Written by snowbear
Kabanata 0: Ang Pambungad
*****
Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang paglalahad sa pangyayaring naganap sa buhay naming mag-asawa kasama ang taong pinakamumuhian at pinaka-sinusuklaman kong tao mula noon hanggang ngayon sa kasalukuyan. Ang pangyayaring ito ang pinaka-dahilan kung bakit nasabi ko sarili ko na“ayoko nang mabuhay” at “gusto ko nang mamatay”. Oo, ganyan kalala ang pangyayari. At ang pinaka-pinanghihinayangan ko sa lahat eh ang isang bagay na hindi ko inaasahan na magagawa sa’kin ng babaeng pinakamamahal ko, ang pagtaksilan ako at ang aming pagiging mag-asawa.
Hindi na’ko magpapaligoy-ligoy pa at ako’y maglalahad na…
Simulan natin noong mag-hayskul pa lamang kami ni misis, si Isabel o kilala sa palayaw niyang Isay. Nasa ikatlong taon na kami noong kami ay naging magka-klase na. Ang totoo niya’y magkababata kaming dalawa at noong kami’y nasa elementarya eh magka-klase mula Grade 1 hanggang Grade 6, nagkahiwalay lang kami dahil ninais ng kanyang ina na sumama siya rito at pag-aralin siya sa probinsya kung saan lumaki ang kanyang ina. Naging malungkot ang buhay ko noon dahil wala siya, wala akong kaibigan dagdag pa na may nambubully na sa akin. Naging masaya ako ulit nang bumalik sina Isay at ang nanay niya dito sa Maynila dahil ‘di daw kinaya ni Isay ang buhay doon.
Tungkol naman sa aking bully na si Leandro eh schoolmate ko siya noong unang taon ko dito sa hayskul at siya rin ang sinasabi kong lalaki na nagsimulang mambully sa akin. Mayaman sina Leandro at ang buong angkan nila. Apo siya ng isang kongresman dito sa amin at mga kilalang personalidad ang mga magulang nito sa telebisyon. Lagi nila akong binubully at pati na rin ang iba pa naming kaklase at ka-eskwela. Ang dahilan nang kanilang pambubully sa akin eh dahil mahirap lang daw ako’t ang aming pamilya, hindi raw kami nababagay sa paaralang ito dahil hikaos kami sa buhay at kahit kailan daw eh ‘di kami magiging magka-lebel. Tama siya. Totoong mahirap lang kami at ako’y isang iskolar lang na pinapaaral ng pamahalaang lokal. Masakit marinig pero wala akong magagawa dahil lugi ako sa kanila.
Bukod sa pambabastos at pang-aalipusta nila sa’kin gamit ang masasakit na salita’y binubugbog rin nila ako’t lahat-lahat, at madalas rin nila akong pagtripan tulad nang pamamasa sa’kin sa tuwing mapapaihi ako. Ang natatandaang kong pinaka-masakit na ginawa nila sa’kin noon eh ang itali nila ako buong gabi sa aming auditorium habang nakahubo’t hubad at ako’y kanilang binaboy at pinag-malupitan kasama nang kanilang mga babaeng kaibigan. Magdamag akong nandoon, walang kain at wala masyadong tulog. Awang-awa ako sa sarili ko at nasabi kong parang gusto ko nalang mamatay para matapos na’to. Muntik na itong mangyari, kaso napigilan ako nang aking ina at humagulgol ito. Lahat nang ito’y hindi alam ni Isay kahit na magkaibigan at magka-klase kami.
Laging pinapalakas nang aking mga magulang ang loob ko kahit na lugmok na lugmok na talaga ako. Minsan na rin palang naiulat nina inay at ama ang nangyari sa’kin sa mga pulis at kay mayor, maging sa lolo ni Leandro pero wala ring nangyari dahil pinagtakpan lang nito ang ginawa nang kanyang apo at sinabihan pa ang inay na hampas-lupa at mga patay-gutom lang daw kami at hinagisan pa raw si inay nang mga salapi. Habang pinupulot niya ito para daw may maipanggamot sa akin eh humahalakhak lang daw ang lolong kongresista. Kaya, sabi lang ni inay na lakasan ko lang daw ang loob ko’t maging matatag. ‘Yan ang naging lakas ko sa buhay para magpursige at makaahon kami sa kahirapan.
Huling taon namin sa hayskul ni Isay ay mas lalong naging malala ang pambubully nila sa akin nina Leandro nang hindi nito nalalaman. Hindi ko kayang sabihin sa kaibigan ko ang nangyayari sa akin lalo’t baka madamay pa siya. Nitong mga panahong ito’y mas sumobra na ang pagtingin at pagmamahal ko kay Isay, hindi kasi maipagkakaila na maganda talaga siya at mabait pa. Kaya, naisipan kong ipagtapat sa kanya ang aking tunay na nararamdaman sa araw ng aming ‘Seniors Night’. Pinagplanuhan ko itong mabuti at noong gabi nga’ng iyon ay tinanong ko sa kanya na pwede ko ba siyang ligawan, hindi siya sumagot nang oo agad. Sa halip ay sinabi niya sa akin na tanungin ko raw siya no’n sa kanilang bahay, sa harap ng kanyang ina. Labis ang kasiyahan na naramdaman ko noon kahit ‘di pa niya ako sinasagot.
Pumorma akong maayos at nagtungo sa pamamahay nila, nadatnan ko sa kanilang sala ang nanay ni Isay na seryoso ang mukha. Pinaupo niya ako at inutusan si Isay na kumuha nang meryenda para sa akin. Nagkausap muna kami at tinanong niya ako ng mga bagay ukol sa pakikipag-ibigan at pagiging magkasintahan. Walang kasinungalingan ko siyang sinagot, inihayag ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko para sa kanyang anak. Mariin niya akong tinitigan kaya napayuko ako. Inihabilin niya sa akin na kung mapa-oo ko man si Isay ay ipagtanggol ko raw ito sa lahat nang oras, alagaan at mahalin. Nang tanungin ko si Isay ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa’t umo-o na siya, sa kasiyahang naramdaman ko noon eh napayakap ako sa kanya nang mahigpit at hinalikan ko noo niya.
Sa paglalaktaw, pareho na kaming nasa wastong gulang ay isang balita ang gumimbal sa akin at gumuho sa aking mundo. Binugbog ng mga lasenggo ang aking mga magulang galing sa kanilang pangangalakal at kinuha ang kakarampot na salapi at ipinangbili nang pangtoma’t pulutan. Napasigaw at napahagulgol ako noon dahil sa nangyari, naitanong ko sa sarili ko kung totoo pa bang may Diyos nga na nagbabantay at tumutulong sa lahat. Hindi ko napigilan ang aking sarili’t pumunta akong simbahan at minura ko nang minura ang rebultong malaki na nasa gitna, wala akong pakialam noon kahit may nagdadasal pa. Nandoon lang ako, humahagulgol habang minumura at dinuro-duro ang rebulto. Nang mapaupo ako’y may lumapit sa akin na pari at siya ang tumulong sa akin para bumalik ang sigla nang buhay ko at siya rin ang nagpaliwanag sa akin ng lahat-lahat. Wala akong ibang ginawa sa harap niya kundi ang umiyak lang. Sa araw ng libig nila inay at itay ay isinumpa ko sa kanila na bibigyan ko sila ng katarungan at magpupursige ako para wala nang magmamaliit sa akin.
Sa aking pagkokolehiyo’y nag-enrol ako sa Philippine National Police Academy. Dito ako nag-aral at nagsanay nang ilang taon. Sa kabutihang palad ay natapos ko ito na ako’y napabilang sa topnotchers ng aming klase. Lubos akong ipinagmalaki ni Isay bilang kasintahan pati na rin ng kanyang ina, si Isay rin ay nasa huling taon na niya bilang akawntant at ilang buwan nalang ay siya naman ang magtatapos. Pagkatapos ng aking Graduation Ceremony eh nagtungo ako kasama nina Isay at ng kanyang ina sa puntod ng aking mga magulang. Masaya kong ibinalita sa kanila ang aking pagtatapos, ipinakita ko rin ang aking diploma habang suot pa rin ang aking unipormeng pang-kadete. Pinasalamatan ko rin ang pari na nakilala ko sa simbahan noon at binigyan ko siya nang mahigpit na yakap at iniyakan ko ang kanyang suot, humingi ako nang paumanhin pero natawa lang ito.
Nananatiling malalim ang pag-iibigan namin ni Isay kahit na minsan eh ‘di naiiwasang magkaroon kami ng pag-aaway. Sa aming pagiging magkasintahan ay wala pang nangyayari sa amin kung pakikipagtalik ang pag-uusapan. Ito’y hindi dahil sa duwag o takot ako sa maaaring magbunga kun’di dahil sa sinabi ni Isay na ibibigay lang daw niya ito sa lalaking makakasama niya sa simbahan at sa habambuhay. Ginalang ko ang kanyang pasya at naging magkasintahan kami nang walang nangyayaring kahit na ano sa aming dalawa at ‘yon ang ipinagmamalaki ko sa aking sarili bilang lalake. Ilang buwan nga lamang ang makalipas ay nagtapos na si Isay sa kanyang kurso, nagyakapan kaming dalawa at hindi ko napigilan na siilan siya nang marubdob na halik sa kanyang mapupulang labi kahit pa na nasa harap namin ang ibang mga tao. Hindi na nakadalo ang ina ni Isay dahil sa katandaan na nito, nahihirapan na kasi itong maglakad kaya ako nalang ang pinakiusapan nitong sasama sa entablado ni Isay. Nagpakuha kami nang litrato sa isang litratista at pagkatapos ay umuwi na kami para sa kaunting salo-salo namin sa kanilang pamamahay.
Wala na akong balita kay Leandro, ang bali-balita lang dito sa amin ay iniluwas siya nang kanyang angkan tungo sa Estados Unidos dahil sa ginawa nitong panghahalay at paggahasa sa isang babaeng buntis kasama ng kanyang mga kaibigan. May nakapagkalat pa nga nang balita na ang babae daw’ng iyon ay asawa ng tiyuhin nito at dahil sa pangyayari eh nagpakamatay daw ito sa pamamagitan nang pagbitay sa sarili. Upang makaiwas sa mata ng masa ay inilihim lang nila ang pangyayaring ito at ipinagpatuloy ang kanilang mga buhay na parang wala lang nangyari. Hindi rin naman kinumpirma ng tiyuhin ni Leandro ang bali-balita at nagpunta ito sa isang probinsya para magpalamig at lumayo sa sakit ng ulo rito.
Naghahanda na si misis para sa pinakamahalagang bagay sa buhay niya bilang isang akawntant, ang pagsusulit para maging isang ganap na siyang akawntant. Ako nama’y nagsimula na rin sa aking trabaho bilang pulis at tinutulungan ko siya sa kanyang pinagdadaanan. Sa araw ng pagsusulit ay taos-puso kaming nagdasal sa simbahan kung saan nakilala ko ang paring tumulong sa akin noon. Alam kong kinakabahan si Isay kaya pinakalma ko siya’t sinabihang magtiwala sa kanyang sarili. Ilang buwan lang ay dumating na ang resulta sa kanyang pagsusulit. Maaga kaming nagtungo sa lugar na pagpapaskilan nang resulta. Agad naming hinanap ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa pero wala. Hindi namin nahanap ang pangalan ni misis, nagsimula na ring magdatingan ang napakaraming mga tao. Kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at pagkalugmok dahil dito ngunit ako, hindi ako nawalan nang pag-asa. Hanggang sa mapadako ang paningin ko isa pang bulletin board na wala masyadong tao at hindi ko alam kung listahan rin ba ito kaya nilapitan ko ito. Nang binasa ko ito’y topnotchers ang nakasulat. Hinanap ko ang pangalan ni misis at dito napasigaw ako sa tuwa at sinigawan ko si Isay na lumapit at tingnan ang nakasulat na aking itinuro.“Top 3. Isabela Santiago”, basa namin. Hindi makapaniwala si misis na magtatapos siyang nasa Top 10. Todo sigaw at talon kami ni misis sa tuwa. Na-Dawn Zulueta ko pa siya at inikot-ikot. Pagkatapos nito’y nag-apply na agad si misis sa isang money-lending company bilang akawntant at sa kabutihang palad ay natanggap naman siya.
Sa pagdaraan nang ilang taon ay unti-unti na kaming nakapag-ipon ni misis mula sa sahod at mga benepisyong natatanggap sa aming trabaho. Habang nag-iipon kami para sa aming hinaharap ay pinaghahandaan ko na rin ang aking pag-aalok sa kanya nang pagpapakasal. Tinulungan ako ng mga katropa ko lalo na nang mga babae sa amin para sa gagawin ko. Sa kanila ko ipinagkatiwala ang lugar kung saan ko siya aalukin, maging sa mga palamuti at pagsasaayos sa nasabing lugar. Hanggang sa dumating na nga ang araw na ito’y grabe ang kaba ko sa aking sarili, maraming mga katanungan, maraming bagay ang sumasagi sa aking kaisipan. Sa dalampasigan ng isang bahay-bakasyunan ang napili namin ng mga tropa, pinag-dayoff ko si misis sa kanyang trabaho para magpunta dito’t magpahinga kahit sandali. Wala siyang kaalam-alam sa aking binabalak na gagawin. Dumating kami ni Isay na may ngiti’t tuwa sa aming mga labi, ipinagdarasal ko lang na sana’y ganoon din ang mangyayari sa oras na aalukin ko na siya.
Sa pagdating ng ina ni Isay ay nagulat ang aking misis dahil bakit daw nandito ang inay niya. Sinabihan ko na lang siya na kesa naman mabagot ang inay niya sa kanilang bahay eh minabuti ko nalang na isama ito rito para naman makalanghap rin ito nang sariwang hangin. Alam na nang inay ni Isay ang aking balak. Sa katunayan, humingi muna ako nang pahintulot sa kanya ukol sa gagawin kong ito. Sa paglubog ng araw ay nakahanda na ang lahat, kami nalang ni Isay ang kulang. Ipinasuot ko sa kanya ang aking biniling beach gown na kulay sky blue habang ako nama’y naka-board shorts at floral polo lang. Tinanong niya ako kung ano daw ba ang okasyon at bakit bihis na bihis kaming dalawa, sinagot ko nalang siya na date namin ito. Nagulat siya’t napaluha kaya siniil niya lang ako nang halik at niyakap nang mahigpit. Nagtungo na kami sa baybayin at doo’y pareho kaming namangha sa pagkakaayos sa aming magiging date place. Nakatayo rin sa gilid nang munting hapag ang mga waiter habang nakaupo naman ang inupahan kong mga musikero.
Pinaupo ko na si misis at tinawag ko na ang waiter para maghatid nang pagkain namin ni misis. Kinausap ako ni misis na kailan man daw ay hindi niya inaasahan na makakaranas siya nito. Hindi naman lingid sa inyo na parehong simple lang ang aming buhay at nakakapag-date lang kami sa kalsada habang kumakain nang mga pagkaing-kanto o ‘di kaya’y magtutungo lang kami sa seaside malapit sa amin, doon uupo at maglalambingan. Pinag-usapan namin ang aming nakaraan, masaya-malungkot, iba-ibang emosyon ang aming nararamdaman habang nag-uusap kami nito. Dumating na ang aming pagkain kaya natigil muna kami sa pag-uusap at kumain. Napangiti ako nang sabihin ni Isay na napakasarap ng pagkain, hindi ko kasi alam kung magugustuhan ba niya ito o hindi. Magtatakip-silim na, sinabihan ko ang mga musikero na magpatugtog na nang mga pang-romansang tugtugin. Masarap makarinig nang ganito paminsan-minsan, mga instrumento lang ang nag-iingay at walang kumakanta. Inaya ko si misis na makipag-sayaw na kanya naman ding pinaunlakan.
Habang kami’y nagsasayaw ay isa-isang nagsilapitan ang aking mga katropa at mga kaibigan ni misis dala-dala ang tig-iisang bulaklak na rosas at ibinigay ito sa amin ni misis. Muli na namang napaluha sa kasiyahan si Isay ngunit kita ko rin sa mukha niya kung bakit sila nandito, wala akong isinagot kun’di nginitian ko nalang siya. Ang una sa huling lalapit ay ang kantaterong inupahan para kumanta ngayon, ibinigay rin nito ang bitbit na rosas habang patuloy na kumakanta kasabay nang mga pinapatugtog na mga instrumento. At lumapit na rin sa amin ang taong pinakahinihintay ko, ang inay ni misis habang tulak-tulak siya nang katropa ko. Napatingin si misis rito’t nagsimula na siyang magtaka. Habang may kanta’t tugtog sa aming background ay nagsimula na akong manalumpati ukol sa aming pag-iibigan, mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Humiwalay muna si misis sa akin at niyakap ang ina niyang nakalapit na sa aming tinatayuan. Tinanong ni misis sa kanyang ina kung ano’ng nangyayari, sumagot lang ito na makinig lang ito sa akin at malalaman rin daw niya.
Wala akong ibang nakikitang ekspresyon sa mukha ni Isay kun’di ang pag-iyak lang niya dahil sa saya at alam kong may ideya na rin siya sa nangyayari. Hanggang sa dumating na rin ang sinasabing ‘moment-of-truth’, pinahawakan ko muna saglit sa katabi ko ang mikropono, dinukot ang singsing mula sa aking bulsa at lumuhod. Kinuha ko ulit ang mikropono, binuksan ang singsing na nakataklob sa isang lalagyan at tinanong siya.“Binibining Isabela Santiago, maaari ba kitang mapangasawa? Asawang nais kong makasama habang-buhay?”, ‘yang katanungang ‘yan mismo ang natatandaan kong itinanong ko sa kanya. Nagsihiyawan at nagsipalakpakan ang mga katropa’t kaibigan namin pati na rin ang inay ni Isay na hindi mapigilang maiyak sa nasasaksihan. Bago sumagot ay nakita kong napangiti si Isay.“Oo. Oo, Mahal ko. Maaari mo’kong mapangasawa na makakasam mo sa buong buhay mo.”, tanda kong sagot niya. Isinuot ko sa daliri niya ang singsing bago tumayo at siilan siya nang marubdob na halik. Mas lalong naging maingay ang aming paligid, niyakap ko pa ang inay ni Isabela. Sa huling bahagi nang aking pag-aalok ay pareho kaming nasorpresa ni misis sa pagputok ng fireworks sa ere at pumorma itong pangalan naming dalawa na may puso sa gitna. Bago matapos ay pinasalamatan ko ang lahat-lahat sa pagtulong sa akin para sa matagumpay na pagdaraos lalo na sa aking mga katropa’t mga kaibigan ni misis, at mas lalong-lalo na sa inay ni Isay.
Sa araw ng aming kasal ni Isay ay hindi na nakadalo ang inay ni misis sa kadahilanang pumanaw na ito. Inialay nalang namin ang pagdiriwang na iyon para sa aming mga magulang na pumanaw na. Masaya ang pagdaraos naming iyon, hindi man enggrande sa mata ng iba pero sa mga mata namin ni misis ay nasabi naming ito ang kasal na pinapangarap namin. Nakasuot ako nang aking uniporme, katabi ang aking mga katropa na naging kaibigan ko na rin. Nandirito rin ang ilan naming mga opisyal na ang ilan pa’y magiging ninong at ninang namin ni misis sa kasal. Nagbukas na ang pintuan papasok nang simbahan. Ang mga kadeteng nasa gilid ng aisle ay sabay-sabay na itinaas ang kanilang mga sandata na nagsisilbing arkong dadaanan nila misis. Nagsimula nang dumaan ang mga panauhing-lingkod at sawakas ay nasilayan ko na rin ang aking pinakamagandang asawa, hindi ko napigilang maiyak habang siya’y dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin. Naging mapayapa ang aming kasal hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon.“I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride.”, sabi nang pari na ikinatuwa nang lahat. Siniil ko na ang labi ni Isay na kanya ring ginantihan. Sa pagtatapos ng aming kasal ay masaya ang lahat lalo na kami ni misis. Sa reception hall ay maraming pera kaming natanggap ni misis mula sa iba’t ibang panauhin. At may nagregalo rin sa amin nang ‘paid-expense-trip’ ticket palabas nang bansa para daw sa aming honeymoon. Nagpasalamat kami sa lahat nang biyayang natanggap namin ni Isay.
Nag-honeymoon kami sa bansang Bahamas. Tulad ng Pilipinas ay maganda rin ang bansang iyon at mababait rin ang mga nakilala naming mga tao. At sa gabi ng aming pagniniig ay masaya kaming dalawa na natatawa sa aming ginagawa, hindi kasi namin alam parehas at isa pa, nagkakahiyaan pa rin kami. Kaya, sabi ko nalang kay misis na ‘mag-go-with-the-flow’ nalang kami. Dumaan ang gabing iyon na nasabi ko sa sarili kong,“salamat”. At, dito rin sa bansang ito nabuo namin ang aming supling na pinangalanan naming si Ameera.
Akala ko’y sa aming pagpapakasal ay masasayang bagay at pagkakataon nalang ang naghihintay sa amin ni misis. Nagkamali ako. Ilusyon lang pala ang lahat at labis-labis akong nasaktan. Dahil na rin sa kanyang pagbabalik at ang muli naming pagkikita ay nagkandaleche-leche ang buhay naming mag-asawa. Ang putanginang lalaki na ayaw ko nang makita muli, ang taong sumira sa buhay ko noon, at ang taong gustong-gusto kong patayin pero wala akong magagawa dahil sa impluwensya ng angkan nila.
Ako nga pala si Alexander. Ipinakikilala kong muli sa inyo ang aking butihing maybahay na si Isabel. Ang lalaking nagpahirap sa akin noon at ang lalaking tinik na bumasag sa akala kong matibay na pagsasamahan naming mag-asawa, si Leandro. Subaybayan niyo ang aming kwentong pag-ibig sa mga darating pang kabanata…
*****
P.S: ‘No-Sex-Every-Chapter’ po ang kwentong ito kaya sa mga naghahangad niyon ay humihingi na po ako nang pasensya.
Paki-komento sa ibaba ang inyong mga saloobin at suhestiyon ukol sa kabanatang ito. At, huwag kalimutang pindutin ang mga buton ng “likes” at “hearts”. Maraming salamat po!
- Ang Nagmamakaawang Pag-ibig 1 - April 12, 2022
- Ang Nagmamakaawang Pag-ibig 0 - March 3, 2022
- Tales Of Lusts: A Vacation To Remember - March 3, 2022