Uncategorized  

Agent Orange – Part 1

Real Sex Stories

Written by ereimondb

 


“Hindi ko inasahan na ikaw ang ipinadala para makipag-usap sa akin.” Saad ni Editha sa kanyang kausap, habang patuloy itong nagsasalin ng alak sa wine glass.

“Anong nangyari? Bakit para yatang naaaligaga kayong lahat?” Dagdag pa nito.

“Wala namang nangyari… Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na tapos na ang problema natin.” Sagot ng kanyang kausap na nakasuot ng pula at mahabang bestida.

Iniabot naman ni Editha ang wine glass dito at agad na ininuman at tinikman ang masarap na red wine.

Nakatingin lamang siya dito at tila pilit na binabasa kung ano ang nasa isipan ng magandang babae.

“I don’t get it. Ano ba yang pinagsasasabi mo?”
“Alam mo kung anong sinasabi ko. You are the one who give orders, right?”

Ngumiti naman si Editha at natuwa ito sa mga sinasabi ng kanyang kausap. Tila nakukuha na rin nito ang ibig ipahiwatig ng babae.

“When?” Tanong ni Mrs. Banks.

“Yesterday.”
“Kumpirmado na ba yan?”
“Yes. Fiancé ko na ang namumuno bilang Country Director.” Pagmamalaki ng kanyang kausap.

“So… Agent Orange is gone?”
“Hmm… Let’s just say, it is being handled.”

Tila napapaisip naman si Editha sa kanyang narinig na balita mula sa babae. Naglakad ito patungo sa sofa at marahang umupo dito.

“Alam mo namang hindi magugustuhan ng kumpanya namin ang ganyang balita. At alam mo rin na ang gusto naming makuha ay ang ulo niya. Hindi patay si Agent Orange, kaya wala tayong dapat pag-usapan. Malinaw yan mula pa sa simula.”
“You are right, Mrs. Banks. Pero maisisigurado ko sa inyong hindi na siya ang namamahala sa The Programme, ang fiancé ko na.”
“So? Wala din naman akong tiwala sa asawa mo. Masyadong malambot. Masyadong mabait.”

Sandaling natahimik ang babaeng kanyang kausap dahil sa mga sinabi ni Editha tungkol sa kanyang kasintahan. Pilit nitong kinukontrol ang kanyang galit at hinayaan na lamang niyang tanggapin ang lahat ng pang-aalipusta.

Nilapitan na lamang niya ito at umupo sa kaharap na sofa ni Editha. Ibinaba ang kanina pang hawak na wine glass, saka kinuha ang isang litrato mula sa kanyang maliit na bag.

Hinagis niya ito sa lamesa at siniguradong makikita ni Mrs. Editha Banks kung sino ang nasa larawang iyon.

“Nabigo ako sa plano nating patayin si Agent Orange, pero hindi iyon nangangahulugang natalo na tayo sa laban. Parehas tayo ng interes, at iyon ay ang mawala sa landas natin si Agent Orange. Hindi siya patay, pero alam ko kung nasaan siya. At kaya kitang dalhin sa kanya.”

Sinusulyapan naman ni Editha ang litratong nasa kanyang harapan. Tila unti-unti na rin siyang nakukumbinsi sa mga sinasabi sa kanya ng babaeng iyon.

Maya-maya ay tumayo ito at naglakad patungo sa kanyang mini bar.

Muli nitong nilagyan ng alak ang kanyang wine glass.

“Kahit kailan ay hindi ko pinagdudahan ang kakayahan mo. Tama ka, hindi kayo nagtagumpay sa pagpatay sa Agent Orange na yan. At alam ko din kung gaano siya kagaling, katuso at kailap, para tuluyang maisagawa ang aming mga plano. Pero sige… Bibigyan kita ng pagkakataon. Dalhin mo ako sa kinaroroonan ng taong iyan, and I will cut a deal for you.”

Napangiti naman ang babae at sinundan niya sa mini bar si Editha.

“Cheers to success!” Saad nito.

“Cheers!” Sagot ni Mrs. Banks, sabay inom sa kanyang wine glass.

Agent Orange: Chapter 1

Nagkakatuwaan ang lahat. Wala mang nagdiriwang ng kaarawan sa bahay, pero daig pa namin ito sa sobrang gulo at saya ng party. Sobrang lakas ng tunog ng stereo, at kahit nasa itaas pa ako ng kuwarto ay dinig na dinig ko ang tugtog na nanggagaling dito. Hindi pa ako makababa dahil gusto kong magpaganda. Ayoko kasing lumabas at magpakita sa mga bisita na namumutla at halatang kagagaling lang sa isang operasyon. Gusto ko makita nila akong nakapustura at magaling na magaling na. At gusto ko ring mapasaya ang aking asawa at ipakita sa kanyang ginagawa ko ang lahat para magpaganda. Pambawi ko na lang ito sa kanya. Alam kong matagal din siyang nagdusa habang nakaratay ako sa ospital ng halos anim na buwan. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako. Ito ay ayon sa kuwento ng mister ko at ni Dra. Galvez.

Wala akong maalala. Basta ang sabi nila sa akin ay naaksidente ang sinasakyan kong company car at nag-agaw buhay daw ako patungo sa ospital. Halos ideklara na raw akong DOA, dahil sa malala ang naging lagay ko matapos ang aksidente. At tanging panalangin lang ang nakapagsalba sa akin.

Kahit wala pa akong maalala hanggang sa ngayon, ay alam kong napakabuti ng mister ko. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na napakabait niyang tao. At dahil panay rin ang pakikipag-usap nito sa kanyang mga kliyente sa telepono, ay alam kong napakasipag rin niya.

Mag-iisang linggo pa lang nang magising ako mula sa koma, pero nasaksihan ko na kung gaano siya kabuting asawa para ssa akin. At ramdam kong mahal na mahal niya talaga ako, dahil kahit kailan daw ay hindi niya ako iniwan sa ospital, ayon kay doktora.

Ano pa ba ang mahihiling ko? Hindi ba’t napakasuwerte ko na ngang talaga?

Maya-maya ay nadinig kong tinatawag na nila ako sa ibaba. Marami na raw bisitang naghihintay sa akin. Kung kaya’t lalo naman akong kinabahan. Inilagay ko na sa aking tenga ang napakagandang diyamanteng hikaw na bigay ng asawa ko. Regalo daw niya sa akin iyon noong anniversary namin. Isinuot ko rin ang katerno nitong kuwintas, na lalo namang nakakadagdag sa aking pagkinang ngayong gabi. At ang pinakahuli sa lahat, ang wedding ring namin. Medyo maluwang na ito sa daliri ko, dahil pumayat daw ako. Pero kitang-kita ko pa rin ang napakagandang maliliit na bato sa wedding ring namin mag-asawa.

“Ruth, hindi ka pa ba tapos diyan?”
“Matatapos na ate.”
“Wow!!! Sobrang ganda mo na!!! Kung ganyan lahat ang itsura ng mga tao pagkatapos maaksidente, malamang ibinangga ko na ang sasakyan ko. Hahaha!”
“Hehehe… Ikaw talaga. Huwag mong sabihin iyan, masuwerte ka pa nga dahil walang nangyari sa iyong masama, di tulad ko.”
“Sabagay… Pero alam mo, napakasuwerte mo talaga. May guwapo at milyonaryo kang asawa, tapos ngayon, may pangalawang buhay ka pa. Ikaw na talaga! Hehehe”

Tama siya. Maituturing ko na itong pangalawang buhay ko. At wala akong balak na sayangin ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin.

Kung hindi man ako naging mabuting pinsan noon, sisikapin kong maging mabait kay ate Mae ngayon. Kung hindi man ako naging mapagmahal na asawa noon, sisiguraduhin kong ibibigay ko na ang lahat-lahat para kay Ryan. At kung hindi man ako naging responsableng mamamayan, simula ngayon ay magpapakabuti na ako at dodoblehin ang pag-iingat sa pagmamaneho.

Magkasabay na kaming bumaba ng hagdanan ni ate Mae. First degree cousin ko siya sa father side at kahit hindi ko na rin siya naaalala ay magaan pa rin ang loob ko sa kanya. Mahaba ang buhok niya, maputi at maamo ang mukha. Ang sabi niya sa akin ay nagkaroon na raw siya ng asawa, pero iniwan daw siya nito. Pati iyon ay hindi ko na rin matandaan, kung kaya’t gumagawa ako ng paraan para makilala isa-isa ang mga kapamilya at kaibigan ko. Pakiramdam ko kasi’y lahat sila ay estranghero sa akin. Maging si Ryan.

Sabi niya sa akin, Ryan Santander ang buong pangalan niya. Naging mag-girlfriend-boyfriend daw kami mula pa noong college at magtatatlong taon pa lang kaming kasal. Isa daw siyang General Manager sa kumpanyang itinaguyod ng kanyang mga magulang. Hindi ko na rin maalala ang itsura ng magulang ni Ryan, at tanging sa picture frame ko na lang sila nakikita.

Maputi, singkit at matangos ang ilong. Lahat ng yun ay nakuha niya sa kanyang ama. Pero ang hugis ng mukha, pati ang pag-uugali, ay nakuha nito sa mommy niya. Kahit nakatalikod si Ryan ay madali ko siyang makilala. At habang pababa kami ng hagdan ay natatanaw ko na siyang nakasuot ng dilaw na polo shirt. Siya muna ang kumakausap sa mga bisita namin habang hinihintay akong lumabas ng kuwarto.

Habang naglalakad, ay pinagtitinginan ako ng mga di ko kakilalang tao. Nginitian ko na lang sila at binabati, dahil naisip ko na baka naging malapit din kami ng mga taong ito noon. Sinusuklian naman nila ako ng ngiti at pagbati, habang inaalalayan ako ni ate Mae sa paglalakad. Kinakabahan ako. Hindi ko mawari ang aking pakiramdam at tila nahihilo pa ako sa mga nangyayari sa aking paligid.

Mabuti na lamang at nilapitan agad ako ni Ryan. Nginitian niya lang ako at kinindatan, sabay hawak sa aking kamay at inalalayan niya akong makapunta sa harap ng mga bisita. Nakakabingi ang kanilang mga palakpakan at mga papuri sa akin. Lahat sila ay nagpaabot ng papuri at kagalakan sa akin, dahil daw sa naging matagumpay ang aking operasyon. Masaya rin daw sila para sa akin, dahil nabigyan ako ng pangalawang buhay. Natutuwa rin daw sila dahil kaya ko nang maglakad at makipag-party kasama nilang lahat. Malalakas na tawanan ang bumalot sa sala namin, habang ako naman ay pilit na inuunawa ang lahat ng pinagsasasabi nila. Panay lang ang ngiti ko bilang tugon sa lahat ng nadirinig ko.

“Okay ka lang, dear?”
“Medyo…”
“Halika, maupo ka muna dito. Baka mabinat ka.”

Kaagad na napansin ni Ryan ang aking pagkabalisa. Para kasi akong sumugod sa isang giyera ng walang armas. Wala akong maalala at wala akong kakilala sa mga bisita. Para bang ako pa ang naging estranghero sa sarili naming pamamahay. Pero tiniis ko lang ang lahat ng iyon. Alam ko kasing inihanda ng aking asawa ang lahat ng ito, para maipagdiwang ang matagumpay kong operasyon. Gusto kong makita niya na naaappreciate ko ang lahat ng kabutihan niya para sa akin, at lalong ayoko namang mag-mukhang killjoy.

“If you need anything, kalabitin mo lang ako ha.”
“Sige Ryan, ayos lang naman ako dito. Ikaw na muna bahala sa mga bisita natin. Mauupo lang ako dito sa sofa.”
“Are you sure?”
“Yes, Ryan.”
“I love you.”

Hindi ko masabi ang mga katagang “I love you too” kay Ryan. Hindi ko alam kung bakit para akong naiilang na gawin iyon. Nakakahiya man, pero alam kong naiintindihan niya ito dahil sa kalagayan ko ngayon.

Pinanood ko na lang ang mga taong nagtatawanan at nagkakasiyahan sa bahay namin. Ang iba ay kumakanta sa videoke, and iba naman ay nasa isang sulok habang nagkukuwentuhan at umiinom ng alak, at ang iba naman ay panay ang balik sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa.

Madalas ay umiiwas akong tumingin sa mga tao. Hindi ko rin kasi alam ang gagawin at sasabihin ko, kung sakaling lumapit sila at makipag-usap sa akin.

Mabuti na lang at walang nagtatangkang tumabi at lumapit sa akin para kausapin ako. Para bang nasabihan sila sa kundisyon kong ito, at naiintindihan nilang wala akong maibibigay na reaksiyon para sa kanila.

Mahirap. Mahirap talaga ang ganitong kalagayan. Gustong-gusto ko na maibalik ang lahat ng alaala ko. Gusto ko nang tumayo dito at makisaya sa mga bisita namin, tulad ng dati. At ayoko ring magmukhang pabigat kay Ryan. Marami na siyang dinanas na hirap mula nang maaksidente ako, at ayoko namang hanggang sa ngayon ay kailangan pa rin niya akong alagaan.

“Ruth!!!!” Saad ng isang lalaki habang papalapit ito sa akin.
“Kamusta ka na? Long time, no see ahhhh!!! I am so happy that you are doing fine.”

Patangu-tango lang ako bilang sagot sa lalaking ito. Hindi ko siya maalala, hindi ko siya kilala.

Maya-maya ay lumapit ulit sa akin si Ryan. Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ito sa akin nang maramdamang nanlalamig ako.

“Rye!!! You did a good job! A very good job!”
“Pasensya na, hindi pa lubusang magaling si misis.”
“Yes, I know. Don’t worry hindi ko naman siya pipiliting kausapin ako sa ngayon. Gusto ko lang kayong batiin mag-asawa! You are such a perfect couple!”
“Thanks!”
“And I wish you all the best and happiness in life. You deserve each other! Hahahaha!”
“Thanks! Excuse me, kailangan nang magpahinga ni Ruth.”
“Sure, sure… Go ahead…”

Bigla akong pinatayo ni Ryan at inalalayan niya ako habang naglalakad papalayo sa lalaking ito. Sinubukan ko siyang lingunin, pero nawala na ito sa may sala namin. Kaagad siyang natabunan ng mga bisita na patuloy sa kanilang ginagawang pagsasaya. Hindi ko alam kung bakit parang iba ang nararamdaman ko. Bumilis ang pintig ng puso ko at nakaramdam ako ng panlalambot.

Mabilis kaming nakaakyat patungo sa aming silid. Pagkapasok namin ng kuwarto ay agad na isinara ni Ryan ang pintuan. Nakatingin lang ako sa kanyang mukha, at bakas dito ang pag-aalala at pagkabalisa. Mabilis siyang pinagpawisan at para bang mayroon siyang ikinatakot at ikinabigla.

“Okay ka lang ba Ryan?”
“Ayos lang ako. Ikaw ba?”
“I’m okay.”
“Alam kong mahirap para sa iyo ito. I am sorry kung pinilit pa kitang magparty.”
“No. Okay lang sa akin yun. Alam kong pinaghirapan mo ang lahat ng ito, and I appreciate it.”
“Okay… I think you should better rest now, dear.”

Lumapit ako at hinaplos ang mukha ni Ryan. Nakatingin lang ito sa akin at tila naninibago kami pareho sa aking ginagawa.

“Thank you and I love you…” Ang tanging nasabi ko bago ko inilapit ang aking labi sa kanya.

Naramdaman ko ang init ng kanyang labi at agad ko namang sinuklian ang bawat halik niya. Hinawakan niya ako sa bandang baywang sabay hatak sa akin papalapit sa kanyang katawan. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa kanyang batok, habang patuloy kaming naghahalikan.

Maya-maya ay parang nakaramdam ako ng sakit sa aking bandang ulunan. Habang nakapikit ako ay tila mayroong mga malalabong imahe sa aking isipan na siya namang lalong nagbigay sa akin ng pagkirot at pamamanhid. Itinigil ni Ryan ang paghahalikan namin at inalalayan niya akong makaupo sa kama.

“Take a rest, Ruth.”
“Sorry… I’m so sorry.”
“I understand. Huwag mo munang pilitin ang sarili mo. Baka mabinat ka pa.”
“Okay… Pasensya ka na Ryan. I am just trying to be your wife again.”
“Darating tayo diyan… Darating tayo diyan…”

Hinalikan niya ako sa bandang noo at pagkatapos ay naglakad na ito patungo sa pintuan ng aming silid. Nilingon niya ako, sabay ngiti, hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng kuwarto. Napayuko na lamang ako sa aking ginawa kay Ryan. Alam kong hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang pagdurusa nang dahil sa akin. Alam kong pilit niya pang hinahabaan ang kanyang pasensya at pag-unawa dahil sa mga pagbabagong nangyayari sa akin.

Gusto ko na maibigay sa kanya ang kaligayahang naipagkait ko mula nang ako ay maaksidente. Gusto ko na ulit siya mapasaya at makalaya sa kanyang pagdurusa. Gusto ko na ulit mahalin ang asawa ko at damhin kung gaano kami kainit magmahalan noon.

Pero hindi magiging madali ang lahat. Lalo pa’t dinadalaw ako ng mga imaheng iyon, na siya namang nagpapalala ng sitwasyon naming mag-asawa.

“Gagaling din ako Ryan… Babalik din lahat ng alaala ko…” Bulong ko na lamang sa aking sarili at umaasang dumating agad ang araw na iyon.

Pagkagising ni Ruth kinaumagahan, ay napansin nitong wala na sa kanyang tabi si Ryan. Marahan itong bumangon at naupo saglit sa kanyang kama saka naibaling ang kanyang paningin sa may bintana.

Pinagmamasdan ni Ruth ang ganda ng tanawin sa labas, na lalo namang pinatingkad ng sikat ng araw. Nadidinig din nito ang mga huni ng ibon na tila nag-aanyaya sa kanya na bumangon na at simulan ang kanyang bagong araw, bagong buhay.

Napabuntong hininga na lamang si Ruth saka inayos ang kanyang suot na lingerie. Tumayo ito malapit sa kanilang kama at humarap sa malaking salamin. Kinuha ang kanyang suklay at marahang ipinadaan nito sa kanyang buhok. Alam niyang hirap pa rin siyang alalahanin ang ibang mga bagay, ngunit positibo pa rin siyang balang araw ay babalik din ang normal niyang buhay. Gusto niyang dalasan ang pagbisita sa kanyang doktor upang mas matulungan pa siyang maibalik ang lahat ng kanyang memorya.

Maya-maya ay napatingin ito sa kanyang binatana. Nakita niya ang isang ibong tila naipit sa pinakadulong bahagi ng kanilang maliit na veranda. Namimilipit at parang humihingi ito ng saklolo. Agad naman siyang tumayo at isinuot ang kanyang bathrobe. Binuksan ang sliding door patungo sa kanilang veranda at pinuntahan ang naipit na ibon. Marahan niya itong kinuha at sandaling inilagay sa kanyang palad. Buhay pa naman ang ibon, kung kaya’t mabilis din itong nakalipad papalayo sa kanya. Sinundan na lamang niya ito ng tingin habang malayang lumilipad ang isang ibong kani-kanina lamang ay nasikil sa pagitan ng dalawang bakal.

Habang sinusulyapan ang kinaroroonan ng ibon ay bigla siyang napatingin sa ibabang direksyon.

May nakita itong isang lalaki. Nakaupo sa may gilid ng kalsada habang ito ay naninigarilyo. Medyo mahaba ang buhok ng lalaking, at kahit nakatali pa ito sa kanyang likuran, ay malalaman mong halos lagpas na ito sa kanyang mga balikat. Matipuno ang lalaki at kulay kayumanggi ang balat. At tila naisip ni Ruth na napabayaan na nito ang kanyang sarili, dahil sa lago ng balabas nito.

Hanggang sa napatingin sa kanya ang misteryosong lalaki, at nagkatinginan sila nang mata sa mata. Hindi makagalaw si Ruth habang nakatitig siya dito. Samantalang ang lalaki naman ay kaagad na tumayo at pinatay ang pagkakasindi ng kanyang sigarilyo. Naglakad ito sa may gawing kanan ng kalsada at hindi na niya nilingon ang napakagandang babae.

Maya-maya ay biglang sumakit nanaman ang ulo ni Ruth. Tila mayroon siyang nakikitang mga malalabong imahe sa kanyang isipan, ngunit dahil sa matinding sakit na dulot nito’y pilit na lamang niyang iwinawaksi ang mga mumunting alaala. Napaupo siya sa may veranda habang hawak ng magkabila niyang mga kamay ang kanyang ulo.

“Ruth!” Sigaw ni Ryan sabay takbo sa kinaroroonan ng kanyang asawa.
“Anong nangyari?”
“Ewan ko… Biglang sumakit ang ulo ko… Ang sakit sakit!!!”
“Kailangan na kitang dalhin sa doktor. Pasok na tayo sa loob para makapagbihis ka.”

Inalalayan ni Ryan ang kanyang asawa at agad namang nagpalit ng damit si Ruth. Isinugod agad siya sa ospital upang ipatingin kay Dra. Galvez ang kanyang kundisyon. Nanginginig naman ang mga kamay ng magandang babae. Hindi pa rin naaalis sa kanyang isipan ang itsura ng lalaking nakatayo kanina sa tapat ng kanilang bahay.

Gusto niya sanang isipin kung saan niya nakita ang pamilyar na mga matang iyon, ngunit lalo lamang siyang nanghihina at sumasakit ang kanyang ulo. Kung kaya’t habang nasa loob siya ng sasakyan ay nakayakap lamang ito sa kanyang asawa. Alam niyang si Ryan lamang ang kanyang mapagkakatiwalaan, lalo pa’t mahina siya at walang pa ring maalala.

Pagdating sa ospital ay agad siyang pinapasok sa loob ng opisina ni Dra. Galvez. Kahit maraming mga pasiyenteng naghihintay, ay siya pa rin sang inunang tignan ng may katabaang doktora. Tinanguan lang ni Ryan ito, bilang hudyat na iiwan na muna niya si Ruth sa kanyang pangangalaga. Tila natatakot naman ang magandang babae na mapag-isa, ngunit inunawa na lamang niya na kailangan siyang iwan ng sandali ni Ryan.

“Anong nangyari sayo Ruth? Iniinom mo ba ang mga gamot mo on-time?”
“Yes dok… Sinusunod ko naman po lahat ng sinabi ninyo. I’m taking my meds regularly.”
“Okay… Lagi na bang sumasakit ang ulo mo? I mean, inoobserbahan mo ba kung gaano ito kadalas?”
“Last night and this morning lang sumakit ang ulo ko. I think dahil sa mga malalabong imahe na nasa utak ko… Everytime na may naaalala ako, sobrang bilis, sobrang labo… tapos sasakit na lang ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang mga nakikita ko…”

Tahimik namang inoobserbahan ni Dra. Galvez si Ruth. Panay ang sulat nito sa kanyang notebook at tila nauunawaan niya ang pinagdaraanan ng kanyang pasiyente.

“I think… magandang sign yan Ruth. Baka mas mapadali nating maibalik ang memorya mo…”
“Talaga po dok? Okay lang po ba ang nararamdaman ko?”
“Nothing serious… Pero kailangan muna nating obserbahan within this week. At please, huwag mo muna masyadong pagurin yang sarili mo… lalo na iyang utak mo sa kakaisip. Makakasama yan para sa iyo.”
“Opo dok… Gustong-gusto ko lang po talaga na maibalik ang memorya ko.”
“I know… I understand… That’s why, I am going to recommend na dagdagan ang dosage ng gamot mo… Para hindi na sumakit yang ulo mo…”
“But dok… I’m sorry… Kasi, everytime na iniinom ko yang gamot na yan, eh nanghihina po ako. Tapos parang namamanhid ang buong katawan ko… I can’t understand kung bakit ko nararamdaman yun…”

Sandaling tumahimik ang doktora. Tila mayroon itong ikinukubli sa kanyang pasyente. Ngunit mas pinili niyang kumbinsihin si Ruth na sundin na lamang ang lahat ng kanyang sinasabi.

“You have to take your medicines Ruth. It is for your own sake. Kailangan mo lang unuwain, na lahat ng gamot ay maaring magkaroon ng side effects. At yung nararamdaman mo, ay minimal lang, dahil sa kondisyon mo.”

Napatango na lamang si Ruth kahit pilit nitong inuunawa ang sinasabi sa kanya ni Dra. Galvez.

Agad namang iniabot ng matabang babae ang lahat ng gamot ni Ruth at inalalayan niya ito papalabas ng kanyang tanggapan.

“Oh! Wait…” Saad ng doktora.

“I want you to have this. Gusto ko, isulat mo lahat ng naaalala mo everytime na magkaka-flashes ka ulit. You have to write it down… Gawin mo itong journal mo. You can show it to your husband, or you can show it to me… Basta sa aming dalawa lang ni Ryan… Okay?”

Napatingin naman si Ruth sa kanyang hawak-hawak na malaking notebook. Tumango lamang siya sa kanyang doktora bilang pagsang-ayon sa kahilingan nito.

“Don’t forget to take your medicines, okay? And make sure to write everything on your journal… Take care…” Saad ni Dra. Galvez, sabay kindat sa kanyang pasiyente.

Mabilis namang sinalubong ni Ryan si Ruth at inalalayan ito para makaupo sa may labas ng tanggapan ng doktora.

“Stay here… Kakausapin ko lang si Dra. Galvez.”
“Okay.”

Tahimik na naghihintay lamang si Ruth habang nakaupo. Panay pa rin ang tingin nito sa kanyang hawak-hawak na notebook.

Samantala, hinarap naman ni Ryan ang matabang doktora.

“What happened? May naaalala na ba siya? Is she getting worst?”
“Relax Ryan… Wala pa siyang naaalala… Calm down okay…”
“I have to know everything, bago pa maging huli ang lahat.”
“Don’t worry, I made sure na wala pa siyang maaalala anytime soon. Dinagdagan ko na rin ang dosage ng gamot niya.”
“Good… Maaasahan ka talaga ng kumpanya.”
“I know… Alam kong asset ako ng company… Pero gusto ko lang din ipaalam sa inyo, na may hangganan ang lahat ng gamot… Hindi sa tinatakot kita, pero babalik at babalik din ang alaala ni Ruth… And you have to be ready kapag nangyari yun…”
“Ako na ang bahala doon… Basta sa ngayon, kontrolado ko pa rin ang lahat.”

“Okay… Basta Ryan, pagbalik ng alaala ni Ruth, make sure na labas ako sa lahat ng mga plano ninyo… Ayokong mabalikan…” Nakatawang saad ni Dra. Galvez.

Napangisi na lamang si Ryan at mabilis na lumabas sa tanggapan ng doktora. Agad nitong inakay sa kanyang braso ang tila nanghihina pang asawa.

“Dear… I still need to go to the office… Okay lang ba sa iyo kung ang driver na lang muna ang maghahatid sayo pauwi?”
“Yes dear… Okay lang ako… Okay na ako… Go ahead, pasok ka na sa trabaho mo…”

“Okay, I love you…” Marahang hinalikan ni Ryan sa pisngi si Ruth.

“I love you too…” Pabulong na saad ni Ruth.

Nagmamadali namang pumunta sa isang kotse si Ryan, samantalang inalalayan na ng kanyang driver si Ruth papasok sa isa pang sasakyan.

Dahil sa labis niyang panghihina, ay mas minarapat ng magandang babae ang matulog buong maghapon. Gusto niyang ipahinga ang kanyang sarili, dahil pakiramdam nito ay nabinat siya dahil sa party at sa kanyang mga naaalala. Pilit na iwinawaksi ni Ruth sa kanyang isipan ang nakitang pamilyar na mukha na nasa tapat ng kanilang bahay kanina. Kahit gustong-gusto nitong maibalik kaagad ang kanyang alaala, ay mas pinili niyang maghinay-hinay muna, upang mabawasan ang mga gamot na kanyang iniinom. Para sa kanya kasi, ay hindi nakakatulong ang mga nirerekumendang gamot ni Dra. Galvez.

Samantala, na-late naman sa kanyang meeting si Ryan. Hindi na niya naharap ang ibang mga kliyente at mga big bosses ng kumpanya. Kaagad na lamang itong nagpunta sa kanyang opisina upang simulan ang mga nakabinbing trabaho.

Iba ang sinabi ni Ryan sa kanyang asawa, tungkol sa kanyang totoong trabaho. Sinabi lamang nito na General Manager siya sa business ng mga magulang niya. Hindi pa naman humihiling si Ruth na ipasyal siya sa kanilang opisina, kung kaya’t nagagawa pa nitong ikubli ang lahat.

Country Director si Ryan ng “The Programme”. Isa itong kumpanya na tanging ang mga mayayaman at maimpluwensyang tao lang ang nakakaalam. Madalas ay mga pullitiko ang kanilang kliyente, at mga sikat na tao sa Pilipinas. Isa itong sikretong organisasyong binuo ng apat na angkan sa ating bansa. At isa ang pamilya ni Ryan sa mga bumuo ng kumpanyang ito. Alam niyang mahihirapan siyang ipaliwanag kay Ruth ang lahat, kung kaya’t pansamantala niyang itinago sa magandang babae ang katotohanan.

“You’re late.” Saad ni Melissa, ang OPS Manager ng The Programme.

Matangkad, maganda at galing sa isang maimpluwensyang pamilya si Melissa. Kasama siya sa pang-apat na henerasyon ng mga angkan na nagtaguyod sa kumpanya. Malapit na kaibigan ni Ryan si Melissa dahil na rin sa matagal nang magkakakilala ang kanilang mga pamilya.

“Kailangan ko pang isugod sa ospital si Ruth…”
“Oh! Talagang kinakarir mo yang babaeng yan…”
“We have to…”
“We don’t have to… at alam mo yan… Bakit ba hindi na lang natin hayaang mawala si Ruth? Bakit ba lahat na lang kayo eh gustong-gusto mabuhay yang babaeng yan?”
“We need her… as simple as that…”
“Pero…”
“Stop it, Melissa. Napag-usapan na ito ng lahat… And we have to follow instructions…”

“fall the rules!!!” Galit na saad ng magandang babae.

Agad naman siyang nilapitan ni Ryan at niyakap ang magandang babae.

“Calm down… We need to wait… We just need to wait… Alam naman nating malapit na ring madispose si Ruth… Maghintay lang tayo ng tamang pagkakataon…”
“Nakakainis lang kasi eh… Ako dapat ang nasa lugar niya… Sa halip na ako ang kayakap mo tuwing gabi, ay yang babae na yan ang nasa tabi mo… Ako ang fiancé mo… Hindi ba?”
“I know, Mel… Kaya nga, just hold on… Pagkatapos ng lahat ng ito, magpapakasal na tayo…
“Promise??”
“Promise…”

Hinalikan naman agad ni Melissa si Ryan sa kanyang labi. Tila sabik na sabik ito sa mga haplos ng kanyang kasintahan.

Samantala, habang natutulog si Ruth ay tila dinalaw ito ng isang masamang panaginip.

Napapanaginipan niya ang isang babae at isang lalaki na nagtatalik sa isang kuwarto. Kahit malabo sa kanyang gunita ang itsura ng dalawang ito, ay alam niyang ang babae pa mismo ang nakapaibabaw sa lalaki.

Ramdam na ramdam din niya ang sarap na nararanasan ng babaeng ito habang ipinapasok ng lalaki ang kanyang matigas na kargada.

Madilim ang paligid at malakas ang hampas ng hanging nagmumula sa isang malaking bintana.

Maya-maya ay pumailalim na ang babae sa katawan ng kanyang kasiping at ito naman ang marahas na kumakantot. Malalakas na ulos ang tinatanggap ng babae, habang ang dalawang kamay nito’y bigla na lang nakatali sa isang bakal na nakakabit sa taas ng kanilang kama.

Hindi tinitigilan ng lalaki ang kanyang mga pagkadyot sa babae at napapatirik pa ang mga mata nito sa sobrang sarap na nadarama. Maya-maya ay unti-unting napupunta ang dalawang kamay ng lalaki sa bandang leeg ng babae. Pabilis ng pabilis ang pagpapabaon ng kanyang malaking kargada sa makipot na lagusan ng babae at pahigpit ng pahigpit din ang pagkakasakal nito kanyang leeg.

Tila nararamdaman ni Ruth ang mahigpit na sakal ng lalaki at pati siya ay nahihirapan nang makahinga. Wala naman siyang magawa dahil nakatali pa rin ang dalawang mga kamay nito.

Hanggang sa tuluyan na nitong naaninag ang hitsura ng babae. Laking gulat niya nang makita ang kanyang sarili na nakahiga, at siya na ngayon ang inaangkin ng lalaki. Lalong nataranta si Ruth at pilit na kumakawala sa parang halimaw na nakapatong sa kanyang katawan.

Maya-maya ay biglang bumangon si Ruth at tuluyan na siyang nagising sa napakasamang panaginip. Napaluha ito dahil sa inaakalang mamamatay na siya sa isang bangungot. Inabot ang baso na nasa lamesa at ininom ang lamang tubig nito. Tila uhaw na uhaw ang magandang babae. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili dahil sa masamang panaginip na iyon. Pinilit din niyang tumayo at tumapat sa may bintana upang makalanghap ng sariwang hangin.

Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa takot. Unti-unti nanamang sumasakit ang kanyang ulo, kung kaya’t agad nitong kinuha ang lalagyan ng kanyang gamot. Kumuha ng dalawang tabletas at ininom ito, kasabay ng isang basong tubig.

Ayaw na sana niyang uminom ng gamot na nireseta ng doktor, ngunit wala siyang magagawa. Mas minabuti nitong sundin ang iniutos sa kanya upang mapakalma ang sarili.

Bumalik na lamang siya sa kanyang higaan dahil mabilis itong nakaramdam ng antok at pagkahina. Tila umiikot nanaman ang kanyang paningin. Alam niyang umi-epekto nanaman sa kanya ang gamot na inirekumenda ni Dra. Galvez.

Unti-unti nang ipinikit muli ni Ruth ang kanyang mga mata hanggang sa ito’y makatulog.

Halos alas onse na ng gabi nang makarating sa kanilang village si Ryan. Tila napapagod na rin ang lalaki sa pagpapanggap nito bilang asawa ni Ruth. Ngunit wala siyang magagawa. Sinusunod lamang siya sa mga utos.

Habang binabagtas ang kalsada patungo sa kanilang bahay, ay may nakita siyang isang pamilyar na lalaking tila nakamasid at nagbabantay.

Agad niyang sinenyasan ang kanyang driver upang ihinto ang sasakyan.

Napatingin naman sa kanya ang misteryosong lalaki at nang makitang bumababa si Ryan sa kanyang kotse ay nagmamadali itong umalis.

Mabilis na hinabol ni Ryan ang lalaking ito at saka kinuwelyuhan.

“Hindi ka ba marunong umintindi? Hindi ba’t sinabi ko na sayong layuan mo na si siya?”

Walang imik ang lalaki. Nakatingin lamang ito sa mukha ni Ryan at pinapakinggan ang lahat ng sinasabi sa kanya.

“Lalo mo lang siya ipinapahamak… Lalo mo lang siyang inilalagay sa peligro…” Patuloy na saad ni Ryan.

Maya-maya ay marahas na tinanggal ng misteryosong lalaki ang mga kamay ni Ryan sa kanyang kuwelyo. Dahan-dahan niyang pinagpag ang kanyang suot, saka kumuha ng yosi sa kanyang bulsa.

Sinindihan niya ang sigarilyo sa harapan ni Ryan at sabay buga sa pagmumukha nito.

Tahimik na naglakad ito papalayo. Wala siyang isinagot sa lahat ng mga sinabi sa kanya ni Ryan. Kahit alam niyang may puntos ang lalaking nagpapanggap na asawa ni Ruth, ay desidido pa rin siyang ituloy ang kanyang mga ginagawang pagmamasid at pagbabantay sa harapan ng bahay nila.

At alam din ni Ryan na hinding-hindi niya kayang pigilan at pagbawalan ito.

Welcome!!!
You are about to witness our presentation, and we would like to provide you a brief introduction about our company.
We are the company that chooses elite members that can be leaders; members that are born leaders.
We choose elite members that can serve not just the country, but the whole world.
We choose elite members that can become role models, future award winning actors and actresses, breakthrough performers, singers and artists.
We are the company that chooses elite members to rule the world and make a difference.
And if you can watch this presentation… that means, we have seen a potential in you.
We have chosen each one of you…
Future leaders…
Future role models…
Future celebrities…
Congratulations…
And…
Welcome to our company…

Nagpalakpakan naman ang mga dumalong bagong miyembro habang nakasuot sa kanila ang mga 3D glasses. Manghang-mangha ang lahat sa kakaibang presentasiyon na ipinalabas ng kumpanya. Walo lamang ang nakarating sa bagong batch ng company orientation ng The Programme. Tatlo sa kanila ay mga tatakbong gobernador, dalawa ay mga nagbabalak tumakbo bilang senador at ang huling tatlo naman ay mga bagitong artista na gustong sumikat.

Dahil sa lawak ng sakop at impluwensiya ng kumpanya, ay marami dito ang sumusubok makapasok, upang mai-endorso at masiguradong laging nangunguna at nananalo sa kahit anong larangan. Hawak nila ang lahat ng mayayamang negosyante at maimpluwensyang tao sa bansa, kung kaya’t lahat ng kinakailangang makinarya at suporta ay makukuha bilang benepisyo ng mga piling miyembro.

Dumadaan sa butas ng karayom ang mga naghahangad maging miyembro ng Programme. Dahil marami sa mga miyembro nito ay napatunayan at subok nang nagtagumpay sa iba’t ibang larangan, tulad ng mga pulitiko, manlalaro, modelo, artista, mang-aawit, manunulat at kung anu-ano pa.

Tuwang-tuwa naman ang walong bagong miyembro dahil mapapabilang sila sa mga taong tinitingala, mula noon hanggang sa ngayon.

Maya-maya ay lumabas ang isang babae. Dinig na dinig sa kalawakan ng silid ang tunog ng takong ng kanyang sapatos habang naglalakad papalapit sa mga bagong miyembro. Napakaganda ng babae habang nakangiti sa walong napili at nakarating para sa company orientation.

“Welcome elite members, and congratulations. Alam kong napakarami ninyong pinagdaanan para maging parte ng kumpanyang ito. Physical, emotional, intellectual, spiritual at marami pang ibang uri ng stress and tests ang nakumpleto ninyo, bago maging isang tunay na elite member… So again, congratulations… Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili…” Saad nito habang nakangiting pumapalakpak kasabay ng walong bagong miyembro ng Programme.

Nagtitinginan naman ang bawat isa at halatang masaya sila dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng kumpanya. Lahat sila ay umaasang maging matagumpay sa kanilang napiling larangan.

“Okay, girls and boys… Please follow me…”

Agad na naglakad ang babae, papunta sa isang silid kung saan nakalagay ang lahat ng mga puwedeng basahin ng bawat miyembro, upang mas maliwanagan pa sila tungkol sa kumpanyang kanilang pinasukan.

“Nasa inyong gawing kanan ang mga libro at babasahin tungkol sa regulasyon at batas na ipinapatupad ng ating kumpanya. Naandiyan din ang mga success stories ng ating mga miyembro, na puwede ninyong kapulutan ng inspirasayon at imahe para maging matagumpay sa inyong tatahakin. Nirerekumenda kong basahin ninyo ang lahat ng mga libro dito para mabigyan kayo ng tamang gabay bilang miyembro ng Programme.”

Nagpuntahan naman ang ibang miyembro sa gawing kanan at sinipat ang mga librong nakalaga sa mga shelves. Tuwang-tuwa naman ang babae habang tinitignan niya ang mga bagong miyembro na mabilis sumunod sa kanya.

“Excuse me…” Saad ng isang lalaking miyembro.

“Yes, sir?!” Sagot ng babae.

“I’m just wondering… Kung about sa rules and regulations at inspiring stories ang mga librong nasa kanan… Tungkol saan naman po ang mga librong naandito sa bandang kaliwa?”

Napatingin ang ilang miyembro sa lalaking nagtatanong at tila napaisip din sila sa kanyang katanungan.

Saglit na natahimik ang magandang babaeng nagbibigay ng company orientation at unti-unting lumapit sa lalaking miyembro.

“Good question…” Saad nito.

“Kung mapapansin ninyo, ay hindi nakaayos ang mga libro na nasa gawing kaliwa… Ito ay dahil, talambuhay ito ng mga dating miyembro na tumiwalag at mas piniling salungatin ang mga regulasyon at batas ng Programme. Maganda ring basahin ng mga bagong miyembro ang mga librong ito para may matutunan kayo sa kanilang mga kasalanan. Iminungkahi ko nga yan na ilagay pa rin ang mga librong ito dito para masalamin ang masalimuot na kapalaran ng mga taga-kaliwa. Sila ang mga miyembro ng Resistance… mga traydor… mga kaluluwang nasusunog na sa impyerno kahit buhay pa…” Kuwento ng babae sa mga bagong recruit.

“How are they being handled? Nasaan na sila ngayon? Nasaan na ang mga tumiwalag sa Programme?”
“Another good question… May mga pamamaraan ang Programme kung papaano sila maibalik sa atin at maging miyembro ulit. Puwede silang pumayag o puwede rin silang huminde… Pag sila’y pumayag na magbalik loob, dadaan ulit sila sa mga tests at company orientation. Mabibigyan sila ng panibagong suportang kanilang kakailanganin… Pero kung sila na mismo ang tumutulak papalayo sa kumpanya, ay mapapabilang sila sa grupong Resistance. Hindi pa ako nakakarating sa kuta ng mga traydor. At hindi ko rin alam kung gaano kasalimuot ang buhay nila doon. Kaya hindi namin puwedeng sabihin sa inyo ang lahat-lahat tungkol sa mga taga-kabila.” Muling paliwanag ng babae.

Tila kinakabahan naman ang mga baguhan sa ikinuwento sa kanila ng taong nagsasagawa ng company orientation. Agad nilang iniwasang magbasa ng mga libro sa gawing kaliwa at mabilis silang kumuha ng kanya-kanyang nilang babasahin galing sa mga libro sa bandang kanan.

Natuwa muli ang babae sa reaksiyon ng mga bagong miyembro, dahil nakikita nito ang takot sa kanilang mga mata.

Maya-maya ay napansin niya ang kanina pang nagtatanong na lalaking miyembro habang iniisa-isa ang mga libro sa gawing kaliwa. Sinimulan niyang obserbahan ang mga ikinikilos nito.

Maging ang mga nagmamasid na security na nakatayo sa silid ay panay na rin ang titig sa baguhang ito.

“Mayroon uli akong tanong…”
“Yes sir… Ano pong tanong ninyo?”
“I have heard about this certain Programme Agent… Kung hindi ako nagkakamali, ang itinawag sa kanya ay Agent Orange… May libro din ba tungkol sa kanya dito?”

Napangiti naman ang babae at tila naghahagilap siya ng kasagutan sa napakahirap na katanungan ng bagong miyembro.

“Agent Orange… Well sir, all I can say is, wala kang makukuhang inspirasyon sa taong iyon. Well in fact, we are forbidden to read anything about that person. Sorry, I can’t answer that.”

Mabilis na tinalikuran ng babae ang makulit na baguhan at pilit iwinawaglit ang mga katanungan nito.

Nakatingin lamang ang ibang mga miyembro sa kanilang kasamahan at tila mas natatakot pa sila sa mga pinaggagagawa ng lalaking ito.

“Itinatago niyo ba sa mga baguhang miyembro ang tungkol kay Agent Orange? The question is, nasaan ang libro tungkol sa downfall ng Agent Orange na yan?” Muling tanong ng lalaki.

“Sir… Uulitin ko po sa inyo, na bawal na po pag-usapan ang tungkol sa kanya. Sa totoo lang po ay bawal ding banggitin ang pangalang iyan dito sa kumpanya…”

“Why? Hindi ba kayang ihandle ng Programme si Agent Orange?”

Saglit na tumahimik ang babae at agad sumenyas sa mga security guards na nasa loob ng silid.

“Teka… Saan ninyo ako dadalhin?”

Mabilis na binitbit ng mga ito ang makulit na lalaki at pilit na inilalabas sa Reading Area.

“Wala kayong karapatang dakpin ako… Bitiwan ninyo ako… Kahit kailan hindi ninyo maitatago sa mga miyembro ang tungkol kay Agent Orange… Buhay si Agent Orange… Buhay siya at babalikan niya kayong lahat!!!!!!” Sigaw na saad ng lalaki habang kinakaladkad siya papalabas.

Napapapikit naman ang babae habang kinakalma nito ang kanyang sarili. Ito kasi ang unang pagkakataong na nakasalamuha siya ng bagong miyembrong may alam sa mapait na pinagdaanan ng kumpanya. Huminga ito ng malalalim at pilit nitong ibinabalik sa kanyang sistema ang ganda ng kanyang umaga.

Napatayo naman lahat ng miyembro at sinundan na lamang nila ng tingin ang kanilang kasamahan. Napapalunok ang ilan at tila natatakot sila sa kung anong puwedeng kahinatnan ng bawat miyembro kung sakali sila ay tumalikod sa Programme.

Napansin naman ito ng babae at agad nilapitan ang natitirang pitong miyembro.

“May katanungan pa po ba tayo?” Nakangiting saad nito sa kanila.

Napailing na lamang silang lahat at kitang-kita ang takot sa kanilang mga mukha.

“Good. Well, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang silid na ito ay bukas para sa mga baguhang miyembro. Matutuwa ako kung ito ang inyong gagawing tambayan habang naandito kayo sa kumpanya.” Muling saad ng babae.

Sabay-sabay namang tumatango ang pitong baguhang miyembro.

“Okay… Salamat sa inyong oras at iiwan ko muna kayo saglit. Kaya girls and boys, basa basa din pag may time.” Pahabol ng babae sabay kindat.

Tila napako naman sa pagkakatayo ang mga ito habang pinapanood nilang naglalakad papalabas ng silid ang babae.

Ang isa pang tatakbo bilang gobernador ay napa-ihi sa kanyang salawal dahil sa sobrang nerbiyos. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang panga sa sobrang takot.

Nakahinga na lamang sila nang tuluyang nakalabas na ang babae sa orientation room.

“Tita Editha! Welcome back!!!” Masayang pagbati ni Ryan sa bagong dating na bisita.

Ilang taon ding nawala sa Pilipinas ang matandang babae. Mula kasi nang magpakasal ito sa kanyang Amerikanong asawa, ay nanatili na lamang ito sa New York. Wala na siya sanang balak na bumalik pa sa ating bansa, dahil sa masalimuot nitong nakaraan, ngunit nakumbinsi naman siya ng kanyang pamangkin na si Melissa na umuwi na at bumalik sa Programme.

Lalo siyang natuwa nang ibalita ng kanyang pamangkin ang pagkawala ng tinik sa kanilang buhay na si Agent Orange.

“Salamat sa pagbati, Ryan… Salamat sa mainit na pagtanggap…”
“I’m very surprised at nakabalik na kayo ng Pilipinas… Alam po ba ito ni Melissa?”
“No… Wala namang makakapagdikta sa akin kung kailan ako dapat bumalik…”

“Yes. That’s true tita Editha… Lagi naman kayong welcome dito sa Programme… hehehe…” Biro ni Ryan sabay kindat sa matandang babae.

“Thank you Rye, you are so kind… Yun nga lang, wala pa ring pinagbago ang Pilipinas… Sobrang init at traffic pa din…”

“Well tita, wala na po tayong magagawa diyan… Ika nga nila eh, sanayan na lang yan. Patibayan ng sikmura, pakapalan ng apog.”
“Good point.”
“Take your seat tita… Gusto niyo po ba magpahanda ako ng brunch? Coffee? Tea? Soda?”

“No… No… No… Ryan… I just came here to visit…” Saad ng matanda sabay upo nito sa itim na leather sofa.

Naupo rin si Ryan sa isang sofa na nakaharap sa kanyang bisita.

“Do you want me to call Mel? Sa tingin ko miss na miss ka na ng pamangkin ninyo…”
“No Ryan… Ikaw lang naman talaga ang sadya ko dito…”
“O-kay… What’s that about? Anong maipaglilingkod ko sa inyo Mrs. Banks?”
“Well… I have been hearing a lot of news lately… I heard na may kaunting rigodon at balasahan na nangyari dito sa kumpanya… is it true?”
“Yes tita… Mahirap mang tanggapin, pero talagang may masamang pinagdaanan ang programme nitong mga nakaraang buwan… Nagsisimula pa lang kaming bumangon ngayon…”
“Good… And I am here to help and give you support… I also want to express my deepest gratitude, nang nalamang kong nawala na sa Programme ang Agent Orange na yan… Natapos na rin ang pamumuno ng angkan ng Bermudes sa kumpanyang ito…”

Hindi naman nakaimik si Ryan. Tila alam na niya kung saan patungo ang kanilang pag-uusapan. Inayos nito ang kanyang suot na necktie at marahang pinunasan ng kanyang kamay ang namumuong pawis sa kanyang noo.

“Sad to say tita… Yes. Tapos na ang ilang dekadang pamumuno ng angkang Bermudes.”
“Where’s Agent Orange by the way? Patay na ba siya?”
“Let’s just say… na Agent Orange is being handled and controlled.”
“Well… The hell I care…”

Napatango na lamang si Ryan sa inaasal ng kanyang bisita.

“Rye… Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa… Dumiretso ako dito galing airport para harapin at kausapin ka…”
“Sure tita… Tell me…”

“Ilang taon na rin akong nawala sa sirkulasyon… Nawala sa Programa… Nawala sa kumpanya… And I want to come back… A grand come back…” Saad ng babae sabay sindi sa kanyang sigarilyo.

“Tita Editha… You can always come back… Hindi naman po kayo inalis sa Programme, at wala po kayong nilabag na batas ng kumpanya…”
“No…No…No… Not that kind of come back…”
“O-kay… So what do you want Mrs. Banks?”

“Gusto ko ng posisyon… Posisyong nararapat para sa akin…” Paliwanag ng babae habang naghihithit-buga sa kanyang yosi.

“Sure tita.. Just tell me kung anong gusto ninyong posisyon sa kumpanya and I will be more than happy to give it to you…” Saad ni Ryan sabay ngiti sa kanyang kaharapa na babae.

“Great… I want to be the Country Director of the Programme… I want your position…” Saad ni Editha.

Tila nabigla naman si Ryan nang madinig ang kahilingan ni Mrs. Banks.

“The heck?”

“Look Ryan… Alam kong Santander ang susunod na angkan para mamuno sa kumpanya… Pero alam naman nating lahat na inagawan lang ng Bermudes ang angkan ng mga Villamor. Ang angkan ko… Ang pamilya ko… Kaya ako ang nararapat na sumunod sa Agent Orange na yan. Ako lang ang nararapat sa position mo.”

Napatawa naman ang lalaki dahil sa kalokohang sinabi sa kanya ng matandang babae.

“The fall! Hahahaha… You’re kidding me right?”

“Mukha ba akong nagbibiro?” Seryosong sagot ni Editha.

Napatayo naman si Ryan at pumunta sa kanyang lamesa.

“If you can see these paper works tita, you will notice that I am too busy to accept visitors right now. So just find your way out of my office.” Galit na saad ni Ryan at agad na binuksan ang isang folder na nakapatong sa kanyang lamesa.

Agad namang pinatay ni Editha ang kanyang sigarilyo sa ash tray at dahan-dahang tumayo. Bakas din sa kanya ang pagkadismaya, dahil sa hindi magandang pagtanggap ni Ryan sa kanyang sinabi.

“I will come back Ryan Santander… Babalik ako para siguraduhing nalinis na ang opisinang ito. Kaya kung ako sa iyo, simulan mo nang ilagay sa karton ang mga gamit mo.” Pahabol na saad ni Editha habang naglalakad papalabas ng opisina ng Country Director.

Hindi naman siya pinapakinggan ni Ryan. Patuloy pa rin ito sa pagsusulat at pag-aasikaso ng mga application forms ng mga nagpapahiwatig ng kanilang kagustuhang maging miyembro ng Programme.

Nanginginig pa rin ito sa galit.

Alam kasi niyang may karapatan si Editha na maging Country Director kung nanaisin nito. Ngunit dahil sa wala ang matandang babae noong botohan sa kung sinong susunod na mamamahala, ay si Ryan ang naitalaga ng konseho.

Ang nasa batas kasi ng kumpanya, ay kapag ang isang namumuno ay natanggal, kusang tumiwalag o namatay ay maaaring palitan ng susunod na representante ng isang angkan o ang angkan na naunang namuno bago sa dalawang ito.

Apat na angkan ang bumuo ng sikretong organisasyon o kumpanyang The Programme. Ito ay ang mga angkan ng Villamor, Bermudes, Santander at Havila. Naunang namuno ang pamilya ni Editha sa kumpanya hanggang sa namatay ang kanyang ama sa isang kaduda-dudang aksidente. Dahil walang representante ang Havila, ay nailipat sa susunod na angkan ang pamamahala. At iyon ay ang angkan ng Bermudes, kung saan nananalaytay ang dugo ng tinaguriang traydor na si Agent Orange.

Nang nawala sa pamamahala si Agent Orange ay nagkaroon ng botohan sa kung sino ang susunod na gagawing Country Director. At dahil rin sa kakulangan ng representante sa angkan ng Villamor, ay nailipat ang posisyon sa angkan ng Santander. Ang angkan ng ngayong namamahala ng Programme, na si Ryan Santander.

Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkabuwiset at inis at tila nasira na ang buo niyang araw. Mas minabuti na lamang niyang umuwi ng kanyang bahay at doon na lang palipasin ang kanyang sama ng loob.

Habang papauwi, ay sinigurado muna niyang hindi na umaaligid ang isang misteryosong lalaki na laging nasa tapat ng kaniyang bahay. At nang naikutan na nila ang buong village ay bumaba na rin ito ng kanyang kotse at naglakad papasok ng kaniyang bahay.

“Surprise!” Maligayang pagbati ni Ruth habang hawak-hawak ang isang cake.

Takang-taka naman ang lalaki dahil sa inihanda ng kanyang kinakasamang babae.

“Woah… Ano ito?”

“I baked this cake… Hihihi…” Saad ni Ruth.

“Really? Nakakapag bake ka na ulit?”
“Yes…”

Nataranta naman si Ryan nang malamang si Ruth mismo ang nagbake hawak-hawak nitong masarap na one-layer cake. Napaisip siya kung nagbalik na ang alaala ng magandang babae.

“Ibig sabihin, nakakaalala ka na?”

“Hmmm… Ewan ko… Paggising ko na lang sa umaga, bigla kong naisipang mag bake eh… Bakit dear? Madalas ba kitang ipag-bake ng cake dati?”

Sandaling natigilan si Ryan sa katanungan ni Ruth.

“Kasi… Pakiramdam ko, relax na relax ako habang hinahanda ang cake na ito…”

“Well… Ruth… I have to admit na magaling ka talagang magbake. I mean, hilig mo ang pagluluto…”

“Really?? Wow! So I must be doing this activity more often. Malay natin dito ko maibalik ang alaala ko.” Saad ni Ruth na may ngiti sa kanyang mukha.

Lalo namang kinabahan si Ryan dahil pursigido ang magandang babae na maibalik agad ang kanyang memorya.

“Actually… I helped her bake…” Biglang singit naman ni Mae. Ang pinsan daw ni Ruth.

“Hihihi… Ito naman si ate Mae, binuking mo ako agad… Gusto ko lang kasing magyabang muna sa mister ko na ako talaga ang nagbake ng cake… Pero tumulong din naman ako… Nagcrack ako ng eggs… Hihihi…”

“Sorry Ruth… Natakot kasi ako baka hindi masarap ang nagawa kong cake, at ikaw pa ang pagalitan ng asawa mo… Hihihi…”

“Hindi naman ah… Masarap kaya…”

Tila nabunutan naman ng tinik si Ryan nang masiguradong wala pang bumabalik sa alaala ng kanyang asawa.

“Well… Kahit ikaw o hindi ikaw ang nagbake ng cake, masaya pa rin ako dahil hinanda mo yan para sa akin… Thanks, dear…” Saad ni Ryan.

“You are welcome, dear… Pasasalamat ko na lang yan sa iyo para sa mga sakripisyo mo sa akin habang nakaratay ako sa ospital… I love you…” Sagot ni Ruth.

“I love you too…”

“Dear… Aakyat na muna ako ha… medyo napagod kasi ako kaya gusto ko nang makapagpahinga… Tikman mo na lang yung cake ha…”
“Sure… Akyat ka na… Susunod na ako…”
“Okay… Love you ulit…”
“Love you too ulit..”

Marahang hinalikan ni Ryan sa pisngi si Ruth at agad namang naglakad patungo sa kanyang silid ang magandang babae. Naiwan naman sa may sala sina Mae at Ryan.

“fall! Akala ko nakaalala na siya… You should have called me.” Mahina at pagalit na saad ni Ryan.

“Eh anong magagawa ko? Mapilit masyado yang babaeng iyan. Putcha, tignan mo ang mga kamay ko… Sobrang daming paso dahil sa putang inang bake-bake na yan…”

“Watch your words… Baka marinig ka niya…”

“Naku!!! Banas na banas na ako sa pagbabantay sa babaeng yan… Kulang na nga lang ihulog ko na sa hagdan yan para wala nang problema…” Pagalit na saad ng babae.

“Mae!!!”

“Joke! Para namang may choice ako… Leche!”

“Basta next time, pagmay ginawa siya ulet, katulad ng pinaggagagawa niya dati, tawagan mo ako agad. At tigilan niyo na yang baking sessions ninyo. Painumin mo agad siya ng gamot na bigay ni Dra. Galvez. Mahirap na…”

“Ano pa nga ba… Hayyy…”

“Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko… Konting tiis pa… Alam ko namang mabibiyayaan ka ng kumpanya dahil diyan sa trabaho mo… Just do your job, and The Programme will compensate your efforts.”

“Great. Basta pagkatapos nitong misyon ko, ayaw ko nang maging alalay ng kahit sino…” Saad ni Mae sabay lakad papalayo kay Ryan.

Hindi naman alam ng lalaki kung papaano pa niya makumbinsi ang babae na patuloy na magpanggap na kamag-anak ni Ruth. Kailangan niya kasi ng may titingin sa kanyang kinakasama habang abala siya sa kanyang trabaho sa kumpanya.

Maya-maya ay umakyat na si Ryan sa kanilang silid ni Ruth.

Nadatnan nito ang magandang babae na mahimbing nang natutulog.

Nakasuot ito ng manipis na pantulog at kitang-kita ang kinis at puti ng balat nito.

Marahan niyang ibinaba ang mga gamit niya sa may lamesa at sinikap na huwag magising si Ruth. Habang pinagmamasdan nito ang kanyang kinakasama na natutulog sa kama ay unti-unti niyang tinatanggal ang lahat ng kanyang damit.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at tinabihan ang natutulog na babae.

Tila hindi na ito nakatiis sa pagtitig lamang kay Ruth, kung kaya’t agad nitong hinalikan sa may noo pababa sa pisngi at labi nito.

Nagising naman agad si Ruth dahil sa ginagawa sa kanya ni Ryan.

“Rye…….” Mahinang bulong nito.

Hindi naman siya pinakinggan ng lalaki at patuloy pa rin ito sa pagromansa sa kanya.

Napapakagat-labi naman si Ruth habang gumagapang ang nguso at dila ng lalaki sa kanyang balat. Napapahawak ito sa buhok ni Ryan at tila sarap na sarap na rin siya sa ginagawa ng lalaki.

Naisip ng magandang babae na matagal-tagal nang nagtiis ang kanyang asawa sa ganitong romansa, kung kaya’t ibinigay na lamang nito kaagad ang kagustuhan ni Ryan.

“Aaaaaaaaaaaaahhhh….dear…” Impit na ungol ni Ruth.

Nang madinig ito ng lalaki ay unti-unti na niyang tinanggal ang manipis na pantulog ng kanyang kinakasama. Hanggang sa lumantad ang suso ng kanyang kaniig.

Walang sawa nitong dinilaan ang utong ni Ruth habang lamas-lamas nito ang kabuuhan ng dibdib ng babae.

Napapaliyad naman si Ruth sa kiliti dulot ng pagsupsop ni Ryan sa kanyang tayung-tayo na utong.

“Sige pa dear… sige pa….”

Hindi naman tinitigilan ng lalaki ang kanyang ginagawang pagsuso hanggang sa iginiya niya ang kamay ni Ruth papunta sa kanyang matigas nang burat.

Naramdaman ni Ruth ang init ng kargada ng kanyang asawa at sinimulan na niya itong diyakulin. Napapapikit naman si Ryan habang pinakikiramdaman ang maliit na kamay ng magandang babae na nakahawak sa kanyang katigasan.

Dinilaan ng lalaki ang bandang leeg ni Ruth patungo sa ibaba ng tenga nito. Sarap na sarap si Ryan sa kanilang ginagawa ng babae. Tila natatanggal ang lahat ng kanyang problema habang nilalasap ang lambot at kinis ng balat ni Ruth.

Maya-maya ay pumuwesto si Ryan sa bandang ibaba ng kanyang kinakasama. Hinalikan muna nito ang pusod ng babae pababa sa kanyang singit. Dinila-dilaan pa niya ito bago dumiretso sa hiwa ni Ruth.

Napapahawak naman sa ulunan ni Ryan si Ruth dahil sa tindi ng kiliti na kanyang nararamdaman.

Bahagyang iniangat ni Ryan ang hita ni Ruth upang tuluyang malantad ang namumula’t basang-basa na puke nito.

Hanggang sa inilapit na nito ang kanyang mukha at pinasadahan ng kanyang dila ang lagusan ni Ruth.

“Aaaaaaaaaaaahhhhh… shit…..”

Sarap na sarap si Ryan habang pinapapak ang makatas nang puke ng babae. Ipinalalasap niya dito ang kanyang husay sa kantutan.

“Sige pa dear……sige pa…..aaaaaahhhh…”

Lalo namang naging masipag si Ryan sa kanyang ginagawang pagdila sa puke ni Ruth at talagang wala itong balak tigilan.

At dahil sa sobrang sarap at kasabikan ay agad bumulwak ang katas ng magandang babae. Ibang iba ang kanyang pakiramdam nang magpakawala ito ng katas sa mukha ni Ryan. Sinimot naman ng lalaki ang tamod sa puke ni Ruth.

Ilang saglit pa’y iniba niya ang posisyon ng kanyang kaniig.

Pinadapa niya ito at pinatuwad malapit sa kanyang tigas na tigas nang burat.

Hindi naiwasan ni Ryan na makita muli ang napakalaking tattoo sa likuran ni Ruth.

Isang tattoo na tila maraming alaalang nakapaloob dito.

At habang ikinikiskis niya ang kanyang burat sa puke ni Ruth, ay bumabalik sa kanyang isipan ang mga mapapait na alaala, dala ng larawang nakaguhit sa likuran ng magandang babae.

At dahil sa nanumbalik na galit ay agad niyang ibinaon sa puke ni Ruth ang kanyang matabang burat.

“aaaaaaah….ughhhh….aray….taba naman niya dear….dahan-dahan lang please…”

Tila nagbibingi-bingihan si Ryan at patuloy pa rin ito sa kanyang malalakas na pag-ulos sa makipot pang puke ng babae.

Napapluha naman sa sakit si Ruth, ngunit tinitiis na lamang niya ito upang mapagbigyan ang kanyang asawa.

Patuloy pa rin sa pagbabaon at pagkadyot si Ryan habang nakatingin sa likuran ni Ruth. Inilalabas niya ang lahat ng kanyang galit sa bawat kantot na ibinibira sa babae.

Sinikap naman ni Ruth na masanay sa sakit at hapdi at sinasabayan na lamang nito ang bawat tira ng kanyang asawa.

Nasasarapan na rin siya sa karinyo-brutal na ginagawa ni Ryan sa kanyang katawan.

At dahil sa malalakas na pag-ulos ng lalaki ay mabilis na kumakatas ang lagusan ni Ruth at hindi niya mapigilan ang mangilang-ulit na pagpapalabas ng tamod.

Dinig na dinig naman ang tunog ng paglabas-masok ng uten ni Ryan sa madulas nang puke ng kanyang kaniig.

Hanggang sa tila namumuo na ang tamod sa burat ng lalaki at isang malakas na kadyot ang ibinigay sa puke ng babae.

“Ooooooohhhhh aaaaaaahhhhh fall! fall! Aaaaaaaaaahhhhhh..”

Malakas na ungol ni Ryan habang pinapasabog ang kanyang napakaraming tamod sa kaloob-looban ng puke ni Ruth.

Tila lupaypay naman ang magandang babae habang nakatuwad at tinatanggap ang katas ng kanyang asawa.

Pawis na pawis ang dalawa matapos ang kanilang ginawang pagkakantutan. Hinugot naman ni Ryan ang matigas niya pang burat at agad na nagtungo sa banyo. Naiwan sa kama si Ruth habang patuloy na nilalasap ang kanilang ginawang pagniniig.

Iniisip ni Ruth na sa wakas ay napapaligaya na niya ulit ang kanyang asawa. Ang buong akala niya kasi ay matagal nang nagtitiis si Ryan dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya noon.

Masaya siya dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat.

Samantalang si Ryan naman ay galit na galit na nakaharap sa salamin, habang tinititigan nito ang kanyang hubad na repleksiyon.

Bakas sa kanyang mukha nag matagal nanag naipon na poot na bumabalot sa kanyang pagkatao.

“Konti na lang… Konti na lang…” Saad nito sa kanyang sarili habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Kinaumagahan, ay masayang bumangon si Ruth sa kanyang higaan. Maaliwalas ang kanyang maamong mukha at halatang nag-enjoy siya sa ginawa nilang pagniniig ng kanyang asawa.

Agad itong naligo at nagbihis ng magandang bestida.

Humarap sa salamin at naglagay ng kaunting kolorete sa kanyang mukha.

Inilagay din niya ang isang mamahaling pang-ipit at dekorasyon sa kanyang buhok, na siya namang nakadagdag sa kagandahan ng babae.

Maya-maya ay lumabas ito sa veranda upang lumanghap ng sariwang hangin. Masaya niyang sinalubong ang malamig na simoy ng hangin at ang tila umaawit na mga ibon sa kanyang kapaligiran.

Hanggang sa napatingin muli siya sa bandang ibaba at napansin niya muli ang misteryosong lalaki na nakatayo sa tapat ng kanilang bahay.

Hindi na nagdalawang isip si Ruth at agad itong lumabas ng kanyang kuwarto upang puntahan ang lalaking ito. Hindi naman napansin ni Mae na lumabas ang kanyang binabantayan dahil abala ito sa pagtawag sa kanyang telepono.

Nang makalabas ng gate si Ruth ay agad siyang napansin ng misteryosong lalaki.

Nanlaki ang mga mata nito at akmang tatakbo para makaiwas sa magandang babae.

“Hoy! Teka lang!!! Huwag kang umalis!” Sigaw ng magandang babae.

Napalingon naman ang misteryosong lalaki at nakita nitong mayhumaharurot na kotse sa direksyon ni Ruth.

Agad siyang tumakbo sa kinaruroonan ng babae at hinatak ito papalapit sa kanya.

Madali namang nakaiwas ang sasakyang muntikang nakasagasa kay Ruth.

“Lintek!!! Magpapakamatay ka ba?!” Sigaw ng lalaking nagmamaneho ng kotse.

Sobrang lakas naman ng kabog sa dibdib ni Ruth at hindi nito mapigilan ang kanyang panginginig, dahil muntikan nanaman siyang maaksidente.

Hindi niya namamalayang nakayakap na pala siya sa misteryosong lalaki.

Napatingin ito sa mukha ng kanyang kayakap at tumitig sa kulay asul na mga mata ng lalaki.

Ramdam din niya ang mainit na balat nito habang patuloy siyang nakakapit dito.

 

 

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x