Written by angel.in.distress
PS: Pasensiya for the late update. I planned not to continue this series anymore ats I decided to leave this site already but I owe everything to those who supported me in this series.
Umuwi si Bernard sa kanyang tinutuluyang hotel.
Palaisipan pa din sa kanya si Angelina.
Kasi hindi siya maaaring magkamali. Angelina man ang pangalan nito pero sigurado siyang ang babaeng kaharap niya ay si Angelika.
Pero paano ang lahat lahat?
Kung siya man si Angelika, paano siya nakaligtas sa pagsabog?
Sino ang nagdala sa kanya dito sa Baguio?
Bakit wala siyang maalala?
Bakit nag-iisa siya?
Sino ang tumutulong sa kanya?
Marami mang katanungan ang tumatakbo sa isip niya ay kailangan niyang magpahinga.
Bago siya uuwi bukas ay dadaanan muna niya ang dalaga. Nakalimutan niyang kunin ang contact number nito.
Kinabukasan, maaga siyang nag ayos at pumunta kina Angelina.
Nagtataka man ang babae ay ibinigay niya ang Hangouts account niya.
Agad na lumuwas ng Maynila si Bernard at nangako sa babaeng babalikan niya ito.
Lagpas alas dose na ng makarating siya ng Maynila kaya kumain muna siya bago uuwi.
Pagkauwi sa condo, naabutan niyang nakatulog ang yaya sa kuwarto ng anak niya.
Napalunok siya dahil nakalilis ang palda ng yaya. Kitang kita niya ang mapuputing hita ng yaya.
Aminin man niya o hindi, tinigasan siya sa nakatambad sa harapan niya.
Biglang nagising ang yaya.
“Sir, kayo pala. Pasensiya na po at nakatulog na ako dito sa kuwarto ni Benedict. Napagod kasi ako sa pag aayos ng mga gamit ng bata dahil utos ni Maam Carla.” Pupungas pungas na sagot ng yaya.
“Okay lang, walang problema.” Sambit ni Bernard sabay alis ng tingin sa magagandang hita ng yaya.
Medyo napangiti naman ang yaya nang makita kung saan nakatutok ang mata ng kanyang amo.
May hatid na kilig yun sa puso niya kahit papaano.
Sa tatlong taon niyang paninilbihan doon ay hindi niya maipagkakailang guwapo ang ama ng kanyang inaalagaan.
Napawi ang ngiti niya nang muling magsalita ang kanyang amo.
“Si Benedict, asan?”
“Di pa sila umuwi simula kahapon sir.” Si yaya.
“Bakit di ka man lang tumawag?” May bigat na ang boses ni Bernard.
“Pasensiya na po sir kung nakalimutan kong sabihin.” Yumuko ang yaya. Pagkayuko ng yaya, ngumiti siya ng pasikreto.
Biglang may bumusina sa labas. Napatango ang yaya. “Baka sila na yan sir. Salubungin ko na muna sila.”
Umalis agad ang yaya at hindi man lang siya inantay na magsalita. Pagagalitan sana niya ito kaso nagmamadaling lumabas.
Tama nga ang yaya. Dumating na ang kaniyang mag-ina.
Sinalubong niya ang mga ito. “Saan ba kayo galing Carla?” Kunot noo nitong tanong.
“Dumaan kami sa bahay kasi miss na daw ni mama ang apo niya. Doon na niya kami pinatulog kahit isang gabi lang daw tutal nasa Baguio ka naman. Nga pala, may pasalubong ba kami ng anak mo darling?” Mahabang paliwanag ni Carla habang kinuha naman ng yaya si Benedict at diretso sa kuwarto.
“Pasensiya na at nagmamadali akong umuwi. Namiss ko kasi ang bata.” Paumanhin ni Bernard.
“Magpahinga na muna ako darling. Pagod kami sa biyahe. Madaming pinamili si mama na bigay sa amin ni Benedict.” Si Carla.
“Ah sige. Kailangan ko na ding magpahinga pero sasaglit lang ako sa office room. May ichecheck lang akong file para sa Baguio Branch. May malaking problema dun.” Sambit ni Bernard.
Kinagabihan…
Kasalukuyang nasa terasa si Bernard. Malalim ang iniisip.
Kung dati ay puro iyak ang ginagawa niya sa terasang iyon, kakaiba ngayong gabi kasi nahulog siya sa malalim na pag iisip.
Madaming bumabagabag sa kanya.
Madaming gumugulo sa utak niya.
“Angelina, sino ka ba talaga? Ikaw ba talaga si Angelika? Kung hindi, bakit mo siya kamukha?” sigaw ng kanyang isip.
Hawak hawak niya ang kanyang ulo. Animo’y gusto ng sumabog ng kanyang isip.
Sa di kalayuan, tulad ng dati, isang pares na naman ng mga mata ang nakasubaybay.
“Anong pakiramdam mo Bernard ngayong binabalikan ka na ng nakaraan?” Sabi nito sa sarili.
“Hindi pa nagsisimula ang lahat Bernard pero gulong gulo ka na ah.”
“Tandaan mo ito Bernard, pag nagsimula ang lahat, siguradong walang wala ka ng kawala.”
Umatras na siya. Sapat na ang kanyang nakita.
Pero pag-atras niya, biglang natumba ang isang nakatayong kahoy na malaki doon sa may tabi dahil naatrasan niya.
Nabigla siya at napatingala sa may terasa.
Napatitig siya kay Bernard.
Nasa magulo siyang pag-iisip nang makarinig si Bernard ng parang may natumbang kahoy sa may tapat ng condo niya.
Agad siyang tumingin sa may baba.
Napakunot noo siya nang may makita siyang nakatayong tao dun.
Halos di na niya maaninag ang tao pero dahil sa konting liwanag na tumatama sa mukha nito, alam niyang nakatitig ito sa kanya.
Bigla siyang tumayo at mas dumungaw sa terasa.
Bigla namang naglakad at umalis papalayo ang taong iyon, nagmamadali ang bawat hakbang.
Mas nadagdagan na naman ang kanyang pag-iisip.
“Kung ganun, may sumusubaybay sa akin dito.”
Agad siyang pumasok sa kuwarto at nahiga sa tabi ni Carla na sa mga oras na iyon ay mahimbing ng natutulog.
KINABUKASAN…
Late na siya nagising.
Pagkagising niya, wala na dun si Carla. Pumasok na ito sa opisina at ang anak niya ay masayang naglalaro kasama ang kanyang yaya.
Naisip ni Bernard na makakapag isip siya ng mabuti sa mga bagay bagay na bumabagabag sa kanya sa mga nakalipas na araw.
Tinawagan niya si Angelina through Hangouts.
Kahit papaano ay naibsan ang kanyang pag iisip.
Bernard: Good morning Angel.
Angelina: Good morning Bernard. Napatawag ka?
Bernard: Gusto lang kita kumustahin.
Angelina: Okay lang naman ako dito.
Bernard: Pasensiya ka na at di ako nakatawag sayo nung makauwi ako.
Angelina: Okay lang, importante nakauwi ka ng maayos.
Bernard: Anong ginagawa mo jan Angel?
Angelina: Nagmemeryenda ako, Halika. (Pinakita niya ang mga nakahain sa maliit na mesa. May kiwi juice at sandwich.)
Bigla-bigla, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang sekretarya.
Bernard: Wait lang Angel. Tumatawag ang aking sekretarya.
Bernard: Tawagan kita ulit maya maya.
Angelina: Sige Bernard.
Agad na pinatay ni Bernard ang videocall niya kay Angelina at sinagot naman ang tawag mula sa sekretarya niya.
Secretary: Good morning sir. Kailangan mong pumasok ngayon. May mga lawyers na andito ngayon.
Bernard: Anjan naman si Carla, Miss Fabregas. Ano pa bang problema?
Secretary: Yun na nga ang problema sir. May umaangkin na ng kumpanya dahil ipinagbili daw ni Maam Carla.
Bernard: Whaaat!?!?! Sige pupunta na ako jan.
Secretary: Sige sir.
Agad na nagbihis si Bernard.
Hindi pa niya natatapos ang tungkol sa kung sino ang nagpadala ng mga tegalo, sa katauhan ni Angelina at ang taong nagmamanman sa kanya kagabi, meron na namang panibago.
SA OPISINA…
Agad hinarap ni Bernard ang tatlong bisita.
“Magandang araw, anong maipaglilingkod ko?” Bungad ni Bernard.
“Andito kami para i-take over na ang kumpanya mo Mr. Rodriguez.” Sagot ng isang lawyer.
“Anong take over? Sa akin ang kumpanyang ito. Ako ang nagmamay-ari.” Paliwanag ni Bernard.
“Mr. Bernard, hindi ba naikuwento sayo ni Mrs. Carla Rodriguez na binenta niya ang lahat ng shares ng kumpanyang ito dahil nalulugi na?” Sagot naman ng isang lawyer.
“Paanong nangyari yun??” Nabigla si Bernard.
Bumaling si Bernard sa kanyang sekretarya. “Miss Fabregas, tawagin mo si Carla. Kailangan siya dito.”
“Yes sir.” Agad na pinuntahan ng secretary si Carla.
Bumaling muli si Bernard sa mga kausap. Hindi siya mapakali sa kung anong problemang pinasok ni Carla.
“Pasensiya na kasi wala akong alam sa ginawa ni Carla.” Paumanhin ni Bernard.
Sa mga oras na iyon, hindi siya makapag-isip ng maayos. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
“Ganito na lang Mr. Rodriguez, tawagin ko na lang ang may-ari ng kumpanya na nakabili ng kumpanya mo.” Suhestyon ng isang abogado.
Eksakto namang dumating si Carla. Sigurado siyang galit sa kanya si Bernard.
“Carla, ano itong sinasabi nila na binenta mo ang kumpanya?” Kunot noong tanong ni Bernard.
“Lugi na kasi ang kumpanya Bernard.” Nanginginig ang boses ni Carla. “Ilang beses akong nag-ooen sayo tungkol dito pero lagi kang wala sa sarili.”
“Sino ang nakabili ng kumpanya?” Tanong ni Bernard.
“FAN Group of Companies Bernard.” Sagot ni Carla.
“FAN?? Yung bagong kumpanya sa tapat natin?” Muling tanong ni Bernard.
“Yes Bernard. Ung may-ari ay nasa America pero ung CEO ang nakausap ko, si Mr. Romualdez.” Paliwanag ni Carla.
“Hindi bat dalawang taon pa lang yan??”
“Oo pero madami na siyang ibang kumpanya na hawak Bernz. Kaya nakakasiguro akong nasa mabuting kamay ang kumpanya at may terms naman na ikaw pa din ang mananatiling CEO ng kumpanyang ito.”
Sumabat ang isang lawyer. “Excuse me Mr. Ridriguez anjan na ang may-ari ng FAN Group of Companies…”
“Ikaw??????!!!!!!!!” Napasigaw at napatayo si Carla nang makita ang paparating na may-ari ng kumpanya.
“Surprise…!” Nakangiti, sopistikadang sopistikada sa kanyang suot ang babaeng dumating.
“Whattt??” Natulala din si Bernard.
“Oh Hello there my dear Bernard. Mukhang nakakita ka ng MULTO.” Baling nito kay Bernard. May diin ang pagkakasabi nito sa huling salita.
“Pero paanong nangyari??.” Napanganga si Bernard.
Namangha siya sa ganda ng babaeng kaharap niya. Animo’y nakaharap siya ngayon sa isang anghel na nagmula sa langit.
Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa mukha nito lalo pa at nakangiti ito.
“Bakit andito ka??” Takang tanong ni Carla.
Mahihinuha sa boses niya ang nginig at takot.
“Oh well, andito ako para kunin na ang kumpanyang ito.” Buong kumpiyansang pahayag ng babae.
“At sino ka para kunin ang kumpanyang ito aber?? FAN Group of Companies ang nakabili nito.” Sabad ni Carla.
“Which stands for “FELICIANO ANGELIKA NAVARRO Group of Companies.”
“Hindi maaari!!” Sigaw ni Carla.
Ngumiti ng pagkatamis tamis ang babae kay Carla ay bumaling din kay Bernard.
Saka biglang nagsalita. “Ako si ANGELIKA FELICIANO at handa na akong maningil…”
ITUTULOY
- Beautiful In White - June 30, 2021
- Angel In Distress 2.0 (Pre-finale) - September 25, 2020
- Angel In Distress 2.0 (Road To Finale) - September 25, 2020