ANG KARANASAN NI BIN (Ika-Sampu’ng Kabanata) 2
By bullstag
Hindi napansin ni Sharon, ang pag dating ng Taxi. ‘Laking gulat ko nang aking mapag-sino, ang lulan nito.
“Daddy ikaw pala yan.” “Bakit kayo naka-taxi?.” Ang tanong ko sa aking biyanang lalaki. Ang lulan ng papaalis ng sasakyan.
“Bakit hindi mo ako tinawagan, uncle?.” Ang mahinang tanong sa kanya ni Sharon. Matapos nyang sabihin na platan sya ng gulong, nang kanyang sasakyan. Sa labas lang ng Valley Golf, na aming tinitirahan.
“Robin gusto kitang maka-usap ng masinsinan.” Ang wika ng biyanan kung lalaki, medyo may kalakasan ang kanyang boses. Matapos maipasok na muli ni Sharon, ang kanyang sasakyan sa aming garahe. Habang naka-upo kami sa upuan ng mesa, nasa garden ng rest house.
“Nabasa kung lahat ang Diary ng aking asawa” “Noong nakaraang linggo’ng nasa Palawan ako.” Ang pag papatuloy ng aking biyanan, habang nakatingin lang ako sa galit na itsura ng kanyang mukha. Halos nahuhulaan ko na, ang mga susunod nyang sasabihin.
“Binigyan kita ng magandang trabaho, Robin!.” “Ipinagkatiwala ko sayo ang aking mag-iina!.”
“Pumayag akong maibilang ka sa aking pamilya!” “Noong mga oras na ginusto ka ng aking anak!.” Ang wika nya sa akin, mahina ngunit madiing mga salita.
“Nag pakasal kayo ng hilim ni Clara” “Kahit labag ito sa aming lahi.” “Wala kang narinig sa akin.”
“Dahil alam kung mahal na mahal ka ng aking anak!.” “Ngayon alam ko na ang dahilan, kung bakit ayaw papigil ng aking anak na pumunta ng America!.”
“Bibigyan kita ng Limang Milyong Peso!” “Iwanan mo ang aking anak!.” Nabigla ako sa mga sinabi sa akin ng ama ni Clara. Alam kung alam na nya ang lahat ng mga nangyari.
“Hindi ka nabibilang sa aking pamilya, Robin!.” “Isa kang Ahas!.” Ang pasigaw na turan sa akin ng aking biyanan.
“Uncle, calm down.” Ang alo ni Sharon sa kanyang tiyuhin, kasabay ng pag lapit nya dito.
“Pati ba ikaw inasawa na rin ng Ahas na ito?!!!…” Ang malakas na pagkaka-wika nya kay Sharon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Liit na liit ako sa aking sarili, nang mga sandaling iyon. Alam kung wala akong puwedeng sabihin, kundi ang mag pakumbaba sa aking kausap. Ang kanyang mga sinabi, ay pawang katotohanang lahat.
“Closed lang kami ni Robin uncle” “Hindi kita maintindihan sa mga pinag-sasabi mo.” Ang mahinang wika sa kanya, nang pinsan ng aking asawa. Hinimas-himas nya, ang likod nito. Alam kung walang alam si Sharon sa sekreto, na ako ang may gawa.
Tikom ang mga palad ng ama ni Clara, habang nakatitig sa akin. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Hiyang-hiya ako, sa aking biyanan. Kumuha sya ng Cheke, sa kanyang clutch bag na dala. Matapos nyang sulatan at mapirmahan, ini-abot nya ito sa akin. Nakita ko ang halagang, Limang Milyong Peso.
“Mahal ko si Clara daddy” “Walang katapat na halaga ang pag mamahal ko sa kanya.”
“Ang mga nangyari noon ay tapos na” “Ayaw ko nang balikan pa ito sa aking mga alaala.”
Ang mga salitang binitawan ko sa aking biyanang lalaki, na may kahinahunan.
“Huwag ka nang mag panggap Robin!!!…” “Isa kang Ahas!!!…” “Lumayas ka dito sa pamamahay ko!!!…” “Ngayon din!!!…”
Ang galit na galit na sigaw ng ama ni Clara, sa akin. Halos sugurin ako nito, sa sobrang yamot. Pinigilan lang sya ni Sharon.
Natigil na pansumandali ang aming usapan. Bumukas ang maliit na daanang pantao, sa malaking gate ng rest house.
“Hello guys!” Ang bati ni Clara sa amin, lumapit sya sa akin at akoy hinalikan sa labi.
“Kanina pa ako tawag ng tawag sa phone” “Ano ba ang nangyayari dito honey?.”
“Dad, pulang pula ka” “Okey ka lang ba?.” “Ate Sharon, What’s going on, here?.” Ang mga sunod-sunod na tanong nya, sa amin.
Dinampot ni Clara ang chekeng inilapag ko, sa ibabaw ng mesa sa hardin. Matapos matingnan, tumingin sya sa aming tatlo.
“Dad, anong ibig sabihin ng cheke na ito?.” Ang mahinang tanong ng aking mahal na maybahay, sa kanyang ama.
“Para saan ang halagang ito?” “Bakit naka-pangalan sa aking asawa?.” Ang naguguluhang mga tanong ni Clara, sa kanyang ama.
“Ate Sharon, ano ba talaga ang nang yayari dito?.” Ang mahinang tanong ni Clara, sa kanyang pinsan.
“Alam mo ba ang ginawang kaahasan ng lalaking ito sa ating pamilya!?…” “Bago pa kayo ikasal!.” Ang malakas na wika ng aking biyanan, sa kanyang anak na panganay.
Itutuloy….Salamat sa pag subaybay….God bless you all.
- ANG KARANASAN NI BIN (Huling Kabanata) 2 - November 23, 2024
- ANG KARANASAN NI BIN (Huling Kabanata) 1 - November 15, 2024
- ANG KARANASAN NI BIN (Ika-Sampu’ng Kabanata) 5 - November 7, 2024