Written by dimillustria
“Kenneth ano itong sinasabi ni Bobet na hindi mo raw sya pinapansin dito sa bahay.” agad na sambat ng kanyang nanay kay Kenneth, “Bisita natin si Bobet kaya sana asikasuhin mo naman sya kapag wala kami. Alam naming busy ka sa paghahansa sa college mo pero sana man lang ay isipin mo na may kasama ka dito sa bahay.”
“Pasensya na ma, nasanay lang siguro akong mag-isa sa bahay.” sagot naman ni Kenneth.
“Alam ko. Kaya nga naisip namin ng papa mo na mas maigi na may kasama ka dito kapag wala kami.” sabi ng kanyang ina, “Matalino ka namang bata Kenneth, mabilis ka namang mag-adjust e. Sana ipakita mo naman na hospitable tayo dito sa mga bisita natin.”
“I’ll try mom. I’ll try.” sabi ni Kenneth.
Iyon ang naging usapan nila ni Kenneth at kanyang ina. Mag-iisang linggo na ring nakabakasyon si Bobet sa kanilang bahay pero hindi pa nagkaroon ng isang beses na nag-usap ng matino ang dalawa. Pilit na iniiwasan ni Kenneth ang makipag-usap kay Bobet dahil na rin sa nangyari sa kanila isang taon na ang nakakaraan. Isinara na nya ang kahapon kung saan nandoon si Bobet at hindi na nya inisip na makakadaupang palad pa nya ito. Nalaman nyang si Bobet na rin mismo ang nagpresenta at nagrequest sa nanay at tatay ni Kenneth na magbakasyon sa kanila. Pero hindi nag-isip ng kung ano si Kenneth ang alam nya ay walang patutunguhan ang ganoong kaisipan at sya rin ang masasaktan sa huli kaya sa simula pa lang ay sya na ang umiiwas.
Nang sumunod na araw ay nagising sa amoy ng masarap na pagkain si Kenneth. Pagkababa nya ay nanduon na si Bobet sa kitchen at nagluluto.
“Anung ginagawa mo dito sa kusina namin?” tanong ni Kenneth.
“Gising ka na pala. ‘Wag kang mag-alala nagpaalam ako kay tita.” paliwanag ni Bobet, “pansin ko kasi na puro na lang fried ang kianakain mo tuwign umaga kaya sinabi ko kay Tita na magsisinangag ako at tortang talong.”
“Ahhh…” napatango na lang si Kenneth.
“Umupo ka na riyan ay maluluto na tong tortang talong.” si Bobet habang hinihintay na maluto ang kanyang talong.
Binuksan ni Kenneth ang nakatakip na pagkain sa mesa at naamoy nya ang bango ng nilutong sinangag ni Bobet. “Ang bango naman yata nitong sinangag mo.?” tanong nya habang umupo sa upuan ng hapag-kainan.
“Ngayon la lang ba naka-amoy ng lutong may tanglad?” tanong ni Bobet. “Nilagay ko iyan sa kanin nung sinaing ko kanina. Mabango di ba?”
“Marunong ka na atang magluto ngayon.”
“Dati pa, hindi lang ako nagkaroon ng time na ipagluto ka noong nasa bahay ka pa.” Inihaon ang tortang talong sa kawali at inihain sa mesa. Iniusog ang upuan sa harap ni Kenneth at umupo, ” O ano pang hinihintay mo kainin mo na yang talong ko, masarap yan.”
Hindi nakapagsalita si Kenneth sa halip ay namula ang mukha nito sa sinabi ni Bobet.
“Oh, may nasabi ba ako?” sabi ni Bobet.
“Wala. kumain na lang tayo.” palusot ni Kenneth
“Buti naman at kinakausap mo na ako ngayon.” nginitian ni Bobet si Kenneth.
“Ah iyon ba? Nasanay lang siguro akong ako lang ang nandito sa bahay.” paliwanag ni Kenneth. “Kumusta naman kayo ni Natasha?”
“Wala na iyon, kinalimutan ko na sya.” wika ni Bobet, “Sinubukan kong ibalik ang dati sa amin pero sa huli sumuko na rin ako since mahal na mahal niya yung ipinalit niya sa akin.”
Sinubukang hawakan ni Bobet ang kamay ni Kenneth ngunit pag lapat pa lamang ng balat ni Bobet sa kamay ni Kenneth ay iwinaksi na nya ito. Hindi na lamang pinansin ito ni Kenneth at nagpatay malisya, inilihis ang usapan. “Anong plano mo ngayong nandito ka sa manila?”
“Wala actually.” sabi ni Bobet, “I was thinking na ikaw ang magtotour sa akin sa syudad. Di naman ako pwedeng basta lumabas mag-isa dahil baka mawala ako. E mukhang busy ka pa ata sa college entrance exams mo. mo.”
“Pasensya na talaga.” paumanhin ni Kenneth, “Baka this weekend sa sabado isasama kita sa pinakamalapit na mall para makapagpamasyal kasama ng mga kaibigan ko.”
“Mas mabuti sana kung tayong dalawa lang.” hirit ni Bobet, “Naiilang pa kasi ako sa ibang tao dito, lalo na sa mga kaibigan mo baka mga sosyal at class sila at ma out of place lang ako sa inyo.”
“Ano ka ba?” tumawa si Kenneth, “Hindi sila ganoon, mababait ang mga iyon, magkakasundo sundo rin kayo kapag nakausap mo na sila.”
Sa pag-uusap ng dalawa ay hindi na nila namalayan na natapos na nila ang kanilang kinakain.
“Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin since ikaw naman ang nagluto.” nagpresinta si Kenneth habang nililigpit ang pinagkainan nila.
“Nakakahiya naman sayo. Ako nalang.” pilit na kinukuha ni Bobet ang mga plato sa kamay ni Kenneth.
Dahil sa pag-agaw ni Bobet sa mga dalang plato ni Kenneth ay hindi sinansadyang nahawakan ni Bobet ang mga kamy ni Kenneth. Nang mangyari iyon ay parang tumigil ang oras para kay Kenneth. Walang masabi ang dalawa habang nakatitig sa mata ng isat-isa. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha, isang akto na tutungo sana sa isang matamis na halik ngunit pinigilan ito ni Kenneth. Itinulak nya gamit ang mga plato si Bobet papalayo mula sa kanya at sapat na ang lakas nya para mapaatras ang binata.
“Please!” paki-usap ni Kenneth, “Ako na ang maghuhugas nito, manuod ka na lang ng T.V. sa salas.” at tumalikod ito papunta sa lababo.
Sahalip na pumuntang salas si Bobet ay dumiretso ito sa guest room sa tabi ng kwarto ni Kenneth, ito ang kwarto nya habang bumibisita sa kina Kenneth.
Pagkatapos ng hugasin ni Kenneth ay dumiretso na ito sa kanyang kwarto para simulan ang pag-aaral. Napansin ni Kenneth na nakabukas ang pintuan ng guest room kung saan tumutuloy si Bobet. Balak nya sanang isara ang pintuan ngunit napatigil ito sa nasilip sa loob ng kwarto; si Bobet na half naked na sinisimulang paglaruan ang kanyang alaga.
… Itutuloy…
- Bakasyon ni Kenneth: One Year After 5 The Promise - September 3, 2024
- Bakasyon ni Kenneth: One Year After 4 Si Manny - August 27, 2024
- Bakasyon ni Kenneth: One Year After 3 Gatas - August 17, 2024