Bagong Buhay 1: Paninimula

angprobinsyano
Bagong Buhay

Written by angprobinsyano

 

Episode 1

Ang istoryang ito ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon. Kung mayroon man pagkakatulad sa tunay na tao, pangyayari o lugar ay di sinasadya.

magbigay sana kayo ng suggestion para sa mga susunod na chapter.


Sa dami man daw ng nagawa mong tama sa mundo, ang laging tatatak sa iyo ay ang isang pagkakamali na mahirap mong ibura.

Pero sabi nga, habang may buhay may pagasa.


Sa may front desk ng New Bilibid Prison compound.

” Santos, ayaw na kita makita dito sa kulungan ah” ang sabi sa akin ng isang Jail Officer.

” Yes, tata. Pero pwede ko naman po kayo dalawin dito di ba?” ang tanong ko dito.

” Pwede naman iho” sabay abot sa akin ng release papers. Tinapik naman ako nito sa balikat.

Lumakad na ako papalabas ng compound para simula ang aking mahaba habang paglalakbay para bumangon sa mapait kong kahapon.

” Wait” ang sigaw ng isang lalaki na palabas ng mga bakal na gate. Napalingon naman ako dito.

Nakauniforme ito at humahangos na lumapit sa akin.

” Santos, pinapabigay ni Hepe” sabay abot nito sa akin ng isang brown envelope.

” Salamat tata” ang sabi ko dito.

” Ingat sa biyahe” ang sabi nito sa akin.

Ako nga pala si Juan Miguel Santos, o mas kilala sa tawag na Juan.

Sa edad kung bente Tres ay nakulong na ako ng mahigit apat na taon pero nais ko na kalimutan kung ano man mapait na sinapit ko.

Lumabas na ako at sumilong muna ako sa isang malaking puno sa gilid. Sinilip ko ang laman ng envelope at kaagad ko ito nilagay sa dala dala kong maliit na duffel bag.

Nilabas ko naman ang aking wallet. May laman ito na halos sampong libo piso.

Kinita ko ito sa pagsali sa livelihood program sa loob. Gumagawa kami ng mga handicrafts doon na kung saan ay binebenta ito. At ang pinagbentahan ay binigay sa amin.

Sumakay ako ng tricycle sa may labasan at nagpahatid ako sa bayan.

Tinanong ko ang tsuper kung anong oras na , at nag sinabi nito na mag tatanghali na ay naghanap muna ako ng karenderya para kumain bago ako maghanap ng trabaho.

” Miss magkano ang isang order ng ampalaya?” ang tanong ko dito.

” 25 po ang isa” ang sagot nito sa akin.

” Isa nga tas dalawang kanin. Isang softdrinks na din” ang sabi ko dito.

Nilagay naman niya sa tray ang aking order at pumwesto ako sa sulok para makakain ako ng tahimik.

Dahil sa gutom ay halos sampong minuto lang ay ubos ko na ang aking inorder.

” Miss, hiring ba kayo? Kahit janitor, taga hugas ng plato. Kahit ano” ang tanong ko sa isang serbidora na nagligpit ng aking pinagkainan.

” Oo, hiring kami. Saglit tawagin ko ang boss namin” ang sabi nito sa akin.

Isang malaking lalaki na may malaking tiyan ang lumapit sa akin.

” Ikaw ba yun nag aapply ?” ang tanong nito sa akin.

” Opo” ang sagot ko dito.
Naging maganda ang usapan namin dahil assistant cook daw ang pwesto ko. Dahil assistant din naman ng cook sa loob ang trabaho ko.

Tatanggapin na sana nya ako ng hingan nya ako ng resume. Wala ako maipakita dahil sa sinabi ko na kalalaya ko lamang.

Pinaalis na ako ng may ari at sinabing di sya tumatanggap ng mga Kriminal.

Sumunod akong nag apply sa isang gasolinahan.

Napabilib muli ang manager sa akin dahil sa sipag at lakas ng pangangatawan ko.Pero katulad ng kanina.

Hinapan ako nito ng resume at sinabi ko muli na dati akong preso ay pinaalis ako nito na parang may nakakahawang sakit.

Nakita ko naman ang nag vulcanize sa di kalayuan. Katulad ng dalawang inaaplyan ko. Wala silang tanong sa akin kasipagan at galing.

Pero parang isang malaking karayom na tumutusok sa akin lobo ng pangarap ang bakas ng aking mapait na kahapon.

Inabot na ako ng gabi sa daan sa kakahanap ng matutuluyan, dahil sa katulad ng mga pinagtanungan ko ng trabaho

ganun din ang trato sa akin ng mga boarding house, apartment at mga motel na pinag tanungan ko.

Isang dumi sa lipunan na kahit anong ligo ay di na mawawala sa katawan mo.

Tandang tanda ko pa ang mga pang aalipusta nila sa akin.

Mga pangungutya at pandidiri ng mga mapag malinis na lipunan.

Mga taong walang ginawang mali sa buong buhay nila.

Kung ang tingin ay nakakamatay lang, kanina pa ako nakalibing sa ilalim ng lupa.

Halos mawalan na ako ng pag asa at tumutulo na ang luha ko sa aking mga mata.

Andito ako ngayon nakasandal sa isang malaking puno sa gilid ng daan.

Nasa madilim na bahagi ako ng kalsada. Tanging ilaw lamang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa akin.

Ayaw kong makita pa ako ng mga taong sinasabi nilang mga edukado pero walang alam sa dinanas ng mga katulad ko.

Mga mayayaman na hirap na hirap umitindi sa aming mga pilit nagbabago.

Mga taong malinis pero walang kasing dumi ang mga puso.

” Boom!” ang isang malakas na pagsabog ang aking narinig.

At nakita ko ang isang fortuner na nasabugan ata ng gulong dahil umaalog ang takbo nito kasabay ang tunog ng rim ng gulong nito na sumasayad sa daan.

” Blag! Blag ! Blag ! Blag! Blag!” ang tunog nito habang huminto ito sa gilid ng daan.

Kaagad ko nilapitan ang sasakyan.

” Ayos lang po ba kayo?” ang tanong ko sa driver side.

Binaba naman niya ang bintana. Napako ang tingin sa driver ng sasakyan.

Isang napaka gandang binibini. Mahaba ang blonde nitong buhok. May maliliit din itong nunal sa mukha na kasing laki lang ng pores mo.

” Naflatan ako kuya. Kaso di ako marunong magpalit ng gulong” ang sabi sa akin ng babae.

” May gamit po ba kayo?” ang tanong ko dito.

” Teka teka, asa likod” at binuksan nito ang pintuan niya.

Naka white shirt lang ang babae at maikling maong shorts na above the knees. Nakaheels din ito kaya muntikan siya matumba kababa niya.

Buti at nahawakan ko ang isang kamay nito.

” Salamat kuya” ang sabi nito sa akin at pumunta kami sa likuran ng sasakyan para ibaba ang gamit at ang spare nitong gulong.

Flat ang driver side nito kaya binaba ko muna ang dala kong bag. Pinwesto ko ang jack malapit sa harapan na gulong.

Medyo hirap ako kaya sinabihan ko ito.

” Miss, pwede po ba pailawan” ang sabi ko dito.

” Ay sorry” ang sagot nito sa akin at sinindihan niya ang ilaw ng phone niya

” Yan, thank you ” ang sabi ko at agad ko naman na sentro ang jack nito.

Tinaas ko ang jack at sinimulan ko na luwagan ang screw ng gulong niya.

Pinalitan ko na ang gulong ng sasakyan at nilagay ko na ito sa likuran kasama ang mga gamit. Ng bigla mamatay ang ilaw ng babae.

” Wag ka gagalaw” ang sabi ng isang lalaki sa aking likuran. Naramdaman ko ang init ng nguso ng baril niya.

” Sumunod ka lang” ang utos nito sa akin at pinalakad niya ako tungo sa harapan ng sasakyan na kung saan nakita ko ang babae na tinulungan ko.

Nakasandal ito sa hood ng kotse niya habang nakatutok ang baril ng isa pang lalaki sa kanya.

” Miss, asan na ung mga jewelries mo” ang tanong ng lalaki sa likuran niya.

” wala akong alam sa sinasabi niyo” ang sagot ng babae.

” Edi patayin na lang namin ang anak mo” ang sabi ng lalaki at isa pang lalaki ang lumabas at dala dala nito ang isang batang babae na tulog na tulog.

” Huwag, wala talaga ako alam” ang sigaw ng babae.

” Edi patayin na lang talaga namin ito” ang sabi ng lalaki na karga karga ang banda. Tinutok nito ang pistol na hawak niya sa ulo ng bata.

” Alam ko kung asan ang sinasabi niyo” ang lakas loob kong sabi.

” Ayun, alam naman pala ni kuya eh” ang sabi ng lalaki nakatutok sa babae.

” Asan?” ang tanong sa akin ng lalaki na nakatutok sa akin.

” Nasa bag ko, kukunin ko” ang sabi ko at dahan dahan akong lumapit sa harapan ng sasakyan na kung saan nandun ang duffel bag ko.

” Sige kunin at subukan mo gumawa ng kalokohan kung hindi patay ang dalawang ito” ang sigaw ng lalaki na nakatutok sa babae.

Binuksan ko ang bag ko at kunwari may hinahanap. Naghihintay ng tamang tyempo.

Dumating na ang hinihintay ko pagkakataon. Bigla kong hinila ang paa ng lalaki na nakatutok sa akin.

Napasubsob ito nalaglag ang baril niya. Bago pa makareact ang dalawa nitong kasama ay isang sweeping kick na pinakawalan ko sa lalaki na naka tuktok sa babae.

Napasubsub ito at kaagad naman na siniko din siya ng babae sa tiyan na ikinatumba nito sa kalsada.

Tatayo sana ang nakadapa pero pinuntukan ko ito sa ulo.

Ang lalaki naman na bitbit ang anak ng babae ay binaba na lamang nito sa sahig ang dala at tumakbo na ito sa isang motor na nakaparada sa harap.

Pinutukan ko ito at tumba agad siya. Sakto sa ulo ang tama nito.

Bumalik ako at nakita ko naman na tumawag na ng pulis ang babae. Wala pang sampong minuto ay dumating na ang mga pulis na tinawag nito.

” Taas ang kamay” ang sigaw ng isa.

” Baba mo yan hawak mo” ang utos niya sa akin.

Hinagis ko naman ang baril na hawak ko. Akmang poposasan na ako ng mga pulis na lumabas ang babae mula sa loob ng fortuner.

” Mamang pulis, siya tumulong sa akin” ang sabi nito.

” Sorry boss” ang sabi naman nito sa akin.

” ayos lang po” ang sabi ko sa kanila.

Tinanong ng pulis ang babae at kinwento niya ang mga pangyayari.

Tinapik ako sa balikat ng pulis at sinabi na good job.

Niyaya kami ng police sa station nila para daw makapagsampa ng kaso.

” Mauna na kayo mga sir, susunod po kami” ang sabi ng babae sa kanila.

Nandun na din ang soco at dadalhin na nila ang nag iisang buhay na suspect.

” Siya nga pala salamat. Ay andami na natin pinagsamahan. Di ko pa alam name mo” ang sabi ng babae.

” Juan na lang po” ang pakilala ko dito.

” Jen” ang sabi nito sabay abot sa kamay nito.

” Jen” sabay abot kamay nito.

” Kuya, marunong ka ba mag drive?” ang tanong nito sa akin.

” opo” ang sabi ko dito.

” pwede ba ikaw na mag drive hanggang sa station ng pulis” ang sabi nito sa akin.

” Sige po” ang sagot ko dito. Umikot naman siya sa kabila at sumakay.

Sumakay na din ako at nagsimula kami mag drive tungo sa station ng Police.

” Juan, siya nga pala sinakay ko na din ang bag mo sa likod kanina”‘ ang sabi nito sabay turo sa duffel bag ko na nasa tabi ng batang babae.

” Anak mo?” ang tanong ko sa kanya.

” Oo, siya si Via, 5 years old na” ang sabi nito sa akin.

” Bat ka pala hinoldap ng mga yun?” ang tanong ko dito.

” Dealer kasi ako ng alahas at nagbebenta ako ng lupa. Kakakuha ko lang ng mga alahas. Siguro nasundan nila ako” ang sabi nito sa akin.

” Salamat nalang talaga at nasa paligid ka. Kung hindi patay na kami ng anak ko” ang pagpapatuloy nito.

” Wala po yun” ang sabi ko dito.

” Kanina ka pa po ng po. 30 years old pa lang ako. Ikaw ba?” ang sabi nito sa akin

” 23 pa lang ako ” ang sabi ko dito.

” wag ka na mag po, nagmumukha ako matanda eh. Jen na lang pls” ang pakiusap nito.

” Okay Jen” ang sagot ko dito.

” Teka, andami muna alam sa akin. Eh ikaw ano ginagawa mo doon?” ang tanong nito sa akin.

Kinwento ko sa kanya ang lahat mula sa paglaya ko hanggang sa mga pag aalipusta sa akin ng mga ibang tao.

” may mga tao talaga na mapag mata sa kapwa” ang sabi nito sa akin.

At dumating na kami sa stasyon pulis.

Nag file na siya ng reklamo at lumabas na kami. Sumama ako dito para kuhanin lang sana ang gamit ko ng magsalita ito muli.

” Kuya gusto mo ba maging driver ko?” ang tanong nito sa akin

angprobinsyano
Latest posts by angprobinsyano (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories