Written by ereimondb
Baler, Aurora
Nahihilo.
Nasusuka.
Masama na ang kanyang pakiramdam.
Agad na nagkamalay si Alo habang tila idinuduyan naman siya sa kanyang kinaruroonan.
Nakatakip ang kanyang mga mata at nakatali ang kanyang dalawang kamay at paa.
Wala siyang makita. Ang alam niya ay tanghali pa lamang, ngunit ang pakiramdam niya ay gabi na dahil sa kadiliman.
Parang walang ere siyang nararamdaman at napakliit ng kanyang hinihigaan.
Hindi niya maiunat ng diretso ang kanyang dalawang paa.
Tanging paghinga lamang niya ang kanyang nadidinig.
Ngunit nararamdaman niyang umaandar ang kotse kung saan siya isinakay.
Pinipilit niyang bumangon ng kaunti hanggang sa mauntog ito sa isang matigas na bagay.
Ngayon ay nakumpirma na niya kung nasaan siya.
Isinilid siya sa trunk ng kotse.
Doon na lamang niya ulit naramdaman ang takot at kaba, saka siya nagsimulang magsisisigaw.
Tila wala namang nakakadinig sa binata.
Napapaiyak na ito sa sobrang takot na nadarama. Hindi niya alam kung bakit siya kinuha ng mga lalaki.
Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya.
Hilung-hilo siya sa mga pangyayari.
Hanggang sa nasuka ito at naramdaman niyang tumutulo ang suka sa kanyang bandang leeg.
Sumigaw ulit si Alo habang inuumpog nito ang kanyang ulo.
Pilit na kumakawala ito sa isang maliit na lugar, madilim at halos walang hangin na parte ng sasakyan.
“Putang ina! Ang ingay!!! Mapapahamak tayo niyan eh!” “Bakit di mo pa tinapos yan pare?! Hindi naman natin kelangan yan?” “Tangina! Teka ipara mo’t babarilin ko na.” “Gago ka ba! Nasa highway tayo bobo!” “Bilisan mo na lang, malapit naman na tayo.”
Dinig na dinig naman sa loob ang magumpog ni Alo sa kanyang ulo sa trunk ng sasakyan.
Inis na inis ang mga kasamahan ni mang Ricardo dahil sa ingay nito at baka mapahamak pa sila dahil sa binata.
Samantalang naka-piring ang mga mata ni Nestor at nakatali pa rin ang mga mata nito. Tahimik lang siyang nakaupo sa bandang likuran, katabi si mang Ricardo.
Nakikiramdam siya sa kung anumang gagawin sa kanya ng mga dumampot sa kanila ni Alo.
Iniisip pa rin niya kung sino ang may kakagawan ng lahat ng ito.
Alam niyang walang kinalaman ang binata sa mga nangyayari dahil nakasilid ito sa trunk ng kotse at halos nagmamakaawa para sa kanyang buhay.
“Natawagan niyo na ba si amo?” “Oo, nasabihan ko na.” “Naandon na ba siya?” “Wala pa.” “Teka nga, bakit ka ba nangengelam? Hayaan mo na si mang Ricardo makipag-usap ke amo.” “Hehehe… Nagtatanong lang.” “Putek! Ang ingay talaga nung isa. Kumakalabog pa!” “Tangina dapat kasi tinumba mo na.” “Buti pa yang katabi mo manong tahimik lang…” “Nagdadasal na ata. Bigyan mo ng rosaryo bossing. Hahahaha!” “Kala ko ba madaldal yan…Tahimik naman pala eh…” “Ano pala plano natin diyan manong?” “Wala pang sinasabi.” “Naku manong, walang atrasan ito. Nakita na niya mukha namin.” “Basta sumunod na lang kayo. Ang sabi niya ay dalhin doon sa warehouse. At walang kikilos hangga’t hindi siya dumarating.” “Eh doon sa isa?” “Basta dalhin yung dalawa sa warehouse.” “Puta! Hindi na ata aabot sa warehouse yung isa. Tangina ang ingay ingay.” “Basta sumunod kayo. Walang kikilos hangga’t walang sinasabi sa atin.” “Oo manong. Basta ba huwag niya painitin ulo ko. Tangina nerbiyoso ako. Hehehe…” “Gagu!” “Oh! Heto na pala tayo. Iparke mo na lang diyan yan.” “Sige. Ako na bahala dito sa katabi ko. Kayo na kumuha dun sa isa.” “Okay manong.”
Agad namang ipinarke ng lalaki ang kotse.
Nang huminto na ang kanilang sinasakyan ay ibinaba ni mang Ricardo si Nestor. Tahimik naman itong sumama sa kanila at tila alam na niya ang mangyayari sa kaniya.
Samantala ang dalawang lalaki naman ay binuksan ang trunk ng kotse.
“Putang ina! Heto na yung chix mong sigaw ng sigaw… Hehehehe…”
Nagpupumiglas naman si Alo habang nakapiring at nakatali ang mga kamay. Dumudugo naman ang bandang ulunan ng binata dahil sa walang habas nitong pag-umpog sa likuran ng kotse.
“Pakawalan ninyo ako!!!! Ano bang kailangan ninyo sa akin??!!” “Puta! Tumahimik ka.” “Bigyan mo nga ng isa yan!”
Hinampas ng kanyang kasamahan ng baril si Alo at agad naman nawalan ng malay ang binata.
Akma namang babarilin na ng isang lalaki si Alo ngunit pinigilan lamang siya ng kasama nito.
“Ano pa bang hihintayin natin? Sa ingay nito mananagot tayong lahat.” “Ang sabi ni mang Ricardo, walang kikilos hangga’t hindi sinasabi ng anak niya.” “Puta! Sige na, bitbitin mo na yan.”
Binuhat at inilagay sa kanyang balikat ang binatang wala pa ring malay.
Pinaghiwalay sila ng silid habang si Nestor naman ay itinali papataas ang mga kamay habang nakatayo.
Hindi pa rin ito nagsasalita at patuloy sa pakikiramdam sa ginagawa ng mga lalaking kumuha sa kanya.
“Ayos na ba?” Tanong ni mang Ricardo. “Ayos na bossing.” “Baka pinatay niyo ha… Wala pang inuutos sa atin.” “Gusto ko na nga manong eh… Langhiya pinigilan pa ako neto.”
Nilapitan ni mang Ricardo ang lalaking ito saka kinuwelyuhan.
“Wala tayong ibang gagawin kundi ang maghintay. Hindi makakatulong kung padalusdalos tayo. At kung may problema ka dun, makakaalis ka na… Naintindihan mo?” Mahinahong saad ni mang Ricardo.
Nakatingin na lamang ang lalaki sa matanda habang pinapakinggan ang bawat sinasabi sa kanya nito.
“Maliwanag ba?” Dagdag ng ama ni Angie.
Tumango na lang ang lalaki bilang tugon sa tanong ni mang Ricardo at agad naman siyang binitiwan ng matanda.
“Sige. Bumili ka na muna ng pananghalian natin. Nagugutom na ako.” “Okay bossing.”
Napakamot na lamang ang lalaki habang naglalakad papalabas ng warehouse.
Pinili na lamang nitong makinig kay mang Ricardo, bilang respeto sa matanda.
“Hmmm… Balita?” Tanong ni Angie habang kausap ang matandang lalaki sa telepono.
Patuloy ito sa pagtatrabaho habang nasa loob ng kanyang opisina sa surfing school.
“Okay sige. Pupunta na ako diyan.” Nagmamadaling saad nito bago ibinaba ang kanyang cellphone.
Halos ayaw na sana nitong kausapin ang kanyang ama. Ito ay dahil sa tindi ng pagkakasala nito sa kaniya at sa nanay nito.
Madami ang nagbago sa kanilang buhay pagkatapos mangyari ang gabing sinugod sila ng mga sindikato.
Maya-maya ay biglang kumatok at sumilip mula sa pintuan si Hector.
“Hector? Pasok ka…”
Agad namang tumayo si Angie at sinalubong ang ama ni Alo.
Niyakap at hinalikan niya ito.
“How are you honey? Sobrang hardworking naman ng mahal ko…” Saad ni Hector.
“I just need to work hard, you know. Madami akong dapat asikasuhin dito sa school, and I don’t want to disappoint you.” “But you don’t have to over work. Tara let’s go out and have lunch.” “Hmmm…” “Come on! Huwag mong sabihin sa akin you also skip meals?” “It’s not that… Madami kasi akong gagawin ehhh…”
Bumitiw naman sa pagkakayakap si Hector sa kanyang girlfriend.
“That’s not cool, Angie… Not cool.”
Hindi naman alam ng magandang babae ang kanyang gagawin dahil mayroon pa siyang dapat puntahan.
“Not now… Please?” “Gusto lang kitang makasama habang nagtatanghalian.” “I’ve got so many things to do and attend to…” “Like what?” “Heto… Papers… Madami akong papeles na kailangang asikasuhin. I also have meetings to attend to.”
Nag-iba naman ang mukha ni Hector. Nalungkot ito dahil tila walang oras sa kanya si Angie. Agad din namang napuna ng magandang babae ang itsura ng kanyang boyfriend.
“Okay, I will try to finish this within an hour. Tapos kain na tayo ng lunch. Would that be okay?”
Ngumiti naman si Hector at muling inakbayan si Angie.
“Okay na yun. Okay sa akin. I will just wait here.” “Sige. Tatapusin ko na lang ito agad.” “Okay. By the way, have you seen Alwyn?”
Umiling naman si Angie bilang tugon sa kanyang boyfriend.
“No. I haven’t seen him. Why?” “Ahh… Kasi hindi daw siya pumasok sa hotel. Wala din siya sa penthouse.” “Hmmm… Have you tried looking for him sa beach?” “Hindi pa.” “Hindi naman siya dumaan dito sa school. But, that I don’t know and not sure…” “Hmmm… Gusto ko lang kasi ipaconfirm sa kanya yung meeting this coming Wednesday sa stockholders natin.” “Ahh ganun ba… Do you want me to call his cellphone for you?” “Hindi na, ako na lang ang tatawag sa kanya. Ayoko nang abalahin ka pa.”
“Okay… I love you darling…” Saad ni Angie sabay ngiti nito kay Hector.
“I love you too…” Sagot naman ng ama ni Alo.
Maya-maya ay kinuha na nito ang kanyang cellphone at idinial ang numero ni Alo.
Patuloy lang ito sa pagriring at walang sumasagot.
Samantala, nagising naman ang binata nang marinig ang kanyang ringing tone.
Tila nagkaroon siya ng pag-asang humingi ng tulong. Pilit nitong inaabot mula sa kanyang kaliwang kamay ang cellphone na nasa bula ng pantalon.
Hanggang sa pumasok si mang Ricardo sa silid dahil sa naririnig nitong pagriring ng cellphone ng binata.
“Huwag!!!! Tulong!!!!!! Tulong!!!!!!” Patuloy sa pagsigaw si Alo habang kinakapa ng ama ni Angie ang cellphone sa pantaloon nito.
Nang makuha na ni mang Ricardo ang cellphone ay agad niya itong pinatay at inilagay sa kanyang bulsa.
Tinawag niya ang isang kasamang lalaki at sinenyasan niya ito upang kumuha ng ipangbubusal kay Alo.
“Anong kailangan niyo sa akin!!!!!!!!! Pakawalan ninyo ako!!!! Maawa na kayo sa akin!!!!” Malakas na saad ni Alo.
Naramdaman na lang nito na may inilalagay sa kanyang bibig.
Pinakagat sa kanya ang panyo saka ito itinali, upang maibsan ang ingay na nalilika sa pagsigaw ni Alo.
Lumabas na ng silid si mang Ricardo at siniguradong nakakandado ang pintuan kung saan naroroon ang anak ni Hector.
“Walang sumasagot… Saan nanaman nagpunta ang batang ito?!” Saad ng ama ni Alo sabay tingin kay Angie.
“The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”
“The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”
Ito lamang ang naririnig ni Andrea sa kanyang cellphone nang sinubukang tawagan si Alo. Gusto niya kasing kamustahin kung nagawa na nito ang kailangan niyang tapusin.
Ito kasi ang magiging hudyat na maisasagawa na nila ang kung anumang mapaplano laban kay Don Manuel. Ang pinakahihintay ni Andrea, ang makawala sa puder ng halimaw na asawa.
Dahil hindi nito makontak ang binata ay ibinaba na lamang niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng tukador.
Kinuha nito ang kanyang suklay at marahan nitong sinuklayan ang kanyang maikling buhok.
Tinitignan niya ang kanyang sarili habang nagsusuklay. Tila marami nang nagbago sa kanyang pagkatao, mula nang ibenta niya ang kanyang sarili kay Don Manuel.
Wala itong ibang inisip at hinangad, kundi ang ikabubuti ng kanyang anak-anakan na si Nikki. Ginawa niya ang lahat ng pagsasakripisyo para lamang sa magandang dalaga.
Hindi naman niya iiwan si Don Manuel kung hindi lang siya naging mapanakit at mapangsumbat na kabiyak. At dahil alam din niyang hindi sila hahayaang umalis ng asawa ng basta-basta, kung kaya’t kinagat na rin niya ang alok sa kanya ni Alwyn.
“Sobrang sakit ng ulo ko. Naparami ata ako ng inom kagabi.” Saad ni Don Manuel at agad humilata sa kama.
Nakatingin lamang sa kanya si Andrea at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagsusuklay.
“Puwede mo bang masahehin ang ulo ko? Sobrang sakit kasi.” Tanong at pakiusap ng ninong ni Alo.
Ayaw sanang gawin ni Andrea ang inuutos ay pinilt na lamang ang kanyang sariling sumunod.
Naalala kasi nito ang sinabi ni Alo na makisama na lang muna siya kay Don Manuel at huwag ito gumawa ng kahit anong hakbang na maaaring ikagalit ng matanda.
Hinubad ni Andrea ang suot na bathrobe at itinira ang napakaseksing kasuotan – naka puting sando at maikling puting shorts.
Agad naman napatingin si Don Manuel sa magandang katawan ni Andrea. Ngumiti siya habang hinihilot ang kanyang sarili.
Ngumiti rin si Andrea sa kanyang asawa at sumampa na ito sa malambot na kama.
Nilagyan niya ng lotion ang kanyang kamay bago nito hinilot at minasahe ang ulunan ni Don Manuel.
“Oooooohhhh…” Sarap na sarap na ungol ng matanda.
Kahit diring-diri si Andrea sa kanyang ginagawa ay hindi niya ito pinapahalata. Sa halip ay lalo pa nitong ginagalingan, at pagkuwa’y ikinikiskis pa nito ang kanyang suso sa badang braso ni Don Manuel.
“Natutuwa ako Andrea sa pagsang-ayon mong manatili muna tayo ng isa pang linggo dito sa hotel.” “Siyempre naman… Ngayon pa’t nag-eenjoy na talaga ako dito…” “Mabuti naman…” “Tsaka, mayroon pa kayong business meetings hindi ba?” “Oo. Isa pa yun.” “Kaya susuportahan na lang kita.”
Tila nagtaka naman si Don Manuel sa kakaibang ikinikilos ng kanyang asawa.
Dati-rati kasi’y lagi na lamang siyang sinusuway at kinokontra nito.
Ngayon naman ay mas naging malumanay na si Andrea at agad na sumasang-ayon sa lahat ng kanyang kagustuhan.
Pansamantala na lamang niyang iwinaksi sa kanyang isipan ang anumang pagdududa dahil gusto muna niyang ienjoy ang ginagawa sa kanya ng babae.
Naisip rin niyang baka nalilibugan lang ang kanyang asawa kaya’t maganda ang pakikitungo sa kanya nito.
Maya-maya ay unti-unti na nitong inilalapit ang dalawang kamay sa bandang baywang ng babae.
Pipigilan sana siya ni Andrea, ngunit mas pinilit muli nitong tiisin ang gagawin sa kanya ni Don Manuel.
Hinaplos na lamang ng magandang babae ang braso pababa sa kamay ng matandang lalaki.
Dahan-dahang inilapit ni Don Manuel ang kanyang mga labi sa napakalambot na bibig ni Andrea.
Sinusubukan niya kung papalag ba sa kanyang ginagawa ang kanyang asawa.
Ngunit agad na sinalubong ni Andrea ang ginawang paghalik sa kanya ng matandang asawa. Lumaban ito sa pakikipaghalikan at pumatong sa katawan ni Don Manuel.
Sinapo ng matandang lalaki ang makinis at maputing binti ni Andrea at hindi kumakawala sa pakikipaghalikan dito.
Namumuo na ang pagdududa sa ginagawa at kinikilos sa kanya ng asawa, ngunit hinahayaan na lamang niya ito dahil sa tindi ng libog at sarap na nararamdaman para kay Andrea.
Agad niyang hinubad ang suot na sando ng babae at nilamutak ang malulusog na suso nito.
Kagat-labing tinitiis ng magandang babae ang pagpapakasasa ng halimaw sa kanyang katawan.
Alam niyang balang araw ay hindi na siya nito matitikman. Hinding hindi na siya bababuyin ni Don Manuel.
Kung kaya’t nagpatuloy na lamang ito sa pagpapanggap hanggang sa tumirik ang mga mata ng matandang asawa.
Makalipas ang ilang mga oras, ay nagpasya na maghintay sa labas si mang Ricardo.
Sinindihan ang kanyang yosi at umupo sa may bakal na nakausli malapit sa gate ng warehouse.
Panay ang tingin nito sa kanyang orasan. Ang sinabi kasi sa kanya ni Angie ay paparating na ito sa kanilang kinaruroonan.
Patuloy ito sa paghithit-buga sa sinindihang sigarilyo. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala kung bakit tumagal ng ganoon si Angie sa kanyang biyahe patungo sa warehouse.
Maya-maya ay bumalik sa kanyang gunita ang ginawang pagpapaampon sa kanilang nag-iisang anak.
Dahil sa sobrang naging mapanganib ang kanilang buhay, ay halos hindi na nakakapag-aral si Angela. Hindi na naging normal ang kanilang pamumuhay, at namuhay na sila sa takot at pagkabahala.
Madalas na silang nag-aaway ni aling Gloria at halos buwan-buwan na itong nagkakasakit. Lagi nilang iniisip ang kinabukasan at kapakanan ni Angie.
Gusto niya sanang iwan ang kanyang mag-ina, ngunit mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal niya para sa kanyang pamilya.
Ngunit dumating ang isang araw na kailangan na niyang magpasiya para sa kaniyang pamilya. Ang isa sa pinakamapait na pangyayari sa kanyang buhay – na tila ay kahapon lamang itong naganap.
“Angela, makinig ka kay tatay. Kailangan mo nang sumama sa kapatid ko, sa tita Cecile mo. Mas ligtas ka doon. Makakapag-aral ka pa. Kailangan mong lumayo sa magulo naming buhay.”
Umiyak ng umiyak si Angie habang pilit na ineempake ni mang Ricardo ang lahat ng kanyang mga gamit at damit sa isang maleta. Ipinasama niya ang kanyang anak sa nagiisa niyang kapatid.
Si Cecile na ang nagpalaki kay Angela, at sinigurado nitong mabibigyan ng tamang pangangalaga at magandang kinabukasan.
Pikit matang ipinamigay nina mang Ricardo at aling Gloria si Angela. Mas nanaisin nilang mailayo ang anak nila sa kapahamakan, kaysa kasama nila ito ng walang kinabukasan.
Lumipas ang panahon at tila dinamdam ng butihing asawa ni mang Ricardo ang lahat ng nangyari sa kanilang pamilya. Isang araw ay bigla na lamang itong hindi makausap at nakatulala sa kanilang silid. Higit na naghinagpis si mang Ricardo habang nakikitang nasa kaawa-awang kalagayan si alin Gloria.
Minabuti niya itong dalhin sa isang pagamutan, at bumalik si mang Ricardo sa masalimuot niyang trabaho. Kinukuha siya ng mga sindikato upang pumatay ng tao. Hindi na niya inalintana ang panganib na dala nito sa kanyang buhay at sa buhay ng pamilya niya. Alam niyang unti-unting nawala ang mga mahal niya sa buhay. At kahit ano pang pagbabago ang gawin ni mang Ricardo, ay hindi na niya matatalikuran ang pangit na nakaraan.
Patuloy siya sa pagtatrabaho, at patuloy rin siyang nag-ipon ng pera. Hindi man niya alam kung para saan at para kanino, ay patuloy pa rin siyang naghuhulog sa isang bank account.
Hanggang dumating ang isang masamang balita. Nagpakamatay si aling Gloria habang nasa isang mental institution. Hindi na nagdamdam si mang Ricardo sa nangyari sa kanyang asawa at tila mas ginusto na niya ito upang tuluyan nang makalaya sa isang pangit na buhay ang kanyang butihing asawa.
Ang tanging nasa isipan na lamang niya ay si Angela. Ibinabalita ng kanyang kapatid ang bawat mahahalagang pangyayaring nagaganap sa magandang anak nito. Ngunit ang galit sa puso ni Angela, lalo na sa kanyang ama, ay hindi nawala. Ang taong matagal niyang hinintay at tiningala, ay siya pa mismong taong nagpalayo ng kanyang loob.
Lingid sa kaalaman ni mang Ricardo ay pinahanap ni Angela kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang. Napag-alaman din niya ang mapait na dinanas ng kanyang ina, na siya namang lalong nagpaalab ng galit para sa kanyang ama.
Nakipagkita si Angela sa kanyang ama bago ito lumipad patungo sa Australia. Gusto niyang makapag-isip at isarado ang isang yugto sa kanyang buhay. Tuwang-tuwa naman si mang Ricardo dahil sa wakas ay makakasama na rin niya si Angie kahit sandali lamang. Inalam at inobserbahan ng magandang babae ang trabaho ni mang Ricardo at kung paano ang kalakalan dito. Ngayon ay mas naiintindihan na ni Angela ang dahilan kung bakit noong isang gabi, bisperas ng Pasko, ay bigla na lamang niratrat ng mga bala ang kanilang bahay. Naintindihan na rin niya ang kapahamakang dulot ng ginagawa ng kanyang ama. Alam na rin niya ang dahilan ng pagkabaliw at pagkamatay ng kanyang ina. Binigyan niya ng pagkakataon ang kanyang ama, maging ang kanyang sarili, upang maunawaan ang desisyon ito ni mang Ricardo. Ngunit wala itong nahanap na dahilan upang manatili sa piling ng kanyang ama.
Nagkaunawaan na silang mananatiling magulang ni Angela ang mga taong kumupkop sa kanya. Hindi na niyang ituturing na ama si mang Ricardo.
Mangiyak-ngiyak naman si mang Ricardo habang pumapayag siya sa desisyon ni Angela. Ngunit ipinangako nito sa dalaga na tutulungan niya pa rin ito sa oras na mangangailangan siya. Basta’t sabihin lamang nito ang katagang “Black Rose” at alam na nitong si Angela na ang kanyang kausap.
Hanggang sa umalis na si Angie ng Pilipinas upang manirahan at magtrabaho sa Australia. Hindi na ito nagparamdam sa kanyang ama.
Ngunit ngayon…
Sa haba ng panahong hindi sila nagkausap at nagkita ni Angela, hindi akalain ni mang Ricardo na may ipapatrabaho sa kanila ang kanyang anak.
Hindi lubos maisip na binalikan ni Angela ang kanyang mapait na nakaraan.
Ayaw na ring magtanong pa ni mang Ricardo. Ang tanging mahalaga para sa kanya ay ang makasama muli ang nawalay na anak.
Tila mauuubos ni mang Ricardo ang isang pakete ng sigarilyo habang naghihintay sa kanyang anak. Halos mag-aalasingko y media na ng hapon dumating sa warehouse si Angela.
Nagmamadali itong naglakad kasama ni mang Ricardo at agad dumiretso sa kinaruroonan ni Nestor.
Hindi ito umiimik at nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa lalaking nakatali at nakapiring ang mga mata.
Patuloy pa ring pinakikiramdaman ni Nestor ang nangyayari sa kanyang paligid. Alam niyang may dumating na tao dahil sa tunog ng sapatos nito. Naaamoy rin niya ang pabango ng babae, at tila nagkakaroon na siya ng ideya kung sino ang nagpadakip sa kanya. Nanatili siyang tahimik at tikom ang bibig. Alam niyang sinisiyasat siya ng bagong dating na bisita.
Maya-maya ay sinenyasan ni mang Ricardo ang kasama nilang dalawang lalaki upang sumunod sa pupuntahang kuwarto ni Angela.
Agad isinarado ang pintuan, upang makapagplano sila sa kung anong gagawin sa kanialng bihag.
“Ano nang gagawin namin?” Tanong ni mang Ricardo.
Tinanggal naman ni Angie ang suot na shades at halatang ninenerbyos ang magandang babae. Panay ang paroo’t parito ng babae, sabay hawak sa kanyang bandang batok.
“Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin. I am not a killer.” Sagot nito.
“Kami ang gagawa ma’am, huwag kayong mag-alala.” Saad ng isang lalaki na nakangisi.
“Ang gusto ko lang gawin ay takutin siya.”
“Ano bang ginawa sayo ng mokong na yan? Rapist ba siya? Manyak? Gusto ko lang malaman mo anak na hindi kami pumapatay ng inosenteng tao.” Saad ni mang Ricardo.
“Woah! Really? So, dapat pa kaming magpasalamat sa inyo? And also, stop calling me “anak”. May usapan na tayo tungkol diyan.” Galit na saad ni Angela.
Natahimik naman ang lahat nang magtaas na ng boses ang magandang babae.
“Ano ngang ginawa niya sa iyo? Para malaman namin ang susunod na hakbang.” “Gusto lang siya patahimikin ng boss namin.” Sagot ni Angela.
“Boss niyo? Ibig sabihin, wala siyang atraso sa iyo? Tsaka bakit mo kailangang dumihan ang kamay mo para sa boss mo?” Saad ni mang Ricardo.
“Basta! Kailangan ko lang gawin. Malaki siyang threat sa hotel. Gumagawa siya ng mga video scandal ng mga guest namin. Pati video scandal ng anak ng boss ko. Ganun! Ganun lang.”
“Hmmmm…”
“Basta! Gusto ko lang siya takutin. Palayuin. Nakakuha na sa amin iyan ng malaking halaga, at naglakas loob na manakot at humingi ng mas marami pang pera. Basta ganun!” Dagdag ni Angela.
“Hindi na puwede yang sinasabi mong takutin lang ang lalaking yan. Nakita na niya mga mukha namin.” Sagot ng isang lalaki.
“Oo nga boss. Kakanta yan. Marunong manakot at mangikil, malamang gagawin at gagawin niya rin yan sa iba.”
“Itutumba ko na yan.”
“No! Ang sabi ko takutin lang siya.” Utos ni Angela.
“Dapat sinabi po ninyo noong una pa lang, para nakapaghanda kami at nakapag-isip ng paraan.” Saad ng isang lalaki.
“Kasalanan ko bang hindi kayo nagtakip ng mukha? Kasalanan ko bang hindi kayo propesyunal?” Tanong ni Angela.
Hindi naman nakasagot ang dalawang lalaki. Alam nilang tama ang sinabi ng babae dahil agad silang sumugod sa kinaroroonan ni Nestor.
“Sige, sige. Kami na bahala dito Angela. Pinapangako kong hindi na kayo gagambalain ng lalaking ito.” Saad ni mang Ricardo.
Napakamot na lang sa kanilang ulo ang dalawang lalaki.
“Huwag patayin. Iyon ang utos ko. Huwag papatayin. Malinaw ba?” Muling saad ni Angie.
“Malinaw. Kami na ang bahala dito.” Mahinahong sagot ni mang Ricardo. “Eh papaano yung isa?” “Anong isa?” “May kasama po yan nung dinakip namin. Nakita na rin niya mukha ko kaya nagpasya akong bitbitin dito.”
Napakusot sa kanyang mukha si Angela nang maalalang may isa pa pala silang problema.
“Itumba ko na lang madam.” Saad ng isang lalaki saka ikinasa ang baril.
“Sino ba yang kasama niya. Nasaan siya?”
“Nandoon sa kabilang silid.”
“Saan doon?” Tanong ni Angela.
Agad naman nilang pinuntahan ang isa pang silid, kung saan naroroon ang isa pang lalaking nakapiring ang mga mata, nakabusal ang bibig at nakatali ang paa at kamay.
Nagulat naman ang lalaking ito nang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at bahagya nitong iniangat ang kanyang ulo at katawan.
Naglakad papasok ng silid si Angie.
Laking gulat nito nang makilala niya ang isa pang lalaking kanilang nabihag.
Halos mapasigaw ito sa sobrang pagkabigla at agad tumakbo sa labas ng silid.
Nagulat naman ang tatlo sa naging reaksiyon ni Angela.
Pinuntahan nila ang babae na agad bumalik sa unang silid na kanilang pinasukan.
“fall! fall! fall!!!!” Saad ng magandang babae.
“Anong nangyari? Kilala mo ba yun?” Tanong ni mang Ricardo.
“Oo. Kilalang-kilala.” Sagot ni Angie.
Panay ang hampas ng babae sa lamesang nasa harapan sa sobrang tensyon na nadarama.
“Sino yun? Anong koneksyon mo sa lalaking yun?” “Siya lang naman po ang anak ng boss ko.” “Aaaaaaahhhhh…” Sabay na saad ng dalawang lalaki.
Nagtawanan ang mga ito dahil sa sinabi ni Angela.
“Putang ina tumigil kayong dalawa kung ayaw ninyong pasabugin ko mga bungo ninyo.” Saad ni mang Ricardo sa dalawa.
Nanginginig naman si Angela sa kanyang nakita. Kanina lamang ay hinahanap sa kanya ni Hector ang anak at tinatawagan pa. Iyon pala’y nakagapos ito sa isang silid at tila naghihintay ng kanyang bitay.
“We can’t do this. We can’t do this.” Saad ni Angela sa tatlong kasama. Nagtitinginan na lamang ang mga lalaki nang marinig ito sa magandang babae.
“Sorry Angela, hindi na tayo puwedeng umurong. Mapapahamak kaming tatlo kung pakakawalan namin ang mga bihag.”
“Oo madam. Hindi kami ganyan trumabaho. At wala nang bawian.”
Gulong-gulo si Angela sa kung anong dapat niyang gawin.
Hindi niya puwedeng ipapatay si Nestor. Gusto lamang nitong takutin ang lalaki sa kanyang ginagawang pangbablackmail sa kanila.
At lalong hindi niya puwedeng ipapatay si Alo, ang anak ng kanyang kinakasamang si Hector.
“Kami na po bahala sa dalawa. Itutumba na po namin silang dalawa.” Muling mungkahi ng isang lalaki.
“Lumabas nga muna kayong dalawa. Kami muna mag-uusap.” Saad ni mang Ricardo.
“At please… Wala kayong papatayin hangga’t wala kaming sinasabi sa inyo. Maliwanag?”
Kumamot muna sa kanilang ulo ang dalawa bago ito tumango sa kanilang amo.
Lumabas sila ng silid at pinuntahan ang dalawang bihag upang bantayan.
“Maupo ka muna Angela.”
“Hindi ko ito puwedeng ituloy…. Hindi talaga puwede…. Ayoko na gawin…” Pagsusumamo ni Angela sa kanyang ama.
“Naiintindihan kita… Pero Angela, nakumpromiso na ang mga tauhan ko. Kaya kailangang ituloy.”
“Hindi po talaga puwede…. Hindi puwede…” Muling saad ni Angie.
Nakita naman ni mang Ricardo na tila napapaiyak na ang kanyang anak.
“Ano ba talaga itong nangyayari, Angela?” Tanong ng kanyang ama.
Sandaling hindi nagsalita si Angie. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanyang ama ang lahat.
“Paano ko mauunawaan ang sitwasyon mo kung hindi mo sasabihin sa akin.” Dagdag ni mang Ricardo.
Pinunasan ni Angela ang kanyang mga luha at tumingin ito sa kanyang ama.
“Sila na ang bago kong pamilya…” Maikling saad ng magandang babae.
Napalunok naman si mang Ricardo at tila nahuhulaan na niya ang sasabihin ng kanyang anak.
“Yung boss ko… Siya yung kinakasama ko ngayon. Mahal na mahal ko siya at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya… At dahil mahal ko siya, mahal ko rin ang pamilya niya… Nag-iisang anak niya lang yun, at mahalaga siya para sa kanya…” Dugtong ni Angela habang patuloy ito sa pag-iyak.
Tahimik lamang nakikinig si mang Ricardo. Ngayon lang niya nakausap ng ganito si Angela. Ngayon lang binuksan ng kanyang anak ang nilalaman ng kanyang puso.
“I can’t do it… Hindi puwede… Hindi puwede…” Muling pagsusumamo ni Angie.
Hinawakan ni mang Ricardo ang kamay ng kanyang anak.
“Huwag ka nang umiyak… Naiintindihan kita, anak…”
Agad namang inilayo ng magandang babae ang kanyang mga kamay mula kay mang Ricardo, saka nito pinunasan muli ang kanyang luha.
“Naiintindihan kita, anak… Naiintindihan kita…”
Saglit na tumahimik ang paligid habang nag-iisip ng plano si mang Ricardo. Ayaw niyang nakikita si Angela na lumuluha, at muling mawawala sa kanya ang mga taong minamahal niya.
“Gusto ko lang malaman mo, Angela, na ganyan din ako noon. Ginawa ko ang lahat para sa mga taong mahal ko, kahit alam kong mali. Sinubukan kong tumalikod, pero nakita ko ang sarili kong hinahabol ng aking nakaraan. Wala na itong urungan. Wala nang ibang magagawa kundi lunukin at tanggapin ang mapait na katotohanan. Ngunit ngayon… Nalulungkot ako habang nakikita kang naroroon sa sitwasyong kinasadlakan ko. At hindi ko hahayaang manatili ka kung saan ako nadapa at hindi na nakabangon pa.”
Hindi naman makatingin si Angela sa kanyang ama. Nararamdaman niya ang sinasabi ni mang Ricardo at ang mga pagsisisi nito sa mga maling desisyong nagawa sa nakaraan.
Ngayon lang din niya nakausap ng masinsinan ang kanyang ama.
“Wala na tayong magagawa, kundi gawin ang dapat at matagal nang nangyari sa akin.”
Biglang kinabahan si Angela nang marinig ito mula sa kanyang ama. Hindi niya masyadong maunawaan ang nais ni mang Ricardo.
Maya-maya ay tumayo ito at iniabot ang cellphone ni Alo.
“Kailangan ko na itong gawin Angela. Ito lang ang naiisip kong paraan at handa na ako.” Maikli at makahulugang saad ni mang Ricardo.
Naglakad papalabas ang matandang lalaki habang ito ay nakayuko.
Kinuha nito ang kanyang cellphone na nasa bulsa at tila mayroong kinausap sa kabilang linya.
Hindi naman mapigilan ni Angela na mapaluha habang iniisip ang nais gawin ng kanyang ama. Hinawakan niya ang cellphone ni Alo at binuksan ito.
Makaraan ang ilang minuto ay pumunta si Angie sa silid na kinaruroonan ng binata.
Kitang-kita niya na hirap na hirap si Alo sa kanyang kalagayan. Hindi rin ito makapagsalita dahil sa panyo na nakabusal sa kanyang bibig.
Inilapag niya ang cellphone ng binata sa sahig, saka nito itinulak patungo sa direksyon ni Alo.
Umiiyak si Angela habang naglalakad papalabas ng warehouse.
Nakita niya si mang Ricardo na kinakausap ang dalawang lalaki.
Kitang-kita naman ang pagkadismaya ng mga ito sa ipinapaliwanag ng matandang lalaki sa kanilang dalawa.
Tila hindi kaya ni Angela ang maglakad papalayo sa warehouse o kahit humakbang manlang patungo sa kanyang kotse. Gusto niyang bumalik sa loob ng warehouse. Gusto niyang bawiin ang lahat ng kanyang sinabi, ngunit tulad ng kanyang ama, ay wala nang pagkakataon pang umatras at bumalik para itama ang mga pagkakamali. Panahon na upang harapin ang mapait na katotohanan at kinalabasan ng mga maling desisyon.
Maya-maya ay pinaandar na ni Angela ang kanyang kotse. Agad na bumukas ang radyo, at tumugtog ang isa sa mga paboritong kanta ni mang Ricardo. Ito lamang ang tanging naririnig ng magandang babae habang tumutulo ang kanyang mga luha.
♪♫ I see trees of green… red roses too… I see em bloom… for me and you… And I think to myself… What a wonderful world… ♫ ♪
Sinimulan nitong patakbuhin ang kanyang kotse, at natanaw ang dalawang lalaking tila nagmamadaling tumakas gamit ang sasakyan ng kanyang ama. Halos magkasabay nilang nilisan ang warehouse, iniwan mag-isa si mang Ricardo kasama ang dalawang bihag.
♪ ♫ I see skies of blue… clouds of white… bright blessed days… dark sacred nights… And I think to myself… What a wonderful world… ♫ ♪
Nagpasya si Angela na ihinto ang kanyang kotse sa kabilang kanto na malapit sa warehouse. Patuloy na bumubuhos ang luha mula sa kanyang mga mata. Naaalala nito ang nakaraan, kasama sina mang Ricardo at aling Gloria. Kung papaano siya minahal ng kanyang mga magulang, bago siya ipinamigay sa kanyang tiyahin. Nakakaramdam ng pagsisisi si Angie na tuluyan niyang tinalikuran ang ama, lalo na’t matanda na ito at wala nang kapamilyang nakakasama sa bahay.
Halos labin-limang minuto siyang tumambay sa loob ng kanyang sasakyan, hanggang sa narinig nito ang mga sirena ng police patrol car.
Dumating na ang mga pulis na tinawagan ni mang Ricardo kani-kanina lang. Nagpasya ang kanyang ama na magpahuli na lamang upang maisalba ang buhay ng kanilang mga bihag. Pinatakas ni mang Ricardo ang dalawang lalaking kasabwat sa pagkidnap kina Alo at Nestor, at minabuting haraping mag-isa ang krimen.
Iniisip din ni mang Ricardo na isa itong hakbang upang maitama niya ang kanyang mga nagawang kasalanan. Gusto rin niyang mapatawad na siya ng tuluyan ni Angela, at sa pamamagitan nito’y muling lalambot ang puso ng kanyang nag-iisang anak.
Kinikilabutan naman si Angela habang nadidinig ang ingay ng wang-wang patungo sa direksyon ng warehouse.
♪ ♫ And I think to myself… What a wonderful world… ♫ ♪
Samantala, habang nasa loob pa ng warehouse si mang Ricardo ay tinulungan niya si Nestor na makainom. Inalalayan niya ang lalaki habang uhaw na uhaw na inubos ang isang basong malamig na tubig.
Nang matapos na niya itong painumin at inilapag nito ang baso sa isang lamesa malapit sa bihag na lalaki. Dinig na dinig na ni mang Ricardo ang sirena ng police patrol car at hinahanda na nito ang kanyang sarili.
Maya-maya ay biglang nagsalita si Nestor.
“Pulis… Paparating na ang mga pulis…” Saad ng nakataling bihag.
Nilingon naman ni mang Ricardo si Nestor.
“Malapit na sila, huwag kang mag-alala…” Maikling saad ng matandang lalaki.
“Bakit hindi ka pa tumatakas?” Dagdag ni Nestor.
Hindi naman sumagot si mang Ricardo.
“Hindi ka ba natatakot makulong? Hindi ko inaakalang mayroon pa palang mabait na tao sa mundo. Alam kong mabait ka dahil hindi mo ako sinaktan, at hindi mo ako pinatay. Tapos ngayon, hindi ka pa tumatakas kahit papalapit na ang mga pulis.”
Tila wala namang nadidinig si mang Ricardo habang nagsasalita ang bihag. Ayaw na niyang baguhin ang kanyang pasya na sumuko na lamang sa mga pulis sa salang kidnapping.
“Mabuti naman po at hindi ninyo sinunod yung amo ninyo… Yung babae… Amoy na amoy ko ang pabango niya kaya nakilala ko siya… Si Angie… Ang puta ni sir Hector… Mata…..”
Hindi na natapos ni Nestor ang kanyang sinabi dahil binaril na siya ni mang Ricardo sa kanyang sentido.
Nagulat din si Alo habang nakahiga ito sa isang silid, dahil sa narinig na putok ng baril. Lalo itong napaiyak, at napaihi pa ito, sa sobrang takot na naramdaman.
Hindi akalain ng matanda na sadyang tuso si Nestor, at nakilala pa ng lalaki ang kanyang anak. Magiging isang malaking problema pa rin ito sa kanyang anak kapag binuhay niya pa ang bihag.
“Pasensya ka na, mali ka sa pagkakakilala sas akin. Hindi ako mabait sa mga taong asal hayop. Ituturing ko na itong huling misyon ko. Mission accomplished.” Saad ni mang Ricardo habang kinakausap ang bangkay ni Nestor.
Hanggang sa pumasok na ang mga parak sa loob ng warehouse at tinutukan si mang Ricardo.
“Taas ang kamay!!!!”
“Dapa! Dapa!” Sigaw ng mga nakapalibot na pulis.
Tahimik na sumunod ang matanda sa iniutos sa kanya ng mga parak. Hindi na ito nanlaban pa sa pagkakaaresto sa kanya.
Tinanggal sa pagkakatali si Nestor at agad minarkahan at niletratuhan ang bangkay ng lalaki.
Sinuyod ng mga pulis ang bawat silid sa warehouse hanggang sa nakita nila ang isa pang bihag.
Dahil nakapiring si Alo ay nagpupumiglas ito laban sa mga taong humahawak sa kanya.
Tila natrauma ang binata at takot na takot ito.
Agad namang tinanggal ang pirin sa mata ni Alo, pati na rin ang mga tali nito sa kamay at paa, maging ang pagkakabusal sa kanya.
Inalalayan ng mga pulis si Alo at agad ginamot ang mga sugat na natamo nito.
Hinang-hina ang binata, at tila wala pa rin siya sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.
Hanggang sa nakita nito ang bangkay ni Nestor na inilalabas sa warehouse.
Nanlaki ang mga mata nito sa sobrang takot.
Kasunod naman nito ang isang matandang lalaki na nakaposas.
Nakayuko ito at hindi tumitingin sa mga tao. Wala na siyang lakas upang harapin pa ang lalaking ito, kung kaya’t hinayaan na lamang niya na dakpin ito ng mga pulis at isakay sa kanilang sasakyan.
Maya-maya ay biglang nasuka si Alo sa tabi ng ambulansya. Inalalayan na lamang siya ng mga medic dahil hinang-hina ang katawan ng binata.
Tila inilalabas ni Alo ang mala-bangungot na pangyayari sa kanyang buhay. Sobrang laki ng pasasalamat ng binata na hindi siya pinatay ng mga bumihag sa kanya at nasagip pa siya ng mga pulis.
Tahimik na nakaupo habang naghihintay si Angie.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkabalisa at panay pa ang tingin nito sa kanyang relo.
Maya-maya ay ibinaling niya ang kanyang paningin sa may bintana at natanaw nito ang makakapal na ulap. Tila ay may paparating na delubyo, ika niya.
Napayuko ito at sandaling ipinikit ang kanyang mga mata habang pilit na ginugunita ang mga mapapait na nangyari sa kanyang buhay.
Hindi niya mawari kung tama ba ang kanyang desisyong dalawin ang kanyang ama o dapat ay tuluyan na niyang putulin ang pakikipag-ugnayan nito sa matanda.
Nagtatalo ang kanyang isipan sa kung anong dapat niyang gawin, nagbabalak nang umalis at tuluyan na ngang huwag magpakita kay mang Ricardo. Nang papatayo na ang magandang babae ay bigla na lamang tumunog ang bakal na gate na nagdudugtong mula sa selda patungo sa may visitor’s area.
Napalunok si Angie habang nakatingin kay mang Ricardo na naglalakad papalapit sa kanyang kinaroroonan habang nakaposas ang mga kamay nito sa likuran.
Tahimik ang paligid at tanging tunog lamang ng bakal na gate at yabag ng mga paa ang nadidinig.
Hindi makatingin ng diretso si Angie sa kanyang ama, habang si mang Ricardo naman ay tila nakangiti pa nang masulyapan ang kagandahan ng nag-iisang anak.
Magkasabay na dahan-dahang umupo ang mag-ama.
Magkaharap sila, ngunit hindi nagkikibuan.
Halos isang menutong hindi nag-usap sina Angie at mang Ricardo. Tila hindi nila alam kung papaano sisimulan ang kanilang pag-uusap.
“Kamusta ka?” Mabilis na tanong ng matandang lalaki.
Napatingin naman sa kanya si Angie.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa inyo niyan?” “Hindi na importante kung sino dapat ang nagtatanong o sina ang dapat maunang mangamusta… Ikaw ang inaalala ko. Kamusta ka? Pati yung amo mo, kamusta siya?”
Sandaling hindi kumibo si Angie at tila minasahe muna nito ang kanyang basang-basa na mga kamay dahil sa tindi ng nerbyos.
“Ayos lang. Okay lang naman ako. Pati yung anak ng amo ko.” “Mabuti naman…”
Muling ibinaling ni Angie ang kanyang mga mata sa may bintana. Iniiwasan niyang tumingin sa kanyang ama na nakatitig naman sa magandang babae.
“Huwag mo na akong alalahanin. Matagal na dapat ako naandito sa kulungan. Karapatdapat ko lang na pagbayaran ang mga naging kasalanan ko.” Saad ng matandang lalaki.
Hindi pa rin siya tinitignan ni Angela.
“Hindi ko pa alam kung kalian ako maililipat o kung anong mangyayari sa akin. Nakikiusap ako, huwag mo na ako puntahan dito o dalawin. Wala na tayong dapat pagusapan pa.” Dagdag pa nito.
Maya-maya ay ibinalik ni Angie ang kanyang mga paningin kay mang Ricardo at bahagya itong lumapit sa kanyang mukha at bumulong.
“Ano pong nangyari? Bakit niyo po siya pinatay?” Mabilis ngunit mahinang tanong ng magandang girlfriend ni Hector.
Agad namang umayos sa kanyang pagkakaupo si Angie at palingon-lingon sa kanyang paligid.
“Sa katawan ng tao, mayroong mga bakterya na dapat ay pinapanatili sa loob ng ating katawan, samantalang mayroon din namang dapat sinusugpo at hindi na hinahayaan pang dumami na puwedeng magdudulot ng sakit at paghihirap sa tao. Sabihin na lang nating kabilang siya sa panghuli. Alam ko ang karakas ng isang taong tulad niya. Sabi nga nila, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.” “Pero ang usapan… (ay usapan)…” Muling bulong ni Angie. “Naamoy ka niya… Para siyang isang asong amoy na amoy ang kanyang amo kahit nasa malayo pa lang.”
Tila kinabahan naman ang magandang babae nang ipagtapat sa kanya ni mang Ricardo ang dahilan kung bakit nito tinuluyan si Nestor.
Maya-maya ay biglang sumigaw ang guwardiya at sinabi nitong may natitirang isang menuto si mang Ricardo upang magpaalam sa kanyang bisita.
“Hindi ko na kailangan ng bisita. Hindi mo na kailangang gawin ito.”
Natigilan si Angie nang marinig ito mismo sa bibig ng kanyang ama.
Bago pa lamang sila nagsimula sa kanilang misyon ay sinabihan na siya ni mang Ricardo na gusto sana nito makasama si Angie lalo pa’t mag-isa na lang ito sa buhay.
Ngunit ngayon, upang maprotektahan lamang siya ng kanyang ama, ay pinagtatabuyan na siya nito at pinayuhang huwag na lamang siya puntahan sa kulungan.
“Alagaan mo ang sarili mo.” Maikling saad ng magandang babae.
Tumayo naman si mang Ricardo at halatang pinipigilang mapaluha.
Inihahanda na nito ang kanyang sarili habang iniisip na ito na marahil ang huling pagkakataon nilang magkikita.
“Ikaw rin… At sana’y nasa iyo pa rin ang manyikang si Rose… Iyon lang ang kaya kong ibigay sa iyo…” Saad ni Mang Ricardo.
Tuluyan na itong kinuha ng mga guwardiya ng provincial jail at inilabas sa visitor’s area.
Sandali pang nanatiling nakaupo si Angie habang pinapakalma nito ang kanyang kalooban. Tanggap na rin niya sa kanyang sariling hinding-hindi na nito makikita si mang Ricardo.
At kahit sa matagal na panahong hindi sila nagkasama ng kanyang ama, ay naroroon pa rin ang pagmamahal at pag-aalala nito sa kanya.
Halatang pinipigilan ng magandang babae ang kanyang sarili sa pag-iyak, at pinalalakas nito ang kanyang loob.
Alam niyang wala nang magagawa pa ang pag-iyak, at kailangan na lamang tanggapin ang lahat ng nangyayari sa kanilang pamilya.
- Undo – Episode 13: Ctrl + End Part 2 - December 24, 2024
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024