Ang Nagmamakaawang Pag-ibig 1

Ang Nagmamakaawang Pag-ibig

Written by snowbear

 


Kabanata I: Ang Simula Ng Kwento Nina Alexander, Isabel at Leandro

*****

[SA KASALUKUYAN]

Alex

Masaya ako sa kung ano mang meron ako ngayon sa aking buhay. Hindi man ganoon kayaman tulad nang iba pero masasabi kong kuntento na ako sa naabot ko. Isa na’kong imbestigador/detective na may ranggong Police 2nd Lieutenant sa aming istasyon. Si misis nama’y nagresign sa money-lending company na kanyang pinagtrabahuan noon at ngayo’y nagtatrabaho na siya bilang akawntant sa isang malaking business firm sa bansa. May dalawa na rin kaming anak, sina Ameera at Steven. Si Ameera’y nag-aaral na bilang kinder habang si Steven nama’y pinasisimula na rin namin sa daycare centre. 5 taong gulang na si Ameera at si Steven ay 3 taong gulang pa lang.

Tulad nang sabi kong maganda si misis eh ngayon mas dumoble pa ang alindog nito. Bagay na bagay kasi kay misis ang pagiging malaman sa tangkad niyang 5 talampakan at 3 pulgada. Kung maputi na siya noon eh mas lalo naman ngayon dahil sa mga produktong pampaganda ‘tsaka idadagdag ko pa ang kakinisan ng kanyang balat. Kaya alam na alam kong maraming kalalakihan ang nagpapalipad-hangin at nagpapa-pansin sa kanya. Sa kanyang edad na 35 ay marami pa ring nag-aakala na siya’y nasa late 20’s lang dahil na rin siguro sa kanyang kaliitan. Marami nga sa mga kasamahan ko ang nagsasabing napaka-swerte ko raw dahil pang-kama daw talaga ang katawan ni misis. Hindi ko nagustuhan ‘yon kaya muntik na kaming mag-away nang katropa kong iyon.

Nandirito ako ngayon sa isang lugar na sinasabing dito daw nakatago ang pinaghahanap na pugante dahil sa kabilaang kaso nito na may kinalaman sa panggagahasa’t pagpatay sa iilang babae na ang 2 pa rito’y mga anak ng pulitiko. Papalapit na kami sa bahay na pinagtataguan mismo nang suspek nang sa ‘di inaasahan ay may mga bakal rin pala itong mahahaba kung kaya’t nagka-resulta ito sa barilan habang ito’y tumatakas. Kaagad kong ipinagalaw ang aking mga kasamahan at sinabihan silang mag-ingat. Dahil sa skwater area ang lugar ay medyo nahirapan kami sa pag-approach dahil sa makipot na mga eskinita at marami ring tao. Naispatan kong papatakbo na ito sa labasan kung kaya’t sinigawan ko itong tumigil na sinunod rin naman niya saka ko ito sinabihang lumuhod at itaas ang mga kamay na nakalagay sa likod ng ulo nito. Subalit, sa aking paglapit ay hindi ko inaasahan na gagalaw siya nang pabulusok papunta sa kung saan nakalatag ang iwinaksi niyang baril pagkatapos ay pinaputukan niya’ko na tumama sa aking dibdib. Hindi ako nakagalaw at napahiga nalang ta’s nagdilim nalang ang aking paningin, rinig ko pa ang pagputok muli nang isa pang beses at kitang-kita ko ang pagdalo sa akin nang mga kasamahan ko.

*****

[LIVE REPORT]

Nandidito tayo ngayon sa isang lugar na kani-kanina lamang ay may nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis at ng mga salarin. Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, sinasabing ni-respondehan daw nang mga pulis ang natanggap nilang ulat na dito daw sa lugar naglalagi ang pinaniniwalaang gumahasa at pumatay sa mga kababaihan noon na ang dalawa pa’y mga anak ng pulitiko.Nasawi ang suspek na kinilalang si Alyas Batak na ‘di umano’y miyembro pa ng isang sindikato na nag-ooperate dito sa kalakhang Maynila. Mabuti na lamang ay walang nasawi sa panig ng ating mga kapulisan at walang nadamay na mga sibilyan pero sinasabi nang mga nakasaksi na dinala raw sa isang ospital si Imb. Alex de Jesus matapos tamaan ng bala sa dibdib.

Sa napanood at narinig ay dali-daling dinampot nang ginang ang kanyang selpon sa mesa at idinayal ang numero ng nais tawagan. Hindi sumasagot ang taong nais niyang tawagan kaya nag-aalala na siya hanggang sa nahinto ang pag-tunog nito, ilang beses niya pa ulit itong idinayal pero wala pa rin kaya mas lalong nabalot sa kanyang sarili ang pag-aalala’t pagka-takot sa maaaring nangyari. Ilang minutong pagka-tulala’y tumaginting ang selpon niya kaya mabilis niya itong dinampot.

“He-Hello?”, tanong nito sa taong nasa kabilang linya.

“Hello, Isabela. Si Tsip Romulo ito…”, sagot nito sa kanya. Dahil sa pagpapakilala nito’y napaisip ang ginang kung ano na ang nangyari sa kanyang mister at kung bakit ito napatawag.

“Uhm… Hello po, Sir. Bakit po kayo napatawag, tungkol po ba ito sa nangyaring barilan? May nangyari po ba kay Alex?”, nangangambang tanong niya. Napabuntung-hininga ang hepe at napahimas sa kanyang noo.

“Hmmm… Napanood mo na pala. Oo, tungkol ito sa nangyaring barilan kanina. Ano kase, may nangyari kasi kay Alex pero hindi naman malala or ano… natamaan lang siya nang bala sa dibdib. Huwag kang mag-alala dahil nakasuot naman siya ng kevlar vest noon, tinawagan lang kita para ipaalam sa’yo. Dinala lang namin siya sa ospital dahil nagka-shock siya, first time pa palang matamaan noon kaya gano’n talaga.”, paliwanag nang hepe.

“Hayyy… Hallelujah, praise the Lord. Mabuti nalang po at hindi naman pala malala ang nangyari sa kanya. Salamat po sa pagpapa-alam sa amin eh kailan naman po siya makakalabas?”, huling katanungan ni Isabela sa hepe.

“Ahhh, tulog pa kase hanggang ngayon. Sabi nang doktor eh sa oras na magising siya’y makaka-labas na rin siya agad.”, sagot nito.

“Gano’n ‘ho ba? Sige, maraming salamat po at magandang gabi po sa inyo.”, nagpaalam na silang dalawa sa isa’t isa bago ibinaba ni Isabela ang selpon at napahinga nang maluwag.

Nagtungo siya sa kanilang pridyider para uminom nang malamig na tubig sa idinulot na kaunting pangamba at stress ng tawag na iyon kani-kanina lamang. Pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang laptop at nag-saliksik hinggil sa nangyaring barilan na naibalita. Matapos nito’y tiningnan niya na rin ang emails niya at baka sakaling may mga mahahalagang bagay na dapat niyang malaman lalo na sa kanilang trabaho sa opisina.

Sa mahimbing niyang pagtulog ay may naririnig siyang boses na tila tinatawag siya’t hinahanap-hanap, hinanap niya kung saan nangga-galing ang boses na ito. Nakita niya ang lalaking tila kawangis ng kanyang mister na si Alex, tumakbo siya nang mabilis papa-lapit dito ngunit tila ba’y hindi siya makarating sa kinatatayuan nito. Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa napagod na rin siya at huminto. Nakita nalang niya na mag-bigkas ito nang “paalam, mahal ko” sa kanya at unti-unti itong naglalaho, hinabol niya ulit nito ngunit ‘di pa rin niya ito ma-abot. Nagising nalang siyang dilat na dilat ang mga mata, malalalim na hininga ang pinapakawalan ‘tsaka kinakabahan at naka-dukwang ang kanang kamay na tila may gustong abutin.

Pagtingin niya sa kanilang orasan ay alas 4:30 na pala ng madaling araw at pansin niyang tuma-taginting ang kanyang selpon. My King, basa niya. Mabilis pa sa alas kwatro niya itong dinampot saka sinagot ang tawag.

“Mahal? Mahal, ikaw ba talaga ‘yan?”, galak niyang tanong sa kabilang linya. Narinig niyang napa-halakhak ang kanyang mister kaya sinimangutan niya ito sa tawag.

“Mahal naman, ayaw mo ba akong pagbuksan? Kanina pa kita tinatawag pero ‘di mo’ko sinasagot, pagod na pagod na’ko sa kakatayo dito.”, pagpapakyut nito sa misis.

Pinatay na kaagad ni Isabel ang selpon at dali-daling bumaba at lumabas nang bahay. Pagbukas ni Isabel sa kanilang gate ay binati siya ni Alex, magsasalita pa sana ito pero naunahan na siya ni Isabel. Mahigpit siya nitong niyakap, naka-subsob ang mukha sa balikat ng mister at naririnig nitong mahinang humihikbi ang misis kaya inaalo-alo niya ito sa pamamagitan din nang pagyakap dito at paghagod sa likod ng misis.

“Shh-shhh… Tama na ‘yan, Mahal. Tama na ang iyak na ‘yan. Nandito na ako, buhay na buhay. Still alive and kicking!”, pang-aalo ni Alex sa butihing misis.

“Huhuhuhu… Ayoko, Mahal. Hayaan mo muna akong umiyak dito. Akala ko napano ka na sa operasyong ginawa niyo na nabalita. Huhuhu…”, pahikbi niyang salita.

“Mahal, kailangan ko nang ipasok ang sasakyan sa loob. Sige na, baka mapa’no pa tayo dito ‘tsaka, nakakahiya sa mga kapitbahay natin. Sa loob na tayo mag-usap…”, wika ni Alex.

“Um!”, pagpayag ng misis.

*****

IsabelHindi niyo’ko masisisi sa kung ano man ang nagawa ko kanina kay mister dahil sa naramdaman ko noong mabalitaan ko ang nangyari sa kanya. Hindi ako mapakali at aligagang-aligaga ako sa sarili ko mismo. Hinainan ko si mister nang maagang pang-almusal, kape ‘tsaka pandesal at naupo na ito sa hapag para makapag-usap nang masinsinan.

“Alam kong marami kang gustong sabihin sa akin, Mahal. Pero uunahan na kita, ayos lang ako at walang masamang nangyari sa akin.”, paunang-bigkas ni Alex.

Habang nag-uusap kasi kami ay nagluluto na ako nang pang-agahan naming mag-pamilya.

“Hindi naman kasi ganoon ‘yon, Mahal. Sana man lang eh sinabihan mo akong may gagawin pala kayong operasyon para hindi ako magulat na habang ako’y nandirito lang sa bahay eh ikaw nakikipag-barilan at nakikipag-habulan sa kung sino mang mga Ponsyo Pilatong ‘yan. At para maipagdasal kita na sana’y walang mangyaring ganyan sa’yo, sana nama’y naiintindihan mo’ko, Mahal.”, hinaing ko.

Alam kong narinig niya ang sinabi ko at nakita kong parang na-guilty siya. Humigop ito nang kape bago tumayo, lumapit sa akin at hinagkan ako habang niluluto ko ang aming pang-agahan.

“Sorry na, Isay… Alam mo naman ang dahilan kung bakit ‘di ako nagpapaalam ‘diba? Ayoko lang naman kaseng mag-alala ka.”, lambing ni Alex sa akin.

“Hmp! Bahala ka d’yan. Maghanda kana nang mga plato’t kutsara d’yan para makakain na tayo pagkagising nang mga bata. Malapit-lapit na rin ‘to at kailangan ko na ring maghanda papasok sa trabaho.”, mariin kong utos sa kanya na kunyari ay nagga-galit galitan ako.

“No problemo, Komander!”, sagot niya saka ginawa ang iniutos sa kanya. Palihim akong napangiti sa sinagot niya.

Alas 5:30 ng umaga’y nakapag-agahan na kaming mag-pamilya at pagkatapos ay sabay-sabay ko nang niligo ang aming mga anak kasama ko. Pagkatapos namin ay sumunod naman agad si Alex hanggang sa pormado na kaming lahat at tatahakin nalang ang daanan patungo sa paaralan at pagtatrabahuan naming mag-asawa. Bago magpaalam ay hinalikan namin ang pisngi ng aming mga anak saka hinatid ni Alex ang mga bata papasok sa mga silid-aralan nito.

*****

Buong araw ay abala ang mag-asawa sa kani-kanilang mga ginagawa sa trabaho. ‘Tsaka bukod sa trabaho ay palihim ring ini-imbestigahan ni Alex ang pagkamatay nang kanyang mga magulang, inaalam niya ang pagkaka-kilanlan ng mga ito at kung saan ito nakatira. Hinding-hinding niya kailanman malilimutan ang pangyayaring iyon na bumasag sa kanyang pagkatao. Dito rin niya nalamang basta-basta nalang palang i-sinarado ng mga kapulisan ang kasong ito dahil sa kahirapan ng mga biktima at isa pa’y wala ring mga ebidensya ang makakapag-turo sa mga salarin.

Kina-hapunan ay tinatahak na ni Alex ang daanan papunta sa pinagtatrabahuan ng kanyang misis. Nasa bahay na nila ang kanilang mga anak dahil hanggang 3 oras lamang aabutin ang klase ng kanilang bunso at hanggang alas 12 nang tanghali lang ang sa kanilang panganay na nasa kindergarten. Pagdating niya sa pinagtatrabahuan ni Isay ay wala pa ito, hindi pa nakakalabas sa trabaho kaya tinext niya ito at sinabing hinahanap na niya ito para makauwi na sila, nagreply naman si Isay na mag-oovertime daw sila ng mga katrabaho niya dahil marami daw ang ipinapa-gawa at ipinapapasa sa kanila sa nakatakdang araw kaya todo kayod sila ngayon. Naintindihan naman ito ni Alex at sinabing hihintayin nalang niya ito sa parking lot na sinang-ayunan rin naman nang misis. At sawakas, bumaba na rin ang misis niya kaya bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan si Isabela pero bago pa’yon ay binati niya muna ang misis at hinalikan ito. Nakarinig pa sila nang mga pa-kilig na tili mula sa mga katrabaho ng misis niya na kanya namang ipinagmamalaki’t ipinagmamayabang sa lahat.

“Hello, my beautiful son and daughter!”, bati ni Isabela sa kanilang mga supling.

“Good evening, Mommy! Good evening, Daddy!”, magkasabay namang bati nang dalawa sa kanila.

“Nakapag-hapunan na ba kayo?”, tanong ni Alex. Umiling sila.

“Uhhh… Gusto kase nila na sabayan kayo sa pagkain kaya kahit ano’ng pilit ko d’yan sa dalawa eh ‘di talaga sila kumain hangga’t ‘di kayo dumarating dalawa.”, sabat naman ni Manang Lucena. Siya ang kanilang ipinagkakatiwala sa kanilang mga anak sa t’wing papasok ang mga ito sa paaralan. Tumandang dalaga na si Manang Lucena, 47 taong gulang. Hindi na ito nakapag-asawa simula noong iniwan ito nang nobyong naka-relasyon nito sa loob ng 15 taon. Mga pamangkin lang nito ang kasa-kasama sa bahay na pagmamay-ari niya.

Kumain na ang mag-pamilya’t isinama na rin nila si Manang Lucena para hindi na nito ka-kailanganing maghapunan pag-uwi nito sa kanila. Pagkatapos nilang maghapunan ay pinauwi na nila si Manang, anong oras na rin kase baka mapano pa ito kung magtatagal pa ito. Pinaliguan naman ni Isabela ang kanilang mga anak para sa mahimbing na pagtulog ng mga ito. Matapos siguruhin ni Alex ang mga daanan at pintuan sa kanilang bahay ay nagtungo na rin ito sa kanilang kwartong mag-asawa.

“Oy, witweew… Kinis at seksi nitong babaeng ‘to ah.”, pahaging-pansin nito sa misis na naglalagay ng lotion sa katawan.

“Hmmm… Ang bango pa, ‘tangina! Kaka-libog ka naman, Mahal.”, dagdag pa nito. Nahampas ito ni Isabela at pinagsabihan ang mister na hinaan ang boses dahil baka marinig ito nang mga anak nila.

Hinagkan ni Alex si Isabela mula sa likod at nagpaugoy-ugoy ang kanilang pangangatawan na parang sila’y nagsasayaw nang pang-romansa kahit wala namang tugtog, ang ginagawa lang ni Alex ay humuhuni-huni para makapag-likha siya ng tunog na pang-sayaw. Habang nagsasayaw ay inabot ni Isabela ang ulo ni Alex gamit ang kanang kamay at hinahagod-hagod ito kasabay nang paghagod ng kanilang mga katawan at inilapat nito ang kaliwang kamay sa nakayapos na bisig ng mister. Bumulong si Alex sa tainga ni Isabela nang mga nakakakilig at nakakagalak na mga salita at inihayag din niya ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling yaon na hindi na nila nagagawa nang ilang taon.

“Nami-miss ko ito, Mahal. Matagal-tagal na rin ang nakalipas nang huling gawin natin ito.”, mahinang sambit ni Isabela.

“Oo nga, ‘di na natin namalayan ang bilis ng panahon. Handa ka ba kung aayain kita nang ganito?”, tanong ng mister.

“Syempre naman, minsan na nga lang mangyari ta’s tatanggihan ko pa ba? Pero saan naman tayo mamamasyal?”, balik-tanong ng misis.

Sumagot si Alex na siya na ang bahala doon basta’t kapag darating man ang araw na’yon ay handa si Isabela. Humarap na si Isabela kay Alex at nagkatitigan ang mag-asawa, iniyapos nang misis ang bisig sa batok ng mister habang nakahawak naman si Alex sa baywang ng misis. Nagka-ngitian ang dalawa at biglang parang nag-slowmo ang kanilang paligid, unti-unting nagkalapit ang kanilang mga labi. Hanggang sa tuluyan na ngang nagkasugpong ang labi nila sa isa’t isa, halik na punong-puno ng pagmamahal. Marahan lang ang kanilang paghahalikan, ‘di sila nagmamadali. Napahawak si Alex sa mukha ni Isabela. Dahan-dahan sila napalakad tungo sa kanilang kama at inihiga ni Alex si Isabela.

“Napakaganda mo talaga, Mahal ko… Walang makakapantay sa alindog mong daig pa ang pinaka-maningning na brilyante.”, puri nito sa misis.

Napaiwas naman si Isabela nang tingin sa mister at ramdam niya ang pamumula at panginginit ng mga pisngi niya. Napatawa nang bahagya si Alex. Hinubad niya ang kanyang damit pang-itaas at dinaganan ang misis niya. Nagka-lampungan silang muli, maalab na ito at naglilikha ng mamasa-masang tunog.

*Shlup* *Shlup* *Shlup* *Shlup*

“Um! Hmmfff… Hmmfff… Mwwah! Mwwah! Mmmh…”, natatakpang ungol ng dalawa.

Dahan-dahang pababa ang mga halik ni Alex, pinanggigilan nitong samyuin ang kabanguhan ng misis sa leeg. Ang kaliwang kamay niya’y napadakma sa kanang suso nito at banayad na pinipiga at lamas kahit na may takip pang nightie nito. Kasabay din nito ang padiin-diin din niyang panga-ngadyot sa kanyang misis, pinapa-taas talaga ang antas ng kalibugan ng misis niya.

“Unnghhh… Haaa-ang sarap, Mahal. Ooohhh…”, ungol ni Isabela.

Sa kailaliman nga nang gabi, sa tahimik na kapaligiran at sa maliwanag na sinag ng buwan. Sa isang bahay ay may dalawang magka-pareha ang sumasayaw at nagpapaka-lunod sa tawag ng kanilang kalamnan.

*****

Sa kabilang banda nama’y may lumapag na helikopter sa isang helipad ng isang mataas at matayog na gusali. Lulan nito ang tinik sa pagkatao ng pulis na si Tinyente Alexander de Jesus. Walang iba kundi si Leandro Salvacion, ang bully nito.

“Magandang gabi, G. Salvacion.”, bati ng isang matandang lalaki at yumuko bilang paggalang sa lalaki.

Malaki na ang ipinagbago sa buhay ng taong ito simula noong ipalipad siya ng kanyang angkan sa bansang Estados Unidos. Simula noong nandoon siya’y itinakwil na siya ng kanyang angkan, maging ng kanyang mga magulang kaya naghirap talaga siya sa dayuhang bansa. Nandidito siya ngayon dahil sa pagpupulong na gaganapin na ang paksa’y patungkol sa pagbili niya sa isang malaking kumpanya na sumesentro sa tele-komunikasyon. At nang natapos na nga ito’y tuluyan nang napasa-kanya ang kumpanyang ito.

“Congratulations, Mr. Salvacion. Congratulations.”, sabay-sabay na bati ng lahat at nagpapalakpakan at isa-isang nakipagkamay ang mga ito.

Nagsabi si Leandro sa kanyang sekretarya na kailangan na nilang umalis para magpahinga. Agad-agad namang ipinahanda ng sekretarya ni Leandro ang sasakyan nila sa ibaba ng gusali bago sila umalis nang wala man lang pagpapaalam sa mga ibang tao sa kumpanya.

Sa Okada Manila naka-checkin si Leandro at tanging siya lang ang nandito, walang ibang kasama. Tsinek na niya ang mga mensaheng matatanggap niya ngayon nga na siya na ang may-ari ng pinakamalaking telecom company sa bansa. Hindi na rin naman ito isina-publiko dahil hindi na rin naman kailangan at isa pa’y ayaw niya rin ito. Habang tini-tingnan niya ang emails niya’y tumaginting naman ang kanyang selpon, pagtingin niya’y may tumatawag.

“Oy, Pareng Leandro! Kamusta na?! Tagal mong ‘di nagpakita sa amin ah, jam naman tayo oh.”, wika ng nasa kabilang linya. Inaasahan na niyang tatawag ito sa oras na malaman nitong nakauwi siya ng Pilipinas.

“Nasaan ka ba? Kasama mo ba silang lahat?”, tukoy niya sa mga tropa niya bago siya itakwil ng angkan niya.

“Oo, kasama ko sila. Pero ‘di tayo kumpleto, Pre. May kulang, alam mo naman na may kanya-kanya na tayong buhay. Kaya, nahihirapan na rin ang iba sa atin…”, sagot nito.

“Osige, pupunta ako d’yan. Saan ba’yan? Itext mo nalang ang address.”, tugon niya bago ibinaba ang selpon at nag-ayos nang sarili saka umalis na. Nagsama siya nang dalawang bodyguard sakaling may mangyaring ‘di inaasahan. Nang mabasa niya ang address ay sinabi niya ito sa kanyang tagapagmaneho.

Nakarating siya sa isang magara at mamahaling restawran, mala-mansyon ang disenyo nito, malalaman mong yayamanin ang may-ari nito. May nagbukas na valet sa kanyang pintuan at ibinigay ng tagapagmaneho niya ang susi ng sasakyan bago sila pumasok. Marami-rami rin ang kumakain na alam mong mayayaman din pero hindi niya alam kung bakit karamihan sa mga ito ay nagawi ang paningin sa kanila. Pagka-kausap nila sa receptionist ay iminuwestra na sila ng isang waiter sa kung saan man nakapwesto ang kanyang mga kikitain. Nasa VIP room ang mga ito at nang makita siya ng isa sa mga kaibigan niya’y tumayo ito at nakipag-shake hands sa kanya, ganoon din ang iba at beso naman sa mga kasamahan nilang mga babae.

“Bigtime na ah. May mga bodyguard ng kasama.”, wika ng kaibigan niyang katawagan niya kanina. Si Victor, ang may-ari ng restawran kung nasaan sila ngayon.

“Hahaha! Ako pa ba, eh noon nga lahat ng mga gusto ko ay napapa-sakin. Ito pa ba? Maliit na bagay lang ‘to.”, tugon niya na bakas pa rin ang pagiging hambog nito.

“Teka, ano bang trabaho mo, Lean? Bakit may pa-bodyguard ka pa?”, tanong ng isang babae sa grupo nila, si Alena. Isang doktor sa isang tanyag na ospital sa bansa.

“Ahhh… Hehehehe, sabihin na nating negosyante at imbestor lang ako.”, sagot niya sa mga ito.

Lima silang lalaki na nandidito, siya, si Victor, si Isidro na negosyante rin na nakasentro sa mga establisyementong masasabi nating labag sa lipunan tulad ng club at pasugalan, si Romano na isang mataas na engineer at si Jorge na isang mataas na opisyal sa kapulisan. Tatlo lang ang babaeng kasama nila ngayon dahil ang dalawa’y ‘di makakadalo. Si Alena na tulad nang sabi ko’y isang doktor, si Valentina na isang abogada at si Jasmine na may-ari ng modelling agency na isa ring model noong kabataan nila.

“Eh, dito ka na ba talaga for good, Pareng Lean?”, tanong ni Jorge.

“Ah, oo. Dito na’ko magste-stay for good, mga Pre. Tapos na rin naman ang obligasyon ko sa ibang bansa kaya dito na talagaako.”, sagot niya.

“Ayos. Cheers!”, itinaas nila ang hawak na baso sabay tunga nang iniinom nilang alak.

“Eh, kamusta naman na puso mo ngayon, Lean? Masaya na ba o patuloy ka pa ring umaasa sa pag-ibig ng babaeng ‘yon?”, tanong ni Jasmine na nagpa-tahimik saglit sa lahat.

“Ahhh, wala na. Matagal na’yon eh. Mas mabuting wala na at pakantot-kantot nalang para walang responsibilidad na dadating sa’yo. ‘Diba? Hahahaha!”, sagot niyang muli.

“Oy! Balita ko, may asawa na raw ‘yon eh. Hindi ba’t si Isabel ang tinutukoy niyo? Oo, oo, may asawa na nga siya. Sino nga ba’yon?… Ah, oo, siya nga. Natatandaan ko na, si Alex na lagi nating binubully noon. ‘Yung lampa, hampaslupa at patay-gutom na ‘yon. Siya nga ang asawa ni Isabela.”, biglang sabat naman ni Isidro.

“Tangina, jakpat ‘yung mokong na’yon ah. Ang ganda-ganda ba naman ni Isabela ta’s magpapatali lang siya sa basurang ‘yon. Sayang lang ‘yung ganda niya. Ano ngang pangalan nung lalaking ‘yon?”, segunda naman ni Valentina.

“Kasasabi nga lang na Alexeh…”

“Alex, ano nga? Anong apilyedo niya?”

“Alexander de Jesus. ‘Yan ang buong pangalan niya.”, mariing sagot ni Leandro na nagpatingin ng derecho sa lahat at napatahimik dahil sa nakikita nila sa kaibigan.

Matalim ang mata ni Leandro na nakatingin sa mga kaibigan, at inis na inis siya sa kaisipang ang basurang si Alex ang bumihag sa puso ng babaeng pinaka-minamahal niya noon pa man. Hinding-hindi matatanggap ng kanyang sikmura na sila ngang dalawa ang mag-asawa. Hindi naman ito naging parte ng kanilang grupo, pero ito lang ang babaeng pinaka-iniingatan noon ni Leandro. Nabaluktot niya ang kutsarang hawak dahil sa matinding pagka-piga niya rito na dahilan rin para mangamba ang kanyang mga kaibigan dahil sa kilala nila ito kung anong klaseng tao ito kapag nagagalit.

*****

Alex

Ilang araw makalipas ay mas ginanahan akong magtrabaho dahil sa aking pamilya. Sunod-sunod rin kase ang mga naso-solb naming kaso sa kabila ng pagiging mahirap nitong i-solb dahil sa mga samu’t-saring bagay. Marami ang bilib sa akin, sa aming grupo dahil sa mga nagawa namin kaya minsan, ‘di maiiwasan na may inggit at ayaw sa amin dahil ayon sa kanila’y ginagawa lang daw namin ito para magpa-pansin at magpa-sipsip sa mga nakatataas.

*Tok* *Tok* *Tok*

“Pasok.”, wika ng taong nasa silid. Pumasok ako’t sumaludo na kanya rin namang sinuklian.

“Tsip, pinatawag niyo raw ho ako?”, tanong ko rito.

“Ah… Oo, Tinyente. Pinatawag nga kita para kausapin.”

“Ano ho bang kailangan nating pag-usapan?”

“Tungkol ito sa bagay na napagma-masdan ko sa’yo. Alam ko, magaling kang pulis, matapat sa serbisyo at sa masa, at matulungin. Pero alam mo na simula palang nung nasa serbisyo ka’y wala ka pang ni-isang beses na nagleave. Hindi naman sa pinapakialaman ko ang buhay mo pero wala naman sigurong masama doon pa-minsan minsan ‘diba?”, dito palang ay alam ko na kung saan papatungo ‘tong usapan na’to.

“Mawalang-galang na ho, Tsip. Pero desisyon ko na po ito. At, ‘di naman nangangahulugan no’n na ‘di na ako magle-leave. Darating din ang panahon na ako mismo ang magpapaalam sa inyo niyan mismo.”, ‘hayag ko.

“Mabuti naman kung ganoon, iho. Alam mo kase, iniisip ko lang din ang kalagayan ng inaanak ko. Kilala ko ‘yan kahit ‘di niya ipina-pakita sa’yo ang tunay niyang nararamdaman. Nasabi naman na siguro nang ina niya at niya mismo kung paanong namatay ang kanyang ama, hindi ba? Tulad natin ay isa rin siyang pulis… na aking naging matalik na kaibigan at itinuturing kong kapatid…”

“Naiintindihan ko po ang pag-aalala niyo, Tsip. At tulad mo’y ayaw ko ring maranasan muli iyon ni Isay at ng ina niya.”

“Salamat naman at naiintindihan mo, iho. Maaari ka nang lumabas at bumalik sa iyong trabaho.”

Tumayo na ako’t sinaluduhan si Tsip Romulo, na tama kayo nang nabasa na siya ay ninong ni Isabela. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang dahilan kung bakit ibinababad ko ang aking sarili sa pagta-trabaho, at iyon ay dahil sa hindi ko pa din makalimutang pangako sa aking mga napaslang na mga magulang. Ang makamtan ng mga ito ang karapat-dapat na hustisya para sa kanila. Bumalik na ako sa aking kubikulo at inasiko ang mga dapat kong gawin. Sa aking pagpopokus masyado ay hindi ko namalayang may tao pala sa aking puwesto, nabalik na lang ako sa aking huwisyo nang may kumatok sa pwesto ko.

“Pasensya na po sa istorbo, Sir. Kayo ho ba si Tinyente de Jesus?”

“Ah… Oo, ako nga po. Bakit po?”

“Delivery po Sir para sa inyo. At, paki-pirmahan na lang din po ito para may pruweba ako na natanggap niyo na nga ho.”, dumukwang ako para madampot ang mga bagay na idineliber para sa akin.

“Boss, alam mo ba kung kanino galing ‘to?”

“Pasensya na po, Sir. Napag-utusan lang po ako. Hindi ko po alam kung kanino galing ‘yan.”

“Ah, sige. Maraming salamat.”

“Sige ho, Sir. Alis na po ako, salamat din po sa inyo.”

Isang nakabalot na kahon ang idineliber sa akin. Nagtataka lang ako dahil wala naman akong inaasahang magbibigay sa akin nito ngayon, maliban nalang kung sorpresa ito para sa akin ni misis. Hehehehehe, mabuksan na nga. Pagkabukas ay nanlaki ang mga mata ko, ang laman pala nito ay bomba na may 5 segundo nalang ang nalalabi bago sumabog.

“Granada!”, sigaw ko.

Agad kaming nagsipulasan nang mga kabaro ko at nang nasa huling segundo na ito’y napadapa kami sa sahig. Ang akala ko’y sasabog na ito subalit hindi pala. Imbes, isang rekording ang biglang nag-play na sa una’y isang malakas na halakhak ang aming naririnig nang aking mga kabaro.

“… Sorry, mga Sir. IT’S A PRANK! Hahahahahaha!…”, mga huling salitang binigkas nito.

Napatayo na kami at bigla naman akong sinugod ni Tsip Romulo at inalam kung anong nangyari, wari ko’y may nakapag-ulat siguro sa kanya. Nasakto pang katatapos lang niya akong pagsabihan, siniguro ko nalang ito at bumalik na ako sa kubikulo ko. Napaka-intense noong pagkakabigkas ng taong gumawa sa rekording, parang si Joker na pinakamortal na kaaway ni Batman. Ipinatapon ko nalang ang kahon sa isang ligtas na lugar para makasigurong walang makakakita’t maalarma.

*****

Leandro

Kasama ko ngayon dito sa aking silid-tulugan ang isang babaeng kung bansagan sa’ting lipunan ay “walker” o “escort”, napakaganda at napakakinis ng balat ng babae. Kulay kayumanggi ang balat at bagay na bagay rito ang kariktan at balingkitan nitong pangangatawan na tiyak pagnanasaan ito nang mga kalakakihan. Mahahanay ito sa mga sinasabing “high-end class” kaya swak na swak talaga ito sa aking panlasa. At ang pinaka-libog libog dito na siniguro ko sa aking pagpili ay ang pagkakaroon nito ng kapareha.

“Ilang taong gulang ka na ba?”, tanong ko rito.

“23 na po ako, Sir. At ginagawa ko po ito para may maipantustos po ako sa anak ko dahil iniwan po kami ng dati kong kasintahan at sakto lang din po ang isinasahod ng aking nobyo ngayon.”, sagot nito.

“Hmmm… Gano’n ba? Sabihin mo, alam nating pareho na napag-usapan na natin ang mangyayari ngayon pero gusto lang kitang tanungin. Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa perang ibibigay ko sa’yo ngayong gabi?”

“Kahit ano pong gawin niyo, Sir. Kaya ko pong gawin ‘yan.”, sagot nito sa akin na derecho pang nakipag-titigan sa aking mga mata.

“Mabuti nang magka-liwanagan tayo at mabuti naman dahil sigurado na ang desisyon mo. Basta, walang ayawan sa gitna nang ginagawa natin ha?”, panini-gurado ko dito. Tumango-tango ito.

“Marunong ka ba magmasahe?”

“Opo, Sir.”

“Halika, masahein mo muna ako. Upper body lang para ‘di gaanong matagal.”

“Sige po, Sir.”

Kailangan ko ito bago kami gumalaw, baka kase sa kanya ko pa maibunton ang galing ko sa lampang Alexander na’yon. Suot-suot na niya ang isang puting lingerie na ang sabi pa niya’y ‘di raw alam ng kasintahan niya. ‘Di rin daw alam nito ang kanyang trabaho’t ginagawa. Noon pa mang ako’y nasa Amerika’y nakahiligan ko nang kumana ng mga babaeng may sabit na, hindi ko ito ma-unawaan noong unang beses hanggang sa nakasanayan ko na nga. Humiga na’kong padapa at siya nama’y hinanda muna ang kakailanganin na nasa lalagyan ko lang saka siya sumampa sa aking ibabaw.

Narinig kong nilagyan niya ang kanyang palad ng oil saka ito ipinahid at ikinalat sa aking likod at pagkatapos ay marahan niya itong hinahagod-hagod. Swabe lang ito at hindi rin gaano kabigat ang pwersa niya’t hindi rin magaspang ang mga kamay nito. Ramdam ko ang kaginhawaan sa aking mga kalamnan lalo na sa bahaging itaas ng aking likod. ‘Di ko maiwasang mapahalinghing sa sarap at panaka-naka pa’y napapa-ungol rin ako. Matapos ang aking likod ay sinunod naman niya ang aking mga braso’t kamay.

“Tapos na po, Sir.”

“Okay, sige. Dito naman sa dibdib ko, same position pa rin kanina. Dapat nakaibabaw ka sa akin para ‘di ka na mahirapan pa.”

“Masusunod, Sir. Hihihihi…”

“Aba-aba… Malandi rin pala itong babaeng ‘to. Hindi nga lang lantaran pero ‘pag nahukay mo, siguradong tiba-tiba ka naman.”, isip ko sa kanya.

Humarap na ako sa kanya’t siya’y pumatong sa akin, sa akin mismong kahindigan. Nagka-tinginan pa kaming dalawa’t ako’y napangisi at siya’y humagikgik na pahinhin.

“Ang laki mo naman, Sir. Hihihi…”, wika nito.

Ramdam niya sigurado na tumitigas at tumatayo na ang aking burat. Ngumisi lang ako’t tumango saka sinabihan ko na siyang magsimula na. Ipinahid na niyang muli ang pinatuluang palad at ikinalat ito sa aking dibdib at pagkatapos ay hinagod-hagod niya rin ito. Minsan pa’y pinagtutuunan din niya nang pansin ang aking mga utong at nilalapirot niya gamit ang kanyang mga hintuturo. Pagtingin ko sa kanyang escote ay para bang hinihila ako nito’t nais nitong isubsob ko ang aking mukha dito. At hindi na nga ako nakatiis, agad akong napaupo na dikit ang aming pangangatawan at dinaluhong ko ang bahaging ito sa pamamagitan nang masibasib na pagsisid. Para akong gutom na leon na nakalapa na nang biktima. Hindi naman umangal ang babae at sa halip ay sinabayan pa ang aking kalibugan.

“Auughhh, Sir… Hmmm. Ah! Hnnghhh… Ohhh, shit! Auunghhh…”, ungol nito sabay hagod sa aking ulo na may kasamang banayad na pagsabunot.

Paalsa kong inilabas ang kanyang mala-melong suso mula sa suot nitong bra. Napaisip akong, ang swerte naman ng boypren nito pero mas maswerte ako dahil kahit ‘di ko siya nobya eh nakantot ko pa rin siya. Sinapo ko ang kanyang kaliwang suso’t sinakop ng aking bibig ang kanyang kayumanggi rin niyang utong bago ako nagtungo pataas muli para makipaghalikan at makipaglampungan sa babae.

“Ang sarap mong babae ka!”

“Hihihi… Salamat, Sir. Pero may mas isasarap pa ‘yan lalo na ‘pag napasok mo na ako’t nakantot.”

“Talaga ba? ‘Yan ang gusto ko sa mga babaeng may sabit, mas palaban at hindi umaatras.”

Itinigil ko na ang aming pagla-lampungan at sinabihan ko siyang hubarin ang aking boxer briefs at chupain ako. Malugod niya naman itong sinunod at siniil niya muna ako nang halik bago bumaba. Pag-hubad niya’y umigkas ang aking tirik na tirik na 7.5 pulgadang burat na may katabaan rin, napangiti siya at kita ko sa kanyang mga mata ang apoy ng pagnanasa at pagnanais na maisubo ito. Sinakop niya ito sa kanyang palad at sinimulang salsalin habang nakikipag-halikan siyang muli sa akin. At matapos niyan ay ibinaba na niyang muli ang kanyang ulo patutok sa aking burat, bago niya ito saklubin ay dinidila-dilaan niya muna ito hanggang sa mamasa pati na ang aking mga bayag.

“Ughhh… Oh!”, ungol ko.

Itinungkod ko ang aking mga siko sa kama para magsilbing suporta habang pinapanood ko siyang chumuchupa sa akin. Ang ganda niyang tingnan, anghel ang mukha pero demonyo kung makipag-libugan. Hinawi ko ang tumatakip na mga buhok sa kanyang mukha. Grabe siya kung chumupa, baklang-bakla. Kaya pala “high-end” siya, may ipinagmamalaki rin pala. Dahil sa kasarapa’y hindi ko na natiis ang aking sarili’t akin nang ipinatong ang aking palad sa kanyang likod-ulo at pinilit siyang magtaas-baba kahit pa na sumagad ang aking burat sa kanyang lalamunan.

“Gluk! Gluk! Gluk! Gawrkkk… Gwarkkk… Gluk! Gluk! Gluk!”, tunog nito.

Isa pang huling sagad sa lala-munan na halos dumikit na ang kanyang labi sa aking puson at saka ko siya pinakawalan. Malalalim na paghinga ang kanyang inilabas at wari bang naiiyak siya. Hindi paman siya nakakabawi ay hinawakan ko na siya sa panga.

“Kaya mo pa ba? Huling pagkakataon mo na para umatras.”

“Hindi po ako aatras, Sir. Kaya ko po’to, sayang po ang pera lalo’t may anak po akong pinapalaki.”

Ngumisi ako at matindi siyang nilaplap na kanya namang ginantihan at pagkatapos pa’y mariin ko siyang sinabihan na ngumanga at aking pinatulo ang aking laway sa kanyang bibig na dapat niya ring lunukin. Siya naman ang aking pinahiga at siya naman ang aking pasasarapin. Hinubaran ko siya nang t-back panty at nilaro-laro ko muna ito gamit ang aking mga daliri. Nakatuon ang aking hinlalaki sa kanyang tinggil at iniikot-ikot ko itong padiin. Tapos ay pinatuluan ko na muna ito nang pampadulas at ipinasada ko ang aking mga daliri sa kaliwang kamay sa kanyang hiwa at ibinalik kong muli ang aking hinlalaki sa kanyang tinggil.

“Ummm, Sir. Ooohhh, ang init po ng daliri niyo. Haaah… Haaah… ‘Tangina, shhit! Ohhh…”, ungol niya at pakiwal-kiwal pang gumagalaw ang kanyang katawan at napapa-kagat labi rin ito.

Ipinasok ko ang aking gitnang daliri sa kanyang puke at marahan muna itong inilabas-masok. Sandali lang ay akin na itong dinalawa at ang aking isa pang gitnang daliri at hintuturo ay itinuon ko naman sa labi ng puke niya. Mas napagalaw siya, namaluktot ang kanyang mga daliri sa paa at inaabot pa niya ang aking braso’t hinahawakan. Saglit pa’y binilisan ko na ang paglalabas pasok nang aking mga daliri. Namunit ang mukha niya at pikit ang mga mata, inilipat niya ang kanyang paghawak sa kanyang suso at sinapo at kanya itong nilamas-lamas.

“Masarap ba ang ginagawa ko sa’yo, ha?”, tanong ko rito. Mabilis itong tumango at paungol na napa-sabing oo.

Mas tinindihan ko pa ang paglabas pasok nang aking mga daliri, hina-lukay ko ang kanyang lamang-puke hanggang sa naisambit nito na naaabot ko na raw ang kanyang G-spot. Ilang saglit pa’y inihinto ko na muna ang pagdadaliri sa kanya dahil nangangalay na ako at isa pa’y gusto ko ring matikman ang puke niya kaya mas ibinuka ko pa ang kanyang mga hita, dumapa na ako nang nakaharap sa kanyang puke at bago ko sambahin ang kanyang kaselanan ay padampi-dampi muna akong humalik sa kanyang tuhod pababa sa kanyang mga hita hanggang sa maabot ko ang kanyang singit pagkatapos ay dumila rin ako palibot sa kanyang kaselanan. Hindi ito nakatiis at inabot niya ang aking ulo at gina-bayan tungo sa kanyang gitna, ngumisi ako.

“Atat na atat ka na ba?”, tango lang ang iginanti nito.

Wala na akong inaksayang oras at sinisid ko na nga ang kanyang puke. Mariin kong dinilaan ang kanyang hiwa na para bang ako’y isang asong hayok at ang aking mga kamay naman ay nakasapo at nakalapirot nang marahan sa mga utong ng babae. Hindi niya rin nakakaligtaang lamas-lamasin ang mala-melong suso nito. Ilang sandali lang ay akin nang ibinaba ang aking kaliwang kamay at dinuraan ang puke ng babae at nilawayan ang aking gitnang daliri at agad ko itong ipinasok sa kaselanan niya habang tuloy-tuloy lang ako sa pagdila.

“Ahhh! Haaah! Haaah! Tangina po, Sir. Ang sarap po. Ang sarap po. Hmmm-ooohhh…”

“Sige pa, Sir. Bilisan mo pa po. ‘Tangina, ang sarap po talaga! Hoooh… Hoooh… Hooh…”

Iilan lang ito sa mga salitang naisasambit niya.

“Shlurp! Shlurp! Shlurp! Aaahhh, ang sarap din nitong puke mo. Manang-mana sa nagdadala nito.”, puri ko rito.

Ilang sandali lang ay nakita ko nang napapapikit na nang husto ang babae at nakaawang na ang bibig na tila titik ‘o’ at pabaling-baling lang din ang ulo nito pa-kaliwa at pakanan na tila ba may sumasanib rito.

“Auughhhh, Sir-Sir! Lalabasan na po ako. Aaahhh-fffuck! Ahhh, hnnghhh… Shet, heto na talaga. Heto na talaga, Sir…”

Saglit lang ay nagpaliyad-liyad ang kanyang pangangatawan at nararamdaman ko rin sa aking daliri ang pagtulo papalabas ng mga katas niya. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib nito na waring naghahabol nang hininga at napakuyom pa ang kanyang mga kamao sa kobre-kama. Nagka-titigan kami at bigla nalang itong tumawa nang mahina.

“Grabe ka, Sir. Hindi mo pa nga ako nakakantot pero sarap na sarap na ako sayo, hihihihi….”, paungol nitong sabi.

Habang ito’y nagpapahinga’t nagre-rekober ng lakas ay bigla ko namang nakita ang mukha ni Isabela sa mukha ng babae. Ang isiping si Isabela ang nasa ganitong estado kasama ko ay nagpatindi sa kalibugan ko subalit, napalitan rin ito ng poot nang tumatak naman sa isipan ko ang larawan ng masayang si Isabela kasama ang lalaking lampa na si Alex at ang mga anak nila. Kaya ang siste, hindi pa man tuluyang nakarekober ang babae ay akin nang jinakol muli ang burat ko at itinutok ito sa bukana ng babae at isinagad papasok.

“Aray–!”, nahigit ang hininga nito matapos ang aking ginawa.

Mahigpit ang hawak ko sa mga suso ng babae habang kinakadyot-kadyot ko siya nang saktong bilis. Wala na akong pakialam sa mangyayari ngayon, wala na akong pakialam sa mangyayari sa babaeng kakantutan ko. Hindi ko na maiaalis sa isipan ko ang mukha ni Isabelang masaya sa piling ng iba. Sa mismong lalaking lampa pa na lagi nilang binu-bully noon. Awang na awang ang bibig ng babae at napakapit ito sa aking mga balikat.

“Ahhh! Ahhh! Ahhh, sir. Ahhh!”, maingay nitong ungol.

Sa pagkakadyot ay ihinawi ko ang aking kanang kamay tungo sa baba ng babae, sinapo ito at ipina-subo ko rito ang aking hinlalaki. Pagkatapos ay akin itong isinakal nang bahagya sa leeg niya, napahawak siya sa aking pulso gamit ang dalawa niyang kamay na waring pinapabitaw niya ako dahil nasasaktan siya. Pero, dahil sa wala nga akong pakialam ay ipinagsawalang-bahala ko ang hinaing niya’t niluwagan ko lang nang kaunti. Sandali lang ay mabagal na ang aking bawat kadyot na parang hinahagod ko nalang ang bawat sulong ko sa kanyang laman.

“Do your work now. Patungan mo ako.”, utos ko.

“Okay po, Sir.”, tugon niya.

Nag-iba na kami nang posisyon, siya naman ang nasa itaas at ako naman ang nasa ibaba. Tinanggal niya muna ang kanyang bra at ihinagis sa sahig ‘tsaka umupo na siya sa aking mga hita. Nakipag-halikan siya sa’kin muli pababa sa aking leeg hanggang sa aking dibdib at magkabilang utong na pareho niyang sinamba. Napaungol niya muli ako. Pababa na naman siya sa aking burat at kanya naman itong jinakol nang marahan at pinatuluan nang laway bago ipasok sa kanyang laman.

“Ooohhh…”, magkasabay naming halinghing.

Nakalapat ang kanyang mga kamay sa aking dibdib at marahan siyang nagpaurong-sulong. Nilala-pirot niya sa’king mga utong ang daliri niya habang kagat-labi at namumungay ang mga mata niya sa kanyang pagkilos. Nakababa ang ulo nito, napahaplos ako sa magkabila niyang hita hanggang balakang at napahampas rito nang bahagya.

“Awww… Hmmm…”

“Bilisan mo na, matatagalan tayo rito kung mabagal kang gumalaw.”

At, sinunod nga nito ang aking iniuutos. Mabilis na siyang nagpa-ibabaw sa akin habang magka-hugpong ang aming mga kamay at isinalit-salit din niya rito ang pag-tataas baba sa aking kahindigan. 3 minuto’ng makalipas ay balik na naman siya sa pagurong-sulong. Lamas-lamas ko ang kanyang mga suso’t nilalapirot ang kanyang mga utong at panaka-naka ko din itong sinasampal-sampal dahilan para mapadaing siya.

“Aww! Nghhh…”, inulit ko pa ito nang ilang beses hanggang sa mamula na ito at pagkatapos ay akin ring pinisil nang bahagya ang mga utong niya.

“Ahhh! ‘Tangina ka, Sir. Ang sakit no’n, walang-hiya ka.Ooohhh…”

“Wala ka nang magagawa dahil ‘yan ang gusto ko. Sabayan mo nalang ako para mas maging intense pa ito.”

Namawis na kaming dalawa na mas nagpalibog sa akin dahil nakikita kong kumikinang ang balat niya mula sa sinag ng mga ilaw. Ipinulupot ko ang aking bisig sa kanyang katawan at siya’y napadapa sa akin at mabilis kong kinantot ang kanyang puke paitaas, napasubsob siya sa aking leeg at bahagya niya’kong kinagat rito at sinipsip. Pagkatapos ko ay siya namang muli ang gumalaw, mabilis siyang nagtwerk habang nakadapa pa rin sa akin.

“Ooohhh… Auughhh… Ugh! Hnghhh…”, magkasabay naming ungol. Siniil kong muli ang kanyang labi’t nakipag-lampungan ako sa kanya.

Pagbangon niya’y nakikita kong namamasa ang kanyang puke. Hingal na hingal kaming pareho.

[‘LIPAS ILANG MINUTO]

“Aaahhh! Aaahhh! Awww, shit! ‘Tangina, sir. Ang s-sakit, ooohhh… Aaahhh!”, daing nito.

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng aking pinaglalagian at naka-tuwad itong kinakantot-kantot ko habang sabu-sabunot ko ang kanyang buhok at bahagya ko rin itong hinila. Para akong hinete na sumasakay sa isang kabayo para makipag-karera. Inabot ko ang kanyang isang suso at hawak-piga ko ito. Matunog ang aming salpukan pero wala namang tao sa hanay namin kaya ayos lang din.

“Um! Um! Um! H-Hindi ka ba hinihintay ng boyfriend mo?”

“Hindi po, Sir. Auughhh… Matutulog na po agad ‘yon katabi ng aking anak. Aaahhh! Aaahhh!”

Ikinapit ko ang aking mga kamay sa magkabilang-balikat nito at mabilis akong kumadyot ngunit dahil sa ingay niya ay aking ibinusal sa kanyang bibig ang aking isang kamay. Pagtingin ko sa ibaba ay hindi namin namalayan ang pagtulo ng kanyang ga-kremang katas papalabas nang kanyang puke. Nilabasan na siyang muli. Nababalutan na nang puti ang aking burat at dito’y mas ramdam ko ang swabeng paglabas-masok ng aking burat sa puke niya. Itinaas ko ang isang binti niya pa-sukbit sa aking braso’t napakapit siya sa riles ng balkonahe.

“Ugh! Ugh! A-Ang sarap mo talaga. Ang sarap mong kantot-kantutin… Haaah! Haaah! Haaah!”

“Aaughhh… Ooohhh… Ahhh! I-Ikaw rin Sir, ang tindi niyo pong kumantot. Ahh, sige pa! Bilis pa po, diin pa po. Kantutin niyo ‘kong parang puta.”, ilang sandali lang ay ramdam ko na ang papalabas kong mga tamod.

“Uh! Malapit na akowhh, ughhh… Sabayan mo’ko sa pagkadyot ko.”

“Di mo na kailangang sabihin ‘yan, Sir.”

Plakda-plakdang mga tunog ang nalilikha sa bawat salpok ng kanilang mga laman. Init na init na ang kanilang pakiramdam mula pa kaninang nasa loob sila hanggang ngayon. Nakahawak na ako sa baywang ng babae at siya’y sa riles pa rin habang nakayuko ang ulo nito.

“Lumuhod ka.”, utos ko. Dali-daling lumuhod ang babae at mabilis kong jinakol ang burat kong nakatutok sa mukha nito. Saglit nga lang ay nagsipulanditan na ang aking naipong tamod tungo sa mukha ng babae habang ito nama’y mariing nilalapirot ang tinggil.

“Haaah… Haaah… Huh!… Haaah…”, mabibigat kong hininga hanggang sa kahuli-hulihang tamod na pumulandit mula sa aking burat. Para nang maglalagay ng pampa-ganda ang babae sa dami ng mga tamod na nasa mukha nito.

“Huwag mo muna ‘yang alisin sa mukha mo ha? Kuhanan lang kita ng litrato.”

“Sige po, sir.”

Pumasok na kaming muli at kinuhanan ko agad ang mukha niyang tinamuran ko. Derecho naman siyang nagtungo sa banyo matapos mabasa ang text ng nobyo niya na hinahanap na raw siya nang kanyang anak. Sinabi ko na rin na ihahanda ko na ang bayad ko sa kanya para pagtapos niya’y lalabas na siya agad at uuwi. At pagkatapos niya ngang mag-ayos ay umuwi na siya. Pumasok na ako nang banyo at nag-shower. Naiisip ko pa rin ang mukha ni Isabela. Habang ako’y nagsasabon ay may ideyang tumawid sa aking isipan, ideyang ayaw man nang karamihan ay wala na akong paki-alam.

“Aagawin kita, Isabela. Aagawin kita mula kay Alex, pangako ko ‘yan sa’yo. Hindi ka narapat sa hampas-lupa’t walang kwentang lalaki na ‘yan.”, sambit ko sa aking sarili.

*****

Walang kaalam-alam ang mag-asawa sa nagbabadyang unos na hahambalos sa kanilang buhay, higit man sa parte ni Alex. Ang pinaghirapan at sanggang-dikit nilang pagsasama ay titibagin ng isang delubyong wawasak sa kanila. Tunay bang ang pagmamahal sa isa’t isa ay mananaig hanggang sa walang hanggan o mas totoo ang kasabihang hindi dapat minamaliit ang pag-ibig ‘pagkat ito’y gumagalaw sa mahiwagang pama-maraan at sa hindi mo inaasahan?

Isabela

“Hayyy… Tapos na rin sawakas ang kakailanganin sa susunod na araw. Makakauwi na rin ako nang matiwasay at panatag ang loob.”, sambit ko sa aking sarili. Sandali lang ay dumating na pinakukuha ni Sir sa aking ginagawa.

“Hello po, Ma’am Isa. Nasaan na raw po ‘yung ipinapagawa sa inyo ni Sir?”

“Ahhh… Heto, kumpleto na’yan lahat. Tapos ko na rin ‘yan i-review kaya nasisiguro kong walang mali ‘yan.”

“Hehehehe… Sige, salamat po.”, saglit na napatigil ang binata at sinabi nito ipinapasabi sa kanya ng amo nila.

“Ay! Ma’am… Bago ko pa nga ho pala makalimutan, ‘pinapasabi ni Sir na huwag muna raw po kayo umuwi dahil papakainin niya raw po kayo at ng buong team niyo. Congratulatory celebration daw dahil sa matinding effort niyo noong nakaraan.”Napabusangot nalang ako dahil sa sinabi niya. Hay, ‘di pa pala ako makakauwi. Umokay nalang ako at tumayo muna para bumili ng meryenda sa aming canteen. Sabi pa nito na sa isang mamahaling restawran daw kami papakainin nang amo namin. Tinext ko nalang agad si Alex na hindi ako makakauwi nang maaga dahil nga sa selebrasyon na magaganap. Buti nalang ay naintindihan niya raw naman ito at sinabi nitong itetext nalang daw niya si Manang Lucena kung pwedeng siya nalang ang magpakain sa mga anak namin dahil pareho pala kaming matatagalan sa pag-uwi.

Pagkatapos nang lahat ay lumarga na kaming lahat, dahil nga sa wala si Alex ay nakisakay ako sa sasakyan ng aking kaibigan papunta sa nasabing kainan. Masaya namang binabaybay ang daanan tungo sa lugar, may kumakanta, nagchi-chikahan, meron namang nananahimik lang dahil sa pagod tulad ko. Convoy kami, 5 sasakyan ang aming gamit. Hanggang sa narating na nga namin ang nasabing lugar. Maganda ito, highland kaya ramdam mo ang katahimikan at s’yempre, ‘di nawawala ang pampa-relaks nilang musika na dinig kahit nasa labas ka.

“Excuse me, miss. Table reservation po for Mr. Ocampo.”, kausap nang sekretarya ng amo namin sa receptionist.

“Okay po, Sir. Hintay nalang po muna kayo saglit.”, tugon nito. Matapos nitong tingnan sa kompyuter ay itinuon na kami nito sa isang weyter na siya namang gumabay sa amin tungo sa dalawang pahabang mesa na naka-parallel sa isa’t-isa.

“O, order lang kayo ha? ‘Wag kayong mahiya, sagot daw lahat ni Amo ang kakainin natin.”, dagdag pa ng sekretarya na nagpa-palakpak sa lahat at nagpatawa.

Matapos ang aming paghihintay ay dumating na rin ang aming mga pagkain at inumin. Bago magsi-sandok at magsikuhanan ay nagdasal muna kami at nagsimula na rin kaming chumibog. At makalipas ang isang oras ay natapos na rin kaming lahat na kumain saka na kami nagpatuloy sa pagchika-chika. Nagbigay rin nang ipinaabot na mensahe ang sekretarya ng amo namin galing dito. Hindi raw makakadalo ang aming amo sa kadahilanang may iba pa itong appointments or meeting kasama ang iba pang mga tao.

Ngayon naman ay dumating na rin ang kanilang mga inorder na mga inumin, may mga hard drinks at meron ring mga ladies drink. Pinili ko ang ladies drink dahil hindi ako gaanong kalakasan sa pag-inom nang alak. Nakalimutan kong may karaoke machine rin pala ang establisyemento kung kaya’t dito rin nagsitunguhan ang ilan sa amin para kumanta at magliwaliw. Alas sais y medya na nang gabi kaya nagtext na ako kay Alex kung nakauwi na ba ito or kung tapos na bang maghapunan ang mga bata. Sabi niya’y hindi pa raw siya nakakauwi sa dami nang inaasikaso nila sa istasyon, pero tapos naman na daw maghapunan ang mga bata at kasama nalang ito ni Manang Lucena na nagpa-pahinga sa aming sala habang nanonood ng mga pambatang palabas.

Hindi ko namalayan na may pumasok palang isang grupo nang kalalakihan sa establisyemento at nakapwesto’ng malapit sa amin. Napansin ko nalang ang mga ito nang tapikin ako ng katabing katrabaho at tinatanong ako kung sino daw ang lalaking yaon na tingin nang tingin sa akin. Paglingon ko sa gawi ng lalaki ay nanlaki ang aking mga mata at pakiramdam ko’y parang nadarang ang aking pangangatawan at namumula ang aking magkabilang pisngi kaya napaiwas ako. Paglingon kong muli ay nagtama pareho ang aming mga mata saka niya ako kinawayan.

“Oy! Isay, sino ba ‘yan? Pakilala mo naman ako/kami sa mga kasama niyan, sa’yo na ‘yan katitigan mo. Hihihi, ang popogi eh… ‘Tsaka Mamsh, ang yummy.”, landi nitong sabi dahilan para magtinginan din ang aming mga kasamang ibang babae’t binabae sa gawi nila.

“Ba’t ka nandito? Kailan ka pa nakauwi? Ang tagal mong ‘di nagpakita o nagparamdam man lang sa akin, ba’t ngayon ka lang? Ba’t ngayong huli na ang lahat? Ba’t ngayon ka lang gayong may iba nang nagmamay-ari ng puso’t katawan ko? Bakit ngayon lang nakalimutan na kita’t lahat-lahat eh saka ka naman susulpot? Bakit… Leandro?”, sambit ko sa aking isipan.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x