Written by angprobinsyano
Matapos ang nangyari sa amin ni Manang ay hindi na na ulit pa iyon.
Pero halata ko na gumagawa ito ng paraan para mapalapit talaga ang loob sa akin ni Via.
” Good morning Baby, good morning manang” ang bati ko sa dalawa na nag aalmusal na.
Naka uniform na si Via at kumakain na ng breakfast.
” Good morning kuya” ang bati ni Via sa akin.
” Good morning iho” ang sagot ni Manang sa akin at pinaghain ako nito ng kanin at itlog.
” Salamat po, si Jen po” ang tanong ko kay Manang.
” Mommy is sick kuya” ang sabi ni Via.
” Napano si Mommy baby?” ang tanong ko dito.
” May Fever siya” ang sabi ni Via.
” Kaya iho, ikaw muna maghatid kay via sa school at babantayan ko si Jen” ang pakiusap ni Manang sa akin.
Si manang kasi ang naghahatid kay Via sa school.
” Sige po manang, mag prepare lang ako” ang sabi ko dito at mabilis akong kumain at nagbihis.
Naka shorts lang ako pang basketball at tsinelas na simple habang naka uniforme na si Via.
Binigay naman ni Manang sa akin ang address ng school ni Via sa katipunan.
” Tangina” ang sabi ko sa sarili ko ng pumasok kami sa entrance ng school tungo sa drop off.
Puro naka mamahalin suv ang mga kasabayan nito. Puro naka porma ang driver at may mga bodyguard pa ang iba.
” Di ako nasabihan ni Manang na bigtime pala ang school ni Via” ang sabi ko sa aking sarili habang huminto sa drop off point sa loob.
Bumaba ako ng sasakyan. Nagtinginan ang mga tao sa paligid dahil sa isang hampas lupa ang nakapasok sa teritoryo nila.
Mga mata na kung nakakamatay lang ang tingin ay patay na ako.
” Via, saan ba room mo?” ang tanong ko dito ng pinagbuksan ko ito ng pintuan.
” Dito na lang kuya, alam ko naman ang room ko tsaka malapit lang naman eh” ang sabi nito sa akin
” Osige, dito din kita hihintayin later ah” ang sabi ko dito. Humalik ito sa akin pisngi at masayang tumakbo papasok ng school.
Mabilis akong sumakay ng sasakyan at umalis dahil baka makapatay pa ako ng mga masama kung makatingin.
” Manang kumusta na po si Jen?” ang tanong ko dito ng kapasok ko sa condo at kalalabas niya sa kwarto nito.
” Okay na iho” ang sabi nito sa akin.
” ay ang sweet may pabulaklak” ang sabi ni manang ng makita niya ang rosas na dala ko
” kamustahin ko lang po” ang paalam ko dito at pumasok ako sa kwarto niya.
Nakasandal ito at may binabasa. Di ako nito napansin na pumasok.
” Ehem” ang pagpapansin ko dito.
” Ikaw pala” ang medyo mahina nitong sabi sa akin.
” Ano ba yan, may sakit na? Nagbabasa pa din” ang panenermon ko dito na parang kasintahan niya.
” parang jowa” ang sabi nito sa akin.
” jowa talaga” ang sabi ko dito at abot ng rosas na pula.
” Salamat” ang sabi nito sa akin.
” Magpahinga ka nga, dahil mamahalin pa kita” ang sabi ko dito at sabay halik sa kamay niya.
” Ay, di pa kita sinasagot kuya” ang sabi nito sa akin.
” Dadating din tayo diyan, kaya pagaling ka ah at palakas ka” ang bilin ko dito at hinalikan ko ito sa noo.
” Palakas ka naman sa anak ko” ang sabi nito sa akin at napangiti naman ako.
Bago magtanghali ay sinundo ko na si Via sa school.
Kadating ko ay nakaabang na ito sa akin.
” Kuya, may stars ako” ang sabi ni Via habang pinapakita nito sa akin ang kamay niya na puno ng stars. Pati na rin ang test paper nito.
” galing ng baby , ano gusto mo treat sa iyo ni kuya?” ang tanong ko dito.
” Ice cream, cake?” ang sunod kong tanong dito.
” Ice cream please” ang sabi nito sa akin.
” Osige , pero secret lang natin ito ah” ang sabi ko dito at dumaan muna kami sa convenience store para bumili ng ice cream.
Kinain na namin ito doon bago kami umuwi.
Sakto alas dose ay nasa condo na kami.
Ganun ang naging takbo namin habang may sakit sa jen. Ako ang magsusundo dito at may treat siya sa akin every paguwi namin.
Palagi ko din dinaldahan ng bulaklak si Jen hanggang sa gumaling ito.
Dumating ang araw ng sabado.
Sabado ng umaga.
” Hi Kuya Juan” ang bati sa akin ni Via ng kagising nito.
” Good morning baby girl” ang sabi ko dito at sabay kandong sa akin.
” Good morning mommy” ang bati nito ng makita niya na palabas ng kwarto ang mommy niya.
” Hi Baby, good morning Juan” ang sabi ni Jen sa amin. Naka pajama lang ito at mukhang wala na itong sakit.
” Good morning Jen” ang bati ko dito.
” Okay ka na?” ang tanong ko dito.
” oo naman, salamat sa pag aalaga niyo” ang sabi nito sa amin ni Via.
” Baby, balita ko kay manang na mataas daw ang scores mo sa mga exam mo” ang sabi ni Jen sa kanyang anak.
” Yes po” ang sabi ni Via.
” Ano gusto mo treat ni Mommy sa iyo?” ang tanong ni Jen.
” Mommy, let’s go sa zoo” ang sagot ni Via.
” Zoo?” ang tanong ni Jen at nakangiti din ito sa akin.
” Yes mommy, punta tayo avilon please” ang sabi nito sa kanyang mommy habang nakandong pa din sa akin at kumakain ng cereals.
” Ask kuya juan, if okay sa kanya magdrive ng malayo” ang sabi ni Jen sa kanyang anak.
Napatingin naman ako kay manang at pasimpleng kumindat.
” Kuya Juan, please?” ang pagpapakyut nito sa akin.
” Sige baby, basta ubusin mo ang milk and cereals mo” ang sabi ko dito.
” Yes kuya” ang sabi nito at kaagad naman niya nalantakan ang breakfast nito. Inabutan ako ng kape ni Manang ganun din si Jen.
Napatingin naman ako kay Jen at ngumiti ako dito.
At bago mag alas otso ay naka sakay na kami sa loob ng fortuner.
Nasa tabi ko si Jen habang si Via naman ay nasa likuran.
” Baby, seatbelt” ang utos ni jen sa kanyang anak.
” Nakakabit na po” ang sagot nito sa kanyang mommy.
Naka dora get up si Via. Pink na tshirt at khaki colored shorts. Naka white shoes din ito.
Habang si Jen naman ay naka pink na polo shirt at pink din na short with pink shoes.
Ako naman ay sinuot ko ang regalo ni Jen sa akin pink polo shirt at white shorts. Naka white shoes din ako
“Walanghiya parang family shirt ang datingan ah” ang sabi ko sa aking sarili.
” Ready baby?” ang tanong ko kay via sabay tingin sa kanyang mommy.
” Ready na po” ang sagot ni via sa akin. Tumango naman si Jen at lumabas na kami ng parking condo.
Umiikot ako sa napakarami kalye at eskinita para lang makapasok ako ng espana blvd.
Pinagmasdan ko si Via, busy itong tinitignan ang mga dinadaanan namin. Pasimple kong hinawakan ang kamay ni Jen. Hinawakan din niya ito ng mabilis at tsaka bumitaw ulit.
Diretso lamang ang aking tinahak hanggang makarating kami ng Commonwealth Kumanan ako sa batasan road.
Kumanan muli ako sa batasan- san mateo road, at wala pang alas nuwebe y medya ay nasa parking na kami ng avilon zoo.
Bumaba ako at pinagbuksan ko ng pintuan si Jen. Pasimple itong bumulong sa akin.
” Kaya mo yan” ang sabi nito. Nagholding hands kami pababa ng sasakyan. Pasimple kong nilabas ang wallet ko at tinignan ang pera na naipon ko sa loob.
Di na kasi ako nagpapabayad kay jen dahil nahihiya ako dito.
Binuksan ko ang pintuan at para bumaba si Via.
Kinarga ko ito papunta sa entrance habang nag suot naman sunglasses niya si Jen.
Naka cap naman ako kaya binigay ko na lamang ito kay Via dahil sa mainit.
” Mam, ilan po” ang tanong ng cashier.
” 2 adults and one student please” Sabay pakita ni Jen sa id ni Via sa nursery.
Magbabayad na sana si Jen pero mabilis kong inabot ang tatlong libo. Sinuklian naman ako ng cashier at pumasok na kami.
” saan mo gusto una pumunta baby?” ang tanong jen sa kanyang anak na naka karga pa rin sa akin. Bumaba si Via at sinilip ang mga animals na nakalagay sa picture sa may entrance.
” Mommy let’s go first sa giraffe” ang sabi nito sa amin.
” Rinig mo si boss” ang sabi ni Jen sa akin at nauna naglakad ang dalawa.
Nakita naman namin ang mga giraffe at nakalagay ang kulungan nila sa mas mababa lugar.
Nakita ni Via na pinapakain ng mga bata ng carrots ang giraffe.
” Mommy gusto ko itry kaso baka kagatin ako” ang sabi nito sa kanyang mommy.
” Tara via, samahan kita” ang sabi ko dito at hinawakan ko ang kamay niya.
Inabutan kami ng staff ng dalawang stick na may carrots sa dulo.
” Ganito lang yan baby oh” ang sabi ko sabay hinawakan ko ang kamay nito na may hawak na stick.
” Takot ako” ang sabi nito sa akin.
” Wag ka matakot, dito si Kuya Juan” ang sabi ko dito at nilapit na namin ang stick sa isang giraffe na pilit itong inabot.
Kinain naman nito ang carrots sa stick at kinuha namin muli ang stick.
” Yehey!!!!! Galing!!!” ang sigaw ni Via na nagtatalon sa tuwa.
” Isa pa?” ang sabi ko dito.
” Yes please” ang sabi ng bata kaya kinuha ko pa ang isang stick na may carrots sa gilid.
Napansin ko naman na pinipicturan lamang kami ni Jen habang nakangiti din ito.
” Via, look. Picture daw sabi ni Mommy” at humarap ito sa kanyang mommy at nag smile.
Sinunod namin ang mga birds at mga orangutans.
Napakasaya ni Via habang nakasakay na ito sa akin likod dahil nagtago ang urangutan sa mataas na bahagi ng cage.
” Baby, baba ka muna. Baka napapagod na si kuya Juan” ang sabi ni Jen.
” Mommy, ang sarap kaya dito. Kita ko lahat” ang sabi ni Via sa kanyang mommy.
” Okay lang si Kuya baby, kapit ka lang maigi” ang sabi ko dito.
” Mommy look , ano yun? Is that a snake?” ang sabi ni via sabay turo sa mga kabataan na nagpapapicture sa isang python.
” Baby, let’s go na. Takot si Mommy sa snake” ang aya nito sa anak niya.
” Mommy can i have a picture there?” ang tanong ni via. Tumingin naman si Jen sa akin. Tumango na lang ako.
” Sige baby, pero mabilis lang” ang sabi nito sa anak niya.
” Tara baby” ang aya ko dito at binaba ko na siya para makapalakad ito tungo sa ahas.
Pumwesto na kami ni Via at nilagay na ang ahas sa likod namin.
” Kuya ang bigat at ang laki pala ng mga snake” ang sabi nito sa akin.
” oo, pero meron din na magaan at maliit.” ang sagot ko dito.
” Sir baka gusto niya isama si misis” ang aya sa amin ng caretaker.
” Mommy tara” ang aya sa kanya ni Via. Dahil sa ayaw niya madissappoint ang anak ay sumama na ito sa amin.
” Andito lang ako” ang bulong ko dito at hinawakan ko ang kamay nito na sobrang lamig habang nasa gitna namin si Via.
Natapos ang picture taking at kinuha namin ang mga kopya.
” Mommy, nakapikit ka” ang sabi ni Via sa kanyang mommy.
” Oo, nga jen” ang sabi ko dito.
” Pinagtulungan niyo pa ako dalawa ah” ang sabi nito at nagyaya na siya bumili muna ng snacks.
” Almost 12 noon na pala” ang sabi ko sa aking sarili. Nakita ko naman si Jen na bumibili ng tatlong hotdog at tatlong soda.
Umupo kami sa isang table sa gilid at kumain muna saglit.
Busy kumakain si Via ng pasimple kong tinext si jen.
” Sorry” ang simple text ko dito.
” Wag ka kasi magbibiro ng ganun. Alam mo naman na takot ung tao” ang napakahabang reply nito.
” Bawi ako <3″ ang reply ko dito.
” Kain ng kain Via” ang sabi ko dito.
” Yes kuya, Bili tayo toys and souvenirs please mommy?” ang pakiusap nito sa kanyang mommy.
” Finish your food first” ang sabi ni Jen sa kanyang anak.
At nang matapos kami kumain ay pumunta agad kami sa souvenir store.
Pinagmamasdan lang namin si Via na di alam kung anong souvenir ang gusto niya kunin.
Ang crocodile stuff toy ba.
Ang giraffe na laruan
O mga cute na penguin stuff toy.
” Thank you” ang sabi ni Jen sa akin. At hinawakan nito ang aking mga kamay
” kasi pinasaya mo ang anak ko” ang sabi nito.
” Masaya din naman ako sa ginagawa ko” ang sabi ko sa kanya. Hinila ko siya papunta kay Via at sinamahan ng pamimili ang bata.
Bandang huli ay kinuha din namin ang tatlong souvenir at ako syempre ang nagbayad.
Pabalik na kami sa aming sasakyan. Si Via ay hawak hawak ni Jen. Karga karga nito ang penguin na stuff toy habang nasa paper bag naman ang crocodile at ang giraffe.
” Baby san mo pa gusto pumunta?” ang tanong ni Jen sa kanyang anak ng maka upo na ito sa harapan.
” Mommy, can we go sa mall?” ang tanong ni Via.
” Pwede ba daw kuya juan?” ang tanong ni Jen sa akin.
” Sure baby, san mall?” ang tanong ko dito.
” Sa moa please, gusto ko sakay sa ferris wheel” ang sabi ni via.
” Osige pero eat muna tayo doon” ang sabi ni Jen.
” anong oras na ba?” ang tanong ko kay Jen.
” 12:45″ ang sabi nito sa akin.
Kaya lumabas na kami ng parking avilon at bumiyahe na papuntang moa.
2:30 ay nakarating na kami sa moa. Kumain kami sa vikings at siyempre pasikat ang lolo niyo. Ako na naman ang nagbayad. Ubos ang ipon ko nito.
Di bale nakaipon naman ako ng pogi points sa magina. Yun ang importante.
At alas kwatro ay naglalakad na kami patungo sa ferris wheel sa moa.
Sinabihan ako ni Jen na Maiwan na lang daw siya at nahihilo ito.
” Tara baby” ang aya ko dito.
” Si mommy po” ang tanong nito sa akin.
” Hilo daw siya eh” ang sagot ko naman dito.
Kaya kaming dalawa nalang ang sumakay sa rides.
” Baby, may sasabihin si kuya juan?”
” ano po yun?”
” Naalala mo nung tinanong mo if pwede mo ako maging daddy?” ang tanong ko dito.
” Yes po”
” Kasi si Kuya juan and mommy. Love na namin ang isa’t isa”
” Yehey congrats po. Can I call you daddy?” ang sabi ni Via.
” Ibig sabihin niyan baby, okay lang sa iyo”
” Opo, gusto ko po kita maging daddy” ang sabi nito sa akin.
Halos gusto ko na pabilisin ang ikot ng ferris wheel para makababa na kami agad.
At natapos din ang matagal kong hinihintay. Sumakay muli sa akin balikat si Via at excited kami na puntahan ang mommy niya na nakaupo sa isang bench.
” Mommy, dapat sumama ka sa amin ni Daddy” ang sabi ni Via. napatingin naman ito sa akin at parang nangungusap ang mga mata nito
” Daddy?” ang pasimple sabi nito na walang lumalabas na tunog sa kanya.ngumiti ako dito bilang sagot. Ngumiti din siya.
” Sa susunod baby” ang sabi ni Jen at hinawakan na nito ang aking kamay pumunta kami sa loob ng mall.
Naglaro pa kami sa arcades at mag alas nuwebe na kami umalis ng makalabas kami ng parking.
Buti nalang ay walang gaano trapik kaya sakto alas diyes ay nakarating na kami sa condo.
Naabutan namin si Manang ng nanood ng tv. Karga karga ko si Via at hiniga ko ito sa kanyang kwarto.
Kasunod ko si Jen na dala dala ang mga laruan na pinamili nito.
Nagpaalam si Jen na matutulog na ito kaya tumabi muna ako kay manang at nakipag kwentuhan.
” Ano success?” ang bungad nito sa akin.
” salamat nang” ang sabi ko dito at inakap ko ito.
” wala iyon iho, pangako mo lang na wag mo lolokohin at sasaktan ang mag ina ah”
” Kung hindi putol yan si Manoy mo” ang pagbabanta ni Manang sa akin.
” Makakaasa po kayo” ang sabi ko dito nagpaalam na ako at pumasok sa akin kwarto.
Ng makareceive ako ng isang text message
- Bagong Buhay 6: Bagong Araro - February 8, 2022
- Bagong Buhay 5: Bagong Daddy? - February 5, 2022
- Bagong Buhay 4: Bagong Luma - February 3, 2022