Bakasyon ni Kenneth: One Year After 3 Gatas
By dimillustria
Sa episode na sumusunod ay mula sa point of view ni Kenneth. Nakalimutan ko kasi na 3rd person point of view ko ito sinulat at tinamad na akong i-edit. Walang masyadong akson sa episode na ito kaya pasensya na, in advance, kung nabitin ko kayo. Promise babawi ako sa susunog na episode.
Ang gulo ng isipan ko… Mahal ko sya pero bakit hindi ko maibigay ito sa kanya, dahil sa nangyari sa amin noon ay hindi na ako ganoon kadaling maniwala sa mga pagpapahiwatig nya sa akin. Labis akong nasaktan sa ginawa niya sa akin noong nakaraang bakasyon na nahihirapan akong pagkatiwalaan sya ng aking puso. Baka muli na naman niya itong sugatan. Hindi ko na magawang makapag-isip ng tama na ultimo paghahanda para sa entrance exam ay hindi ko magawa. Buong araw akong nakahilata sa aking kama, nag-isip.
“Kenneth! Buksan mo nga itong pinto.” si Bobet ito kumakatok. “Lumabas ka nga d’yan.”
Binuksan ko ang pintuan at nasilayan ang inis na mukha ni Bobet. “Ano yon?”
“May naghahanap sa’yo sa baba, BOYFRIEND mo ‘ata.” inis na sinabi nito.
“Ano?” napakunot ang aking noo. “Tumigil ka nga.”
Bumaba ako at nadatnan kong nakatayo sa aming sala ang kaibigan kong si Manny, classmate ko s’ya noong high school at nasabi ko sa kanya ang tunkol sa amin ni Bobet. Kahit ganoon ay tanggap parin n’ya ako kung ano man ako. Matalino si Manny at hindi makitid mag-isip kaya naintindihan nya ang kalagayan ko. Hindi gaya ni Bobet na banat ang katawan, si Manny ay katamtaman lamang, although kapansin pansin ang tangkad nitong 5’9″ at dahil may kaya ay maputi at alaga ang kutis nito.
“O, Kenneth hindi ka pa ata nakahanda, tinext kita kanina pa.” paliwanag nito, “‘Di ba ngayon natin chi-checkin yung schedule natin for the entrance exam?”
“Ngayon ba ‘yon?” gulat na sabi ko, “Ay sorry, hindi ko napansin ang cellphone ko.”
“Ahem! Mawalang galang na.” sumali sa usapan si Bobet, “Pwede ba kitang ikuha ng maiinom? Anong gusto mo juice o tubig?”
“Sya nga pala Manny, ito nga pala si Bobet?” ipinakilala ko si Bobet kay Manny, “Same year lang natin sya at dito n’ya balak mag-college sa Maynila.”
“Ah ikaw pala yung Bobet.” ngumiti lamang si Manny at inabot ang kamay nito para makipagkamay, “Manny Hernandez nga pla ang pangalan ko.”
“Wow! parang kakandidato lang a.” patawang sinabi ni Bobet.
“Balak mo palang dito na mag-aral sa Maynila, bakit hindi natin sya isama Kenneth para makapagregister na rin sya. Malay mo baka makapasa sya sa entrance.” possitive thinker talaga itong si Manny.
“Ganoon ba? Paano ba yan Kenneth magbibihis na ako, mukhang ininmbitahan akon gsumama nitong kaibigan mo sa date nyo.”
At wala na akong nagawa, sumama si Bobet sa amin ni Manny na pumuntang school para magparegister. The next day ay ang schedule ng aming exam milagrong nakaabot sa registration si Bobet at isinali sya sa aming nagtake ng entrance exam noong araw na iyon. Kahit medyo sabaw ang utak ko ay nairaos ko naman ang pagsusulit na iyon. Sana nga lang ay tama ang mga pinagsasasagot ko.
Pagkatapos ng exam ay nagyaya itong si Manny na magmall, at dahil hindi ko pa naipapasyal itong si Bobet dito sa maynila ay isinama na namin ito. Sa isang siklat na Mall sa Pasay kami tumambay maghapon at noong kinagabihan na ay nagsine kaming tatlo. Hindi ko alam kung sinadya nya iyon pero tumabi sa akin noon si Bobet at dahil doon ay hindi ako makapagconcentrate sa pinapanood ko.
Hinatid kami ni Manny hanggang sa bahay namin at makalipas ang kaunting kwentuhan ay nagpaalam na ito sa mommy ko at umuwi na.
Ng gabing iyon ay hindi ako makatulog, sa tindi ng pagnanais kong makatulog ay naisipan kong bumaba ng kwarto at magtimpla ng gatas para makatulog. Bukas pa ang ilaw sa baba, gising pa si Bobet at nanonuod ng pelikula. Hindi pa nagsawa sa pinanood namin kanina at nagsalang pa ito ng sa DVD ng palabas.
Dahan-dahan akong bumaba para hindi nya ako mapansin at dumiretso ako sa kusina. Habang ibinubuhos ko ang mainit na tubig ay nakaramdam ako ng init na nanggagaling sa aking likod. Sa isang iglap ay namalayan ko na lamang ang mga mga braso ni Bobet sa aking tadyang. Marahan akong niyakap ni Bobet at dahil doon ay nawala ang aking kamalayan, tuloy ay umapaw ang mainit na tubig na aking binuhos.
“Kenneth. I love you.” binulong nya iyon sa aking tenga at sa sandaling iyon ay tumigil ang mundo ko tila lahat ay nakaslow motion, “Namimiss na kita ng sobra.”
Wala na akong pakialam sa paligid ko, sa bulong lamang ni Bobet ako nakatuon, gusto kong makulong sa sandaling ito.
“Kahit sabihin mong nasa iisang bahay lang tayo, hindi ko maramdaman na nariyan ka. Tila napakalayo ng loob mo sa akin.” pagpapatuloy ni Bobet, “Naririnig mo ba ako Kenneth, mula nang umalis ka sa buhay ko ay hindi ka na bumalik. Kahit anong gawing pag-iwas ko ikaw lang ang hinahanap ng mga mata ko.”
Tila parang walang hanggan, pero naudlot iyon ng sandaling maramdaman ko an gmainit na sensasyon sa aking mga kamay. Sa pag-apaw ng mainit na tubig sa hawak kong baso ay napatalon ako ng napaso ang aking kamay. Sa pagpiglas ko ay naitama ko ang aking ulo sa mukha ni Bobet.
“Aray.” naiuntog ko ang kanyang noo.
“Ayan kasi, ‘wag kang naggugulat ng ganyan” nang makita ko ang mukha ni Bobet ay napansin ko ang luha sa kanyang mga mata. “O, ‘bat ka umiiyak masakit ba talaga ‘yung pagkakatama?”
“Hindi, Mas masakit dito.” sabay turo sa dibdib nito.
“Tahan na.” nilapitan ko si Bobet at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. “Ayokong nakikita kang umiiyak.”
“Kenneth.” hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi. “Wala ka man lang bang sasabihin. Mahal kita.”
Hindi ko sya masagot. Sa halip ay inilapit ko ang aking labi sa kanya at hindi n’ya ako binigo at sinalubong ng init ng kanyang labi ang labi ko.
- Bakasyon ni Kenneth: One Year After 5 The Promise - September 3, 2024
- Bakasyon ni Kenneth: One Year After 4 Si Manny - August 27, 2024
- Bakasyon ni Kenneth: One Year After 3 Gatas - August 17, 2024