Alon: Book 1 – Chapter 9: Inner Demons

Alon

Written by ereimondb

 


Baler, Aurora 2013

Maagang dumating si Alo as opisina ng kanyang ama.

Alas-otso ng umaga ang ibinigay na oras ni Hector para ipresent sa kanya ni Alo ang status ng kanyang surfing school.

Trenta minutos pa bago mag alas-otso ay nasa study room na si Alo at inaayos ang kanyang laptop para sa kanyang presentation.

Kahit kinakabahan siya ay kailangan niya pa din itong gawin. Ito ang makakapagdesisyon kung itutuloy pa ang kanyang business o hindi na.
Nilalakasan na lamang ni Alo ang kanyang loob para ipaglaban ang eskuwelahan at ang mga empleyadong umaasa sa kanya.

Habang inaayos ang kanyang mga gagamitin ay bigla naman siyang nakatanggap ng isang text message.


Iris (+63917887458+): Good Morning!!! I know today is the day, and we believe in you. Kayang-kaya mo yan and please don’t forget to pray. Keep calm and nail it to the head! =)


Napangiti naman ito sa natanggap na mensahe mula sa isang babaeng nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.

Hindi man niya ganap na tanggapin sa kanyang sarili ay tumitibok na din ang kanyang puso para kay Iris.

Lalo siyang ginaganahan sa tuwing naaalala niya ang masasayang oras kapiling ang magandang babaeng ito.


Sir Alo (+63919778744+): Thank you for that message Iris. I really appreciate it. Meet me after this no matter what will happen, let’s celebrate. =)


Pagkareply sa mensahe ni Iris ay kinonekta na nito ang projector sa kanyang laptop.

Iniisa-isa ang mga slides ng kanyang PowerPoint presentation upang tignan baka may nakaligtaan pa siyang isama.

Tinignan din niya ang mga kinakailangang papeles at baka hanapin ito ni Hector sa kanya.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok sa study room si Angela.

Napatingin naman ito sa babae at nagtataka kung bakit kasama siya sa kailangang manood ng kanyang presentation.

“Why are you here? Is there something you need from me?”

Marahang umupo si Angela sa harapan ni Alo. Kitang kita naman ng binata ang kurba ng babe at ang nakadungaw na malalaking suso nito.

Napapalunok na lamang ang binata at sinusubukang hindi tumingin dito.

“Your father told me to be here. You know, I support him, and everything that ticks him off.”
“I don’t want to further disrespect you, but you don’t need to be here.”
“Why not? We are engaged. I need to know everything about his businesses and affairs, because I know one day I will be part of these.” Saad ng magandang si Angela.

Lalo namang nabadtrip si Alo sa narinig nito sa girlfriend ng kanyang ama.

“Angie… Angie right? You know, there are just some things in life that we can’t have. It is not fair, I know, but that’s life! And for you, this is just one of those things that you will never have.” Makahulugang sagot ng binata.

Ngumiti lamang si Angela sa kanya at bigla itong tumayo, saka nilapitan ang binata. Bahagya itong umupo sa lamesa kung saan nakalagay ang kanyang laptop at projector. Kitang kita pa din ni Alo ang kaseksihan nito na parang nang-aakit pa sa kanya.

“I heard a lot of things from you, Alwyn or Alo…or Alon??? Some great things and most of them were bad things. Hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan to clean-up your mess, besides, we are going to be a one big happy family.”

Hindi maunawaan ni Alo ang pinagsasasabi ni Angela kung kaya’t napakunot-noo na lamang ito.

“Believe me Alwyn… You’d better have me on your side, because I can be your worst enemy. So… think about it… We’ll be having a one great hell of a ride.” Dagdag ng babae sabay hawak nito sa pisngi ni Alo.

Tumayo na siya at muling bumalik sa kanyang upuan.

Habang si Alo naman ay parang naninigas sa isang sulok. Amoy na amoy niya ang halimuyak ng dalaga at ang bango ng hiniga nito.

Napaiisip din siya kung gaano ka-wild ang babae dahil sa inasal sa kanyan nito.

Hindi na lamang niya ito pinatulan, sa halip, ay muling ibinaling ang kanyang atensyon sa presentation.


Ilang minuto ang nakalipas at dumating na din si Hector.

Siya at ang kanyang girlfriend lamang ang manonood sa presentation ng binata. Kung kaya’t nawala na ang kaba ni Alo ng kanyang simulan ito.
Halatang pinagbutihan ng binata ang kanyang ginagawa, at nakikitaan ni Hector ng potensyal ang anak sa pakikipag-usap at kung paano nito pilit na kinukuha ang loob ng ibang tao.

Natutuwa siya sa mga pagbabago ni Alo makalipas ang maraming taon, ngunit hindi niya ito pinapahalata sa anak dahil baka maging kampante naman ito.

Habang nagrereport si Alo ay ngingitian naman siya ni Angie. Hindi mapigilang sulyapan ni Alo ang babae dahil tila humahawak pa ito sa kanyang kaliwang suso. Agad namang ibinabaling ni Alo ang kanyang paningin kay Hector.

Bago matapos ang kanyang presentation, ay ipinakita ni Alo sa kanyang ama ang report ng mga kinita at gastos ng kanyang eskuwelahan.

Alam ni Hector na maayos naman ang takbo ng business ni Alo, ngunit hinahayaan niya pa rin ito na maipaliwanag sa kanya ng maayos.

Habang ipinapaliwanag ni Alo ang lahat ng nakasulat sa kanyang report ay sumisingit si Angie at nakikisilip siya dito. Sinasadya man o hindi, nararamdaman ni Alo ang kalambutan ng suso nitong dumadampi sa kanyang kaliwang kamay.

Kahit ilayo ito ang kanyang kamay mula sa suso nito ay tila hinahabol pa ni Angie ito. Umuusog pa ng kaunti ang babae at kusa nitong ikinikiskis ang bandang baba ng suso niya kung saan naroon ang kanyang utong.

Nagkunwari na lamang ang binatang walang nararamdaman kahit panay na ang pagkislot ng kanyang sandata. Gusto na sanang ipasak nito ang kanyang burat sa bibig ni Angie habang nagpapaliwanag ng report kay Hector.

“Mamaya ka sa akin…” Bulong ni Alo sa kanyang sarili habang patuloy itong nageesplika sa kanyang ama.

Makaraan ang mahigit isang oras ay natapos ni Alo ang kanyang presentation.
Kahit walang pumalakpak sa dalawa, alam niya sa kanyang sarili na ibinigay niya ang lahat-lahat para maipaglaba ang surfing school niya.

Tahimik itong naghihintay ng direksyon mula sa kanyang ama, habang panay naman ang inom nito sa kanyang maiinit na kape.

“Angie, please leave us first.” Pakiusap ni Hector sa magandang babae.

Agad namang tumayo si Angela at hinalikan niya muna sa pisngi ang matanda bago umalis.

Kitang-kita ni Alo ang bilugang puwet ng babae at iniisip nitong kinakantot niya ito patalikod. Napaplunok na lamang ang binata sa inaasal ng babaeng ito sa kanya.

“Sit down Alwyn. Take your seat.” Muling pakiusap ni Hector.

Pagkaupo ni Alo ay tumayo si Hector upang kumuha ng dalawang wine glasses. Ibinuhos nito ang white wine saka iniabot kay Alo.

Agad namang kinuha ni Alo at hinihintay nito kung ano ang sasabihin ng kanyang ama.

“You did great! I think you are ready.” Saad ng kanyang ama.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Alo nang marinig ang papuri ni Hector sa kanya.

“I admire you son. For such a young age, talagang nahinog ka na sa ganitong usapin. You are a self-made man.” Dagdag ni Hector sabay inom ng alak.

“I know your mom, will be so proud of you… I am truly proud of you, son.”
“Thanks dad. I am just happy you appreciated everything that I have done with the surfing school.”
“That surfing school made you a strong young man… Ready ka na talaga for bigger things.”
“What do you mean?”

Tumayo naman si Hector at lumapit sa kanyang anak.

“What I mean son, is that you are ready to manage our company… The Hotel.”
Lalong nangangatog si Alo habang ninanamnam lahat ng sinasabi ng kanyang ama.
“That would be great dad… What’s the deal? I know there is always something that I need to deal with you. Is it the school? Are we shutting down the school?”

Bumalik muli si Hector sa kanyang kinauupuan sabay inom ng alak mula sa kanyang wine glass.

“Why you want this surfing school to stay?”
“Because I cannot imagine myself living without it. Iyon ang buhay ko dad for the past 5 years. I created a family within my employees. They treated me good. They are always doing their best. I mean these people, they are my treasure.”
“Good. That is good to hear from you.”
“Please, let’s keep the surfing school. I will do everything in return.”
“I am not getting any younger Alwyn. I need someone to take charge. I want you to take the next level. The hotel will be your next level. I want to prepare you even more.”
“I will gladly take that challenge dad. But please, promise me na hindi mo gagalawin at papakialaman ang surfing school ko.”
“Do you think I am that kind of monster Alwyn? I always wanted the best for you son. If that will make you happy, let’s keep it. You can also do some renovations…well if there is a need. You know I can give you my whole support.”
“Thanks dad. I really appreciate it. Thank you.”
“But I need your time. I want you to take the Operations Manager position. I will promote Mr. Sandoval to be the Vice President for now, while you are still preparing for the bigger… tougher tasks.”
“Ops Manager? What about the school?”
“I need you to find a new Director for the school to manage it. Of course, it is still yours. What I mean is, I need your full time sa hotel.”
“That’s the deal?”
“Yes, son.” Maikling sagot ni Hector.

Pansamantalang tumahimik at nag-isip si Alo ng kanyang isasagot kay Hector. Alam niya hindi ganun kadali ang mamahala ng hotel at lalong hindi madali na iwanan ang kanyang empleyado sa surfing school.

“Okay. I will take it.”

Muli naman siyang nilapitan ng kanyang ama at masaya itong nakumbinsi niya si Alo para tutukan ang pamamahala sa kanilang hotel.

“I am proud of you son. You made the right decision. This is all yours son. I am doing this for your own future. Good job!”

Niyakap ni Hector ang kanyang ama dahil sa tuwa nito.


Pagkatapos ng presentation ay agad namang nagpunta si Alon sa kanyang surfing school.

Tinipon niya ang lahat sa pantry at nagpadala ng mga masasarap na pagkain para sa kanyang empleyado.

“Sir, last supper po ba?” Biro ni Justine.
“Sira ulo ka talaga!” Saad ng hiring manager.

Bakas sa mukha ng lahat ang kaba kung ano ang naging desisyon para sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Tahimik sila habang hinihintay ang kanilang bossing na magsalita.

“Naandito na ba lahat?” Tanong ni Alo.
“Yes, sir.” Saad naman ng hiring manager.
“Good. Well may decision na ang higher-ups about our school.”

Tila hindi humihinga ang lahat at parang ayaw na nilang madinig ang sasabihin ni Alo.

“I did my best. I think I did my best to impress them and let them know our value. I tried to convince them, I really did.” Nakayukong saad ni Alo.

Halos maiyak naman ang lahat habang hinihintay ang bawat salitang manggagaling sa bibig ng kanilang boss.

“And the decision……”

Pansamantalang tumigil si Alo. Pinipigilan ng lahat ang kanilang paghinga.

“is…we can now keep our jobs! Congratulations guys!!!!”

Nagtalunan naman lahat ng kanyang empleyado at nagyakapan dahil sa sobrang tuwa.

Kinindatan naman ni Iris si Alo at bakas ang kaligayahang nadarama ng dalaga dahil tuloy pa din siyang makakapagtrabaho bilang surfing instructor.

“I owe this to you guys. You did a great job. And the management was very impressed with our performance as a team. So let’s just keep it up and continue to do our best..” Saad ni Alo.

Kitang-kita ang kasayahang nadarama ng lahat dahil hindi sila mawawalan ng trabaho. Isang napakagandang balita ang kanilang narinig mula sa kanilang boss Alo.

Kinakamayan naman ni Alo lahat ng mga surfing instructors, department heads at pati ang mga janitors na walang sawang nagaasikaso sa kanya.

“Guys, it is time to celebrate! Let us all eat!!!”

Parang piyesta namang nagsalu-salo ang lahat at hindi nila mapigilang maghalakhakan at magtawanan sa sobrang saya.

Maya-maya ay lumapit si Alo kay Iris at intinakas niya ito papalabas.

Gusto niyang masolo ang dalaga.

Matapos masiguradong walang makakakita sa kanila, ay agad namang naghalikan ang dalawa.

“I miss you.” Saad ng dalaga.
“I miss you too..”
“Sabi ko namang kaya mo yan eh! See, maayos na ang lahat.”
“It is because of you.”

Hinalikan muli ni Alo ang dalaga sa labi.

Maya-maya ay natigilan si Alo at napayuko, nang maalala niyang sa Hotel na siya fulltime na magtatrabaho.

“Just one thing you need to know…”
“What? Tell me?”
“I was promoted as Operations Manager by my dad. I need to work sa hotel. I need to manage the hotel, fulltime.”
“Fulltime?” Tanong ng dalaga.

Hinawakan naman ni Alo ang kamay ni Iris habang hinihintay ang binata na kumibo ito.

“Well, Alam naman natin na diyan ka papunta. Matanda na si Daddy mo, and maybe, he just want you to know everything about the hotel and resort. It is for the best. Congratulations, Alo.”

Maayos na tinanggap naman ni Iris ang ibinalita ng binata. Marahang hinalikan sa pisngi ni Alo si Iris bilang pasasalamat.

“I promise, I will find time to be with you always.” Saad ni Alo.
“You don’t have to….” Sagot naman ni Iris.
“Bakit? Ayaw mo ba?”
“Wala ka namang obligasyon sa akin hindi ba?”
“Bakit naman wala?”
“Eh ano ba tayo?” Tanong ni Iris.

Natigilan naman si Alo sa tanong ni Iris. Iniisip din niya kung saan ba patungo ang kanilang relasyon.

“Ikaw? Ano ba gusto mo?” Balik-tanong ni Alo.
“Hmmm… Hindi tayo…pero tayo lang dapat.” Sagot ng babae.
“Hindi tayo, pero tayo lang dapat? Ano yun?” Napakunot-noo naman ang binata sa sinagot sa kanya ni Iris.
“Hindi tayo… sa ngayon. Pero dapat, tayo lang at wala nang sisingit na iba.” Hirit ng dalaga.
“Ayos yun ah… Bagong status? Hehehe..”
“Madami pa tayong kailangang ayusin sa buhay natin. Doon muna tayo magfocus Alo. At kapag nahahandle na natin ng maayos ang mga iyon, saka tayo mag-usap ulit.” Paliwanag ni Iris.

Napangiti naman si Alo sa kanya. Tila naiintindihan ni Iris ang nakapatong na responsibilidad sa binata, kung kaya’t ayaw nitong dagdagan pa ang iniisip ni Alo.

“Thank you for always understanding me Iris.”

Hinalikan muli ng binata ang napakagandang babae. Masaya siya dahil lahat sa buhay niya ngayon ay nasa-ayos.


Makalipas ang ilang araw, tuluyan nang kinuha ni Alo ang posisyon bilang Operations Manager . Kahit nahihirapan ang binata ay sinisikap nitong matuto mula kay Mr. Sandoval at kay Hector kung papaano patakbuhin ang hotel.
Halos hindi na sila nagkikita ni Iris, ngunit sa tuwing may pagkakataon ay gumagawa naman ng paraan ang binata para mailabas ang magandang babae.

Tama ngang napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanya, kung kaya’t pagpasok nito sa kanyang penthouse ay bagsak agad sa kama si Alo.
Tulog na tulog ang binata sa sobrang pagod.

Naintindihan naman ng kaniyang mga empleyado sa surfing school ang sakripisyong ginawa ni Alo para sa kanila. Lalo nilang hinangaan ang binata dahil sa kabutihang loob nito.

Kapag may-oras ay dumadaan pa din doon si Alo upang makipagkuwentuhan at makipagkulitan sa kanila, at siyempre, upang makita si Iris.


Isang araw, nagpatawag si Hector ng meeting.

Pinulong sila ng ama ni Alo para sa isang possible business venture.

“This week, I need you to focus on the possible business venture with Don Manuel.”
“Don Manuel? Is he ninong Manny?”
“Yes, your ninong Manny will be here again sa piyesta ng Aurora.”
“Wow! What business he is up to?”
“He will be my business partner sa bagong hotel na itatayo sa tabi natin.”
“That’s great!”
“I want you to personally meet with him and handle this business partnership properly.”
“Okay dad. I will, no problem.”
“Good. Just let us know if you have any questions regarding this event. Mr. Sandoval, please continue to guide my son about this.”

Tuwang-tuwa si Alo dahil pinagkakatiwalaan siya ng kanyang ama at binibigyan siya ng mabibigat na gawain para sa hotel.

Panay naman ang pakikipag-usap ni Alo sa secretary ni Manuel bago ang kanilang meeting.

Inayos ni Alo ang accommodation ng kanyang tito Manny at ang mga kasama nito.

Excited siya maisarado ang deal at tuluyang hangaan ng kanyang ama.

Kinuhang oportunidad ni Alo ito upang mapasalamatan ang kanyang ninong Manny sa magagandang regalo nito noon sa kanya.

Ipapakita niyang, maayos at buhay pa ang anim na surfboard at jetski na iniregalo sa kanya nito.

Gusto din niyang patunayan sa lahat na kaya niya na itong gawin at tapusin nang siya lamang ang humahawak.

Iyon nga lang…

Nawawalan na siya ng oras kay Iris at sa kanyang surfing school.

Naiintindihan naman ito ng dalaga, ngunit ilang beses na din hindi natutuloy ang kanilang lunch out or dinner nilang dalawa.

Pilit namang inuunawa ito ni Iris at nililibang ang kanyang sarili sa kasasama sa ibang surfing instructors.

Alam niyang babalikan din siya ng binata kapag naayos na nito ang lahat.


Dumating na ang araw ng Business Partnership Meeting ni Hector at Don Manuel.

Abalang-abala naman si Alo sa pag-aasikaso ng lahat; ang tutuluyang kuwarto, kakainin, mga pipirmahang kontrata at ang mini presentation para sa bagong itatayong hotel.

Hindi nakakramdam ng pagod ang binata at tila excited itong makita muli ang kanyang ninong matapos ang higit anim na taon.

“Sir Alwyn, Nasa restaurant na po si Don Manuel and his group.” Saad ng sekretarya ni Alo.
“Thanks, bababa na ako.”

Agad namang pinuntahan ni Alo ang restaurant kung nasaan ang kanyang ninong.

Inayos nito ang kanyang kurbata at marahang pinagpag ang kanyang pantaloon.

Kagalang-galang tignan si Alo sa kanyang suot.

Inihanda na nito ang kanyang sasabihin kay Don Manuel.

Pagpasok nito sa restaurant, ay agad hinanap ang kanyang ninong. Tinignan ang kaliwa’t kanan upang mahanap ito at padiretsuhin sa conference hall.
Maya-maya ay natigilan si Alo nang makita ang isang pamilyar na babae.
Ngunit, tila nagbago ang kanyang hitsura.

Ang dating mahabang buhoy, ngayon ay maikli na. Doon lang din niya nakitang nakaganoong bihis ang babaeng ito at talaga namang lalo itong gumanda.

Ang lakas ng kabog sa dibdib ni Alo at tila hindi ito makagalaw mula sa kanyang pagkakatayo.

Napatingin din sa kanya ang babaeng ito. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang hindi niya inaasahang makikita niyang muli si Alo.

Bigla itong tumayo at gustong umalis agad ng restaurant, nang bigla nitong nakasalubong ang kanyang asawa.

Sinundan naman ng tingin ni Alo ang magandang babae at laking gulat niya sa kanyang nasaksihan.

Tumingin sa kanyang direksyon ang lalaking kasama ng pamilyar na babae at agad nilapitan si Alo.

“Alwyn!!! My inaanak!!! Kamusta? Wow!! Look at you now!! It’s been 6 years iho! Where is kumpadre?” Saad ni Don Manuel.

Hindi maibuka ng maigi ni Alo ang kanyang bibig upang makapagsalita.

“By the way Alwyn, I would like you to meet my wife Andrea. Andrea, this is Alwyn, the son of my kumpadre and of course, my inaanak.” Saad ng ninong ni Alo.

Nagpanggap naman si Andrea na hindi niya kakilala ang binata.

“Nice to meet you.” Saad ni Andrea, sabay ngiti kay Alo.

Maya-maya ay may papalapit namang babae na may hawak na iced tea kina Alo, Andrea at Don Manuel.

“Kuya Aloooooo!!!!!! Finally we meet again!!!!” Saad ni Nikki sabay yakap sa binata.

Parang gustong himatayin ni Alo, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding takot dala ng nakaraan.

“You look so beautiful today. I haven’t seen you dressed-up like that before.”

Patuloy sa pagtitig si Alo kahit naka tanaw sa malayo si Andrea.

“You have changed a lot.”

Hindi pa rin kumikibo ang babae.

“Nasorpresa talaga ako na ikaw pala ang asawa ni ninong Manny. Hindi ko talaga naisip na batang-bata ang bago niyang asawa… What? 20 years? 25 years? Malayo pa din ang agwat ninyo sa isa’t isa.”

Dinig na dinig naman ang mga malalalim na paghinga ni Andrea.

“Kamusta naman relationship niyo? Doing good? Going strong?”

Bahagyang sumulyap sa kanya ang napakagandang babae.

“If my memory serves me right, kaya ka nagpunta dito sa Baler noong summer eh dahil your relationship is not working that well. Tama?”

Hindi na napigil ni Andrea ang kanyang sarili at hinarap na din ang binata.

“You’re an ass…hole!”

Ngumiti naman ang binata dahil napansin niyang naasar sa kanya si Andrea.

“Did I burst your bubble? Yun na ba ang way para magsalita ka?”

“We don’t need to talk.”

“We have to talk. I am your business partner now.”

“Manuel is only your business partner and not me.”

“But you are married. What’s his, is also yours.”

Hindi naman nakasagot si Andrea sa hirit ng binata.

“Are you really married? Or you are just his kept woman?”

“As I said, we don’t have to talk.”

“Ha! Okay ka din eh no? Why him? Bakit ka nagtitiis sa isang matandang tulad ni ninong? Is it for six? Is it for his power? Or is it for his money?”

“I don’t need to explain myself or anything to you. Kung alam ko lang talaga na ikaw ang makakausap ng asawa ko, I would rather stay at home and just be his falling wife.”

“Respect, Andrea. Give yourself a little respect.”

“Respeto? At sa iyo pa talaga nanggaling yon? What do you know about respect?”

Hindi na rin nakasagot si Alo matapos siya pagtaasan ng boses ng babae.

“Pervert. That’s what you are. You are just a selfish little brat, a pig, and a pervert. Hindi ko pa din nakakalimutan ang lahat Alo. And I will never ever forgive you.”

Sabay alis ni Andrea at mabilis na naglakad ito papalayo.

 

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x