Written by blckraven
The next day, I decided not to attend class. Ayoko munang makihalubilo sa mga tao. Inubos ko na lamang ang oras sa paghiga at pagtingin sa kisame.
Mag-aalas dos na nang bumaba ako sa dining area para kumain. Naabutan kong naglilinis si manang ngunit hindi ko na muna ito pinansin at dumiretso na.
Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng fresh milk at chips.
“Hindi ka ba kakain ng kanin? Mangangayayat ka niyan, anak,” wika ni manang habang pinupunasan ang kanyang mga kamay gamit ang towel.
“Busog pa po ako, manang.” Matipid na sagot ko.
Wala sa gana kong inubos ang buong bag ng chips at ininom nang daglian ang gatas. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay manang para bumalik na sa taas.
“Magsabi ka lang ‘pag may kailangan ka ha?”
Tumango na lamang ako at marahang ngumiti. Umakyat na nga ako nang tuluyan at dumiretso na sa aking kwarto.
Ibinagsak ko ang sariling katawan sa kama. Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga at sinubukang umidlip muna panandalian.
—
Nang imulat ko ang aking mga mata ay madilim na ang kalangitan. Binuksan ko ang phone ko at nakitang nag-missed call pala si Mary. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito at sunod na binuksan ang account ko sa messenger.
Nangunguna sa listahan si Mario.
7 new messages.
In-open ko ito at binasa isa-isa ang kanyang mga mensahe.
Babe, sorry.
Ang tanga-tanga ko.
Tayo pa rin naman diba?
Babe reply ka naman oh.
Akin ka pa rin ba? Sa akin pa rin ba yang hiyas mo?
Babe sorry na.
Hihintayin kita sa liga sa sabado ha? I love you. Sorry na talaga babe.
Bakit siya nagso-sorry? Totoo bang mahal niya ako? Na hindi lang ako parausan sa tingin niya?
Nakaramdam ako ng awa kay Mario. Nabaling ko sa kanya masyado lahat ng frustrations ko.
Ngayon wala na akong masabihan ng mga problema. Si tito, miss na miss ko na rin siya.
Miss ko na rin yung pag-aalaga niya sa akin. Kailan ba siya babalik?
Hanggang kailan ako makakaramdam ng pangungulila?
Nagulat ako sa lakas ng sigaw na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Ang boses na iyon ay nagmumula kay dad.
Tinignan ko kung ano ang oras sa phone. 10:37pm.
Patuloy niyang hinahampas ng kamay ang aking pinto.
Bumangon na ako mula sa kama at naglakad na patungo sa pinto. Nang buksan ko ito ay isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa aking ama-amahan.
“Walang hiya ka, Michaela!”
Hinaplos ko ang namumula kong pisngi. Napatingin ako sa aking ama habang namumugto ang aking mga mata.
Ano’ng nangyayari?
Inaawat siya ng aming mga kasambahay. Bakas ang galit sa mga mata ni dad.
“Pagkatapos kitang patirahin at palamunin, maglalandi ka lang?!”
Napalunok ako sa narinig.
“D-Dad…”
Ipinakita niya sa akin ang kanyang cellphone.
Ito’y mga litrato ko… nang nakahubad. Teka…
Natatandaan ko ito.
Ito yung araw na hinayaan kong kuhanan ako ng litrato ng isang taxi driver. Kumakalat na ito ngayon sa social media.
Napakarami nang nakakita. Bakit kumalat ang mga ito?? Paano?
Agad akong napabagsak sa sahig sa panlulumo. Nagbagsakan na ang aking mga luha. Binaboy ko na ang sarili ko. Sirang-sira na ako.
“I am so disappointed, Michaela. You are a disgrace in this family!”
Hindi ko magawang tumitig sa aking ama. Napupuno na ako ng hiya at konsensya. Mabuti na lamang at hindi alam ng publiko na siya ang itinuturing kong ama, kundi ay masisira ang imahe niya bilang mayor.
Nakakahiya. Patuloy pa rin ang aking paghikbi at tila nabibingi na ako habang patuloy akong pinagsasabihan ng aking ama.
Nang bahagyang humupa na ang kanyang galit ay tumalikod na ito sa akin at dumiretso na sa kanyang kwarto.
Agad sumunod ang mga kasambahay, ngunit nanatili si manang.
Tinulungan niya akong bumangon at pinaupo sa kama.
“Manang, nakakahiya kay dad,” bulong ko habang patuloy pa rin sa paghikbi.
“Shhh. Okay lang yan, anak. Mapapatawad ka rin niya.”
Niyakap ko nang mahigpit si manang. Nakakahiya. Isa rin siya sa nagpalaki sa akin. Alam kong disappointed siya sa mga nangyayari sa akin ngunit hindi niya ito pinapadama sa akin.
“Sa ngayon, matulog ka na muna ulit. Bukas ng umaga ay baka huminahon na ang iyong ama.”
Tumango ako bilang tugon at humiga na sa kama. Lumabas na siya sa kwarto nang tahimik.
Inubos ko ang oras buong gabi kakaiyak. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod ang aking mga mata at tuluyan nang makatulog.
Hindi na ako nag-atubiling magbihis ng uniform para pumasok. Alam kong pagtititigan lamang ako ng mga tao kung sakaling lumabas ako.
Bumaba na ako sa dining area para mag-agahan. Naabutan ko si dad na nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop.
Dumaloy ang oras nang walang kibuang nangyari sa aming dalawa. Natapos na ako kumain ngunit hindi ko magawang tumayo at bumalik na sa kwarto ko.
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa sala. Nang pumunta ito sa dining area ay nagulat ako nang bumungad sa aming harapan si tito.
Napangiti ako at tumayo sa pagkakaupo.
“Tito…” bulong ko.
Bumalik na siya.
Narinig kong tumikhim ang aking ama at agad ko itong nilingon. Itinago ko ang ngiti sa aking mga labi.
“Sumama ka na muna sa tito mo,” panimula niya.
Napakurap ako nang ilang beses.
“Po?”
“Pumunta na muna kayo sa probinsya hanggang sa humupa na ang sitwasyon.”
“Pero dad—”
“Sa makalawa ay aalis na kayo,” mariin niyang sabi at ibinalik muli ang atensyon sa kanyang laptop.
Two days from now, maninirahan na ako sa probinsya… kasama si tito.
A/N: I’m back! Malapit na tayo tumungo sa ikalawang kabanata ng istorya ni Michaela. After ng susunod na part ay magkakaroon po ng mini-hiatus ang story.
So doon na ako magkakaroon ng chance para ituloy yung isa ko pang on-going na series.
Again, sorry kung nabitin kayo! t_t
I love you all! Mwa!
- Dollhouse (3) - August 25, 2023
- Dollhouse (2) - August 23, 2023
- Dollhouse - August 21, 2023