Written by elmergomopas
Ang Pinuno Catorce
Midnight Blue
Sa kabisera, o sa buo nilang lalawigan, wala na yata siyang hindi pa napupuntahan. At ilang “live bands” na nga ba ang nasaksihan niyang magperform? Hindi niya na ito mabilang. Iba’t-ibang grupo, iba’t-ibang tao, at iba’t-ibang musika.
Tapos na ang Alpha, sa gitna pa rin ng mga hiyaw, ay tahimik na inaayos ni Edwin ang mikropono, kasunod ng maingat na pagsandig sa stand sa ginamit ng gitara. Kasama ang mga taga combo na bumati sa kanya. Hindi rin magkandamayaw ang palakpak ng mga ito. Ngiti lamang at tango, ito ang naging tugon ni Edwin sa mga bati na iyon.
Nakita din ito lahat ni Claire, at lalo lang siyang napahanga ng tinyente. Sa lahat ng nakita niyang nagperform na banda, kadalasan, ang mga miyembro nito ay “feelingero”. Mga bilib na bilib sa sarili, at eksaherado ring magperform. Halos lahat, lalo na ang mga lead singer ay ubod nang yayabang kapag may kinikilig na tagapanood.
Kung dati-rati’y kinikilig din siya sa mga ito lalo pa’t guwapo ang “vocalist”, ngayo’y tila nag-iba na ang panahon. Pakiramdam ni Claire ay nabababawan na siya. Pati na sa kanyang sarili.
Oo, nagkaroon na siya ng mga kasintahan. Pero ilan ba sa mga ito ang nagtagal? Pinakatamatagal na yata ang dalawa’m buwan.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
At sa lahat ng naging kasintahan niya, hindi maitatangging siya ang unang-unang kinilig, dahil lamang sa pisikal na aspeto ng mga ito. “GUWAPO”.
Oo, hindi ito ang unang beses na nagkagusto siya, pero sa pagkakataong ito, ay may kasamang misteryo, sapagkat batid niya na ang naturang pagkakagusto ay dala hindi lamang ng simpleng “infatuation”, kundi may kasamang respeto.
Ang kaninang banyagang damdamin na hindi niya mawari, ngayo’y tiyak na niya, tuluyan nang nagkaroon ng lugar ang tinyente sa kanyang puso.
“Grabe sigurong praktis ang ginawa niyan hahahaha”, si Delavega, basag nito sa katahimikan ni Claire.
“Natural , nakapag-prepare eh, pakantahin daw iyan nang “impromptu” nang magkalaman”, ika pa nito.
Tila naalibadbaran naman bigla ang dalaga sa tinuran ng opisyal.
“Arthur excuse muna ha, puntahan ko muna si Kuya, pag-iwas dito ng dalaga, kasunod ng paghablot niya sa kanyang jacket, at pagtahak sa direksiyon ni Ireneo, bago pa man makasagot si Delavega.
Si Ireneo. Wala siyang kamalay-malay na sa buong pagtatanghal ng Alpha, ay sa kanya lang nakamasid ang pinsan. Simula sa kanyang biglaang pagkakatahimik, sa mga gumuhit niyang mga ngiti, hanggang sa ginawa niya kaninang pagtuntong sa upuan upang silipin ang tinyente. Nasaksihan ito lahat ni Brian. Sa panlabas, kaya niyang itago ang nadaramang kasiyahan, subalit sa kaloob-loban nitoy, gusto niyang mapasayaw sa galak.
“Kuya…”, tawag ni Claire sa atensiyon ni Ireneo.
“Oh pinsan…”
“Eh ano, nagkukukot ng kukong sambit ni Claire, parang paslit na nagkasala.
“Usap tayo.”
“Friend, sandali lang ha”, paalam ni Brian kay Rina.
Iginiya ni Brian ang pinsan pabalik sa “RCP” ng Alpha, masyado pang maingay sa labas at pihadong di sila magkakarinigan nang maayos. Saktong bakante naman na ang opisina, sila lamang magpinsan ang nandito.
“Ano?” Si ireneo, pagkatapos abutan ng silya si Claire.
“Eh ano kasi”, muling pag-aalangan ni Claire.
“Ano nga”, patay-malisya ng sundalo subalit malapit -lapit na talaga itong matawa. May pakiramdam na kasi siya kung ano ang sadya ng pinsan.
“Iyong sabi mo, na type ako ni Lieutenant, ni Edwin, totoo ba iyon?”
Para madali ang usapan, sinabi na lahat ni Ireneo. Simula noong gabing dumating at una niyang nakausap ang CO, hanggang sa mga nitong huling araw na nagtatanong-tanong ang tinyente tungkol kay Claire.
“Ganun? Eh sino iyong date niya ngayon?”, si Claire pagkatapos mapakinggan ang pinsan.
“Si Joy?, barkada namin ni Sir. Dalawa yan sila, si Rina iyong kasama ko. Mga bagong kaibigan lang iyan ni Sir, na ipinakilala ko noong pagdating na pagdating niya, mga taga-gobyerno din kasi sila.”
Medyo guman ang loob ni Claire. Hindi rin kasi lingid sa kanya ang pagiging malapit ni Edwin at ni Joy sa isa’t isa kani-kanina.
“Oh bakit tila nag-iba yata ang ihip ng hangin, akala ko ba hindi mo siya type? Akala ko ba chaka?”, tukso ni Bry sa pinsan.
“Eh kuya, parang napakabait kasi niya, saka hindi siya mayabang. Cute din pala pag bagong gupit hihihihi. Kuya gusto ko pa siyang makilala nang lubusan, tutulungan mo ako?”
Dito na napabunghalit ng hagalpak si Ireneo.
“Hala ka pinsan, ikaw ba talaga yan Claire?”
“Pero pinsan masaya ako, isang Angel Baby lang naman pala ang mag-mumulat diyan sa mga mata mo, siyempre tutulungan kita.”
“Pero teka nga muna pinsan matanong ko nga lang, ano bang tunay na score sa iyo ni Sir Delavega?”
Bahagyang napatungo ang dalaga sa tanong ng pinsan.
“Teka huwag mong sabihing nag-ano na ka—y—o.”
“Uhm- uhmm-uhmmm”, sunod-sunod na mahihinang tampal ni Claire sa mga labi ng pinsan.
“Nag-ano nag-ano ka diyan hoy. Ano ba kasing nasa isip mo? Na pakawala ako?”
“Paano kung sabihin ko sa iyo ngayong ano.”, pagtutuloy ng dalaga.
“Oh ano? si Brian.”, muling-asar nito sa pinsan.
“Ewan ko sa iyo, yaaaakkkiiiii ka mag-isip.”
Dumaan ang saglit na katahimikan sa dalawa.
“Claire pinsan, kung manligaw sa iyo si Sir, huwag mo nang patagalin, paki- usap.”
“Ha, eh kuya, nakakahiya naman iyon, baka naman kung ano isipin niya sa akin.”
“Pinsan, masaya ako at may nagbago na sa iyo. Pero kung gusto mo din naman pala siya, ba’t mo pa patatagalin? Bahala ka, pikutin yan ni Joy maunahan ka pa.”
Sa nadinig, napahalukipkip ang dalaga, at naninigkit ang mga mata nito.
“Subukan lang ng Edwin na iyan”, anito.
Lalong natuwa si Ireneo sa sinabing iyon ni Claire. Medyo kinilig pa nga ang sundalo dito.
May naisip si ireneo. Nag-aalangan man pero kailangang gumalaw din siya, para makatulong sa sitwasyon, at kay Claire.
“Bahala na kung magalit si Sir.” pasiya nito.
Sa pagbabalik ng magpinsan sa kasayahan, inakay ng sundalo ang dalaga, patungo sa direksiyon ng upuan ni Joy. Doon ay naabutan na rin ng mga ito si Rina.
Si Tinyente Delavega ay napilitang bumalik na sa kanilang lamesa, sa Headquarters Service Company.
Si Edwin, sa mga panahong iyon ay nakapanaog naman na sa stage. Naroon ito sa Presidential Table, katabi ang mismong Division Commander at Battalion Commander. Nakapalibot naman ang mga “staffs” ng Heneral.
“Friend?”, pukaw ni Ireneo sa atensiyon ni Joy.
“Si Claire nga pala, pinsan ko.” Nagpalitan ng ngiti at pagbati ang dalawang dalaga pagkatapos magkamay ng mga ito.
“Hello nice to finally meet you. Ikaw si Claire, naku ang ganda-ganda mo Claire, alam mo bang may admirer ka?”
“Hello, ate Joy. Naku ate hindi naman po, at maganda ka din ate eh hihihi.”, ang medyo nangingimi pang tugon ni Claire kay Joy.
“Naku mas maganda ka, hindi ka lang pretty, gorgeous ka kaya hihihi. Naku wag kang mahihiya sa akin Claire ha, pwede mo ako maging ate. Ay pala, may irereto ako sau Claire ha hihihihi. Naku bagay kayo promise, saka ang timang na iyon, kahit pa napakataas ng pride, halata- halata namang
in-love na in-love siya sa sa iyo hahahahhaaha”, walang preno-prenong usal nito.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
“Ha? Sino ate?”, ang medyo nahiwagaang si Claire. Dito naman nakakita ng pagkakataong makasingit sa usapan si Brian.
May ibinulong ang sundalo kay Joy. Pagkatapos makumpirmang pareha sila ng nasa isip, ay sinabi na din ni Brian ang nangyaring pag-uusap at pag-amin sa kanya ng pinsan.
“Yyyyyipeeeeeeeeeeeee…. Perfecccccccttttt”.
Pati si Rina ay nagulat sa biglang sigaw na iyon ni Joy.
“Ayiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeee,” parang timang din na tili nito.
Lalo pang nahiwagan si Claire, at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, subalit may halong irap ang para sa pinsan.
“Eh siya iyong sabi ko na secret admirer mo Claire hihihihihihi.” Dito pa lang tuluyang lumuwag ang didbdib ni Claire. Nakumpirma niyang may pagtingin talaga sa kanya ang tinyente.
Dala ng kagalakan, nayakap pa nga ni Joy ang dalaga. “Pati ako kinikilig sa inyo, hihihihi, naku hayaan mong tumulong kami ha eh totorpe-torpe kasi iyon sa iyo.”
“Halika Claire maupo tayo, tabi tayo Claire”, ang huling turan at yakag ni Joy.
Oo nagsisimula na ring umukopa sa puso niya si Edwin. Pero sa isiping may pagtingin din pala ang magandang si Claire kay astig pero torpeng Edwin, ay hindi niya alam pero ibayong kilig talaga ang dala sa kanya. Higit pa sa handa, kayang kaya niyang magbigay.
Sa lamesa ng mga VIPs, kasalukuyang kinakausap ng Heneral ang Battalion Commander.
Sunod namang nagtanghal ang Headquarters Service Company. Sayaw ang napiling itanghal ng mga ito. Muling umugong ang palakpakan at hiyawan sa paligid.
Ang Campaign Plan ng Brigade ang paksa naman ng mga matataas na opisyal. Wala noon ang Brigade Commander, kaya ang Batcom ang direktang tinatanong ng heneral.
“Itong si Edwin, dapat sa Operations ito eh. Hanggang kailan ba niya uupuan ang Alpha?”
“Sir ipapatapos ko iyong buong term niya as CO, Sir.”
“Okay, pero Anto, kaya mo bang alalayan ang TRAININGS? Squads hanggang platoons? Gusto ko kasi matuto sa taktika mo ang mga tropa. Isa pa, preskong-presko pa ang Specialization Course mo.”
Dito nakakita ng pagkakataon ang tinyente para maisingit ang balak niyang pagkuha ke Alamid.
“Yes Sir, kaya Sir.”
“Okay, ano ang kailangan mo?” sa wakas ay tanong sa kanya ng DC.
Pero, hindi puwedeng dumirekta ang tinyente sa Heneral, baka mabastos niya ang kanyang Battalion Commander. Pumihit siya sa direksiyon ni LtColonel Salgado.
“Sir, may isang tao ako na kukunin sana Sir. Kailangang-kailangan ko talaga. “Makakatulong ko sa Operations pati sa refresher trainings ng tropa Sir.”
“Sus akala ko naman kung ano.”, putol ng Heneral sa kanila ng Batcom.
“Approved, BC ipadala agad ang request.”
Oh Anto, ganyan ka kalakas sa akin ha, approved agad ni wala pa ngang request, biro ng DC.
“Pero Anto, okay lang ba kung may request din ako? Putsa isa pa nga Anto. Kanina pa ako kinukulit ni Maam mo sa kanta namin eh.”
Para namang may magagawa ang tinyente. Napagawi ang kanyang tingin sa esposa ng DC kung saan nakangiti ang ginang sa kanya, tila hinihintay ang kanyang sagot.
Bahagyang tango na lamang ang tugon niya dito. Hindi na rin niya kailangang tanungin pa kung aling piyesa ang kakantahin, sapagkat hindi katagalan, ay tumayo ang AIDE ng DC, at ibinulong ang titulo ng kakantahin sa kanya.
“Kaya naman.”, mahinang usal ni Edwin.
Dito’y naalala niya si Joy, at agad hinagilap ng paningin. Kasama na nito si Rina, si Brian, at, nagulat ang tinyente. Abala ang dalaga sa pakikipag-usap at pakikipagpalitan ng tawa kay Claire. Mistulang close na close na ang mga ito. Masasabing nagkapalagayan na ng loob.
“May nangyari ba habang wala ako?”, pagtataka niya.
“Sige na Edwin, take charge, paki-pabakante ang dance floor ha, huling mando ng Heneral.
“Pagkatapos, puwede ka na bumalik sa mesa niyo, kanina ka pa yata inom na inom eh haha, dagdag biro nito.”
Nagkataon namang patapos na ang tinutugtog ng banda, kaya’t tinahak na niya pabalik ang stage.
Pagkatapos i-relay sa banda ang titulo ng hinihiling na kanta, at ilatag sa harapan niya ang lyrics at nota nito, ay dagliang nag- announce ang pinuno sa mikropono.
“Magandang gabi po muli sa ating lahat. Happy Founding Anniversary.”
“I would like to appeal, for the support of everyone, to solely give the floor to our GOHAS and to Maam Rose. Sir Rey, and Maam Rose, this song has filled and inspired your married life, and to that I take pride in performing this beautiful song, and hope that it will continue to kindle your never ending love for each other.”
“Sir Rey and Maam Rose, again, a happy 30th Wedding Anniversary to you, the floor now is all yours.”, kasunod nang kanyang pagtalikod upang harapin ang mga miyembro ng combo, upang ihudyat ang “cue”.
4… 3.. 2. 1
At umere ang intro ng kanta sa pamamagitan ng mga tipa ng “organ” ng banda, kasunod muli ang boses ng lead vocalist, ang tinyente. Ang awitin ay mula sa bandang Electric Light Orchestra.
I see the lonely road that leads so far away
I see the distant lights that left behind the day
But what I see is so much more than I can say
And I see you in midnight blue.
Pansamantalang pinatay ang mga disco lights at iniwan lamang ang mga dim lights, kaya’t mas lalong naging romantiko ang “ambience” ng dance floor. Sa gitna nito ay ang mga masusuyong haplos ng Heneral sa likod ng kabiyak, habang banayad na sinasabayan ng mga ito ang ritmo ng musika.
Si Joy, sa kabilang dako, kahit kanina pa gustong-gustong tumili sa kilig ay walang magawa, at nagkasya na lamang ito sa pang-aasar kay Claire.
“Hayan Claire oh kinakantahan ka niya hihihihi.”
“Ate Joy talaga , hindi naman para sa akin iyan, wala kaya siya sinabi.” nagingimi pa rin ang dalaga.
“Sa iyo iyan kunwari lang iyang ma-pride at torpe na iyan, tingnan mo ha.”
Habang nasa ikalawang talata ng kanta ang tinyente ay mapapansing
tumayo si Joy sa kinauupuan at kumaway-kaway sa direksiyon ni Edwin, nagbakasakaling makuha ang atensiyon nito. Napansin naman ito ni Edwin.
May isine-senyas sa kanya si Joy, may ipinapagawa ito. Ngiting-ngiti ito tapos itinuturo, tila patusok, ng dalawang daliri nito ang sariling mga mata, pagkatapos ay mumuwestra sa direksiyon ng katabi nito, kay Claire.
May inis pa ring ramdam ang tinyente kay Claire, subalit tinalo na ito ng kakulitan ni Joy, kaya ayaw man niya, may gumuhit nang ngiti sa kanyang mga labi.
Nakuha nito ang gustong ipagawa ni joy, at nagkataon pa talagang babaybayin na niya ang chorus.
Tuluyan ngang nagtagpo ang mga mata ni Edwin at Claire.
I will love you tonight
And I will, stay by your side
Loving you, im feeling midnight blue.
Si Joy, hindi na napigil ang kilig na kanina pa pinipigil para sa dalawa, tuluyan itong napatili.
“Aaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee…
“Shit hihihihihihihihihihihihi, ay sorry, sorry shit parang maiihi ako hihihihihihihihihi.” hagikgik nito, habang banayad nitong hinampas-hampas sa gawing balikat si Claire.
Si Claire, na namula bigla ang mga pisngi dahil sa blushes at parehong pagkakilig. Hindi na niya maalis-alis ang kanyang mga mata kay Edwin.
Si Edwin, oo nawala ang dama niyang inis at pagkadismaya sa sinisinta, at aminin man niya o hindi, kinikilig din siya. Ayaw man niya, siya na ang nagbawi ng paningin para mapagtuunan ang pagkanta, at baka kung kailan patapos na’y magkamali pa siya.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Pahiya si Delavega. Likas ngang talentado sa musika si Santos. Pansin rin niya ang pagkakatitig ni Claire kay Edwin. Mababanag ang pagkairita sa mukha nito. Sa naninigkit nitong mga mata, magkakasunod ang tagay niya sa iniinom na serbesa.
Likha ni elmergomopas. All Rights Reserved.
- Ang Pinuno Diecinueve - May 10, 2023
- Ang Pinuno Dieciocho - May 4, 2023
- The Walking Dead - April 27, 2023