Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 15: Brothers

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Kumatok sa pintuan ng opisina ni Edwardo si Johny at pinapasok siya nito sa loob “sir, naihatid na po namin si Rudy” balita niya “good” sagot ni Edwardo at pumasok din sa loob si Ingrid. “Me ipag-uutos pa ho ba kayo?” tanong ni Johny sa kanya “wala na muna sa ngayon, for now samahan mo si Ingrid pabalik ng mansion” utos ni Edwardo sa kanya na nagkatinginan sina Ingrid at Johny. “Ayaw mo bang sabay tayong umuwi sa mansion?” tanong ni Ingrid kay Edwardo “hindi, me dadaluhan akong meeting mamaya” sagot ni Edwardo “kung.. yun ang gusto mo” sabi ni Ingrid at lumabas na siya ng opisina.

“Sige po sir” paalam ni Johny “Johny” tinawag siya ni Edwardo “po?” tumayo si Edwardo at lumapit siya kay Johny “naalala mo pa ba ang pinag-usapan natin noon?” tanong ni Edwardo sa kanya na napatingin si Johny sa kanya. “Opo sir” sagot ni Johny “good, yung kagabi regalo ko na sa’yo yun sa trabaho mo kanina” sabi ni Edwardo sa kanya “ah.. sa.. salamat po sir” sabi ni Johyn. “Sige, makaalis na kayo” sabi ni Edwardo na nagsimula ng maglakad si Johny papunta sa pinto “Johny” tinawag muli siya ni Edwardo na napalingon siya “po sir?” tanong niya “sana.. hindi na maulit ang ginawa niyo” sabi ni Edwardo na napalunok ng laway si Johny “makakaasa po kayo sir” sagot ni Johny at tumango si Edwardo at lumabas na siya.

Habang nasa daan tahimik lang si Johny habang kasama niya si Ingrid at nakasunod sa kanila ang puting van na dinala nila kanina nung dinukot nila si Rudy, hindi nagsalita si Johny ni hindi nga niya tiningnan si Ingrid. “Na warningan ka no?” tanong ni Ingrid na hindi sumagot si Johny “alam ko, narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina” sabi ni Ingrid na tumingin lang siya sa labas ng bintana. “Hindi naman yun ang rason kaya ako tahimik kanina” sagot ni Johny na nilingon siya ni Ingrid “huwag mo na isipin ang sinabi ni Edwardo” sabi ni Ingrid “wala sa akin yun” sagot ni Johny.

“Kahit barilin pa niya ako ng ilang beses o ipapatay ako sa mga tauhan niya wala akong pakialam” sabi ni Johny kay Ingrid na hindi man lang makitaan ng reaction ang babae sa sinabi niya. “Ganun ka katapang?” tanong ni Ingrid na biglang inapakan ni Johny ang break at hinawakan niya si Ingrid sa braso at pinaharap ito sa kanya “ganun kita kamahal!” sabi ni Johny sa kanya na ikinagulat ni Ingrid.Tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot “ano?” tanong ni Johny “boss, ok lang ba kayo?” tanong ng tauhan niya na nakasakay sa van “walang problema me dumaan lang” sagot niya “akala ko kasi boss meron” sabi ng tauhan niya.

Pinatakbo na muli ni Johny ang kotse at natahimik na muli silang dalawa ni Ingrid at maya-maya lang ay “kagaguhan ang sinasabi mo, Johny” sabi ni Ingrid na hindi nagreact si Johny sa sinabi niya. “Alam mo ang stiwasyon natin, hindi na ito ang panahon natin” sabi ni Ingrid na galit na galit si Johny sa sinabi niya “please lang Johny.. maawa ka sa sarili mo hindi na ako ang dating..” “tumahimik ka!” sabi ni Johny sa kanya. Kinuha ni Johny ang phone niya at me tinawagan siya at pagkatapos bigla nalang lumiko ang puting van na nasa likuran nila at dumiretso silang dalawa ni Ingrid.

Napansin ito ng babae kaya tumingin siya kay Johny “huwag kang mag-alala hindi niya ito malalaman” sabi ni Johny kay Ingrid “alam mo bang pinababantayan ka niya” babala ni Ingrid sa kanya. “Alam ko, kanina ko pa sila napapansin” sagot ni Johny na niliko niya sa kabilang kanto ang kotse niya at dumiretso siya sabay tingin niya sa rearview mirror niya “alam kong nasa likuran ko lang sila” sabi ni Johny. Lumingon si Ingrid sa likod at nakita niya ang itim na SUV na naka sunod sa kanila sa malayo at nung dumaan sila sa isang kalye nakita ni Ingrid na humarang ang puting van sa itim na SUV at doon na niliko ni Johny sa sumunod na kanto ang kotse niya.

“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Ingrid kay Johny “alam mong hindi ito makakalagpas kay Ed..” “tumahimik ka! Alam ko ang ginagawa ko” galit na sabi ni Johny sa kanya “akin ka Milagros hindi sa kanya” sabi ni Johny. “Mi… Milagros…” sabi ni Ingrid “hindi Ingrid ang totoong pangalan mo kundi Milagros” sabi ni Johny na naluha nalang si Ingrid at yumakap sa balikat ni Johny. “Patawarin mo ako… huhuhu… patawarin mo ako…” sabi ni Ingrid sa kanya “haay… tahan na.. dadalhin kita sa lugar natin… kung saan tayo nagsimula” sabi ni Johny sa kanya. “Milagros…” sabi ni Johny na humalik si Ingrid sa pisngi niya “Albert…” sabi ni Ingrid sa kanya.

Bumusina ako para ipaalam sa kanila na nandito na ako at maya-maya lang ay bumukas ang gate at nakita ko si tito Dominic “tito Dom!” tawag ko sa kanya na kumayaw siya sa akin at pinasok ko na sa loob si Pinky. “Tito Dom!” tawag ko sa kanya na nag high five pa kami “naks D3 my pamangkin, ang pogi ah!” sabi niya sa akin “hehehe yan ang gusto ko sa’yo tito Dom” sabi ko na natawa siya. “Ano kumusta ang buhay pulis?” tanong niya sa akin na pansin kong hindi niya ata alam ang nangyari sa akin kanina kaya hindi ko nalang ikinwento sa kanya “mabuti lang tito, ikaw musta ang buhay Doctor?” tanong ko “heto” sabi niya sabay tingin niya sa paligid “keps-keps view parin” natatawang sabi niya.

“Tito Dom talaga!” sabi ko na natawa uli siya “kuya!” tawag sa akin ni Jenny “sis!” sabi ko na yumakap sa akin si Jynny “sheesh kuya ang baho mo” sabi niya “ha? Hindi naman ah” sagot ko. “Mabaho ka Dave, pumasok kana sa loob at maligo ka” sabi ni tito Dominic sa akin “ah ang init kasi kanina at nagjogging pa ako kaya dahil siguro sa pawis” sabi ko “nag jogging ka kanina?” tanong ni tito Dominic na natawa lang kami ni Jenny. “Hay naku tito Dom huli ka talaga sa balita” sabi ni Jenny sa kanya “bakit? Me nangyari ba?” tanong ni tito Dominic “Davideo!” tawag ni lola Aida sa akin.

“Pumasok na kayo sa loob at maghugas na kayo malapit ng maluto ang hapunan natin” sabi niya “sige po la” sagot ko “nakipagbarilan yan kanina tito” sabi ni Jenny “TALAGA?!” gulat niyang tanong. “Hahaha” natawa kami ni Jenny sa reaction niya “alam na ba ito ni kuya?” tanong ni tito Dom “oo, nasigawan na nga ako ni mommy kanina” sabi ko “na kontak mo na sila, kuya?” tanong ni Jenny. “Oo, nasa London na sila at nagpapahinga nung tinawagan ko pero sa mga oras na ito nasa meeting na siguro sial” sagot ko sa kanya “naku, ihanda mo nalang ang sarili mo pag-uwi ni ate Chello” sabi ni tito Dom “exactly kuya” sabi ni Jenny na napailing nalang ako.

“Pumasok na kayo sa loob” sabi ni lolo Rudy nung nakasalubong namin siyang palabas ng bahay “lo” tawag ko na hinintay niya munang pumasok sa loob sina Jenny at tito Dominic bago kami nag-usap. “Dave, salamat kanina” sabi niya sa akin “walang anuman lo, ibig sabihin nito nagkita kayo?” tanong ko sa kanya na tumingin siya sa loob ng bahay bago siya tumango. “Maayos ho ba?” sabay kindat ko sa kanya na binatukan niya ako “gago! Maligo ka muna bago ka kumain ang baho mo” sabi niya sa akin kaya napakamot nalang ako sa ulo at pumasok sa loob.

“Dave maligo ka daw..” “alam ko tito Dom” sabi ko sa kanya nung paakyat na ako ng hagdanan na natawa lang siya “naamoy ka ng lola mo” sabi niya sa akin na natawa lang din ako. Lumabas ng bahay si Dominic at umupo sa tabi ng papa niya “pa, heto nga pala yung pera na binayad mo sa pinabili ko kanina” sabi ni Dominic “huwag na” sabi ni Rudy “ano ka ba ang mahal kaya nun” sabi ni Dominic. “Huwag na sabi tsk!” sabi ni Rudy na binalik nalang ni Dominic ang pera sa bulsa niya at pareho silang napatingin sa gate “pa” “ano?” tanong ni Rudy “tapatin mo nga ako” sabi ni Dominic na tumingin sa kanya si Rudy.

“Alam niyo naman ang profession ko hindi ba?” tanong ni Dominic na napayuko nalang ang ulo ni Rudy “sa amoy palang pa, alam ko na” sabi ni Dominic na inakbayan siya ni Rudy at hinila siya palapit. “Huwag mong sabihin kahit kanino lalong-lalo nasa mama mo, maliwanag?” sabi ni Rudy na umiling lang si Dominic “pa, sa edad niyong yan nagawa niyong mag ano… (tumingin sa loob si Dominc) mangaliwa?” mahinang sabi niya kay Rudy. “Gago! Hindi ako nangaliwa” mahinang sabi ni Rudy sa kanya “ano yun? One night stand? Hindi ko gusto ang ginawa mo” sabi ni Dominic sa kanya.

“Alam ko, pero sabihin ko sa’yo ang totoo anak” sabi ni Rudy na tumingin sa kanya si Dominic “hindi ko yun pinagsisihan” dugtong ni Rudy na tinakwil ni Dominic ang kamay ni Rudy na nakaakbay sa kanya. “Put… haayyy..” galit niyang sabi sa papa niya sabay tayo niya na hinawakan siya sa kamay ni Rudy at hinila siya paupo sa tabi niya “makinig ka” sabi niya nung inakbayan niya muli mahigpit si Dominic. “Makinig ka!” sabi ni Rudy dahil nagpupumiglas makaalis si Domninic sa pagkahawak niya “si Minerva ang nakasama ko” sabi ni Rudy na biglang napatigil si Dominic at tumingini sa kanya.

“Oh God no!” sabi bigla ni Dominic kaya binitawan na siya ni Rudy “oo anak, siya ang nakasama ko” sabi ni Rudy na pareho silang napatingin sa gate at tinakip ni Rudy ang kamay sa mukha niya. Inakbayan siya ni Dominic “payong anak pa, tama na yun huwag mo ng ulitin pa” sabi ni Dominic sa kanya “alam ko anak” sagot ni Rudy na tinapik siya ni Dominic sa balikat at tumayo siya. “Ayusin niyo po ang sarili niyo baka makahalata si mama” sabi ni Dominic “salamat anak” sabi ni Rudy na napailing nalang si Dominic at pumasok siya sa loob, tumambay muna ng sandali si Rudy sa labas bago siya pumasok sa loob ng bahay.

Tumingin si Marcus kay Julie habang natutulog ito sa kama, kinuha niya ang jacket niya at helmet bago siya lumabas ng kwarto at nagsimulang maglakad papunta sa main door ng bahay. Pagkalabas niya binuksan niya ang gate at dahan-dahan niyang itinulak palabas ang motor niya “aalis ka?” sabi bigla ni Rosana sa likuran niya “….” hindi nagsalita si Marcus. “Saan ka pupunta?” tanong ni Rosana sa kanya na nakatayo lang siya malapit sa gate hawak ang motor niya “Marcus, tinatanong kita” sabi ni Rosana “sandali lang ako” sagot niya sa mama niya.

“Don’t make the stituation worse, anak” sabi ni Rosana sa kanya “please lang” dagdag niya na sinuot ni Marcus ang helmet niya at sumakay siya sa motor niya “honest, sandali lang ako” sabi uli niya sa mama niya. “Marcus!” tawag ni Rosana na nilingon siya ng anak niya “i’m asking you bilang mama mo, huwag mong palalain ang sitwasyon” sabi ni Rosana na tumingin si Marcus sa bintana ng bahay. “Hindi ko ito gagawin para sa akin lang, para din ito sa kanya” sabi ni Marcus sabay patid niya at umandar na ang motor niya “i’m sorry… mama” sabi niya sabay takbo ng motor niya palabas ng gate kaya lumingon si Rosana sa bintana at nakita niyang nakatingin pala si Esmeralda sa kanila.

Malayo din ang binyahe ni Marcus at nung nakarating na siya sa destinasyon niya pinarada niya ang motor niya sa harap ng isang tindahan at bumaba siya “manang pabili nga po ng coke” sabi niya sa tindera. “Sandali lang” sabi ng ale sa kanya at umupo siya sa mahabang silya sa tabi lang ng tindahan “heto na” sabi ng ale at kinuha niya ang bote at nagbayad narin siya. Siya lang mag-isa ang nakaupo sa me tindahan na tila me hinihintay siya. Napalingon siya nung bumukas ang gate sa kabilang kalye at lumabas ang itim na van “sige pa” sabi nung driver “ingat ka!” sabi nung matanda at sinara nito ng konte ang gate.

Umayos siya ng upo at tinuon ang atensyon sa boteng hawak niya habang papalapit sa tindahan ang matanda “Letty, pabili ng isang grande” sabi nung matanda sa tindera “Rudy, isa lang ba?” tanong nung ale. “Oo, ako lang hehehe” sabi ni Rudy “milagro ata, si Dominic ba yung umalis?’ tanong ni Letty “oo, me pasok pa kasi bukas kaya isa lang muna ngayon” sabi ni Rudy sabay tingin niya kay Marcus. Umiwas ng tingin si Marcus sa kanya habang iniinom niya ang coke niya “heto Rudy” sabi ni Letty “salamat, bukas ko na ibalik ang bote” sabi ni Rudy “sus, ok lang yun” sabi ni Letty na tumingin muna sa kanya si Rudy bago ito umalis at tumingin uli ito sa kanya nung nasa gate na ito at pumasok na ito sa loob.

“Manang, salamat po” sabi ni Marcus nung sinauli niya ang bote “walang anuman” sabi nung matanda at sumakay na uli si Marcus sa motor niya at umalis na siya. “Lo, iinum kayo?” tanong ko kay lolo Rudy “ah pampatulog lang apo” sagot niya sa akin nung nagsalin siya ng beer sa baso niya “pampatulog? Isang grande?” natatawa kong sabi sa kanya. “Huwag kana maingay, heto inumin mo” sabay abot niya sa akin ng baso “hindi na lo, maaga pa ako bukas” sabi ko sa kanya “isang baso lang, tsk!” sabi niya kaya kinuha ko ito at ininum.

“Hoy Rudy ano nanaman ba yan?” tanong ni lola Aida sa kanya “isang bote lang Aida” sabi ni lolo Rudy sa kanya “hmp! Mag toothbrush ka pagkatapos mo diyan” sabi ni lola Aida sa kanya. “Yes bossing!” biro ni lolo Rudy na natawa lang ako “bossing ka diyan, hoy Davideo umakyat kana sa taas at matulog kana” sabi ni lola sa akin “opo” sagot ko na binatukan pa niya ako ng mahina. “Lola talaga” sabi ko na natawa lang si lolo Rudy, naglakad na ako papunta sa hagdanan at naririnig ko pa si lola na nagtatalak tungkol sa pag-inom ni lolo Rudy.

“Kung ikaw me balak pang umisa sa sofa ka matulog” dinig kong sabi ni lola Aida “ito na nga lang isang grande” sagot ni lolo Rudy sa kanya “huwag mong kalimutan mag toothbrush alam mong ayaw ko ng amoy ng beer” sabi ni lola. “Opo kumander” biro ni lolo sa kanya na nakarinig ako ng sampal “aray! Nananampal ka!” sabi ni lolo “gago ka kasi” inis na sabi ni lola. “Hoy kuya! Ano ang ginagawa mo diyan?” tanong ni Jenny sa akin nung bumaba ito ng hagdanan “pakinggan mo ang dalawa” sabi ko na narinig naming tumawa ng malakas si lolo Rudy “ano ka ba Aida, kahit isang round pa nga mamaya kaya ko pa eh” sabi ni lolo Rudy.

“Ewww… kuya hiramin ko headphone mo mamaya” sabi ni Jenny “ayaw ko nga!” sabi ko sa kanya na pinakita niya sa akin ang kamao niya “like I’m afraid of that!” sabi ko kay Jenny na sinuntok niya ako sa braso. “Fine!” sabi ko sabay akyat ko ng hagdanan at bumaba naman siya at napatigil nalang kaming dalawa nung narinig naming nagtawanan sina lolo Rudy at lola Aida sa labas. “Parang sina mommy at daddy lang ano, kuya?” sabi ni Jenny sa akin na napangiti lang ako “na miss ko na sila” sabi ko “ako din kuya” sabi ni Jenny “hoy, do your business at matulog kana” sabi ko sa kanya “hmp!” lang ang sinagot ng kapatid ko na napangiti lang ako dahil naalala ko si mommy sa kanya.

Nakikinig lang ako ng music sa kwarto habang nagsusurfer ako sa internet nung nakarinig ako ng ingay sa labas at maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto “Dave” tawag sa akin ni lolo Rudy. “Lo?” sabi ko at dumungaw lang siya sa me pinto “matulog kana” sabi niya sa akin “mamaya po lo, me ginagawa pa kasi ako” sabi ko sa kanya “ipabukas mo na yan Dave, mag-aalas dyes na ng gabi” sabi ni lolo Rudy sa akin. “Hmmm.. me gagawin lang kayo ni lola Aida kaya pinapatulog muna ako” biro ko sa kanya na binatayo niya ako ng tsinelas.

“Ikaw talaga bata ka, matulog kana” sabi niya sa akin kaya dinamput ko ang tsinelas niya at binigay ko ito sa kanya “work related kasi ito lo kaya pagkatapos ko nito matutulog na ako” sabi ko sa kanya. “Sige, huwag magpalalim ng gabi” sabi niya “hindi po” sabi ko at humalik ako sa pisngi niya at sinara na niya ang pinto ko, narinig ko siya sa kabilang kwarto kaya napailing nalang ako at bumalik sa harapan ng laptop ko. Nakikinig muli ako ng music habang binabasa ko ang isang article particular sa Blue Heights Tower dahil me sumulat tungkol nito nung bumukas ito sampung taon na ang nakalipas.

Sampung minutos siguro ang lumipas nung nagvibrate ang phone ko pero hindi ko muna ito pinansin dahil nakatutok ang atensyon ko sa article na binabasa ko pati na ang ibang mga links nito. Nagvibrate ang phone ko ng tatlong beses bago ko ito sinagot na hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag “hello” sagot ko “hello?” sabi ko uli pero wala akong narinig na nagsalita sa kabilang linya kaya binaba ko ito at nagbasa muli ako. Ilang sandali lang ay nagvibrate muli ito kaya sinagot ko ito “hello” “busy ka ba?” tanong ng caller sa akin “nagbabasa ako ng article, bakit?” sagot ko “ganun ba?” tanong niya “oo, ikaw?” tanong ko “hindi” sagot niya.

“Pwede ka bang makausap?” tanong niya sa akin “kausap mo na ako” sagot ko habang nakatuon ang mata ko sa monitor “gusto ko sa personal” sabi niya na hindi ko napansin kung sino ang kausap ko. “Bukas nalang late na eh” sagot ko “hintayin kita sa me tulay… Third” sabi niya na ikinagulat ko “Third?” sabi ko kaya agad kong tiningnan ang screen ng cellphone ko at nakita kong unknown ang name na nakalagay sa screen. “Sino ito?” tanong ko “ah, nakuha ko na ang atensyon mo” sabi niya “ikaw yung hinabol ko no?” tanong ko “hehehe, hintayin kita sa tulay” sabi niya “teka” sabi ko pero binaba na niya.

“Shit!” napamura nalang ako kaya agad akong nagpalit ng damit at kinuha ang serbis ko at siniguro ko munang tulog na sila bago ako lumabas ng kwarto at dahan-dahang bumaba sa hagdanan. Nag-iingat akong binuksan ang pintuan at pati narin ang gate nung nasa labas na ako, tumingin muna ako sa paligid baka kasi me nag-aabang sa akin sa labas at nung masiguro kong wala nagmamadali akong naglakad papunta sa tulay. Huminto muna ako ilang metro ang layo ko sa tulay at nagmasid ako sa paligid bago ako naglakad at tumayo sa mismong paanan ng tulay.

Ilang minutos din akong nakatayo doon bago ko siya nakitang lumabas sa gilid ng tulay at tumayo din siya sa dulo, kinawayan niya ako para tumawid pero hindi ko ito ginawa kaya nagvibrate ang phone ko. “Ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kanya “tumawid ka at mag-usap tayo ng maayos” sabi niya sa akin “sabihin mo muna ang pakay mo” sabi ko sa kanya. “Haayyy.. kung me masama balak ako sa’yo siguro kanina pa, tumawid ka dito para makaalis na tayo” sabi niya sa akin “alis? Saan mo ako dadalhin?” tanong ko.

“Huwag ng maraming tanong Davideo, tumawid kana para makapag-usap tayo ng maayos lumalalim na ang gabi” sabi niya sa akin “hmm… me karga ako” babala ko sa kanya “alam ko, dali na” sabi niya. Kaya tumawid ako ng tulay at nakita ko siyang pumunta sa gilid ng tulay at narinig ko ang ingay ng motor at nakita ko siyang nakasakay nito nung lumabas siya. Nung malapit na ako pinasa niya sa akin ang isang helmet “suot mo yan, safety first” sabi niya na tumingin lang ako sa kanya “hurry up!” sabi niya na parang me inis ang tuno ng boses niya kaya sinuot ko ito at umangkas ako sa likod. “Hold on” sabi niya kaya humawak ako sa likod at umalis na kami.

Hindi ko siya makausap dahil sa ingay ng hangin at pareho pa kaming nakahelmet kaya naghintay nalang ako sa lugar kung saan niya ako dadalhin para kausapin siya. Nakita kong dumaan kami ng MOA kaya nakuha ko na kung saan niya ako dadalhin at tama nga ako nung dumaan siya sa Seaside Blvd at pinarada niya ang motor malapit sa seawall sa tabing dagat. Bumaba na ako at pagkatapos niyang patayin ang motor niya bumaba narin siya at pareho kaming suot parin ang helmet namin nung nagkaharap kaming dalawa.

Pareho kaming napatingin sa paligid at makalipas ang ilang minutos hinubad na niya ang helmet niya kaya sumunod narin ako at nilagay niya ang mga helmets namin sa motor niya. “Maupo ka” sabi niya sa akin sabay turo sa seawall “bakit dito? Pwede naman sa lugar namin” sabi ko sa kanya “maganda dito, maganda ang tanawin” sabay ngiti niya sa akin at me kinuha siya sa gilid ng motor niya at pinasa niya sa akin ang isang lata ng beer. “Alam mo bang bawal ito dito?” sabi ko na nagkibit-balikat lang siya at umupo sa seawall at binuksan ang lata ng beer at uminom siya.

Umupo ako malayo lang sa kanya pero sakto lang para marinig ko siya “inumin mo na yan” sabi niya sa akin kaya tiningnan ko siya pati ang lata “ano ka ba? Si voy a matar YO podría así te disparen ahora que los residuos una buena cerveza y envenenamiento (kung gusto kitang patayin babarilin nalang kita ngayon kesa mag-aksaya ako ng beer at lasunin ka)” sabi niya sa akin. “Usted sabe hablar espanol (alam mo kung paano magsalita ng espanyol?)” gulat kong tanong sa kanya “si (oo)” sagot niya na binuksan ko ang lata ng beer at ininom ko ito

“Paano mo natutunan magsalita ng spanish?” tanong ko sa kanya “I travel a lot, binibigyan lang ako ng pera ng mama ko at kung saan-saan nalang ako pumupunta” sabi niya sa akin. “I spent two years in Spain, particularly in Barcelona” sabi niya sa akin na napatingin ako sa kanya “Barcelona?” gulat kong tanong na napangiti siya “don’t worry, mabait akong tao, Davideo” sabi niya at inubos niya ang beer niya. Nilagay ko ang lata sa tabi ko at humarap ako sa kanya “sabihin mo ngayon sa akin” sabi ko na tumingin siya sa akin “bakit mo ako tinawag na Third? Ano ang alam mo tungkol sa akin?” tanong ko sa kanya.

“Hmmm… hindi ka nag-aaksaya ng oras no?” sabi niya sa akin at tumayo siya at pumunta siya sa motor niya at kumuha siya ng isa pang lata ng beer “sagutin mo ang tanong ko!” sabi ko sa kanya na binuksan niya ang lata at uminom siya. “To be honest, konte lang talaga ang alam ko sa’yo pero… ” sabi niya na hinintay ko ang susunod niyang sasabihin “sa ama mo, oo” patuloy niya na pinasok ko ng dahan-dahan ang kaliwang kamay ko sa bulsa ko. “Ano ang alam mo sa daddy ko?” tanong ko sa kanya na inubos niya ang beer niya at tinabi niya ang lata sa una niyang lata.

“Don’t even think about pulling your gun out” sabi niya sa akin “hindi ko gagawin yan maliban lang kung magkamali ka ng sasabihin sa akin” sabi ko sa kanya na ngumiti lang siya at umiling. “Hehehe” tumawa siya at tumayo “ano ang nakakatawa?” tanong ko sa kanya na bumalik siya sa motor niya at kumuha pa siya ng isa pang lata ng beer at humarap siya sa akin. “Alam kong hindi mo yan gagawin, Davideo” sabi niya “paano ka nakakasiguro?” tanong ko “dahil alam kong me gusto kang marinig galing sa akin” sabi niya sabay inom niya ng beer.

Natahimik ako dahil totoo ang sinasabi niya kaya inalis ko ang kamay ko sa bulsa ng shorts ko “hehehe” tumawa ulit siya at inubos ang lata ng beer at nilagay niya ito sa tabi ng dalawang latang nainom niya. “Ano na ngayon?” tanong ko sa kanya na umupo muli siya sa seawall at tumingin sa akin “lumaki ako sa Italy, sa katunayan nga doon ako pinanganak” nagsimula siyang magkwento. “Noong una ok na sa akin ang buhay namin although medjo magulo pero masaya dahil kasama ko ang pamilya ko pero kalaunan nagsisimula na akong magtanong dahil sa tuwing papasok ako sa skwelahan nakikita ko ang mga classmates kong kasama nila ang mga magulang nila” kwento niya.

“Sabi ng mama ko, Mi dispiace figlio mio ma tuo padre scomparso prima che lei nascesse (patawad anak pero pumanaw ang papa mo bago pa kita ipinanganak), yan ang sabi niya sa akin” kwento niya. “Pumanaw ang papa mo bago ka pa niya ipinangak” sabi ko na napangiti siya sa akin “naintindihan mo ang sinasabi ko?” tanong niya “katulad mo, bumabyahe din ako well kasama ko nga lang ang parents ko and oo, marunong ako magsalita ng italian” sabi ko sa kanya. “Pero hindi parin sapat ang mga binibigay niyang sagot sa akin kaya…” sabi niya na tumingin siya sa akin.

“Kaya ano?” tanong ko “tinanong ko ang dalawang kasama namin, noong una ayaw nilang magkwento sa akin tungkol sa ama ko pero nung tumagal bumigay ang isa sa kanila at doon ko nalaman ang totoo” kwento niya sa akin. “Nagalit ang mama ko sa kanila pero dahil narin sa lumabas na ang katutuhanan hindi na niya maitago sa akin ang totoo.. lalo na sa kapatid ko” kwento niya. “Me kapatid ka?” tanong ko na ngiti lang ang sinagot niya sa akin “dose anyus lang ako noon nung nalaman ko kung sino ang papa ko, kinwento niya sa amin ang nangyari sa kanila at ang sitwasyon namin” kwento niya na naging kyuryus na ako kaya umupo ako sa seawall malapit sa kanya.

“Alam kong mahal kami ni mama at naiintindihan ko na kapakanan namin ang iniisip niya pero.. hindi yun sapat para sa akin gusto kong malaman kung nasaan siya” kwento niya sa akin. “Tapos?” tanong ko “nung sinabi niya sa amin kung nasaan siya at kung sino siya naglayas ako at pumunta ako dito sa Pilipinas” sabi niya “galit ang mama nung nalaman niya ang ginawa ko kaya tinawagan niya ang taong pinagkakatiwalaan niya dito pero imbes na ibalik ako sa Italy kinupkop niya ako, katorse na ako noon” kwento niya na kita kong napangiti siya sa kwento niya.

“Katorse? Paano ka nakabyahe sa edad mong yun?” tanong ko “c’mon, para-paraan lang yan Davideo” sabi niya at tumayo siya “kinupkop ako ni Amadeo, siya ang katiwala ni mama dito at ama siya ng.. girlfriend ko” kwento niya. “Siya din ang tumulong sa akin para mahanap ko ang papa ko dito at nagturo sa akin paano humawak ng armas at paano gamitin ang mga kamao ko” kwento niya sa akin na nakinig lang ako. “Dalawang taon din akong naghintay para harapin siya pero nung dumating ang araw na haharapin ko na sana siya bigla nalang sumulpot ang mama ko dito” sabi niya sabay tingin niya sa kamay niya.

“Gusto kong gawin ang matagal ko ng gustong gawin sa kanya pero… me pumipigil sa akin kaya hindi ko nagawa ito” sabi niya at tumingin siya sa akin “inunahan ako ng mama ko, yun ang dahilan kaya umatras ako” sabi niya. “Inunahan ka niya?” tanong ko “alam ng mama ang plano ko, gusto kong patayin ang hayop na yun dahil sa ginawa niya sa tita ko” sabi niya sa akin na nakita ko ang galit sa mata niya. “Gusto kong gawin sa kanya ang ginawa niya sa tita ko at iparamdam at ipadanas sa kanya ang dinaanan ng mama ko pagkatapos niyang patayin ang tita ko” sabi niya na nakakamao na ang dalawang kamay niya.

“Pero…” sabi niya na binuka niya ang dalawang kamay niya “ang pagbalik ng mama dito ang nagpigil sa akin, pinalabas lang niya na maghihiganti siya pero ang totoo mahal na mahal niya ang hayop na yun kaya pinrotektahan niya ito” sabi niya. “Kumilos na ako noon, nag-aabang ako sa labas ng bahay niya pero naunahan ako ng mga tauhan ni mama nung dinukot nila ito at dinala sa isang parking lot” kwento niya. “Alam ko ito dahil nakasunod ako sa kanila at nakita ko ang ginawa ni mama, kaya nagalit ako sa kanya at ipinakita ko ito sa kanya” kwento niya.

“Naghahanap ako ng pagkakataon para makalapit sa kanya pero sa tuwing lalapit ako inuunahan ako ni mama, pero nung nakahanap na ako ng pagkakataon yung kapaitd ko naman ang pumrotrekta sa kanya” kwento niya sa akin. “Paano?” tanong ko “pumasok siya sa kompanyang pinapasukan ng papa namin at nung gabing lalapitan ko na sana siya inunahan niya ako at pinaangkas niya ito sa motor niya at hinatid sa kanila” sabi niya sa akin. “Nagalit ako sa kapatid ko pero wala akong magagawa kaya umatras muli ako at naghintay muli ng pagkakataon” kwento niya na ngumiti siya bigla.

“Bakit?” tanong ko dahil ngumiti siya “kahit ano ang gagawin ko hindi nila ako hinahayaang gawin ang gusto ko, ipinapakita nila sa akin na importante ang buhay kesa sa paghihiganti” sabi niya sa akin. “Lumipas ang ilang araw at doon ko nalaman ang totoo kung bakit nila ginawa ito, sinabi ni mama ang totoo sa akin alam na din pala ito ng kapatid ko kaya pala hindi ko siya makitaan ng galit sa papa namin” sabi niya. “Nabulag ako sa kwentong hindi pala totoo at muntik ko ng patayin ang taong wala naman palang kasalanan” sabi niya.

“Doon ko nakita ang totoong pagkatao ng papa namin nung sinama niya ang kapatid ko sa isang ice cream shop, nagbago ang pananaw ko sa kanya kaya lalo na nung kinwento ng mama ko ang totoong nangyari noon” kwento niya sa akin. “Sa totoo lang, wala akong pakialam sa life story mo” sabi ko sa kanya “hindi ito ang pakay ko kaya pumayag akong makipagkita sa’yo” sabi ko sa kanya na lumingon ako sa paligid. “I’m not your therapist kaya kung wala tayong ibang pag-uusapan kundi ang life story mo, uuwi nalang ako me pasok pa ako ng maaga bukas” sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad.

“Me pakialam ka dito, Third!” sabi niya sa akin “yeah right! E-mail me your story basahin ko nalang pag me time ako” sabi ko sa kanya habang papalayo na ako sa kanya “Marcus!” sabi niya na napahinto ako. Lumingon ako sa kanya “Marcus?” tanong ko “yan ang pangalang dala ko” sabi niya na humarap ako sa kanya “what do you mean, dala?” tanong ko sa kanya. “Marcus… yan ang code name na gamit ko sa tuwing lumalabas ako ng bahay, yan ang pangalang pinili ko para sa akin” sabi niya “so ano ang totoong pangalan mo?” tanong ko sa kanya na ngumiti siya.

“Tell me Dave, ilang taon kana?” tanong niya sa akin na tumingin lang ako sa kanya “c’mon, tell me, ilang taon kana ngayon?” tanong niya sa akin “mag 22 na ako ngayon taon na ito, bakit?” tanong ko. “Well, i’m older than you then dahil 22 na ako two months ago” sabi niya “ano ang koneksyon dun?” tanong ko “hehehe.. tama lang pala na Third ang tawag ng daddy mo sa’yo” sabi niya sa akin. “Bakit mo nasabi yan?” tanong ko sa kanya “because.. ” sabay ngiti niya “i’m the second..” sabi niya na nagulat ako sa sinabi niya at napaatras ako ng konte.

“Se..second…” sabi ko habang humakbang ako papalapit sa kanya “ibig.. ibig mong sabihin..” nauutal kong sabi na tumango siya “that’s right… my name is also… Davideo..” sabi niya na sinuntok ko siya sa mukha at sinalo ito ng kamay niya. “You heard me… brother!” sabi niya na hinablot ko ang kamay ko at nagsuntokan kaming dalawa na parehong tumatama ang mga kamao namin sa katawan at mukha namin. Wala ng masyadong tao sa paligid kaya nakapagsuntokan kami ng walang umaawat sa aming dalawa, marami narin akong tama sa mukha at katawan pati din siya hanggang sa tumama ang dalawang kamao namin sa mukha namin at pareho kaming napaatras at natumba sa lupa.

Pareho kaming nasaktan at naghahabol ng hangin at nung nagkatinginan kaming dalawa ewan ko ba parang doon ko lang napansin na nagkaroon kami ng koneksyon sa isa’t-isa. “He..hehe…hehehehe..” narinig kong tumawa siya kaya natawa narin ako “hahahaha..hahaha…” nagtawanan kaming dalawa at pareho kaming naupo sa semento “hehehe.. magaling… ang lakas mo pala” sabi niya sa akin “salamat” sagot ko. Pareho kaming tumayo at humakbang palapit sa isa’t-isa at kita ko ang mga sugat niya sa mukha pati din siya “heh! Ano?” tanong niya sa akin “i’m not about to call you kuya” sabi ko sa kanya na tumawa siya.

“I am not expecting you to..” sabi niya at nagpahid siya ng panyo sa mukha niya at maya-maya ay nag-inuman kami sa seawall habang nagkukwentohan kaming dalawa “wait, sabi mo kanina me kapatid ka, nasaan siya ngayon?” tanong ko sa kanya. “Kilala mo na siya” sabi niya sa akin sabay binatukan niya ako “what was that for?” tanong ko sa kanya “gago ka, pinagpantasyahan mo nga siya” sabi niya sa akin na nagtaka ako sa sinabi niya “paano ko naman pagpantasyahan ang taong hindi ko pa nakilala o nakita man lang” sabi ko.

“Gago.. yung babaeng natulog sa inyo nung isang gabi siya ang kapatid ko” sabi niya na nag-isip sandali “teka.. yung Julie?” tanong ko na binatukan niya muli ako kaya sinuntok ko siya sa balikat. “Girlfriend ko si Julie!” sabi niya na napanganga nalang ako “si… si Esmeralda.. ka… kapatid ko?” gulat kong tanong sa kanya na sinuntok niya ako sa balikat “gago!” sabi niya. Tumayo si Marcus at inubos ang beer niya “oo, kakambal ko siya at kapatid mo siya” sabi niya sa akin at binato niya ang lata ng beer sa dagat “sa katunayan.. siya ang panganay natin dahil siya ang unang lumabas at hindi ako” sabi niya.

“HAHAHAHAHAHA” napatawa ako ng malakas kaya tiningnan niya ako ng malakas “bakit ka natawa?” tanong niya sa akin kaya tumayo ako at pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya. “At least ako panganay sa aming dalawa ni Jenny hahahahaha” natatawa kong sabi sa kanya na sinuntok niya ako sa balikat kaya sinuntok ko din siya kaya ang resulta nagrambol muli kami hanggang sa me nakita kaming kotse ng pulis na papalapit sa amin. “SHIT!” napamura kami pareho at agad kaming sumakay sa motor niya at mabilis niyang pinatakbo ang motor niya para makalayo kami.

Pasuray-suray ng konte ang takbo ng motor niya dahil sa epekto ng beer at sa black eye din siya sa mukha at mabuti nalang hindi kami naaksidente at nakarating kami sa lugar nina lolo Rudy. Agad akong bumaba sa motor niya at sumuka ako sa gilid ng gate “hahahaha” natatawa siya sa akin at buti nalang nahubad ko agad ang helmet ko dahil kung hindi siguro naghilamos na ako sa suka ko. “Hahh.. haahh. shit hindi na ako iinom sa susunod” sabi ko sa kanya “hahaha too weak” sabi niya sa akin at binigay ko sa kanya ang helmet ko.

“Anyway.. don’t tell anybody sa nalalaman mo ngayon” sabi niya sa akin “I know what you mean, malaking gulo nga ito.. teka, alam ba ito ni” sabi ko “si Esmeralda lang ang alam niya” sabi niya sa akin. “Paano nalaman ni daddy ito at kelan niya ito nalaman?” tanong ko “nag-iwan ako ng sobre sa sasakyan niya at laman nito ang pasasalamat ni Esmeralda at litrato niya” sabi niya sa akin. “Ganun ba? Limang taon na yun ah?” sabi ko “oo, limang taon ng alam ni Dave ang tungkol kay Esmeralda” sabi niya sa akin “teka, bakit Dave ang tawag mo daddy?” tanong ko.

Pinaandar na niya ang motor niya “hindi pa ako handang tawagin siyang ama” sabi niya sa akin “bakit naman?” tanong ko “basta…. hey!” sabi niya “what?” tanong ko “stop thinking dirty shit on your ate!” sabi niya sa akin na natawa ako. “Believe me, nung sinabi mong ate ko si Esmeralda biglang nawala ang lahat ng yun sa isipan ko” sabi ko sa kanya na sinuntok niya ako ng mahina sa balikat. “Someday… magkakasama-sama din tayo but for now.. I want you to keep it all a secret.. between us brothers” sabi niya sa akin “understood, kuya!” sabi ko sa kanya “fuck you!” sabi niya sa akin na nginitian ko lang siya at umalis na siya.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso ako ng banyo para maghilamos at gumamit narin sa kubeta, pagkatapos dinala ko ang first aide kit at dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan. “Ruddyy..” narinig ko sa loob ng kwarto nina lolo at lola at kasunod nito ang ingay ng kama nila “oh shit… hehehe..” natawa nalang ako ng mahina at dahan-dahan akong humakbang papunta sa kwarto ko. Ginamot ko ang sarili ko sa harap ng salamin at pagkatapos dahan-dahan akong humiga sa kama dahil nararamdaman ko na ang sakit ng katawan ko sa ginawa namin kanina ni Marcus “ooohh.. shiiitt..” nalang ako nung nakahiga na ako “haaa..” at pinikit ko na ang mata ko at natulog ako.

Samantala: nakarating narin si Marcus sa kanila at si Sony na ang nagbukas ng gate sa kanya “Dyos ko, ano ang nangyari sa mukha mo?” gulat niyang tanong kay Marcus na nginitian lang siya nito. Pinasok niya ang motor sa loob at pumasok narin siya sa bahay “Rosana” tawag ni Sony nung pumasok na sila sa loob “ano ang nangyari sa’yo?” tanong ni Rosana sa kanya. “Wala ito, galus lang” sabi niya na hinarangan siya ni Rosana nung papunta na siya ng kwarto niya “sino ang gumawa sa’yo nito?” tanong niya kay Marcus “.. kapatid ko..” sagot niya na hindi na nagulat si Rosana sa sinabi niya “haayyy…” nalang si Rosana at hinayaan nalang niyang pumasok sa kwarto si Marcus.

“Ano ngayon ang gagawin natin?” tanong ni Sony sa kanya “tingnan nalang natin ang resulta, maghintay nalang muna tayo” sabi ni Rosana “ikaw ang masusunod, pero sa tingin ko sinabi na niya kay Dave ang totoo” sabi ni Sony. “Alam ko, haaayyyy sumasakit na ang ulo ko sa batang ito” sabi ni Rosana na tinapik siya ni Sony sa balikat “hehehe, titino din yan” sabi ni Sony “sana Sony, sana” sabi ni Rosana na umiling lang si Sony at pumasok na siya sa kwarto nila ni Dino. “Mama” tawag sa kanya ni Esmeralda “iha” “sinabi ba kaya niya kay Dave ang totoo?” tanong niya sa mama niya “sana hindi anak” sagot ni Rosana “sana hindi” at niyakap siya ni Esmeralda.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x