Written by bullstag
Halos gibain ng malalakas na pag katok, ang pintuan ng lumang bahay nila Manuel. Na aming tinutuluyan ni Clara. Nabigla pa ako ng tanungin ko kung sino ang may likha, nang mga pagkatok na iyon.
“Robin, kailangan namin ng tulong ninyo.” Ang wika ng aking tiyuhin, kasama ang kanyang dalawang mga anak na lalaki. Ang isa dito ay ina-apoy daw ng lagnat, at nanginginig din ang katawan. Doon ko na-alala ang aking naging sakit, na Malaria.
Gusto daw sana nilang umarkila ng bangka, kaya lang wala naman silang kapera-pera. Matapos nilang kausapin ang may-ari ng bangka, idiniretso namin sa pagamutan nila Manuel, ang pinsan kung may sakit. Matapos ang gamutan, at matapos kung maipa-kilala kina Manuel ang aking mga ka mag-anak. Inihatid namin sila pabalik sa nasabing isla ng Ilin Proper.
Halos isang linggo pa kami ni Clara sa San Jose, nang sunduin kami ng mga magulang ng aking kabiyak. Kasama si Col. Lubatan, na kumpare ng aking biyanang lalaki. Habang ina-ayos daw ang kaso ko, bago ako dalhin sa Palawan para doon litisin ang aking kaso. Pan-samantala daw muna akong ikukulong sa Hill Top, sa Antipolo. Dahil ang nasabing Coronel ang may hawak, nang nasabing kulungan.
Bagay na di sinang-ayunan ni Clara, kung pupuwede daw na wag na akong ikulong. Aregluhin nalang ang nasabing kaso. Matapos kung mapaliwanagan ang aking may-bahay, nakumbinsi ko din sya. Kailangan kakong dumaan sa proseso ang lahat.
Matapos ang dalawang linggong, araw-araw na pag dalaw ng aking kabiyak. Sa kulungan ng Hill Top, sa Antipolo. Inilipat ako sa Palawan Provincial Jail, habang ina-ayos ang mga dapat aregluhing mga tao. Mga pamilya ng mga pulis na napatay ko. Patay na din ang hepeng titistigo sana, sa kaso sa drogang isinangkot sa akin.
Kahit pa may espisyal na trato sa akin, sa bilangguang iyon ng Palawan. Na aking kina-kukulungan, walang araw na wala ang aking kabiyak. Sa nasabing kulungan, Upang ako ay bantayan. May mga naging kaibigan di ako sa loob ng kulungan iyon.
Isang araw na inabot ako ng bagka bagot, sa aking sarili. Naisipan kung mag pa lagay ng Tattoo, sa aking kaliwang likod na balikat. Kung saan may pilat ako doon, dahil na din sa tama ng bala sa akin. Nang gabing mapalaban ako sa mga mag nanakaw, ilang taon na din ang nakakaraan.
Ipinalagay ko ang larawan ng mukha, nang aking asawang si Clara. Nagulat pa ang aking may-bahay, nang papasukin sya ng bastunerong si Boy Negro. Sa aming selda, upang panoorin nya ang ginagawang pag lalagay ng Tattoo. Sa aking likuran ng kaliwang balikat.
Halos nasa dalawang linggo na ako, sa nasabing bilangguan. Isang araw na dumalaw sa akin si Clara, tinanong nya ako bakit daw may babaeng lumabas mula sa loob ng aming selda. Nang sabihin ko sa kanya, na puwede din sya kako kung gusto at kaya nya. Dahil nga uso din sa loob ng bilangguang iyon, ang Tabing Kumot. Kung ito ay tawagin.
Mag babayad ka ng dalawang daang peso, may naka-paikot na kumot sa isang parte ng selda. Puwede mo nang dalhin, ang iyong asawa o nobya. Doon na kayo mag yayarian. Napupunta ang kita nito sa pinaka-May hawak ng kulungan iyon. Tinanong ko ang aking asawa, kung kaya ba nya ang ganun. Natawa pa ito sa aking sinabi.
“Nagagawa nga nila,” “Para sa kanilang mahal.” “Kaya ko rin yan, honey.” Ang wika nya sa akin. Sinabihan ko syang bumili, nang malapad at makapal na kumot. Para iwan na din kako sa seldang iyon, para magamit ng iba pang bilanggo. Na nag dadala ng asawa nila sa loob, nang seldang iyon.
Matapos kung sabihin sa bastunero, nag papa-reserba ako ng araw. itinapat ko sa araw ng aking kaarawan, kina-usap ko din ang bilanggo kung kasama na mahilig kumanta sa aming selda. Para kako hindi mailang ang aking asawa, sasabayan nya ng pag kanta at gitara. Habang kami ay nasa loob ng nasabing kumot na naka-ikot sa isang parte ng selda.
Ilang araw pa bago ang aking kaarawan, Nagulat ako ng tang-haling iyon. Dahil imbis na si Clara ang dumalaw sa akin, ito ay walang iba kundi si Carla. Pumunta daw ng Roxas ang ate nya, kaya daw nag karoon sya ng pagkakataong pumunta doon. At nang makapag-usap kami.
“Na mis kita ng sobra Robin,” “Ang tagal mong hindi nag paramdam sa akin.” “Nag kita tayo, kasal kana sa ate ko.” “Mahal pa rin kita,” “Pero tanggap ko na, na hindi tayo para sa isat-isa.” Ang pag papatuloy na wika nya sa akin, habang naka-upo kami sa lugar ng dalaw sa mga bilanggong na-andoon. Nang nasabing bilangguan. Humingi ako ng tawad kay Carla, ayaw ko kakong saktan sya. Minahal ko din sya kako, kahit pa sa maiksing panahon.
Yumakap sa akin ang aking hipag, habang tumutulo ang kanyang mga hula sa kanyang mga mata. Hindi ko ina-asahang aabutan kami ni Clara sa ganung pag kakataon.
Itutuloy….Maraming salamat sa pag subaybay….God bless you all.
- ANG KARANASAN NI BIN (Huling Kabanata) 2 - November 23, 2024
- ANG KARANASAN NI BIN (Huling Kabanata) 1 - November 15, 2024
- ANG KARANASAN NI BIN (Ika-Sampu’ng Kabanata) 5 - November 7, 2024