ANG KARANASAN NI BIN (Pang Walong kabanata) 3
By bullstag
Lumipas ang aking kaarawan, sa loob ng kulungang iyon ng Palawan. Walang araw na wala, sa aking tabi ang aking mahal na asawang si Clara.
Lumipas ang tatlong beses, na pag dulog sa aking kaso. Sa loob ng halos, nang tatlong buwang pag kakakulong ko sa bilangguang iyon. Naayos din ang lahat, pumayag ang mga pamilya ng dalawang pulis na napatay ko. Sa areglo, sa halagang isang milyong peso. Ang bawat isa sa kanila.
Nalinis ang aking pangalan, naging malaya uli ako at naka pag umpisa ng panibagong buhay. Bago pa man kami bumalik ng Maynila, ng aking asawa. Hinandugan nya ako ng isang maliit, na salo-salo sa kanilang mansyon. Dumating ang pamilya ni Lil, na kanyang kinakapatid. Inim-bitahan ko rin ang pamilya ni Mario, na aking kababata. Na-andoon din ang aking pamilya, at ang aking auntie Bebang. Pati na rin ang asawa nito.
Nag pasalamat akong lahat sa kanila, lalong-lalo na sa pamilya ni Clara. Sa pakiramdam ko ng mga pagkakataong iyon, ay ipinanganak akong muli. Tila baga ang daming nag mamahal sa akin, pero alam ko na iyon ay dahil sa aking asawang si Clara. Naging maka-saysayan sa aking buhay, ang kasiyahan ng gabing iyon.
Makaraan ang dalawang linggong, pamamalagi namin sa Palawan. Matapos akong makulong, umuwi na din kami ng Antipolo. Sa rest house kami nila Clara nag tuloy, hiniling nya sa kanyang ama. Na kung maaari ay doon muna kami titira, dahil wala naman talagang gumagamit ng bahay nilang iyon. Na nasa loob ng Volley Golf Country Club.
Matapos kausapin ng aking may-bahay, ang pamilya ng aming abay sa kasal. Na kanyang best friend, na si Grace. Pinag katiwalaan sya na humawak, at magpa-takbo ng bago nilang bukas na negosyo. Kasosyo daw ang pamilya ni Grace, sa bagong bukas na malaking supermarket na iyon. Na-aayon talaga sa aming mag-asawa, ang magandang pag kakataon. Nang mga panahong iyon.
Isa si Clara sa mga una, at pinaka-batang naging store manager ng Makro Cainta Supermarket. Dahil na rin sa angking galing, at talino ng aking may bahay. Isa sya sa nag develop ng sestema, nang nasabing supermaket. Hinawakan din nya, ang Scanning Department ng tindahan iyon.
Hindi ako pinayagang mag trabaho, nang aking may-bahay ng mga panahong iyon. Hatid sundo ko lang sya sa kanyang trabaho, dahil malapit lang rin naman ito sa aming tinitirahan. Sa Volley Golf, Antipolo. Ipina-enroll ako ni Clara, sa slimmers world sa may Marcos Hi-way. Para daw kahit pa-paano ay hindi ako mainip sa bahay, wala daw akong gagawin kundi magpaganda ng katawan. Sempre asikasuhin sya at alagaan.
Isang umagang pagkatapos ko syang maihatid, sa kanyang opisina sa Makro Cainta. Agad na din akong nag-tuloy sa gym, para mag insayo ng aking body building training. Hindi ako nang te-traning, nang pampalaki ng katawan. Gusto ko lang ng mga panahong iyon, maging firm at ma-define ng konti ang aking upper body. Kaya puro magagaan lang, ang aking binubuhat.
Habang kasalukuyan akong gumagawa, nang Cardio kung traning sa treadmill. Tumabi sa akin ang isang may edad na ding babae, sa tantiya ko mga nasa edad kuwarentay singko na sya. Friendly ang nasabing babae, at napaka lakas din ng dating ng itsura nito. Maganda ang kanyang tindig, hindi rin pahuhuli sa dating ng aking mommy Amalia.
“Hi!, how are you today.” Ang bati sa akin ng nasabing babae, medyo englisera sya. Kaya medyo nailang pa ako ng konti.
“Okey naman ako, salamat.” Ang sagot ko naman sa tanong nya sa akin. Sya daw si Lisa, part owner daw sya ng nasabing fitness center. Medyo matagal din kaming nag usap ni Lisa, ang pagkaka-basa ko sa kanya. Mukhang kulang din sya sa dilig, sa madaling salita.
“Mukhang malibog din ang babaeng ito.” Ang nasabi ko sa aking sarili, matatantya mo naman ang iyong kausap. Kung anong klaseng tao ito, sa mga kilos at dating nya.
“Lord ilayo mo po ako sa tukso,” “Alam kung mahina ako sa tawag ng kalibugan.” Ang tangi kung naibulong sa aking sarili. Matapos akong mag insayo ng oras na iyon, sa nasabing fitness center. Nag tuloy na din ako sa parking area, para puntahan ang dala kung sasakyan.
“Wow!,” “What a car.” “It’s a beautiful car.” Ang bati uli sa akin ni Lisa, na-andoon din pala sya ng mga sandaling iyon. Para kunin din ang dala nyang kotse. Regalo kako ng parents ng asawa ko sa kanya, ang Alfa Romeo na iyon. Luma na rin kako, kaya lang hindi lang nagagamit. Kaya bago pa itong tingnan.
Niyaya akong kumain ni Lisa, sa Bakahan At Manukan at iba pa. Katabi lang din ng Slimmers world. Masarap daw ang mga pag-kain doon, ayon sa kanya. Tumanggi ako sa alok nya, una tanging Credit lang ang dala ko. Isa pa supplementary lang ako, sa credit card ni Clara. Ayaw ko ding maging kahina-hinala sa kanya, ang mga ginagawa kung pag gastos. Dahil nga wala rin naman akong trabaho, nang mga panahong iyon. Sinabihan ko si Lisa, na sa ibang araw nalang kako kami kumain doon. Sa nasabing kainan. Naiwan ko kako ang wallet ko, ang pag iwas kung dahilan sa alok nya. Tumawa pa ito sa akin, Sagot daw nya sempre ang lahat ng gastos. Dahil sya naman daw ang nag yaya, at nag alok sa aking kumain.
Pina-unlakan ko na rin, ang kanyang pa-anyaya sa akin. Mayroon daw syang dalawang anak, hiwalay daw siya sa asawa. Ayon sa mga kuwento nya, sa akin. Masarap kausap si Lisa, malakas ang kanyang sense of humor. Sya ang tipo ng babaeng hindi mau-ubusan ng kuwento. Halos tanghali na ng mag hiwalay kaming dalawa, dumeretso na din ako sa aming tirahan sa Volley Golf sa Antipolo. Upang gawin naman ang mga gawaing bahay, dahil sa hindi na rin kami kumuha ng katulong ng aking asawa. Kaya ako na lahat ang nag aasi-kaso, para sa aming dalawa.
Pag bukas ko ng gate, nang rest house nila Clara. Nagulat pa ako, na-andoon si Sharon ng mga sandaling iyon. Ang pinsan ng aking mahal na asawa. Mag pa-practice daw sya ng Golf, kasali daw sya sa Golf Tournament ng Marco Polo.
“From now on Robin,” “Malimit na ako dito sa inyo.” Ang wika sa akin ni Sharon, three to four times daw syang mag iinsayo kada linggo ng golf.
“Walang problema Sharon,” “Sa inyo naman ang bahay na ito.” “Kahit anong oras mong gustong pumunta dito,” “Walang problema sa amin ni Clara.” Ang wika ko naman sa kanya.
“Naka-pangalan sa asawa mo ang property na ito Robin.” Ang pag papatuloy na wika, nang pinsan ni Clara sa akin. Matapos itong mag shower, nag pasama sya sa akin sa golf field. Kahit daw taga bitbit lang ng mga dala-dala nya, okey na yon para sa kanya. Babayaran daw nya ako ng limang libong piso, kada-linggo. Hanggang sa sumapit ang golf tournament nila, basta daw alalayan ko lang sya. Sa kanyang mga ensayo, Mga dalawang buwan pa daw syang mag pa-practice ng golf. Simula sa araw na iyon.
Kako walang kaso sa akin ang mga bagay na iyon, kahit kako walang bayad ay okey lang sa akin. Malakas din ang dating ni sharon. Ang totoo noong una ko syang makita, nang mga panahong tinulungan ko sila sa may Ongpin. Nang aking biyanang lalaki. Humanga na din ako sa kanyang kagandahan. Mag kaiba sila ng dating ng aking asawa, singkit sya na medyo malaki ng konti ang kanyang mga mata. Kaya siguro baliw na baliw, ang aking biyanang lalaki sa kanya. Ayon na din sa aking asawa, sunod ang luho ni Sharon sa aking biyanang lalaki. Kahit ano ang hilingin nito, ay nasusunod.
Noon ko lang nakasama si Sharon, nang kaming dalawa lang talaga. Masarap din syang kasama at kausap. Kuwela rin sya na parang ang hipag kung si Carla.
Itutuloy…maraming salamat sa pag subaybay…God bless you all.
- ANG KARANASAN NI BIN (Huling Kabanata) 2 - November 23, 2024
- ANG KARANASAN NI BIN (Huling Kabanata) 1 - November 15, 2024
- ANG KARANASAN NI BIN (Ika-Sampu’ng Kabanata) 5 - November 7, 2024