Written by angel.in.distress
THREE YEARS AFTER…
LUNES
.
“Aahhh ahhh fuckkkk ansarap Bernard, unghhhh unghhhh unghhh..”
Todo kanyod at giling si Carla habang nakapatong siya sa ibabaw ni Bernard.
Sarap na sarap si Carla habang labas masok ang matabang burat ni Bernard dahil sa pagkanyod na ginagawa niya sa ibabaw ng lalaki na mas lalong nagpabasa at nagpadulas sa hiyas niya.
Tanging mahihinang ungol lamang ang lumalabas sa mga bibig ni Bernard.
Alas singko ng umaga iyon at libog na libog si Carla sa pagkabayo sa burat ni Bernard na sa mga oras na iyon ay nagmamadali na siyang labasan dahil may flight pa siya ng 8am.
“Bernard aaahhh ahhhh malapit na akoooohhhh ohhh…” Mas nilamas pa ni Carla ang dalawang susong umaalog alog kasabay ng paglapirot sa mga tayong tayong mga utong nito.
“Bernard ayan na akoooooo unghhhhhhh.”
“Ughhhh…” At tuluyang nilabasan na din ang lalaki.
Agad ng tumayo ang babae. Tumakbo agad sa shower.
Katatapos lang nila magsex ni Carla ay nakatulala na naman si Bernard habang nakatitig sa kisame.
Ni hindi na nga niya naihatid si Carla sa airport para business trip nito sa Cebu.
Sa kanyang pagkakahiga, naaalala na naman niya ang nakaraan. Bumalik sa kaniyang alaala ang pait ng kahapon.
Sa nakalipas na tatlong taong wala na si Angelika, mahal na mahal pa din niya ito.
Tumulo ang kanyang luha.
Hindi nabago ng tatlong taong nakalipas na iyon ang pagmamahal sa dalaga at patuloy na bumabalik sa kanya ang mga panahong naging masaya silang dalawa.
Sino ba naman ang hindi mabibighani sa gandang taglay ng isang Angelika Feliciano na tila isang anghel na bumaba mula sa langit?
At ito ang naging hadlang para ipagpatuloy ang planong paghihiganti.
Hindi niya inaasahan ang gandang taglay nito na siyang magpapabilis ng tibok ng kanyang matigas na puso.
Lumaki siyang punong puno ng galit. Lumaki siyang punong puno ng poot. Lumaki siyang ang tanging nasa puso ay paghihiganti.
ALEJANDRO FELICIANO
ANGELIKA FELICIANO
Dalawang pangalang inukit niya sa kanyang puso’t isipan na sa pagdating ng panahon ay maniningil siya ng kabayaran dahil sa malagim na sinapit ng kanyang ina.
Dalawang pangalan na humubog sa kanyang pagkatao upang hanapin ang hustisyang sa kamay niya hahagilapin.
Dalawang pangalan na animo’y batingaw na nagpapaalala sa madilim na kahapon na siyang nagwasak sa isang simpleng pamilya.
Dalawang pangalan na sumubok ng kanyang katatagan upang harapin ang madilim na daan susubok para sa kinabukasan.
Pero lahat ay nagbago.
Lahat ay nag iba.
Lahat ay nalusaw na parang yelo.
Lahat ay tinangay ng hangin.
Lahat ay naglaho pagkakita sa maamong mukha ng dalaga.
Sa unang pagkakataon ay tumibok ang kanyang matigas na puso.
Sa hinaba haba ng panahon, ngayon lang parang lumiwanag ang kanyang mundo.
Parang nag iba ang ihip ng hangin.
Sa pagdaan ng araw, pinag-aralan niya ang galaw ng dalaga para kanyang planong paghihiganti.
Pero kasabay sa pagdaan ng mga araw na iyon, umusbong ang kakaibang damdamin.
Pinilit sikilin maitago lang ang panibagong damdamin.
Pero magpaglaro ang tadhana. Ang pusong singtigas ng bato na sinubok ng panahon, ay lulukubin ng pag-ibig.
Sa pagpatak ng mga luha ni Bernard, sumilay ang ngiti.
Muling naalala ang mga masasayang panahong pinagsaluhan.
Ang mga araw na kung saan masaya silang naghahabulan sa tabi ng dagat.
Ang mga araw na kung saan sila ay pagod na pagod na sa pag akyat sa bundok pero sulit na sulit naman pagdating sa tuktok.
Ang mga araw na masaya niyang sinusundo ang dalaga mula sa eskwelahan.
Ang mga araw na kung saan masaya silang kumakain na kahit simpleng restaurant lamang.
Ang mga araw na sabay silang maliligo sa ulan.
Muling sumilay ang mga ngiti sa labi.
Ang mga gabing malayang pinagsaluhan ang sarap ng pagmamahalan.
Ang mga gabing malayang nakaakap ang dalaga sa kanyang matipunong katawan.
Ang mga gabing malayang nakaakap ang kanyang mga braso sa hubad na katawan ng babaeng minamahal.
Pero sa kabila ng pag usbong ng magmamahal mula sa puso, lahat ay nagbago.
Pinikit ni Bernard ang kanyang mata at pilit iwinawaksi ang masakit na alaala.
Ang araw na kung saan nakita niyang sinundo ni Alejandro Feliciano ang anak na si Angelika.
Ang araw na ang ama ng minamahal ay nasilayan at muling bumalik ang sakit ng nakaraan.
Ang araw na muling nagbalik ang poot, pait at galit.
Tinakpan ni Bernard ang kanyang mukha.
“Patawarin mo ko Angelika…” Muli itong humagulgol.
Paano nga ba niya makakalimutan ang araw na nilaspatangan niya ang babaeng mahal niya sa harap ng kanyang ama?
Paano nga ba niya makakalimutan ang araw na kung saan umiiyak ang dalaga sa korte kasabay ng pagkamatay ng kanyang ama?
Paano nga ba niya makakalimutan ang araw na kung saan ay nahatulan ang anghel sa buhay niya?
“Angelika, mahal na mahal kita..” Nasambit ng lalaki kahit nakatakip pa din ang sa mukha ang dalawang palad niya.
Pero nang bumalik ang alaala ng gabing dumalaw ang warden.
Ang gabing iyon nang mabanggit ng warden na nahihilo at nagsusuka si Angelika.
Ang araw na kung saan nalamang buntis ang babaeng minamahal niya.
Handa na siyang itama ang lahat.
Handa na siyang akuin ang lahat.
Muling humagulgol si Bernard.
“Anak ko, patawarin mo ko…”
Ang araw na kung saan handa na siyang harapin ang lahat.
Ang araw na kung saan handa na siyang baguhin ang lahat.
Pero ito pala ang araw na mawawala na ang lahat.
Pero ito pala ang araw na huli na ang lahat.
“Angelika huhuhu… anak ko huhuhu… patawarin nyo ako… Napakasama kong tao..” Patuloy lang sa pag iyak si Bernard.
Tumunog ang alarm clock.
Alas sais y media na pala. Isa’t kalahating oras na pala siyang umiiyak.
Lunes ngayon, kailangan niyang pumasok sa opisina.
Agad na tumayo sa kama at pinuntahan ang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang sariling kuwarto.
Wala doon ang yaya ng bata. Malamang ay naghahanda ng mga gamit ng bata para sa araw na iyon.
Matamang tinignan ang bata. Bumalik sa alaala niya kung paano siya nalugmok nung mawala ang kanyang mag ina.
Walang araw o gabi na siya ay hindi lasing.
Pilit na nilulunod ang sarili sa alak para lang makalimot sa pait ng pagpanaw ng dalawang taong nagpabago sa kanyang buhay.
Kulang na isang taon siyang nalulong sa alak.
Pero sa mga panahong iyon, hindi siya iniwan ni Carla.
Si Carla na umalalay sa kanya.
Si Carla na laging andun sa tabi niya.
Si Carla na tumingin sa negosyong napabayaan niya.
Si Carla na hindi sumuko sa kanya.
At sa isang gabing nakalimot ang dalawa sa mundo ng kalungkutan, pinagsaluhan ang init ng mga katawan.
Dito nabuo ang batang si Carl Benedict.
Ang batang muling nagbigay ng panibagong ngiti sa labi ni Bernard.
Ang batang muling nagparamdam kay Bernard na ang buhay ay dapat magpatuloy.
Ngunit hindi niya magawang mahalin ang dalaga.
Hindi niya magawang pakasalan ang dalaga.
Ngunit naging mapagbigay si Carla.
Si Carla na umaasa na balang araw ay matututunan siyang mahalin.
Si Carla nq umaasa na balang araw ay matututunan siyang tanggapin.
Si Carla na ginagawa ang lahat para kay Bernard at Carl Benedict.
Pero sa kabila ng pagdating ng batang iyon, umuukilkil pa din ang tunay na pagmamahal sa mag-inang nawala.
Pagmamahal sa mag inang nawala na hindi maibigay sa mag-inang nasa harapan na niya sa kasalukuyan.
Pinunas niya ang kanyang mga luha.
Iniwan niya ang batang mahimbing na natutulog.
Naligo at nagbihis.
Ang anak, inihabilin.
SA KANYANG OPISINA,
Abalang abala si Bernard sa pagpirma ng mga papeles para sa bagong kontrata nang makarinig siya ng tatlong katok.
“Pasok.”
Bumukas ang pintuan. Pumasok ang kaniyang sekretaryang may edad na dala dala ang isang puting regalo na may taling pulang laso.
“Kanino galing?” Tanong ni Bernard.
“Ipinaabot lang ng guwardiya sir. Meron daw isang batang babae ang nag-abot at sinabi ang pangalan mo sir. Ibigay daw sayo.” sagot ng sekretarya.
“Salamat. Sige ilagay mo na lang diyan sa may gilid ng mesa at makakaalis ka na…” Tugon ni Bernard.
Muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa pero maya’t maya ay napapalingon siya sa regalong dala ng sekretarya niya.
“Malayo pa ang Christmas ah.” Sa isip ni Bernard.
Hindi na siya makapagconcentrate sa ginagawa dahil sa regalong iyon kaya naman itinabi niya ang mga iyon at agad na inabot ang regalo.
Kinalas niya ang ribbon nito at biglang bumukas ang regalo.
Napakunot noo siya sa laman ng regalo.
Isang itim na miniature na tulay na kawangis ng pamosong tulay sa Amerika.
Sa ilalim ng itim na tulay ay isang itim na pang-ahit.
Sa harapan ay may nakasulat na note:
RAZOR UNDER BRIDGE
JOEL DEAN, CALIFORNIA
Mas lalong kumunot ang kanyang noo.
Natuon ang kanyang tingin sa pangalang nakasulat.
JOEL DEAN, CALIFORNIA
“Siya kaya ang nagpadala nito? Pero sino siya?” Dalawang tanong na umuukopa sa kanyang isip.
Muling tinitigan ang itim na tulay at itim na pang-ahit ng balbas.
RAZOR UNDER BRIDGE
“Oo, literal na ang itim na pang ahit ay nasa ilalim ng itim na tulay. Pero anong koneksyon ng dalawa?” Mas lalong binabagabag ang isip ni Bernardo.
Tinawagan niya ang isa sa mga pinagkakatiwalaang imbestigador.
“Hello Mr. Montemayor.”
“Hello Mr. Rodriguez. Napatawag ka?”
“May natanggap akong regalo at may nakalagay na Joel Dean, California.”
“Kilala mo ba yan sir?”
“Hindi eh. Kaya yan ang paiimbestigahan ko.”
“Wala bang nakalagay na sender ng regalo sir?”
“Wala eh. May nag-abot lang sa guard kanina.”
“Ah sige sir. Ako ng bahala. Tatawagan kita sir pag may update.”
“Maraming salamat Mr. Montemayor.”
“Walang anuman sir.”
Natapos ang araw na iyon ni Bernard na tuliro ang isip.
Hindi niya maalis sa utak niya ang regalong iyon.
Pag-uwi sa bahay ay agad niyang inasikaso ang kanyang anak.
Wala si Carla dahil nasa business trip ito sa Cebu at mawawala iyon ng ilang araw.
Handa na siyang matulog nang may dinukot siya sa drawer sa tabi ng kama niya.
Muling tinitigan ang kuwintas na iyon.
Isang gintong kuwintas na may pendant na krus.
Ang kuwintas na tanging alaala ni Angelika.
Pinakatatago tago niya ito dahil lahat ng mga gamit at alaala ni Angelika ay pinatanggal ni Carla.
Lahat ng mga gamit sa condo unit na iyon ay pinapalitan niya. Ultimong pintura ay pinasadya niyang papalitan.
Pero ang kuwintas na iyon. Ang tanging kuwintas na iyon ang nag-iisang nag uugnay sa kanila ni Angelika.
Habang tangan ang kuwintas na iyon, unti unti niya itong inilapit sa labi niya at pikit matang hinalikan ito.
“Mahal na mahal kita Angelika. Patawarin mo ko.”
Muling dinampian ng halik ang palawit na krus.
“Mahal na mahal din kita anak ko. Sana mapatawad mo din ako.” Lumandas ang ilang butil ng luha ni Bernard.
Muling hinagkan ang kuwintas saka ibinalik ito sa tagong lalagyan.
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.
MARTES.
Kinaumagahan, maaga na naman siyang pumasok sa opisina para tapusin ang mga trabahong hindi niya natapos kahapon nang sa ganumln ay kahit hindi na siya papasok sa mga susunod na araw.
Patapos na siya sa kanyang mga ginagawa ng kumatok ang sekretarya niya.
“Pasok.”
“Sir, pasensiya na…” Hindi na natapos ang sekretarya sa pagsasalita nang magsalita muli si Bernard.
“Di ba sinabi ko naman sayo Miss Fabregas na hindi ako pwedeng abalahin hanggang lunch dahil madami akong kailangang tapusin.”
“Pero sir, sabi ng guard, dapat maiabot ko daw ito sayo bago pananghalian.” Nahihiyang paliwanag ng sekretarya na kahit may edad na ay single pa din.
Sa lahat ng mga naging sekretarya ni Bernard simula ng mawala si Angelika ay ito lang ang tumagal sa kanya.
“Gaano ba kaimportante yan?”
“Hindi ko po alam sir. Ito po. Bilin daw kasi ng batang lalaki na nag-abot na ikaw lang daw dapat ang makakita ng regalong iyan sir.”
“Sige iwan mo na jan.”
“Sige sir. salamat. aalis na po ako.”
Agarang tinapos ni Bernard ang mga paperworks saka muling binalingan ang regalo.
Napatitig siya sa regalo sa harap niya. isang itim na box na may puting laso.
Hinila niya ang laso at agarang nabuksan ang regalo:
Isang miniature angel na may itim na itim na pakpak.
Sa may paanan ng itim na anghel ay may nakasulat na note:
GIAN LAKE, A LIFE ICON
Napakunot noo siya. “Gian lake, sino na naman ito…?”
Bumaling ang tingin niya sa may ibabaw ng file cabinet sa kanan niya. Andun ang itim na tulay at itim na pang ahit.
“Kahapon ay Joel Dean. Ngayon naman ay Gian Lake. Sino kayo???”
Balisang muling tumingin si Bernard sa itim na anghel. Pinakatitigan ang estatwang iyon upang hagilapin ang sagot.
Pero ilang minuto na siyang nakatitig doon ay wala siyang nakuhang sagot.
Muli niyang tinawagan ang kanyang private investigator.
“Mr. Montemayor kumusta ang pinaiimbestigahan ko?”
“Pasensiya na sir, wala pang update. Pero kumikilos na ang mga tao ko.”
“Salamat kung ganun Mr. Montemayor.”
“Walang anuman sir.”
“Siya nga pala Mr. Montemayor, muli akong natanggap ng regalo at may nakalagay na Gian Lake.”
“Sige sir, isasama ko na yan sa mga iimbestigahan.”
“Sige salamat.” Agad na pinatay ni Bernard ang tawag.
Kinuha niya ang itim na anghel at itinabi sa unang regalong natanggap niya at dali daling umalis ng opisina.
Nabilin na niya lahat ng kanyang mga empleyado kaya naman pwede na siyang hindi pumasok sa mga susunod na araw.
MIYERKULES,
Kasalukuyan siyang tumutungga ng alak sa kanyang kuwarto ng narinig niyang tumatawag ang kaniyang investigator.
“Magandang hapon sir Bernard.”
“Magandang hapon Mr. Montemayor, napatawag ka?”
“Sir batay sa pag-iimbestiga ng mga tauhan ko, walang existing persons na Joel Dean at Gian Lake.”
“Ha? pero yun naman ang nakasulat sa mga regalong ibinigay sa akin.”
“Sir, pwede ko bang makita ang mga regalo at notes?”
“Nasa opisina ang mga iyon. Ganito na lang, puntahan mo bukas ang mga iyon. Hanapin mo ang sekretarya kong si Miss Fabregas at nasa kanya ang susi ng office ko.”
“Sige sir, maraming salamat.”
Mas lalong naguluhan si Bernard. “Kung wala ang mga taong iyon, anong meron sa mga regalong iyon?”
HUWEBES.
“Jenny, ano bang tinitignan mo jan?” Sita ni James Montemayor kay Jenny Advincula na kung ano ano ang kinakalikot sa opisina ni Bernard Rodriguez.
“Titignan lang natin yung mga regalong ipinadala kay sir. Halika ka nga dito.” Dugtong pa ni Mr. Montemayor.
“Tinitignan ko lang naman ang larawan ng kliyente mo.” Paliwanag naman ni Jenny saka lumapit kay James.
“Tignan mo, ito daw ang unang regalong natanggap ni sir Bernard, isang itim na tulay na may pang ahit nung lunes.” Paliwanag ni James.
“At ito naman nung Martes, isang itim na anghel na may itim na pakpak.” Dugtong pa nito.
“Sa tingin mo, bakit kaya siya pinadalhan ng mga ganyan?”. Tanong ni Jenny.
“Kaya nga andito tayo para alamin.” Inis na sagot ni James.
“Ano yang mga nakasulat?” Kunot noong nakatanghod ang babae kay James.
“Dito sa unang regalo, may note na “RAZOR UNDER BRIDGE, JOEL DEAN, CALIFORNIA” tapos dito naman sa pangalawa, GIAN LAKE, A LIFE ICON”. Malamang may ibig sabihin yan. Pinakontak ko na sa mga kasama natin. Wala naman daw mga taong ganyan. Pero sinabi ko na itutuloy konpa din ang paghahanap ng impormasyon.” Paliwanag ni James.
“Ah sige sige, picturan mo na.” Utos ni Jenny.
“Tapos na. Lika na. Dun na tayo sa opisina mag-imbestiga.” Pagtatapos ni James.
LUNCH TIME.
Carla: Hello Darling.
Bernard: Di ka pa ba uuwi?
Carla: Hanggang sabado pa ako dito sa Cebu. Hanggang Friday lang ang conference meeting darling pero Sabado ng gabi ang flight ko para makapamili pa ako ng mga pasalubong para sayo.
Bernard: Kahit huwag ka ng mag-abala. Sunduin pa ba kita airport or ipasundo na lang kita sa driver?
Carla: Hindi na darling. Mag-grab na lang ako pauwi.
Bernard: Sige ingat na lang sa pag-uwi.
ALAS KUWATRO NG HAPON.
“Oh ano na James, may nakita ka na bang lead jan sa mga pictures?? Pagkatapos nating maglunch kanina, puro ka na lang nakatitig sa mga pictures?” Basag ni Jennybsa katahimikan ni Mr. Montemayor.
“Ah hindi pa ako sigurado pero nagkaka-idea na ako sa mga nakasulat.” Nakatitig pa din si James sa mga litrato ng mga notes.
“At ano naman yan, Mr. Montemayor. Baka sakaling matulungan kita.” agad na tanong ni Jenny.
“Gaya nga ng sabi ko pero hindi pa ako sigurado…” unang paliwanag ni James.
“So ano ang naiisip mo sa mga yan?” Usisa ni Jenny.
“Saka ko na ipapaliwanag. Tawagan ko muna si Sir Bernard.”
Bernard: Mr. Montemayor, napatawag ka.
James: Sir, hindi ko sigurado pero parang may nais ipabatid ang mga notes sa mga regalong natanggap mo
Bernard: May dapat ba akong malaman Mr. Montemayor?
James: Huwag sana kayong mabibigla sir.
Bernard: Ano yun?
James: Sinubukan ko pong pagbali-baliktarin ang mga letra sa mga notes.
Bernard: At ano ang lumabas?
James: Sir, ang
“RAZOR UNDER BRIDGE” ay “BERNARD RODRIGUEZ”
“JOEL DEAN, CALIFORNIA” ay “ALEJANDRO FELICIANO”
“GIAN LAKE, A LIFE ICON” ay “ANGELIKA FELICIANO”
Bernard: What?!?!?!
ITUTULOY
- Beautiful In White - June 30, 2021
- Angel In Distress 2.0 (Pre-finale) - September 25, 2020
- Angel In Distress 2.0 (Road To Finale) - September 25, 2020