Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 22: Links

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Ibinato ni Edwardo ang cellphone niya sa pader at nagsisigaw siya sa galit “LUMABAS KAYO!” sigaw niya sa mga tauhan niya kaya lumabas silang lahat sa opisina niya sa mansion “PUNYETA!!!” sigaw niya. “Ano ba ang dapat kong gawin para mapatay kita Rosana” sabi niya sa sarili niya at pumunta siya sa minibar niya at nagsalin siya ng alak sa baso at ininom agad niya ito at nagsalita ulit siya at inubos niya agad ito. “Hahh..hahh.. punyeta..” mahinang sabi niya at ibabato na sana niya ang baso nung me kumatok sa pintuan.

“BAKIT!” sigaw niya na bumukas ito at napatigil nalang siya nung makita niya kung sino “hmp!” nalang si Edwardo at nagsalin muli siya ng alak sa baso at ininom agad niya ito at naglakad siya papunta sa desk niya. “Bakit ka nandito?” tanong ni Edwardo sa panauhin niya “alam mo ang rason kung bakit ako nandito Panyero” sabi nung panauhin niya “hmp! Ginagawa ko ang lahat para makuha ko si Rosana pero tilang..” “Edwardo” pagputol ng panauhin niya. Tumingin si Edwardo sa kanya at kalmado niyang nilagay ang baso sa desk niya at sinuot niya ang blazer niya “tara” sabi niya at lumabas sila ng opisina.

Habang nasa daan tahimik lang si Edwardo “malaking gulo ang ginawa mo Edwardo” sabi nung sumundo sa kanya “ginagawa ko ang lahat..” “alam ko yun Panyero pero hindi na makapaghintay ang supremo sa resulta mo” sabi nung sumundo sa kanya. “Kaya ikaw ang pinadala niya?” tanong ni Edwardo “hindi ako ang pinili kundi si Mansueto, nagpresenta lang ako na sumundo sa’yo dahil alam ko kung siya ang kakatok sa pinto mo malamang…” hindi nalang tinuloy nung Panyero niya nung tumingin sa kanya si Edwardo.

“Hah! Nag-aalala ka para sa akin Panyero? Hahaha nakalimutan mo na ata kung ano ang kakayahan ko” sabi ni Edwardo sa kanya “hinding-hindi ko makakalimutan yan Edwardo, kaya nga ako ang nagpresentang sumundo sa’yo dahil ayaw kong ilibing mo pa lalo ang sarili mo sa hukay” sabi ng Panyero niya. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Edwardo sa kanya at napatingin nalang siya sa labas nung huminto ang kotse sa isang mataas na building “sumunod ka sa akin” sabi ng Panyero niya at lumabas na sila at pumasok sa loob.

Tahimik lang silang sumakay sa elevator at pagdating sa 15th floor lumabas na sila at naglakad sa mahabang hallway papunta sa isang malaking pintuan, tumango ang dalawang nagbabantay sa pintuan at binuksan nila ito. “Hindi ka papasok?” tanong ni Edwardo sa Panyero niya nung napansin niyang nakatayo lang ito sa labas ng pinto “ikaw ang kailangan niya hindi ako” sabi ng Panyero niya at sinara na ng dalawang bantay ang pinto. Tumingin sa paligid si Edwardo at pansin niyang konte lang ang ilaw na naka sindi sa loob ng malawak na silid.

“Lumapit ka, Edwardo” narinig niyang tinig mula sa dulo ng silid at nung tinuon niya ang tingin niya doon nakita niyang me taong nakaupo sa likod ng mesa “lumapit ka” sabi muli nung taong nakaupo doon. Naglakad na si Edwardo at napansin niyang me mga tao palang nakaupo sa gilid ng silid at natatakpan ang mukha nila sa dilim “maupo ka” sabi nung tinig nung nakatayo na siya sa tabi ng isang upoan. Umupo si Edwardo at tumingin siya sa paligid at sa taong nasa harapan niya “kumusta kana Edwardo?” tanong ng Supremo sa kanya.

“Ma..mabuti lang ako.. Punong Supremo” sagot niya “mabuti… ” sabi ng Supremo “ano itong.. nababalitaan kong gulo..” sabi ng Supremo na pinutol siya ni Edwardo “ginagawa ko ang lahat para makuha ko si Rosana alam niyo po yan mahal na Supremo” sabi ni Edwardo. “Pumalpak man ako sa Italy pero dito sa teritoryo natin hinding-hindi ko siya…” naputol nalang si Edwardo nung tumayo ang Supremo nila pati narin ang mga taong nakaupo sa gilid ng silid. “Alam ko yun Edwardo, ginawa mo nga ang lahat pero bakit ngayon buhay parin si Rosana?” tanong ng Supremo sa kanya.

Natahimik nalang si Edwardo at tumingin sa paligid niya “haayy.. alam mo ang patakaran ng grupo hindi ba?” tanong ng Supremo sa kanya “at alam mo din na hindi nababagay sa grupo ang sino mang papalpak sa lakad niya” patuloy ng Supremo na tumayo ito sa harapan niya. “A.. alam ko po…” sagot ni Edwardo na niyuko niya ang ulo niya “hmm… bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon” sabi ng Supremo na napatingin sa kanya si Edwardo sabay tadyak niya sa upoan niya at lumuhod sa sahig. “Salamat po… maraming.. maraming salamat” natutuwang sabi ni Edwardo.

“Sige.. makakaalis kana” sabi ng Supremo sa kanya na naiwan paring nakaluhod si Edwardo nung bumalik sa upoan niya ang Supremo nila “maraming maraming salamat mahal na Supremo” sabi ni Edwardo nung tumayo na siya at umatras palabas ng silid. Pagkalabas ni Edwardo naghihintay sa kanya ang Panyero niya at sinamahan siya nito pababa sa lobby hanggang sa kotseng sinakyan nila kanina. “Edwardo” tawag ng Panyero niya “tandaan mo ito… huling pagkakataon mo na ito” paalala ng Panyero niya sa kanya “..alam ko” sagot ni Edwardo at sinara na niya ang bintana at umalis na yung kotse para ihatid siya sa mansion niya.

Nakatayo lang ang Supremo nila malapit sa bintana at tiningnan ang kotseng papalayo sa gusali niya “naihatid ko na po siya” paalam ng Panyero ni Edwardo “sabihin mo sa akin… kasama ba ni Rosana ang mag-asawa?” tanong ng Supremo sa kanya. “Ang babae lang po, Supremo” sagot niya “hmm… si Chello” “opo” “interesting..” sabi ng Supremo “po?” tanong ng Panyero ni Edwardo. “Wala… sige makakaalis kana” sabi ng Supremo sa kanya “salamat Supremo” sagot niya at umalis na siya sa opisina ng Supremo niya.

“Nakita mo na kung sino talaga si Chello?” tanong ng Supremo kay Erica na lumabas ito mula sa likuran ng poste “opo” sagot ni Erica na humarap sa kanya ang Supremo at napailing nalang ito sa kondisyon niya. “Do you really have to go that far?” tanong ng Supremo sa mga sugat niya sa mukha at sa mga braso na napangiti lang si Erica “hmp!” lang ang Supremo sa reaction niya at umupo sa upoan niya. “Pasensya na kung umandar ang impulse ko” paumanhin ni Erica sa kanya “wala na akong magagawa diyan kung ganun kana talaga” sabi ng Supremo niya.

“Huwag kang mag-aalala hindi pa ako mamamatay” sabi ni Erica sa kanya “mabuti kung ganun kung hindi…” sabi ng Supremo na napatingin sa kanya si Erica “hmp.. pumunta ka sa 10th floor para magamot yang mga sugat mo” sabi ng Supremo sa kanya. Tumayo si Erica at niyuko niya ang ulo niya at naglakad papunta sa pinto “Erica..” tawag ng Supremo na nilingon siya nito. “Huwag mong kakalimutan ang objection mo” paalala ng Supremo sa kanya “hinding-hindi ko kakalimutan yun, Ama” sagot ni Erica sa kanya “mabuti.. sige bumaba kana” sagot ng Supremo sa kanya at lumabas na si Erica sa opisina niya.

Nakarating na ng barko ang helicopter na sinakyan nina Chello at Rosana at agad tinulongan ni Dino at Sony si Julie para bumaba sa helicopter “dalhin niyo agad siya sa infermary” utos ni Rosana sa kanila. “Si Davideo?” tanong agad ni Dave kay Rosana na nilingon ni Rosana ang helicopter kaya umakyat si Dave sa helipad at nakita niyang inakay ni Chello si Dave pababa ng helicopter. “Ano ang nangyari sa kanya? Nasaktan pa siya? Me sugat ba siya? Ano?” sunod-sunod na tanong ni Dave kay Chello “SHUT UP AND HELP ME!” sigaw ni Chello sa kanya kaya tumahimik nalang si Dave at tinulongan si Chello.

Sinalubong nina Esmeralda at Marcus sina Rosana at nakita niya ang reaction ng anak niya nung nakita ang kondisyon ni Julie “NASAAN SIYA?! NASAAN ANG BASTARDONG YUN?!” sigaw ni Marcus nung hinanap niya si Dave. Nung nakita niya itong inakay ng mga magulang niya sa helipad agad siyang umakyat at buti nalang hinarangan siya ng mga tauhan ni Rosana kundi bubogbugin na niya sana si Dave. “Huminahon ka boss” sabi ng tauhan niya “MARCUS!” tinawag siya ni Rosana kaya bumaba siya at pumunta kay Julie “dalhin niyo siya sa infermary, Esmeralda ikaw na ang bahala sa kanya” utos ni Rosana sa kanila.

Bumaba na sina Dave at Chello kasama si Third at agad binitawan ni Chello si Third para harapin si Rosana “CHELLO HUWAG!” sigaw ni Dave “SHUT UP!” sabi ni Chello sa kanya at dinikit niya ang mukha niya kay Rosana na nagtama pa ang mga labi nila. Umatras ng konti si Chello at galit siyang nakatingin kay Rosana “alam ko” sabi ni Rosana sa kanya. “I can’t explain it now..” sabi ni Rosana na pinutol siya ni Chello nung hinawakan siya nito sa leeg “papatayin mo ako?” tanong ni Rosana sa kanya na nakikita niya ang galit sa mata ni Chello.

“No.. this is to easy” sabi ni Chello na bigla siyang umatras at lumayo kay Rosana “Chello… please..” sabi ni Dave sa kanya habang akay-akay niya si Third “DAVIDEO!” narinig ni Dave ang boses ng papa niya. “PA!” tawag niya at nakita niyang nakasunod sa likuran ni Rudy si Aida “Dyos ko, ang apo ko” sabi ni Aida nung tinulongan nilang akayin si Third. “Chello” tawag muli ni Dave sa asawa niya “SHUT UP DAVIDEO!” sabi ni Chello sa kanya na hinubad ni Chello ang bulletproof vest niya at hinamon niya ng suntokan si Rosana.

“Please.. please.. give me the pleasure of breaking your bones!” sabi ni Chello kay Rosana na hinubad narin ni Rosana ang bulletproof vest niya at pinahiran niya ang dugo ni Julie sa mukha niya. “Boss..” tawag ni Dino sa kanya “huwag kayong makialam” sabi ni Rosana sa kanila “move away!” sabi ni Chello sa kanila kaya lumayo sila at binigyan nila ng space ang dalawa. Nagkatinginan si Chello at si Rosana at sabay silang tumakbo para salubongin ang isa’t-isa na tinaas na agad nilang ang mga kamao nila at nung malapit na sila sabay silang sumuntok ng biglang me pumutok na baril “STOP IT!” sumigaw si Esmeralda at napatigil nalang ang mga kamao ng dalawa malapit sa mga mukha nila.

“STOP!” sigaw ni Esmeralda sa kanila habang nakataas ang kamay niyang me hawak na .45 “anak…” sabi ni Rosana nung nakita niya ito kaya kumalma siya pero masama parin ang tingin sa kanya ni Chello. “Iha… please.. mettere la pistola verso il basso (ibaba mo ang baril)” sabi ni Rosana sa kanya “iha… per favore..” sabi ni Rosana habang papalapit siya kay Esmeralda. “Esmeralda..” tawag ni Dave sa kanya na nilingon siya nito “please.. ibaba mo ang baril mo… anak…” sabi ni Dave na nanlaki ang mata ni Chello sa narinig niya.

“A..anak…” nasabi nalang ni Chello at nakita niyang dahan-dahan naring lumapit si Dave kay Esmeralda “please.. please ibaba mo ang baril mo… Esmeralda…” sabi ni Dave na hinayaan siya ni Rosana’ng lumapit kay Esmeralda. Nakita ni Dave na naluha na si Esmeralda kaya hinawakan niya ang kamay nitong me hawak na baril at kinuha niya ito at nginitian niya si Esmeralda. “…Papa…” sabi ni Esmeralda na yumakap agad siya kay Dave “haayy.. anak ko…” sabi ni Dave na niyakap narin niya si Esmeralda at ibinigay niya ang baril kay Dino.

Tumingin si Dave kay Rosana na ngayon ay naluluha narin kaya nginitian niya ito bago niya nilingon si Chello na ngayon ay nakatingin lang sa kanya “i’m sorry..” sabi ni Dave na tumingin si Chello sa sahig. Bumitaw si Dave sa pagkayakap kay Esmeralda at dahan-dahan niyang nilapitan si Chello “i’m sorry… ” sabi ulit niya kay Chello na nakatayo parin ito at hindi gumagalaw. “Babe…” tawag ni Dave sa kanya na tumingin sa kanya si Chello at nakita niya itong naluha “babe i’m really..” bigla nalang sinuntok ni Chello si Dave sa mukha kaya napaatras siya at napahawak sa ilong niya.

Dahan-dahan naring bumalik ang ulirat ko at nagulat nalang ako nung nakita kong dumugo ang ilong ni daddy at nakita kong nakakamao na si mommy “oh no!” nasabi ko nalang sa sitwasyon nila. Kaya nung nakita kong aabante na si mommy para bugbogin si daddy agad kong tinulak sina lolo at lola at binangga ko siya at natumba kaming dalawa sa sahig. “DAVIDEO!” sigaw ni mommy sa akin nung naka dapa siya sa sahig at nasa ibabaw niya ako “MOMMY CALM DOWN!” sabi ko sa kanya “CALM DOWN?! CALM DOWN?!” sigaw niya na bigla niyang tinulak ang sarili niya sa sahig na napaangat ako sa kanya at agad siyang umikot at nilagay ang mga paa sa dibdib ko at tinadyakan ako.

Napaalis niya ako sa ibabaw niya at mabilis siyang bumangon at galit na galit siyang tumakbo papunta kay daddy “MOMMY!!!” sigaw ko sa kanya nung inunat na niya ang braso niya “DAVIDEEOOO!!!” sigaw niya. “STOP!” sigaw ko ng biglang tumayo sa harapan ni daddy si Marcus kaya siya ang tinamaan sa kamao ni mommy “MARCUS!” sigaw ni Rosana nung nakita niyang dumugo ang ilong ni Marcus nung tinamaan siya. Napaatras si Marcus kay daddy at dahil sa gulat ni mommy napatigil narin siya “CHELLO! TAMA NA!” sigaw ni lolo Rudy kay mommy.

Nakita kong hinihingal si mommy sa galit dahil sa natuklasan niya “mom..” mahina kong sabi na lumingon siya sa akin at kay daddy “when…. WHEN ARE YOU GOING TO TELL ME ABOUT THIS DAVDIEO?” sigaw niya kay daddy. “AND YOU! YOU!” turo niya kay Rosana na ngayon ay lumapit na kay Marcus at tiningnan ang ilong niya “sasabihin ko naman sana sa’yo Chello” sabi ni daddy “pero.. hindi ko alam kung paano” dagdag niya. Nakita kong naluha na si mommy at galit na galit parin siyang nakatingin sa kanila “tinanong na kita noon pa.. noon pa Davideo.. kung meron ba.. ano ang sinagot mo? WALA!” sabi ni mommy.

“True!” sabi ni daddy “dahil sa panahong yun hindi ko alam na.. me.. (tumingin si daddy kay Rosana at balik kay mommy) anak kaming dalawa” dugtong niya na napailing nalang si mommy at nagsisigaw siya sa galit. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni mommy, selsosa siya kahit sino pa ang tatanungin mo mapa sa opisina o sa mga social functions na inaatenan nilang dalawa ayaw niyang me umaaligid kay daddy. Kwento sa akin ni daddy dalawang beses lang daw nagmahal si mommy yung una si Alex na sinaktan siya kaya siniguro ni mommy na hindi na ito mauulit kaya ganun siya ka protektado kay daddy at sa relasyon nilang dalawa.

“Grraaahhh..” narinig namin galing kay mommy kaya dahan-dahang humakbang si daddy palapit sa kanya “babe… i’m sorry… ayaw kong.. ayaw kong saktan ka..” sabi ni daddy nung papalapit na siya kay mommy. “Mom..” tawag ko sa kanya na lumingon siya sa akin “stay away from me” sabi ni mommy kay daddy “I can’t.. I love you..” sabi ni daddy sa kanya. “Please.. Davideo.. stay away from me.. stay away..” sabi ni mommy sa kanya “Chello.. please.. listen to me..” sabi ni daddy na isang hakbang nalang siya kay mommy ng sumuntok si mommy kaya napapikit nalang si daddy nung tinamaan siya sa mukha kaya napaluhod siya.

“DADDY!” “DAVE!” sigaw namin na tinaas ni daddy ang kamay niya para pigilan kami, tumulo ang dugo na nagmumula sa ilong ni daddy at pilit niya itong pinipigilan at tumingala siya para tingnan si mommy. “Davideo!” tawag ni lola Aida sa kanya “huwag kayong lumapit” sabi ni daddy sa amin dahil kita naming galit na galit talaga si mommy “Chello… ” tawag niya na ngayon ay tumayo narin siya at hinarap si mommy. “Na.. naalala mo pa ba ang sinabi ko sa’yo noon?” tanong niya kay mommy na hinawakan siya nito sa kwelyo at sinuntok siya sa mukha na agad tinaas ni daddy ang kamay niya para pigilan kaming huwag lumapit sa kanila.

“DAD!” tawag ko sa kanya na lumingon siya sa akin at nginitian niya ako at lumingon siya kay mommy “remember Chello… remember what I said to you before..” sabi niya kay mommy. “Remember!” sabi niya na inunat muli ni mommy ang braso niya para suntokin si daddy ng biglang tumigil siya nung malapit na sa mukha ni daddy ang kamao niya “..na…naalala ko…” sabi bigla ni mommy na napangiti si daddy sa kanya. “Davideo!” tawag ni lola Aida na pinigilan siya ni lolo Rudy “hayaan na natin siya” sabi niya kay lola na naluha na si lola sa nakikita niya.

“Ano ba… ano ba ang sinabi ko sa’yo noon?” tanong ni daddy sa kanya na nakita naming dahan-dahang kumalma ang mukha ni mommy at bumuka na ang kamay niya “… Dave…” sabi ni mommy na naluha na siya. “Ikaw lang.. wala ng iba..” sabi ni daddy kay mommy na hinawakan siya sa pisngi ni mommy at hinila siya palapit sa kanya at niyakap siya “Oh God Davideo” sabi ni momy at umiyak siya na niyakap narin siya ni daddy. “Mom, dad” tawag ko sa kanila “i’m going to kill that boy” sabi ni mommy kay daddy “I know but you have to listen to him first before you do that” sabi ni daddy kay mommy na ngayon ay kumalma na.

Napalunok nalang ako ng laway at nakita kong lumapit si lolo Rudy sa kanila “Dave, magpagmot ka” sabi niya kay daddy na parang ngayon lang ata napansin ni mommy ang ginawa niya sa mukha ni daddy. “Oh God i’m sorry babe..” sabi ni mommy sa kanya na hinawakan niya sa mukha si daddy “i’m ok.. aray.. i’m ok.. wala lang ito” sabi ni daddy sa kanya. “Mom” sabi ko na lumuhod ako at niyuko ko ang ulo ko “i’m sorry.. i’m really sorry for what I did” sabi ko sa kanya “Dave stand up” sabi ni daddy sa akin “tumayo ka diyan Davideo” sabi ni lolo Rudy sa akin.

Tumayo ako at sinundot ako sa noo ni mommy “i’m not done with you” sabi niya sa akin “babe” sabi ni daddy “don’t, Davideo” sabi niya kay daddy at bumitaw na siya sa pagkayakap kay daddy. “Now that we are all calm down” sabi ni Rosana na lumingon kami sa kanya “why don’t we go inside and get our wounds patch up” dugtong niya na nag “hmp!” si mommy at napangiti nalang si daddy. Ginamot na ni Esmeralda si Julie habang si mommy naman ang naggamot kay daddy “i’m sorry” sabi niya kay daddy na hinawakan siya sa kamay ni daddy “it’s fine” sagot ni daddy sa kanya.

Pagkatapos gamutin ni mommy si daddy “I understand everything about you and my husband” sabi ni mommy kay Rosana “it’s all in the past for me.. what happend earlier its nothing more than.. bottled up emotions” paliwanag ni mommy. “…… ” walang ni isa sa amin ang nagsalita “now… explain it to me Rosana” sabi ni mommy na tumingin sa kanya si Rosana “what the fuck is going on?” tanong niya. Pumikit si Rosana at nag sigh siya “this falls for me, this is all my fault” pag-amin niya “you got that rigth!” sabi ni mommy sa kanya “Chello” sabi ni daddy.

“Problema ko ito at napasama lang kayo dahil sa nangyari noon twenty two years ago” panimula ni Rosana “dahil sa nais kong maipaghiganti ang mga magulang ko sumali ako sa isang sindikato” kwento niya sa amin. “Akala ko kung mapatay ko na ang mga taong pumatay sa mga magulang ko tapos na ang lahat, hanggang doon nalang ang ugnayan ko sa kanila pero mali pala ako” patuloy niya. “Tingin mo makakawala ka sa pagkahawak nila sa’yo pagkatapos ka nilang tulongan? Such a stupid bitch” sabi ni mommy sa kanya “Chello” sabi ni daddy.

“No, you have to use your brain before doing anything else” paliwanag ni mommy kay daddy “I know that” “no you don’t, otherwise that girl wouldn’t have existed!” sabi ni mommy na nagulat sina daddy at Rosana sa sinabi niya. “Clearly you were using your dick and not your brain, Davideo” sabi ni mommy kay daddy “tama na yan, Chello” sabi ni lolo Rudy sa kanya. “Hmp!” lang si mommy at umupo sa tabi ni daddy “Clearly that wasn’t the case now, right Chello?” tanong ni Rosana sa kanya na inisnaban lagn siya ni mommy na napangiti lang si Rosana.

“Sa akin talaga nagsimula ang lahat ng ito, kaya… hihingi ako ng tawad sa inyo” sabi ni Rosana “mama” sabi ni Esmeralda at yumakap siya sa mama niya “iha…” “hmp, I want to say something but… out of respect to your sister.. i’m not going to say it” sabi ni mommy na inakbayan siya ni daddy. “Mali ka” sabi bigla ni lolo Rudy kay Rosana “ano?” tanong ni Rosana sa kanya “mang Rudy?” tanong ni Sony “hindi sa’yo nag-umpisa ang lahat, Rosana” sabi ni lolo sa kanya na ikinagulat naming lahat “paano niyo nasabi yan, mang Rudy?” tanong ni Rosana sa kanya.

“Nag-umpisa ito nung kapanahunan namin ng papa mo, si Don Ramon” sabi ni lolo na nakita kong nagulat si Rosana “ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni daddy sa kanya “alam ko ang puno’t-dulo ng lahat ng ito” sabi ni lolo Rudy. Tumingin si lolo Rudy sa aming lahat at tinuon niya ang tingin kay Rosana “dati akong pulis na naassign sa probinsya niyo noon Rosana” panimula ni lolo. “Bago palang ako noon at dahil sa kakulangan ng mga pulis sa San Sebastian doon ako na destino. Doon ko nakilala ang mama mo si Ednalyn, hindi pa sila kasal ng papa mo noon sa katunayan hindi pa sila magkakilala ng papa mo” kwento ni lolo Rudy.

“Aaminin ko, nagkagusto agad ako sa kanya dahil tunay ngang maganda ang mama mo” kwento ni lolo Rudy na napangiti siya “nakuha mo nga ang kagandahan mo sa mama mo, kung kay Ramon lang siguro masasabi kong malas lang..” sabi ni lolo na natahimik siya bigla. “Wala yun mang Rudy, tuloy niyo lang po” sabi ni Rosana sa kanya na napangiti si lolo Rudy “mabait ang mama mo, siya yung nagdadala ng pagkain namin sa presinto dahil nagpapatakbo ng karenderya ang mga magulang niya” patuloy ni lolo Rudy.

“Bilang binata at walang alam sa ano mang tungkolin sa bahay ang mama mo ang naglalaba sa mga damit ko at hindi lang ako pati narin ang mga kasamahan ko sa presinto” kwento ni lolo Rudy. “Tunay na mabait si Ednalyn, matulongin sa mga magulang niya kaya lahat kaming nasa presinto tumutulong din sa kanya sa panahon kung nagigipit sila sa pera” patuloy ni lolo Rudy. Nakita kong napayuko ang ulo ni Rosana at nalungkot siya “pero hindi yun naging sagabal para sa kanya at yun pa ang ginamit niyang rason para magsikap pa ng mabuti na ikinatuwa ko sa kanya” kwento ni lolo.

“Hehehe..” natwa nalang si lolo Rudy “bakit po?” tanong ni Rosana “naalala ko lang kung paano kami nagkakilala ng papa mo, si Ramon” sagot ni lolo Rudy “kilalang mayaman ang pamilya ni Ramon sa San Sebastian, sila ang may-ari ng malaking lupain sa probinsya at kilala hindi lang sa negosyo kundi sa politika narin” kwento ni lolo Rudy. “Isang Gobernador ang lolo ni Ramon habang tatakbo namang Mayor ang papa niya pero hindi ito natuloy dahil inayawan ito ng mama niyang si Milagros” kwento ni lolo. “Nagkakilala kami ng papa mo noong inakala kong magnanakaw siya sa manggahan ni Don Feleyo at dinala ko pa siya sa presinto” natatawang kwento ni lolo.

“Bago palang ako sa lugar nila at hindi ko pa masyado kilala ang mga tao doon kaya nung dinala ko si Ramon sa presinto nagulat nalang ang mga kasamahan kong pulis pati na si Hepe dahil ang taong hinuli ko na magnanakaw may-ari pala ng manggahan” nakangiting kwento ni lolo. Tumingin siya kay Rosana “akala ko matatanggal na ako sa serbisyo dahil sa ginawa ko pero kinausap ni Ramon ang Hepe namin since bago palang ako sa probinsya pinatawad niya ako. Simula nung araw na yun sa tuwing makakasalubong ko si Ramon sa daan o magkita kami sa isang lugar bibiroin agad niya ako na baka huhulihin ko daw siya” kwento ni lolo na napangiti si Rosana.

“Nung tumagal naging magkaibigan narin kami noong una medjo naiilang ako dahil sa stadus ng pagkataon namin mas angat siya kesa sa akin pero binaliwala ni Ramon yun at tinrato niya akong magkalebel kaming dalawa. Doon ako napahanga sa papa mo Rosana dahil hindi siya katulad sa kapatid niya na puro kayamanan at pangalan ang ipinapakita niya sa taong bayan. Hindi si Ramon, naging mas malapit pa kami noong nalaman niyang kaibigan ko si Ednalyn kaya biniro ko siya na kaya naging magkaibigan kami dahil gusto niyang ilakad ko siya kay Ednalyn” kwento ni lolo Rudy.

“Ang totoo kasi niyan torpe si Ramon, noong pinakilala ko na siya kay Ednalyn nahiya pa ito at muntik maihi sa pantalon niya dahil sa kaba at takot hehehe” natatawang kwento ni lolo Rudy na natawa narin kami. “Kaya sinabi ko sa kanya ‘kung ayaw mong magpakalalaki at harapin ng maayos si Ednalyn baka maunahan ka pa sa iba’ dahilan kaya naglakas loob siyang manligaw at kahit kabado at takot na baka ayawan siya ni Ednalyn naglakas loob talaga siya” kwento ni lolo Rudy. “Dumaan ang ilang buwan ang panliligaw ni Ramon kay Ednalyn at dumating ang araw na pinuntahan niya ako sa presinto para ipaalam sa akin na sinagot na siya ni Ednalyn” napangiti si lolo Rudy.

Tumingin sa akin si lolo Rudy “noong araw ding yun ang pagdating ng bago kong partner sa presinto, si Minerva” kwento ni lolo na ikinagulat ko “partner kayo?” tanong ko sa kanya na tumango siya. “Magkakilala na kami ni Minerva nun noong naka assign pa ako sa Pasay sabay kaming pumasok sa unang araw naming dalawa, pero nagkahiwalay kamin nung inilipat ako sa San Sebastian at akala ko yun na ang huling pagkikita namin mali pala ako” kwento ni lolo. “Magkakilala kayo ng Hepe ni Dave?” tanong ni daddy sa kanya na napansin kong tumalikod si lolo Aida at lumabas ito ng infermary “mama?” tawag ni daddy na hindi siya nito pinansin.

“Alam kasi ng mama mo ang nakaraan namin ni Minerva, ikinwento ko na sa kanya noon bago kami ikasal kaya intinidihin niyo nalang siya” sabi ni lolo Rudy sa amin “sige po mang Rudy, ituloy niyo po ang kwento niyo” sabi ni Sony sa kanya. “Pinakilala ko si Minerva sa mga magulang mo at malugod nila siyang tinanggap at sa tuwing lalabas ang dalawa gusto nila kaming isama” patuloy ni lolo Rudy. “Masaya ang buhay namin noon ni Minerva kasama ang mga magulang mo, isang araw binalita nalang ni Ramon sa akin nung nangingisda kami sa tabing ilog na niyaya na niyang magpakasal ang mama mo at pumayag siya” kwento ni lolo.

Nakita kong napangiti si Rosana sa kwento ni lolo “parang bata si Ramon na nagsisigaw sa tabing ilog na kinainis ko naman dahil nabitawan ko ang nahuli kong isda at bumalik ito sa ilog”. “Ibibili nalang kita sa palenke Rudy, yun ang sabi niya sa akin na natawa nalang ako at natuwa para sa kanya. Sinabi ko ito kay Minerva na ikinatuwa naman niya dahil nasabi narin pala ni Ednalyn sa kanya ang engagement nila” kwento ni lolo Rudy. “Akala ko yun lang ang surpresang maririnig ko sa araw na yun ng biglang sinabi sa akin ni Minerva na nagdadalang tao na siya, sa tuwa ko binuhat ko siya at agad kong siyang binaba sa pangambang makunan siya” bigla nalang nalungkot ang mukha ni lolo.

“Bakit lo?” tanong ko na ngumiti siya “binalita namin ito kina Ramon at nagsalo-salo kami sa bahay na tinitirhan namin ni Minerva at sinabi namin sa kanila ang pangalan na ibibigay namin sa magiging anak namin ni Minerva” kwento ni lolo Rudy. “Pero nagbago ang lahat” biglang nagbago ang expression sa mukha ni lolo Rudy “noong dumalaw sa amin ang half-brother ni Minerva… si Edwardo” patuloy niya na nagulat kaming lahat sa sinabi niya. “Oo, magkapatid si Edwardo at si Minerva, tumira sa amin ng ilang araw si Edwardo dahil sa nag-away sila ng papa nila ni Minerva dahil sa hindi nito pagtupad sa kagustohan ng papa nilang tapusin ang pag-aaral niya.”

“Sa mga araw na pananatili ni Edwardo sa amin nakilala din niya ang mga magulang mo at doon me napansin ako kay Edwardo” sabi ni lolo Rudy “ano po yun?” tanong ni Rosana. “Me gusto siya sa mama mo, sinabi ko na ito sa kanya na hindi na pwede dahil ikakasal na sila ng papa mo pero nagpipilit parin siyang manligaw kay Ednalyn kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Ramon. Humantong ito sa suntokan hanggang sa hindi na nakayanan ni Minerva ang ginagawa ng kapatid niya at… (napalunok ng laway si lolo Rudy).. nakunan siya” napatakip sa bibig si mommy habang nagulat namin kami.

“Nadala namin si Minerva sa ospital pero huli na dahil wala na yung bata.. simula noon nagbago na ang takbo ng relasyon namin ni Minerva naging.. magkalayo narin ang puso namin dahil sa nangyari” kwento ni lolo. “Sinabi ko sa kanya na pwedeng naming subokan muli pero sa pagkawala ng batang dinadala niya dala narin nito ang pag-asang maging maayos ang relasyon namin. Lumalayo na sa akin si Minerva habang nagsisimula naring bumuo ng pamilya sina Ramon at si Ednalyn, isang araw binalita nila sa amin na nagdadalang tao na si Ednalyn pero hindi ito ikinatuwa ni Minerva at sinurpresa nalang niya ako isang araw na nagpapatrasfer siya pabalik ng Maynila” kwento ni lolo.

“Hindi matanggap ni Minerva ang nangyari lalo lang niyang kinamumuhian ang kapatid niya, mahal na mahal ko siya noon kaya ibinigay ko sa kanya ang hinihingi niya at naiwan ako sa San Sebastian hanggang sa inilipat ako sa ibang presinto dito sa Maynila” kwento ni lolo na tumingin siya kay Rosana. “Nandun ako nung araw na ipinanganak kayo ni Ednalyn, hinding-hindi ko yun makakalimutan dahil yun din ang araw ng alis ko pabalik dito sa Maynila” sabi ni lolo kay Rosana. “Alam mo ba kung saan nila kinuha ang mga pangalan niyo?” tanong ni lolo Rudy kay Rosana “hindi po” sagot niya.

“Ipinangalan ka sa mama ni Ednalyn na si Rosana, si Gina naman ay pinangalanan sa lola ni Ramon na si Doña Regina habang si Rosario naman ay… ” sabi ni lolo Rudy na tumingin siya kay daddy. Ngumiti si lolo kay daddy at sabing “ipinangalan siya sa magiging anak namin sana ni Minerva… si Rosario” nakita kong nagulat si daddy pati narin si Rosana “oo, Rosario ang ibinigay naming pangalan sa anak sana namin ni Minerva at hiningi ito ni Ramon para ibigay sa bunso niyong kapatid para ialay sa pagiging magkaibigan namin ng mga magulang mo” kwento ni lolo sa amin na naluha si Rosana at natulala naman si daddy.

“Babe..” sabi ni mommy na napatingin si daddy kay lolo “ibig sabihin nito.. nung sinalo ni Rosario ang balang dapat sana para sa akin..” sabi ni daddy “oo anak, parang sinagip ka narin ng kapatid mo” dugtong ni lolo na naluha nalang bigla si daddy. “Yun lang po ba ang naging papel ni Edwardo noon?” tanong ni Sony kay lolo Rudy “hindi, simula noong umalis ako sa probinsya binabalitaan parin ako ni Ramon sa nangyayari sa kanila doon pati narin ang pag-aaligid ni Edwardo sa lugar nila” sagot ni lolo Rudy. “Noong gabing nangyari ang pagpatay sa mag-asawa nasa operasyon ako noon” kwento ni lolo Rudy.

“Myembro ng mga sindikato ang mga nahuli namin at binalita sa amin ng kasamahan naming pulis na me isa sa kanila ang nakatakas kaya hinabol namin ito. Tumakbo ito sa katabing barangay na pinagooperate ng mga sindikato at nung nakorner ko siya at doon ko lang nakilala kung sino.. si Edwardo” kwento ni lolo. “Rudy.. kilala mo ako pwedeng patakasin mo ako kahit ngayon lang, sabi ni Edwardo sa akin dahil nandun parin ang galit ko sa kanya babarilin ko na dapat siya nung gabing yun kung hindi lang dumating ang mga kasamahan ko” kwento niya.

“Balak ko na talagang patayin si Edwardo pero ewan ko ba parang pinigilan ako ng konsensya ko kaya hindi ko kinalabit ang gatilyo at nung lalapitan ko na sana siya bigla nalang siyang tumakbo. Pinagbabaril na siya ng mga kasamahan ko pero nakailag siya kaya nung nakakuha ako ng tamang anggulo tinamaan ko siya sa likuran niya at yun ang dahilan ng kapansanan niya ngayon” kwento niya. “Nalaman ko kay Edwardo ang nangyari sa mga magulang mo Rosana, kaya nagmamadali akong pumunta ng San Sebastian para hanapin kayo pero huli na ako dahil balita sa akin ng mga pulis bigla nalang daw kayong nawala, hinala nila napasama kayo sa nasunog niyong bahay” dagdag niya.

“Ano ang koneksyon ni Edwardo sa pagkamatay ng mga magulang ko?” tanong ni Rosana kay lolo Rudy na naging seryoso bigla ang mga mukha nila “ayun lang ito sa nalalaman ko doon sa nahuli naming tauhan ni Edwardo me operasyon sila sa San Sebastian pagkatapos nila sa Pasay” kwento ni lolo Rudy. “Dalawa ang operasyon nila sa lugar una, ang pagpatay sa Gobernador dahil hadlang ito sa operasyon ng mga sindikato sa lugar. Ang pangalawa personal na lakad na pinamumunoan ni Edwardo” kwento ni lolo Rudy. “Ano ang personal na lakad?” tanong ni Rosana “ang pagdukot sa mama mo” sagot ni lolo Rudy.

“Pumalpak sila sa Pasay kaya ang back-up nila ang lumakad nito pero pumalpak sila sa pagpatay sa Gobernador at lalo ding pumalpak ang mga tauhan ni Edwardo na dukotin si Ednalyn. Imbes na buhayin nila ito para idala sa kanya…. ” pagputol ni lolo Rudy na nagtakip nalang sa bibig si Rosana at umiyak siya. “Bakit hindi niyo kinikwento ito sa akin papa?” tanong ni daddy sa kanya “patawad anak, official police business yun hindi mo dapat malaman yun” sagot ni lolo sa kanya. “Ibig sabihin nito, kung hindi namatay ang mga magulang ni Rosana” sabi ni Sony “siguro, magkakasama tayong lahat ngayon” sagot ni lolo Rudy.

“Noon pa pala me koneksyon kana sa kanya, papa” sabi ni mommy “oo, humihingi ako ng tawad sa’yo Rosana kung.. hindi kita nakilala noon.. lalo na nung lumipas na limang taon” sabi ni lolo sa kanya. Umiling si Rosana at naluha siya “wala yun, huhu.. naiintindihan ko po tito Rudy..” sabi ni Rosana na niyakap siya ng mahigpit ni Esmeralda “walang hiyang Edwardo yun!” galit na sabi ni Dino. “Nung nalaman ito ni Minerva, lahat ng koneksyon niya sa kapatid niya pinutol na niya” napansin kong lumingon si lolo Rudy sa pintuan “nagkita kami muli ni Minerva at.. tinuloy namin ang relasyon namin nung nandito na kami sa Maynila pero hindi rin ito nagtagal” kwento ni lolo Rudy.

“Lumipas ang mga taon at nakilala ko ang mama mo Dave, nakilala ko din si Ralph pero hindi ko alam na me ugnayan pala siya sa nangyaring krimen sa mga magulang mo, Rosana” sabi ni lolo Rudy. Natahimik kaming lahat at hinayaan lang naming magluksa si Rosana at nilapitan siya ni lolo Rudy “patawad kung wala akong nagawa noon..” sabi ni lolo sa kanya. “Tito Rudy..” sabi ni Rosana at niyakap niya ng mahigpit si lolo Rudy “haayy.. patawad Ramon.. Ednalyn” sabi ni lolo at niyakap niya ng mahigpit si Rosana. Nalaman narin namin ang puno’t-dulo ng gulong ito kaya tumayo ako’t “kailangan nating makuha si Edwardo para managot sa kasalanan niya” sabi ko.

Binatukan ko ni mommy “shut up!” sabi niya sa akin “babe..” sabi ni daddy na umiling lang si mommy sa akin “haven’t you done enough?” sabi ni mommy sa akin na natawa lang si daddy. “Chello” tawag ni lolo Rudy kay mommy “yes papa?” tanong ni mommy na pinaharap ni lolo Rudy si Esmeralda sa kanya na nakatingin lang si mommy sa kanya “babe.. ito nga pala si Esmeralda” pakilala ni daddy kay mommy. Nakita kong napabugnot si mommy at tumingin siya kay daddy “haayyy..” lang si mommy at tumayo siya at tinitigan niya si Esmeralda “hi.. po..” sabi ni Esmeralda na kita kong nagkunwari lang ngumiti si mommy kay Esmeralda.

“Meron pang isa..” sabi ni lolo Rudy na nagulat nalang si daddy “ano ang…” nasabi nalang ni daddy na nagulat si mommy sa kanya “Davideo?” tawag ni mommy kay daddy “me.. meron pang isa?” gulat na tanong ni daddy kay lolo. “Oo Dave, meron pang isa” sabi ni Rosana sa kanya na hinila ni Rosana sa likuran ni Dino si Marcus “ipapakilala ko sa’yo ang bunso ko” sabi ni Rosana na galit na nakatingin si Marcus kay daddy. “Umayos ka!” sabi ni Esmeralda sa kanya na niyuko ni Marcus ang ulo niya “pakilala ka sa papa mo” sabi ni Rosana sa kanya.

“Nahiya pa ang loko” sabi ko sa kanya na galit siyang nakatingin sa akin “gago!” sabi niya “come on!” sabi ni Rosana sa kanya na tinulak siya ni Esmeralda palapit kay daddy “hi po” sabi ni Marcus kay daddy. “Teka.. dalawa?” gulat ng tanong ni daddy kay Rosana na tumango lang siya at napangiti si lolo Rudy “oo anak, kambal ang anak niyo ni Rosana” sabi ni lolo sa kanya. “Oh come on! I know galit ka nung nakuha ko si Dave at ngayon nakikipag compete ka pa sa akin?” inis na sabi ni mommy kay Rosana na nakita kong umismid lang siya kay mommy “fucking bitch!” sabi ni mommy sa kanya.

Lumapit si daddy kay Marcus at hindi siya makapaniwala sa nalaman niya “a..anak…” sabi ni daddy sa kanya na galit paring nakatingin sa kanya si Marcus “…anak…” sabi muli niya na lumingon si Marcus kay Rosana at biglang hinugot niya ang baril niya at tinutok kay daddy. “MARCUS!” sigaw naming lahat sa kanya “HUWAG!” sigaw ni daddy sa amin nung lalapit sana kami sa kanila. “Alam kong galit ka sa akin..” sabi ni daddy “oo.. tama ka!” sagot ni Marcus sa kanya “kung ito ang.. tanging paraan para mawala ang galit mo sa akin” sabi ni daddy na humakbang siya ng isang beses at dumikit ang dulo ng baril ni Marcus sa noo niya.

“DAD!” sigaw ko na nakita kong nagbago ang expression sa mukha ni Marcus nung humakbang si daddy “.. anak…” sabi ni daddy kay Marcus na nakita kong naluha si Marcus “matagal.. matagal ko ng.. matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito” panimula ni Marcus. “I.. Ikaw ang dahilan ng.. ng sakit na mama… i.. ikaw ang.. ikaw… huhu.. huhu.. ikaw… huhu..huhu…” naiiyak na sabi ni Marcus at niyuko niya ang ulo niya. Hinawakan ni Daddy ang kamay ni Marcus “anak..” sabi ni daddy sabay hila niya kay Marcus at niyakap niya ito.

“…… ” hindi kami nakapagsalita sa nakita namin “… patawad… anak…” sabi ni daddy kay Marcus “patawarin mo ako… ” patuloy niya na binitawan na ni Marcus ang baril niya at nahulog ito sa sahig at niyakap niya ng mahigpit si daddy. “Oh God!” nalang ang nasabi ni mommy na agad dinampot ni Rosana ang baril ni Marcus at naluha siyang nakatingin sa mag-ama niya. “Pa… huhu.. papa….” naiiyak na sabi ni Marcus “papa..” sabi ni Esmeralda na lumapit siya sa kanila at niyakap silang dalawa ni daddy “Dyos ko… mga anak ko… hehehe.. ” natutuwang sabi ni daddy na nilingon niya si mommy at kita kong nginitian siya ni mommy.

“What are you waiting for?” tanong ni mommy sa akin na tinulak niya ako palapit sa tatlo kaya niyakap nila ako at naramdaman kong nahimasmasan ang buong silid sa nakikita nila ngayon. “Kulang nalang si Jenny” sabi ni Esmeralda “oonga” sabi ko “hayaan niyo na, pagdating niya ibibili ko kayo ng ice cream” sabi ni daddy sa amin na tiningnan lang siya ni Marcus at natuwa naman kaming dalawa ni Emseralda. Pagkatapos magdrama, itinuro na ni Dino kung saan matutulog sina mommy at daddy habang kaming dalawa naman ni Marcus nasa labas nagpapahangin.

“Hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo gago ka!” galit niyang sabi sa akin “yeah, alam ko” sagot ko na me kinuha siya sa bulsa niya at nakita ko inabutan niya ako ng bubble gum. “Sige na!’ sabi niya sa akin kaya kumuha ako ng isa at kinain ko ito “nandito lang pala kayo” sabi ni daddy sa amin na sabay kaming napalingon sa kanya “dad, si mommy?” tanong ko. “Iniwan ko muna sa kwarto nakikipag-away kay Divina” sagot niya na tumayo siya sa pagitan namin ni Marcus at pansin kong parang naiilang parin sa kanya ang kapatid ko. “Kumusta ang buhay mo?” tanong ni daddy sa kanya “maayos lang po” sagot niya “sus, nahihiya pa to” sabi ko na tiningnan niya ako ng masama.

“Haayy.. sinabi na sa akin ng lolo mo ang totoong pangalan mo” sabi ni daddy kay Marcus na nginitian niya ito “hmp!” nalang si Marcus kaya inakbayan kaming dalawa ni daddy. “Tatlong Davideo.. who would have thought?” sabi ni daddy na natawa nalang siya “bakit?” tanong ni Marcus “haayyy kung nabubuhay pa lang siguro ang lolo niyo siguro matutuwa yun” sabi niya sa amin. “Bakit mo nasabi yan?” tanong ni Marcus sa kanya “bro, siya ang orihinal ang kauna-unahang Davideo hahaha” natatawa kong sabi sa kanya na natawa nalang din si daddy.

“Me itatanong lang ako sa inyo” sabi niya sa amin “ano yun anak?” tanong ni daddy “bakit parang galit si Ai.. I mean si lola Aida nung nalaman niyang Davideo ang pangalan ko?” tanong niya na natawa kami ni daddy. Kaya ikinwento ni daddy sa kanya ang lahat kaya natawa nalang siya sa kahapon ni lolo Deo at ang mga kalukohan nito noon “kaya pala galit si lola Aida nung nalaman niyang Davideo ang pangalan ko” sabi niya “tama!” sabi namin ni daddy. Lingind sa kaalaman ng tatlo nasa upperdeck si Rosana at natutuwa siyang pinapanood ang tatlo “happy, bitch?” sabi bigla ni Chello na nakatayo na sa likuran niya.

“Oh, you!” sabi ni Rosana sa kanya “let’s get one thing straight here” sabi ni Chello sa kanya “haayy.. for the last time Chello hindi ko aagawin si Dave sa’yo” sabi ni Rosana sa kanya. “Just to make things clear that’s all” sabi ni Chello sa kanya na naglean sa railing si Rosana habang pinapanood niya ang tatlo “Esmeralda..” sabi ni Chello “what about her?” tanon ni Rosana na nilingon niya si Chello. “She is a pretty one” sabi ni Chello na lumingon muli si Rosana sa tatlo at ngumiti siya “so does Jennifer” balik niya kay Chello na napangiti si Chello sa narinig niya.

“Tell me” sabi ni Chello na umayos ng tayo si Rosana at naging seryoso ang mukha niya “are you sure about this?” tanong ni Chello sa kanya “yes! I am positive” sagot ni Rosana sa kanya. “Don’t you forget, your ass is mine!” paalala ni Chello sa kanya “yeah, yours is mine as well” balik ni Rosana na nagkangitian silang dalawa at tumingin sa tatlo sa baba. “If we are going to do this we need to load up” sabi ni Chello sa kanya “way ahead of you” sagot ni Rosana na me nakita silang ilaw na papalapit sa barko “too soon” sabi ni Chello “I want to keep them like this, don’t you?” tanong ni Rosana sa kanya “yeah… Rosana” sabi niya “Chello…” sabi din ni Rosana.

Nakarating na ng mansion si Edwardo at galit siyang umakyat sa kwarto niya at binalibag niya ang mga gamit niya sa loob “sir!” tawag ng tauhan niya nung narinig nila ito sa loob. “IWAN NIYO AKO!” sigaw ni Edwardo sa kanila “MGA WALANG SILBI!” galit niyang sigaw sabay bato niya ng flower vase sa pader at nawasak ito “bossing” tawag ni Mario sa kanya. “Isa ka pa!” sabi niya kay Mario “boss, kumalma po kayo” sabi ni Mario sa kanya “iwan niyo muna ako, gusto kong mapag-isa” sabi ni Edwardo sa kanila na sininyasan ni Mario ang mga tauhan niya para lumabas “nandito lang ako kung kailangan mo” sabi ni Mario sa kanya bago ito lumabas ng kwarto.

Umupo siya sa silya niya nasa kanang kamay niya ang baso ng alak at tubako sa kaliwa habang nag-iisip siya ng paraan kung paano niya mareresulba ang problema niya ng tumunog ang phone niya. “Bwisit!” galit niyang sabi at tiningnan niya kung sino ang tumawag “unknown” ang nalkalagay sa screen “hmp!” hindi niya ito sinagot at hinayaan lang niya itong magring. Nagring muli ang phone niya at “unknown” muli ang nakalagay sa screen kaya nagdadalawang isip siyang sagutin ito kaya ininum niya ang alak niya at sinagot niya ang tawag.

“Hello!” sagot niya “kailangan nating mag-usap” sabi ng tumawag sa kanya “sino ba ito?” tanong ni Edwardo “me atraso ka sa akin Edwardo” sabi nung tumawag sa kanya “hah! Pumila ka!” sabi ni Edwardo sa kanya. “Magkita tayo, kailangan nating mag-usap ng harapan” sabi ng tumawag sa kanya “sino ka ba? At parang ang laaks mong makautos sa akin” sabi ni Edwardo sa kanya. “Pumunta ka sa lugar kung saan ko pinutol ang ugnayan natin” sabi nung tumawag sa kanya na napaayos ng upo si Edwardo sa upoan niya at nagulat nalang siya. “Ate?” sabi niya “hihintayin kita doon” sabi ni Minerva sa kanya sabay baba niya ng phone.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x