Written by razel22
Ang Probinsyana 28
18+
By: Razel22
Halo-halong senaryo ang tumatakbo sa aking isipan habang nakatitig sa puting pader ng hospital. Nanginginig din ang aking kamay habang hawak-hawak ang aking cellphone dahil sa limang minuto na matapos matawagan ko si Kongresman at sinabihang nasa hospital kami at dinugo si Angela.
Ang nurse naman na ayaw tumanggap samin ay parang namutla nung nalamang apo ni Kongresman ang pasyente at naging VIP si Angela at dinala sa pinakamagandang kwarto sa ikaapat na palapag. Inaatupag siya ngayon ng mga doctor at nurse dahil na rin siguro sa takot na baka pag-initan sila ng Kongresman sakaling dumating ito.
Pero tulad ng aking inaasahan.
Nakadinig ako ng mga yabag palapit sa aking kinatatayuan. Napatingin ako kaagad at nakita ang nag-aalalang mukha ni Kongresman kasama si Angelo at Kristine na nagpapahid ng luha. Di man lang sila nag sayang ng oras para tignan ako at dere-deretso ang mga ito papasok sa loob ng kwarto.
Parang binagsakan naman ng mundo ang aking kalooban dahil sa takot na baka kung ano ng nangyari sa aking asawa at sa aming magiging anak. Limang minuto ang lumipas ay lumabas ng kwarto si Angelo at kita ang pamumula ng mukha at mata nito. Kasunod nito si Kristine na naglakad palapit sakin at sa aking inaasahan ay isang napakalutong na sampal ang aking natanggap mula sa ina ni Angela.
“Dominic! What have you done to Angela? Bakit? Bakit mo siya ginanun! Kung ayaw mo sa anak namin sana isinauli mo naaa!!! Isa kang demonyoooo!! Demonyo ka Dominic!!! argggghhhhhhh!!!” hiyaw nito at napaiyak na sa labis na galit.
Di ko alam ang aking gagawin o sasabihin ng mga oras na yun dahil sa kasalanan ko ang lahat hanggang sa nakita ko na lang sa aking harapan si Angelo na nagpipigil ng kanyang sarili. Napatitig pa ako sa mata nito at halos parang papatay na siya ng tao.
Pero. . . .
Bago pa magawa sakin ni Angelo ang kanyang gusto ay dumating na kaagad ang aking pamilya. Sina Lolo Dencio, Lola Margie, Mommy Danica kasama ang aking Amang si Domingo at aking bunso na si Napoleon. Lahat ay nag-aalala ang mukha at sa di inaasahan ay nakita kong muli si Natalie na nakasunod sa kanila.
Napahawak agad si Mommy Dani sakin at tinitigan ako sa mata “Dominic! Anong nangyari? Asan si Angela? Anong nangyari sa kanya?!” tanong nito pero umiwas lang ako ng tingin. Di pa ako nahimasmasan sa kalasingan ng oras na yun at nakita ko na lang na kinausap nila sina Kongresman at Angelo.
Dahil sa pribado ang mga kwarto sa ikaapat na palapag ay walang dumadaan na ibang tao doon. Agad rin namang pumasok si Napoleon at Natalie sa kwarto na kinaroroonan ni Angela para tignan ang kalagayan nito. Napasuntok na lang si Angelo sa pader dahil sa labis na galit. Pero nagulat ang lahat ng pabagsak na napaupo sa sahig si Kristine at nag-iiyak.
” Domingo!!. . . . .Your son is a demon! Napakalayo ng katauhan niya sa inyo huhuhuhu. Di ko akalaing nag alaga kayo ng demonyo sa pamamahay niyo at napunta samin! Nagsisisi ako at tinanggap namin siya nang boung puso! Hindi nagreklamo si Angela at hindi rin nagparamdam samin ! Umaasa naman kaming inaalagaan ng anak niya ang anak ko ! Pero anong ginawa niya! Binaboy niya si Angela!!! Hayop yang anak mooo!! Hayooooop!!! ” hiyaw nito at napayakap sa kanyang mga tuhod.
Napatingin na din ako sa aking pamilya at kita ko ang di kanais nais tingin ng mga ito sakin . Di ko lubos maisip na ganito pala ang aking sasapitin sa lahat ng aking mga kagaguhang ginawa.
Pero ang susunod na nangyari ang nagparealize sakin na hinding hindi ko na maaari pang maitama ang lahat ng aking pagkakamali. Na ang pangako ko kay Angela na ituturing na isang mamahaling kristal na iingatan at pangangalagaan ay nasira lamang.
Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ni Angela at lumabas ang aking pinakamamahal na babae na si Natalie. Luhaan na din ang mata nito at kita ang galit sa kanyang mukha . Dere-deretso sa paglalakad at nilagpasan ang aking mga magulang hanggang sa naglakad palapit sakin.
Kasunod noon ang umaalingawngaw sa lakas na sampal na aking natikman mula sa kanya. ” Di ko alam na ganyan ka pala Dom. Kung noon ay labis kitang minahal pero ngayon? Dahil sa lahat ng ginawa mo ay parang inanod ng baha lahat ng nararamdaman ko sayo! Tanggap ko na ang nangyari satin at tinuldukan na ang pahina ng ating pagsasama! Pero itong ginawa mo kay Angela? Hinding hindi kita mapapatawad! Tandaan mo yan! Walang akong kilalang Dominic na ganyan ang pagkatao !!” Napakasakit na salita na nagmula kay Natalie at sa huling pagkakataon ay napatingin pa ako sa kanyang mata.
Doon ay bigla na lang itong umalis ng ospital at iniwan kaming lahat. Kinakausap pa ng aking ama si Kongresman at Angelo para pakalmahin pero di nila inaasahan ang susunod na mangyayari.
Na kahit ako ay nakadama ng labis na takot nung lumabas si Napoleon sa kwarto. Alam na din nina Mommy Danica at Lola Margie ang gagawin ng aking kapatid kaya mabilis nila itong niyakap para pigilan sa gagawin nito.
Pero dahil sa laki ni Napoleon ay di nila kinaya ang lakas nito hanggang sa nakita ko na lang na deretso itong tumakbo papunta sa aking kinaroroonan at sa isang iglap lang ay napaluhod ako ng makatanggap ng isang solidong suntok sa aking sikmura. “Putangina ka kuya!! Tinuring pa kitang idolo at gustong lagpasan! Nirerespito kita at sinunod ang mga sinabi mo noon! Pero isa kang walang saysay na tao!! ” sigaw nito at hinawakan ng mahigpit ang kwelyo ng aking damit sabay angat at binigyan na naman ulit ako ng isang suntok na tumama sa aking mukha.
“Isa kang Demonyo! Wala sa dugong De Jesus ang may ganyang ugali! Pero anong ginawa mo! Ha! Gago ka kuya gago kaaaaaa!!!” sigaw niya sa galit at doon ay sunod sunod na suntok sa mukha ang aking natanggap.
Nakakatikim pa ako ng mga suntok sa sikmura hanggang sa makita ko na lang si Lolo Dencio na sinuntok ang aking kapatid para pigilan ito na tinamaan sa panga at parang kahoy lang itong bumagsak sa lupa ng nawalan ng malay.
Humarap din sa lolo sakin at napailing. ” Pasensya na apo. Nahuli ako sa pagpigil sa kapatid mong lampa. ” sambit nito. Duguan na ang aking mukha at naririnig ko ang iyakan nina Lola at Mommy . Napatingin pa ako kay Dad pero nanatili lang itong nakatayo at nakatingin sakin. ” Lolo. . . . .S-sana hindi niyo na po pinigilan si Napoleon. . .Kulang pa po ito. ” saad ko na nakapagpangiti sa kanya.
“Kaya nga iho. Kulang yang ginawa ng kapatid mo sayo dahil sa may awa pa siya eh. . .” sambit nito sabay ngisi. Imbis na mabuhayan ng loob ay parang mas kinabahan ako lalo . ”
“Kaya ako ang magpapatuloy sa ginagawa nang malamyang yan ” mariin na sambit ng aking lolo at aking ikinagulat ng makita na napaatras ito sabay kuha ng bwelo para sumipa at sa isang iglap lang ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakadapa na sa matigas na sahig.
“Arggggghhhhhhhhhh!!!! Araaayyyy!!! ” Sobrang sakit ang aking nararamdaman dahil sa pagkabali ng aking mga buto sa tadyang. Narinig ko rin ang sigawan nina lola at mommy lalo na si Daddy Domingo na tumakbo para pigilan ang aking lolo.
Pero binigwasan lang nito ang aking ama at sinabunutan ako sabay angat at titig sa aking mukha. ” Kumpleto pa ipin mo apo ko. Sa lahat ng bagay na ayaw na ayaw ko ay yung nananakit ng babae. Alam mo bang malala din inabot ng ama noon mo dahil sa pinaiyak niya mga anak ko? Pero mas malala yata yung sayo apo ah.
Kung Demonyo tingin nila sayo. Ngayon ipapakita ko ang tunay na demonyo at ipapatikim sayo ang impyerno!” sigaw niya at hinampas ang ulo ko na parang yelo sa pader na nagpadilim sa aking paningin. Kasunod noon ay sinuntok pa ako nito sa mukha na nagpaputok sa aking mga labi at nagpabali sa aking ilong.
Alam kong nakahiga na ako sa sahig ng oras na yun at nakita ko pang inangat na nito ang kanyang paa at muling inapakan ang aking dibdib na nakapagpaubo sakin ng dugo.
Sa huling pagkakataon ay napaluhod pa ang aking lolo at nakangiting nakatingin sakin. Patawarin mo ako apo sa aking ginawa. Sana magsilbing leksyon to sayo. Huwag kang mag-alala ipapagamot kita. ” saad niya at boung lakas na sinuntok ang aking mukha at yun na ang huli kong natandaan.
Ang madugong dinanas ko sa aking pamilya.
Masakit.
Napakasakit ng aking dinanas pero kulang pa ito sa lahat ng kahayupang ginawa ko sa babaeng labis na nagmamahal sakin. Alam ko na ring tuluyan ng nawala sakin si Natalie kaya tinanggap ko na ang lahat. Na ang mga bagay na nagawa na ay parti na yun ng nakaraan. At ang tanging makakaalis lang dito ay ang oras.
Ika nga ng iba.
Time Heals All Wounds
Nagising ako na purong puti lahat ng aking nakikita at latang lata ang katawan. Parang kayhina na di ko maiangat kahit ang aking kamay. Naigagalaw ko rin naman ang aking ulo kaya inilibot ko ang aking paningin at nalamang nasa ospital ako.
Pero nakadinig na lang ako na may kasama ako sa loob na naglalaro ng mobile legends kaya napabaling ako ng tingin at doon ko nakita sa katabing kama ang aking lolo na di ko inaasahang naka confine din pala.
Nang maramdamang nagising ako ay agad niyang pinatay ang cellphone at nakangiting napatitig sakin. ” Oh apo gising ka na pala hehe. Buti at nagkamalay ka na. Kamusta pakiramdam mo?” tanong nito sakin na parang walang nangyari. Natatakot pa rin ako sa kanya pero dahil na rin sa pagbati nito ay parang kumalma ang aking pakiramdam.
“Heto mahina Lo. Nga pala bakit ka nandito? Nakaputi ka rin at bakit ka may sugat?” pagtataka ko dahil sa may mga sugat sa braso kamay binti at katawan ang aking pinakamamahal na lolo.
“Ah eh hehehe. Kagagawan ng mga tita at mommy mo.” natatawang sagot niya sabay kamot ng ulo. ” Huh? Kagagawa? Paano lo? ”
“Hmmm kasi apo dalawang oras matapos kitang mabogbog at mapatulog si Napoleon eh dumating sina tita mommy mo Denice at Donna. Alam mo naman yung dalawang yun mahal na mahal kayo ni Napoleon kaya ayun. Binaril ako ni Donna at Sinaksak ni Denice hhahahahahahahaa. Buti na lang puro mild lang yung tama at sugat kaya heto nakakapaglaro pa rin ako ng mobile legends kaso. . . . . .” saad niya at itinaas ang kamay at pinakita sakin ang isang naputol na daliri. ” Di ko na mahawakan mabuti cellphone ko haaist!. Nga pala tignan mo mukha mo . . Heto oh” saad niya at binigay sakin ang salamin.
Doon ko nakita na maayos na ang mukha ko na aking ipinagtaka. Napatikhim naman si Lolo at napahiga. ” Nasobrahan yata ginawa ko apo. Nabali ko yung ilong mo at hindi ka na makilala ng pamilya kaya ayan pinaplastic surgey ka na lang para bumalik sa ayos yang kagwapuhan mo hahahahahahaa” saad niya.
“Lo gaano po ako katagal dito? ” tanong ko dahil sa nakita kong naghilom na ang ibang sugat nito. ” Almost two months na apo. Don’t worry at binayaran ko na yung renta sa bahay mo ng isang taon. Alam ko rin namang sa oras na makaalis ka dito eh di ka uuwi sa mansyon eh hahahaha”
Napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa kesame. Dalawang buwan. . .Dalawang buwan akong walang malay . Walang balita sa lahat ” Lo . . . .Si Angela kamusta? Kamusta si Baby?”
“Hmmm matibay si Baby mo Dom. Matindi ang kapit kaya di nalaglag. Matindi rin pala sinapit ni Angela sayo. Parang Domino Effect din naman yan iho. Na kung gagawin mo sa iba ay siguradong babalik din sayo. Ang problema mo na lang ay kung paano patitigilan ang Domino na yun ng hindi hinahawakan. Kung paano mo aayusin ang lahat. Take note iho ha. Sinabihan na ako ng Tres Marias na walang kang makukuha ni isang kusing samin matapos ang nangyari kaya mula ngayon or makalabas ka eh mag-isa ka na lang Dom.
Nasa sayo yan kung paano mo bubuhayin ang sarili mo at paaangatin upang mabawi ang lahat ng nawala sayo. You are my Grandson and i know na kaya mo yan. You have hidden knowledge na di mo pa pinapakita. Kaya iho sa oras na gumaling ka. . . .Bumawi ka. . . I trust you. Magsilbi sanang leksyon ang ginawa ko sayo at gawin ang lahat para sa anak mo. ”
“Lo matanong ko nga sayo. Totoo ba ang kasabihang time heals all wounds?” tanong ko na nakapagpatawa sa kanya.
“It depends iho. It depends sa situation and damages na nagawa mo. For example sa mangga or kahit anong prutas. Sa oras na madamage yan sigurado habang tumatagal ay masisira lang yan ng buo. Kaya dapat habang maaga pa aksyonan mo na agad. Di pinapatagal ang mga ganyang sitwasyon.
Sa oras na wala kang ginawa eh wala ka talagang magagawa. Kahit anong isipin mo o pamomroblema mo kung hindi ka gagalaw eh wala talagang mangyayari. Huwag mo sanang kamuhian ang pamilya natin dahil sa desisyong ito. We’ve talk about it and it will deserves a lesson to you sa lahat ng nagawa mong kalamian. Tatanggapin ka ulit ng pamilya. Sa oras na maayos mo na ang lahat. Dahil laging mong tandaan iho.
Mahal na mahal ka namin.”
Tumagal pa ako ng halos dalawang linggo at na discharge na sa ospital. Pinabaunan lang ako ng aking lolo ng dalawang libong piso para may panggastos at ako na daw bahala sa lahat kong paano ako mabubuhay.
Sakay-sakay sa trycikle ay umuwi ako sa aking tahanan at sa aking pagkapasok doon ay naramdaman ko kaagad ang pangungulila. Na wala na akong kasama pa. Nalinis na din ang bahay at andun pa rin ang mga kagamitan. Pero parang may hinahanap ang aking puso na di ko makita sa lugar na yun.
Matamlay na naglakad ako papasok sa aking kwarto at napatitig sa kama. Doon ko naalala ang mga panahon na kasama ko si Angela. Ang babaeng labis na umiibig sakin pero di ko manlang sinuklian ang kanyang pagmamahal.
Sa paghiga ko sa aking kama at yakap sa unan ni ginagamit ni Angela ay sinamyo ko ang amoy nito pero wala na. Wala na ang amoy ng babaeng tinanggap ako. Nang babaeng nagtiis sa akin. Ang babaeng hindi tumigil sa pagmamahal kahit nasaktan ko na.
Di ko namalayang tumulo ang aking luha ng mga oras na yun habang inaalala ang mukha ni Angela. Doon ko napagpasyahan na gumawa ng plano para maibalik ang lahat sa dati.
Alam kong wala akong maaasahang tulong sa aking pamilya ng mga oras na yun kaya napaupo ako kaagad at nag-isip ng maaaring gawin. Pero dahil na rin sa aking sitwasyon ay parang natameme na lang ako at lumabas ng bahay para tumambay.
Doon ko nakita ang isang magsasaka na hila-hila ang kanyang kalabaw. ” Manong! Anong gagawin mo jan? Ba’t di mo sakyan yang kalabaw mo?” tanong ko sa lalaki kaya napabaling ang tingin niya sakin. ” Ah iho binebenta ko na kasi tong kalabaw ko eh. ” saad nito.
“Ang laki at parang malakas pa to manong ah. ba’t mo ibebenta?”
“Haist kasi iho kailangan ko ng pera para pantostos sa tuition ng aking anak. Wala rin naman akong pagpipilian . Bibili na lang ako sa susunod kong magkakapera na ulit. Ikaw baka gusto mo tong bilhin?” saad niya kaya napailing ako kaagad. ” Ah hehehe hindi po manong. Wala po akong pera para pambili niya. ” sagot ko na nakapagpatango sa kanya. ” Ah sige iho. Mauna na ako at pupunta pa akong bayan baka doon ay swertehin din hehe. Sige!” paalam niya sakin.
Doon ko naisip na kahit gaano mo kamahal ang isang bagay o alaga. Gaano man ito kahalaga para sayo ay darating din ang oras na bibitawan mo siya para lamang makaahon sa hirap. Bumalik na lang ako sa harap ng aking tahanan at pabagsak na naupo sa silya na nakatitig sa kalsada.
Nanatili ako ng ilang minuto at doon ko natandaan ang mga sinabi ng aking lolo sakin. Andoon pa rin naman ang aking mitsubishi Lancer kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa loob ng bahay at nagmadaling magbihis.
Wala kang magagawa kung wala kang gagawin. Yan ang itinatak ko sa aking isipan.
Matapos makapagbihis ay tinahak ko ang daan papunta sa mansyon ng Pamilya Tan para muling makita si Angela at kamustahin ang kalagayan nito. Sasabihin ko na ring magbabago na ako at mamahalin siya pati na ang anak namin. Na gagawin ko ang lahat para sa kanya. Di ko na muling inisip pa si Natalie dahil sa alam kong tinapos na nito ang aming pahina kaya matulin akong nagmaneho hanggang sa makapark na ako di masyadong malayo sa mansyon at nilakad na lamang palapit dito.
Nang nasa harapan na ako ng gate ay agad na hinarap ako ng dalawang gwardya na laging nagbabantay doon. ” Ah good morning sir Dominic. May transaksyon ho ba kayo kay Kongresman?” magalang na sambit nito
“Ah good morning din. Wala po pero gusto ko sanang makausap si Angela. ” sagot ko na agad na nagtitigan ang dalawa bago napailing at napatikhim ang isa. ” I’m very sorry sir Dom but sinabihan kami ni Kongresman na bawal ka daw papasukin sa utos ni maam Angela. ” sagot nito.
“But. . . . . Gusto ko pong makita ang asawa at magiging anak namin. Malaman ang kalagayan niya at makasa. . . ” di ko natapos ang aking sasabihin ng bumukas ang gate. Doon lumabas ang Land Cruiser ni Kongresman at nakita ko pang kasama nito si Angelo. Pero di manlang sila nag-aksaya ng oras na kausapin ako at tinitigan lang na parang hindi kilala at dere-deretsong umalis ang sasakyan.
“Sorry sir Dominic pero . . . . . . .Sumusunod lang po kami sa utos. ” mariin na pagkakasabi ng gwardya kaya tinatagan ko ang aking dibdib at napatingin sa manyon at sa maswerteng pagkakataon ay nasilayan ko si Angela na naroroon sa secondfloor at nakatambay sa terrace. Bumalik na ang dating ganda nito at malaki na rin nag umbok na tiyan. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan pero agad na sinarhan ulit ang mataas na gate.
“Please po manung guard. Papasukin niyo po ako kahit sandali lang at kakausapin ko si Ang. . ”
“Hindi pwede sir. Kami ang mananagot sa oras na nakapasok ka. Mahal po namin ang trabaho namin kaya po sinusunod namin nag mga inuutos ni Kongresman. ” saad nito na nakapagpabagsak sa aking balikat at matamlay na napatingin sa mataas na gate.
“Kung ganoon po ay pakisabi na lang kay Angela na hindi po ako aalis dito hangga’t di kami nag-uusap” saad ko na nakapagpatango na lang sa gwardya at bumalik sa kanyang pwesto.
Isang oras
Dalawang oras
Di ko na alam kung gaano ako katagal nanatili sa labas ng kanilang mansyon. Na kahit ginabi na ako kakaantay ay ni walang Angelang humarap sakin. Nadatnan pa ako ni Kongresman at ni Angelo na nakatayo sa harapan ng gate at binusinahan dahil sa nakatayo ako sa daanan ng sasakyan. Pero di man lang ako natinag hanggang sa bumaba ang matanda at naglakad palapit sakin.
Sa pagtayo niya pa lang sa aking harapan ay agad itong napahawak sa aking balikat at pinisil na nakapagpatitig sakin sa kanyang mata.
” Dominic. Please Leave. ” mariin na sambit nito sakin . ” Lolo. . . .I mean Kongresman. . .Pakiusap bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon na makasama ang aking mag-ina. Nagsisisi na po ako sa aking ginawa . ” saad ko pero napailing lang ang matanda at napatitig sa bumaba na ring si Angelo at naglakad din palapit sakin.
” Dominic iho. Please respect Angela’s desicion. As of now ay nag-aadjust pa rin siya dahil sa trauma na dinanas mula sa mga ginawa mo. Masyado mo siyang sinaktan at kapag nagpakita ka sa kanya sa mga oras na to ay ibabalik mo lang ang mga nakakatakot na nakaraan at maaaring mabinat na naman si Angela at maapektuhan ang bata sa kanyang tiyan. ” saad ng matanda na nakapagpalumo sakin.
Doon ko nalaman na hindi basta basta ang dinanas ni Angela mula sakin na nagkatrauma pa pala siya. Di ko man lang naisip noon na maghanap ng trabaho para sa amin kaya kahit buntis si Angela ay siya pa rin ang nagpapakahirap may mapakain lang sakin.
Kahit sarili ko ay gusto kong isumpa ng mga oras na yun at magpalunod na lang sa dagat para mawala na ang lahat.
” Umuwi ka na muna Dominic. Dahil sa hindi lahat ng tao dito ay mapapatawad ka sa ginawa mo. Magplano ka at ayusin ang buhay mo. Dahil darating din ang pagkakataon na makikita at makakasama mong muli ang apo ko. Pero hindi ko masisigurado kung makikipagbalikan pa siya sayo. Dependi na yun sa mga gagawin mo” saad ng matanda kaya napabaling ang tingin ko sa ama ni Angela na kung saan ay galit pa rin itong nakatitig sakin pero kinokontrol lang ang sarili na di makagawa ng mga bagay na pagsisisihan niya sa huli.
Doon ay napagpasyahan kong magpaalam sa dalawa at bagsak ang balikat na naglakad pabalik sa aking sasakyan. Gutom, Pagod at lungkot. Yan ang aking nararamdaman ng mga oras na yun kaya nagmaneho na lang ako pauwi sa aking tahanan.
Dahil sa kakaisip ay di ko na nagawa pang kumain ng hapunan at nagpalipas ng gutom hanggang makatulog .
Kinabukasan sa pagkagising ko pa lang ay naglakad na ako papunta sa ref para maghanap ng pagkain. Pero wala man lang itong laman kahit tubig. Wala ring bigas kaya walang makain. Napabuntong hininga na lang ako at gustong nang magreklamo na hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Na ni ayaw kong malayo sa aking pamilya at makasama silang muli.
Naglakad na lang ako palabas ng bahay at pumunta sa karenderia ng may ari ng aking inuupahang tahanan at doon bumili ng makakain hanggang sa nakita ako ng matandang babae . ” Oh iho. Nakalabas ka na pala. Kailan ka pa nakabalik? ” tanong nito.
“Ah eh kahapon lang po lola. ” sagot ko sa kanya. ” Kamusta na? Nga pala laging may pumupunta jan sa bahay na tinitirhan mo nuong na ospital ka. Inaayos at inaalagaan ang iyong tahanan at siya rin ang nagbalik ng iyong kotse. Sa tingin ko ama mo yun dahil sa kahawig mo siya. Nga pala asan na asawa mo? Bakit di na siya bumalik at magtrabaho dito?” saad ng matanda sakin.
” Umuwi na po muna siya sa kanila lola. ” simpleng sagot ko pero agad na may kinuha ang matanda sa kaha at binigay sakin ang isang sobre. ” Ito iho. Sahod yan ni Angela na hindi niya nakuha. Naku ginabi na nga nun nung nakaraang buwan dahil sa paghahanda dahil may catering service pagkaumaga. Pero di na siya nakabalik. Pinahatid ko na lang kay Benjo dahil sa sobrang pagod na ng misis mo at hindi na makalakad ng maayos. ” sambit ng matanda at doon ko lang natandaan ang gabing mag-aalas onse nang nakauwi si Angela na pinagalitan ko pa at sinigawan na naging sanhi ng kanyang pagka ospital.
Nanginginig ang aking kamay na inabot ang perang kanyang pinaghirapan. ” Para daw yan sayo Dominic sabi ni misis mo. Iniipon niya yan dahil sa magbibirthday ka daw sa susunod na linggo pero di kayo nakabalik eh. Akala ko nga doon kayo nagcelebrate sa inyo hehe” saad nito.
Pawis at luha , Pagod na kahit buntis pa ay nagpapakahirap para lamang may maibigay siya sa aking kaarawan na kahit ako ay hindi ko man lang inisip. Napakasakit isipan na ang lahat ng yun ay binalewala ko lang . Na sinaktan ko pa ang babaeng nagmamahal ng lubos sakin.
Doon ay di ko napigilan na hindi mapaluha habang tinititigan ang hawak-hawak na sobre na naglalaman ng perang pinaghirapan ni Angela.
Nuong araw ding yun ay nagplano na ako sa hakbang na aking gagawin. Matapos kumain ay nagpa-gas ako sa kotse na kasya lang hanggang makapunta ako sa kabihasnan. Napakalayo ng lugar na kung saan andun nakatira sina Daddy at tita Denice pati na rin si Napoleon at Julian.
Pero hindi naman ako pwedeng dumeretso sa kanila. Natandaan ko ang taong sinabi ng aking lolo na maaaring makatulong sakin sa oras ng kagipitan kaya kahit tatlong oras na deretsong byahe ay aking ginugol hanggang sa makarating ako sa bayan at hinarap ang matraffic na lugar.
Alam ko ang address ng mga taong aking pupuntahan kaya pinuntahan ko kaagad ito hanggang sa makarating ako sa isang establishimento na kung saan ay may napakaraming tao ang dumadagsa para lamang masilayan ang mga babaeng nakabikini habang nagka-carwash ng mga kotse ng mga ito.
Ito yung mga mentor ng aking ama noon. Ang mga babaeng nagturo sa kanya sa mga bagay parti sa negosyo .
Sina Jessie at Miss Violet ( Sa story ng Tres Marias )
Ang dalawang may ari ng repair shop na puros kababaihan lang ang nagtatrabaho na nakasout pa ng mga revealing na damit na animo’y mga modelo ng panty at bra. Andudon din mismo si Jessie na parang anghel sa aking paningin dahil sa taglay nitong ganda. Di rin papahuli si Miss Violet na siya mismo ang nagca-carwash sa isang kotse at basang basa na rin ang sout na panty at bra.
Halos lumuwa ang aking mata sa mga nasisilayan hanggang sa napatingin sa aking dereksyon si Jessie at napatakip ng bibig bago patakbong pinuntahan ako. ” Oh my god! Akala ko si Domingo hehe. I’m so sorry. But do i know you? Magpapalinis ka ba ng sasakyan?” saad ni Jessie sakin. Kahit nasa edad 40’s na ang babae ay masasabi kong napaka-hot pa rin nito. Parang luluwa na ang mapuputing dibdib nito sa sout na damit.
“Ah good morning po madam Jessie. I’m Dominic. And anak po ako ni Domingo De Jesus. Pumarito po ako para sana humingi ng tulong” saad ko na nakapagpataas ng kanyang kilay.
” Wala akong perang maibibigay sayo dahil hindi charity tong negosyo ko ok? So anong matutulong ko?” sambit niya na nakapagpatawa sakin bago tinitigan ang aking sasakyan. ” Binebenta ko kasi tong sasakyan ko. ” sambit ko na nakapagpanganga sa kanya.
“Oh? Are you sure iho? Mahal yan at alagang alaga pa. Why? Di ka ba binibigyan ng daddy mo? Haist come to my office at doon tayo mag-usap. ” saad niya at nakita ko pang tinignan niya si Violet na nakatingin na din samin. Nagsensyasan lang ang dalawa bago naglakad si Jessie na aking sinundan.
Magkatabi lang ang carwash at Auto-Repair shop na kanilang negosyo at ang masasabi ko lang sa lugar ay napakamatao talaga o crowded dahil sa mga pakulo ng dalawa at nagdagsaan ang mga manyakis na matatanda. Maraming pumupunta para magpaayos ng sasakyan na kahit flat lang e nagtatagal ng ilang oras at naghahanap pa ng mga sira para lamang masilayan ang naggagandahang babaeng andun nagtatrabaho.
Maaliwalas ang loob ng establishimento kaya nung nakarating kami sa opisina ni Jessie ay naglakad ito at naupo sa kanyang desk. ” Come here Dominic. Sit !” saad niya na aking sinunod.
” Hmm magkamukha nga kayo ng ama mo. So can you tell me bakit mo benebenta ang kotse ?” tanong niya sakin ” P-para po sana makapag umpisa ng sarili kong negosyo. Gagamitin ko po sana ang pera pampuhunan” sagot ko sa kanya.
“Then do you have any idea kung anong negosyo ang sisimulan mo? Business is not a joke Dominic. Nangangailangan ito ng capital na kailangan mong palaguin. Haist parang nakikipag-usap lang ko kay Domingo pagkaharap kita hahahha” natatawang saad niya na nakapagpangiti sakin. ” Sa ngayon po ay di ko pa po alam kung anong sisimulan ko. And napag-alaman ko din po sa aking ama na ikaw daw po ang isa sa mga mentor niya noon” saad ko na nakapagpatawa sa kanya.
” Ex! Ex-girlfriend and mentor! Yan ang sabihin mo sa ama mo. Kung hindi niya lang sana ako sinaktan noon edi sana marami na kaming anak ngayon hihi. Nevermind that. So anong gusto mong itanong?” saad niya.
” Na kung ano po ang pwede at malaki ang chance na di masira ang business. ” saad ko na nakapagpahawak sa kanya sa kanyang noo para mag-isip. Di pa nakasagot si Jessie ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang humahalimuyak sa bangong babae na si Violet na nakasout pa ng bikini na ternong violet din. Napakasexy ng katawan nito na halos di ko maalis ang aking mata sa kakatitig sa kanya hanggang sa sabay silang natawa.
“Anak niya nga sis hahahaha” hiyaw ni Jessie na nakapagpatawa kay Violet bago naglakad at naupo sa upuang paharap sakin. ” Dominic right? Hmmm to be honest mas gwapo si Napoleon sayo at mas hot hihi . ” saad niya na nakapagpatango sakin dahil alam kong kilala ang kapatid ko sa lugar na yun.
“Sis andito daw siya para magpatulong kung anong negosyo ang pu-pwede daw sa kanya at ebebenta daw niya ang kanyang kotse para may pang puhunan” saad ni Jessie na nakapagpatango kay Violet.
” Bumili na ng kung ano-anong bagay like car tools, perfume, ballpen lotion and ebenta mo. Ilako mo kung saan saan. Jan ka magsimula iho at sa oras na malaman mo na ang halaga ng pera at ang galawan sa pagnenegosyo ay magkakaedeya ka na sa mga gagawin mong hakbang. ” deretsahang suhestyon ni Violet sakin.
“But sis di ba ang hirap nun?” saad ni Jessie na nakapagpailing sa babae. ” Lahat dumadaan sa hirap sis. Pero mas malaki ang mase-save mo sa paglalako. Wala kag pwestong babayaran! Wala ka ring tax na babayaran. Kontrol mo ang mga product na hawak-hawak mo at pwede mong mabenta ng mahal dependi sa strategy at pagsalestalk mo at dependi na yun sayo kung masipag kang maglako or tamad.
“Then what if boung araw siyang di makabenta?” saad ni Jessie
“Then it’s all his fault! Sa paglalako dapat you have the guts! Strategies at dapat wala kang hiya. Dahil sa gwapo naman si Dominic i’m sure di siya masyadong mahihirapan dahil sa asset niya na yan lalo na sa mga matrona hahahah. Dependi na lang yun sa pag approach niya sa mga tao na pagbebentahan niya. ”
Doon ako napaisip na tama nga si Violet na suhestyon nito. Makakasave ako at kontrolado ko pa ang pera ” But Dominic! Sa pagbebenta ay di ka dapat manatili sa isang lugar . Dapat mong ebenta sa kahit saang lugar ang produkto mo at pumunta sa nararapat bentahan. For example nagbebenta ka ng tools. Siguraduhin mong huwag kang pumunta sa bakery o hospital dahil sa 50/50 yung chance mo doon.
And di ko bibilhin yang kotse mo. I know na hindi yan sayo dahil sa sasakyan yan ni Denice na asawa ni Domingo! Yan pa yung ginagamit niya noon para sunduin ang yung ama ! Grrr. . . .Kung mas gumanda lang sana ako ng konte sa tita Denice mo baka ako pa napangasawa ng ama mong manyakis hahahaa” saad nito na pati si Jessie ay natawa din.
“All we can help you some is advice Dom. Kakailanganin mo ang kotse sa lahat ng bagay. Di yan sayo kaya ingatan mo. Kung may appliances ka ay yun ang ebenta mo para magkapuhunan ka. Uhhmmmm on second thought pwede rin naman kitang pahiraman ng pera pero ibabalik mo sa oras na makaangat ka na” sambit ni Jessie na nagkatitigan pa sila ni Violet bago napangiti.
“But you have to do something for us since kamukha mo ang ama mo” nakangising saad ng dalawang naggagandahang babae sa aking harapan.
“Ah eh . . . . O-opo opo tatanggapin ko po ang ipapahiram niyo sakin at mag-uumpisa po ako kaagad sa paglalako. Ano po ang gusto niyong gawin ko?” tanong ko sa kanila at nakita ko pang napadila si Jessie sa kanyang mapupulang labi. Sadyang kaakit akit ang tingin nito sakin at di ako makapaniwala na ang dalawang naggagandahang babae ay dumaan na din sa mga kamay ng aking ama.
“Lock the door and close the curtains. ” simpleng utos ni Jessie na aking sinunod. Wala akong edeya sa mga iuutos nila sakin pero sa paglingon ko sa kanilang kinaroroonan ay di ko napigilang mapanganga ng makitang sabay naghubad ang mga ito.
“Sis. . .Parang si Domingo lang yan kaya. . . ..Shall we?” saad ni Violet sabay kindat kay Jessie . Nagpapawis na rin ang aking noo dahil sa aking nasisilayan lalo na nung mala modelong naglakad si Jessie palapit sa aking kinaroroonan .
“Then. . . .Let’s start!”
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 5 - November 27, 2024
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 4 - November 25, 2024
- CHICK MAGNET ( Tres Marias Book 3 ) – Chapter 3 - November 13, 2024