Mature  

Ang Biyudo

Ang Biyudo

Written by Juano9

 

WARNING!!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong ito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mayroon mang pagkakahalintulad, ito po’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

Ang Simula:

Mula sa isang probinsya kung saan ka makalalanghap ng sariwang hangin dulot ng kalikasan. Matatagpuan ang isang lalake na nagngangalang Mang Fred, may edad 50 anyos at isang biyudo. Halos isang dekada na ang nakalilipas ng masawi ang kaniyang asawa dahil sa isang malubhang karamdaman. At dahil sa wala silang malaking pamemera ay hindi na nagawa pa ng mag-asawa na maipagamot ang karamdamang iyon. Si Mang Fred ay may kaisa-isang anak na babae na nagngangalang Francine may asawa at may isang anak. Subalit isang pangyayari ang sa kanila ay naglayo na ang siya namang dahilan niyon ay ang mismong ama na si Mang Fred. Kaya naman dahil sa ginawa nito ay nagpasya ang anak na lumayo sa ama na sa paglipas ng mga taon ay nakapag-asawa ito at nagka-anak. Hangad ni Mang Fred na mapatawad siya ng anak at muling maibalik ang noo’y kanilang samahan. Subalit sa paglayo nga ng anak ay hindi na alam ng matanda kung saan ito maaaring hagilapin. Hanggang sa mamuhay itong mag-isa, tanging pamamasada ng tricycle ang hanap-buhay ng matanda na kung minsan naman ay nakaka-ekstra ito sa pagmamaneho ng van. At ang kinikita nga lamang nito ay sapat lang sa pang-araw-araw niyang pangangailangan na kung minsan pa ay nagigipit o nawawalan ito. Dangan nga lamang ay mayroon itong nalalpitan at iyon ay ang kaniyang kumpare, kaibigan na si Mang Julio.

At isang araw nga ay nagipit ito at hindi niya rin maipasada ang kaniyang tricycle dahil sa ban ito sa araw na iyon. Nagkataon na kailangan niyang makabayad ng kuryente kung kaya’t gaya ng dati ay nilapitan nito ang kaibigan.

Mang Julio: oh pare, naligaw ka ‘ata? ano bang atin…?! (tanong nito)

Mang Fred: pare…manghihiram sana ako ulit sayo kahit pangkuryente man lang! huwag kang mag-alala, babayaran ko rin naman kapag nagkaroon na ako! (sagot nito)

Mang Julio: naku pare, pasensiya ka na.. wala ako ngayon e! (tila nanglumo naman si Mang Fred pagkadinig nito) alam mo naman na kapag meron ako hindi ka na magdadalawang salita sa kin kaya lang nai-down na kasi namin ni misis doon sa lupang balak naming bilhin! pero sige tingnan ko kung meron yung inaanak mo…

At pagdakay tinawag nito ang anak nitong dalaga na si Katrina na isang guro sa isang pampublikong eskuwelahan. At sa tawag na iyon ni Mang Julio ay lumabas naman buhat sa kaniyang kuwarto ang dalaga. Nakasando ito at short nang lumabas at lumapit sa magkaibigan.

Katrina: Pa bakit ho…? (agad na tanong nito)

Mang Julio: meron ka bang pera dyan? ito kasing ninong mo nanghihiram sa akin kaso wala ako ngayon kaya baka meron ka dyan pahiramin mo na muna!

Mang Fred: kahit pangkuryente lang sana Kat! (sabat naman nito)

Katrina: sige ho nong, sandali lang ho… (sagot naman nito sa ama-amahan)

At habang nakuha nang pera ang dalaga ay sandaling nagpaalam si Mang Julio sa kaibigan at naiwang mag-isang nakaupo sa sofa ang matanda. At ilang saglit pa ay muling lumabas nang silid si Katrina at naupo ito sa tabi ni Mang Fred sabay nitong iniabot ang dalawang libong piso.

Mang Fred: pasensiya ka na Katrina, huwag kang mag-alala isosoli ko rin sayo pagka nagkaroon na ako! (saad nito sa dalaga)

Katrina: ayos lang ho yan nong… oo nga o pala nong, huwag na ho pala kayong magluto ng hapunan niyo mamaya! kasi magluluto ho ako dadalhan na lang ho kita!

Mang Fred: naku iha, nakakhiya naman! pero sige kung iyan ang gusto mo!

Sadyang napakalapit ni Katrina kay Mang Fred dahil halos ito rin ang isa sa nag-alaga sa kaniya noong bata pa ito at nabubuhay pa ang kaniyang asawa. Minsan ay hinihiram pa ito ng kaniyang asawa at dinadala sa kanila kaya naman higit na napalapit ito sa mag-asawa maging sa kanilang anak ay naging malapit din ito. Kaya naman nang mabalitaan ni Katrina ang naging sitwasyon ng mag-ama ay nalungkot ito ng sobra at maging ito man ay walang nalalaman sa kinaroroonan ni Francine. Saglit pa ay dito na nagpaalam ang matanda kay Katrina na muling nagpaalala para sa hapunan. Pagdakay nagtuloy si Mang Fred sa opisina upang mabayaran na niya agad ang kaniyang bayarin sa kuryente.

Sa paglipas nang mga oras, sa tahanan ni Mang Fred habang nagliligpit ito ng ilan niyang gamit. Nadinig nito ang pagkatok sa pinto na agad naman niyang tinungo at pinagbuksan at bumungad sa kaniya ang kaniyang inaanak na si Katrina. Dala-dala nito ang niluto niyang ulam tulad ng nasabi niya sa matanda. Doon ay nagtuloy hanggang sa kusina ang dalaga at sa lamesa ay inilapag niya ang kaniyang dala.

Mang Fres: salamat nang marami Kat ha?! hayaan mo at ahm… darating din ang araw, makakabawi din ako sayo! (aniya nito)

Katrina: ano ka ba nong ayos lang ho yun… alam ko naman ho kung gaano kahirap ang sitwasyon niyo ngayon! (sagot nito) ang mabuti pa ho nong kumain na ho kayo at sasaluhan ko na ho kayo para naman ho hindi malungkot hapunan niyo! (dagdag nito)

Mang Fred: o e sige kung ayos lang sayo e..

At pagdakay agad na kumilos ang dalaga at siya na rin mismo ang naghain at naghanda ng kanilang hapunan. Masaya naman si Mang Fred kahit na sa kabila ng nagyari sa kanila ng anak ay may mga taong nanatiling nakaagapay sa kaniya at maaasahan. At isa na nga dito ang dalagang si Katrina na sa pamamagitan nito ay naiibsan kahit papaano ang kaniyang pangungulila sa kaniyang anak na si Francine.

itutuloy……….

 

Juano9
Latest posts by Juano9 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x