Written by Coryn
Sorry sa mga nabitin but eto na, tuloy ko nalang agad ang istorya.
Hindi ko lubos aakalain na ganito mangyayare saking unang araw dito sa aming baryo, andito ako ngayon sa sala nila Bea habang siya’s nakaupo sa kanilang sofa, basa padin dahil sa pagtatampisaw sa sapa, hindi ko alam ano sasabihin ko at nakatayo lang ako sa harap niyang parang tanga na nag aantay anong susunod na inuutos sakin ng napakagandang babaeng ito. Ramdam ko na ang lamig dahil sa kanilang aircon, kaya alam ko na ding lamig na lamig na tong si Bea. “Kaya mo ba mag isa dito?” aking tanong sa dalagang kasalukoyang nakayoko, nahihiya pa siguro, napatingin ako sa loob ng bahay nila at mukhang siya nga lang talaga ang nakatira ngayon dito. “Ang independent naman niya” kako saking sarili. Ngumiwi ang dalaga saking tanong, “kailangan mo na magpalit, basang basa ka oh” sunod kong sabi, tinignan niya ako na may halong kaba at sakit sa kanyang mata, alam ko gaano kasakit ang ma sprain ang paa at paika ika ka talaga mag lalakad ng ilang araw, inabot ko muna ang power button ng aircon nila at pinatay ito. “Asan ang kwarto mo?, buhatin na kita doon para makapagpalit ka na” Tumango lang ang dalaga at mahinang tinuro ang kwarto niya sa gilid. Binuhat ko siya at mas lalo na naman ako nabasa, dahan dahan ko siya binaba sa upuan niya at inalalayan papunta sa kanyang cabinet, kumuha siya ng mga pamalit na damit. Kunyare nalang akong walang interes sa kanyang ginagawa nung binuksan na niyang ang drawer kung nasa ang kanyang mga undies. Nagulat ako saking nakita, ang cute ng mga undies niya, pang inosenteng dalaga pero sa gilid ay hindi ako pwede magkamali, may vibrator si Bea. Agad agaran niyang sinara ang kanyang drawer pagkatapos humablot ng pink na panty sabay tingin sakin, parang naniniguradong hindi ko nakita iyon. Ako nama’y nagmaang maangan na lang na kunyare interesado sa picture nilang mag-ama sa kanyang night stand. “Labas ka muna kuya saglit, tawagin nalang kita pag nakapagpalit na ako” ika niya. Pinaupo ko siya sa kanyang upuan at inabot na din ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan niya. Ambango. Ambilis padin ng pitik ng puso ko nang sinara ko na ang pinto sa kanyang kwarto, sumandal ako saglit sa pader upang magpahinga. Kasalukoyang naghuhubad ngayon si Bea sa loob, yan ang tumatakbo sa isip ko habang nag aantay pero dali dali ko ding ipinag walang bahala at nilabas ang aking celphone. 2:30 AM ang nakalagay na oras, baka papatulugin naman niya ako sa sala sabi ko nalang saking sarili. “Kuya, pasok po kayo” rinig kong sabi ng dalaga sa loob. Napalunok akong laway at hinawakan na ang door knob para pumasok.
Tumambad sakin pagkapasok ko ang naka all pink na pajamang Bea. Kahit nakapajama na ito, hindi parin ito kayang itago ng kanyang mga damit ang taglay na curves ng dalaga, napalunok ulit ako. Hindi ko talaga lubos na inasahang magkakaganito ang aking bakasyon dito sa probinsya. Balik na naman ako sa pagkatulala, saka lang ulit nahimasmasan nang nagsalita na ang dalaga. “Kuya, alam mo ba paano gagawin dito sa paa ko? mukhang namamaga na talaga siya”. Nakatayo lang ako sa harap niya habang inisip ano mga ginagawa ko noon saking sarili kapag nag kaka sprain ako noong madalas pa ako maglaro ng basketball. “Meron ka bang ice? panigurado wala ng bukas na tindahan ngayon, ice bath na lang muna natin yan” aking tugon. Nagliwanag ang mukha ni Bea “Meron ako sa ref kuya pakuha na lang, tapos okay lang ba kung balde na lang gamitin paglagyan?” “Sige ako na muna bahala” marahan kong sambit. Lumabas na akong kwarto ng dalaga at hinanap kanilang refrigerator, madali ko lang ito nahanap kasi may kalakihan, ang yaman nila kako saking sarili. Pagkabukas ko ng ref ay napansin kong punong puno ito, masagana. Talagang kayang mamuhay ng mag isa ng dalagang to, pero ngayong injured siya, mukhang mangangailangan siya ng kasama pansamantala. Kung ano ano na naman ang pumasok sa isip ko, tatawagin kaya niya ako mamaya ulit para alalayan siya kapag iniwan ko sa kanya aking numero? or parang sobrang feeling close ko na yata. Baka may mga kaibigan naman na siya dito para pede niyang tawagin na kasama niya habang nagpapagaling ang kanyang paa. Binaling ko na ang aking atensyon at kinuha ang ice sa loob, pinalitan ko din ito para may magamit ulit sa susunod. Sunod kong pumuntang cr nila para kunin ang balde, napalunok ako nang mapansin ko ang mga nakasabit na undies at bra sa loob, napatawa na lang ako ng mahina dahil sobrang cute talaga ng mga undies niya, para bang napaka inosenteng dalaga. Dali dali na akong bumalik at baka nag tataka na ito. Nadatnan ko siyang hawak ang kanyang phone at tila ba’y may tinetext/chinachat. “May matatawag ka bang kaibigan mo dito na mag aalaga sayo habang nagpapagaling ka Bea?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang baldeng laman ang mga ice sa paanan ng bed. Dali dalian namang nilagay ng dalaga ang namamagang paa niya sa balde sabay tingin sakin. Kita sa mukha niya ang sakit padin sa kalagayan niya pero nakuha netong sagutin ang aking tanong habang paikot ikot niyang nilalaro gamit ang kanyang paa ang mga yelo sa balde. “Wala nga po eh, bago lang kami dito kuya, nagbabakasyon lang din ako.” “Sino garud iyong parang chinat mo?” Tumingin sa baba si Bea. “ahh iyong boyfriend ko kuya, kwinento ko lang ang nangyare, sinabi ko lang na wag siya mag aalala kasi may nag aalaga naman sakin” sabay tingin ulit sakin ng dalaga.
May boyfriend na pala tong si Bea, sayang naman, out of respect, inalis ko nalang agad saking isipan mga sandamakmak na pagpapantasya sa dalaga. “Kung okay lang sayo, sa sofa sa nalang ako sa sala makikitulog? uuwi naman akong maaga din kasi panigurado hahanapin na ako nina auntie ko, kung may kailangan ka pa, wag ka mahiya tawagin ako okay?” palabas na akong kwarto niya pagkasabi iyon nang bigla niya ako tawagin. “Kuya Bong, amin na lang number niyo para d ako nagsisigaw dito, para tawagan ko nalang kayo kung sakali” pagkasabi neto ay inabot na ng dalaga ang kanyang celphone sakin. Wallpaper niya ang litratong magkasama sila ng boyfriend niya, hindi ko nalang to pinansin habang nilalagay ang number ko sa contacts niya. Hindi ko pero maiwasang mainggit, panigurado kung ako ang boyfriend nitong si Bea, araw araw to makakatikim sakin, wari ko saking sarili. Binalik ko na ang phone ni Bea sa kanya at lumabas na din ako sa kwarto niya na walang imik. Dami tumatakbo saking isip ngayon, mahirap magkagusto sa dalagang may karelasyon ng iba, pero shet, ang ganda talaga niya. Humiga na ako sa sofa at dahil sa pagod nakatulog na din lang agad, pero aaminin ko, si Bea ang huling nasa isip ko nang ako’y paidlip na.
Nagising ako sa unang tilaok ng manok, ang babaw ng tulog ko, marahil na din dahil d ako sanay sa hinihigaan ko. Tinignan ko ang aking celphone at dalawang message akong nakita, isa ay ang kay Auntie na pinapauwi na ako at isa galing sa isang unsaved na number, binasa ko ito, si Bea pala, nagtext. “Kuya Bong, Bea to, pakisave nalang po ang number ko, Goodnight ;)” Naku, naku, nakuha pa nga ng dalaga mag send ng winking smiley, hindi pa ba siya nakakaramdam na may gusto ako sa kanya simula palang nang una kami magkita kahapon ng umaga noong kami ay nagkasalubong sa harap ng bahay nila?. Pagkabangon ko dali dali kong inayos ang sarili ko, hindi na ako magpapaalam na umuwi ako. Kung may kailangan man siya nasa kanya naman na ang number ko. Tinignan ko ang oras, ayos kaka alas sais palang, parang nagjogging lang ako. Ramdam ko ang puyat at pagod nang palakad na ako pauwi, mabigat nga naman si Bea, pero gulat ako sa sarili ko na kinaya ko siya buhatin pauwi. Nakasalubong ko si uncle pauwi, sinabihan niya akong dumiretso na daw ako sa bahay dahil nag aalala na si auntie. “Auntie, kauwi na po ako!” sabi ko agad pagkapasok ko sa bahay, dali dalian namang sumilip ang aking Auntie, “Ikaw na bata ka, naglaro ka na naman magdamag sa computer shop ano?” Nginitian ko nalang si auntie “Sorry na po, nakakamiss lang din maglaro ulit sa Computer shop” at ganun na nga ako nakaligtas sa sermon. Hindi ko na kailangan pa mag isip on the spot ng irarason asan ako magdamag kahapon. Kumain na ako sa inihanda ni auntie na pang umagahan at pagkatapos ay naligo na. Humiga na din ako sa kama nang ako’y makapagpalit na at nagpaalam na ako’y matutulog pa kasi puyat saking auntie, ngumiwingiwi lang itong pinayagan ako. Tinignan ko ang aking celphone, wala pang text. Bakit ko nga ba inaantay ang text niya? panigurado kausap na nun ang boyfriend niya kako saking sarili. Binaba ko na ang aking celphone saking tabi at pinikit ko na ang aking mga mata. Mahimbing na ang aking tulog nang magtxt ang dalaga. Mga may isang oras din siguro akong nakatulog bago ako naalimpungatan. Binuksan ko agad ang aking celphone nang mapansin kong nagbiblink ang notification light neto, napansin ko rin agad na si Bea nga ang nag text. Binuksan ko ang text niya, at medyo natuwa kasabay ng pag aalangan. “Kuya Bong? may ginagawa po ba kayo? pwede po ba kayong pumunta dito?” Hindi na ako nagdalawang isip pa at nag reply ako agad. “Wala naman, saglit lang at ako’y pupunta na diyan agad, may ipapabili ka ba?”. Nagbibihis na ako nang mag reply ang dalaga, “Wala naman po kuya, may mga pagkain naman sa ref”. “sige sige, papunta na ako diyan” reply ko. Hinanap ko si auntie upang magpaalam na lalabas ako ulit, sinabi ko na ding baka hapon na ako makauwi. Hindi ko na inantay ano sasabihan ni auntie at dali dali akong lumabas ng gate. Naglalakad na ako papunta kina Bea nang bumalik na naman ang aking kaba pero kasabay neto ang excitement na makakasama ko na naman ang magandang dalaga.
Itutuloy….
- Script Series: Karinderya Villalba Bonus Act - October 14, 2023
- Innocent Student By Day, Ls Writer By Night. - June 2, 2023
- “Single” Mom Supremacy - September 16, 2022