Aileen’s Garden Part 8

Yes_Man
Aileen's Garden Part 1

Written by Yes_Man

 


Aileen’s Garden Part 8

By Yes Man

Matapos ang outing ng ating mga bida naging patuloy pa din ang komuniskasyon ng mga nag-gagandahang mga dalaga sa mga pinagpalang mga lalake. Naging magsyota na sina Aileen at Arnold pero sa kanilang grupo lang ng magkakaibigan ang mga nakaka-alam nito. Si Gwen ay nagbalik na sa Singapore pero tuloy pa din naman ang komunikasyon niya sa guwardyang si Bong. Sina Sonnette at Ivy din ay tuloy lang ang komunikasyon kina Naro at Jun.

Tuloy pa rin ang pangliligaw ni Jackson Chua kay Aileen dahil hindi naman sinasabi ng dalaga na meron na siyang bagong boyfriend. Pero napapansin din ni Jackson na palagi na ang pagtanggi ni Aileen sa mga imbitasyon niya na lumabas. Madalang na din kung magreply si Aileen sa mga messages ni Jackson. Pinapanghinaan na nga ng loob ang negosyanteng instik. Kung anu-ano na ang naiisip niya na dahilan kung bakit hindi siya magustuhan ni Aileen. Pumasok din sa isipan ni Jackson na maari ito sa dahilang mataba siya. Bumababa na tuloy ang self-esteem ng lalake dahil dito. Minsan nga ay tinignan ni Jackson ang sarili sa harap ng salamin na walang suot na pang-itaas. Nasabi nya sa sarili na gwapo naman siya, mataba nga lang, as in obese. Una ay nalulungkot siya sa kanyang nakikita, pero unti-unti meron nakikita pagbabago sa expression sa kanyang mukha sa harap ng salamin. Ang unang malungkot na mukha ay unti-unting napapalitan ng expression ng determinasyon. “Hindi para kay Aileen, para ito sa aking sarili” Sinabi ni Jackson sa kanyang sarili.

Makalipas ang isang linggo, dahil sa kakaibang pagkakataon na nakapresinta kina Arnold, Jun at Naro, napag-isipan ng mga ito na magbagong buhay na. Ayaw na nilang gumawa ng masama at gumamit ng droga para hindi lumayo ang grasya sa kanila. Napagpasyahan ng tatlo na boluntaryong sumuko sa programa ng mga pulis sa kanilang lugar sa Caloocan. Natuwa naman sina Aileen, Sonnette at Ivy sa balak ng mga lalake na magbagong buhay.

“Iba talaga ang nagagawa ng inlab hehehe” pasaring ni Naro

“Syempre ikaw ba naman ma-inlab dyan, sigurado isusuko mo ang lahat hehehe” dagdag pang-asar pa ni Jun.

“Oh, ako nanaman nakikita nyo, kayo talaga” sagot nalang ni Arnold.

Takbo ng kwentuhan ng tatlong magkakaibigan habang nakaupo sa mahabang bangko at nagkukwentuhan sa labas lang kanilang tirahan sa Caloocan, Sabado ng gabi. Kanina lang umaga ay boluntaryo na silang sumuko sa kanilang barangay bilang adik na gustong magbagong buhay.

“Malaki na pinagbago mo pre” sabi ni Naro.

“Kailangan eh. Eto na yata inaantay natin na pag-iba ng ihip ng hangin sa ating buhay” sagot naman ni Arnold.

“Oo nga, hehehe” sabi pa ni Jun ng biglang…..

“BANG!!!, BANG!!!, BANG!!!…. BANG!!!,BANG!!!, BANG!!!…. BANG!!!, BANG!!!, BANG!!!” alingaw-ngaw ng mga putok ng baril.

“EEEEEEEEEiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!” Sigawan ng mga tao na karipas na nagtakbuhan sa ibat-ibang direksyon.

May makikita na isang riding-in-tandem ang mabilis na nililinsan ang lugar ng barilan.

Naiwang nakahandusay sa tabi ng kalye sina Arnold, Jun at Naro.

“Tulong!!! Tulong!!!” Sigawan ng mga taong nag-sisimula ng maglapitan sa lugar ng krimen.

Linggo ng umaga…

Magaang na magaang ang pakiramdam ni Aileen. Kita ito sa kanyang maaliwalas na mukha.

“Good morning!” Masayang bati pa ni Aileen sa kanyang mga magulang ng samahan niya ang mga ito sa hapag kanina para sa kanilang agahan.

“Good morning anak, ganda yata ng gising mo” bati naman ng kanyang Ina.

Masaya din ang mga magulang ni Aileen at mukhang na-eenjoy nito ang pamamalagi sa Pinas at ang pag-aasikaso sa kanilang negosyo.

Kampanteng nagbabasa si Aileen ng kanyang news-feed sa kanyang FB account habang humihigop ng kape ng biglang…..

“Ayyyyy!!!!” Sigaw ng ina ni Aileen ng mabitawan ng dalaga ang hinihigop na kape.

Basag ang puswelo sa pagkakalaglag nito sa platito, mabilis kumalat ang mainit na kape sa ibabaw ng lamesa.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo anak?!!!” Pasigaw na tanong ni Mrs. Santos sa anak niyang nakatulala.

“Arnold!!!! Si Arnold!!! Hindeeeeeeee!!!!!” Sigaw ni Aileen mula sa pagkatulala.

“Sino si Arnold?” Tanong naman ng ama ni Aileen.

“Si Arnold!!!! Huhuhuhu” malakas na iyak naman ni Aileen.

Kinuha ng ama ni Aileen ang cellphone mula sa kamay ng kanyang anak at binasa kung ano ang nasa screen nito. Samantala sinusubukan naman ni Mrs. Santos na pakalmahin ang kanyang anak.

Nabasa ni Mr. Santos ang balita ng barilan sa kanilang dating lugar sa Caloocan. Isa ang patay at dalawa ang malubhang sugatan. Naisugod pa hospital ang tatlong biktima ng pamamaril pero ang isa dito ay binawian na ng buhay bago pa makarating sa pagamutan. Kinalala ang nasawi sa pangalan Arnold Punsalan.

Naalala na ni Mr. Santos kung sino itong si Arnold. Kababata ito ni Aileen sa Caloocan. Nagtataka lamang si Mr. Santos kung bakit ganun nalang ang ginawang pag-iyak ni Aileen sa pagkamatay ni Arnold. Hindi kaya meron lihim na relasyon ang dalawa noong nasa Caloocan pa sila nakatira. Kung meron man ay hindi nya ito alam.

Kahit todo parin ang iyak ay tinawagan ni Aileen ang kanyang mga pinsan na sina Sonnette at Ivy. Labis din nabigla at hindi makapaniwala sina Sonnette at Ivy sa mga pangyayari. Nagpuntahan kinalauan sina Sonnette at Ivy sa bahay nina Aileen para damayan ang kanilang pinsan.

Minabuti nalang ng mga magulang ni Aileen na huwag na muna tanungin ang kanilang anak kung bakit ganon nalamang ang pag-iyak niya sa pagkamatay ni Arnold. Kung meron silang relasyon nito noon ay baka noon college days pa ng dalaga. Hindi nila alam ang istorya ng dalawa. Mabuti pang kapag talagang kalmado na si Aileen at saka nila ito tanungin tungkol dito.

Hindi mapigilan nina Mr. & Mrs. Santos si Aileen na umalis para puntahan kung nasaang puneralya ang katawan ni Arnold at sa kung saan hospital naman sina Naro at Jun. Ang bilin lang ng ama ni Aileen ay si Sonnette ang hayaang magdrive ng kotse dahil sa tingin nila ay wala sa kundisyon si Aileen magmaneho ng sasakyan.

Unang pinuntahan nina Aileen, Sonnette at Ivy ang hospital kung saan naroon sina Naro at Jun. Nadatnan nila sa hospital ang gwardya na si Bong na gusto din malaman kung ano na ang kalagayan ng kaniyang mga kaibigan. Kahit papaano ay napalagay ang loob ng mga dalaga ng malaman na ligtas na sa kamatayan ang kalagayan ng dalawang lalake. Kailangan lang nilang mamalagi ng ilang linggo sa hospital para magpagaling. Malubha din kasi ang tinamo nilang mga sugat mula sa mga tama ng bala. Doon naman nila nakuha sa hospital ang impormasyon kung saang puneralya dinala ang labi ni Arnold. Sumama na si Bong sa mga dalaga sa pagpunta sa puneralya at siya na ang nagpresinta na magmaneho ng dala nilang kotse.

Labis na hinagpis ang nadama ni Aileen ng makita ang bangkay ni Arnold. Pati sina Sonnette at Ivy ay hindi nadin mapigil ang pag-iyak. Nakaka-awa ang kinasadlakang sitwasyon ni Arnold na walang man lamang kamag-anak na lumalapit para tubusin ang kanyang katawan sa puneralya, kahit na halos isang araw na ang nakakalipas mula ng siya ay paslangin. Wala na kasing mga magulang si Arnold at pulos mga mahihirap at adik din ang iba pang kamag-anak ng kawawang binata. Walang nagawa si Aileen kundi magpresinta na siyang tutubos sa katawan ng kanyang kasintahan.

Pinagpasyahan ni Aileen na ipa-cremate nalang ang katawan ni Arnold at ilagay ang abo nito sa isang kolumbaryo sa loob ng isang memorial park na malapit sa bahay nila sa Paraaque. Tanging sina Aileen, Sonnette, Ivy at si Bong lang ang naghatid kay Arnold sa kanyang huling hantungan. Hindi nakuhang makasama sa paglalagay ng abo ni Arnold sa kolumbaryo sina Jun at Naro dahil sa kasalukuyan pa silang nagpapagaling sa hospital. Si Gwen naman ay binabalitaan nalang nila kung ano ang nangyayari sa kanila sa Pinas.

Bago pa man makalabas ng hospital sina Naro at Jun, nagpagawa na si Aileen ng maliit na bahay o quarters sa loob ng kanilang nursery. Balak niyang dito na diretsong patuluyin sina Naro at Jun sa oras na makalabas sila ng hospital. Tutol ang ama ni Aileen dito dahil alam din ni Mr. Santos na mga kilalang adik din sa kanilang dating lugar sa Caloocan ang dalawang lalaking ito. Pero ipinaglaban sila ni Aileen. Ipinalinawag ni Aileen sa kanyang ama na nagbabagong buhay na sina Arnold, Jun at Naro. Katunayan ay sumuko na sila noong mismong araw na sila ay pag-babarilin. Dapat bigyan ng pagkakataon ang mga taong gustong magbago. Hindi lahat ng adik ay likas na masasamang tao. Biktima din sila ng sitwasyon nila sa lipunan na kanilang kinagisnan. Tao din sila. Hindi sila dapat pinapatay na parang hayup. Hindi hamak na mas totoong tao sila kung ihahalintulad sa ibang tao na sinasabing naniniwala sila sa diyos, pero panay ang tawag sa diyos para sa kamatayan ng kapwa nila tao.

“Dad, kalaro ko sila noong mga bata pa kami. Hindi sila pinanganak na mga adik.” Pagpapaliwang pa ni Aileen sa kanyang ama.

“Bigyan natin sila ng pagkakataon na magbago. Kapag gumaling na sila, puwede natin silang gawing tauhan sa nursery.” Pasasaad niya Aileen ng kanyang plano para kina Naro at Jun.

Kahit may pag-aalinlangan ay walang nagawa ang ama ni Aileen kundi pumayag. Tama din ang kanyang anak. Naalala din ni Mr. Santos noong bata pa sina Naro at Jun sa kanilang dating lugar sa Caloocan. Mga inosenteng bata din sila noon. Nalulong lang sa masamang bisyo dahil sa talamak talaga ang droga sa kanilang lugar.

Dumating ang araw ng paglabas nina Jun at Naro sa hospital. Sinundo pa nila Aileen at Sonnette ang dalawa at hinatid sa bago nilang tirahan sa loob ng ‘Aileen’s Garden’ nursery. Pina-rush talaga ni Aileen ang pagpapagawa ng maliit na quarters para sa dalawang lalake. Itinayo ito sa bandang harapan ng nursery. Sa may tapat lang ng parking area para magsilbing guard house na din ng lugar. Ang bahay kasi ng katiwalang si Mang Pen ay nasa bandang likod naman ng nursery.

Nandoon din sa nursery ng araw na iyon ang ama ni Aileen para pagbilinan si Mang Pen na bantayan ang sina Naro at Jun. Hindi pa lubos ang tiwala ni Mr. Santos na magbabagong buhay ang dalawang lalake. Kaya kung merong makitang hindi magandang ginagawa sina Naro at Jun, dapat I-report ito ni Mang Pen kay Mr. Santos.

To be continued….

Yes_Man
Latest posts by Yes_Man (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x