Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 5 – A Sunset With You [Rev.]

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan

Written by VTM_Legacy

 


Chapter 5

Nakauwi na si Edwin sa kanilang kwarto ni Dan ngunit wala doon ang kaibigan. Ang ipinagtataka niya ay ang kanin at ulam sa lamesa ay nakahanda na ngunit natatakipan naman. Lumabas siya ng kwarto at gumawi sa may gate ng bahay at nagpalinga-linga sa labas, pilit na hinahanap sa mga karatig-bahay ang nawawalang si Dan. Muling bumalik sa pinakabahay ng kasera si Edwin upang doon magtanong.

“Aling Lagring, tao po.”Aang pagtawag ni Edwin mula sa labas.

Mayamaya pa ay lumabas na si Diane at naging dahilan ng saglit ng pagkabog ng dibdib ni Edwin. Matagal na kasi niyang crush kasi ang dalagita.

“Diane, hindi mo ba napapansin si Dan?”

Itinaas ng bahagya ni Diane ang kanyang mukha at pinagsalikop ang magkabilang bisig sa harap ng dibdib na parang nag-iisip. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ni Edwin dahil lalong yumabong ang maumbok na dibdib ng dalagita sa kanyang paningin.

“Ah, tanda ko na Kuya Edwin! Nagpaalam si Kuya Dan na aalis siya at mamaya na daw siya makakabalik. Yun daw sabihin ko sayo kapag hinanap mo siya.” Ang nakangiting pahayag ni Diane.

“Loko yun, naghanda ng pagkain pero hindi naman kumain. Wala na ngang abiso tapos ni hindi pa sinabi kung saan pupunta.” Napakamot na lang sa ulo si Edwin.

Nakaramdam naman ng pag-aalala ang dalagita para kay Dan. Hindi pa pala ito kumakain ng hapunan dahil sa ginawa niya.

“Mauna ka ng kumain Kuya Edwin, ako ng bahala kay Kuya Dan.” Biglang natigilan si Diane, nadulas ang kanyang labi.

Nagtataka namang napatingin sa kanya si Edwin.

“Ibig kong sabihin Kuya, nagluluto si Mama ngayon ng masarap na ulam. Magpapadala ako sa inyo mamaya kapag nakita kong bumalik na si Kuya Dan.” Si Diane ng makabawi.

“Sige Diane, salamat ha, dala ka ng marami pero wag mong papakita sa Mama mo. Para hindi ka matanong.”

“Kuya, pasok na ako ulit sa loob ha.” Pagsang-ayon na lang ni Diane na nagmamadaling tumalikod na.

“Bye Dia-“ Si Edwin na hindi na natapos ang sasabihin dahil mabilis na nakapasok sa loob ng bahay ang dalagita. Napakamot na lang ulit siya ng ulo, nais niyang laging nakikita at nakakausap si Diane, ngunit hirap naman siyang dumiskarte kapag magkausap na sila.

Pumunta sa kusina si Diane, kumuha ng ilang tinapay at pinalamanan. Kumuha din ng juice mula sa ref at naglagay sa baso.

“Anak, nagugutom ka na ba? Pwede na itong niluluto ko.” Si Lagring na nagtataka, dahil hindi naman mahilig magkakain ng marami ang anak lalo na kapag sa hapon.

“Ito na lang po muna Mama, dadalhin ko po sa room ko at may gagawin pa kasi po akong mga assignments.” Pagsisinungaling ni Diane sa ina.

Natuwa naman si Lagring sa anak.

“Mabuti yan anak ng maging masaya kami lalo ng Papa mo.”

Kinuha na niya ang mga tinapay na nakalagay sa isang plato at baso ng juice mula sa lamesa at inilagay iyon sa isang munting tray ng pagkain. Ngumiti sa ina at lumakad na papunta sa kanyang kwarto.

Si Dan naman ay kanina pa kinakabahan at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi siya maaaring manatili ng matagal sa kwarto ni Diane. Nasa ganito siyang pag-iisip ng bumukas ang pinto at agad na bumaling doon ang kanyang paningin. Nabawasan ang kanyang pag-aalala ng makitang si Diane ang pumasok na may dalang pagkain. Ibinaba nito sa kama ang tray ng pagkain at muling ini-lock ang pinto.

“Kain ka muna Kuya.” Ang nakangiting paanyaya ni Diane.

“Diane, kailangan ko ng umuwi. Baka naghihintay na sa akin si Edwin.” Ang nag-aalalang sabi ni Dan .

Biglang napasimangot si Diane.

“Nakausap ko na si Kuya Edwin at nagdahilan na ako sa kanya. Sinabi ko na may pinuntahan ka at mamaya ka pa babalik. Kaya okay lang na dito ka muna sa akin.”

Nakahinga ng maluwag si Dan dahil hindi na siya hahanapin ng kaibigan.

“Salamat Diane. Pero kailangan ko na talagang makalabas dito.” Patuloy na pakiusap ng binata.

“Kain ka na muna Kuya, ako nag-prepare nito para sayo.” ang naglalambing na si Diane ng naalala na hindi pa kumakain si Dan.

Napilitan na ding kumain si Dan habang nakatingin lang sa kanya si Diane. Nang matapos ay muling kinuha ng dalagita ang tray at lumabas na ulit ng kwarto.

“Balik ko muna to Kuya. Basta dyan ka lang. Pag wala na si Mama sa kusina ay saka kita papalabasin.”

Lumabas na si Diane at bumalik sa kusina. Masayang kinausap ang ina at nilibang , hanggang sa pumasok na ito sa loob ng banyo at yun na ang hinihintay niya. Mabilis na binalikan ni Diane si Dan sa loob ng kwarto.

“Kuya Dan, nasa banyo na si Mama. Kiss mo na ako ulit.” Si Diane na humarang sa pinto.

Mabilis namang tumayo si Dan at nilapitan si Diane. Wala naman siyang pagpipilian at isang kasinungalingan kung sasabihin niya sa sarili na hindi niya gusto ang nais ng dalagita.

Hinawakan ni Dan sa balikat si Diane at saka niya hinagkan ang nakapapikit na dalagita.

“Thank you Kuya.” Si Diane pagkatapos tanggapin ang isang masarap na halik mula kay Dan, at saka siya yumakap ng mahigpit.

“Kuya Dan ha, wag mong kakalimutan, girlfriend mo na ako.” Ang masayang paalala ni Diane.

Hinaplos na lang ni Dan ang buhok nito sa likod, nais sana niyang sansalain ang sinabi ng dalagita ngunit mas pinili na lang niya na hindi tugunin iyon.

Binuksan na ni Diane ang pinto at lumabas na sila ng kwarto. Ihinatid ng dalagita si Dan hanggang sa may labas ng pinto sa salas.

“Saglit lang Kuya, dyan ka lang sa may labas.” At mabilis na bumalik si Diane sa kusina, kumuha ng isang plato, naglagay doon ng isang mangkok, at saka iyon nilagyan ng ulam na tapos ng lutuin ng kanyang ina.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


“Kuya Dan, uwi mo ito sa inyo ni Kuya Edwin.” Ang nakangiting sabi ng dalagita.

Kinuha iyon ni Dan at nagpasalamat.

“Salamat Diane, alis na ako.”

Hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa may pintuan ng kwarto nila ni Edwin. Saglit na lumingon sa kanyang direksyon ang binata at ngumiti na nagbigay naman ng saya sa dalagita. Bumalik na ulit siya sa loob ng kanilang bahay na may labis na sayang pakiramdaman. “Yes! Boyfriend ko na si Kuya Dan!” Ang nasa isip ni Diane.

Nang nasa loob na ng bahay si Dan ay mabilis siyang sinalubong ng kaibigang si Edwin. Pero bago ito magtanong ng kahit na ano ay kinuha muna ang masarap na pagkaing dala niya. Inayos iyon sa lamesa at isa-isang binuksan ang mga may takip na pagkain. Naupo na silang dalawa at nagsimula ng kumain.

“San ka galing?” Panimula ni Edwin.

“Dyan sa may labas, naglakad-lakad lang.”

“Ito na siguro yung sinabi ni Diane na ibibigay sa atin.” Si Edwin na nakangiti habang inaalala ang dalagita.

“Oo Pre, kay Diane galing yan. Ibinigay sa akin ng makita ako, ulamin natin ngayong gabi ang sabi.”

“Talagang mabait sa akin Diane noon pa, swerte mo Dan, nadadamay ka.” Ang nagbibirong pagmamalaki ni Edwin.

Nailing na lang si Dan. Walang alam ang kaibigan na ang nagugustuhan nitong dalagita ay kayakap at kahalikan niya kanina lamang.

Napansin ni Edwin ang bahaging nasuntok sa kaibigan. Hindi naman iyon naging pasa pero mapapansin ang sugat sa sulok ng labi.

“Anong nangyari jan sa labi mo? May nakaaway ka ba?” Ang tanong ni Edwin.

“Wala ‘to Pare. Isang maliit na hindi pagkakaunawaan lang.” Si Dan na may nakapagkit na kakaibang ngiti, dahil mulang naalala ang sandaling nasa harap niya si Christine habang ang daliri ng kaklase ay nasa kanyang labi.

“Bakit parang masaya ka pa sa nangyari? Baka naman may putok ka nga sa labi, pero nasa ospital naman yung nakaaway mo.”

“Loko, hindi naman ako mahilig makipag-away.” Ang nagbibirong tugon ni Dan sa sinabi ng kaibigan. “At saka kahit pa siguro na naka-saklay akong uuwi ay ayos lang.”

“Kumain na nga lang tayo, nang maaga tayong makapagpahinga at hinihintay na ako ni Diane sa panaginip ko mamaya.” Biro nito ulit sa kanya.

“Musta ang trabaho, wala bang naging problema?” Tanong ni Dan sa kaibigan habang patuloy silang kumakain.

Umiling lang si Edwin at nagpatuloy na sila.

Nakahiga na si Dan ay nasa isip pa rin ang mga nangyari sa maghapon. Bagama’t hindi nakangiti kanina sa kanya si Christine ay kita naman niya ang parang pag-aalala nito sa kanya. Nais niya sanang bigyan ng kahulugan iyon pero masakit ang umasa sa wala. Sa isang tulad niya ng katayuan sa buhay ay mahirap umasa ng pag-ibig sa isang tulad ni Christine. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay tuluyan ding silang magkakalapit ng dalaga. Ngunit isang alalahanin din niya ang tungkol kay Diane na hindi niya tiyak kung paano lulutasin.

*****

Kaagad na tumayo si Amanda ng makitang pumasok na sa loob ng bahay ang kadarating lang na si Christine.

“Christine.” Ang madiin na pagtawag ni Amanda sa pangalan ng anak.

“Here we go again”. Ang nasa isip naman ng dalaga.

“It’s past eight na, I will not be this upset kung minsan lang ito. It’s a good thing na laging late na din ang uwi ng Papa mo kaya hindi niya alam ang madalas mong pag-uwi ng gabi.”

“Mama, kasama ko ang mga classmates ko kanina, we did a research for our project.”

“Research? Ni wala akong makitang may dala kang libro o notebook.”

“Mama, why don’t you come with us next time?” Iritado na din si Christine, dahil matagal ng hindi niya naramdaman na mayroon talaga siyang ina at ama na kasama sa bahay. Isang mahalagang gamit lang ang nakikita sa kanya ng mga ito at hindi isang anak.

Nanunukat ng tingin si Amanda sa anak na nakatitig din sa kanya.

“Just make sure na talagang mga school activities ang ginagawa ninyo Christine. Or else, I’ll do something about it.”

“Fine Mama, you can always do as you wish naman.”

“We are trying to give you the freedom that you want, but you seems keen in abusing it.”

“I get it, okay?”

“I really do hope you understand. You’re not a child anymore.”

“Can I go to my room now. Gusto ko ng magpahinga.”

Wala na din namang nagawa si Amanda kung tapusin ang usapan nila. 

“How about dinner?”

“I’m full…, tapos na kami. I just want to go to my room now and rest.”

Nang hindi na nagsalita pa ang kanyang ina ay umakyat na si Christine sa itaas. Pumasok sa kanyang kwarto at saka mabilis na hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Nagtungo siya sa shower at saka naligo. Pagkatapos magpatuyo ng mahaba at alon-alon niyang buhok ay humiga na siya sa kanyang malambot na kami na hindi na nagdamit pa.

Hindi pa nga pala siya tapos na maghanda para sa kanilang project. Si Rose ay kapartner ni Cherry, si Carlo na siyang nais sana niyang makapartner sa project ay hindi nakatanggi kay James. Kaya naman niyang pilitin si Carlo na tulungan siya ngunit hindi na siya nagsabi pa. Hindi naman siya nag-aalala dahil hindi naman mahirap ang humanap ng makakasama niya lalo’t may ilang nagpaparamdam na makapareha siya.

Ngunit isang palaisipan pa din sa kanya ang kaklase niyang si Dan na ngayon ay nasa kanya na namang isipan. Kung ikukumpara niya si Dan sa kanyang mga nakarelasyon ay higit na mas gwapo ang mga iyon. Ngunit ang maamong mukha ng kaklase sa bawat pagtatama ng kanilang paningin, sa bawat sandaling magkalapit sila ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

“Why am I being bothered like this? Why can’t I shake this weird feeling everytime you comes to my mind?”

*****Pagsapit ng Lunes. Kanina pa nasa harapan ng salamin si Angela at dapat na siyang bumaba para mag-agahan. Ngunit matamlay ang kanyang pakiramdam at hindi niya alam kung paano haharapin ang tiyak niyang magtatanong sa kanyang si Dan.

(“tok” “tok”)

“Angela…, bumaba ka na anak.” Si Meding.

“O-Opo Yaya.” Ang malungkot na tugon niyang tugon.

Nang hindi pa lumabas si Angela pagkalipas ng ilang sandali ay binuksan na ni Meding ang pinto. Pumasok siya sa loob at nilapitang ang dalagang nanatiling nakaupo sa harap ng salamin.

Kinuha niya ang suklay at saka nagsimulang marahang suklayin ang mahaba at tuwid na buhok ni Angela.

“May problema ka ba?”

“Nag-aalala po ako Yaya, hindi ko po alam kung paano ko po siya haharapin.” Ang kinakabahang sabi ni Angela na ngayon ay nakatingin sa matanda. Hindi naman kasi niya nailingid dito ang nangyari lalo’t malapit siya sa kanyang Yaya Meding.

Itinigil ni Meding ang ginagawa at saka hinaplos ng kanyang kamay ang ulunan ni Angela.

“Natutuwa ako Angela dahil alam kong nakilala mo na ang isang damdaming magiging espesyal sa iyo. Sa edad kong ito ay akala ko ay hindi ko na iyon masasaksihan. Kaya nagpapasalamat ako sa Itaas at may lakas pa din ako ngayon. Napakapalad ng lalaking magmamay-ari sa puso mo anak, dahil napakaespesyal mo. At naniniwala akong hindi ka iibig sa isang lalaking hindi ka mauunawaan o maiintindihan.”Nangilid ang luha sa sulok ng mga mata ni Angela na yumakap sa matandang nagpalaki sa kanya.

“Salamat po Yaya.”

*****

 

Nagmamadaling lumabas si Carlo ng kanyang sasakyan ng makita si Christine na naglalakad kasama nina Cherry at Rose. Mabilis ang kanyang mga hakbang upang makalapit sa mga ito.

“Morning girls.” Ang bati ni Carlo.

“Morning Carlo.” Ang pagbati ni Cherry na nagbigay ng matamis na ngiti sa binata.

“Rose, Cherry, may sasabihin lang sana ako saglit kay Christine.”

Nawala ang ngiti sa labi ni Cherry na pumayag na din naman. Wala naman siyang magagawa para pigilan si Carlo sa gusto nitong gawin.

“Una na kayo, let’s meet na lang sa classroom.” Si Christine.

Nang nasa malayo na ang dalawa ay saka nagpatuloy si Carlo sa nais nitong sabihin kay Christine.

“Tin, are you still upset?”

“Upset about what?”

“Tungkol sa nangyari bago tayo maghiwalay ng Sabado.”

“It’s fine as long na alam mo kung anong klase ng relationship mayroon tayo.”

“Okay, let’s move on na from that. Pag-usapan naman natin yung plano natin about this coming weekends. Wag mong sabihin na hindi pa din matutuloy.”

“Do you really want to fuck me that bad Carl?” Ang nakangiting tanong ni Christine na nagsimula ng lumakad.

Sumabay naman si Carlo na nakatabi sa dalaga.

“I’m very much attracted to you Tin, at alam kong ganun ka sa akin. It’s just a casual sex gaya ng gusto mo, basta pagbigyan mo lang ako. You have no idea how hard it is for me to control myself kapag nasa moment of heat tayo.”

“Of course I don’t have an ideaa, not unless you’re going to tell me how hard it is for you.” Ang naglalarong sabi ni Christine na saglit na sinulyapan ang katabing kaklase.

“It makes me crazy everytime Tin, gusto ko ng mag all the way tayo but I can’t force you.”

“Is that so?”

 

“We can do it in a motel, or in a prive resort. Kung saan mo mas gusto, if sa prive resort, may alam akong place sa Bulacan, or sa Laguna. Maganda yung lugar, very memorable at tayo lang dalawa. I can even make a reservation now?”


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


“Carlo, there are so many girls na maisasama mo just to fully satisfy yourself. Don’t ge too fixated on me.”

 

“But it is you who I want to make love with. Fuck naman Christine! Mahirap bang intindihin yun.”

Hinarap ni Christine si Carlo.

“Calm down Carlo. Okay.”

“Okay what?” Ang inis na tugon ni Carlo.

“Okay like, you can make a reservation to this lovely place that you’re telling me. Then come weekends, we shall see.”

“I’m going to really do that Tin, I’m tired of you playing with me. We’re going to fuck or we’re done.” Ang madiin na pahayag ni Carlo habang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga.

Napangiti naman ng matamis si Christine.

“Then I’m looking forward to it.”At saka muling naglakad si Christine na sinabayan din Carlo papunta sa kanilang building.

Na-late nang dating si Dan sa kanilang first subject. May dinaanan pa kasi siya sa labas. Humingi sya ng paumanhin sa kanilang proffessor at lumakad na patungo sa bakanteng upuan. Mabilis na hinanap ng mga mata si Christine na nakita niyang nakatingin din sa kanya. Bago siya nagtuloy sa may upuan ay si Angela naman ang hinanap niya, nakahinga siya ng maluwag ng makita ang kaklase. Sa isip niya ay mabuti naman at nasa maayos lang ito.

“May kasalanan ka sa akin.” Ang mahinang bati ni Dan na nakangiti sa kaklase.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Angela at nawala ang kanyang pag-aalala. Dahil maayos pa din ang pakikitungo sa kanya ni Dan kahit hindi naman siya nakatupad sa usapan nilang dalawa. Gaya ng sinabi sa kanya ni Yaya Meding, mauunawaan siya ni Dan.

Pagkatapos ng dalawang klase ay nagkaroon muna ng break, at habang isa-isang naglalabasan ang mga estudyante sa loob ay nilapitan ni Angela si Dan.

“Dan, sorry ha, ‘di ako nakarating kahapon. May biglaan kasing nangyari sa house namin. Pero I’ll promise na babawi na lang ako sayo next time.” Hinging paumanhin ni Angela, nais niya ding ilihim kay Dan ang totoong dahilan kung bakit hindi siya nakapunta.

“Wag mo ng alalahanin yun Angela, ang mahalaga…, nasa mabuti ka. Pero sa totoo lang. Okay lang din naman na hindi ka nakarating.”

“Bakit naman?” Ang nagtatakang tanong ni Angela.

“Nasa isip ko nga kahapon na baka magalit ka sa akin. Nagkaroon din ako ng problema kahapon kaya hindi din ako nakarating. Ako na lang ang bibili mamaya ng mga kailangan natin bago ako pumasok sa trabaho. May nakahanda na naman akong listahan.” Ang sabi na lang ni Dan sa kaklase sa kabila ng katotohanan na nabili na niya ang mga kailangan nila.

Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magsinungaling kay Angela. Parang ayaw niyang makaramdam ng guilt sa sarili ang kaklase. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ayaw niya itong bigyan ng alalahanin. Sa lahat kasi nakilala niya sa pamantasan ay bukod tanging si Angela ang pinakamalapit sa kanya.

“B-Bigay ko na lang yung share ko sayo mamaya.” Sinabi iyon ni Angela na tipid na nakangiti pero malungkot ang kanyang pakiramdam. Hindi na din siya nagsabing nais niyang samahan mamaya si Dan dahil ito na ang unang nagsabi na parang mas gusto nitong lumakad na lang na mag-isa. Matagal niyang iniyakan ang tungkol sa lakad nila tapos ay hindi rin naman pala ito nakarating. Iniisip ng dalaga na para bang hindi importante kay Dan ang pangakong binitawan nito sa kanya.

“Ano nga pa lang nangyari sa labi mo?” Ang tanong ni Angela na may kasamang pag-aalala ng mapansin ang sugat sa gilid ng kanyang labi.

“Ah ito, munting hindi pagkakaunawaan lang.”

Akmang hahawakan sana ni Angela ang labi ni Dan na saglit namang ikinagulat ng binata. Ngunit ng maramdaman ni Angela na may nakatayo sa tabi niya ay tumigil siya at biglang namula ng maisip ang nais na gawin. Paglingon niya ay si Christine ang nakita niya.

“L-Later na lang Dan, mamaya ko na lang bigay sayo.” Malungkot na paalam ni Angela, at saka nagbigay ng kiming ngiti kay Christine.

“Sana lang na hindi ako naka-interrupt sa kung ano man ang pinag-uusapan nyo. May gusto lang kasi akong itanong kay Dan.”

“It’s okay Christine.” Ang sagot ni Angela at matamlay siyang lumabas na ng silid.

“I know na wala akong karapatan na magtanong about your personal life. Pero pwede bang malaman kung bakit hindi mo sinabi kay Angela ang totoo.” Ang seryosong tanong ni Christine.

Saglit na nag-isip si Dan.

“Hindi naman mahalaga kung hindi siya nakarating. Tiyak ko namang mayroon siyang mabuting dahilan. Ang mahalaga ay nasa mabuti siya.”

“Bakit hindi ka nagtanong kung bakit hindi siya nakapunta.” Patuloy ni Christine.

“Magkaibigan naman kami Christine, hindi na siguro kailangan.”

“Talaga bang magkaibigan lang kayo? Maganda si Angela, ‘di na ako magtataka kung magkakaroon ka ng pagtingin sa kanya.” May halong panunukso ang tono ni Christine.

“Talagang magkaibigan lang kami. Wala namang ibang ibig sabihin yung pagiging malapit namin maliban sa pagiging magkaibigan.”

“Kung ganun…, tama ba ako kung sasabihin ko na…, malamang na sa iba ka may special feeling.” Ang wika ni Christine na nahahalata na ang pagiging tense ni Dan sa takbo ng usapan.

Hindi naman nakatugon si Dan na napahawak na lang ng mahigpit sa kanyang nakasukbit na bag. Dahil parang bang hindi naman lingid sa kaklase ang sagot sa tanong nito. Ngunit kailangan niyang ibahin ang paksa ng kanilang usapan, dahil kapag nagpatuloy pa ito ay baka masabi niya ang totoo dahil sa ginagawang panghuhuli sa kanya ni Christine. At sa halip na saya ang maging dulot niyon sa kanya ay isang kahihiyan na matagal niyang dadalhin. Dahil hindi naman bawal ang lihim na magmahal. Ngunit isang kahangalan para kay Dan ang ihayag ang tunay na nararamdaman sa dalagang alam niyang may ibang mundong ginagalawan.

“Christine, yun nga pa lang panyo mo…” At saka ilalabas sana ni Dan ang panyo na nasa bag niya.

“Sabi kong sa’yo na iyon diba. When I give it to you, I really mean it. But I noticed na parang gusto mong iwasan ang tanong ko…”

Lumakad si Christine palapit sa tabi ni Dan.

“Kaya ba hindi mo masabi sa akin kung sino ang special someone mo ay…, maaaring kilala ko siya.”

“Christine…”

Napa-giggle naman si Christine sa nakikitang reaksyon sa seryosong kaklase. 

“I’m just teasing you Dan, later…” Ang nakangiting paalam ni Christine.

Tuluyan ng lumabas si Christine ng silid at naiwan si Dan na hindi alam ang dapat niyang isipin. Dahil parang hindi bago kay Christine ang ginawa nito sa kanya. Ayaw niyang isipin na nakikipaglaro sa kanyang damdamin si Christine, at alam niyang kung pinaunlakan niya ang larong iyon ay baka mananatili siyang taya at ganap na mapahiya. Dahil kung mahahayag sa lahat ang lihim niyang pagsinta ay maaaring maging dahilan iyon upang mapagtawanan pa siya at maalipusta. “Humanap ka ng kauri mo.”Ang mga salitang maaaring ibabato sa kanya.

Mag-isang nagpunta sa may library si Christine pagkatapos niyang magtake ng lunch. Kahit naman papano ay nais niya magawa ang project na kailangan niyang ipasa. Lumapit siya sa isang shelf ng mga libro at paisa-isang tiningnan ang mga iyon.

“Para ba sa project natin?”

“Yes, wanna give me a hand sa topic na napili ko?” Ang tanong ni Christine sa kalapit na lalake.

“Tell me, ah, by the way I’m Oliver, isa sa mga classmates mo. Just in case you didn’t know.”

Inilahad ni Christine ang kanyang palad na agad namang ginagap ni Oliver.

“I’m Christine, and I do know you’re name. It’s just that we have a different circle of friends, so.”

Sinabi ni Christine ang paksa na napili niya at magkatulong silang nangalap ng mga libro.

Pagkatapos hiramin ang mga libro ay magkasabay na silang lumabas.

“Christine, I hope you won’t misunderstood me for saying this, like thinking na nag-take advantage ako sayo, but…, the topic that you choose. I already made a lots of notes for it at mayroon na din akong ibang source materials , so, you know, maybe you want to.”

Ngumiti naman si Christine sa kaklase.

“Are you okay with someone like me?” Ang may halong lambing na tanong ni Christine.

“Morethan happy to be your partner.” Ang masayang tugon ni Oliver, sino ba naman ang hindi nais na makasama ang isang tulad ni Christine na alam niyang marami ang nagkakagusto. Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na makita siya ng mga kaibigan, dahil tiyak na malaking inggit ang mararamdaman ng mga ito kapag nakitang kasama niya si Christine. “One step at a time”. Ang nasa isipan ni Oliver.

Habang nagle-lecture ang kanilang professor sa klase nila sa hapon ay hindi naman doon nakatuon ang atensyon ni Christine.

“Ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Dan?” Ito ang tanong niya sa sarili. Hindi siya naniniwala sa salitang pag-ibig since never pa niya itong naramdaman.

Ang attraction sa opposite sex ay natural lamang pero hanggang dun na lang yun para sa kanya. Kapag attracted siya sa nagpaparamdam sa kanya ay nagiging kalaro niya, at kapag talagang tipo niya ang lalake ay nakakarating sila sa kama.

Ngunit never pa niyang hinayaan ang sarili na mag-initiate sa mga lalakeng nagkaroon siya ng attraction. Dahilan niya? Wala siyang pakialam. Maraming lalake ang nagkakagusto at nagpaparamdam ng pagnanasa sa kanya, hindi niya kawalan.

“Gusto ko bang makipaglaro kay Dan, then makipag-sex?”Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa sarili. For the first time ay siya ang nag-isip na mayroong lalake na gusto niyang ikama siya kahit hindi naman ito tahasang nagbibigay ng motibo sa kanya at ayaw niya ng ganun. “No! That’s just plain stupid.” Ang sabi niya sa sarili, ayaw niyang maniwala.

Tumingin siya muli sa kaklase. Matamang nag-isip.

“Okay, fine!”Pagsang-ayon niya sa sarili. “Para matapos na to, I’m gonna fucking do this”. Baka once na nangyari ang gusto niya ay kasabay din nitong matapos kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan tungkol sa binata.

Saglit na muling nag-isip si Christine, alam niyang working student si Dan at hectic ang sched nito. Kailangan niyang ma-convince ang kaklase na maglaan ng araw para sa kanya. Sa darating na Sabado ay wala ang parents niya. Siya lang at ang mga katulong nila ang maiiwan sa bahay. Nag-init ang kanyang pakiramdam at lihim na nangiti. Hindi naman siguro mahirap i-convince si Dan dahil wala pa namang nagpa-hindi sa kanya, dagdag pang ang pakiramdam niya ay may gusto ito sa kanya.

“I wonder what would you do Carlo if ever na malaman mo? Na kahit alam kong sabik ka ng angkinin ako ay kay Dan ko ibibigay ang katawan kong kinababaliwan mo.”

Naputol ang kanyang pag-iisip ng mapagawi ang mga mata niya kay Angela na hindi maiwasang hindi matapunan ng tingin ang binatang iniisip din naman niya.

“Do you like him Angela? Then be bold about it, otherwise mananatiling pangarap lang sayo ang lalakeng paglalaruan ko.”

Pagkatapos ng huling klase ay nag-aayos na muli si Dan ng mga gamit ng may pasimpleng inilapag na isang kapirasong papel si Christine sa desk niya.

Nakalabas na si Christine ng binuksan niya ang nakatiklop na munting papel.

“Please, meet me in the rooftop, our building.”

Muli niyang itiniklop ang papel at inilagay iyon sa loob ng kanyang kwadernong cattleya.

Si Angela naman ay malungkot lang na nakatingin kay Dan hanggang sa lumabas na ang binata.

*****

Papalapit pa lang sa sasakyan ay napansin na ni Mang Lando ang lungkot sa napakaamong mukha ni Angela. Mahigit sampung taon na din siyang naninilbihan sa pamilya ng dalaga. Alam ni Mang Lando kung gaano kabait si Angela dahil sa mabuti at magalang nitong pakikitungo sa kanya at sa mga tagasilbi sa bahay ng mga magulang nito. Nararamdaman niyang umiibig ang dalaga sa binatang madalas nitong kasama, naisip ni Mang Lando na kung may maitutulong lamang siya kay Angela ay gagawin niya, makita lamang niya itong palaging masaya at ubo ng sigla.

Nakarating na si Angela sa kanilang bahay ay matamlay pa rin siya at napansin naman kaagad iyon ng kanyang ina.

“Are you unwell Iha?” Ang nag-aalalang tanong ni Alice sa anak.

Umiling lang si Angela. Lumapit siya sa ina at hinagkan ito sa pisngi.

“Nagalit ba sya sa’yo? Alam kong iniisip mo na kasalanan namin ng Daddy mo ang nangyari, pero sana maintindihan mo na ikaw din ang inaalala namin.” Ang malungkot na pahayag ng kanyang mommy.

“Don’t worry Mom, I understand naman po.” Ayaw nyang sabihin dito na balewala din naman kung nakarating sya kahapon sa takdang oras dahil wala din naman si Dan.

Yumakap sa kanya ang ina at marahang hinagod ang kanyang likod.

“We loved you so much Iha.”

“I know Mom. I loved you so much din naman po ni Daddy.”

Umakyat na siya kanyang kwarto at nahiga. Sa sarili ay sinabi niyang sana ay dumating din ang panahon na mahalin siya ni Dan, katulad ng pagmamahal na lihim niyang inilalaan para dito. Sisikapin na lang niya na lalong mapalapit sa binata, kailangan lang muna niyang ipahinga ngayon ang nasugatan niyang puso. Lihim siyang umusal na sana ay makita din siya ni Dan hindi bilang kaibigan kung hindi bilang isang babaeng mamahalin.

*****

Dumiretso na si Christine sa may rooftop ng building na pinapasukan nila. Nagdahilan na lang siya sa mga kaibigan na may ibang gagawin at mauna na sila sa bahay ni Cherry. Nang nasa rooftop na ang dalaga ay naramdaman niya ang medyo malakas na pag-ihip ng hangin na naging dahilan upang makipaglaro ang hangin sa kanyang alon-alon na mahabang buhok. Lumapit si Christine at humawak sa nakaharang na bakod na yari sa magkakadikit na bakal, at saka niya tiningnan ang paligid ng school mula sa taas, habang paulit-ulit ang kanyang kamay sa kahahawi sa kanyang mahabang buhok na pilit na humaharang sa kanyang magandang mukha dahil sa patuloy na paghangin. Nakaramdam ng pagkasuya ang dalaga, na para bang kahit ang hangin ay hindi niya kasundo.

Habang nakamasid sa kapaligiran at nakahawak sa bakod na alambre sa may rooftop ay naramdaman niya na may naglikom ng kanyang mga buhok, at tinipon ang mga iyon na naging dahilan upang hindi na gumalaw ang kanyang alon-alon na mahabang buhok. Dahil dito ay nawala na ang mga buhok niyang kanina pa niya paulit-ulit na hinahawi sa kanyang mukha.

Bagaman nagustuhan niya ang nangyari ay nakaramdam siya ng pagkainis sa pangahas na nasa kanyang likuran. Saglit niya itong nilingon at nakita niya si Dan na itinatali ang kanyang alon-alon na mahabang buhok gamit ang panyo na ibinigay niya dito. Nawala ang pagkainis ng dalaga at lumakas ang tibok sa kanyang dibdib. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata at sa kauna-unahang pagkakataon, ay nagsimulang kinilala ng kanyang puso ang salitang pag-ibig. Hinintay niyang matapos si Dan sa ginagawa nito habang ang banyagang pakiramdam ay nasa kanyang dibdib.

Hinarap niya ang kaklase, at ang sinag ng palubog na araw na nasa kanyang likuran ay tumatama sa maamong mukha ni Dan. Nakaramdam siya ng damdaming hindi pa niya naramdaman sa lahat ng lalakeng dumaan sa kanyang buhay.

Si Dan naman ay buong paghanga ding nakatingin sa napakagandang mukha ni Christine habang ang palubog na araw ay nasa likuran ng dalaga. Napakagandang larawan ang kanyang pinagmamasdan na nais niyang iukit sa kanyang isipan.

“Christine…”

“Dan…”

Ilang sandali din silang nakatingin sa isa’t-isa na para bang ang mundo ay saglit na tumigil sa pag-ikot habang magkaharap sila.

Si Christine ang bumasag sa katahimikang namagitan sa kanila ni Dan.

“Dan, pwede ka bang maglaan ng isang araw sa akin. I need your help about something personal.”

“Kailan?”

“This coming Saturday , sa bahay namin, I want you to be there.”

Saglit na nag-isip si Dan, may pasok siya sa gabi at ngunit mahaba naman ang oras niya sa umaga. Yun nga lang ay hindi niya magagawa ang lahat ng dapat niyang gawin bago magpahinga.

Nang mapansin ni Christine ang pag-iisip ni Dan ay humakbang pa siya ng isa palapit sa binata.

“Dan, pumunta ka, dahil maghihintay ako.” Ang madiin na pahayag ng dalaga habang nakatitig sa mga mata ng kaharap.

Mula sa kanyang shoulder bag ay nilabas ni Christine ang isa niyang notebook. Binuksan iyon at nagsulat ng ilang impormasyon at pagkatapos ay ibinigay kay Dan. Kinuha naman iyon ni Dan at tiningnan bago muling ibinalik ang tingin kay Christine.

“You’ll come, right?” Si Christine na naniniyak.

Tumango si Dan.

“Anong oras?”

“Nine o’clock in the morning.” Sagot ni Christine.

“May kailangan ba akong dalhin gaya ng libro, calculator o kung anong makakatulong sa problema mo?”

Napangiti naman ang dalaga.

“Basta pumunta ka.” Ang malambing na sabi ni Christine.

“Okay Christine, pupunta ako.”

“Dan, aasahan kita ha. Pag hindi ka dumating ay talagang magagalit ako. Give me a promise.”

“I promise.”

Ngumiti sa kanya ulit si Christine at nagyakag ng bumaba. Nang nasa may gate na sila ay dito na sila nagpaalamanan.

“Malapit na shift ko, ingat na lang Christine.”

“Take care din Dan, alis na din ako at kanina pa naghihintay yung sundo ko.” Paalam din ng nakangiting si Christine.

Lumapit si Christine sa nakaparadang sasakyan na may isang babaeng may edad na ang driver, ngunit bago pumasok sa loob ay nilingon muna niya Dan.

“Dan, keep your promise.”

Tumango si Dan kay Christine at saka tuluyang pumasok ang dalaga sa loob ng sasakyan. Ihinatid niya ng tingin ang papalayong sasakyan ng kaklase, at saka niya muling tiningnan mula sa dalang kwaderno ang papel na ibinigay sa kanya ni Christine. Kahit ayaw niyang isipin ay tuksong pumapasok sa kanyang isipan na maaaring ito na ang sandali para magkalapit silang dalawa.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


“Huwag kang umasa Dan sa alam mong isang suntok sa buwan.”

Ibinalik niya ang papael sa loob ng kanyang kwaderno at saka siya lumakad na. Napailing na lang si Dan gawa ng saglit na pumasok sa kanyang isipan. Dahil malaki ang pagkakaiba ng realidad sa pantasya para sa isang taong tulad niya.

(Ipagpapatuloy…)

Author’s Note : Do give “Likes”, “Hearts” and “Comments”, if you appreciate my story.

Donation Request: Please do consider giving small donation to support my writings so that I can write more . SmartLoad or GCash lang po. MagPM lang po sana ang nagnanais na tumulong. Salamat po ng marami.

 

Facebook: https://www.facebook.com/van.themaster.12/

Copyright @ 2022 VTM_Legacy ALL RIGHTS RESERVED.

VTM_Legacy
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x