Written by ereimondb
13 Hours Earlier
“Sige na Nikki, ipapasok ko na burat ko sa puke mo… Libog na libog na talaga ako sayo… Tangina…” “Tito… Baka hindi ko kayanin eh… Laki kasi niyan…” “Dadahan-dahanin ko Nikki… Hindi kita sasaktan… Aalagaan kita… Alalay lang ako sa kantot… Sige na…”
“Subo ko na lang po tito…”
Patuloy pa rin sa paghalik kay sa iba’t ibang parte ng katawan ni Nikki si Don Manuel. Damang-dama ng dalaga ang malaking burat ng matanda na sumasagi-sagi sa kanyng bandang ibaba. Takot na tako ito sa ga-halimaw na burat ng asawa ng kanyang tita Andeng.
Alam niyang kahit sanay ang kanyang puki sa kantot ay iba ang sakit na mararanasan nito sa korte at laki ng burat ni Don Manuel. Iba rin ang kasi ang laki ng alaga ng kanyang dating nobyo na si Alo sa laki at tigas ng armas ng kanyang tito.
Kahit takot si Nikki ay hindi na rin nito napigilan ang sobrang libog na nararamdaman. Lalo na’t bumaba na ang halik at pagdila ni Don Manuel sa kanyang katawan. Sarap na sarap ito habang sinisipsip ng kanyang tito ang magkabila niyang utong.
“Uhhhhhhhhmmm… Sarap tito… Sige pa… Sarrrraaapp…”
Lalo namang ginanahan si Don Manuel sa paghigop at pagdila sa dalawang bundok ni Nikki. Alam niyang konting pagpapalibog pa sa babae ay makukuha nito ang kanyang kagustuhan.
Dahan-dahan nitong nilubayan ang dibdib ng dalaga at pinasayad nito ang kanyang bibig patungo sa may bandang puson ni Nikki.
Lubos ang kiliti doon ng dalaga kung kaya’t agad itong napakislot at napaliyad.
Hindi naman nakapaghintay ang isang kamay ni Don Manuel at agad sinapo ang basang puki ni Nikki. Alam niyang libog na libog na ang pamangkin ng kanyang asawa at wala itong balak tigilan ang pagpapakatas dito.
“Shiiiittttt tito… lick my pussy please… lick my pussy…”
Naging sunud-sunuran naman ang matandang lalaki kay Nikki at agad nitong hinalikan ang puki ng magandang dalaga.
Agad na napasabunot si Nikki sa kanyang tito Manuel at napapaangat pa ang kanyang puwitan sa pagpapaubaya ng pagbrotsa sa kanya nito.
Gutom na gutom namang kinain ni Manuel ang sariwang puki ng dalaga. Sarap na sarap ito sa tamod na lumalabas sa magandang babae.
Napaisip itong sinayang ng kanyang inaanak ang pagkakataon na makatikim ng ganitong kasarap na putahe. Para sa kanya ay hindi niya pagsasawaan ang katawan ng dalaga at balak nitong araw-arawin hangga’t hindi bumabalik si Andrea.
“Tito… Ipasok mo na… Ipasok mo na…”
Tila nabigla si Don Manuel sa sinabi ni Nikki sa kanya. Tinignan niya ang magandang babae kung talagang gusto nito ang kanyang mga sinabi.
“Ano Nikki… Ulitin mo… Anong sabi mo??” “fall me tito… fall me… please…”
Agad namang inabot ni Don Manuel ang mga labi ni Nikki at agad na ikiniskis ang kanyang burat sa basang-basang bukana ng dalaga. Mabilis nitong inilapit ang sarili sa dalaga at natakot nab aka magbago pa ang isipan nito.
“Dahan dahan lang muna tito ha… Huwag mong biglain…” Saad ni Nikki habang nakatingin sa itaas at pinakikiramdaman ang ulong kumakatok sa kanyang puki. “Oo Nikki… Dadahan-dahanin ko.” Maya-maya ay sinimulan na ni Don Manuel ang pagpapapasok ng ulo ng kanyang burat. “Aaaaaaahh… Aray tito… Laki talaga…” “Sandali lang… Relax ka lang Nikki… Masasarapan ka dito…” “Sakit talaga tito, bunutin mo muna…”
Sinunod naman ni Don Manuel at agad nitong binunot ang kanyang burat. Masikip na masiki pa rin kasi ang puki ni Nikki at alam niyang hindi ito masyadong nagamit ng kanyang inaanak.
Lalo naman itong nalibugan sa sikip ni Nikki kung kaya’t pursigido itong kumbinsihin ang dalaga na papasukin siya sa pinto ng langit. Niromansa niya ulit si Nikki at pinaghahalikan sa labi, sa ibaba ng kanyang tenga, sa leeg at sa bandang dibdib nito.
Habang ang isang kamay naman niya ay nakasapo sa puki ni Nikki at hinahayaan nito ang kanyang pangitnang daliri na ipasok sa naglalawang bukana nito.
“Saraaaapppp tito… Sige pa… Pasok mo na…”
Ito ang naging hudyat para subukan muli ni Don Manuel ang pagpasok ng kanyang halimaw na burat.
At ngayon ay hindi na siya papaawat sa pagpapaloob ng kanyang armas sa masikip na puki ni Nikki.
Dahan-dahan na ipinasok nito ang ulo ng kanyang halimaw na alaga at binigla nito ang pagpapabaon na umabot halos sa kalagitnaan ng kanyang matabang burat.
“Fuuuuuuuck! Ouch tito!!!! Sakiiit….fall!” “Relax Nikki… Relax ka lang… Sasarap din yan maya-maya…” “Sakit tito… Hugutin mo muna please…” “No Nikki… Kanina pa ako libog na libog… Relax mo lang katawan mo…”
Hindi naman gumagalaw ang katawan ni Don Manuel at inaabot ng kanyang mga labi ang malalambot na labi ni Nikki.
Napakapit sa bandang likuran ng matanda ang dalaga at bumaon ang mga kuko nito sa sobrang sakit na naramdaman.
Maya-maya ay dahan-dahang kumakadyot si Don Manuel.
Sa una ay hindi pa rin gumagalaw ang katawan ni Nikki, hanggang sa unti-unti sumasabay na rin sa indayog ng pagbabarurot ni Don Manuel sa kanyang masikip na puki.
Lumalaban na rin ito ng halik at ang dalawang kamay nito ay pumupunta na sa bandang puwitan ng kanyang tito Manuel.
Sumasalubong na rin siya sa mga kantot ng matandang tito.
Kahit hindi maibaon ni Don Manuel ang kabuuhan ng kanyang burat ay sarap na sarap na rin ito. Ngayon lang niya natikman ang puki ng dalaga. Ibang-iba ang sarap nito kaysa sa puking tinitira niya kay Andrea.
“Puta! Sarap mo talaga Nikki… Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka nasasanay sa burat ko…”
Hindi naman kumikibo si Nikki at tila nawala na rin ito sa kanyang sarili. Kahit pabilis na ng pabilis ang pagkadyot sa kanya ng matanda ay nakaksabay na rin ito.
Patuloy ang pagpapabaon ni Don Manuel sa kaloob-looban ng dalaga. Palaban na ring umiindayog si Nikki na siya namang ikinasasarap ng matandang lalaki.
“Galing mo Nikki babes… Sarap mo… Parang pinipiga burat ko… Sikip! Puta!” “Tito… Im cuuuuummming…. I’m cuuuuuuummming… Aaaaahhhhh…” “Sige, palabasin mo lang lahat Nikki… Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka nasosolb sa kantot ko…”
Ilang beses na nilabasan si Nikki sa bawat hugot at bunot ni Don Manuel sa kanya.
Hanggang sa umiba sila ng posisyon.
Itinaas ni Don Manuel ang isang hita ng dalaga at pumuwesto ito sa likuran nito. Muling ikiniskis ng matanda ang kanyang burat sa bukana ng puki ni Nikki habang inaalalayan nito ang kanang hita ng dalaga.
Dahil sa sobrang dulas na ng puki ni Nikki ay mabilis nitong napapabaon ang burat nito.
“Aaaahhh… Shit! Laki talaga niyang tito… Saraaaappp… Galing mo tito…” “Hindi kita pagsasawaan Nikki… Sarap mo rin at ang sikip mo pa…” Patuloy sa pagkantot si Don Manuel habang tila hinahanap naman ni Nikki ang kanyang kuntil at iniikot-ikot ang daliri nito.
Pabilis ng pabilis ang bawat kadyot ng matandang lalaki at tila wala itong kapaguran. Habang palakas ng palakas naman ang ungol ni Nikki at akmang lalabasan nanaman ito.
“Pigilan mo muna Nikki babes… Sabay tayo… Sabay tayoooo… Oooooohhh…” “Sige tito… Sabay tayo… Bilisan mo pa… Bilisan mo pa…”
Tila nasaniban naman ng demonyo ang matandang lalaki at binilisan ng binilisan ang bawat pag-ulos nito sa puki ng babae at nararamdaman na nitong bumibilog ang kanyag burat at sasabog na ang kanina pang kinikimkim na tamod.
“Heto na ako Nikki…..heto na ako…. Tanginaaaaaaaa…”
Hinugot ng matandang lalaki ang kanyang burat at dyinakol ng kaunti ang kanyang burat hanggang sa sumirit sa labas ng puki ni Nikki ang mainit at napakarami niyang tamod. Tumatalsik-talsik pa ito sa may bandang tiyan ng dalaga at tumutulo sa kutson ng sofa ang iba.
Halos napapapikit naman sa sarap si Nikki habang dinadama ang kanyang pagpapalabas at nang nailabas na ni Don Manuel ang ibang tamod niya ay saka nito ipinasok muli sa puki ng dalaga. Dahan-dahan ibinabaon ang tigas na tigas pa rin niya burat at inilalabas ang natitirang tamod dito.
Inabot niya ang isang suso ng dalaga at hinalikan pa ito sa labi. Pawis na pawis ang dalawa habang nagtatampisaw sa init at makamundong pagnanasa.
Hindi naman akalain ni Nikki na masasarapan siya ng ganito sa burat ng kanyang tito Manuel. Ang lalaking nagbukas sa kanyang matinding kalibugan.
Ang lalaking may kasalanan kung bakit siya nahilig sa six at madalas magpantasya na makipagkantutan sa mga estranghero. Lubusan na siyang nagpaubaya at nahulog sa matindning kasalanan.
“Nasaan kayo?” Tanong ni Angie kay Alo habang kausap nito sa telepono ang binata. Kasalukuyan itong nagmamaneho papunta sa isang taong naipangako niya sa anak ng kanyang karelasyon.
“Nasa kabilang bayan lang kami Angie. Tutuloy kami dito sa condo. Nakapagfile na rin kami at anumang oras ay parating na diyan ang reklamo ni Andrea.”
“Okay. Balitaan mo ako sa mga nangyayari diyan sa inyo. Hindi ko pa nakakausap ang daddy mo. Hinayaan ko munang maging busy siya sa trabaho to buy us more time.” “Sige Angie, ikaw na muna ang bahala diyan.” “Tsaka Alwyn, papunta na ako sa inutos mo sa akin.” “Good! Salamat talaga sayo Angie. Hulog ka talaga ng langit.” “Sige. Mag-iingat kayo diyan.” “Mag-iingat ka rin. Ingatan mo rin si daddy.” “Okay. Bye.” “Bye.”
Pagkababa ng kanyang cellphone ay agad namang nagpark ang binata sa isang condotel na nasa labas ng bayan ng Baler.
Pagkalingon niya sa may passenger seat ay nakita niya si Andrea na nakatulog. Kanina pa ito iyak ng iyak at sobra ang pag-aalala nito sa kanyang pamangkin.
Sandaling nanatili ang binata sa loob ng sasakyan habang pinapanood ang magandang babaeng himbing na himbing sa pagtulog.
Alam niyang napanghihinaan na ng loob si Andrea at pakiramdam nito ay wala nang pag-asa pang makawala sa anino ng kanyang asawa.
Pilit namang pinapatatag ni Alo ang kanyang loob upang maging malakas ito sa pagharap sa kanyang ninong. Matagal na niyang pinag-iisipan kung paano matatalo si Don Manuel. At alam din niyang lubos na magagalit ang kanyang ama sa kanyang gagawin, lalo pa’t business partner na niya ang matandang lalaki.
Humahanap lang ito ng tamang panahon at pagkakataon upang makabalik sa kanilang bahay. Kumakalap pa ito ng impormasyon na puwede makatulong sa kasong isasampa nila kay Don Manuel. At ang tangi niyang pag-aasa ay ang tulong na ibinibigay sa kanya ni Angie.
At alam din niyang hindi siya bibiguin nito.
Maya-maya ay biglang nagising si Andrea, animo’y nanaginip ito ng masama. Lumingon ito sa kanyang paligid, sabay silip sa bintana ng kotse, tila nag-iisip kung saan sila nagpunta ni Alo.
“Are you alright, Andrea?”
Napatingin ang magandang babae sa kanyang katabi at agad tumulo ang mga luha nito.
“Si Nikki… Kuhanin natin si Nikki…” “Kukunin natin siya Andrea, huwag kang mag-aalala. May tumutulong sa atin at kapag nasigurado ko na ang lahat, makakabalik na tayo.” “Nasaan tayo?” “Nasa labas lang ng bayan. Dito muna tayo pansamantalang tutuloy.”
Tumango na lamang si Andrea habang pinupunasan ng kanyang kamay ang mga luhang kusang tumutulo sa kanyang mga mata.
“Nagugutom ka ba? Gusto mo kain muna tayo?” “Huwag na. Tuloy na tayo sa kuwarto. Alam kong may mga taong maghahanap sa atin.” “Sige, tara na. Ibibili na lang kita ng pagkain, tapos iakyat na lang natin.” “Okay.”
Sabay na lumabas ng kotse ang dalawa at nagmamadali nagpunta sa lounge ng condotel.
Agad na kumuha ng kuwarto si Alo at para sa kaligtasan ng kasama ay isa na lamang ang kinuha nito. Naintindihan naman ni Andrea ang naging decision ng binata kung kaya’t pumayag na rin siya.
Panay ang tingin nila sa mga taong nakakasalubong at halatang kinakabahan sina Alwyn at Andrea. Sinamahan na muna niya paakyat ang magandang babae at siniguradong ligtas, bago siya bumaba ulit para bumili ng makakain.
Nagtungo siya sa isang convenience store at nagmamadaling dumampot ng puwde nilang kainin habang nasa kuwarto.
“Ayos yung girlfriend niyo sir ah! Ganda!” Saad ng isang lalaki na nasa counter.
Ngumiti naman si Alo at hindi na lang niya ito inimikan.
“Bago lang po ba kayo dito?”
Tumango naman si Alwyn.
“Ahh kaya pala hindi ko kayo nakikita sa lugar na ito.”
Hindi pa rin kumikibo ang binata at nakatingin lamang sa mga pagkaing pinamili.
“Mag-eenjoy po kayo dito. Maganda ang mga kuwarto at mabango. Di tulad sa iba.”
Napangiti naman ang binata.
Maya-maya ay may inilagay ang lalaki sa mga ipinamili ni Alo, na siya namang ikinagulat ng binata.
“Teka! Hindi ako kumuha niyan.” “Libre nay an bossing. Welcome po sa condotel.” “Naku hindi na kailangan. Magkano ba yan?” “Bossing hindi na po. Libre na po yun.”
Hindi na sumagot si Alo at agad na ibinigay ang kanyang pera, sobra pa sa nakalagay sa cash register.
“Keep the change pre.” Mabilis na saad ni Alo at agad na lumabas ng convenience store.
Napakamot na lamang sa kanyang ulo ang lalaki na tanging hangad lang ay ang makipag kaibigan sa bagong salta sa kanilang lugar.
Samantalang si Alo naman ay nagmamadaling umakyat papunta sa kanilang kuwarto.
Naabutan niya si Andrea na nakasilip sa may bintana at kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata. Alam kasi niya ang kahayupan at kapangyarihan ng kanyang asawa. Alam din niya mahahanap at mahahanap din sila nito, dahil sa mga nagkalat niyang tauhan.
“Tara, kain muna tayo…” “Hindi ako nagugutom…” “Ano ka ba, kailangan nating kumain para magkalakas tayo. Marami pa tayong gagawin.” “Sige mamaya na lang. Hindi talaga ako nagugutom.”
Saglit na tumingin si Alo sa mukha ng magandang babae. Hindi rin niya alam kung papaano pakalmahin si Andrea dahil kahit mismo siya ay kinakabahan sa kanilang ginagawa.
Yumuko na lang siya at ibinuhos sa kama ang mga cup noodles at tinapay na binili sa convenience store.
Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Andrea nang may nakita siya condom sa plastic bag ni Alo. Hindi namang alam ng binata ang kanyang gagawin dahil sa sobrang hiya.
Natatakot siya na baka isipin ni Andrea na may balak itong masama sa kanya habang magkasama sila sa iisang kuwarto.
“Pasensya ka na ha… Kulit kasi nung tao sa counter… Inilusot niya sa mga ipinamili ko.”
Hindi naman sumagot ang magandang babae, sa halip, ay muli itong sumilip sa bintana at tumanaw sa kawalan.
“Madaming bagay ang puwedeng mangyari…” Saad ni Andrea.
“Puwedeng manalo tayo laban sa asawa ko o mapatay niya tayong dalawa. Pasensya na at dinamay pa kita, lalo na ang daddy mo. Alam kong matalik silang magkaibigan.” Dagdag pa nito.
Lumapit si Alo sa tabi ni Andrea at tumingin ito sa magandang mukha ng babae.
“Desisyon ko ito at wala kang dapat ihingi ng pasensya. Gusto ko lang kayong protektahan. At alam kong kahit sinong tao ganito rin ang gagawin para labanan ang kasamaan. Alam ko rin na walang karapatan ang kahit sinong lalaki na manakit ng babae. Mali ang ginagawa niya sayo. Nakit ko iyon. Nakita namin iyon. At masaya ako dahil binuksan mo na ang puso at isipan mo para makita ang katotohanang mali ang ginagawa ng asawa mo sayo.” Pagpapaliwanag ni Alo.
Napaluha naman si Andrea sabay hawak nito sa kamay ng binata.
“Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang iwan ang lugar na ito.”
Agad namang niyakap ni Alo ang magandang babae habang pinpatahan ito mula sa labis na pag-iyak.
Samantala, nakarating na si Angie sa kanyang destinasyon. Hindi niya akalain na ang kanyang pupuntahan pala ay may katungkulan na sa gobyerno. Mahigpit ang seguridad sa paligid at nag-aalala ito baka hindi siya harapin ng taong ito.
Ang tanging sinabi lang ni Angie ay nais niya makausap si Ms. Corazon Ybañez, ang dating asawa ni Don Manuel. Pinilit niya ang sekretarya ni Cora para papasukin siya sa loob at ipinaliwanag nito na importante ang nais niya iparating sa babae.
Halos kalahating oras naghintay si Angie sa labas ng opisina at hindi ito sumuko at umuwing hindi nakakausap si Cora. Alam niyang kailangang-kailngan ni Alo ang kanyang tulong.
“Puwede na po kayo pumasok.” Saad ng sekretarya ni Cora.
Mabilis namang tumayo sa kanyang kinauupuan upang makapasok sa silid ng matandang babae.
Pagpasok nito ay kasalukuyan itong may pinipirmahang papael na dala-dala ng isang lalaki. Hindi siya tinitignan ni Cora at hinintay na lamang niya itong matapos sa kanyang ginagawa.
Maya-maya ay nagpaalam na ang lalaking kausap at isinilid ni Cora sa isang folder ang papel na pinirmahan.
“How may I help you? Ms?”
Lumapit si Angie kay Cora at umupo sa isang upuang nakaharap sa lamesa nito.
“Ako po si Angie. Alam ko pong hindi ninyo ako kilala, ako ang kinakasama ngayon ni Hector.”
Sandali namang tumigil ang babae at tinignan ng mabuti ang kausap na magandang babae.
“Hector?” “Hector… Yung businessman from Baler. Kaibigan ni Don Manuel.”
Nag-iba naman ang mukha ng matandang babae at tila nagalit ito nang banggitin ang pangalan ni Manuel.
“You can leave now.” “Kailangan niyo po akong pakinggan.” “Hindi kita matutulungan iha.” “Pero…” “Walang pero-pero… Umalis ka na dito sa opisina ko.” “Kailangan po namin ang tulong ninyo. Kailangan po ni Andrea ang tulong ninyo.”
Napatigil naman ang babae sa nang madinig ang pangalan ni Andrea. Napangisi ito at sumandal sa kanyang kinauupuan.
“I warned her. Hindi siya nakinig sa akin.” “Opo. Alam po namin iyon. Kaya po kailangan namin ang tulong ninyo.” “You don’t understand iha… Wala akong maitutulong sa iyo… sa inyo.” “Alam ko pong naranasan din ninyo ang pananakit na nararanasan ni Andrea mula kay Don Manuel. Kailangan po namin ng dagdag na suporta para sa kasong isasampa laban sa kanya.” “That’s non-sense. At iha, alam bay an ni Hector? I believe not. Dahil isa siya sa nagpatahimik sa akin noon.” “Ano pong ibig ninyong sabihin.” “Pinaalis niya ako sa Baler. Pinalayo. Malayong-malayo. Pinoprotektahan niya si Manuel. I mean, he is his number one supporter. Kaya hindi ko kayo matutulungan.”
Tila naguluhan naman si Angie sa sinabi sa kanya ni Cora. Hindi niya akalain na magagawa ito ng kanyang kinakasama ngayon, ang pagtakpan ang kababuyan ni Don Manuel.
“Bugbog sarado ako noong lumapit ako kay Hector. But he turned me down. Pinilit niya akong isakay papalayo sa kinaruroonan ni Manuel and even threatened me not to come back.” “Pero hindi ganyan ang pagkakaalam ko kay Hector.” “Siguro nga. Alam kong para siyang aso na sunod-sunuran kay Manuel.” “Bakit hindi po kayo nagsumbong sa mga pulis. Bakit hindi ninyo pinarating ang kabuktutan ng asawa ninyo?”
Sandaling tumigil si Cora at tila ginugunita nito ang mga mapapait na pangyayari sa kanyang buhay.
Hindi niya alam kung papaano ito ikukuwento kay Angie.
“Sinubukan kong intindihin si Manuel. Alam ko ang pressure na kinahaharap niya dahil sa posisyon niya bilang mayor noon. Pero hindi ko alam noon ang hangganan ng pagiging asawa ko sa kanya. Nagbulagbulagan ako sa mga nakikita kong kasamaan niya. Nagbingibingihan ako sa mga payo ng mga taong malapit sa amin. At pinilit kong maging manhid sa mga pananakit niya. Ang lagi niyang panakot sa akin ay ang kapangyarihang mayroon siya. Tagal kong ipinagdasal na matalo siya sa eleksyon para mawala sa kanya ang kapangyarihang iyon. Pero hindi, dahil sa suporta ni Hector ay lalo pa siyang lumakas. Hanggang sa isang araw, ay parang naumpog na lang ako sa lahat ng pisikal at mental na pananakit niya sa akin. Hindi kami magkaanak, dahil baog siya, at ibinubunton niya sa akin ang lahat ng sisi. Malas daw akong asawa. Walang kuwenta. Pilit ko siyang inuunawa. Paulit-ulit kong iniisip na magbabago din siya at babalik siya sa Manuel na nakilala ko noon. Pero hindi, palala siya ng palala. Walang araw noon na hindi niya ako sinasaktan. Alam iyan ng mga kasambahay namin dahil lagi nila akong pinupuntahan sa aking silid upang gamutin.” Kuwento ni Cora habang napapaluha ito.
Maya-maya ay tumayo ito at bahagyang itinaas ang suot na damit hanggan sa lumantad ang isang napakahabang tahi at sugat na natamo nito noon.
“Latigo. Parang hayop niya akong ituring noon. Palagi niya akong nilalatigo sa tuwing hindi ko sinusunod ang kagustuhan niya. Pinilit ko ang aking sarili na makatakas at nilapitan ko ang pinakamayaman sa aming bayan noon na si Hector. Pero sa halip na tulungan niya ako, ay inilayo niya lamang ako at itinapon sa lugar na ito. Binigyan niya ako ng maraming pera upang manahimik. Alam ko… Alam kong naging sunud-sunuran lang si Hector kay Manuel.” Dagdag ni Cora habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Napapaiyak naman si Angie sa ikinukuwento sa kanya ng matandang babae. Nararamdaman nito ang sakit at pait na sinapit nito.
“Panahon na para maisa-ayos ang lahat ng ito…” “Binalaan ko noon si Andrea. Gusto ko siyang iligtay pero nabubulagan siya ng pagmamahal niya kay Manuel.” “Nadapa si Andrea katulad mo… Kailangan niyong magtulungan para pabagsakin ang halimaw na nanakit sa inyo.” “Hindi ngayon… Hindi kahit kailan. Tahimik na ang buhay ko. May maayos na akong trabaho at marami akong balak gawin sa buhay ko…” “Tulungan mo kami sa laban na ito…” “Hindi kita matutulungan… Hindi ko kayo matutulungan… Patawad…” “Nagmamakaawa kami sa iyo… Please…”
Umiling na lamang si Cora saka ito yumuko. Tila ayaw na nitong balikan pa ang napakasalimuot niyang nakaraan, at masaya na rin siya sa katahimikang kanyang natatamasa sa ngayon.
Maya-maya ay tumayo si Angie at dahan-dahang tumayo papunta sa pintuan.
“Alam ninyo kung ano ang tama at mali. At alam ninyong tama ang tulungan si Andrea pabagsakin si Don Manuel. Hindi po kami susuko. Hihintayin po namin kayo. May tiwala ako sa kabutihan ninyo.”
Tuluyan nang lumabas si Angie ng opisina ni Cora at agad din siyang sumakay sa kanyang kotse. Tila pagod na pagod ito at nalulungkot sa nangyari sa mga naging karelasyon ni Don Manuel.
Desidido siyang tulungan sina Alo at Andrea sa labang ito, at hindi niya titigilan si Cora hanggang sa makumbinsi itong humarap sa lahat para pabagsakin ang mapanakit na dating asawa.
Samantala, tahimik na nakahiga si Andrea sa kama sa isang silid ng condotel. Sandaling lumabas si Alo upang maglibot-libot sa lugar. Maya-maya ay umakyat na rin ang binata papunta sa kanilang silid at may dala-dalang makakain.
“Okay ka pa diyan Andrea?” “Oo.” “May dala akong chocolate cake. Baka gusto mo.” “Wala akong gana.”
Bakas pa rin sa mukha ng magandang babae ang matinding kalungkutan. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila ni Nikki at kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanyang pamangkin.
“Tara, labas tayo.” “Huh?” “Sabi ko labas tayo.” “Hindi safe lumabas. Alam kong nasa tabi-tabi lang ang mga tauhan ni Manuel.” “Wala akong pakialam. Tayo ka na diyan, lalabas tayo.”
Nagtataka naman si Andrea dahil sa pagpupumilit ng binata. Naramdaman niyang hindi na takot si Alo sa kung anong mangyayari sa kanila.
“Kung papatayin nila tayo ngayon, mas magandang masaya tayo bago mamatay. Kaysa sa ganitong sobrang lungkot natin pareho. “Saan tayo pupunta?” “Basta… Sumama ka na lang sa akin.”
Kahit ayaw umalis ni Andrea ay sumunod na lamang siya sa pinaplano ni Alo. Mayroon naman siyang tiwala sa binata kaya agad din siyang nagsuot ng jacket, proteksiyon sa lamig na nanggagaling sa labas.
Hinawakan ni Alo ang kamay ni Andrea at mabilis silang naglakad patungo sa isang direksyon. Napapaisip naman ang magandang babae kung saan sila tutungo.
Hanggang sa natanaw ni Andrea ang isang maliwanag na lugar.
“Kailan ka huling tumawa?” Tanong ni Alo.
Hindi naman sumagot si Andrea at parang nag-iisip kung kailangan nga ba siya huling naging masaya.
“Atin ang gabi, Andrea… Magpapakasaya tayo.” Saad ni Alo sabay hatak sa kamay ni Andrea patakbo sa lugar na iyon.
Bumungad sa maamong mukha ni Andrea ang liwanag ng mga ilaw. Ngayon na lang ulit siya nakakita ng mga nagkikislapang mga ilaw na animo’y mga bituwin sa langit.
“Ready ka na?” Tanong ni Alo.
Ngumiti naman si Andrea.
Hanggang sa tuluyan na silang pumasok… sa loob ng perya. Agad na kumuha ng tickets para sa iba’t ibang uri ng rides na naroroon sa perya.
Para silang mga bata na nakikisali sa mga laro at sinubukan ang lahat ng masasayang rides dito.
“Ayan na… Ready ka na Andrea? Sigaw ka na… Sigaw ka ng malakas!!!!” Utos ni Alo.
“Oo handa na ako… Handang handa na ako…” “Waaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” “fall you ka Manueeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeelllllllllllllllllllllllllll”
Ito ang huling namutawi sa bibig ni Andrea habang sakay sa isang rollercoaster. Tawanan sila ng tawanan dahil sa bilis ng kanilang sinasakyan. Panay ang sigaw ng dalawa na parang naglalabas ng galit sa mga nangyayari sa kanilang buhay.
Ilang ulit silang sumakay dito at halos walang kapagurang makikita sa kanilang mukha.
“Dito muna tayo… Pahinga muna…” Saad ni Alo at inalalayan ang babae para makasakay ng mabuti sa isang tsubibo.
Nakita ni Alo ang ngiti na nasa mukha ni Andrea.
Ang matamis na ngiting nagpa-ibig sa kanya noon.
“Alam mo… Mas maganda ka kapag naka-ngiti… Hehehe…” Saad ni Alo.
“Bolero…” “Hindi nga… Totoo naman ehh…” “So naiinlove ka nanaman sa akin?” “Hehehe… Hindi… Hindi na…”
Seryosong napayuko si Alo nang sabihin nitong hindi na niya iniibig si Andrea.
Napatingin naman ang magandang babae sa kanya. Nagulat din ito sa narinig niya mula sa binata.
“What made you change your mind?” Tanong ni Andrea na naka ngiti.
“May iba na akong mahal.” “Nikki?” “Come on…” “Hahahah… Sino nga?” “Basta… Pero umalis na siya eh. Iniwan na niya ako…” Seryosong saad ni Alo.
Ibinaling naman ni Andrea ang kanyang paningin sa malayo.
Gustong-gusto nito ang pakiramdam na nasa itaas sila ng tsubibo.
“Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya Alo…” Saad ni Andrea.
Tumingin naman ang binata at ngumiti sa magandang babae.
“Masaya ako at napalitan ng tuwa ang galit na nararamdaman ko sayo. Mabuti ka pa lang tao.”
“Ikaw lang naman nagsabing masama ako ehh. Hehehe..”
“But you are still a dick! Hehehehe…”
“Okay… Hahaha…”
“Suwerte niya sa iyo. You are a good man. You deserve each other.”
“Talaga? Mabuti naman… Hehehe…”
“Find her.”
“Hah?”
“Find her. Pagkatapos ng lahat ng ito… find her. She loves you so much. At alam kong mahal mo rin si Iris.”
Nagulat si Alo dahil nahulaan ni Andrea ang babaeng mahal niya.
Tumango na lang ito sa magandang babae bilang pagsang-ayon.
“I wish you happiness. Hindi ko alam kung papaano ko maibabalik ang sakripisyo mong ito… Pero, alam ko matatapos rin ito.”
“Tama ka Andrea. Matatapos din ito at makakapag-move on din tayong lahat. Magtutulungan tayo para bumuo ng bagong buhay.”
Ngumiti naman ang babae kay Alo at napuno ng pag-asa ang kanyang puso.
“Nahanap niyo na?” Tanong ni Manuel sa kanyang kausap sa cellphone.
“Ano?! Si Alwyn? Baka hindi siya iyan. Alam kong busy siya sa trabaho niya dito sa hotel.”
Tila hindi naman siya makapaniwal sa ibinalita ng kanyang tauhan.
“Sigurado kayo? Tangina!” Saad nito at napapailing pa habang nadidinig ang ikinukuwento sa kanya ng kausap sa cellphone.
“Hindi. Huwag niyo muna silang gagalawin. May plano ako, basta’t bantayan ninyong maigi ang dalawang iyan. Magtutuos din kami.”
Agad na ibinaba ni Manuel ang kanyang cellphone at sumakay sa kotse. Papunta ito sa villa ni Hector at gusto niyang kausapin ang matalik na kaibigan.
Matindi ang galit nito sa kanyang nalaman at gusto niyang harapin at aminin sa kanya ni Hector ang ginawang pantatraydor ni Alo.
Pagdating na pagdating nito ay agad na pumasok ang matandang lalaki sa opisina ni Hector. Napatayo naman ang ama ni Alo sa sobrang pagkabigla.
“Kumpadre!!!” Pagbati ni Manuel.
“Ikaw pala kumpadre. Hindi ka nagpasabing pupunta ka rito.”
“Kailangan pa ba iyon kumpadre? Business partners naman tayo hindi ba? Hehehe…”
Nagtataka naman si Hector kung bakit nasa kanyang villa ang matandang lalaki. Nasabihan na kasi ni Angie ang ama ni Alo sa lahat ng mga kasalukuyang nangyayari.
At alam nitong may ibang pakay si Manuel sa kanya.
“Parang nakakita ka naman ng multo kumpadre. Maupo ka muna… Hehehe…” Saad ni Manuel.
Dahan-dahan naman siyang bumalik sa kanyang upuan.
Nakatingin lang si Hector sa kung anong ginagawa ni Manuel habang tahimik lang itong nakaupo sa kanyang opisina. Hindi ito mapakali at iniisip kung ano ang susunod na hakbang ng kanyang kumpadre. Kahit walang gapos sa kanyang mga kamay at paa, ay tila hindi ito makagalaw sa kanyang kinauupuan.
At kahit na nasa sariling niyang pamamahay ay hindi na nito magawang kontrolin ang sitwasyon. Hawak ni Don Manuel ang kanyang buhay.
“You should’ve known better, kumpadre… We’ve been friends for such a long time and it is sad that we’re going to end it just like this.” Saad ni Manuel habang naglalakad patungo sa mini bar na nasa opisina ni Hector.
Kumuha ito ng dalawang baso at nilagyan ng alak saka bumalik sa harap ng kinauupuan ng ama ni Alo.
“You don’t do this to a friend.” Sagot ni Hector.
Napangisi naman ang dating mayor at iniabot sa kanyang kumpadre ang basong may lamang alak. Nakatingin lang si Hector sa kanya habang unti-unti inuubos ang inumin sa kanyang baso.
“That’s bullshit! You knew what happened and you know what I am capable of.” Saad ni Manuel.
“Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo.” “Come on! Huwag ka nang magpakainosente pa kumpadre.” “Huwag mo akong makumpa-kumpadre and stop this non sense.” “Hector. You know what’s funny?” Tanong ng matandang lalaki.
Galit na nakatingin lamang si Hector sa kanyang dating kaibigan.
“You know what’s funny? The funny thing is, I have been waiting for this day to come. I’m tired of you, whining over and over and over again about your stupid son. I’m sick of your unsolicited advices, and for the record, it all didn’t work. I have been dreaming for this day to stop calling you kumpadre.”
Hindi naman makakibo si Hector. Pilit na inuunawa ang mga sinasabi ng kanyang dating kaibigan. Hindi niya akalain na kayang gawin iyon sa kanya ni Don Manuel, lalo na’t sobrang laki ng tiwala ng kanyang pamilya sa matanda.
“You should’ve told me. We supported all your projects. Me and my wife gave all the resources you need and we’ve got you covered for all of this falling time. We covered your ass the day that you decided to leave Cora.”
“She’s just like you. Pareho kayong walang kuwenta. Cora is just part of my past. Ang nakaraan na hindi ko gustong balikan.”
“But she can bring you down. Lalo na kung gugustuhin niya. You almost killed her.”
“Tama… Tama ka diyan sa sinabi mo. Pero, nasaan na nga ba si Cora? Ayun! Nagtago siya sa takot at salamat sayo.”
“Kaya hindi mo ako puwedeng takutin Manuel. May alas ako laban sayo.”
“No. You can’t use that card. Not just yet. Alam mong mapapahamak ka rin kung gagawin mo yan. Kayo ang gumawa ng paraan para umalis ng Baler si Cora. At kapag nalaman yan ng mga tao, do you think susuportahan ka pa nila dito sa hotel?” Saad ni Manuel sabay ngisi nito sa kanyang kausap.
Hindi naman nakakibo si Hector sa kanyang narinig mula kay Don Manuel. Alam niyang tama ang sinabi ng matandang lalaki at malamang ay tuluyan na rin siyang masira kasama ng kanyang dating kaibigan.
“What do you want?” Tanong ng ama ni Alo.
Maya-maya ay inilabas ni Manuel ang kanyang baril at ipinatong sa may lamesa. Napatingin naman si Hector sa ginawa nito at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang baril.
“I want my revenge.”
“Gawin mo na ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang sasaktan si Alo.”
“Hahaha!!! Bilis mo namang tumiklop Hector. Relax ka lang. Wala pa akong sinasabi and now, you are begging me to kill you.”
“Do it now Manuel… It’s now or never.”
“Do you want me to kill you now?”
Tahimik na nagmamasid si Hector sa susunod na hakbang ni Manuel. Hindi na niya alam kung ano ang nasa isipan ng matandang lalaki at alam din niyang kaya nitong gawin ang kanyang nanaisin, lalo pa’t silang dalawa lang ang nasa kanyang opisina sa villa.
“Come on Hector… Hindi ko naman akalain na ganyan ka kahina…”
“If this is what you want, do it to me. Take your revenge at leave my son alone.”
“Kinakantot ng anak mo ang asawa ko. He stabbed me at the back.”
“I am begging you, leave my son alone.”
“No. Hindi ko puwedeng palampasin ang ginawa ng anak mo, Hector. I trusted him the way I trusted you. And now, this is what I get?”
“Isipin mo na lang ang alaala ng asawa ko… ng kaibigan mo. Parang-awa mo na… Not Alwyn.”
“Or… Maybe, I will just kill you in front of your son… Is that a great idea?”
Nanginginig naman sa takot si Hector sa kanyang narinig na suhestiyon ng kanyang dating kaibigan.
“Pero hindi ko gagawin iyon… Hindi pa sa ngayon…”
“Tumigil ka na Manuel. Tapusin na natin ito.”
“Tama ka… Tatapusin ko na rin itong pagpapanggap ko.”
“Anong kailangan mo.”
“Sa makalawa… Magpapatawag ka ng stockholders’ meeting. Sasabihin mo sa harap ng lahat ng stockholders natin na magbibitiw ka na sa puwesto bilang CEO.”
“That’s bullshit!”
“At siyempre… Ako ang aatasan mong tagapamahala ng lahat. Hindi ba mas magandang ideya iyon? Hehehehe…”
“Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan ka ng buong pamilya ko!”
“At anong ginawa sa akin ng anak mo? Trinaydor niya rin ako. Oo nga pala, nagmana lang siya sa iyo. Dahil pareho kayong mang-aagaw.”
“Hindi ko siya inagaw sa iyo. Wala na kayo noong naging kami ng mommy ni Alwyn.”
“Pero kung hindi mo siya inakit ay hindi niya ako iiwan.”
“Wala ka na sa sarili mong pag-iisip Manuel.”
“Matagal ko nang gustong gawin sa iyo ito. Mga pamilya ng traydor. Alam ko naman kung bakit mo ako laging sinusuportahan eh. Para pagtakpan ang lahat ng ginawa mo sa akin. Dahil hindi na kinakaya ng konsensya mo.”
“Hindi ka mahal ng yumaong asawa ko. Ako ang mahal niya at alam mo yan.”
Tila hindi nagustuhan ni Manuel ang nadinig niya mula kay Hector, kung kayat sinapak niya ang ama ni Alo gamit ang kanyang baril. Agad na tumumba si Hector sa sahig at dumugo ang kanyang ilong at nguso.
“Sisingilin ko kayong mag-ama. At kung hindi mo gagawin ang sinasabi ko sayo, papatayin ko si Alo sa harapan mo… At hahayaan kitang mabuhay para habang buhay mong dalhin sa konsensya mo ang lahat ng pagtatraydor mo sa akin.”
Hindi naman nakapagsalita si Hector na kasalukuyang nakahiga pa rin sa sahig. Hilong-hilo ito sa lakas ng sapak ng matandang lalaki.
Agad na lumabas si Manuel sa opisina at sa villa ng pamilya ni Alo Nagngingitngit pa rin ito sa galit at sigurado na siyang maisasakatuparan ang lahat ng kanyang mga plano. Ang pabagsakin sina Hector at Alo.
Pasipol-sipol pa si Dale habang naglilinis sa penthouse ni Alo. Kahit tatlong araw nang hindi bumabalik ang binata sa Baler ay pinapanatili pa rin ni Dale na maayos at malinis ang hotel room ng binata.
Alam niya kasing pinagkakatiwalaan siya nito sa kahit anong bagay, at bilang sukli sa magandang pakikitungo ni Alwyn sa kanya ay pinagpapatuloy nitong gawing maayos ang kanyang trabaho.
Habang naglilinis ay kumuha ito ng maiinom sa loob ng refrigerator ng binata. Ang una niyang nakita ay isang lata ng malamig na pineapple juice. Nasa loob din ng ref ang medyo matigas nang doughnut na nabili pa yata ng binata noong nakaraang linggo.
Saglit siya huminto sa paglilinis at umupo sa dinning area upang kainin ang mga pagkaing nakuha sa loob ng ref.
Nilibot ng kanyang mga mata ang kalakihan ng hotel room at pinagmamasdan kung may kakaiba dito. Siya rin kasi ang pinagkatiwalaan ni Alo na siguraduhing walang naka-kabit na spy kamera sa loob ng penthouse. Iniiwasan na rin nilang maulit ang masamang pangyayaring ginawa ni Nestor.
Maya-maya ay may biglang kumatok sa silid ni Alo. Mabilis nitong isinubo ang kabuuan ng doughnut at agad na pinuntahan ang pinto upang tignan kung sino ang taong kumakatok.
Sinilip niya muna sa butas ng pintuan ang taong iyon at nang makita ang kanyang kasamahan sa trabaho ay agad niya itong pinagbuksan.
“Oh! Ikaw pala! Bakit?” Saad nito habang ngumunguya.
“Sarap naman ng buhay mo diyan!!! Wala pa ba si Sir Alwyn?” “Wala pa. Bakit?” “Penge naman niyang nilalamon mo?!” “Wala na. Isa lang yun. Tsaka bawal ka pumasok dito eh.” “Damot naman!!!” “Pasensya na, walang personalan. Trabaho lang.” “Ulol!” “Hehehe… Oh, bakit ka ba nagpunta dito?” “Eh kasi ang kulit-kulit ni Bisor. Sabi niya, ikaw na rin daw ang maglinis ng penthouse dun sa kabilang wing.” “Ngek! Bakit ako? Pagod na pagod na kaya ako dito sa ginagawa mo.” “Ulol! Puro pasarap ka lang kaya diyan.” “Hindi pa ako tapos dito. Ikaw na gumawa nun. Ikaw na maglinis.” “Tol, gustuhin ko mang ako ang maglinis, eh ayaw ni bisor. Ikaw lang daw ang pinagkakatiwalaan dito sa penthouse.” “Eh nasaan ba si Randy? Siya nakatoka dun di ba? Mamaya may mangyari nanaman, ako ang masisi.” “Wala nga si Randy. Natigok yung lola niya. Kaya absent.” “Ganun ba? Langhiya naman oh! Kala ko puwede akong pumetiks ngayong araw eh.” “Ulol! Sige na. Puntahan mo na yun at bigyan mo ako ng kinakain mo. Nagugutom na rin kasi ako eh.” “Wala na nga. Kulit!” “Damot talaga nito. Sige na nga, aalis na ako. Ikaw na bahala dun ha. Basta nasabihan na kita.” “Eh ano pa bang magagawa ko? Ako lang pinagkakatiwalaan dito eh.. Hehehe…” “Ulol!” “Gago ka nakakarami ka nang ulol ah…” “Eh puro ka ka-ululan eh. Hehehe…” “Alis na at baka mabangasan kita.”
Mabilis na isinara ni Dale ang pinto ng penthouse ni Alo. Binilisan na nito ang kanyang ginagawang paglilinis upang masimulan ang penthouse nina Don Manuel.
Nang maisiguradong maayos na ang lahat ay inilock na rin niya ang mga silid sa loob ng penthouse at ang main door ng hotel room. Binitbit na rin niya ang mga gagamitin sa paglilinis patungo sa east wing.
Habang naglalakad ay muling sumisipol si Dale. Matagal rin siyang hindi nakapasok sa isa pang penthouse dahil isa lang din ang pinagkatiwalaan para linisin ito.
Nang nasa harapan na siya ng main door ng penthouse ay ilang ulit itong kumatok at nag-door bell. Tila walang tao sa loob ng penthouse kung kaya’t binuksan na niya ito gamit ang master key.
Pagpasok niya sa loob ay agad nitong napansing patay ang lahat ng ilaw. Medyo magulo din sa bandang sala at halatang hindi nalinis ng ilang araw.
Napakamot na lang sa kanyang ulo si Dale. Hindi kasi siya sanay sa ganitong kagulong penthouse. Di tulad ng sa kanyang amo na marunong mag-alaga ng gamit at masinop sa kanyang pagmamay-ari.
Inumpisahan niya ang paglilinis sa sala at dinampot ang mga bote at lata ng beer sa sahig. May mga tsitsirya ding nakakalat sa sahig, na malamang ay ginawang pulutan ni Don Manuel.
“Tangina! Dumi naman dito.”
Inuna nitong walisan ang maruming bahagi ng hotel room.
Dahan-dahan itong nagtungo sa may dinning area at sa malaking kabinet na nagiging divider sa sala at kusina.
Kinuha niya ang pamunas para sa muwebles at sinimulang tanggalin ang mga alikabok sa mga dekorasyong nakapatong sa kabinet.
Nang makarating ito sa isang babasaging dekorasyon sa may gitna ng kabinet, ay nanlaki ang kanyang mga mata.
Tumingin ito sa kanyang paligid at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Kinuha niya ang bagay na ito at tinignan ng mabuti. Nakita niyang nakarecord-on pa ito, ngunit nagbabadya nang mag-off dahil sa low battery na ito.
Saglit niyang pinindot ang rewind at agad na pinundot ang play button.
“Putang ina! Tangina!!!!”
Hindi makapaniwala si Dale sa kanyang napanood hanggang sa tuluyan nang namatay ang hawak-hawak na video kamera.
- Undo – Episode 8: Ctrl + Z - November 22, 2024
- Undo – Episode 7: Ctrl + X - November 22, 2024
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024