Written by tytlips
Disclaimer: Read at your own risk.
Nalibot na yata ni Sydney ang buong resort pero hindi pa rin niya makita si Zian. Nagtungo na siya sa casino, fitness
gym, sports center, swimming pool, spa salon, golf course, at restaurants ngunit hindi niya ito makita. Naisip niyang
baka nasa hotel administration office ito at nakikipag-meeting na sa may-ari ng hotel na siyang pakay nito sa lugar.
She couldn’t possibly enter the administration building. Kailangan niyang malaman ang numero ng hotel room ni Zian,
pero alam niyang hindi iyon ibibigay sa kanya ng front desk. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Kailangan niyang
makapasok sa silid nito at makapagtanim ng surveillance devices upang mamonitor niya ang mga kilos nito at makakalap
ng mga impormasyon tunkgol sa mga itineraries nito at mga sekreto na makakatulong sa kanyang trabaho. Mahuhuli niya
sa hidden camera na ilalagay niya sa silid nito kapag may dinala itong babae roon. Pati ang pakikipag-usap nito sa
ibang babae sa cellphone o telepono ay maririnig niya. Kapag nangyari iyon ay maagang matatapos ang kanyang trabaho.
Kaya mahalagang ma-install na niya ang mga gadgets niya.
Bumalik siya sa kanyang silid at tinawagan ang front desk at humiling ng room service. Ni-request niyang ang bellshop
na si Liam ang magdala niyon. Habang hinihintay ang pagkain ay inalis niya ang kanyang disguise. Mayamaya pa ay
dumating na si Liam. Tsinika-tsika niya ito habang inihahanda nito ang mga pagkain sa maliit na dining table.
“Alam mo, gwapo ka,” simula niya.
“May girlfriend ka na ba?” Ngumiti ito, halatang kinikilig.
“Salamat ho, Ma’am.Wala akong girlfriend.”
“ Sayang, kasi mukhang mabait ka. Mukhang hindi ka manloloko. Magiging masuwerte ang girlfriend mo sa’yo”. Tumingin
siya sa kawalan at sadyang pinalungkot ang kanyang hitsura.
“Hindi tulad ng boyfriend ko. Mukhang pinagtataksilan niya ako.” Natigil ito sa ginagawa.
“Ho? Sa ganda n’yong ‘yan. Nakuha pa niya kayong pagtaksilan?” Malungkot na bumuntong-hininga siya.
“Hindi ko nga alam kung ano pa ang kulang sa akin. I’ve been a very good girlfriend to him. Pero nakuha pa rin niya
akong lokohin.” Sinadya niyang pagaralgalin ang kanyang tinig upang magmukha siyang helpless. Oo, nagdadrama siya.
Ngunit may pinaghuhugutan siya sa eksenang iyon. It had been more than a year since someone made a fool out of her
and broke her heart painfully. The pain was gone but the hatred would perhaps remain forever.
Tinitigan siya ng bellshop na animo ay na-freeze habang hawak ang table knife. Kung sa ibang pagkakataon ay baka
natawa siya sa hitsura nito, ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang pagdadrama. She burst out crying. Yes, in
order to be a good private detective, one must be a good actor, too. Nabasa niya ang simpatya sa mukha nito. Ibinaba
niya ang kitchen knife at inabutan siya ng table napkin. Inabot niya iyon at kunwari ay pinunasan ang gilid ng
kanyang mga mata.
“I’m sorry Ma’am. Pero siguro, hindi siya ang lalaking para sa inyo kung hindi niya kayang mahalin ka nang totoo.
Napakaganda n’yo ho. Maraming lalaki ang magmamahal sa inyo.”
“Tama ka. Puwedeng-puwede ko siyang palitan, pero hindi ganoon kadali iyon, ‘di ba? Lalo na at hindi ko pa naman
siya nahuhuli sa akto. Kaya nga ako narito. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong makita ng dalawang mata ko na
pinagtataksilan talaga niya ako bago ko siya tuluyang iwan.” Tumango ito, kitang-kita sa mga mata nito na naawa ito
sa kanya. Nakonsiyensiya naman siya. Ngunit kailangan niyang lokohin ito. Bibigyan na lamang niya ito ng malaking tip
pagkatapos niyang maisagawa ang trabaho niya. “Nandito siya sa hotel. Sinundan ko siya nang hindi niya nalalaman. May
nakapagsabi sa aking may katagpo siyang babae rito. Gusto kong kumpirmahin kung totoo.” Isinubsob niya ang mukha sa
table napkin at umiyak doon. Tinapik-tapik nito ang balikat niya.”Pero hindi ko alam kung saan ko siya makikita.
Hindi ko alam ang room number niya,” aniya. “Tinawagan ko siya kanina. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang number
ng room niya, pero naisip kong baka maghinala siyang iniimbestigahan ko siya.” Humikbi siya.”Hinanap ko siya sa buong
resort pero hindi ko siya nakita. Naisip ko tuloy na baka hindi siya rito pumunta. Baka sinabi lang niya sa akin na
dito siya pupunta pero nasa ibang lugar pala siya. Baka natunugan niyang balak ko siyang sundan kaya itinago niya ang
lugar na kinaroroonan niya. Hindi naman ako puwedeng magtanong sa front desk ng room number niya. Alam kong bawal
iyon at hindi nila ibibigay ang impormasyong iyon sa akin, unless, may consent niya. Eh, hindi nga niya puwedeng
malaman na nandito ako at nanunubok sa kanya. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.” Muli siyang humagulgol.
“ Gusto mo… tulungan ko kayo, Ma’am?
“Huh? T-tutulungan mo ako?” Tumitiyempo pa lang sana siya upang humingi ng tulong dito ngunit ito na mismo ang
nag-alok ng tulong sa kanya. Tumango ito.
“Kaibigan ko ang isa sa mga frontdesk clerk. Puwede kong itanong sa kanya nang palihim kung ano ang numero ng kuwarto
ng nobyo n’yo nang hindi sinasabi ang tungko sa inyo.” Unti-unti siyang ngumiti kahit may luha sa mga mata.
“Talaga? Gagawin mo ‘yon?”
“Oho. Naiintindihan ko kasi ang pinagdaanan n’yo. Biktima rin kasi ang nanay ko ng pagtataksil. Hindi niya alam na
dalawa pala silang asawa ng tatay ko. Nasaksihan ko kung ano ang nagiging paghihirap ng nanay ko kaya gusto ko kayong
tulungan. Para kapag napatunayan n’yo nang pinagtataksilan nga kayo ng nobyo n’yo ay iwan mo na siya at magsimula
kayo uli ng bagong buhay.” Kitang kita niya sa mga mata nito ang pait. Nakakalungkot naman ang nangyari sa ina nito.
Na-guilty tuloy uli siya dahil nasaling niya ang damdamin nito sa drama niya.
“ Salamat Liam.” Ngumiti ito.
“Walang anuman, Ma’am.” Pagbaba ko ay aalamin ko ang numero ng kuwarto ng nobyo n’yo. Babalik ako para sabihin sa
inyo ang malalaman ko. Ano nga ho pala’ng pangalan ng nobyo n’yo?”
“Zian. Zian Montenegro.”
Hinawi ni Nate ang makapal na kurtina sa silid na nilipatan niya. He wanted a good view of the Chocolate Hills. That
room was perfect. Kanina ay tinanong niya ang front desk kung maaari siyang ilipat sa pinakamataas na silid maliban
sa penthouse kung saan pinakamaganda ang view sa pamosong hills. Iyong tipong magmumukhang toppings iyon ng isang
malaking cake. Wala raw bakanteng silid na tugma sa hinihingi niya. Then he realized that was stupid. Bakit ba
kailangan niyang makita ang Chocolate Hills sa ganoong hitsura? Ngunit nang araw ding iyon ay ipinagbigay-alam sa
kanya ng front desk na may suite na na-vacate. Umalis daw ang umokopa at lumipat sa standard room. Wala na siyang
nagawa kundi tanggapin ang silid na inaalok nito. Tila isang higanteng cake na may Hershey’s Kisses ang natatanaw
niya. It looked yummy. Marahil kung hindi sila nagkahiwalay ni Sydney ay magkasama sila roon at tuwang-tuwa ito sa
view na pinagmamasdan niya ngayon. Pero mabuti at wala na ito sa buhay niya dahil hindi niya masisikmura kahit kailan
ang isang taksil na babae. He saw her kissing another man. Malinaw pa sa isip niya kung paano nawalan ng kulay ang
mukha nito nang makita siya at matuklasang napanood niya ang kataksilan nito. He wanted to confront her and punch the
man’s face but he controlled himself. Hindi makabubuti kung mag-eeskandalo siya sa isang mataong lugar. Umalis na
lamang siya at hinintay itong habulin siya. To his amazement, hindi nito ginawa iyon. Ni hindi rin siyang tinangkang
tawagan nito sa cellphone at subukang ipaliwanang ang nakita niya. Naglasing siya ng gabing iyon sa kanyang pad.
Tinawagan siya ni Roxanne na nang mga panahong iyon ay nagpapa-cute sa kanya kahit alam nitong may nobya siya.
Naglabas siya ng sama ng loob dito. Ang sabi nito ay pupuntahan siya nito upang damayan sa problema niya. Sydney kept
calling him, but he turned off his cellphone.
In the next few minutes, he was wasted and rebellious. Namalayan na lamang niyang nasa kama na siya at nakahubad.
Ganoon din si Roxanne. Then the door opened and Sydney appeared. Nagliliyab ang mga mata nito habang nakatingin sa
kanya. Mukhang gusto siyang patayin nito. Tila nawala ang kalahati ng kalasingan niya nang makita ito. Bumangon ang
galit sa dibdib niya. Pinanindigan na lamang niya ang naratnan nito upang saktan ito o kahit man lamang ang ego nito.
Gusto rin niyang isalba ang natapakan ng ego niya nang matuklasan ang pagtataksil nito sa kanya.
“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong nito habang nandidilat ang mga mata.
“Gaya ng kung ano’ng ibig sabihin ng pakikipaghalikan mo sa lalaking iyon,” he said dryly.
“Were you just making out with that slut dahil nagrerebelde ka sa akin? Gusto mong gumanti?” anito na ang tinutukoy
ay si Roxanne na nakasiksik sa headboard hawak ang kumot hanggang sa dibdib nito.
“Hindi. Matagal na kaming may relasyon. Niloloko mo ako, diba? Puwes, panahon na rin siguro para malaman mong may
relasyon kami ni Roxanne.”
“Bawiin mo ang sinabi mo. Gusto mo lang akong saktan kaya sinasabi mo yan. Kaya kong ipaliwanag ang nakita mo kanina”.
“Ano pa ang ipapaliwanang mo? You didn’t even bother to follow me so you could explain. At kailangan pa bang
ipaliwanag ang nakita ko? You were kissing another man, dammit! “Anong paliwanag ang gagawin mo? Na pinilit ka niyang
halikan ka? Wala sa hitsura mo ang napipilitan lang habang hinahalikan ka niya. Honestly, Sydney. I don’t care
anymore. Hindi na ako interesadong marinig ang paliwanag o alibi mo. Sumama ka na roon sa lalaki mo. Tutal, mas
masaya naman ako kay Roxanne kaysa sa ‘yo.”
“Honey, paalisin mo na siya. Bawiin mo na ang duplicate key niya rito sa pad mo,” sabad ni Roxanne na mukhang
sinuportahan ang kasinungalingan niya. Nagtangka si Sydney na lapitan si Roxanne at mukhang sasaktan ito.
“Don’t touch her,” pigil niya kasabay ng nagbabantang tingin. Sinampal siya nito nang ubod-lakas. He clenched his
teeth and looked at her with disgust.
“Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ito!”
“Bakit ka ba nagagalit? Eh, nagtaksil ka rin naman.”
“Damn you! Damn you two to hell!” galit na galit na wika ni Sydney. Nang umalis ito, nasuntok niya nag dingding.
Hindi siya makapaniwalang kinailangan niyang pasamain ang sarili upang makaganti rito at isalba ang kanyang ego. Yet
it did not make the pain feel any less..
Ibinalik niya ang kurtina nang tumunog ang doorbell. Hindi pa man siya nakakalapit sa pinto ay may nagsabi nang
“Housekeeping.” Malinis naman ang buong silid. Gayunman, pinatuloy na rin niya ang hotel housekeeper. Hindi na niya
pinagkaabalahang tunguhin ang pinto dahil hindi naman nakalock iyon. Nakalimutan niyang isara iyon kanina dahil sa
pagmamadaling makita ang view ng Chocolate Hills mula sa veranda.
“Come in! Bukas ‘yan!” sigaw na lamang niya, pagkatapos ay tumuloy na sa loob ng isa sa mga bedroom upang ayusin ang
mga gamit niya.
Binuksan ni Sydney ang pinto at ipinasok ang housekeeping cart sa loob ng silid. Inayos niya ang headpiece na muntik
nang mawala sa kanyang ulo nang itulak niya ang cart. Iyon ang numero ng silid na sinabi ni Liam na inookupa ni
Zian. Hindi siya makakapasok doon kung hindi siya magpapanggap na empleyado kaya nagpuslit siya ng uniporme ng isang
chambermaid-na napakaikli pala sa kanya dahil matangkad siya-at tinangay ang housekepping cart na nakita niyang
unattended sa labas ng isang silid. Wala sa sala si Zian nang makapasok siya. Marahil ay nasa bedroom ito. Mabilis na
kumilos ang mga mata niya at kinalkula ang mga spot sa silid na maaari nyang lagyan ng mga hidden camera. Pagkatapos
ay dinukot niya ang mga kagamitan sa kanyang bulsa: tatlong hidden camera at apat na audio surveillance device. Isa
sa mga camera ay isang maliit na figurine na ipinatong niya sa isang wall desk na may mga dekorasyon. Sinulyapan niya
ang gawi ng bedroom bago kumuha ng maliit na ladder mula sa cart. In-install niya ang maliit na camera sa dulo ng
curtain pole kung saan hindi iyon halata. Ang audio device naman ay inilagay niya sa ilalim ng wall desk.
NATIGILAN si Nate nang makita ang isang nakaunipormeng chambermaid na halos nakatuwad habang may sinisilip at
kinukutkot sa ilalim ng wall desk. Nakausli ang bilugang puwet nito kaya nakataas ang maikling palda nito. He had the
view of her shapely and long legs from behind. They looked nice and smooth. Parang pamilyar pa nga sa kanya ang porma
ng mga binti nito. Perhaps one of her ex-girlfriends had the same shape of legs. Why, sexy maid….. He smiled
naughtily as he continued watching her legs and butt. Na-curious tuloy siya kung ano ang hitsura nito. Was her face
as pretty as her legs? Tumikhim siya nang bahagya na ikinapitlag ng babae. Dumiretso ito ng tayo ngunit hindi kaagad
humarap sa kanya.
“Ano’ng sinisilip mo riyan?” tanong niya. Dahan-dahang humarap ito. Natigilan siya nang masilayan ang mukha nito. She
looked exactly like Sydney, except for the bangs and the huge mole on her left cheek. Nahuli niya ang bahagyang
panlalaki ng mga mata nito na tila ba nakilala rin siya nito. Naguluhan siya. If that was Sydney, why did she have a
mole on her left cheek and why was she wearing a chambermaid’s uniform? Hindi kaya kakambal ito ni Sydney? Bahagyang
tumalim ang tingin nito bago nagiging normal ang hitsura. Lalo siyang naguluhan.
“Sydney?”.
Wala sa mukha nito na may balak itong tutulan ang sinabi niya. He looked at her with wonderment as he drew closer to her.
“What the hell are you doing here? Why the hell are you wearing a chambermaid’s uniform? And what’s with the fake
mole?”
“Bakit nandito ka?” matalim na tanong nito. He gritted his teeth. Parang kanina lamang ay ito ang iniisip niya. So,
ito rin yata ang babaeng nakita niyang palabas ng restaurant kanina. Bakit sa lahat ng lugar ay doon pa uli sila
nagkita? He wanted to strangle her and tell her how he hated her. Sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang matinding
kasalanan nito sa kanya. “Hey, hey… ako ang unang nagtanong sa’yo. Sagutin mo ako. Bakit ganyan ang hitsura mo at
bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako?”
“Are you kidding me? Bakit naman kita susundan?” mataray na sabi nito.
“So, this encounter is purely coincidental. But what about your looks? Don’t tell me you’ve grown a huge mole in a
year? That’s creepy. And from an Accounting Supervisor to a chambermaid? That’s freaky.” Halatang nairita ito.
“Ikaw ang nag-i-stay sa kuwartong ito?”
“Yeah.” She rolled her eyes impatiently. Padaskil na inalis nito ang headpiece nito.
“Crap!” she hissed and walked towards the door.
“Hey, wait! Why don’t you answer me? Ano’ng ginagawa mo rito?” “None of your business!” anito habang patuloy sa
paglakad.
Bago pa nito mahawakan ang doorknob ay nahagip na niya ang braso nito.
“Answer me,” maawtoridad na utos niya. “Not that I still care about you. I don’t care a whit about what you do in
your life. But you’re inside my room. So, don’t expect me to just let you walk away without telling me what’s going
on.” Marahas na binawi nito ang braso.
“I didn’t even know this was your room, okay? I didn’t even know you were here. Nagkamali lang ako ng pinasukang
kuwarto.” Hinahawakan nito ang doorknob ngunit iniharang niya ang sarili sa pinto.
“Kaninong kuwarto ka dapat papasok?”
“Wala ka nang pakialam doon! Get out of my way.”
“Hey, wala kang karapatang sigawan ako sa mismong kuwarto ko. Gusto mo bang tawagan ko ang manager ng hotel na ito
at ireklamo ka?” Bahagyang natigilan ito. “Now, tell me. Why are you here?”
“I’m a chambermaid, dammit! I was about to clean this room. Pero nagkamali ako ng kuwartong pinasukan.” Matigas na
tugon nito.
“How the hell did you become a chambermaid?”
“Wala ka nang pakialam doon.”
“You’re such a bitch, do you know that?”
“Oh yeah? You’re such a dick. Now, if you don’t want me to smash your dick again, then you’d better get out of my
way.” Tinapunan pa nito ng tingin ang ibabang bahagi ng katawan niya.
Sukat sa sinabi nito ay nagpanting ang mga tainga niya. Sinaklit niya ito sa magkabilang balikat at isinalya sa likod
ng pinto. He glared at her. He was so mad he could squeeze the life out of her. Bahagyang naalarma ito.
“You bitch! You almost ruined my life! At parang wala ka man lang kahit kaunting guilt sa ginawa mo sa akin.” He was
talking about what she did to his genitals. Alam niyang alam nito ang nangyari sa kanya pagkatapos ng ginawa nito.
“You deserved it.” matigas na wika nito. “At saka, nakaganti ka naman sa ginawa ko sa’yo sa party, di ba? After
that, ipinagkalat mo na hindi ako mabuting babae at wala akong kuwentang girlfriend. You even said I was very lousy
in bed.”
Totoong sinabi niya iyon sa mga kaibigan at nagpasalin-salin na iyon sa kung sinu-sinong nakakakilala sa kanila.
But, well, she wasn’t lousy in bed. She wasn’t as experienced as the women he had dated before but she wasn’t lousy
at all.
“Totoo naman ‘yon eh. May mabuti bang babaeng nakikipaghalikan sa ibang lalaki samantalang may boyfriend siya? At
pasalamat ka nga’t iyon lang ang ginawa ko. In case you’ve forgotten, muntik na akong mabaog nang dahil sa’yo at
hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo.”
“Well, wala akong balak humingi ng tawad kaya bitiwan mo ako.” He looked at her with disgust.
“I can’t believe I fell in love with someone like you.”
“Oh, yeah? Did you really love me?” sarkastikong tanong nito.
He grinned sarcastically. “Oh yeah. I never really did.”
Nanigas ang mga panga nito at bumakas ang matinding galit sa mga mata nito. Naglabanan sila ng tingin nito. “Get your hands off me,” matigas na utos nito. “I would’nt mind squeezing your balls again if you don’t let me go.”
Pinakawalan niya ito pagkatapos itong titigan nang matalim. Sa totoo lang ay kinabahan siya sa sinabi nito. Alam
niyang hindi ito mangingiming gawin uli iyon sa kanya. He didn’t want to suffer again. “
“Bitch!”
“Beast!” Padaskil na binuksan nito ang pinto.
“I hope I never see you ever again because I want a great life,” inis na pahabol niya rito.
“Oh yeah. I don’t want to see you even in my next life,” nakairap na wika nito at tuluyan nang umalis.
“Hey, you forgot your junk!” Ang tinutukoy niya ang cart nito ngunit hindi na ito lumingon. “Dammit!” Buwisit na
buwisit na inilabas niya sa hallway ang cart, pagkatapos ay pabalibag na isinara ang pinto.
Itutuloy………….
- Manong - April 16, 2024
- Camfrog Boredom - April 9, 2024
- Bittersweet Ex-Lovers 3 - November 18, 2021