Written by suicideking
Wala na sigurong lulungkot pa sa iwanan ng iyong asawa, iniwan ako hindi dahil sa pag-ibig, ako’y iniwan dahil sa kahirapan. Kapwa kami may trabaho nang siya ay lumisan, subalit alam naman ng karamihan na bilang isang nurse sa ating bayan ay hindi sapat sa nagtataasang presyo ng bayan. Nagpasya ang aking asawa na mangibang-bansa, doon kung saan mas malaki ang tsansang magkaroon at mapaghandaan namin ang magandang kinabukasan. Dalawang buwan buhat nang kami’y ikasal ay halos ilang araw akong umiiyak at nalulumbay, tumulak siya patungong gitnang-silangan.
Tatlong taon ang lumipas, tatlong taon akong nagtiis. Sa kabila naman nito’y naghihintay ang liwanag, ang ginhawa at walang hanggang ligaya. Sa masusing pagpa-plano’y naisakatuparan naming mag-asawa ang muling pagsasama, tunay ngang wala nang mas sasaya pa nang sandaling makita ko ang aking pangalan sa pasaporte’y nakalimbag – “Kristine Kaye de Jesus Ongasis”.
Bago ko nilisan ang bayang sinilangan ako ay napaisip, bagama’t umuuwi si Badong minsan sa isang taon, sa loob ng tatlong taon pala’y marami kaming nasayang na pagkakataon. Kahit pa araw-araw kaming nagkakausap sa telepono habang siya ay nasa malayo, kahit pa malimit kaming mag-chat ay naroon pa din ang pangungulila sa pisikal na init ng katawan. Ang mga yakap niya at halik lalo na ang mga maiinit naming pagtatalik.
Marami ang nagsasabi na kapag ang asawa’y nasa malayo, kadalasan ay may matutukso. Aminado akong kahit na kasal na kami ni Badong ay marami pa ding sumisipol sa tabi-tabi, mga nagpaparamdam at nagtatangka sa aking kahinaan. Subalit sa kabila noo’y naging tapat ako sa kanya, tigang man sa romansa ay wala pa rin tatamis pa sa tunay mong asawa.
“I hope makapag-adjust ka kaagad babes…” sabi ng aking asawa paglabas namin ng eroplano.
“oo naman babes, happy ako kasi magkasama na tayo ulit” sagot ko naman sa kanya.
Culture shock. Ito na yata ang isang sitwasyon na halos lahat ng tao ay pagdadaanan lalo na kung ika’y maninirahan sa ibang lugar. Ibang kultura, ibang salita, ibang lahi. Ganunpama’y sa kabila ng malakihang pagbabago, sa pananamit, pag-intindi ng mga salitang banyaga, unti-unting akong nakapag-adjust.
Gaya sa Pilipinas, parehas ang oras ng trabaho dito ng aking mister. Ako bilang dependent niya at walang trabaho’y nananatili lamang sa bahay na aming inuupahan. Ganunpaman, upang hindi ako ma-homesick ay halos gabi-gabi kaming lumabas, kumakain, naglilibot. Syempre pa, hindi mawawala ang aming mga pagtatalik, sa unang buwan ko yata dito sa Saudi ay nagsilbing motel ang aming tahanan. Aming pinunan ang mga butas na noo’y hindi nalagyan.
Ayoko din namang malaspag kaagad, siguro nahalata din ito ni Badong. Nabawasan din kahit paano ang init ng aming mga katawan, kung dati ay araw-araw ngayon ay tuwing makalawa na lang. Pabor din naman ito para sa amin, sa aking katawan at ang bagay na baka magsawa ang aking mister. Wala pa sa plano namin ang magkaroon ng anak, ang plano kasi namin ay mag-ipon na muna at siguruhin ang aming kinabukasan bilang isang pamilya.
Naalala ko dati noong ako’y nasa Pilipinas pa, tuwing uuwi ako ng bahay ay sa computer kaagad ang aking punta. Pagbukas pa lamang nito ay siya ang aking hahanapin upang makausap, pero tila iba na ngayon. Naroon pa din ang teknolohiya, pero sa halip na si Badong pa din ang aking ka-chat ay iba na, mga kamag-anak at kaibigang aking naiwan.
“babes! babes!” sigaw ko sa aking asawa habang siya nasa kusina isang gabi matapos kaming kumain.
“oh?! bakit ano yun??” tugon niya naman.
“si kuya Mamerto, nag-message sa iyo” paliwanag ko sa kanya.
“ah ganun ba, bakit daw?” sagot naman ng mister ko habang pinupunasan ang basa niyang kamay.
“eh may itatanong daw sa iyo babes, halika na nga dito at ikaw ang mag-reply” utos ko sa kanya.
Pinaupo ko si Badong sa silya, humarap siya sa laptop at nakita ko sa kanyang mga mata ang tuwa. Si kuya Mamerto ang kanyang ka-chat, ang pinsan niya na palagi niyang nababanggit at ito daw ang kanyang pinaka-close na pinsan. Mula siguro pagkabata nila’y sanggang-dikit na ang turing sa isa’t isa, sabay pa nga daw silang tinuli minsan niyang naibahagi. Nagkahiwalay lang sila noong pagtapak nila ng kolehiyo, engineering ang kurso ni mister at information technology naman kay kuya Mamerto.
Halos magkabuhol-buhol ang daliri ng aking asawa sa pagta-type sa chat, hanggang sa kapwa na nila buksan ang webcam upang mas mabilis ang usapan.
“oh kita mo na ba kami?” wika ni Badong sa kausap.
“oo insan, hi Kaye! kumusta kayo dyan?” wika naman ni kuya Mamerto.
“maayos naman insan, ikaw? ano balita sa iyo dyan?” balik ng aking asawa.
Halos kalahating oras silang nagdaldalan, hindi naman ako nabalewala dahil kilala ko din naman si kuya Mamerto na pinsan ng aking asawa. Nagkakilala kami noong kami’y mag-syota pa lamang ni Badong at hindi pa kasal, at syempre noong araw ng aming kasal kung saan isa siya sa mga abay.
“nga pala insan, sa Riyadh ka diba?” wika ni kuya Mamerto bago sila magpaalam sa isa’t isa.
“oo insan bakit? paano mo nalaman?” tanong naman ng aking asawa.
“ah eh, naitanong ko kasi kay tita…actually dapat hindi ko ipapaalam sa iyo kaagad, pero natatakot kasi ako, iba na yung may back-up hehe” pahayag ni kuya Mamerto.
“huh? ano ibig mong sabihin insan?” balik ng aking mister.
“alam mo na, baguhan ako, saka kailangan na din paghandaan…” wika niyang muli.
“natanggap kasi ako insan, Riyadh din…gusto ko sana sa Jeddah dahil nandun si Patricia pero dyan ako pinalad…next month na ang alis ko dito insan” paliwanag ni kuya Mamerto.
“wow talaga?! e madali nalang yan insan, tutulungan kita mag-ayos ng papel ni Patricia para malipat na din siya dito, dito kana din tumira sa amin para magkakasama na ulit tayo!” masayang wika ng aking asawa.
Humaba pa ng mga ilang minuto ang kanilang pag-uusap, kitang-kita ko sa mga mata ng aking asawa at maging sa kanyang pananalita ang galak at pagtatangkang muli silang magkasama ng kanyang matalik na pinsan.
“oo ganun talaga insan sa una, kapag wala family mo e sa puder ka nila nakatira, pero kapag nalipat na dito si misis mo, pwede ka na lumipat ng bahay, kung mangyayari yun, magkakasama na tayo” paliwanag pa ni Badong.
Wala namang problema sa akin ang mga naging desisyon ng aking asawa, sa katunayan ay mas maganda pa nga para sa akin dahil kung magkatao’y hindi na ako gaanong maiinip at mag-iisa dito sa aming tinutuluyan. Sanay din naman ako sa may ibang kasama sa bahay, sa katunayan ay galing ako sa isang malaking pamilya at hindi na iba sa akin ang ganitong set-up.
Mula noon bago pa man magtungo dito si kuya Mamerto ay naging madalas ang pagcha-chat nila ng aking asawa, minsan pa nga’y nagagalit ako dahil nawawalan ako ng oras para sa aking pakikipag-usap din sa mga pamilyang naiwan. Ganunpaman ay hindi ko na ito binigyan pa ng ibang kahulugan at ang tanging nasa aking isipan ay ang mas masayang tahanan kapag may kasama na kami dito sa bahay.
May ilang pagkakataon ding ako ang nakakasagot kay kuya Mamerto, ito ang naging susi upang kami’y maging malapit din sa isa’t isa. Hindi naman ito masama dahil kailangan naman talaga na suriing mabuti kung sino ang iyong makakasama.
“babes sa isang araw na dadating si kuya Mamerto diba?” tanong ko sa aking asawa isang gabi matapos kaming magtalik.
“oo babes bakit?” sagot ng aking mister.
“ah wala naman, sana lang malipat na dito si Patricia para may kasama na ako dito sa bahay” paliwanag ko pa.
Nagkaroon din naman ako ng tsansa upang maka-chat si Patricia, ang asawa ni kuya Mamerto. Mas maigi na din ito dahil tiyak akong siya ang aking magiging kasangga at kadaupang palad dito sa malungkot na bahay. Alam ko din, ayon na rin sa mga kwentuhan namin, na nararanasan ngayon ni Patricia ang pangungulila sa malayo niyang asawa. Kung excited si Badong, ganun din ako para kay Patricia.
Sa kabila nito ay ang malaking pagbabago, dito ang simula kung saan susubukin ng tadhana ang aking buong pagkatao. Kilala ko ang aking sarili ngunit sa mga karanasan ko minsan na din akong naguluhan. Alam kong mali, alam kong pangit, subalit ako’y tao lang at natutukso din, kailangan ko bang sawayin? o di kaya nama’y sumabay na lang sa agos ng aking mas makulay na buhay.
- Bahay-bahayan: Part 6 – Pasaporte - December 15, 2020
- Condo Part 21 - December 15, 2020
- Bahay-bahayan: Part 5 – Expatriate - December 11, 2020