ni Julie na natawa nalang si Marcus.

Tinaas ni Marcus ang t-shirt ni Julie at humalik sa tiyan niya “hmmm..” lang si Julie at humiga siya sa unan niya nang magsimulang halikan ni Marcus ang pusod niya “Marcc…” tawag ni Julie. Hinawakan ni Marcus ang garter ng shorts ni Julie at aktong itutulak na niya ito pababa nang me kumatok sa pintuan ng cabin nila “fuck!” napamura silang dalawa at nagkatinginan “to bad” sabi ni Julie kaya bumangon si Marcus at nag-ayos naman si Julie. “Sino yan?” tanong niya nung nasa harap na siya ng pinto “Marcus si Dave ito” “wrong timing ka!” sabi ni Marcus nung binuksan niya ang pinto.

“Oras na para umalis” sabi ko sa kanya “you are such an idiot man!” inis niyang sabi sa akin na nagtaka nalang ako sa inasal niya “problema mo?” tanong ko “wala! Susunod ako” sabi niya sa akin. Pumunta na ako sa labas dala ang gamit ko at nakita kong naghihintay na si lolo at daddy malapit sa helicopter “nasaan ang kapatid mo?” tanong ni lolo sa akin. “Susunod na daw siya lo” sagot ko at kinarga ng mga tauhan ni Rosana ang mga gamit namin sa helicopter “babe!” tawag ni mommy “babe” sagot ni daddy.

“You boys be careful ok” sabi niya sa amin “don’t worry mom” sagot ko “don’t worry about us babe safe kami” sabi ni daddy sa kanya nung niyakap siya ng mahigpit ni daddy. Bumukas ang pintuan at lumabas si Marcus bitbit ang gamit niya at galit itong nakatingin sa akin “what’s up?” tanong ko sa kanya nung nilagpasan niya ako at dumiretso siya sa helicopter. “Nothing!” sagot niya nung binigay niya ang bag sa tauhan nila “kailangan na nating umalis habang wala pa ang araw” sabi ni lolo sa amin “we won’t be long” sabi ni daddy kay mommy at hinalikan niya ito sa labi “Davideo” tawag ni mommy sa akin “i’ll keep daddy safe mom” sabi ko at niyakap ko siya.

Pagkatapos magpaalam sumakay na kami at nakita namin si Rosana kasama si lola Aida at Esmeralda, kinawayan namin sila bago lumipad ang helicopter at lumipad na kami palayo sa barko. “Check your gears, Dave isuot mo na ang bulletproof vest mo pati narin ikaw Marcus” utos ni daddy sa amin “roger dad” sagot naming dalawa “pa, isuot mo narin ito” sabi ni daddy kay lolo. “Hindi ko kailangan yan anak” sabi ni lolo “ano ka ba pa? Hindi natin alam ang sitwasyon kaya better safe than sorry” sabi ni daddy. “Kilala ko si Minerva hinding-hindi malalagay sa peligro ang buhay ko pagkasama siya” sagot ni lolo.

“Kahit na pa, isuot niyo parin ito” pag-insist ni daddy kaya hinubad ni lolo ang t-shirt niya at sinuot ang bulletproof vest at sinuot muli ang t-shirt at jacket niya “gusto ko maging safe tayong apat kaya ko ito ginawa” sabi ni daddy sa amin. “Sir, E.T.A 30 minutes” sabi sa amin ng piloto “roger” sagot ni daddy “load your guns and check your ammos ayaw kong magkulang tayo ng gamit” sabi ni daddy sa amin. “Anak parang pupunta tayo sa gyera nito” sabi ni lolo Rudy “pa, hayaan mo na ako sa mga napagdaanan natin natuto na kami ni Chello kaya pagbigyan mo na ako ok?” sabi ni daddy sa kanya na tumango nalang si lolo.

“What’s your problem?” tanong ko kay Marcus dahil nakabugnot kasi siya “nothing!” sagot niya “come on bro, what’s pissing you off?” tanong “I said nothing!” inis niyang sabi sa akin. “Haayy.. have it your way” sabi ko na tiningnan niya ako ng masama kaya hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko kina daddy at lolo. “Alamo mo na ang set-up ng sementeryo anak?” tanong ni lolo kay daddy “oo pa, boys I want you to set-up a perimeter at bantayan niyo ng mabuti ang area” sabi ni daddy sa amin na tumango kami ni Marcus.

“I will be with your lolo kaya kayo ang magiging mata namin, understood?” “roger dad” sagot namin ni Marcus at tumango si daddy at tumingin sa aming dalawa “masaya ako na magkakasama tayo ngayon” sabi ni daddy sa amin. “Me too dad” sagot ko “hmm..” lang si Marcus at napansin ni daddy ang mood niya “having probem son?” tanong niya kay Marcus. “Uhm.. nothing..” sagot niya “kilala ko ang mukhang yan” sabi ni lolo Rudy “nothing just.. just ignore me ok!” sabi ni Marcus sa amin.

“Hahahaha… kilalang-kilala ko ang mukhang yan” sabi ni lolo na nainis bigla si Marcus “what’s wrong?” tanong ni daddy “hindi naka score yan!” sabi ni lolo na tiningnan siya ng masama ni Marcus kaya tumawa nalang kami. “Paano mo nalaman lo?” tanong ko na natatawa parin siya “kasi hehehe.. ganyan ang mukhang binibigay ng tito Dominic niyo noon” natatawang sabi ni lolo Rudy “hahaha oonga no” sabi ni daddy. “Ano’ng oonga? Eh ikaw nga din sa tuwing inaaway ka ni Chello at umuuwi ka sa bahay” sabi ni lolo na napahiya nalang si daddy at narinig naming tumawa ng mahina si Marcus “brothers nga naman” sabi ko na tumingin sila sa akin “fine!” sabi ko dahil pati narin ako noong hindi pumayag si Helen.

Naghahanda ng agahan si Minerva at habang kumakain tinitingnan niya ang bulaklak na hinanda niya “hmm… ” lang siya at tinuloy ang pagkain ng almusal at uminom ng kape. Pagkatapos ligpitin ang kinainan niya at hugasan nagpalit narin siya ng damit para sa pupuntahan niya mamaya, naka kulay itim siyang damit at kinuha ang bulaklak na nilagay niya sa mesa. “Good morning po, Hepe” bati ng driver niya nung lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kotse “Aldo, dumaan muna tayo ng tindahan me bibilhin lang ako” bilin niya sa driver niya “opo Hepe” sagot ng driver at umalis na sila.

Pagkatapos nilang dumaan ng tindahan dumiretso na sila sa simbaha para magsimba, nagpamisa kasi si Minerva para sa yumao nilang anak ni Rudy at pagkatapos ng misa pumunta na sila ng sementeryo. “Dito ka lang” sabi niya sa driver niya “opo Hepe” sagot ng driver at pumasok muli ito sa kotse habang naglalakad na si Minerva papunta sa puntod ng anak niya. Nilagay niya ang bulaklak sa harap ng lapida ng anak niya at nag-alay siya ng dasal, pagkatapos niyang magdasal umupo siya sa tabi ng lapida at sumandal siya nito.

“Rosario… ” sabi niya habang nagpapahid siya ng luha “kung… nabubuhay ka lang anak siguro.. huhu.. magkakasama tayong tatlo ngayon..” sabi niya habang nagpapahid siya ng luha. Tumingin si Minerva sa paligid at sa lapida ng anak niya at hinimas niya ito “patawarin mo ang mama ha.. kung.. huhu.. kung hindi kita iningataan noon…” naluluhang sabi ni Minerva nang me narinig siyang yapak malapit lang sa kinauupoan niya. “Ako din… anak…” sabi bigla ni Rudy na napalingon sa kanya si Minerva at mabilis siyang tumayo at hinarap si Rudy.

“Ru.. Rudy..” gulat niyang sabi nung makita niya ang dating nobyong me dalang bulaklak “Minerva… patawad kung ginulat kita” sabi ni Rudy “ah.. wa.. wala yun.. ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Minerva sa kanya. “Kahit matagal na ang panahong lumipas..” sabi ni Rudy sabay lapit niya sa lapida ng anak nila at yumuko siya at naglagay ng bulaklak “hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito” dugtong ni Rudy. Humawak sa lapida si Rudy at pinikit niya ang mga mata niya para mag-alay ng dasal “Rosario.. anak..” sabi ni Rudy sabay halik niya sa lapida at tumayo na siya.

“Rudy….” sabi ni Minerva “hindi ko nagawa ang tungkolin ko sa’yo noon Minerva.. ” sabi ni Rudy at humarap siya kay Minerva “patawarin mo ako kung.. wala man ako sa panahong kailangan mo ako” sabi ni Rudy na napatakip ng bibig si Minerva at naluha siya. “Me.. kasalanan din ako noon kaya nawala ang anak natin..” sabi ni Rudy na umiling si Minerva “hindi Rudy.. wala kang kasalanan..” sabi ni Minerva sa kanya. Nagpapahid siya ng luha at tumingin sa paligid “ano ang ginagawa mo dito? Alam mong pinaghahanap ka ni Edwardo” sabi ni Minerva.

“Alam ko.. naparito ako dahil…” sabi ni Rudy at lumapit siya kay Minerva “kailangan ko ang tulong mo” dugtong niya “tulong ko?” tanong ni Minerva “oo, nasa peligro ngayon ang buhay ng pamilya ko at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa amin” sabi ni Rudy. Nag-isip sandali si Minerva “anong klaseng tulong ang kailangan mo?” tanong ni Minerva “yung nangyaring gulo sa Makati, doon sa gusaling pagmamay-ari ni Edwardo” panimula ni Rudy “alam ko na ang tinutukoy mo, si Dave” sabi ni Minerva.

“Oo, me nakuha siyang impormasyon tungkol sa operasyon ni Edwardo na nakakatiyak kaming magiging dahilan kaya siya makulong ng habang buhay” sabi ni Rudy na ikinagulat ni Minerva. “Ah.. ano ang impormasyon?” tanong ni Minerva “isang libro.. listahan ng mga pangalan.. hit list kung baga sa mga taong ipinapatay ni Edwardo” kwento ni Rudy. Umiling si Minerva “bakit?” tanong ni Rudy “hindi sapat yan Rodrigo” sagot ni Minerva “kahit isaliwalat pa natin yan sa media walang kwenta parin yan dahil listahan lang yan walang klarong ebidensya na nag-uugnay kay Edwardo” sabi ni Minerva.

“Pero kilala ng anak ko ang iilan sa mga pangalang nasa listahan Minerva” sabi ni Rudy “pasensya kana Rudy, hindi kita matutulongan” sabi ni Minerva na humarap siya sa lapida ng anak nila. “Kilala ko ang kapatid ko, hindi siya gagawa ng hakbang na makakasira sa kanya” sabi ni Minerva “mali ka Minerva” sabi ni Rudy nung humarap siya ni Minerva “gumawa na siya ng hakbang na ikinasira niya” sabi ni Rudy. Lumingon sa kanya si Minerva at humawak sa pisngi niya “patawad.. hindi kita matutulongan.. ” sabi ni Minerva.

“Mini…” sabi ni Rudy na humalik sa pisngi niya si Minerva “hayaan mo akong magluksa sa araw na ito Rodrigo” sabi ni Minerva na niyuko ni Rudy ang ulo niya at lumingon sa lapida ng anak nila. “Patawad.. sige sasamahan kita” sabi ni Rudy na nugmiti si MInerva at sumandal sa kanya “Rosario….” sabi ni Minerva na napatingin si Rudy sa lapida ng anak nila at kay Minerva. “Minerva…” sabi ni Rudy at inakbayan niya si Minerva na sinandal ng Hepe ang ulo niya sa balikat ni Rudy, samatala “status report boys” tanong ni Dave sa mga anak niya.

“All clear” sagot ni D3 “same here” sagot ni Marcus habang nakatago silang dalawa malapit lang sa kinaroroonan nina Rudy at Minerva “good, keep your eyes open” sabi ni Dave sa dalawa “roger!” sagot nila. Tumingin si Dave sa paligid at tiningnan niya ang oras mag-aalas dyes na ng umaga “lead” tawag ni Marcus “what’s up?” tanong ni Dave. “Movement on your left” balita niya sa daddy niya “I spotted it to dad” balita ko kay daddy “stay on your position and keep watch, i’m going to invistigate” sabi daddy sa linya “roger that” sagot ni Marcus “be careful lead” sabi ko “roger” sagot ni daddy.

Nakita ko sa scope ko si daddy na payuko siyang naglakad papunta sa tinuturo namin ni Marcus habang nakamonitor naman kami kina lolo Rudy at kay Hepe na nakatayo lang sa harap ng burol ng anak nila. “Guys” tawag ni daddy “yes lead” sagot namin “it’s clear, sepulturero” balita ni daddy sa amin “copy that lead” sagot namin ni Marcus “returning to my position” sabi ni dady “roger that” sagot namin. “Mini…” sabi ni Rudy na lumingon sa kanya si Minerva “i’m sorry pero..” sabi ni Rudy na pinigilan siya ni Minerva.

“Haayy.. me kilala akong makakatulong sa inyo” sabi niya “sino?” tanong ni Rudy “si Maj, Gen. Ricardo Rebato” sabi ni Minerva “s Ricky?” tanong ni Rudy “oo, kilala mo pa pala siya” napangiting sabi ni Minerva. “Paano ko siya makakalimutan eh karibal ko siya sa’yo noon” sabi ni Rudy na natawa ng mahina si Minerva “hindi mo pa talaga nakakalimutan yun” sabi ni Minerva. “Muntik ko ng sapakin ang taong yun dahil sa inasal niya sa akin” sabi ni Rudy “hehehe.. kalimutan mo na yun Rudy” sabi ni Minerva.

“Ah.. bakit siya?” tanong ni Rudy “hmm… siya ang head ng Special Anti-gang Squad ng PNP lahat ng aktibidad ng PNP tungkol sa gang sa bansa siya ang nasa likod nito” paliwanag ni Minerva. “Kaya siya ang nararapat niyong lapitan” sabi ni Minerva at pansin niyang napaisip si Rudy “bakit?” tanong niya “sa sitwasyon kasi namin mahirap ng magbigay ng tiwala sa kahit kanino… sorry” sagot ni Rudy. “Naiintindihan ko Rodrigo pero kung gusto mong me makatulong sa inyo siya ang lapitan mo” sabi ni Minerva sa kanya.

“Paano kung marumi din siya?” tanong ni Rudy “magtiwala ka sa kapwa mo Rodrigo, tandaan mo nasa watch list na ngayon ang apo mo dahil sa ginawa niya” sabi ni Minerva. “Gago ka Dave! Tingnan mo ang ginawa mo!” galit na sabi ni Marcus sa akin “shut up!” sagot ko “you boys better be quiet!” sabi ni daddy sa amin “sorry lead” sabay naming sabi ni Marcus na narinig namin si lolo na nag “haayyy..”. Nakikinig kasi kami sa kanila ni Hepe dahil sa mic na suot ni lolo sa loob ng jacket niya “Mini.. wala ka bang ibang taong pwede naming lapita?” tanong ni lolo “sorry Rudy.. siya lang ang alam ko” sabi ni Hepe sa kanya.

Tumingin sa langit si Minerva at sa lapida ng anak niya “anak… aalis na si mama” sabi ni Minerva na yumuko siya at hinimas ang lapida ng anak niya “paalam anak, dadalawin muli kita sa linggo” sabi niya. “Minerva…” sabi ni Rudy nung humarap sa kanya si Minerva “salamat at nakadalaw ka sa anak natin Rudy” sabi ni Minerva sa kanya “walang problema…” “PA MOVE!” narinig niya sa linya si Dave kaya napalingon siya sa kaliwa niya at nakita niyang tumatakbo papalapit sa kanya si Dave “sino yan?” takang tanong ni Minerva.

“DAD!” sigaw ko sabay luhod ko sa ibabaw ng museleyo at tinutok ang rifle ko sa direksyon ng kotseng papalapit sa position nina lolo Rudy “MOVE! MOVE! MOVE!” narinig ko sa tenga ko ang sigaw ni Marcus kina lolo Rudy at Chief Minerva. Sunod-sunod ang pagbaril ko sa kotseng mabilis na tumakbo papunta kina lolo Rudy habang pumwesto naman si daddy malapit kina lolo Rudy at pinagbabaril din niya ang kotse. Si Marcus naman tumakbo narin papunta kina lolo Rudy at lumuhod siya at pinagbabaril ang kotseng papalapit sa kanila.

Nakita naming bumangga ang kotse sa puno “let’s get out of here!” sabi ni Marcus kaya agad akong tumalon pababa at tumakbo papunta sa kanila “Dave!” tawag ni daddy “on my way dad!” sagot ko. “I’m here!” sabi ni Marcus nung nakina lolo Rudy na siya “call for extraction” narinig kong sabi ni daddy sa tenga ko kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanila dahil naririnig ko na ang ingay ng helicopter. “Inspector!” nagulat si Hepe nung nakita niya ako “Chief” sabi ko “Dyos ko, ano ang nangyayari dito” tanong ni Hepe sa amin.

“Wala na tayong choice dad” sabi ni Marcus kay daddy “I know, Chief sasama ka sa amin” sabi ni daddy kay Hepe “a.. ano? Hi.. hindi!” sagot niya “Mini wala na tayong oras at wala ka ng choice sasama ka sa amin” sabi ni lolo sa kanya. “Hindi ako sasama sa inyo.. Insp. Reyes me arrest order para sa’yo I don’t want to be caught with you pagnahapan o mahuli ka nila” sabi ni Hepe sa akin. “I’m sorry Chief” sabi ko sa kanya at nakita namin ang helicopter at bumaba ito malapit lang sa puntod ni Rosario.

“GO! GO! GO!” sigaw ni daddy kaya tumakbo na kami ni Marcus papunta sa naghihintay na helicopter at lumuhod kami para magbantay habang hinila ni lolo Rudy si Hepe pasakay. “Minerva huwag kana magmatigas pa.. wala na tayong oras” sabi ni lolo “HINDI AKO SASAMA SA INYO!” nagpupumiglas si Hepe para makawala sa pagkahawak ni lolo Rudy. “Mini huwag kana magmatigas pa” sabi ni lolo “this is bullshit” sabi ni Marcus sabay palo niya sa batok Hepe gamit ang puwet ng rifle niya kaya hinimatay ito “MARCUS!” sigaw ni daddy at lolo Rudy “wala na tayong oras” sabi niya kaya kinarga ni lolo si Hepe papasok sa helicopter at sumakay na kami “GO!” sabi ni daddy at lumipad na kami palayo sa sementeryo.

Lumabas si Erica sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya at nag-uunat siya ng katawan habang naglalakad papunta sa kabinet, kinuha niya ang lotion sa tukador at nagpahid siya sa katawan. Naramdaman parin niyang mahapdi ang sugat niya sa katawan pati narin ang kagat ni Dave sa pekpek niya “gago!” sabi niya nung hinimas niya ito at naalala ang ginawa ni Dave sa kanya. Nagsuot na siya ng damit at lumabas ng kwarto at bumaba sa 10th floor para mag-agahan “good morning” bati sa kanya ng Supremo na ngayon ay nagkakape at nagbabasa ng dyaryo sa mesa.

“Good morning” bati rin niya at naupo sa kabilang side ng mesa “kumusta ang tulog mo?” tanong ng Supremo sa kanya “mabuti naman, medjo gumaan ang pakiramdam ko” sagot niya at sinilbihan siya ng pagkain “salamat” sabi niya sa serbidora. Me nagmamadaling pumasok sa loob ng dinning room at huminto muna ito para hintayin ang permisong makalapit sa Supremo. Nung kinawayan siya mabilis siyang lumapit at me binulong sa Supremo na nagbago ang expression ng mukha ng huli.

Umalis agad ang taong nagdala ng balita sa Supremo “what’s up?” tanong niya na binaba ng Supremo ang dyaryo niya at tumayo ito at tinawag ang tauhan niyang nakatayo sa me pintuan. Me inutos siya nito at nagmamadali itong lumabas kaya nagtaka si Erica “what’s wrong? What’s going on?” tanong ni Erica sa Supremo nung naglakad ito papunta ng pinto. Tumayo agad si Erica at sumunod sa kanya papunta sa elevator pero pinigilan siya ng tauhan ng Supremong sumakay “i’m sorry my child” yun lang ang sinabi ng Supremo sa kanya at sumara na yung pinto at iniwan si Erica’ng me tanong sa mukha niya.

Pinuntahan ni Erica ang taong pumasok kanina sa dinning room at tinanong niya ito “si Hepe” sagot nito “bakit? Ano ang nangyari kay Minerva?” tanong agad ni Erica. “Dinukot siya nung dumalaw siya sa puntod ng anak niya” sagot ng tauhan ng Supremo “kilala mo ba kung sino?” tanong niya “si Dave at ang pamilya niya” sagot ng tauhan ng Supremo. Agad tumakbo si Erica pabalik sa kwarto niya at kinuha ang mga gamit pagkatapos sumakay ng elevator kahit na tinatawag siya at pinpigilan ng mga tauhan ng Supremo hindi siya nakinig at sumakay siya sa kotse niya at umalis.

“Shit!” napamura siya nung nasa daan na siya at kinuha agad ang cellphone niya “pick up! Pick up!” sabi niya habang nag riring ang kabilang linya “hello” sagot nung tinawagan niya. “I need to see you, now!” sabi ni Erica sa taong tinawagan niya “i’m at home, come over” sagot nito kaya binaba ni Erica ang phone at mabilis niyang pinatakbo ang kotse papunta sa bahay nung kausap niya. Nung dumating na siya agad siyang pumasok sa loob nung binuksan siya nito “what’s wrong?” tanong nito sa kanya “kinidnap si Minerva” sagot ni Erica na nagulat ang taong kausap niya.

“Ten minutes!” balita sa amin ng piloto “roger” sagot ni daddy habang minamasahe naman ni lolo Rudy ang batok ni Hepe “bakit ginawa mo yun Marcus?” tanong ni lolo sa kanya. “Pa, tama lang ang ginawa ni Marcus” sabi ni daddy “tama? Tingnan mo ang ginawa niya” sabi ni lolo “wala na tayong oras kung hindi pa ginawa ni Marcus yun malamang hindi pa tayo nakaalis sa sementeryo” sabi ni daddy. “Hindi man maganda lolo Rudy pero tama po si Marcus” sabi ko na umiling lang si lolo at tinuloy ang pagmasahe sa batok ni Hepe.

Narinig naming umungol si Hepe “nagigising na siya” sabi ni daddy at nakita naming binuka ni Hepe ang mata niya at parang nagulat pa siya nung nakita niya si lolo. Agad siyang bumangon at tinulak si lolo Rudy palayo “nasaan ako!” tanong niya sa amin “Hepe please.. huminahon kayo” sabi ko sa kanya “Mini..” “huwag mo akong matawag-tawag na Mini alam mo ba ang ginawa niyo? Kidnapping ito!” sabi niya sa amin. “We did you a favor” sabi ni Marcus na nakaupo sa tabi ng piluto “favor? Favor ba itong kinidnap niyo ako?” galit na sabi ni Hepe.

“Me nagtangkang pumatay sa’yo kanina kaya ginawa namin ang nararapat Hepe” sabi ni daddy sa kanya “tangka? Kotse ko yun at tauhan ko ang nagmamaneho nun” sabi niya sa amin. “Kotse mo?” gulat na tanong ni lolo Rudy “OO!” sigaw ni Hepe na nagkatinginan kaming tatlo ni daddy at lolo Rudy “PINATAY NIYO ANG DRIVER KO!” sigaw ni Hepe sa amin na napasandal sa upoan si daddy at tumingin sa amin ni Marcus. “This is not good” sabi niya sa amin na naupo ng maayos si Marcus sa harapan at napaisip siya habang napansandal naman ako sa upoan ko at nilagay ang dalawang kamay sa mukha ko.

“Update” tanong ng Supremo sa tauhan niya nung nasa opisina na siya “sir, D.O.T.S. po ang driver at ayun sa supelterero me helicopter po ang dumapo kanina at kinarga ng mga tauhan nito si Chief Mangubat” balita ng tauhan niya. “Kilala ba nila kung sino?” tanong ng Supremo “ang grupo ni Rudy ang kumuha sa kanya ayun sa driver nung tumawag siya kanina bago siya napatay” sagot ng tauhan niya. “Sino ang nag bigay ng utos sa kanya para sumugod?” kalmadong tanong ng Supremo “ah.. sir..a.. ako po” sagot ng tauhan niya na huminga ng malalim ang Supremo at pinikit ang mga mata niya.

Nung tumalikod ang upoan ng Supremo me dalawang taong lumapit sa tauhan niya at binuhat siya nito “sir.. sir. sorry po, sorry po hindi ko na po uulitin SIRRR!” sigaw ng tauhan niya nung binuhat siya palabas ng opisina. “Sir” sabi ng sekretarya niya “umalis po si Erica” balita niya na tumayo ang Supremo at tumingin sa labas ng bintana “hmm.. ” lang ang Supremo “pasensya na po” sabi ng sekretarya niya at lumabas ito ng opisina. “Haayyy.. Erica… impulse mo lang ba ito o…” sabi ng Supremo na napakamot siya sa baba niya at tumingin sa baba ng gusali.

“Saan niyo ako dadalhin?” tanong ni Hepe sa amin “Mini kumalma ka” sabi ni lolo sa kanya “SAAN NIYO AKO DADALHIN?!” galit niyang tanong kay lolo “sa ligtas na lugar” sagot ni daddy kay Hepe. “Ligtas? Hindi naman nalagay sa peligro ang buhay ko pero sa ginawa niyo NAMIMILIGRO NA AKO DAHIL SA INYO!” sagot ni Hepe kay daddy. “Hepe please.. huminahon ka” pakalma ko sa kanya “dapat alam mo ang… ” “two minutes..” balita sa amin ng piloto kaya natahimik si Hepe at agad tumingin sa labas ng bintana.

Tumingin siya sa amin “oo Mini.. dyan kami nakatira ngayon” sabi ni lolo Rudy sa kanya na napasandal sa upoan si Hepe at napailing siya “hindi niyo ako dapat kinuha” sabi niya sa amin. “Brace yourself” babala ng piloto nung binaba na niya ang helicopter at nung naglanding na kami binuksan agad ni mang Dino ang pintuan at nagulat pa siya nung makita niya si Hepe. “Magmadali kayo, kailangan nating umalis sa lugar na ito” sabi ni mang Dino kaya bumaba agad kami pero nanatili sa loob si Hepe “Minerva” tawag ni lolo sa kanya na hindi siya nito pinakinggan.

“Dino.. isecure ang helicopter at babyahe na tayo” narinig namin galing sa radyo niya “roger!” sagot niya “Rudy kailangan na nating bumaba dahil babyahe na tayo dahil me paparating na ulan” balita ni mang Dino kay lolo Rudy. “Minerva tayo na, bumaba kana diyan” sabi ni lolo Rudy kay Hepe “Hepe, tayo na po” yaya ko sa kanya na hndi niya kami pinansin. “Sasamahan ko nalang muna siya dito, mauna na kayo sa loob” sabi ni lolo Rudy sa amin “sige lo” sabi ni Marcus “pa” sabi ni daddy “sige na Dave sumunod kana sa kanila” sabi ni lolo sa akin kaya tinapik ko siya sa balikat at bumaba na ako sa helipad.

“Rudy, hindi kayo pwedeng magtagal dito dahil mapanganib” babala ni Dino “bakit?” tanong niya “parang unos ang paparating at tataas ang alon kaya delikado kayo dito” babala ni Dino kay Rudy. “Naiintindihan ko, kukumbinsihin ko lang siya” sabi ni Rudy kay Dino “sige, basta huwag kayong tumagal dito dahil delikado” ulit ni Dino at bumaba na siya sa platform kasama ang mga tauhan niya. Sumakay sa helicopter si Rudy at umupo sa tabi ni Minerva “Minerva, tara na.. delikado dito” sabi ni Rudy sa kanya.

“Ayaw ko” sagot ni Minerva “hindi tayo ligtas dito, narinig mo naman ang sinabi niya na me paparating na unos” sabi ni Rudy “basta ayaw ko” sagot muli ni Minerva. “Kung… iniisip mo si Aida..” “hindi siya” sagot agad ni Minerva “sino?” tanong ni Rudy na tumingin sa kanya si Minerva at sa labas ng helicopter na napatingin rin si Rudy. “Siya” sabi ni Minerva na tinutukoy niya si Rosana na nakatayo malapit lang sa pintuan at nakatingin rin sa kanila “kilala mo siya?” takang tanong ni Rudy sa kanya “kamukha siya ni Ednalyn.. paano ko siya hindi makilala” sagot ni Minerva na napatingin muli si Rudy kay Rosana.

Nakita nilang papalapit si Rosana sa kanila kasama ang dalawang tauhan niya at napansin ni Rudy na parang naging balisa si Minerva “kumalma ka, hindi ka naman niya sasaktan” sabi ni Rudy “hindi ako natatakot sa kanya…” sagot ni Minerva. Umakyat sa hagdanan si Rosana at nung papalapit na siya sa dulo agad bumaba si Minerva na ikinagulat ni Rudy ang ginawa niya at sakto nung nag-abot sila ni Rosana agad niya itong sinampal. Tinutokan agad ng mga tauhan ni Rosana si Minerva sa ginawa niya na agad tinaas ni Rosana ang kamay niya at binaba ng mga tauhan niya ang mga baril nila.

“Alam kong kilala mo ako..” sabi ni Rosana at kita niyang galit-na-galit na nakatingin si Minerva sa kanya “wala kang alam kung gaano kataas ang galit ko sa’yo” sabi niya kay Rosana. “Hmp! Sabihin mo sa akin.. ninang..” sabi ni Rosana na napaluha si Minerva “….. Rosa….” naluluhang sabi ni Minerva na bigla nalang niyang niyakap si Rosana at umiyak siya. “Minerva…” sabi ni Rudy at nakita niyang binalik na ng mga tauhan ni Rosana ang mga baril nila sa lalagyanan at bumaba na sila sa platform “matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito..” sabi ni Minerva na niyakap narin siya ni Rosana “patawad… kung.. matagal tayong hind nagkita..” sabi ni Rosana.

“Tayo na sa loob.. medjo dumidilim narin ang kalangitan” sabi ni Rudy na bumitaw sila sa pagkayakap at nagpahid sila ng luha nila “tayo na sa loob, ninang” sabi ni Rosana. Sumunod si Minerva kay Rosana habang napatingin naman sa malayo si Rudy “haayy.. Ramon, Ednalyn… tulongan niyo ako..” sabi niya at sumunod na siya sa kanila papasok sa loob. Sa mess hall, nagtipon kaming lahat at nakita naming unang pumasok si Rosana kasunod si Hepe at si lolo Rudy, napatayo agad si lola Aida nung nakita siya.

“Ikaw..” sabi ni lola Aida “Aida” tawag ni lolo Rudy sa kanya “ano ang ginagawa ng babaeng yan dito?” tanong ni lola Aida “ma, nanganganib ang buhay niya kanina kaya niligtas namin siya” paliwanag ni daddy. “Huwag kang mag-alala Aida hindi ako magtatagal dito” sabi ni Hepe sa kanya at lumingon siya kay Rosana “ano ang ginawa mo sa buhay mo? Bakit hindi kayo lumapit sa akin?” tanong niya kay Rosana. “Patawad ninang, pero personal ko pong rason ito” sagot ni Rosana kay Hepe “HINDI MO BA INISIP ANG KAPAKANAN NG……” natahimik nalang si Hepe at nalungkot siya.

Pinikit ni Hepe ang mga mata niya at tumingala siya sa kisame “Rosario…. Regina….” tawag niya kaya niyakap siya ni Rosana “patawad.. ginawa ko ang lahat para iligtas sila pero… huhu.huhu..” naiiyak na sabi ni Rosana. Nagkayakapan silang dalawa habang umiiyak, lumapit ako kay lolo Rudy at inakbayan niya ako “si Minerva ang mas malapit kay Ednalyn, siya ang ninang ng tatlo” sabi ni lolo Rudy sa akin. Napansin kong nakatingin sa akin si Hepe at ngumiti siya “Hepe..” sabi ko na bumitaw siya kay Rosana at humarap sa akin “Inspector Reyes, kailngan mong sumama sa akin” sabi niya.

“Po?” gulat kong tanong sa kanya “para malinis mo ang pangalan mo dahil sa ngayon me arrest warrant ka at kung hindi ka susuko baka magiging shoot-to-kill ang iorder sa’yo” sabi niya sa akin. “NO GOING TO HAPPENED!” sabi agad ni mommy “hindi ko hahayaang sumama ang anak ko sa’yo” sabi ni daddy sa kanya “ma poprotektahan ko siya at mapapawalang sala siya kung sasama siya sa akin” sabi ni Hepe. “Hindi maari!” sagot ni Marcus na tumayo sa harapan ko “yep!” sabi ni Esmeralda na tumayo sa tabi ni Marcus.

“Tutulongan tayo ni Maj, Gen. Ricardo Rebato, kilala mo siya hindi ba Inspector?” sabi sa akin ni Hepe “oo, nandun siya nung graduation ko sa PNPA, isa siya sa mga bisita namin” sagot ko. “Oo, siya ang makakatulong sa kaso mo” sabi ni Hepe “kaso niya? Ano ang kasong sinasabi mo?” tanong ni mommy kay Hepe “babe…” sabi ni daddy. “No! I need to know what kind of case are they charging him” sabi ni mommy na hinawakan siya ni daddy sa beywang “for now, under invistigation pa ang lahat pero eventually magsasampa sila ng kaso laban sa’yo” sagot ni Hepe.

“No!” sabi ni Rosana na napatingin si Hepe sa kanya “hindi ka rin papayag na alam mong makakatulong ito sa kanya?” tanong ni Hepe sa kanya “hindi yun ninang…” “ano pala?” tanong ni Hepe. “Hindi makakatulong si Rebato sa inyo” sagot ni Rosana na parang nagulat si Hepe sa sinabi niya “huwag mong sabihin Rosana..” sabi ni lolo Rudy. “Isa siya sa mga Heneral ng grupo, isa siya sa mga Heneral na nakakatanggap ng sahod mula sa sindikato” paliwanag ni Rosana sa kanila “paano ka nakakasiguro? Hindi ko kurap si Ricardo” sabi ni Hepe.

“Kurap siya ninang… matagal na” sagot ni Rosana “siya ang taong tinatawagan ni Edwardo sa tuwing me ipapagawa siya o me shipment kaming darating mula sa ibang bansa” kwento ni Rosana. “Pinuno siya ng crime sindicate cases..” sabi ni Hepe “hindi mo ba napapansin na ni isang kaso ng sindikato ang nalulutas? Pinapalabas lang niya na ginagawa nila ang lahat pero ang totoo, hanggang doon nalang yun” kwento ni Rosana na napaatras si Hepe at napahawak sa dibdib niya. “Hepe?” nilapitan ko siya at napahawak siya sa balikat ko.

“Diyos ko.. si Reyes, Malbar at Ignacio… Inspector..” sabi niya sa akin “pati si Erica Hepe.. ” sabi ko sa kanya na nakita kong napaluha siya at napatakip sa bibig niya. “Si Erica….” sabi niya na parang nawalan ng lakas ang tuhod niya buti nalang nasalo namin siya ni Rosana. “Kaya pala noon nung me mga operasyon kami laban sa sindikato wala na ang mga kargaminto o mga druga sa lugar pati na ang mga tauhan nila.” sabi ni Hepe “dahil nakatimbre na sa kanila ang gagawin niyo, ninang” sabi ni Rosana. “Papatayin ko si Ricardo!” galit na sabi ni Hepe “me panahon diyan Minerva” sabi ni lolo Rudy “uunahin muna natin ang stiwasyon namin ngayon” sabi ni daddy.

“Hindi ka aalis sa barkong ito ninang” sabi ni Rosana sa kanya “paano kung magmamatigas ako? Ano ang gagawin mo?” hamon ni Hepe na lumingon si Rosana kay mommy at sinuntok ni mommy ang kamao niya. “Chief” sabi ni Esmeralda na tumingin sa kanya si Hepe “of all the people in this room she is the one person you don’t want to mess with” sabi ni Esmeralda sa kanya. “Right!” sabi ni Rosana na napatingin si Hepe kay mommy at sabing “I know you, I know what you did five years ago” sabi ni Hepe kay mommy “and?” tanong ni mommy “… i’m staying..” sagot ni Hepe na napangiti kaming lahat.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x