Written by ereimondb
Baler, Aurora
Five Hours Ago…
Parang hindi makagalaw si Alo dahil sa pagkakayakap sa kanya ni Nikki.
“You two have met?” Tanong ni Manuel sa pamangkin ni Andrea.
“Yes tito, during our summer vacation here.” Sagot naman ni Nikki na ngayo’y nakahawak na sa kamay ng binata.
“Good. I know you will love this place.”
“We love this place tito Manny. And I have also learned how to surf. Right kuya Alo?”
Ngumiti lamang si Alo sa dalaga at panay pa din ang sulyap nito kay Andrea.
“That’s nice. We are going to do that later. But before anything else, can we start with the contract signing?”
“Yes sir. Everything is ready now. I would like to personally welcome you here in our hotel. And we can now proceed to the conference room. My dad is waiting for you there ninong Manny.”
“Good! Good! Your dad and I need to talk first.”
“No problem ninong Manny. Can we go now?”
Agad namang idinala ni Alo ang kanyang ninong at ang mga kasamahan nito sa conference room.
Nakahanda na ang lahat pati ang audio-visual presentation na inihanda ng kanyang staff para sa mangyayaring contract signing.
Malugod namang tinanggap ni Hector ang kanyang kumpadre at sandaling nag-usap sa may smoking lounge.
Naiwan naman ang magtita sa loob ng conference hall kasama si Alo at ang ilang mga shareholders ng hotel.
“Namiss kita kuya Alo.” Saad ni Nikki.
Ngiti pa din ang sagot ng binata rito. Ayaw na niyang dagdagan pa ang galit ni Andrea sa kanya.
Kapansinpansin naman ang bagong hitsura ni Andrea mula noong nakilala niya ito.
Ang dating mahabang buhok, ngayon ay naging maikli na lamang. Halos lagpas lamang sa may ibaba ng kanyang tenga. Kitang-kita ni Alo ang magandang leeg ng babae.
Nakapustura din ang babaeng ito na hindi pa niya nakikita noong nakaraang buwan.
Halata ang pagbabagong naganap sa kanilang dalawa.
Pareho na silang seryoso sa kanilang tinatahak sa buhay.
Siya, bilang ang butihing may bahay ni Manuel. At si Alo, bilang isang businessman at operations manager ng hotel.
Isang malaking surpresa ito para sa kanilang dalawa. At hindi nila maiiwasan ang isa’t isa, lalo na’t may kontrata pang mag-uugnay sa kanyang asawa at sa kinasusuklamang lalaki.
Patuloy ang hindi pagpansin ni Andrea kay Alo. At kahit pa tinititigan siya ng binata ay hindi ito natitinag.
Kabaliktaran naman sa ginagawa sa kanya ni Nikki. Panay ang pangungulit nito sa kanya.
“You know kuya Alo, I am just so happy na magiging part na rin kami ng hotel ninyo. Ibig sabihin nun lagi na din kami dito.”
“Oo nga Niks eh. Palagi na tayo magkakasama-sama. You, your tita Andrea ang ninong Manny.”
Napakunot-noo naman ang magandang babae dahil sa nadinig nito mula sa binata.
“That is right kuya Alo. I am also excited to try surfing again.”
“Cool Niks. Ako rin, medyo matagal-tagal na din hindi ako nakakapag-surf eh. Sobrang busy dito sa hotel.”
“Kawawa ka naman kuya Alo… Sino naman nag-aalaga sayo dito?” Tanong ni Nikki.
Napataningin muli si Alo kay Andrea at tila lalo niya itong gustong inisin.
“Wala nga Niks eh… Naghahanap pa.”
Mukha namang kinilig si Nikki sa sinabi ni Alo.
“Don’t worry I am here naman kuya Alo. I can take care of you.”
Hindi nakapagpigil si Andrea sa kanyang nadinig.
“Nikki! Can you get me a cup of coffee, please? Hot and Black. No sugar.” Utos ni Andrea sa kanyang pamangkin.
Nakasimangot namang sumunod si Nikki at agad na lumabas ng conference room.
“Puwede ba! Itigil mo yang ginagawa mo sa pamangkin ko…”
“Bakit? Ano bang ginawa ko kay Niks?”
“I am warning you! Layuan mo ang pamangkin ko. Pervert!”
Tumingin naman sa kanyang paligid si Alo at siniguradong walang nakarinig sa sinabi ni Andrea.
“Bakit natatakot ka? Natatakot kang malaman ng lahat ang kababuyan mo? I am warning you. Get out of our lives. Or else, ako mismo ang magpapatawag ng board meeting and let them know kung gaano ka kababoy!” Galit nag alit namang saad ni Andrea.
Tumayo si Alo at umails sa harapan ni Andrea.
Hindi naman inalis ng babae ang kanyang paningin sa lalaki.
Nagpasya na lamang si Alo na makipag-usap sa mga shareholders na nasa loob ng conference room.
Nilubayan niya na ng magandang babae.
Maya-maya naman ay pumasok na sina Hector at Manuel sa conference room. Naupo sila sa may bandang dulo ng lamesa at hinandaan sila ng maiinom.
Inayos naman ni Alo ang kanyang mga kakailanganin sa presentation at sinimulan ang partnership meeting.
Tahimik na nakikinig ang lahat sa mga sinasabi ni Alo.
Pati si Andrea ay nakikinig din sa ineexplain ng binata sa lahat.
Tila humahanga si Andrea sa kahusayan ni Alo sa kanyang ginagawa. Gayundin ang lahat ng shareholders, ang kanyang asawa at ang ama ng binata.
Hindi maikukubli ang pagbabagong it okay Alo, lalo na’t may nais itong patunayan sa kanyang ama.
Sadyang pinaghandaang maigi ng binata ang lahat ng kailangan niyang gawin at sabihin sa meeting na iyon.
At dahil nasa harapan niya din si Andrea, kung kaya’t lalo siyang ginanahan at nagpakitanggilas dito.
Makalipas ang mahigit isang oras na nasa loob sila ng conference room, ay sinamahan ni Alo sina Hector at ang girlfriend nitong si Angie, sina Manuel, ang asawang si Andrea at pamangkin nitong si Nikki, sa isang mamahaling restaurant sa tabi ng hotel.
Agad namang kinongratulate ni Hector ang kanyang anak sa napakagandang presentation nito tungkol sa bagong itatayong hotel at napahanga niya lahat ng taong kasama sa meeting.
“Alwyn is really ready for this job, kumpadre. I am very happy sa kinalabasan nitong partnership meeting natin. Alam kong maraming pang magbubukas na opportunities for Alwyn after this.” Saad ni Manuel na hangang-hanga sa kanyang inaanak.
“What can I say… He learned from the best, kumpadre. Hehehe” Pagmamalaki naman ni Hector.
“Kung anong puno, siya ring bunga.”
“How about your surfing school inaanak? Are you still the one who is managing it?” Pagusisa ni Manuel.
“For now, yes. But since I am already giving my full time for the hotel, and of course sa bagong business venture ni dad, I am going to entrust the management to someone. And that is very, very soon.” Sagot naman ni Alo.
“He chose not to leave the surfing school, kumpadre. He learned a lot from that anyway.”
“I think that is great. I heard good things about that surfing school. I think even Nikki enjoyed her stay here last summer because of the water activities offered by the hotel, through your surfing school. It is a good marketing strategy, inaanak. Very good!” Muling papuri ni Manuel kay Alo.
“Yes tito. I had a blast trying that water sport. And kuya Alo is such a good instructor.” Hirit naman ni Nikki.
Biglang kinabig ni Andrea ang pamangkin dahil sa biglang pagsabat nito sa usapan.
“I am happy that you enjoyed your stay here Niks. We will do that again next time…If I have time, I mean.” Saad ng binata sabay kindat kay Nikki.
Bakas naman ang pagkairita ni Andrea sa sinabi ng binata sa kanyang pamangkin.
“I heard lima na daw ang jet ski mo sa iyong surfing school inaanak?”
“Yes tito. And guess what? Buhay pa din yung jet ski na ibinigay mo sa akin a few years back.”
“Good! Good! Good! I know you are going to take good care of that Alwyn.”
“As well as the surfboards that you gave me, I still have them.”
“Maybe we can try to do surfing soon, right Andrea?”
Hindi naman makasagot ang babae sa kanyang asawa.
Yumuko na lamang ito at hindi nagbigay ng kahit anong sagot o reaksiyon sa sinabi ni Manuel.
Bakas naman ang pagbabago sa mukha ng ninong ni Alo dahil sa ginawa ni Andrea, at tila nagalit ito sa babae.
“She is just tired.” Sabay saad ni Manuel.
“I have already prepared and planned your full accommodation here in our hotel. We will be neighbors for the next 14 days. I am also living in the penthouse, and yours will be on the north wing.” Saad ni Alo.
“That’s great! I think we should go now, Andrea.” Mabilis na tugon ni Manuel sabay tayo nito at inalalayan si Andrea.
“I can show you… ”
“No need Alwyn. We can help ourselves.”
“Okay then…”
“See you around kuya Alo.” Saad ng pilyang si Nikki.
“Okay Niks!” Sagot naman ng binata.
Sabay sabay na umalis ang pamilya ni Manuel, diretso sa elevator papaakyat sa penthouse.
Muling kinamayan ni Hector ang kanyang anak dahil sa galing nitong magmanage ng partnership meeting nila, at sabay umalis na din ng restaurant papunta sa kanyang villa.
Umalis na din si Alo sa restaurant at pinasalamatan ang kanyang staff dahil sa magandang kinahinatnan ng kanilang pagod at pagtitiyaga. Pinauwi na niya ang mga ito para makapagpahinga at makapiling na din ang kanilang mga mahal sa buhay.
Umakyat na din siya agad papunta sa kanyang penthouse upang magbihis.
Namimiss na din kasi niya ang tubig.
Matagala na din siyang hindi nakipagsayaw sa alon ng dagat.
Plano nitong mag-surf buong araw bago siya bumalik sa eskuwelahan.
Pagkatapos niyang magbihis, dala ang isang bag at ang kanyang surfboard, napatigil ito sa paglalakad nang may nadinig siyang boses sa kabilang wing ng hotel.
Medyo malakas ito at parang hindi maganda ang ingay na kanyang nadidinig.
Naisip niyang siya at ang kanyang ninong lamang ang nasa floor na iyon, kung kaya’t agad nitong inusisa ang kaguluhang ito.
Dahan-dahan niya itong nilapitan at nang makita niya ang kanyang ninong ay nagtago ito sa may pader.
Nakita niyang nag-uusap ang kanyang ninong Manny at si Andrea.
Tila may pinagtatalunan ang dalawa.
Maya-maya ay nagulat si Alo nang sampalin ng lalaki ang magandang babae.
Napahiga sa sahig si Andrea dahil sa lakas ng sampal dito mula kay Manuel.
“You better do what I say. Ako ang dapat laging nasusunod dito Andrea, and not you.” Saad ng galit na galit na si Manuel.
Nanlaki naman ang mata ng binata sa kanyang nasaksihang karahasan mula sa mag-asawa.
Sinasaktan ni Manuel si Andrea at hindi naman lumalaban sa kanya ang babae.
Panay iyak lamang ito habang nakayuko at hawak ang namumulang pisngi.
“You are nothing without me. Tandaan mo yan Andrea. Ako ang gumawa sayo. Kaya bigyan mo ako ng kahit konting kahihiyan.”
Matapos noo’y pumasok na sa penthouse si Manuel at iniwan sa labas ang babae.
Tumayo si Andrea at pinunasan nito ang kanyang mga luha at agad naglakad papalayo sa kanilang silid.
Agad namang tumakbo si Alo at nagtago sa may pinakadulo ng pasilyo at hinihintay ang susunod na gagawin ni Andrea.
Pinindot ang down button ng elevator at nang bumukas na ito ay agad siyang pumasok.
“Down?” Tanong ni Alo. Nagpanggap itong walang nakita sa nangyari sa dalawa.
Hindi siya sinagot ng babae at tumingin na lamang sa kabilang bahagi ng elevator, hawak-hawak pa din ang kanyang namumulang pisngi.
Pasipol-sipol pa si Alo at hindi na rin niya pinapansin ang babae.
Ayaw niyang pahirapan pa ito, lalo’t silang dalawa lamang ang nasa elevator.
Paminsan-minsa’y sumusulyap siya dito, at nakikitang pinupunasan ni Andrea ang kanyang mga luha na kusang tumutulo sa kanyang mata.
Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin sa magandang babae.
Ngayon lang din siya nakasaksi ng ganoong klaseng pananakit.
Wala man siyang karapatang maghimasok sa buhay nilang mag-asawa, ngunit alam ni Alo na kailangan niyang gumawa ng paran para matigil ang ganitong karahasan kay Andrea.
Nang bumukas ang pinto ng elevator, ay pinauna niyang lumabas ang babae.
Pinagmamasdan niya kung saan tutungo si Andrea.
Patuloy lamang ito sa paglalakad at tila walang direksyon na pinupuntahan.
Papalapit siya ng papalapit sa pampang at bigla itong tumigil.
“Sinusundan mo ba ako?” Tanong ni Andrea sabay lingon sa kanyang likuran.
“Magsusurf ako. Natural papunta din ako dito sa dagat.” Sagot ni Alo sabay bagsak ng kanyang dalang bag.
Hindi naman sumagot ang babae at nagpatuloy sa pagtanaw sa kalawakan ng dagat.
“You look so beautiful today. I haven’t seen you dressed-up like that before.”
Patuloy sa pagtitig si Alo kahit naka tanaw sa malayo si Andrea.
“You have changed a lot.”
Hindi pa rin kumikibo ang babae.
“Nasorpresa talaga ako na ikaw pala ang asawa ni ninong Manny. Hindi ko talaga naisip na batang-bata ang bago niyang asawa… What? 20 years? 25 years? Malayo pa din ang agwat ninyo sa isa’t isa.”
Dinig na dinig naman ang mga malalalim na paghinga ni Andrea.
“Kamusta naman relationship niyo? Doing good? Going strong?”
Bahagyang sumulyap sa kanya ang napakagandang babae.
“If my memory serves me right, kaya ka nagpunta dito sa Baler noong summer eh dahil your relationship is not working that well. Tama?”
Hindi na napigil ni Andrea ang kanyang sarili at hinarap na din ang binata.
“You’re an ass…hole!”
Ngumiti naman ang binata dahil napansin niyang naasar sa kanya si Andrea.
“Did I burst your bubble? Yun na ba ang way ko para mapagsalita kita?”
“We don’t need to talk.”
“We have to talk. I am your business partner now.”
“Manuel is only your business partner and not me.”
“But you are married. What’s his, is also yours.”
Hindi naman nakasagot si Andrea sa hirit ng binata.
“Are you really married? Or you are just his kept woman?”
“As I said, we don’t have to talk.”
“Ha! Okay ka din eh no? Why him? Bakit ka nagtitiis sa isang matandang tulad ni ninong? Is it for six? Is it for his power? Or is it for his money?”
“I don’t need to explain myself or anything to you. Kung alam ko lang talaga na ikaw ang makakausap ng asawa ko, I would rather stay at home and just be his falling wife.”
“Respect, Andrea. Give yourself a little respect.”
“Respeto? At sa iyo pa talaga nanggaling yon? What do you know about respect?”
Hindi na rin nakasagot si Alo matapos siya pagtaasan ng boses ng babae.
“Pervert. That’s what you are. You are just a selfish brat, womanizer, a pig, and a pervert. Hindi ko pa din nakakalimutan ang lahat Alo. And I will never ever forgive you for that.”
Sabay alis ni Andrea at mabilis na naglakad ito papalayo.
“Nakita ko ang lahat Andrea.” Saad ni Alo sabay hatak niya sa braso ng babae
“Don’t touch me!”
“I saw everything.”
“I don’t know what you are saying.”
“Yang pamumula ng pisngi mo… Yan lang ba ang inaabot mo sa kanya?”
“Get out of my life! Get out of our lives.”
“Hindi mo dapat hinahayaan na saktan ka ng asawa mo.”
“You don’t know me. You don’t know the truth.”
“But I know what is right! That is not right!”
“Ano bang pakialam mo? Hindi ka parte ng buhay ko.”
“May pakialam ako. This is my hotel! I am managing this hotel, at hindi ko hahayaan ang kahit sino, na maagrabyado. We have cctv. We have proof.”
“Hindi mo alam kung anong ginagawa mo. Hindi mo kilala si Manuel.
“Hindi ko nga siya kilala. Dahil hindi iyon ang ninong Manny na ipinakilala sa akin.”
“So don’t try to be all-knowing. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin sa akin, kay Nikki at lalo sa iyo.”
“Hindi ako magmamalinis, Andrea. Madami akong nagawang mali sa iyo at sa pamangkin mo. Pero hindi ko palalampasin ito.”
“Stay away from us. Kung ayaw mong bumagsak at mapahamak.”
“I can’t promise that.”
Agad namang naglakad papalayo si Andrea kay Alo.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa ipinapakita sa kanya ng binata, o matatakot ito para dito.
Alam ni Andrea na makapangyarihan si Manuel.
Ayaw niya ng anumang gulo na magaganap sa kanilang lahat.
Samantalang si Alo naman ay buo ang pasya na tulungan si Andrea.
Hindi niya hahayaan na mapahamak ang magtita.
Gagawa siya ng paraan upang matigil ang karahasang ito sa kanilang hotel.
Kinuha niya muli ang kaninang bitbit na surfboard at agad lumusong sa tubig.
Ito na lamang ang kanyang stress reliever at para sa kanya, mas nakakaisip siya ng tama sa tuwing nadadampian siya ng alon mula sa dagat.
Makalipas ang ilang oras, tuluyan nang umahon si Alo mula sa dagat.
Pinunasan ang kanyang sarili sa tuwalyang nakasilid sa kanyang bag.
Napansin niya naman ang kanyang cellphone na nahulog sa may buhanginan, pinagpag ito, saka tinignan kung may nagtext.
Nikki (+63917556475+): Kuya Alo, let’s meet later please? Punta ako sa place mo ha. Text me.
Iris (+63917887458+): Hey, still busy? Puntahan mo naman ako sa school. I miss you.
Pagkatapos basahin ang mga mensaheng natanggap, agad naman siyang pumunta sa kanyang surfing school.
Alam ng binata na nawawalan na siya ng oras para kay Iris, at gusto nitong bumawi sa kanya.
Ito rin naman ang gusto niyang takbuhan sa tuwing mayroon siyang problemang gustong lutasin.
Habang naglalakad ay may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan.
Alam niyang nakita niya na iyon, ngunit hindi niya ito maalala kung saan.
Binilisan nito ang kanyang paglakad upang makapasok agad sa kanyang surfing school.
Pagpasok niya ay tahimik ang lahat at tila walang tao sa loob nito.
“May meeting po sila Sir Alo. Nandoon silang lahat sa training room.” Saad ng security guard.
Agad namang binitiwan ni Alo ang kanyang surfboard at ang dalang bag.
Dahan-dahang pinihit ang pintuan ng training room at tumambad sa kanya ang lahat ng empleyado ng surfing school.
Tinignan nito ang nagsasalita sa harapan at nagulat siya sa kanyang nakita.
“What is this? What’s happening?” Tanong ni Alo na takang-taka sa mga nangyayari.
Agad naman siyang nilapitan ng taong nagsasalita sa harapan ng lahat at lumabas silang dalawa ng training room.
“Tell me what the fall is this?” Muling tanong ni Alo.
“Hush! Hush! Baby…”
“Huwag mo akong ma-hush-hush!!!” Galit na galit na saad ng binata sabay hatak sa braso nito.
“Bitiwan mo ako!”
“Ano ang ibig sabihin nito? What the hell is this?!”
“It is plain and simple. I am going to manage this surfing school.” Sagot ni Angie, ang girlfriend ng ama ni Alo.
“Sir, akala naman namin okay na po ang lahat sa school?”
“Oo nga po, akala namin hindi na kami dapat mag-alala pa.”
Nagbubulungan ang lahat ng empleyado ni Alo sa surfing school. Natatakot sila dahil baka magsara ito at bigla silang mawalan ng trabaho.
“Wait. You have to listen to me, and only to me.”
Pinatatahimik ni Alo ang lahat habang si Angie naman ay nanatiling nakatayo sa may gilid ng training room. Bakas sa mukha nito ang pagkainis sa binata dahil naudlot ang plano niyang mamahala dito.
“Papaano naman kami bossing?”
“Makinig muna tayo sa kanya please?” Saad ni Iris sa kanyang mga kasama. Tinutulungan niya si Alo na maging mahinahon upang makapagpaliwanag sa lahat.
“Guys, I already told you. The surfing school is doing alright. We have chosen this to stay. So don’t worry about your jobs because you can still have it..you can still keep it.”
Habang nagpapaliwanag si Alo ay panay ang sulyap nito kay Angie. Inis na insi ito dahil naunahan siyang mag-announce tungkol sa pamamahala sa surfing school.
“The truth is, I made a great deal with my dad. I can keep this business running as long as I will give my full time managing the hotel.”
Nagulat naman ang lahat sa balita ni Alo.
“Ano po ibig sabihin nun bossing?”
“Iiwan niyo na po ba kami? Iiwan niyo na po ba ang surfing school?”
Tanong ng mga kasamahan nitong surfing instructor.
Halata namang nalungkot at napatahimik ang lahat dahil sa sinabi ng binata.
“I am about to tell you guys. It is a really tough decision for me. My dad, the owner of the hotel and my business partner, promoted me as an Operations Manager.”
Muling nagbulungan ang lahat sa ibinalita ni Alo.
“If you can see that I am not here all the time, it only means that I am currently doing my work as an Ops Manager. It is not simple guys, cause, I am still on the learning process. I need to learn things ASAP.”
Nakikinig ang lahat kay Alo at nalulungkot sa mga nadidinig.
“…And I am currently looking for someone to take over for the mean time. May mga napipisil na ako to gradually replace me as your director. But I still need to consider some things right now. At wala pa akong time to make a final decision.”
Umirap naman si Angie sa sinabi ni Alo at muling bakas sa kanyang mukha ang pagaka-irita.
“But then again, I have to say I am sorry, I will be leaving the surfing school soon. But not now. No decision yet coming from the management. We still need to talk. Okay?”
“Sir Alo naman ehh… Iiwan mo kami?”
“Bossing….Bakit ganun? Ikaw pa tuloy nagsakripisyo para sa amin.”
“Business is business guys. We make decisions that should benefit the majority. I love you guys, and I promise you that I will take good care all of you kahit na sa Hotel na ako nagwowork.”
Napaiyak naman ang lahat at hindi na nila napigil ang kanilang kalungkutan.
Lumabas naman ng training room si Angie sa sobrang inis nito.
Niyakap naman ng kanyang mga tauhan si Alo at nadarama naman ni binata ang pagmamahal ng lahat sa kanya.
Nanatiling nakaupo si Iris habang pinagmamasdan si Alo na minamahal ng lahat.
- Undo – Episode 13: Ctrl + End Part 2 - December 24, 2024
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024