Written by Buboy Bataller
“Ito muna, mabilis na yung kasunod”
– Buboy
“Tay, deretso mo na lang kami sa loob ng campus ha. Sa malapit sa room ni Buboy kami bababa” sabi ni Juvy kay ka Pedring.
Mas pinili ko na umupo sa hulihan ng jeep dahil natatakot ako sa Tatay ni Juvy, baka alam na niya yung ginawa ko sa kanyang manok, maging sa anak niya.
“Buti na lang pala Nene hindi mo pinaglakad si Buboy. Kung hindi nakasama yan doon sa mga MOCC ng gumugulong dun. Hahaha” tinututro ni Ka Pedring ang mga kabatch ko na napagtripan ulit ng mga officer.
“Alagang alaga mo siya, hayaan mo Nene, bibili na ko ng ORENOLA para kay Buboy. Bago pa lahat ng panabong ko eh madale, di ba Buboy” ngising nakakaloko si Ka Pedring. Tumungo lang ako at nagkunwaring di ko narinig. Kahiya hiya. Si Juvy naman ay hindi naintindihan ang sinabi ng Tatay niya.
Pagkababa namin ng jeep, inaya ako ni Juvy sa isang bench. “Buboy, magsabi ka nga sa kin. Anong ibig sabihin ni Tatay?” tanong ni Juvy na nakakunot pa ang noo.
“Hahahaha,.. Bakit di mo naman ako ginising, sana sinamahan kita” si Juvy na di makapagpigil ng tawa matapos kong ikwento ang nangyari. “Ginising naman kita, sinubo mo ito, di ba?”sabi ko kay Juvy habang pasimple idinikit ko ang kamay niya sa harap ko.
Natahimik siya at ako naman ang humahalakhak. “Pakk” sapol ako ang libro. “Gago ka talaga Buboy, pinakiss mo sa kin yan after mo mag…… ayyy Boy naman eh. Hmmmp, di ka na makakaulit sa kin” sabi ni Juvy. Asus, nasabi mo na sa kin yan dati. Hindi naman yan effective.
“Boy, maaga ko uwi mamaya ha. Luluwas kami ni Nanay ng Manila, naka schedule kasi ako for entrance exams” paalam ni Juvy sa akin habang naglalakad kami.
“Kelan ka naman babalik? Saka bakit ngayon mo lang sinabi sa kin? tanong ko. Nalungkot at nawala ako sa mood bigla. Naisip ko din kasi malapit na magkagraduate si Juvy, magkakahiwalay na kami.
“Saturday night andito na ulit ako, wag ka na malungkot. Babalik naman ako agad di ba…. Niyakap ko na lang ng mahigpit si Juvy at sinabihan siya na mag ingat. “Nene” bulong ko sa kanya habang yakap ko siya. Sinabayan ko yun ng diin ng harap ko sabay himas sa puwet niya, effective. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Napangiti ko naman si Juvy at masaya kaming nagpaalam sa isa’t isa.
Deretso ako sa upuan ko sa unahang bahagi ng room namin. Wala pa yung mga classmates ko, pati na rin yung mga hindi applicant. Nagtry ako magreview sa previous lessons, madali ko namang narecall.
“Bataller” boses ng isang babae. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses. Nagulat pa ko. Hindi ako makapaniwala na tama ang aking narinig, kaya luminga linga muna ko sa buong room, kami lang talagang dalawa ang tao.
“Kat, ako ba?” tanong ko. “Oo, bakit? Bataller ba ang apelyido ko?” sagot naman ni Kat. Maiinis na sana ko. Ang lakas mang asar, hindi din naman kami close. Hindi nga kami nag usap since First Year pa kami. Napailing na lang ako. “Ano kayang problema ng babaeng to, sayang type ko pa naman” bulong ko na lang sa aking sarili sabay talikod sa kanya at naupo muli.
“Ano Mr. Buboy? Galit ka pa rin sa kin? Ang tagal na non, hanggang ngayon ayaw mo pa rin akong kausapin dahil lang sa nasampal kita dati” halatang masama ang loob ni Kat habang nagsasalita. Nilingon ko siya at napansin ko na nangingilid na ang luha niya. Hindi ko alam ang naramdaman ko ng makita ko si Kat sa ganong ayos, agad akong tumayo at wala sa loob na nayakap ko siya.
“Im sorry, nahihiya lang ako lumapit sayo pero wala na yun sa kin. Isa pa, dati pa kita gusto. Yung gap lang natin ang pumipigil sa akin para sabihin yun” halos pabulong na sabi ko kay Kat. Di na napigil ni Kat ang pagpatak ng kanyang luha. Samantalang ako, nalilito sa nangyayari. Noon ko napatunayan na minsan, may kadaldalan din pala ako.
“Tama na Kat, ok? Baka mamaya dumating na sila, baka isipin inaway kita” sabi ko. “Thank you ha. Buboy punta ka pala sa bahay sa Friday ha, nainvite ko na buong klase, ikaw na lang ang hindi” medyo nakangiti na si Kat.
“Kawawa pala sana ko kung nagkataon Kat, ako lang ang hindi invited” sabi ko. Hay, buti na lang hindi niya napansin nung sinabi kong gusto ko siya.
“Buboy, di ba pupunta ka? Sure yun di ba?” tanong ni Kat na parang di ako pwedeng tumanggi. Napa oo na lang ako. Alam kong ok na kami ni Kat, pero hindi ko mawari kung bakit parang nakaramdam ako ng sobrang saya.
“Ang ganda talaga niya Pre, magkakagirlfriend na ako sa wakas” sabi ni Jess. “May the best man win, pasensiya na pare pero type ko din siya” banat ni Uweng.
Nagdatingan na ang iba pa naming kaklase. Pinaguusapan din nila yun babaeng binabanggit ni Jess at Uweng. Dahil iniisip ko ang nangyari sa amin ni Kat, di ko masyadong pinansin ang usapan nila. Si Kat naman ay ganon din, nahuhuli ko pa siyang pasimpleng tumitingin sa kin. Pacute naman ako syempre.
“Class, meet your new classmate. Ms.Jasmine Villar” pakilala ni teacher. Muntik na ko mahulog sa upuan. Akala ko naman, kung sino na. Hmm, pero noon ko napagmasdan si Jasmine. Laki nga pala ng pinagbago niya mula nung huli kaming magkita. Hindi ko yun napansin nung nakaraang araw dahil siguro nabigla ako, dahil din narinig niya kami ni Juvy.
Tahimik lang ako sa pwesto ko, lahat ng girls ay nagbubulungan. Ang mga bugoy sa likuran ko, panay ang papogi. Nakakatawa ang itsura nila, parang nakakita ng artista. Isa isa pa silang nagpakilala kay Jas. Mas pinili kong silip silipin si Kat, panay din naman ang sulyap niya sa kin. Hay, inlove na naman ata ako.
“Mr. Bataller, since ayaw mong lumapit dito kay Jasmine, ipapakilala na lang kita, ok?. Jasmine, siya si Buboy Bataller, our Class President, SGO Councilor, Math Quizzer, consistent honor student yan and I believe he will be the Batallion Commander next year. Medyo mahiyain lang, saka hindi pa yata nagkakagirlfriend. Mukhang torpe” banat ni teacher.
Close kami ni Mam kaya sanay ako sa mga biro niya. Tawanan ang buong klase, si Jasmine naman ay kunwari humanga sa mga nagawa ko pero alam na niya yun lahat dati pa.
Tumayo na lang ako at lumapit kay Jasmine. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya. Pasimple ko siyang kinindatan. Nakuha naman niya kaya sumakay agad siya sa drama.
Kunwari hindi kami magkakilala, naghand shake pa kami. “Walang girlfriend?” pinarinig yun ni Jasmine sa lahat habang kunwari todo ang pagngiti sa kin.
“Yung lang ang natandaan mo?” sagot ko naman. Bulungan na naman ang buong klase. Napailing na lang ako, si teacher napatakip ng bibig para pigilan ang tawa. Samantalang sina Jess at Uweng ay nagyakapan at nagkunwaring dinadamayan ang isat isa dahil nakita nilang mukhang sa akin mapupunta si Jasmine.
Naging masaya ako kahit wala si Juvy. Pasimple lang kami ni Kat, di pa alam ng klase na nakakapagusap na kami. Si Jasmine naman, simpleng ngitian lang kami sa school. Di ko siya nakakasama. Kasi andaming umaaligid, palagi pa siyan nauunang umuwi.
After ng klase ng Friday, dumaan muna ako sa bahay para magbihis. Ngayon ang araw na ininvite ako ni Kat. Yung iba kong classmates nauna na, akala din nila hindi ako pupunta. Bago ako umalis, binalak kong ayain si Jasmine pero may pinuntahan daw sabi ng Nanay niya.
Medyo ginabi na ko kasi namali ako ng daan. Buti na lang nakahiram ako kay Tatay ng sasakyan kaya nakarating pa rin ako kahit late na.
“Hi Buboy, halika sa loob. Ipapakilala kita” sabi ni Kat ng salubungin nya ako sa labas.
“Ang ganda mo lalo ngayon” sabi ko kay Kat pero sa legs niya ako nakatingin. Nakaskirt kasi siya ng maiksi, labas na labas ang kanyang kaputian.
“Pilyo ka ha, tara na nga” sabay hawak sa kamay ko. Feeling boyfriend naman ako.
“Bakit lahat ata ng kamag anak mo eh andito?” tanong ko kay Kat. “Hinihintay ka nila, sabi ko kasi pupunta ka dito ngayon” sabi ni Kat.
Namutla ako bigla, sobrang kinabahan ako habang papalapit sa kami sa sala. Napansin yun kaagad ni Kat.
“Ahahaha, binibiro lang kita. Natural may okasyon kaya andito sila, feeling mo naman” sabi ni Kat.
“Anak ng, nadale mo ko dun ah, hihihi” bulong ko sa kanya. Deretso na kami sa loob habang nakahawak pa siya sa kamay ko. Narelax ako ng konti.
“Oh ito na pala ang ipapakilala ni Katkat. Siya na ba si Buboy? Hi Buboy, lagi kang ibinibida ni Katkat sa min. Finally, nakapunta ka din” sabi ng Tita ni Kat.
Nagulat ako uli, hindi ko akalain na ganitong magisip si Kat. 2 beses na niya akong nagoyo. Pinakilala niya ako sa lahat ng nandoon, manliligaw daw niya ako. Hindi naman ako pwede tumanggi, kasi gusto ko rin.
——————–
Hindi ako makasubo ng pagkain. Nanunuyo ang lalamunan ko. Kasama namin sa malaking mesa ang mga magulang ni Kat, at ang ilan niyang pinsan. Masaya silang nagkukwentuhan habang tahimik akong katabi si Kat. Hindi sila ang nagpapakaba sa akin.
Kundi ang nangyayari sa ilalim ng mesa….
- Gulod – Kwentong Baryo 2 - June 27, 2022
- Gulod – Kwentong Baryo - June 9, 2022
- Buboy Bataller IX – Ang Pagbabalik - May 29, 2022