Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 13: Demons From The Past

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Tumingin ako sa cellphone ko at kita kong mag-aalas onse na pala ng umaga, ang bilis ng oras habang nag-iimbisitiga parin ang mga kasamahan naming pulis sa nangyaring barilan namin kanina ni Erica. “Are you ok?” tanong ni Erica sa akin “yeah” sagot ko dahil kita niyang hinubad ko ang sapatos ko “you are such an idiot” sabi niya sa akin na napangiti lang ako. “But brave.. I like that” dagdag niya sabay hawak niya sa balikat ko “Tenyente!” tinawag siya ni Nicolas “dito ka muna” sabi ni Erica sa akin na tumango lang ako at umalis na siya papunta kay Nicolas.

“Third…” ang salitang umeecho sa isipan ko “paano niya nalaman ang tawag ni daddy sa akin?.. sino kaya siya?” tanong ko sa sarili ko at tiningnan ko ulit ang phone ko at nung hindi na ako nakatiis tinawagan ko si daddy. “Shit!” mahinang sabi ko dahil panay ring lang ang phone niya “baka hindi pa sila nakarating ng London” sabi ko pero bigla nalang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Jenny. “Yes sis?” tanong ko “kuya! Oh thank God! Nakita ka namin sa TV ok ka lang ba?” tanong niya sa akin “oo, ok lang ako” sagot ko sa kanya ng biglang nag-ingay ang phone niya at maya-maya lang ay “DAVIDEO!” “oh no! Lola Aida” nasabi ko nalang at sunod-sunod na ang sigaw niya sa akin.

“Rosana, nakahanda na ang lahat” sabi ni Dino sa kanya “sige, kailangan na nating umalis” sabi ni Rosana at naglakad na siya papunta sa sasakyan nila ng biglang tumunog ang cellphone ni Sony kaya napalingon siya sa kanya. Nakita niya ang reaction sa mukha ni Sony “Sony, bakit?” tanong ni Rosana sa kanya “me nangyaring shoot-out kanina sa Pasay” balita ni Sony. “Tapos?” tanong ni Rosana sabay turo ng nguso ni Sony kay Secondo na napapikit nalang si Rosana at galit siyang naglakad papunta sa asul na kotse ni Jason at sinampal ang bubong nito at nagulat silang apat sa loob.

“Ano ang ginawa mo?” tanong agad ni Rosana sa anak niyang lalake “….” hindi ito nagsalita “che cosa ha fatto? (ano ang ginawa mo?)” tanong ni Rosana sa anak niya na niyuko lang nito ang ulo. “MARCUS!!!” sigaw ni Rosana na agad tumingin sa kanya ang anak niya “NILIGTAS KO ANG KAPATID KO!” sagot niya sa mama niya na bigla nalang napaatras si Rosana sa sinabi niya. “Hindi, hindi” sabi ni Rosana na napatingin siya kay Esmeralda na nakaupo sa harapan “mi dispiace mama (patawad mama)” sabi nalang ni Esmeralda at kita nilang napahawak nalang sa noo niya si Rosana.

“Alam niyo ba ang ginawa niyo? Hindi niyo alam ang magiging epekto nito sa atin” sabi ni Rosana sa kanila “alam ko yun mama” sabi ni Marcus sa kanya “pero sa sitwasyon kanina hindi ko na matiis na manatiling nakatago dahil buhay na ni Third ang pinag-uusapan” sagot ni Marcus sa kanya. “I worked so hard to keep you away from the light tapos yun ang ginawa mo?” sabi ni Rosana sa kanya “mama, nakatago ang mukha ko at isa pa hindi alam ng sindikato that Esme and I existed” rason ni Marcus sa kanya. Napailing na lang si Rosana at lumabas si Esmeralda sa kotse at niyakap si Rosana “mama…” sabi niya na umiling lang si Rosana at niyakap ang dalaga niya.

“We need to move, NOW!” sabi ni Rosana kaya sumakay na sila sa kotse at umalis na sila ng sementeryo “Sony, alam mo na kung saan tayo” sabi ni Rosana sa kanya “okay boss” sagot ni Sony. Samantala sa kabilang kotse, hinawakan ni Julie ang kamay ni Marcus “I was worried about you nung na late ka” sabi niya na nginitian siya ni Marcus “i’m sorry hon” sabi ni Marcus. Lumingon si Esme sa kanila “did you know that Julie here claimed Jason as his boyfriend” biro ni Esmeralda sa kanila “what?!” biglang sabi ni Marcus na natawa lang si Jason “ano ka ba!” sabi ni Jason sa kanya.

“Cover up lang yun, don’t worry” sabi ni Julie sa kanya “I’m not” sagot ni Marcus na tiningnan siya ni Jason sa rearview mirror “eyes up front boy!” sabi ni Marcus sa kanya “roger, babe” sabi ni Jason na nagtawanan silang dalawa ni Esmeralda. “Don’t mind them” sabi ni Julie sabay dikit niya kay Marcus at hinalikan siya nito sa pisngi “hmmm.. I miss you the most” sabi ni Marcus sa kanya ng biglang lumayo ng konte si Julie. “Bakit?” tanong ni Marcus sabay lingon ni Esmeralda “like I said Secondo, you need to take a shower!” sabi niya sabay tawanan nila ni Jason na napabugnot si Marcus pero hinalikan muli siya ni Julie sa pisngi “sabay tayo” bulong niya na napangiti si Marcus “eww..” nalang si Esmeralda.

Pinatay ko nalang ang phone ko dahil hindi na tumigil sa kakatalak si lola Aida at alam kong bugbog nanaman ako nito pag-uwi ko sa kanila mamaya kaya sagarin ko nalang at nilagay sa bulsa ang phone ko. “Inspector, tingnan ko ang paa mo” sabi ng paramedic sa akin “salamat. kanina pa humahapdi yan eh” sabi ko sa kanya at inalis niya ang medyas ko at medjo napangiwi ako dahil natanggal ang balat sa gilid ng hinlalaki ko. “How was it?” tanong ni Erica nung bumalik na siya “not bad” sagot ng paramedic “gago ka kasi” sabi ni Erica sa akin.

“Sorry” sabi ko na tila napansin niya ang mukha ko “bakit?’ tanong niya sa akin “ah..wala” sagot ko sa kanya “Neil” tawag niya sa paramedic “okay na Tenyente” sabi niya nung nilagyan niya ng bandahe ang paa ko at umalis na siya. “Tell me” sabi ni Erica sa akin dahil napansin niya ang expression sa mukha ko “wala, pagod lang ako sa paghabol sa suspect kanina” sabi ko sa kanya. “Sigurado ka ba? Kasi kanina nung nakita kita sa rooftop ng gusali parang nakakita ka ng multo” sabi niya sa akin “ah hehehe wala no, ang totoo niyan takot ako sa matataas na lugar” sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako na para bang binibiro ko siya “honest!” natatawang sabi ko sa kanya “tapos nakatira kayo sa 4th floor?” sabi niya sa akin “hindi naman ako sumisilip sa labas eh” sagot ko sa kanya. Nakita namin si Hepe na papalapit sa amin kaya tumayo ako at pareho kaming sumaludo sa kanya “at ease, so how are you Inspector?” tanong ni Hepe sa akin “I’m ok now Chief” sagot ko sa kanya “good, well na check namin ang license plate ng van at yung itim na SUV” sabi ni Hepe “ayun sa LTO naka registered ang van sa isang cleaning company sa Makati, yung itim na SUV naman ay hindi naka register sa system nila” balita ni Hepe sa amin.

“Chief, nakita ko pong lumabas ng garahe ng building ang van na yan” balita ko sa kanya “haayy.. I don’t want to go there but we have to invistigate” sabi niya sa amin “Chief..” “no! You guys have done enough for today” sabi niya sa amin. “I want you guys to go back to he precinct and file a report about this… incident” sabi niya “Chief, gusto ko pong..” “not now Erica” sabi ni Hepe sa kanya. “Kami na ang bahalang pumunta sa Blue Heights Tower, it would only create a lot of tension kung sasama pa kayong dalawa” sabi ni Hepe sa amin “understood!” dagdag niya “yes ma’am!” sagot namin pareho.

Binitbit ko nalang ang isang sapatos ko habang tinulongan ako ni Erica sumakay sa likod ng mobile car at hinatid kami ni Sgt. Mansueto at Hilario sa presinto “sige Tenyente, Inspector” paalam nilang dalawa at umalis na sila. “Ok na ako Tenyente” sabi ko sa kanya “good, kasi ayaw kong buhatin kita papasok sa loob” sabi niya sa akin na natawa lang ako. Tinanong agad kami ng mga kasamahan naming pulis pagpasok namin sa presinto na nagpairita kay Erica “you guys leave us a lone or i’ll shoot you!” banta niya sa kanila na napakamot nalang ang iba sa ulo habang yung iba naman ay nagmamadaling umalis sa harapan namin.

“Mga gago ito” inis niyang sabi “Barbie, simulan mo na ang report magbabanyo lang ako” utos niya “sige Tenyente” sabi ko at binuksan ko na ang computer ko “Third…” bumalik sa isipan ko ang sinabi nung lalake sa akin. Kinuha ko ang phone ko at inon ko ito at makalipas ang ilang segundo daming messages ang pumasok at mga miskols narin galing kay lola Aida, Jenny at lolo Rudy. “Wala man lang kina mommy at daddy” sabi ko kaya tinawagan ko si Jenny “KUYA!” sabi niya “huwag kang maingay” sabi ko “oh?” lang siya “nasaan ka ngayon?” tanong ko sa kanya “nasa opisina ako ngayon kuya” sagot niya sa akin.

“Mabuti, maayos lang huwag kang mag-alala sa akin at nasa presinto na ako ngayon” pasiguro ko sa kanya “thank God, nag-aalala talaga ako sa’yo kanina” sabi niya “tumawag na ba sa’yo sina mommy at daddy?” tanong ko sa kanya. “Wala pa kuya, ano ba kasi ang nangyari?” tanong niya sa akin “huwag na muna ngayon Jen, kwento ko nalang sa’yo mamaya pag-uwi ko” sabi ko. “Kuya…” “alam ko, i’m sorry for worrying you” sabi ko sa kanya “mag-ingat ka” sabi niya “para sa’yo at kay mommy at daddy” sabi ko “kailangan ko ng ibaba ang phone kuya me meeting kami ngayon” sabi niya “sige, regards mo nalang ako kay tita Divina” sabi ko “will do!” sabi niya at binaba na niya ang phone.

Nagsimula na akong gumawa ng report nung bumalik si Erica at kita kong pinapahiran niya ng maliit na towel ang mukha niya “bakit?” tanong niya “wala” sagot ko na binato sa mukha ko ang towel niya at umupo sa silya niya. “Saan kana?” tanong niya sa akin “kakaumpisa ko pa lang” sabi ko sa kanya “pfftt.. akala ko nakakalahati kana” sabi niya sa akin at nagbukas siya ng computer. “Tinawagan ko kasi ang kapatid ko dahil alam kong nag-aalala siya sa akin” sabi ko “ah.. yung Jenny?” sabi niya “oo” sagot ko “yung girlfriend mo?” tanong niya “si Helen? Ah.. hindi parin niya sinasagot ang tawag ko” sabi ko sa kanya.

“Hayaan mo nalang muna, tatawag din yun pag namiss ka” sabi niya sa akin na napatingin ako sa kanya at kita kong parang wala lang sa kanya dahil nakatingin lang ito sa monitor niya. “Siguro, pagna miss niya ako alam kong tatawagan yun sa akin” sabi ko na pinansin ko ang reaction niya pero wala akong nakita sa mukha niya at parang wala lang itong nakatingin parin sa monitor niya. Tinuloy ko nalang ang report ko pero napapansin kong tumitingin-tingin siya sa akin pero inignore ko nalang ito dahil marami din ang tumatakbo sa isipan ko lalo na yung tungkol sa lalakeng nakaharap ko kanina “sino kaya siya?” tanong ko sa isipan ko.

Magtatanghalian na nung tumunog ang phone ko at nung tiningnan ko kung sino “Helen!” nasabi ko ng malakas kaya napatingin sa akin si Erica “hehehe sorry” sabi ko at nagpaalam akong lalabas muna para kausapin siya. “Hello, Helen” sagot ko nung nasa likod na ako ng presinto “Dave.. binalita sa akin ni Jenny ang nangyari kanina.. ok ka lang ba?” tanong niya sa akin. “Ah oo.. ok lang ako… babe.. galit ka pa ba sa akin?” tanong ko sa kanya “……. ” wala akong narinig sa kabilang linya “babe.. sorry na oh, mag-usap tayo ng maayos” sabi ko sa kanya ng biglang me bumangga sa kaliwang balikat ko na muntik ko pang mabitawan ang phone ko.

“Excuse me!” sabi bigla nung bumangga sa akin at nakita ko si Erica pala at naglakad ito sa dulo ng parking lot “babe.. usap naman tayo oh, magkita tayo” sabi ko kay Helen habang nakatingin ako kay Erica na nakatayo malapit sa isang puno. “Mabuti at hindi ka nasaktan” ang sabi ni Helen sa akin “babe.. magkita naman tayo oh” sabi ko sa kanya “… huwag muna ngayon… sorry” sabi niya sa akin. “Helen..” “Dave please.. not now” sabi niya sa akin “hayy.. sige kung yan ang gusto mo” sabi ko sa kanya “salamat.. mag-ingat ka ha?” “oo, para sa’yo” sagot ko at binaba na niya ang tawag.

Malungkot kong nilagay ang phone sa bulsa ko at nakita kong papalapit sa akin si Erica “tara, kain tayo” yaya niya sa akin “hindi ako gutom, ikaw nalang” sabi ko sa kanya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako. “Aray.. hoy!” sabi ko sa kanya dahil sa sugat sa paa ko “masyado kang mahina” sabi niya sa akin at binuksan niya ang pinto ni Pinky “dala mo ang susi ko?” takang tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at pinasakay lang niya ako at siya na mismo ang nagdrive kay Pinky at lumabas kami ng parking lot ng presinto “nagugutom ako kung ayaw mong kumain samahan mo nalang ako” sabi niya sa akin habang nasa daan na kami.

Pumunta kami sa isang karenderya at hinila pa niya ako at pinaupo sa upoan “manang!” tawag niya sa nagbabantay “uy! Erica!” sabi nung ale “manang, yung paborito ko po at isang coke” sabi niya sa ale “sige!” sagot nung ale. “Ano ang ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya “bulag ka ba?” sabi niya sa akin na tinadyakan niya ako ng mahina sa paa “aray!” sabi ko na inisnaban pa niya ako. “Heto na Erica” sabi nung ale nung nilagay na niya ang inorder ni Erica at tumingin siya sa akin “ikaw?” tanong niya “ah.. wala manang salamat nalang po” sabi ko at umalis na yung ale.

Kare-kare, adobong baboy at isang plato ng kanin pala ang paborito ni Erica dito at me isang bote ng coke pang me straw “ano?” tanong niya sa akin nung nakatingin lang ako sa kanya. “Ah.. wala..” sabi ko sabay iwas ko ng tingin sa kanya “akala nito” sabi niya at nagsimula na siyang kumain na napalunok ako ng laway sa tuwing sumusubo siya ng pagkain dahil parang nagugutom narin ako sa kakapanood sa kanya. “Hmmmm.. ang sarap talaga..” sabi niya na pinakita pa niya kung paano niya isubo ang kutsarang me kare-kare at kanin at kinuha niya ang bote ng coke at uminom siya “hmmm… ang sarap at ang lamig..” pang-iinggit niya na napailing nalang ako.

Tumunog ang phone ko “kumain ka nalang dyan” sabi ko sa kanya at kinuha ko yung phone sa bulsa ko at nakita ko si Gilbert “shino yan?” tanong ni Erica habang puno ang bibig niya ng pagkain. “Lunukin mo muna yan bago ka magsalita” sabi ko sa kanya na natawa lang siya “hello Gilbert” sagot ko sa telepono “Dave! Dyos ko pare ok ka lang ba?” tanong niya agad sa akin. “Oo, ok lang ako” sagot ko “nakita ko kasi sa balita kanina ang nangyari sa’yo” sabi niya “huwag kang mag-alala Gilbert ok lang ako” sabi ko sa kanya “tama bang nagpulis ka Dave?” tanong niya sa akin.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya na napatingin ako kay Erica “kasi dalawang beses na ito nangyari na me nakabarilan kayo” sabi niya sa akin “natural lang sa trabaho namin yun Gil, pulis kami at mga masasamang tao sila” paliwanag ko sa kanya. “HIndi eh, bakit yung ibang pulis hindi naman nangyayari sa kanila ang nangyayari sa’yo” sabi niya sa akin. “Nagkataon lang siguro dahil sa iniimbistigahan namin” sabi ko sa kanya “hoy!” sabi ni Erica sa akin na tumango lang ako “mag-usap nalang tayo sa personal Gil” sabi ko sa kanya “nag-aalala lang talaga ako sa’yo” sabi niya sa akin “salamat, really old friend i’m fine” pasisiguro ko sa kanya.

“Bakit hindi ka nalang kasi nag accountant o katulad ko abogado?” sabi niya “hahaha kilala mo ako Gil, ayaw kong manatili sa likuran ng isang mesa” sabi ko sa kanya “sus! Sabihin mo lang ayaw mong magbilang ng numero” sabi niya sa akin. “Hahahaha tama!” sagot ko sa kanya “ma action din naman ang abogado ah?” sabi niya “sira! Don’t make me like you pencil pusher” sabi ko sa kanya. “Hey! Don’t insult my profession Insp. Reyes!” balik ni Gilbert sa akin “oh! I’m sorry Atty. Dela Cruz!” sabi ko sa kanya sabay tawanan naming dalawa.

“Gil, hayaan mo na ang pagpupulis ko at isa pa hindi ba pinag-usapan na natin ito noon” paalala ko sa kanya “huhulihin ko ang kriminal at ikaw ang magprosecute sa kanila” dagdag ko. “Yeah, yeah ayan ka nanaman sa mga palusot mo” sabi ni Gilbert sa akin na napangiti lang ako “hindi na ako magtatagal kasama ko ngayon ang partner ko” sabi ko kay Gilbert sabay tingin ko kay Erica na umiinom na ngayon ng coke at tapos naring kumain. “Alright, hey nga pala Dave” sabi ni Gilbert “ano?” tanong ko “good news man! Dumating na si Edna” natutuwang binalita niya sa akin “talaga?!” gulat kong tanong sa kanya.

“Yup! Pupunta nga ako sa kanila after work, kung gusto mo magkita tayo kina tito Randy” sabi niya sa akin “sige-sige na miss ko narin siya” sabi ko “sige balitaan ko si Edna na pupunta ka din” sabi niya. “Sige, mamaya” sabi ko “alright, hoy!” sabi ni Gilbert “ano?” “stay alive, nagpromise ka sa akin na ikaw ang maging bestman ko” paalala ni Gilbert sa akin “gago, oo naman” sagot ko. Binalik ko na ang phone sa bulsa ko at tumingin ako kay Erica “sino yun?’ tanong niya “kaibigan ko si Gilbert” sagot ko na tiningnan lang niya ako ng masama.

“Honest, bestfriend ko simula grade school” sabi ko sa kanya “hmmm..” lang si Erica at maya-maya ay lumapit na yung ale “magkano manang?” tanong ni Erica “200” sabi nung ale. “Siya na po ang magbabayad” sabi ni Erica sabay tayo niya at naglakad papunta kay Pinky “HA! Ah.. ano?” gulat kong tanong “200” sabi nung ale sa akin na parang na hit-and-run ako sa gulat. Binunot ko ang wallet ko at binayaran ko nalang yung ale at pag sakay ko ay Pinky nakita ko pang nagtotoothpick si Erica at natatawa itong nakatingin sa akin.

“Naisahan mo ako doon ah?” sabi ko sa kanya “well, its your fault” sabi niya sa akin “paano naging fault ko yun?” tanong ko “eh dada ka kasi ng dada sa phone mo” sabi niya sa akin. “Eh ano ngayon kung kausap ko ang kaibigan ko?” tanong ko sa kanya at pinaandar na niya si Pinky “hindi mo ako pinansin habang kumakain” sabi niya sabay suntok niya ng mahina sa balikat ko. “Ganun ba yun?” tanong ko “oo, dapat focus ka sa akin” sabi niya sabay ngiti niya sa akin at umalis na kami sa lugar na napailing lang ako at napa-isip sa pabago-bagong ugali ni Erica.

Parang me kilala akong ganitong ugali, yung tipong magagalit nalang sa hindi mo alam ang dahilan pero pagnaglambing naman sobrang sarap ng karinyong ibibigay sa’yo. Nakatingin lang ako kay Erica habang nagmamaneho siya ng biglang napatigil ako sa kakaisip “mommy!” “ano?” tanong ni Erica sa akin “ah.. wa… wala… naalala ko lang ang mommy ko” sabi ko sa kanya. “Weird!” sabi niya sa akin at umupo ako ng maayos sa upoan ko at tumingin sa labas “…. para siyang si mommy…” sabi ko sa sarili ko at lihim kong tiningnan si Erica.

Sa mga kwento ni daddy sa akin noon hindi ako nagkakamali na si Erica at si mommy ay kapareho ng ugali, kaya siguro galit na galit si mommy sa kanya nung nagkita sila dahil nakikita ni mommy ang sarili niya kay Erica. “Don’t be like me son” naalala ko ang sinabi ni daddy sa akin bago sila umalis ng Londo “kaya pala..” sabi ko “kaya pala ano?” tanong ni Erica sa akin “ah.. wa.. wala mommy” sagot ko. “Ooopss..” nalang ako sabay suntok ng malakas ni Erica sa balikat ko at napangiwi nalang ako sa sakit at hinihimas ang braso ko nung papasok na kami sa loob ng presinto “Inspector ano ang nangyari sa’yo?” tanong ni Sgt. Artemeo sa akin “ah.. wala Sarge” sagot ko nalang sa kanya.

“Pumalpak ang mga tauhan natin” sabi ni Edwardo kay Ingrid “I don’t want to be disappointed twice in one day, Ingrid” sabi niya sa sekretarya niya “don’t worry Sir, magagawa nila Johny ang inuutos mo” sabi ni Ingrid sa kanya. Tumunog ang phone ni Edwardo at napatigil nalang siya dahil kilala niya ang numero “Supremo” sagot niya “Edwardo… ” sagot ng Supremo nila sa linya “patawad Supremo….” “binigyan kita ng isa pang pagkakataon dahil alam ko ang kakayahan mo, Edwardo” pagputol ng Supremo sa kanya “….” hindi nakapagsalita si Ewardo.

“Hmmm… hindi ko na gusto ang nangyayari, Edwardo” sabi ng Supremo sa kanya “kailangan ko lang ng panahon Supremo para..” “panahon? Noong sinabi mo sa akin na ikaw ang bahala kay Amarosa, umaasa akong matatapos mo sa taon ding yun pero hindi mo agad ito inaasikaso” sabi ng Supremo. “Siniguro mo sa akin na magiging pulido ang plano mo na maitumba mo si Amarosa pero… bakit hanggang ngayon humihinga parin siya at naglalakad pa sa mundong ito… bakit Edwardo?” kalmadong tanong ng Supremo sa kanya. “Punong Supremo….” “haayyy…” nalang ang Supremo sa kanya na hindi na niya natuloy ang sasabihin niya.

“Alam kong marami kang naiambag sa grupo natin at yun nalang ang tanging dahilan kaya hindi ko pinakilos ang mga tauhan ko” sabi ng Supremo sa kanya na hindi nakapagsalita muli si Edwardo. “Magkaibigan tayo Edwardo at sana natatandaan mo pa ang sinabi ko sa’yo noon” sabi ng Supremo sa kanya “…. opo… Supremo” sagot ni Edwardo “with that being said, have a nice day Edwardo” sabi ng Supremo sa kanya at nawala na ito sa linya. Nakalagay parni sa tenga ni Edwardo ang phone niya na para bang hindi siya makagalaw sa sinabi ng Supremo sa kanya.

“Sir?” tanong ni Ingrid sa kanya na napatingin siya kay Ingrid at parang nagulat pa siya nung hinawakan siya ni Ignrid sa hita niya “ah.. so.. sorry Ingrid” sabi niya at nilagay niya sa bulsa ang phone niya. “You don’t look so good” sabi ni Ingrid sa kanya “i’m fine! Ano na ang update kina Johny?” tanong niya kay Ingrid “nasa area na sila at naghihintay nalang ng tyempo” balita ni Ingrid. Nakita ni Ingrid ang mukha ni Edwardo na nag-aalala ito kaya hinawakan niya ito sa kamay na napatingin sa kanya si Edwardo “salamat” sabi niya kay Ingrid at hinawakan niya ito sa pisngi na napangiti din sa kanya si Ingrid.

Samantala, nakaparada ang dalawang van na sinasakyan nina Johny at ng mga tauhan niya “boss” tawag ng isang tauhan niya “bumukas ang gate nila” balita niya “good, maghanda kayo” sabi niya. Tinawagan niya ang kabilang van para maghanda “okay boss” sagot nung tinawagan niya at kinasa na nila ang mga armas nila “walang magpapaputok” paalala ni Johny sa kanila “opo boss” sagot nila. Nakita nilang lumabas ang owner-type jeep ni Rudy kaya pinaandar narin ng driver niya ang van at sinundan si Rudy nung umalis na ito ng bahay.

“Huwag masyadong malapit baka makahalata siya” sabi ni Johny sa tauhan niya “ok boss” sagot ng driver at tinawagan ni Johny at kabilang van “umikot kayo sa kabila at harangan niyo” utos niya “yes boss” sagot nung tinawagan niya at lumiko ang isang van sa kanto. Tumataghoy pang nagmamaneho si Rudy at kinuha ang listahang binigay ni Aida sa kanya “ang dami naman nito” reklamo ni Rudy dahil inutosan siyang mamalengke dahil abala si Aida sa paglilinis ng bahay nila. “Hehehe tiyak matutuwa ang mga apo ko nito sa hapunan namin mamaya” natutuwang sabi ni Rudy ng biglang me sumulpot na puting van sa harapan ng jeep niya kaya mabilis niyang inapakan ang break.

Aatras na sana siya ng humarang sa likuran niya ang isa pang puting van at nakita nalang niyang lumabas ang mga armadong taong me takip sa mukha at nakatutok ang mga armas sa kanya. “BUMABA KA!” sigaw nung isa sa kanya napatingi si Rudy sa paligid at nakita niyang nagsitakbuhan ang mga tao sa takot “BUMABA KA SABI!” sigaw muli nung tao sa kanya. “HUWAG KAYONG MAGPAPAPUTOK HINDI AKO ARMADO” sigaw ni Rudy sa kanila “BUMABA KA!” sigaw nung tao sa kanya na dahan-dahan itong lumapit sa kanya.

Bilang dating pulis alam niyang dalawa lang ang pwedeng mangyari sa kanya either mapatay siya ng mga taong ito paghindi siya sumunod o kikidnapin siya kung susunod siya pero mabubuhay siya. Kinuha niya ang pangalawang option kaya pinatay niya ang jeep niya at dahan-dahan siyang lumabas at lumuhod sa lupa “KUMILOS NA KAYO!” sigaw ni Johny sa tauhan niya na agad silang kumilos at pinusasan si Rudy at sinakay nila ito sa van na sinakyan ni Johny. “Boss paano ang sasakyan niya?” tanong nung tauhan niya “kunin mo yung susi at iwan mo” utos ni Johny na agad silang kumilos at pagkasakay nila agad silang umalis at naiwan nalang ang jeep ni Rudy sa daan.

“Sino ba kayo? Ano ang kailangan niyo sa akin?” tanong ni Rudy sa kanila “tumahimik ka nalang tatang, walang mangyayaring masama sa’yo kung susunod ka lang sa amin” sabi ni Johny sa kanya na me takip parin ang mukha niya. “Boss” “sige takpan niyo na ang mukha niya” utos ni Johny na tanakpan nila ang mukha ni Rudy para hindi niya makita ang daan na tatahiakin nila at doon lang tinaggal ni Johny ang bonet niya. Tinext niya si Ingrid at maya-maya ay nagreply na ito kasama ang address kung saan nila dadalhin si Rudy “me address na tayo” sabi ni Johny at pinakita niya ito sa driver niya “sige boss” sagot ng driver.

Pumunta sila sa Pier at pumasok sa loob ng warehouse ang dalawang van at sinara agad ito ng mga bantay nito at napansin ni Rudy na tumigil na yung van at naririnig niya ang ingay ng mga tao sa labas. Kalmado lang siyang sumunod sa mga kumidnap sa kanya dahil naranasaan na niya ang senaryong ito noong pulis pa siya kaya alam niya ang dapat niyang gawin. Isa lang naman ang patutunguhan niya ang makaharap ang taong nag-uto sa mga taong ito para kidnapin siya, nakiramdam at nakikinig si Rudy sa paligid nung dinala na siya paakayat sa isang hagdanan at narinig niyang me bumukas na pinto at sumara ito nung pinaupo na siya sa silya.

“Parating na si Sir” sabi ng isang taong dumukot sa kanya “sige, lumabas na kayo ako na ang bahala dito” sabi nung isang boses “sige boss” sagot ng mga tauhan niya at narinig niyang nagsilabasan na ito. “Ginoo..” tawag ni Rudy sa pinuno ng grupo “ano ba ang.. nagawa ko para dukotin niyo ako?” tanong ni Rudy “huwag kang mag-alala tatang, gaya ng sinabi ko sa’yo kanina walang mangyayari sa’yo kung susunod ka lang” sabi ni Johny sa kanya. “Susunod saan?” tanong ni Rudy “wala ng maraming tanong” sabi ni Johny at tiningnan niya ang phone niya.

Narinig ni Rudy na bumukas muli ang pinto “boss, nandito na sila” balita ng tauhan niya “sige” sabi ni Johny at narinig ni Rudy ang pagdating ng kotse sa baba “sino ba kayo?” tanong ni Rudy. “Malalaman mo mamaya” sabi ni Johny at narinig ni Rudy ang yapak ng mga sapatos na pumasok sa loob “sir, as promise” sabi ni Johny “good, alisin niyo ang nakatakip sa mukha niya” utos ni Edwardo kay Johny na agad niyang kinuha ang nakatakip sa mukha ni Rudy at sinasanay pa ni Rudy ang mata niya sa liwanag ng kwartong kinaroroonan niya.

“FInally” narinig niya sa harapan niya “nagkita na muli tayo, Rodrigo” sabi ng taong nasa harapan niya na hindi niya masyado makita ang mukha dahil sa ilaw “si.. sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ni Rudy sa kanya. “Hindi mo ba ako natatandaan, Rodrigo?” tanong nung tao sa kanya na inaayos ni Rudy at mata niya at maya-maya lang ay lumapit sa kanya ang taong kumausap sa kanya at nagulat siya nung nakita niya ang mukha nito. “Ngayon, kilala mo na ako?” tanong ni Edwardo sa kanya na nanlaki ang mga mata ni Rudy at napanganga siya sa gulat.

“Ilang taon na, Rodrigo?” tanong ni Edwardo sa kanya “..i… ikaw…” gulat na sabi ni Rudy na nginitian siya ni Edwardo “tila hindi ata maganda ang pagtrato ng panahon sa’yo Rodrigo at tumanda ka ng lubosan” sabi ni Edwardo sa kanya. “Masasabi ko din sa’yo ito, Edwardo” sabi ni Rudy sa kanya “hehehe mabuti at naalala mo pa ako, kaibigan” sabi ni Edwardo sa kanya. “Paano ko makakalimutan ang pagmumukha mong yan, sabihin mo sa akin Edwardo kumusta ang balakang mo?” tanong ni Rudy na tiningnan siya ng masama ni Edwardo.

Kumalma si Edwardo at ngumiti kay Rudy na tinuro pa niya ito at natawa siya “hehehehe magaling, magaling ka paring mang-asar Rodrigo” sabi ni Edwardo sa kanya “oonga eh, pansin ko asar talo ka parin hanggang ngayon” nakangiting sabi ni Rudy sa kanya na umiling lang si Edwardo. Tiningnan siya ni Rudy mula ulo hanggang paa na humarap si Edwardo sa kanya at pinakita niya ang katayoan niya ngayon kay Rudy “hah! Hindi sana ako maniniwala kung hindi ko pa ito nakita” sabi ni Rudy “ang ano?” tanong ni Edwardo “na pwede pala magbihis ng magagarang damit, magsuot ng maraming alahas sa katawan at matatawag na kagalang-galang na tao ang isang demonyo” sabi ni Rudy na napangiti lang si Edwardo.

“Ayan.. hahaha ayan ka nanaman Rodrigo” sabi ni Edwardo sa kanya na nilagay ni Johny ang silya limang talampakan lang ang layo sa kinauupoan ni Rudy at umupo si Edwardo. “Ano ang masamang amoy ang nasinghot mo Edwardo at pinadukot mo ako?” tanong ni Rudy sa kanya “aaahhh.. yan ang Rodrigo na namiss ko, direktang magtanong at hindi nagpapaligoy-ligoy” sabi ni Edwardo na inayos niya ang pantalon niya. “Na miss lang kita kaibigan, hindi mo ba ako na miss?” biro ni Edwardo sa kanya “mukha bang na miss kita?” tanong ni Rudy sa kanya na natawa lang si Edwardo.

“Sabihin mo na sa akin kung bakit mo ako pinadukot Edwardo dahil marami pa akong gagawin, mamamalengke pa ako para sa haponan namin mamaya” sabi ni Rudy sa kanya na natawa lang si Edwardo. “Hanggang ngayon under ka parin sa asawa mo?” natatawang tanong ni Edwardo sa kanya “wala akong oras para magbiro Edwardo” seryosong sabi ni Rudy sa kanya na tumigil sa kakatawa si Edwardo at umayos ito ng upo. “Me nabalitaan lang ako tungkol sa pamilya mo” sabi ni Edwardo “na?” tanong ni Rudy “yung panganay mong si Dave” sabi ni Edwardo “oh, ano ngayon?” tanong ni Rudy.

“Me anak siyang pulis, tama ba ako?” tanong ni Edwardo na nagbago ang expression sa mukha ni Rudy “saan ba patungo ang sinabi mong ito, Edwardo?” tanong ni Rudy sa kanya “alam kong nababalitan mo ang mga aktibidad niya lately” nakangiting sabi ni Edwardo. Bigla nalang napataas ang ulo ni Rudy nung marinig niya ang sinabi ni Edwardo “HUWAG MONG GALAWIN ANG APO KO!!!” sigaw ni Rudy sa kanya “kumalma ka Rodrigo” sabi ni Edwardo sa kanya. “Kung me gagawin kang masama sa apo ko Edwardo pangako ko sa’yo..” “haaayyy…” pinutol niya si Rudy dahil alam niyang babantaan lang siya nito.

“Hindi ang apo mo ang pakay ko kaya kita ininbitahan dito” sabi ni Edwardo sa kanya na natahimik nalang si Rudy “hi.. hindi si Dave… kung ganun ano ang ginawaga ko dito?” tanong ni Rudy sa kanya. “Alam mo na ang koneksyon natin sa isa’t-isa Rodrigo” sabi ni Edwardo sa kanya na napasandal si Rudy sa upoan niya at hindi makapaniwala sa sinabi ni Edwardo. “Wa.. wala akong alam sa sinasabi mo” sabi ni Rudy sabay iwas niya ng tingin kay Edwardo “c’mon Rodrigo, alam mo ang nangyari noon at alam mo na din ang pakay ko sa’yo” sabi ni Edwardo sa kanya na tiningnan siya ng masama ni Rudy.

“Ang totoo Rodrigo, hindi na mabango ang pangalan ko sa grupo namin at me posibildad na ipatumba nila ako sa mga nangyayaring hindi maganda ngayon” sabi ni Edwardo sa kanya. “Yun naman pala eh, magpatumba ka nalang para solve ang problema mo” sabi ni Rudy na napailing lang si Edwardo sa kanya “galit ka parin talaga sa akin ano, Rodrigo?” tanong ni Edwardo sa kanya “tingin mo?” tanong ni Rudy. “Seryoso ako Rodrigo at alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko” sabi ni Edwardo sa kanya “humihingi ka ba ng tulong sa akin, Edwardo?” tanong ni Rudy “hmm… in a way.. parang ganun na nga” sagot niya kay Rudy.

“Ano ako baliw? Pagkatapos mong patayin ang mga magulang niya hihingi ka ng tulong para makuha mo siya? Fuck you!” sabi ni Rudy sa kanya na naging seryoso narin si Edwardo. Lumapit sa kanya si Edwardo at hinwakan siya nito sa kwelyo “iba ako kapag naging desperado Rodrigo, alam mo ang kaya kong gawin” banta niya kay Rudy “hahahaha.. parang hindi mo ata alam ang gagawin mo Edwardo kita mo pinadukot mo pa ako hahahaha” natatawang sabi ni Rudy sa kanya na tinadyakan siya ni Edwardo sa dibdib at bumagsak siya pahiga sa sahig.

Tinayo ni Johny ang upoan niya at napangiwi sa sakit sa dibdib si Rudy at nilagay ni Edwardo ang kanang paa niya sa dibdib ni Rudy at tinulak siya nito ng konte “tutulongan mo ako kung ayaw mong me mangyaring masama sa apo mo” banta ni Edwardo sa kanya. “Hah..haahh.. hehehe… matanda na ako Edwardo.. ” sabi ni Rudy sa kanya “ano?” tanong ni Edwardo na biglang pinatid ni Rudy ang kaliwang paa ni Edwardo at nawalan ito ng balanse dahilan kaya bumagsak siya sa sahig. Agad tinutokan ni Johny ng baril sa mukha si Rudy na natatawa lang siyang nakatingin kay Edwardo na nakahiga sa sahig.

Tinulongan ng mga tauhan niya si Edwardo para tumayo na tinulak niya ang mga ito sa galit at aktong susuntokin na sana niya si Rudy nang makita niya itong nakangiti sa kanya kaya kumalma siya at nag-ayos ng sarili. “Ano? Masakit ba?” tanong ni Rudy sa kanya na napangiti si Edwardo at umupo muli sa silya niya “hindi ka parin talaga nagbabago Rodrigo” sabi ni Edwardo sa kanya na nagkibit-balikat lang si Rudy. “Mali nga ako na ikaw ang nilapitan ko” sabi ni Edwardo sa kanya “dapat.. ang anak mong si Dave ang nilapitan ko” dagdag niya na nawala ang ngiti sa mukha ni Rudy.

“Huwag mong isali ang pamilya ko dito Edwardo, ikaw at ako lang” sabi ni Rudy sa kanya “ayaw mo akong tulongan kaya wala akong ibang choice kundi si Dave” sabi ni Edwardo. “Tulongan? Yung isusurender ko sa’yo ang anak ni Ramon at ni Ednalyn, yun ba ang hinihingi mong tulong sa akin? Nasisiraan ka na ba ng bait?” sabi ni Rudy sa kanya. “Gaya ng sinabi ko sa’yo kanina desperado na ako Rodrigo dahil hindi na maganda ang tingin ng Supremo sa akin” sabi ni Edwardo na napataas ang ulo ni Rudy “Supremo?” gulat niyang tanong “hehehe nakuha ko ang atensyon mo no?” nakangiting tanong ni Edwardo sa kanya.

Napaisip bigla si Rudy “akala ko… walang Supremo ang sindikato” takang sabi ni Rudy kay Edwardo “meron, kami ang mga Heneral niya at nag-iisa lang ang naghahari sa amin” sabi ni Edwardo sa kanya. “Kami?” sabi ni Rudy “ang galing mo talaga Rodrigo ang bilis ng pick-up mo” sabi ni Edwardo sa kanya “sayang ka talaga hindi kana sana tumigil sa pagpupulis, siguro Heneral kana ngayon o head ng PNP ng bansa” sabi ni Edwardo sa kanya. “Hindi ako ambisyoso katulad mo Edwardo” sabi ni Rudy “alam ko, kaya nga hanggang ngayon under ka parin ni Aida” biro ni Edwardo na tiningnan siya ng masama ni Rudy.

Lumingon si Edwardo sa mga tauhan niya at niyuko nila ang mga ulo nila at lumabas sila ng kwarto kasama si Ingrid at si Johny at naiwan silang dalawa ni Rudy “ngayon Rodrigo, ano ang desisyon mo?” tanong ni Edwardo sa kanya. “Mamamatay muna ako bago ko gawin ang hinihingi mo” sabi ni Rudy sa kanya “hindi ka parin takot mamatay?” tanong ni Edwardo sa kanya “heh! Sa tanda kong ito, marami na akong naranasan sa buhay Edwardo, mabuti na ang kalagayan ng mga anak ko, me pera akong maiiwan kay Aida ano pa ba ang dapat kong ikatakot mamatay?” sabi ni Rudy sa kanya na napailing lang si Edwardo.

Tumayo si Edwardo at binitbit niya ang silya niya at nilagay niya ito sa tabi ng silya ni Rudy opposite sa direksyon sa inuupoan niya at umupo si Edwardo at tumingin kay Rudy “tayong dalawa nalang ang natitirang tao na me alam sa nangyari noon, Rodrigo” panimula ni Edwardo. “Walang alam si Rosana sa nakaraan natin kasama ang mga magulang niya” patuloy ni Edwardo na napayuko nalang ang ulo ni Rudy at nag-isip siya. Tumingala sa kisame si Edwardo “kung pwede ko lang ibalik ang oras, hindi sana mangyari yun” sabi ni Edwardo na agad lumingon si Rudy sa kanya “tarantado ka! Ang ambisyon mo ang nagtulak para mangyari ang lahat ng yun!” galit niyang sabi kay Edwardo.

“Alam ko, pinagsisihan ko ang nangyari noon at hanggang ngayon dala ko parin ang sakit ng pagkamatay ni Ednalyn” sabi ni Edwardo na nakita ni Rudy na naluha siya kaya natahimik nalang din si Rudy at niyuko ang ulo niya. “Mahal na mahal ko si Ednalyn, Rudy” sabi ni Edwardo “totoong mahal na mahal ko siya pero…” pagputol niya “hindi mo siya mahal” sabi ni Rudy “dahil kung mahal mo siya, hinayaan mo silang mabuhay ni Ramon kasama ang tatlong anak nila” dagdag ni Rudy. “Alam mo ba ang naging buhay ng mga batang yun?” sabi ni Rudy sa kanya na nagpahid ng luha si Edwardo.

“Matalik kong kaibigan si Ramon at lubha akong nagluksa nung nalaman ko ang sinapit nilang mag-asawa, lumuwas agad ako nung araw na nalaman ko ang nangyari sa kanila at hinanap ang mga bata pero walang sino man ang nakakaalam kung nasaan sila” kwento ni Rudy. “Gusto kong tumulong sa imbistigasyon pero hindi nila ako hinayaan dahil hindi ako pulis ng San Sebastian” dagdag niya “alam kong ikaw ang me gawa nito kaya hinanap kita” sabi ni Rudy na napatingin sa kanya si Edwardo. “Tarantado ka, gago ka! Pinatay mo ang kaibigan ko para sa ano? Ambisyon mong makasama si Ednalyn?” galit niyang sabi kay Edwardo.

“Kaya pala hinanting mo ako” sabi ni Edwardo “dahil gusto mong ipaghiganti ang kaibigan mo?” tanong ni Edwardo “nung una OO…. pero… hindi ko na maibalik ang buhay ng mag-asawa pagginawa ko yun” sabi ni Rudy. “Kaya hustisya nalang ang pinairal ko” sabi ni Rudy “heh.. kaya nakulong ako ng ilang taon dahil sa hustisya mong yun” sabi ni Edwardo. “Sa ginawa mong yun Edwardo hanggang ngayon hinding-hindi parin kita mapapatawad” sabi ni Rudy sa kanya “understood, wala na akong makuha sa’yo Rodrigo” sabi ni Edwardo na tumayo siya at tinawag ang tauhan niya.

“Ibalik niyo siya sa kanila” “sir?” takang tanong ng tauhan niya “bingi ka ba?” tanong ni Edwardo sa kanya “ah.. yes sir” sabi nung tauhan niya “Johny, ayaw kong me mangyari sa kanya kaya personal mo siyang ihatid” utos ni Edwardo sa kanya. “Yes sir” sagot ni Johny kaya itinayo na nila si Rudy para dalhin sa kotse “teka” sabi ni Rudy nung malapit na sila sa pintuan “mali ka Edwardo” sabi ni Rudy sa kanya. “Tatlo tayo” sabi ni Rudy sa kanya na napaisip si Edwardo “kilala mo kung sino ang tinutukoy ko” sabi ni Rudy sa kanya na tumango si Edwardo at sabing “salamat, Rudy”.

Umalis na sina Johny dala si Rudy “Eddie” sabi ni Ingrid “siguro ka ba na hindi tayo sasabit dito?” nag-aalalang sabi ni Ingrid sa kanya “kilala ko si Rodrigo, me isang salita siya kaya huwag kang mag-alala” pasiguro ni Edwardo sa kanya. “Wala naman siyang sinasabi tungkol sa pagdukot natin sa kanya ngayon” sabi ni Ingrid “nangako na siya noon, alam kong hinding-hindi niya kakalimutan yun” sabi ni Edwardo. “Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Ingrid “sa ngayon, hayaan na muna natin sila ibalita mo sa mga tauhan natin na dumistansya muna habang nag-iisip ako ng paraan” utos niya kay Ingrid “masusunod Edwardo” sabi ni Ingrid at lumabas na siya.

“Ednalyn.. kung ako nalang sana ang pinili mo hindi na sana ito aabot sa ganito” sabi niya sa sarili niya at kinuha niya ang panyo niya at pinahid sa pisngi niya. Bumalik si Ingrid “Eddiie, tumawag ang tauhan natin sa building me mga pulis na naghahanap sa’yo” balita ni Ingrid “haayyy.. sige, sabihin mo kay Berto na ihanda ang kotse at babalik na tayo” utos niya “right away” sagot ni Ingrid at umalis na siya. Tumingin siya sa pintuan bago niya kinuha ang bagay na nasa bulsa niya at tiningnan niya ito “Ednalyn…” mahinang sabi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang isang kwentas na dala-dala niya palagi.

Nakarating na sila Rosana sa lugar kung saan sila mamamalagi at pinasok ni Sony at Jason ang mga kotse sa loob ng garahe at lumabas na silang lahat “dito muna kayo” sabi ni Dino sa kanila at una silang pumasok ni Sony sa loob ng bahay. “Ok ang lahat pasok na kayo” sabi ni Sony sa kanila kaya pumasok na sila sa loob ng bahay “ang bait ni Doktora pinuno pa niya ang ref ng pagkain lalo na sa kabinet nito” sabi ni Sony. “Pagdating sa pagkain ang lakas parin ng pang-amoy mo ano mang Sony” biro ni Marcus sa kanya “hoy bugoy, huwag kang magsalita ng ganyan alam ko ikaw mahilig ka din” sabi ni Sony sa kanya “noon yun hehehe” natatawang sabi ni Marcus.

“Saan kami?” tanong ni Esmeralda “me tatlong kwarto ito…” hindi pa nga tapos si Rosana tumakbo nalang bigla si Esmeralda “akin yung isa!!!’ sabi niya na natawa lang si Dino at Sony at napailing nalang si Rosana. “Iha, atin yan hindi lang sa’yo” sabi ni Rosana “sa amin yung isa” sabi ni Marcus na tumingin siya kay Julie at kita niyang nahihiya pa si Julie. “Hmp.. fine” sabi ni Rosana “atin yung isa Sony” sabi ni Dino “si Jason?” tanong ni Sony “hindi ako pwedeng tumira dito, alam niyo namang me trabaho ako” sabi ni Jason sa kanila.

“Maligo kana” sabi ni Rosana kay Marcus na tumango lang siya at naglakad na siya bitbit ang bag niyo papasok sa kwarto niya “ah.. ” sabi ni Julie “nahiya kapa” sabi ni Rosana na ngumiti lang si Julie at sumunod kay Marcus. “Dino, Sony ipasok niyo ang mga gamit natin” utos nia sa dalawa “sige boss” sagot nila at kumilos na sila “Jason” “po?” “salamat sa pagsundo mo sa kanila” sabi ni Rosana “wala po yun boss” sabi ni Jason na napangiti si Rosana “huwag mo na akong tawaging boss, Jason” sabi ni Rosana “hindi na ako si Amarosa” dagdag niya. “Alam ko po yun, respeto ko po sa inyo at dahil narin sa ginawa mo para sa pamilya ko” sabi ni Jason.

Hinawakan ni Rosana sa balikat si Jason “ginawa ko yun dahil gusto kong tumulong” sabi niya “kaya nga po, ginawa ko din ito para makatulong” sabi ni Jason na napangiti si Rosana. “Ikumusta mo nalang ako sa mama mo” sabi ni Rosana sa kanya “sige po” sabi ni Jason at nagpaalam na siya na aalis dahil me pasok pa siya sa trabaho “ingat boy!” paalam ni Sony sa kanya nung binuksan niya ang gate. Pagkatapos nilang ipasok ang mga gamit nila sa loob naghanda agad ng makakain si Rosana habang inaayos nila Dino at Sony ang mga gamit nila sa kwarto.

Tinawag na niya ang mga ito para kumain pero hindi siya sinagot ni Esmeralda kaya pinuntahan niya ito sa kwarto at nakita niya itong nakahiga sa kama at tila napangiti siya dahil me naalala siya. “Mama” tawag ni Esmeralda sa kanya kaya nilapitan niya ito at umupo sa tabi niya “bakit?” tanong ni Esmeralda sa kanya “wala iha, me.. naalala lang ako” nakangiting sabi ni Rosana. “Si papa?” pilyang tanong ni Esmeralda na nagulat si Rosana “pa..paano mo nalaman?” tanong niya “sinabi ni Mister Sony sa akin na dumalaw si papa dito” sabi ni Esmeralda “ano ang kinwento ni Sony sa’yo?” tanong ni Rosana sa kanya na sinubsob lang ni Esmeralda ang mukha niya sa dibdib ng mama niya.

“Oh mio dio!” nalang ang sabi ni Rosana na narinig niyang tumawa si Esmeralda “ikaw talaga!” sabi ni Rosana sabay kiliti niya sa kay Esmeralda na lumakas ang tawa niya at nahiga pa ito sa kama. Bumukas ang pinto at nakita nila si Marcus “mama alam mo ba na gusto niyang bisitahin si daddy sa opisina” sumbong ni Esmeralda “tumahimik ka nga diyan!” sabi ni Marcus sa kanya. “Isara mo yung pinto at umupo ka dito” sabi ni Rosana sa kanya at parang nagmamaktol pang sumunod sa kanya si Marcus at umupo ito sa kabilang side ng kama.

“Mga anak, hindi kayo basta-basta lang lalapit sa papa niyo alam niyo naman ang sitwasyon natin” sabi ni Rosana sa kanila na naging seryoso ang mukha ng dalawa “given na alam na ng papa niyo na me anak kami..” “si Esmeralda lang ang alam niya” pagputol ni Marcus sa kanya na ikinagulat ni Rosana. “Iho…” sabi ni Rosana “si Esmeralda lang ang alam niyang anak mo” sabi ni Marcus na hinila siya ni Rosana at niyakap siya “anak” sabi ni Rosana. “Ok lang naman sa akin, mabuti na ngang ganito kasi galit parin ako sa kanya” sabi ni Marcus na sinuntok siya ni Esmeralda sa balikat.

“Huwag kang magsalita ng ganyan kay papa!” sabi ni Esmeralda “nagsasabi lang naman ako ng totoo, galit parin ako sa kanya at kung magkataon na makaharap kami papatayin ko siya” sabi ni Marcus na tinadyakan siya ni Esmeralda sa galit. “PAPATAYIN MO ANG PAPA! ANG PAPA NATIN!” pinagsasampal siya ni Esmeralda nung natumba siya sa sahig na agad namang inawat ni Rosana ang dalawa dahilan kaya pumasok sa kwarto sina Dino, Sony at Julie. “Ano ang nangyari?” tanong ni Dino na tinulongan nilang ilayo si Esmeralda kay Marcus habang hinila ni Julie patayo si Marcus at inilayo sa kanila.

“ESMERALDA!!” sigaw ni Rosana kay Esmeralda dahil nagpupumiglas itong makawala sa pagkayakap niya para sugorin si Marcus “Marcus lumabas kana” sabi ni Rosana sa kanya na galit siyang nakatingin sa kapatid niya nung palabas na sila ni Julie sa kwarto ni Rosana. “Bella, kumalma ka” inaamo ni Rosana si Esmeralda at nagulat siya dahil ngayon niya lang nakitang ganito si Esmeralda. “Mama… papatayin niya si papa.. ang papa ko..” naluluhang sabi ni Esmeralda “si bugoy papatayin niya si Dave?” gulat na tanong ni Sony na umiling lang si Rosana sa kanya kaya tumahimik nalang siya.

Nagising nalang si Dave sa pagkatulog niya “babe? Are you alright?” tanong ni Chello sa kanya “wala babe, sorry kung nagising kita” sabi niya kay Chello “what time is it?” tanong ni Chello. Kinuha ni Dave ang phone niya at nakita niyang mag-aalas kwatro na ng madaling araw “hmm..” nalang siya nung nakita niya ang mga miskols ni Third sa kanya “it’s too early” sabi ni Chello sa kanya. “I was probably too tired to noticed Dave’s call” sabi niya kay Chello “hmp! That boy probably misses us” sabi ni Chello na pinikit muli ang mata niya.

Hinalikan niya sa noo si Chello “I’d better call the boy and see what he wants” sabi niya “no! Stay with me and cuddle” lambing ni Chello “hehehe I have one better” sabi niya na nagising si Chello. “What?” tanong niya agad na hinalikan siya ni Dave sa labi at nakita niyang napangiti si Chello “go!” sabi agad ni Chello kaya bumangon agad si Dave at sinuot ang bathrob at lumabas ng kwarto at tinawagan si Third nung nasa sala na siya ng kwarto nila sa hotel. Habang nagriring ang phone pumunta si Dave sa kusina at kumuha ng tubig sa ref at ininom niya ito.

Tumunog muli ang phone ko na agad kinuha ito ni Erica at binasa ang pangalan sa screen “Solace?” takang sabi niya “ah hehehe yan ang pangalan ko sa daddy ko, akin na” sabi ko na binalik ni Erica ang phone ko. “Hello, dad!” sagot ko “Dave, is there something wrong son?” tanong agad ni daddy sa akin “ah.. wala naman dad, gusto ko lang malaman kung nakarating na kayo ng London” sabi ko. “Yeah we are safe, natutulog pa ang mommy mo, late na nga kami nakarating dahil an delay yung isang flight namin but nakarating kami ng maayos dito” sabi niya.

“Mabuti naman” sabi ko “si Jenny?” tanong niya “kakausap ko lang sa kanya kanina nasa opisina siya ngayon” sabi ko “Dave…” sabi niya “dad I know, ako dapat ang nasa pwesto niya yeah-yeah” sabi ko. “Not that son” sabi ni daddy “what?” tanong ko “nothing, I miss you” sabi niya na napangiti ako “you really are my comfort dad” sabi ko sa kanya “oh? Me nangyari ba?” tanong niya. “Well” sabi ko na napatingin ako kay Erica “I guess I should tell you straight before mommy finds out” sabi ko na natahimik ang kabilang linya.

Pagkatapos kong ikwento kay daddy ang nangyaring inkwentro namin Erica kanina wala akong narinig sa linya ng ilang segundo “uhm…” narinig ko galing kay daddy “son, I should’ve warned you this earlier..” sabi niya. “Why? What’s wrong?” tanong ko “I put you on speaker five minutes ago and…” putol niya na napataas nalang ang ulo ko at “DAVIDEOOOOOOOO!!!!” agad kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil sa sigaw ni mommy. “Holy shi! Ano yun!” narinig kong sabi ni Erica dahil nagulat pala siya nung marinig niyang sumigaw si mommy sa telepono.

Nakita nina Edwardo at Ingrid ang apat na sasakyan ng mga pulis sa harapan ng building “ipasok mo sa garahe” utos ni Edwardo sa tauha niya at bumaba agad sila at pumasok sa lobby. “Sir!” tawag ni Ricky sa kanya dahil siya ang chief security ng building kaya siya ang unang humarap sa mga pulis “ano ang nangyayari dito?” tanong ni Edwardo sa kanya “nag iimbistiga po sila tungkol sa barilan kanina sa me Pasay” balita ni Ricky. “Bakit sila nandito kung sa Pasay naman pala nangyari ito?” kunwaring hindi alam ni Edwardo “hindi ko po alam sir kaya tinatanong ko po sila” sabi ni Ricky na alam din niya ang totoong nangyayari.

“Mr. Hernandez” sabi ni P/Chief Insp. Minerva Mangubat sa kanya “yes, pwede sa opisina na tayo mag-usap” sabi ni Edwardo sa kanya “alright, Dela Cruz, Sagisag kayo na ang bahala mag tanong sa mga tauhan dito” utos ni Minerva sa mga tauhan niya “yes ma’am” sagot nila. Sumakay na sila ni Edwardo sa elevator papunta sa 13th floor at pagdating nila sa opisina iniwan sila ni Ingrid at sinara agad niya ang pinto pagkalabas niya. “Gusto mo ba ng maiinom?” tanong ni Edwardo sa kanya “ano nanaman ba ito, Edwardo?” tanong agad ni Minerva sa kanya na tiningnan lang niya ang Hepe ng pulis.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo” pagsisinungaling ni Edwardo “huwag ka ng magmaang-maangan pa Edwardo alam mo na ang tinutukoy ko” sabi ni Miverva sa kanya na hindi siya pinansin ni Edwardo at umupo lang siya sa silya niya. Lumapit si Minerva at binagsak niya ang dalawang palad niya sa desk ni Edwardo na walang reaction ang huli sa ginawa niya. “Mga tauhan mo ang pinadala mo para patayin ang mga tauhan ko” sabi ni Minerva “pinadala? Sigurado ka ba?” tanong ni Edwardo sa kanya “alam mong pwede kitang ikulong sa mga nalalaman ko sa’yo” banta ni Minerva sa kanya.

“Nagkita kami kanina” sabi bigla ni Edwardo na natahimik si Minerva “tumatanda na siya hehehe pero hindi parin nagbabago ang ugali niya” sabi ni Edwardo na napaatras ng konte si Minerva. “Ngayon alam ko na kung bakit mahal na mahal mo siya noon hehehe” natatawang sabi ni Edwardo na nilapitan siya ni Minerva at kinwelyuhan siya “bakit mo ginawa yun?” tanong niya kay Edwardo. “Kumalma ka Minerva, wala akong ginawa sa kanya… nag-usap lang kami” sabi niya kay Minerva “kung me ginawa kang..” “wala nga akong ginawa sa kanya, gaya ng sinabi ko nag-usap lang kami” sabi ni Edwardo sa kanya.

“Ano ang pakay mo sa kanya?” tanong ni Minerva na ngayon ay binitawan na niya ang kwelyo ni Edwardo “wala kana doon” sagot ni Edwardo sa kanya “tigilan mo na ito Edwardo” sabi ni Minerva sa kanya. “Kung gusto mong itigil ko na ito pagsabihan mo ang mga tauhan mo na itigil narin nila ang pag-imbistiga nila” sabi nii Edwardo sa kanya “ako ang nagpadala sa kanila dito para mag-imbistiga” sabi ni Minerva. “Ganun naman pala, ikaw ang Hepe so ikaw ang magtigil sa imbistigasyon na ito” sabi ni Edwardo sa kanya habang inaayos niya ang sarili niya.

“Direstong tanong Edwardo” sabi ni Minerva “wala akong kinalaman sa pagkamatay ng babaeng yun” sagot agad ni Edwardo “kung ganun bakit mo ipinadal ang mga tauhan mo?” tanong ni Minerva. “Alam mo na ang sagot niyan, Minerva” sabi ni Edwardo sa kanya na natahimik nalang si Minerva at napatingin sa bintana, tumayo si Edwardo at humarap sa kanya “kilala mo ang grupong kinabibilangan ko” sabi ni Edwardo sa kanya na tumingin si Minerva sa kanya. “Kaya alam mo na ang dapat mong gawin sa puntong ito” sabi ni Edwardo.

“Itutuloy ko ang imbistigasyon” sabi ni Minerva sa kanya “well, wala na akong magagawa sa puntong ito kundi ituloy ang..” “mamamatay ka” sabi ni Minerva sa kanya na ngumiti si Edwardo. “Lahat naman tayo darating sa puntong yun ang tanong dyan eh kung ano ang magagawa mo sa gitna ng daan bago mo marating ang distinasyon na yun” sabi ni Edwardo sa kanya. Tiningnan siya ng masama ni Minerva “binabalaan kita Edwardo kapag nalaman kong me kinalaman ka sa pagkamatay ng babaeng yun ako na mismo ang huhuli sa’yo” sabi ni Minerva sa kanya.

Inayos ni Minerva ang sarili niya at nagsisimula na siyang maglakad papunta sa pintuan “naaalala ka parin niya alam mo ba yun?” sabi ni Edwardo na napatigil si Minerva at napalingon siya sa kanya. Nakangiti si Edwardo at dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya “hindi ko alam pero yun ang napapansin ko sa kanya” sabi niya na tiningnan siya ng masama ni Minerva. “Alam kong nangako na ako sa’yo noon na iiwasan ko si Rodrigo pero.. hindi ko lang napigilan ang sarili kong makipagkita sa kanya” sabi ni Edwardo na humarap sa kanya si Minerva.

“Kung me balak kang maghiganti sa kanya hindi lang dalawang bala ang ilalagay ko sa ulo mo, buong magazine ng baril ko” banta ni Minerva sa kanya. “haayyy, talaga bang gagawin mo yan sa akin?” tanong ni Edwardo sa kanya. Binunot ni Minerva ang baril niya at tinutok niya ito sa ulo ni Edwardo “subokan mo lang” sabi niya na inilayo lang ni Edwardo ang baril niya at dahan-dahang siyang lumapit kay Minerva at nagulat nalang ang Hepe nung niyakap siya ni Edwardo. “Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo…. ate” sabi ni Edwardo sa kanya.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x