Written by Balderic
Author’s Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely coincidental. This series is brought to you by Balderic and is a free to read story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author.
Previously on Agnas
Isang misteryosong virus ang kumalat sa Pilipinas. Ilang araw lang ang nakalipas at libo libo nang mga tao ang nagka infection. Subalit ang nakakagimbal dito ay nang matuklasan ng marami na ang mga namamatay sa virus ay muling nabubuhay at kumakain ng laman ng tao. Bawat taong makagat ng mga infected ay nagiging katulad nila. Lumipas pa ang mga linggo at lalong lumala ang sitwasyon. Bumagsak ang pamahalaan at naghari ang mga patay sa mundo ng mga buhay.
Isa si Danny sa mga naging survivors ng tinatawag na zombie apocalypse. Sya at ang kanyang grupo ay nanatili sa Camp Aguinaldo sa pamamahala ni Gen Sakay. Namuhay sila ng tahimik at ligtas sa loob ng kampo. Pero ang kaligtasang ito ay pansamantala lamang dahil sa pagiging sakim sa kapangyarihan ni Sen Ramon at pwersahan nyang inagaw ang pamamahala sa kampo. Dumanak ang dugo at marami ang namatay.
Sa kabila nito, nakilala ni Danny ang misteryosang dayuhan na si Elza Walker. Sa tulong ni Elza, napabagsak nila ang paghahari ni Ramon. Nailigtas ang kakarampot na mga tao at nagdesisyon silang pumunta sa Tagaytay sa paniniwalang ang malamig netong panahon ay makakapigil sa kilos ng mga bangkay. Si Danny naman at Elza ay naiwan upang linisan ang kasamaan ni Haring Ramon.
Episode 1
Dead by Daylights
By: Balderic
Anim na buwan ang nakalipas simula nang umalis ang grupo nina Lt Pat Trinidad sa Camp Aguinaldo. Hinde naging madali para sa kanila ang lakbayin ang papunta sa probinsya. Libo-libong infected ang dinaanan nila para lang makalabas ng syudad at hinde naiwasan ang may malagas sa kanilang grupo. Sa katapusan, kakaunti na lamang sila nang maka akyat ng Tagaytay. Umiwas sila sa malalaking bayan at sa isang makahoy na abandonadong resort sila tumira. May kuryente at tubig pa sa simula na tumagal ng halos dalawang buwan. Pero nawala rin ito kalaunan.
Mag iisang buwan na rin silang nahihirapan dahil sa kawalan ng maiinom at mapapaligong tubig. Walang balon sa lugar at ang magiging dagdag na ingay sa pag gawa neto ay posibleng maging problema para sa buhay ng grupo dahil maririnig ito ng mga infected.
Maayos naman ang ginawang perimeter ni Lt Trinidad. May mga pader sa paligid na nilagyan pa nila ng barbwires. Ang mga open area ay ginawan nila ng mga bakod na gawa sa kahoy plywood at yero. Ginamit rin nila ang mga abandonadong mga sasakyan para pangharang sa paligid. May nagmamasid sa bawat sulok ng perimeter na nagpapalit makalipas ang anim na oras.
Sagana naman sila sa pagkain dahil nakagawa pa sila ng gulayan at may maliit na poultry farm sa bandang likod ng resort. May naimbak silang mga feeds para sa mga alagang manok at baboy na posibleng aabot pa ng isa’t kalahating taon.
Regular silang nagsasagawa ng mga raids sa malalapit na bayan. Madaling araw sila kung kumilos at iisang squad lang na kayang protektahan ang grupo. Madali mabilis at maingat ang estilo ng grupo. Sa nakalipas na anim na buwan ay may ilan rin sa kanila ang napatay subalit natuto na rin sila sa mga pagkakamali. Bawat isa sa kanila ay may tig iisang baril na may isang magazine na para lang sa emergency. Binigyan ni Trinidad ng babala ang mga myembro nya na kapag malalagay sa alanganin ay wag mag dalawang isip na barilin na lamang ang sarili para hinde na maranasan ang isang malupig na kamatayan sa mga kamay at ngipin ng mga infected. Ang kanilang primerong sandata ay ang mga itak, crowbars, kutsilyo at iba pang matutulis na bagay. Nasanay na rin sila sa pakikipaglaban sa mga infected at binabalot nila ng makakapal na mga libro o magazines ang kanilang mga braso, mga paa at may suot silang makapal na jacket na may mga nakatahing mga plastik na pwedeng mabend depende sa galaw. May helmet rin sila na may tinahing mga makapal na tela na pinoprotektahan ang leeg nila. Medyo mabigat man at mahirap igalaw, protektado naman sila at mas kampante sa kanilang mga lakad.
Sa isang maliit na gusali sa gilid ng resort, ginamit ito ng grupo na isang klinika. Nagkamalay na at nakarecover si Dr. Andrea de Silva. Sya mismo ang namamahala dito at tumutulong sa may mga sakit. May naimbak silang mga gamot at kagamitan. Malimit mga matatanda ang mga naging pasyente nya.
“Maraming salamat doc Andrea.” Wika ng isang matanda matapos ito bigyan ng gamot.
“Wag nyo hong kakalimutang uminom ng maraming tubig.” Payo naman ni Andrea. Tumango ang matanda bago ito umalis. Isa nanamang pasyente ang pumalit sa upuan.
“Tubig doc? Mukhang mas marami pa tayong makukuhang softdrinks kesa sa maiinom na tubig eh.” Wika naman ni Pablo. Umupo ito katabi ni Andrea. Si Pablo ay isang massage therapist na kasing edad ni Andrea. Ito na lamang ang taong tumutulong sa kanya bilang assistant. Nginitian ni Andrea ang lalake.
“Diabetes naman ang aabutin mo sa sobrang asukal ng softdrinks Pablo.”
“Haha sa panahong ito, puproblemahin mo pa ba ang diabetes?”
“Wala tayong magagawa, halos wala na tayong nakukuhang tubig sa mga karatig bayan.”
“Bakit hinde nalang kasi tumayo ng deep well sa lugar na to, sigurado akong may tubig ring laman ang bundok na to di ba.”
Napa iling si Andrea.
“Makakakuha ka man ng tubig, pero ang ingay na idudulot ng pagbutas sa lupa ay siguradong maririnig ng ilang milya. Para ka na ring manglalako ng balot at sinisigaw mong may dala kang pagkain.”
“Doc! Doc!” tumatakbo ang isang dalaga papasok sa clinic ni Andrea. Sinalubong naman ito ni Pablo.
“Ayesha ba’t para kang hinahabol ng aso? Ano bang nangyari?” tanong ng lalake.
“Mang Pablo, Doc, si Arvin po kasi.”
“Ano nanamang ginawa ni Arvin?” tanong ni Andrea.
“Gusto po kasing sumama kay Sir Pat. May lakad kasi sila ngayon, pupunta daw sila sa water plant sa ibaba. Natatakot po kasi ako eh padalos-dalos ng desisyon si Arvin eh.”
“Pablo puntahan mo nga, samahan mo si Ayesha at kausapin nyo ng matino yang batang yan. Ang laki-laki na pasaway pa rin.”
“Okay Doc. Tara iha.”
Si Ayesha ay isa sa mga natitirang kabataan sa kampo. Simula nang mawalan ito ng mga magulang ay si Andrea na ang nagmistulang ina neto habang si Arvin naman ang fiance ni Ayesha. Ikakasal na sana sila bago pa nagsimula ang pagkalat ng infection pero ngayon ay naudlot ito. Habang nasa puder ni Andrea ang dalawa, si Arvin naman ay patuloy na naghahanap ng bagay na pwede netong maitulong sa kampo at nahihiya itong walang ginagawa.
Nagmamadaling pinuntahan ng dalawa ang pinagtitipunan ng raid team ni Pat. Naabutan nila ang mga ito sa kaisa-isang gate nila na gawa sa yero plywood at mga metal cross wires. Nakita ni Ayesha ang nobyo at nilapitan ito.
“Arvin hinde ka na ba magpapapigil?” tanong ni Ayesha. Sinalubong ni Pat si Pablo.
“Sir Pat, okay lang po bang dalhin nyo ang batang yan? Aba hinde pa sanay yan sa labas. Nag-aalala lang kasi kami baka anong mangyari.” Wika ni Pablo.
“Wag ka mag alala Mang Pablo, ako nang bahala kay Arvin. Matagal na nya akong sinabihan at ilang beses ko na rin syang tinuruang gumamit ng sandata at baril. Sa panahon ngayon, hinde na ako namimili pa ng mga volunteers. Pa-ubos na ang mga supplies natin at kailangan natin maghanap.”
“Kaya ko po sarili ko Mang Pablo.” Sabat naman ni Arvin.
“Arvin naman eh! Ano ka ba! Hinde ka ba natatakot?”
“Babe, ginagawa ko ito para rin sa atin. Hinde na ako bata. Kayang kaya ko na sarili ko at kailangan may gawin rin akong papel sa community natin. Relax ka lang okay.”
“Okay men, ready na kayo? Tayo na!” sigaw ni Pat at binuksan na ang gate.
“Sir Pat kasama kayo?” tanong ni Pablo.
“Trainee ko pa si Arvin. Katulad ni Danny noon na sinanay rin ni Jeric. Si Arvin naman ang tinutulungan ko.”
“Sino hong Jeric?” tanong ni Ayesha. Napangiti lang si Pat. Tinignan ni Ayesha si Pablo at umiling lang ito. Niyakap na lamang ng dalaga ang nobyo bago sila umalis.
Pitong tao kasama si Pat ang lumabas ng kampo. Pakay nila ang pumping station na malapit lang sa kanila. Kapag maisaayos nila ito, magkakaroon na ulit ng tubig sa kanilang mga tubo.
By: Balderic
US Embassy
Lumapag ang isang chopper sa US Embassy. Ang helicopter ay may insignia ng SHARD (SCIENTIFIC HEADQUARTERS OF APPLIED RESEARCH DIVISION). Ang Shard ay isang applied scientific division ng US na syang nangangasiwa ng mga biohazard outbreaks na dulot ng isang posibleng terrorist attack.
Bumaba sa chopper ang dalawang agents neto. Sinalubong sila ng assistant in Chief ng embassy.
“Welcome back you two, have you located the Omega?”
“No sir but we found something else.” Wika ng isang lalake. Naka black glasses ito nakasuot ng black army tactical uniform at ang nakalagay sa name patch nya ay Naval. Katabi nya ang isang dalaga na nakatactical uniform din at ang name patch neto ay Queen.
Pumasok sila sa loob ng embassy building at dumiretso sila sa head office.
“Ah this is Mr Paul Spencer. “ pakilala ng assistant sa Embassy Chief. Nakipagkamay ito sa dalawang panauhin.
“Paul Spencer. I take it you two are the first team from Shard am I right?”
“Jeric Naval sir. How do you do?”
“And I’m Beatrix Queen sir.”
“Have a seat.”
“Mr Spencer, we would like you to see what we found on the streets.” Wika ni Jeric.
Binuksan nya ang isang mini laptop at may ipinakitang mga datos at pictures.
“We tracked down several Brutalists and extracted the Alpha strains but we found at least two of them on different areas, dead.”
“Dead? Who would have killed them? The army?”
“I’m not sure sir. They do have bullet wounds but when I examined the bodies further, they also have traces of physical trauma from blunt objects. Possibly even coming from bare hands.”
“You mean to tell me, someone out there, fought an Alpha strain creature with their bare hands?”
“That’s not all. The damage it took was so devastating that it crushed major body organs inside the creature.”
“So this unknown person killed it? With its hands?”
“I’m not sure but it could be a possibility.”
“Yeah well, this could be a sign that an Omega strain is still in this country. Find that person, take it here no matter the cost. That person is a US property and should not be roaming on the streets. Capture it and bag it kid.”
“Yes sir.”
Lumabas sina Jeric at Bea sa opisina. Huminto sa gilid ng hallway si Jeric at tumingin sa labas ng Embassy. Malalaking glass panels ang ginawang dingding sa hallway at tanaw ni Jeric ang nawasak na syudad ng kalakhang maynila.
“Kuya di ba sabi may Omega strain ka? Bakit di nalang nila kinuha sayo ang strain at yun ang gamitin?”
“Obviously ayaw nilang mapunta sa ibang mga kamay ang virus. Alam mo ba ang magiging presyo neto sa black market?”
“Sabagay, tsaka mukhang naging limitado nalang sa asia ang infection. Pero sa tingin mo, sino kaya ang umatake sa mga brutalists na yun?”
“Hinde ko pa alam. Ang mahalaga ay maayos natin ito sa lalong madaling panahon.”
By: Balderic
Narating ng grupo ni Pat ang water pumping station. Naging maingat ang mga ito sa paglalakbay dahil na rin sa mga nagkakalat na infected. Binasag ni Pat ang salamin ng pinto at inabot ang door knob neto. Binuksan nya at pumasok sila sa loob. Nagkalat ang mga gamit sa loob at napakatahimik. Binuksan ng isa sa kanila ang ilaw pero di ito gumagana.
“Walang kuryente sir Pat. Baka ito dahilan kaya tumigil ang operation neto.”
“Or baka dahil wala nang taong nangangasiwa dito kaya tumigil ito.” Sagot ni Pat.
“Ichechek ko yung generators kung gumagana pa.”
“Samahan na kita tol.”
Pumunta sa likod ng facility ang dalawa. Habang binabaybay nila ang masikip na daanan papunta sa likod dahil sa mga pader, naririnig nila ang mga ungol ng mga naglalakad na patay sa di kalayuan. Nakita ng dalawa ang generator house. May podlock ang metal gate neto. Gumamit ng cutting tools ang isa at sinira ang padlock. Hinila neto ang kadena at saka binuksan ang gate. Lumapit sila sa pinto at maingat na binuksan ito ng isa. Walang tao sa loob.
“Check mo nga kung me laman na gasolina.”
Lumapit ang isa at sinipat ang malaking generator. Samantala, ang isa naman netong kasama ay tila natuwa sa natagpuan nya. Isang adult magazine na pagmamay-ari siguro ng nangangasiwa ng generators.
“Hehehe magagamit ko ito mamaya.” Bulong neto sa sarili. Binuklat nya ang mga pahina neto at nakita ang mga naggagandahang mga dilag na hubo’t hubad.
“Teka bakit nakadikit ang ibang pages neto? Hehehe.”
“Tol anong ginagawa mo? Focus ka nga. Kung ano anong tinitignan mo eh.” Saway naman ng kasama nya. Ipinasok ng lalake ang magazine sa bag nya.
“Ngarrssss!!” Ungol ng isang infected na biglang nakapasok sa loob ng power house at kinagat ang leeg ng nakatalikod na lalakeng kumuha ng magazine.
“Aaaahhhhh!!!!!! ” napasigaw ito ng malakas. Pumalag pero kumapit sa kanya ng mahigpit ang infected. Bumaon ang mga ngipin neto nang malalim sa leeg nya. Napunit ang mga ugat ng leeg nya at sumirit ang dugo sa paligid.
“Tuloooonng!!! Aahhhhh!!! “ sigaw ng kasama nya. Pinagpapalo neto ng itak ang ulo ng infected habang sumisigaw. Nagpapanic ito. Nakagat ang kaibigan nya. Sabay na bumagsak sa sahig ang tropa nya at ang napatay na infected. Kumikisay pa ang kaibigan nya habang hinahawakan ang leeg neto. Patuloy sa pagsirit ang dugo.
“Tol! Putang ina tol! Sandali, dyan ka lang… tatawagin ko si sir Pat! Hawakan mo ang sugat mo. Hawakan mo… tol!” mabilis ang pangyayari. Tumirik ang mga mata ng kaibigan nya sa dami ng nawalang dugo sa kanya.
“Anong nangyari!?” isang kasamahan pa nila ang nagmamadaling tumakbo. Bukas ang pinto ng main building sa likod na syang pinanggalingan ng infected. Naabutan neto ang dalawa sa loob ng power house. Patay na ang isa.
“Shit! Saan galing ang infected na yan?” tanong neto. Walang kamalay-malay na may lumabas pang mga infected mula sa main building.
“Pare sa likod mo!!! “
“AAAAHHHHH!!!! “
Narinig nina Pat ang isa pang sigaw. Sapat na ang lakas neto upang marinig ng mga infected sa paligid. Para itong dinner call. Nagsitakbuhan kaagad ang mga runners sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita ito kaagad ng isang kasamahan ni Pat na nasa labas ng Pumping station.
“Sir Pat! May mga infected!!! “
Sinilip ni Pat sa bintana ang nasa labas at nakita nya ang halos isang daang infected na papalapit sa kanila. Agad pumasok ang kasama nya at isinara ang pinto.
“Shit ang dami nila.” Wika ni Pat. Bumangga sa pinto ang mga infected at nagsimulang hampasin ng mga kamay nila ang glass panels.
“Sir hinde kaya ng salamin pigilan ang mga yan.” Wika ni Arvin na halatang nanginginig. Hinila ni Pat ang binata palapit sa kanya. Binigyan nya ito ng handgun para protektahan ang sarili.
“Dun tayo sa likod! Isara ang mga pinto.” Utos ni Pat.
Nadatnan nilang nilalapa ng tatlong infected ang mga kasamahan nilang nasa power house. Pinagtataga ni Pat at ng kasama neto gamit ang jungle bolo at itak ang mga infected. Si Arvin naman ay takot na takot sa pangyayari.
“Arvin kalma lang. Kalma lang. Makakatakas tayo rito.”
“Opo sir Pat… “
“Hhoouuuuhhhh….” Dinig nila ang papalapit na mga ungol ng mga infected. Nawasak na ang front door ng main building. Bumuhos papasok ang napakaraming infected at hinahanap ang sino mang buhay.
“Ilabas nyo ang katawan ng mga kasamahan natin. Gagamitin natin silang pa-in para bumagal ang kilos nila. Dali!” hinila ng dalawang kasama ni Pat ang mga nilapang katawan ng nasawi nilang kagrupo at nilatag ito sa pwedeng daanan ng mga infected. Nakita nilang nabuksan ang pinto sa main building at papalapit na sa kanila ang mga ito.
Natumba ang ibang infected habang ang iba naman ay tumatakbo papunta sa mga tauhan ni Pat. Iniwan nila ang namatay nilang kasama. Ito ang pinagbuntungan ng mga infected at pinagpyestahan nila itong kainin. Punit punit ang laman ng mga ito at pinag-ngangatngat. Parang mababangis na mga hayop kung titignan. Mga nilalang ng kadiliman.
Mula sa likod ay pumasok silang muli sa main building dahil wala silang nakitang daanan palabas mula sa power station. Hinde rin nila magawang akyatin ang pader dahil may mga barb wires pa ito. Wala na silang oras para maisaayos pa ang pumping station. Pagkapasok nila ay dalawang infected ang nakakita sa kanila.
Sinipa ni Pat ang isa sa tiyan at natumba ito. Tinaga nya ito kaagad sa ulo. Na stuck sandali ang itak nya sa bungo ng infected at nabitawan nya ito dahil sa pawis ng kamay nya. Niyakap sya ng isa pang infected mula sa likod. Pero hinatak ito ng isa nyang kasama at ibinagsak sa sahig nang nakadapa. Inapakan ito sa likod at tinaga ang ulo neto ng tatlong beses. Tumango si Pat sa sumaklolo sa kanya bilang pagpapasalamat.
“Dun tayo dadaan sa kabilang pinto, nag ipon ang mga infected sa main door. Kung maswerte tayo, wala tayong makakabangga sa kabilang bahagi ng building. Kunin nyo ang pwede nyong magamit at maging alisto kayo sa paligid. Tara na.” payo ni Pat.
Nauuna si Pat sa grupo. Kasunod nya si Arvin at nasa huli ang dalawa pa netong kasamahan. Natanaw nila ang side door. Sinipat ni Pat ang labas at wala syang nakitang kumikilos. Biglang nawasak ang isang pinto na naghahati ng main lobby at sa secondary office kung nasaan ang grupo. Bumuhos papasok ang napakaraming infected. Binuksan ni Pat ang pinto kaagad pero nagulat sya nang nakapadlock pala ito sa labas.
“Fuck!” daing ni Pat. Hinde na sila makabalik dahil nahaharang na ito ng mga infected. Sa puntong ito wala na silang choice. Hinugot nila ang mga handguns nila.
“Mag iwan kayo para sa sarili nyo! Bilangin nyo mga bala nyo!” sinimulang sagupain ni Pat nang harapan ang mga infected. Gamit ang jungle bolo nya, tinaga nya ang sino mang lalapit.
“Diyos ko ang dami nila!” sigaw ng isa.
Binaril nila ang sino mang malapit. Inasinta ang ulo para mapatay ito. Pero hinde madaling patamaan ang ulo ng mga infected. Hinde ito katulad ng isang pelikula. Magalaw ang mga infected, idagdag pa rito ang takot na bumabalot sa kanilang mga katawan, bumagsak ang accuracy nila ng ilang porsyento. Palapit na ang mga infected. Hinde kayang ubusin ng mga bala nila ang mga ito. Katawan ang natatamaan nila. Hanggang sa isang putok ng baril ang nagpahinto ng kanilang pakikipaglaban.
Bumagsak si Pat sa sahig nang tamaan ito ng bala sa likod. Nagulat ang grupo. Nabaril ni Arvin si Pat at nanginginig pa ito. Wala itong kakayahang labanan ang takot. Wala itong kakayahang proteksyunan ang sarili. Isang pagkakamaling nagdulot ng isang malagim na trahedya.
“GAAAAAAAHHHHH!!!!!” Sigaw ni Pat nang simulan syang kainin nang buhay. Nginatngat ang kanyang mga daliri. Pinunit ng kagat ang kanyang tenga. Winarat ang kanyang batok ng malalakas na mga kagat. Napakaraming kagat ang naramdaman nya sa buong katawan. Isang masakit at brutal na kamatayan ang sinapit nya sa mga infected.
“Sir Paaaaaattt!!!! “ sigaw ni Arvin. Hinila ito ng kasama nya. Nabuksan ng isa pa ang bintana. Tumalon ito. Hinila ng isa si Arvin.
“Wala na tayong magagawa! Tara naaaa!!! “ umiiyak man si Arvin. Wala na syang magagawa pa. Nakadilat ang mga mata ni Pat sa kanya. Wala na itong buhay. Tumakas ang tatlo. Tumakbo na nakasalalay ang kanilang buhay sa kanilang mga paa. Hinde na bumalik pa upang tignan ang naiwan.
Nang gabing iyon, nanlumo ang grupo. Nawalan sila ng isang magiting na pinuno. Hinde magawang aminin ng tatlo ang nangyari. Naiintindihan ng dalawa si Arvin. Masyado pa itong bata. Isa itong malaking pagkakamali. Pagkakamaling nagbigay ng malaking leksyon sa isipan ng binata. Iyak nang iyak si Arvin habang nakayakap kay Ayesha. Ang nobya nya. Sya na lamang ang tanging langit nya sa mundo ng impyerno.
Malungkot na tinanggap ni Andrea ang nangyari. Matagal-tagal rin netong nakilala si Pat. Simula pa sa Quezon city general hospital, naging isang malapit na nya itong kaibigan.
Sa itaas ng clinic ay may mga silid. Isa dito ang tirahan ni Andrea. Ang mahabang balcony sa second floor ang paboritong tambayan ni Andrea. Dito sya madalas tumatambay at tinatanaw ang kalangitan. Nag iisip. Dito nagiging kalmado ang kanyang loob. Pero hinde sa gabing ito. Namatay ang isa nyang kaibigan. Isang malapit na kaibigan.
“Sabi ko na nga ba at nandito ka lang eh.” Wika ni Pablo. Naabutan netong umiinom si Andrea. Lumapit si Pablo sa magandang doktora. Nakita nya ang bote.
“Softdrinks?” tumaas ang kilay ni Pablo na medyo natatawa.
“Ayokong malasing. Mas mabuti na ito.”
” Di ba problema rin ang Diabetes dyan Doc. Masyado kang stressed Doc. Hayaan mo’t pakakalmahin kita.”
Pumunta si Pablo sa likod ni Andrea at minasahe ang batok neto. Napapikit si Andrea. Magaling ang mga kamay ni Pablo. Hinde namalayan ni Andrea na minamasahe na rin ang mga balikat nya at likod.
“Mmh… salamat Pablo ha… kung di dahil sayo.. baka natangay na rin ako ng kalungkutan.”
“Tulad mo, ginagawa ko rin ang makakaya ko Doc. Lahat naman tayo eh. Ginagawa natin ang mga tungkulin natin para sa ikabubuhay ng marami.”
“Nalulungkot ako Pablo… malapit na kaibigan si Pat. Isa sya sa mga pinagkakatiwalaan ko. At ngayon wala na sya. Hinde ko lubos maisip, para bang ang labo nya tanggapin sa isipan ko. Pero ramdam ng dibdib ko ang sakit. “
” Natural lang na maghinagpis tayo para kay Sir Pat. Inalay nya ang buhay nya para sa atin kahit na kung tutuusin eh hinde na nya ito trabaho. Malaki ang utang na loob ko kay sir Pat. Maging ako ay nalulungkot rin. Pero kailangan nating maging matibay.”
Humarap si Andrea kay Pablo. Uminom itong muli ng softdrinks habang magkatitig sila. Ngumiti si Pablo at kinuha ang baso at nilapag katabi ng bote.
Hinalikan neto sa labi si Andrea. Napapikit ang magandang doktora. Gumanti rin ito ng halik. Uminit ang laplapan nila. Madilim sa lugar at walang nakakakita sa kanila. Binuhat ni Pablo at ipinatong sa gilid ng balcony si Andrea. Gumapang ang mga kamay nya sa seksing katawan ng ginang. Niyakap naman sya ni Andrea. Nadala na ito ng tawag ng laman. Hinalikan ni Pablo ang leeg ni Andrea. Pinagapang ang dila neto sa leeg ng babae. Napaungol si Andrea. Niyakap ng mga paa nya ang katawan ng lalake. Hinimas ni Pablo ang malaking suso nya.
“Oohhh… ” ungol ng doktora. Naramdaman nyang namumukol na sandata ni Pablo na kumikiskis sa gitna ng singit nya.
“Ooh Doc ang bango mo.. ummhh.. “ naghalikan muli ang dalawa. Masidhing halikan. Pero biglang itinulak ni Andrea si Pablo palayo.
“Bakit?” pagtataka ni Pablo.
“I’m sorry… hinde ko magagawa ito… “ bumaba sa gilid ng balcony si Andrea at inayos ang sarili. Para itong nagising sa katotohanan.
“Hinde mo parin ba kayang tanggapin? Ilang buwan na pero di pa nagpapakita ang batang si Andy… “ wika ni Pablo.
“Danny… ang pangalan nya ay Danny. I’m sorry Pablo… nabigla lang ako… good night.” Pumasok na ito sa silid nya. Napakamot na lang ng ulo si Pablo.
By: Balderic
Sa gitna ng Edsa, malalakas na mga yabag ang pumukaw sa katahimikan ng syudad. Dinig ito ng mga infected na tila nadala ng ingay. Sumunod ang mga ito sa ingay. Isang brutalist pa ang dumating upanv salubungin ang isang nilalang na tumatakbo.
“GRRRRUOOOOOOOHHHH!!!!!! ” Malakas na sigaw ng Brutalist at inatake neto ang nilalang. Subalit biglang hinawakan neto ang ulo ng Brutalist at sa isang piga ay dinurog neto ang ulo ng halimaw.
“HHOOUURRRRRRGGGHHHH!!!! EEEELLZZZZAAAAAA WWAAAAAALLKKKEEEEEERRRRRRRR!!!!!! “
Itutuloy
- Agnas 3 (Episode 12) - December 1, 2020
- Agnas 3 (Episode 11) + Teaser - November 16, 2020
- Agnas 3 (Episode 10) - November 3, 2020