Written by ereimondb
“Is it worth it?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa ganitong klaseng tanong.
Kahit ilang ulit ko pang isipin kung nakabuti nga ba ang desisyon ko, ay wala akong mapiga sa aking utak. Kahit ilang beses nila ako dalhin sa conference room at tanungin ng samu’t saring katanungan tungkol sa inaakusa nila sa aking pagtatraydor sa Programme, ay hindi ko magawang sumagot ng diretso.
Ilang araw din akong nagkulong sa aking apartment.
Lagi akong bumibili ng alak at naglalasing sa aking kuwarto.
Paminsan-minsan pa’y pumipick-up ako ng puta sa may kabilang kanto, upang may mapaglibangan at pansamantalang makalimutan ang aking problema at pangungulila.
Bakit?
Bakit pa kasi ako pumayag sa ganoong plano?
Ano ba talaga ang gusto niyang patunayan?
Kung ganitong magiging miserable lang ang buhay ko, habang kapiling siya ng iba, ay malamang sa malamang hindi ako pumayag sa plano.
Nangungulila ako sa kanya. Gustong-gusto ko na muling damhin ang mga yakap at halik niya.
Tanging nasa alaala ko na lamang ang mga magagandang pangyayari sa aming nakaraan. Magkasama, patagong magkahawak ang aming mga kamay at palihim kaming nagkikita sa gabi.
Mga maiinit na gabi.
Napapangiti na lamang ako sa tuwing inaalala ang mga tagpong magkaniig kaming dalawa.
Marahas.
Masarap.
Mainit.
Gustong-gusto niya nagseseks kami ng marahas, at ang isa sa amin ay kung hindi nakapiring ang mga mata, ay nakagapos sa headboard ng aming kama. Ibang-iba talaga siya sa lahat ng aking nakilala. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit na-adik ako sa kanya. Kung bakit hinahanap-hanap ko siya. At kung bakit hanggang sa ngayon, ay minamahal ko siya.
“Aaaaaaaaaahhhh saraaaaaapppp sige paaa aaaaaahhhhh…”
“Gusto mo ba ito? Ha? Gustong gusto mo ito ? Sumagot ka…. Aaaaaaahh uuuuummmm”
“Oo… Sige pa… Sige paaaa…”
“Heto… tanggapin mo… tangina…aaaaaahhhh tanginaaaa….”
At ang pinakapaborito ko sa lahat…
Ay yung ginagawa namin pagkatapos magseks…
Yung mahimbing siyang natutulog katabi ko’t magkayakap.
Damang-dama ko ang kanyang katawan. Damang-dama ko ang kanyang bawat paghinga. At damang-dama ko ang pagtibok ng kanyang puso.
Sa tuwing siya’y natutulog, ay mas mababanaag mo ang maamo niyang mukha. Maiisip mo na hindi siya yung taong kinakatakutan ng lahat.
Ang taong kinasusuklaman ng mga miyembrong tumiwalag sa Programme.
Pati kaming mga kasamahan niya ay naduduwag sa kanya.
Pambihira…
Napapangiti ako sa tuwing nasa braso ko siya, nakahiga, at hawak-hawak ko ang mga kamay niya. Dahil pakiramdam ko, ay ako lang ang nakakapagpaamo sa isang tulad niya.
Kahit kailan ay hindi niya ako pinakitaan na mas magaling at mas malakas siya kaysa sa akin.
Kahit kailan ay hindi niya iniisip ang kanyang sariling kapakanan para lang makaligtas sa isang napakahirap at delikadong misyon.
Kahit kailan ay hindi ko nakita sa kanya ang lahat ng binabatong paratang at akusasiyon, dala na marahil ng inggit at paninira, dahil sa kahusayan niya at estado ng kanilang angkan.
Tanging ako lamang ang nakakasaksi kung sino talaga ang totoong siya.
Kung sino talaga si Agent Orange.
Ngayon…
Wala na siya sa aking tabi. Nasa piling na siya ng ibang lalaki dahil sa isang di maiiwasang sitwasiyon.
Mahirap ang kalagayan naming dalawa.
Magkalayo…
At tanging pagtanaw lamang mula sa kanyang bintana ang kaya kong gawin.
Iyon na lamang ang nagiging routine ko sa buong araw.
Ang puntahan siya sa umaga, silipin kung siya’y gising na ba?
Aaalis…
Babalik kinahapunan at titiyaking kung naging maayos ba ang araw niya, at handa na ba siyang matulog.
Mahigit isang buwan na akong ganito.
Palakad-lakad… Nagtatago… At sinisikap na walang nakasunod sa akin…
Kailangan kong sumunod sa isang kasunduan.
Kailangan kong sumunod sa kung anong plano.
Ito ay para matiyak na nasa ligtas na lugar ang taong mahal na mahal ko.
Hindi ako magsasawa…
Hindi ako mapapagod…
Naandito lang ako Agent Orang…
Maghihintay sa iyong muling paggising…
“Good morning, Ruth…” Saad ni Ryan sabay ngiti nito sa bagong gising na babae.
“Good morning dear…” Nakangiting saad naman nito sa kanyang asawa.
“Mukhang maganda ata gising mo ah?”
“Oo nga… napasarap lang ng tulog hihihi…”
“Sumasakit pa ba ang ulo mo?”
“Hindi na masyado…”
“So… sumasakit pa nga?”
“Oo…”
Napabuntong hininga si Ryan nang madinig nito ang sagot ni Ruth.
“Basta, lagi mo lang iinumin ang mga gamot mo. Tsaka, huwag ka masyadong magapaka-stress sa kakaisip ng kung anu-ano…”
“Okay…”
“Huwag kang mag-aalala, naandiyan naman si Mae para bantayan ka at i-remind kung kailan mo dapat inumin ang mga gamot mo. Don’t worry… everything will be fine…” Saad ni Ryan sabay kindat sa kanyang kaharap na babae.
“Sige na, kain ka na…”
Tahimik namang sumunod si Ruth at kumuha na ito ng kanyang gustong kainin.
Mayroong nakahandang hamon, hotdog at itlog sa lamesa, at may kasama pa itong sinangag at tustadong tinapay.
Kumuha lang siya ng isang hiwa ng hamon at isang pirasong itlog, sakay inabot ang tinapay na nasa kanyang harapan.
Pasimple naman siyang sinisilip ni Ryan habang ito ay nagbabasa ng diyaryo. Inoobserbahan nito ang bawat kilos ng babae at sinisiguradong nakakakain ito ng tama.
“Dear…” Saad ni Ruth.
“Yes dear? Ano yun?”
“Hmmm… Gusto ko lang magpaalam sana sa iyo… Kung puwede ba akong lumabas at mag-stroll sa mall?” Tanong ng magandang babae.
Sandali namang natahimik si Ryan at tila hindi nito inaasahan ang hinihiling ng kanyang asawa.
Habang si Ruth naman ay nakatingin lamang sa mga mata ng lalaki habang hawak ang kanyang kutsara’t tinidor.
“May bibilhin ka ba? Ilista mo na lang… Ipapabili na lang natin kay Mae mamaya…”
“No… Wala naman akong gustong bilhin… Gusto ko lang kasing lumabas ng bahay… Alam mo na, para makalanghap ng hangin, mag-iba naman yung surroundings ko… maiba lang…”
Agad namang tiniklop ni Ryan ang kanyang binabasang broadsheet at kinuha ang kanyang tasa sabay inom ng maiinit na kape dito.
“I hope you understand… Hindi ka pa gaanong magaling Ruth…”
“I know… Pero sobrang naiinip na talaga ako dito sa bahay…”
“Puwede ka namang pumunta diyan sa garden natin…”
“Lagi naman akong naandoon… Gusto ko sa iba naman…”
“Ruth… No…. I’m sorry… Pero hindi kita mapapayagan…”
“Kahit kasama ko si ate Mae?”
“No… Hindi talaga puwede…”
“O kaya, isama mo na lang ako sa opisina ninyo… Hindi ba pamilya niyo naman may ari nun? Promise hindi ako makikialam sa…”
“NO! I already said no! Enough of this conversation.”
Hindi naman inasahan ni Ruth na magagalit si Ryan sa kanyang munting kahilingan. Hindi rin napigilan ng lalaki na sigawan ang kanyang butihing asawa.
“I’m sorry… nag-aalala lang talaga ako sa iyo… Inaaalala ko lang ang kaligtasan mo…” Saad ni Ryan sabay lapit nito sa magandang babae.
Napatango na lamang si Ruth at pilit na inunawa ang kanyang asawa.
Hinahalikan siya nito sa kanyang bandang ulunan at noo at tila nagsisisi ito sa pagsigaw nito sa kanya.
“Gusto ko… Magkasama tayo pag namamasiyal… Katulad ng dati. Medyo busy kasi ako ngayon kaya hindi kita magawang ilibot dito sa atin or ipasiyal sa mall o kahit pa nga bilhan kita ng damit eh… I’m sorry Ruth, gusto ko lang na magpagaling ka muna bago natin gawin ang iba pang mga bagay…”
“I understand… Sorry kung naging mapilit ako…”
“It’s okay dear… It’s okay… not your fault…”
Nginitian na lamang ni Ryan si Ruth at hinawakan pa ang dalawa nitong kamay.
“I think I have to go… Male-late na kasi ako…”
“Okay… Ingat…”
“I love you…” Saad ni Ryan.
“I love you too…” Bulong ni Ruth sa kanyang asawa.
Kaagad namang kinuha ni Ryan ang kanyang suit at binitbit ito patungo sa kanyang sasakyan. Naiwan naman si Ruth na mag-isa sa dinning table at tila nawalan na ito ng ganang kumain ng agahan.
Sinundan naman ni Mae si Ryan habang ito ay papaalis ng kanilang bahay.
“Ikaw na bahala dito… Bantayan mo siya, and make sure na napapainom mo yung gamot sa kanya.”
“Ako na bahala.”
“I’m counting on you… Huwag mo ulit akong biguin…”
“Yeah, right!” Pabalang na sagot ni Mae sabay sarado ng main door.
“Please… kausapin mo naman ako…”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa…” Pagalit na saad ni Ryan.
Hindi naman sumuko si Melissa sa pagsunod sa kanyang fiancé hanggang sa makaabot sila sa opisina ng Country Director.
“Trinaydor mo ako… at nagpaplano kayo ng tiyahin mo para matanggal ako sa puwesto… Tapos ngayon magso-sorry ka?”
“Ryan… Ginawa ko lang ang alam kong tama.”
“Puwes… Nagkakamali ka sa alam mong tama…”
“But you can’t do this to me… Please don’t break up with me…”
“Hindi ko na kaya pagiging control-freak mo…”
“Ryan… Please… Gusto lang kita tulungan…”
Napangisi naman ang lalaki at tila natawa pa ito sa sinabi ng kanyang dating girlfriend.
Nagmamakaawa ito na balikan siya ni Ryan at ituloy ang pinaplano nilang kasal.
“…and besides, tinutulungan ka pa ni tita Editha para mawala sa landas natin yang Agent Orange na yan…”
“Hindi ko kailangan ang tulong ng kahit sino o kahit kanino… I can do this on my own, so can you please, excuse me, coz I’ve got a lot of things to do…”
“Ryan, you should cut a deal with tita Editha… Yun lang ang tanging solusiyon para maresolba ang mga problema natin ngayon sa Programme… Papaano kung dumating yung araw na kinakatakutan nating lahat? Papaano naman kung pati ikaw mismo ay mapahamak dahil sa pagtatago mo sa Agent Orange na yan?”
“Alam mo… Hindi ito lalala kung hindi kayo makikialam ni Mrs. Banks. Stay out of this, and let me do my thing… I can handle this on my own…”
Maya-maya ay lumapit si Melissa kay Ryan ay niyakap niya ito ng mahigpit.
“Nag-aalala lang ako para sa iyo… Ayokong mapahamak ka dahil sa lintik na taong yan…”
“You don’t need to worry… Kung nahihirapan ka na, puwede mo na akong alisin diyan sa puso at isipan mo…”
“Rye…”
Hanggang sa unti-unting hinalikan ni Melissa si Ryan sa labi. Hindi nito inalintana ang mga empleyado at miyembro ng Programme na maaaring makakita sa kanila mula sa labas.
Hinahayaan na lamang siya ng lalaki sa kung anong gustong gawin nito, ngunit hindi niya sinasagot ang bawat halik ng magandang babae.
Nakahalata naman si Melissa at agad na kumalas sa pagkakahalik niya kay Ryan.
“Why are you doing this? Bakit kailangan mo pang protektahan ang Agent Orange na yan, to the extent na kailangan mo pa akong hiwalayan?”
“Isipin mo na ang gusto mong isipin. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin… Buo na ang desisyon ko… I will stick to the plan…”
“Bakit mo pa rin ginagawa ito para sa kanya? Dahil ba sa mahal mo pa rin ang babaeng yan?!”
Hindi naman sumagot si Ryan at agad nitong pinuntahan ang kanyang lamesa at inasasikaso ang mga nakabinbing mga trabaho.
Bakas naman ang matinding galit sa mukha ng magandang babae dahil hindi siya pinapansin ni Ryan at hindi nito sinasagot ang kanyang mga katanungan.
“Okay… Fine! Kung yan ang desisyon mo, well I have to warn you… Panindigan mo ang Agent Orange na yan and you’re both dead!” Pagalit nitong sinabi at agad naglakad papalabas ng opisina ni Ryan.
Tila wala namang narinig ang lalaki at itinuloy pa rin nito ang kanyang pagpirma sa mga papeles.
Samantala, hindi naman mapakali si Ruth habang siya ay nasa kanyang kuwarto. Naiinis din ito dahil hindi siya pinayagan ng kanyang asawa na lumabas ng bahay. Palakad-lakad ito mula sa kanyang kama patungo sa malaking pintuan patungo sa veranda.
Pakiramdam niya ay para siyang preso sa malaking bahay ni Ryan.
Pinipilit na lamang niya ang kanyang sarili na huwag magalit sa kanyang asawa, ngunit tila nasasakal na siya sa sobrang pagpoprotekta nito sa kanya.
Hindi na niya tuloy alam kung saan siya lulugar sa sarili nilang pamamahay. At hindi na rin niya alam kung papaano siya gagaling kaagad dahil sa mga gamot na ipinapainom sa kanya.
Maya-maya kumatok sa pintuan at pumasok si Mae na may dala-dalang isang basong tubig.
Wala itong kibo habang kinukuha ang mga gamot ni Ruth sa aparador nito.
“Oh! Heto na ang gamot mo…” Saad ni Mae.
Nginitian naman siya ni Ruth habang kinukuha ang mga tabletas sa kamay niya.
“Salamat.” Sagot ng magandang babae.
Nang maiabot na sa babae ang kanyang mga gamot ay nagpunta ito sa may bintana upang ayusin ang kurtina. Panay din ang tingin nito sa may bandang ibaba at sinisiguradong ligtas ang kanyang binabantayan.
Maya-maya ay nilingon ni Mae si Ruth upang tignan kung ininom nito ang kanyang mga gamot. Napansin niyang umiinom na ng tubig ang asawa ni Ryan at kaagad na iniabot nito ang baso.
“Thank you.”
“Magpahinga ka na muna… Tsaka huwag mo nang itali itong kurtina mo para hindi masyadong maliwanag sa kuwarto…” Seryosong saad ni Mae.
“Okay.”
“Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako… Nandoon lang ako sa may likuran, may aayusin lang ako…”
“Okay, sige.”
“May gusto ka bang kainin mamayang tanghalian?”
“Ahh… wala naman… kahit ano na…”
“Sige.”
Halatang-halata namang ayaw ni Mae ang kanyang ginagawang pagbabantay kay Ruth. At madalas ay hindi nito mapigilang pagalitan at pakitaan ng hindi magandang ang babae dahil sa pagkabagot nito sa kanyang misyon.
Pagkalabas ng kanyang pinsan ay agad tinignan ni Ruth ang kanyang palad. Hindi nito ininom ang mga gamot na ibinigay ni Mae dahil sa hindi magandang epekto nito sa kanya. Pumunta siya sa banyo at inilagay sa bowl ang mga tabletas, saka ito ifinalush.
Ayaw na kasi niyang makatulog at mahilo ulit dahil sa mga gamot na inireseta ni Dra. Galvez, at kahit papaano ay maayos-ayos na ang kanyang pakiramdam ngayon.
Ngunit tila nawawalan na siya ng pag-asang makalabas ng kanilang bahay.
Lalo pa’t laging wala sa mood ang kanyang pinsan at hindi niya masabi nitong samahan siyang mamasiyal sa labas.
Palakad-lakad pa rin ito sa kanyang kuwarto at tila nag-iisip ng kung ano ang kanyang pupuwedeng gawin.
Maya-maya ay binuksan niya ang pintuan ng veranda at saglit na lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin. Agad-agad din itong tumingin sa bandang ibaba upang tanawin kung naandoon muli ang misteryosong lalaki.
Nalungkot ang kanyang mukha nang hindi niya ito nakita sa tapat ng kanilang bahay. Tila mas napapanatag siya sa tuwing naroon ito dahil sa nararamdaman nitong hindi maipaliwanag na koneksiyon.
Hanggang sa naibaling nito ang kanyang paningin sa bandang kaliwa ng kalsada at napansin niya ang isang lalaking bumibili ng sorbetes kasama ang mga batang naglalaro sa park.
Biglang siyang natuwa at tila lumundag ang kanyang puso nang makita niya ang misteryosong lalaki habang binibilhan ang mga batang ito.
Ibang-iba ang itsura nito ngayon. Nakasuot ng polo shirt at maong pants, at nakatali ang kanyang mahabang buhok. Mukha siyang malinis ngayong araw, bulong ni Ruth sa kanyang sarili.
Nakaisip naman ng ideya si Ruth at agad nitong isinara ang pintuan ng kanyang veranda.
Kinuha nito ang kanyang maliit na bag at bahagyang sinuklayan ang kanyang mahabang buhok.
Saglit na tumingin sa salamin at bakas sa kanyang mga mata na desedido ito sa kanyang binabalak.
Marahan nitong binuksan ang kanyang pintuan, sabay silip at tingin sa kanyang kaliwa at kanan. Nang masiguradong walang tao sa may pasilyo ay marahan itong naglakad patungo sa may hagdan.
Nanatili siya sa may hagdanan habang hinihintay na makaalis ang ibang mga katulong na naglilinis ng bahay.
Akmang bababa n asana siya ng hagdan nang biglang dumaan galing sa may kusina si Mae na may kausap naman sa telepono.
Mabilis na umakyat si Ruth at nagtago sa may dingding, pinapakinggan at pinapakiramdaman kung naroroon pa ang kanyang pinsan.
Nang wala na itong nadinig na boses ay agad siya sumilip mula sa mezzanine patungo sa isang pasilyo, papunta sa kuwarto ng mga katulong.
Mabilis itong bumaba ng hagdan at tumakbo patungo sa may pintuan. Marahan nitong pinihit ang doorknob at sinikap na wala itong malikhang tunog.
Kaagad na isinarado ang main door at tumakbo papalabas ng gate.
Matagumpay siyang nakalabas ng bahay at agad pumunta sa kinaroroonan ng misteryosong lalaki.
Habang kumakain naman ng sorbetes ang lalaki ay natanaw niyang papalapit sa kanya si Ruth. Kung kaya’t agad niyang binayaran ang mamang sorbetero at mabilis na naglakad papalayo sa babae.
Kinakabahan ang lalaki habang nakasunod sa kanya si Ruth. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong lingunin upang masiguradong malayo ito sa kapahamakan, o dapat bang iligaw niya ito at tuluyan nang mawala sa paningin ng babae.
Maya-maya ay pumasok ito sa isang coffee shop na nasa loob ng village nina Ruth at Ryan. Gusto niyang pagtaguan ang babae ngunit kaagad siyang nasundan nito.
Hindi na lang nagpahalata ang misteryosong lalaki at pumila na lamang ito upang umorder ng maiinom at makakakain.
Habang si Ruth naman ay naghanap ng mauupuan sa loob ng coffee shop at nagkukunwaring may hinihintay na kasama. Panay ang tingin niya sa lalaking kani-kanina pang sinusundan. Ayaw sana niyang magpahalata dito, ngunit gusto niyang makausap ito ng harapan at ang tanging magagawa niya ay ang sundan ito.
Nang matapos umorder ang misteryosong lalaki ay agad na napayuko si Ruth at ayaw magpahalata na sinusundan niya ito. Kunwari ay may hinahanap siya sa kanyang bag upang maiwasan ang lalaki.
Maya-maya ay hinila nito ang upuang nasa harapan ng magandang babae at sabay na nagtama ang kanilang mga mata. Kaagad na naupo ang misteryosong lalaki at hinarap nito ang kanina pang sumusunod na si Ruth.
“Kamusta?! Sinusundan mo ba ako?” Agresibong tanong ng lalaki.
“Huh? Naku… Hindi ahh…”
“Hmmm… Okay… Akala ko kasi ini-stalk mo ako… Madalas kasi akong sundan ng mga babae eh… Hehehe…” Biro nito kay Ruth.
Napasimangot naman ang magandang babae sa kahambugan ng kanyang kausap.
“Makapal ka rin pala ano? Bakit naman kita susundan?” Pag-iwas ni Ruth.
“Ewan ko sayo…”
“Pagmamay-ari mo ba itong coffee shop?”
“Hindi.”
“Yun naman pala eh… Customer din ako dito…”
“Okay… Ikaw naman… Masyado kang defensive… Hehehe…”
“Hmp!”
“Huwag ka nang magalit… Pumapangit ka tuloy… Hehehe…” Muling pang-aasar ng lalaki.
Pinipilit naman ni Ruth na huwag mapikon sa mga pang-aasar sa kanya ng misteryosong lalaki. Akmang aalis n asana ito ngunit mabilis siyang pinigilan ng lalaki.
“Teka muna…” Mariing na saad nito kay Ruth.
“Maupo ka…” Dagdag pa nito.
Nakatingin na lamang si Ruth sa kanya at agad na sinunod ang kagustuhan nito.
Maya-maya ay dinala na ng waiter ang inorder nitong Frapoccino at Chocolate Waffle.
“Ano ito?” Tanong ni Ruth.
“Pagkain…” Pilosopong sagot ng lalaki habang nakangiti kay Ruth.
Hindi naman maiwasan ng magandang babae na mapatingin sa mata ng misteryosong lalaki. Tila nag-iba nanaman ang kulay ng mga mata nito, dati ay kulay asul, ngayon naman ay kulay brown.
“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” Tanong nito sa babae.
“Wala… I mean… Bakit mo ako binilhan? Di na kailangan…”
“Ah eh… Hindi kasi dumating yung ka-date ko eh… Kaya iyo na yan… Inumin at kainin mo nay an…”
“Ayoko nga… Mamaya may inilagay ka diyan eh…” Ganting saad ng babae.
Napakunot-noo naman ang misteryosong lalaki at agad kinuha ang nakahandang inumin at tinikman niya ito. Nakatingin lamang si Ruth sa ginawa ng lalaki at bahagyang nabigla ito nang inuman nito ang kanyang Frapuccino.
Nang matapos itong tikman ay ibinalik niya ito sa harapan ni Ruth.
“Oh… wala namang lason. Safe na safe…”
Naweirduhan naman si Ruth sa ikinikilos ng lalaki at bakas sa mukha nito ang pagkapikon.
“Hahahaha…” Malakas na tawa ng misteryosong lalaki.
“Anong nakakatawa?”
“Yung reaksiyon mo… Hahahaha…” Pagpapatuloy nito kay Ruth.
Unti-unti namang napapangiti si Ruth. Ngayon lang niya nakita kung papaano tumawa ang misteryosong lalaki.
Nang makita niyang napapangiti si Ruth ay kaagad bumalik sa pagka-seryoso ang kanyang mukha.
“Oh… Bakit tumigil ka sa pagtawa?”
“Wala…”
Inirapan naman ng magandang babae ang misteryosong lalaki saka kinuha ang Frapuccino na ininuman at tinikman nito. Pinanood ng lalaki kung papaano sumipsip sa straw si Ruth at kung papaano ito marahang lumulunok. Nang matapos itong uminom ay ibinaling ng lalaki ang kanyang paningin sa iba at nagkunwaring hindi niya tinititigan si Ruth.
“Okay… Inaamin ko… Sinusundan talaga kita…”
“Kita mo na… Type mo ako ano? Hehehe… Well, pagbibigyan naman kita eh… Sabihin mo lang…”
“Ha! Ha! Ha! Excuse me… May asawa na ako…”
“Hmmm… Interesting… One night stand lang ba trip mo? Pagbibigyan kita kung maluwag-luwag ang schedule ko… Mahaba na kasi ang pila…”
Napangiti naman si Ruth dahil sa kayabangan ng misteryosong lalaki.
“Wala akong ibang interes sa iyo… Sinundan kita, kasi pakiramdam ko magkakilala tayo noon… At feeling ko, malaki ang maitutulong mo para maibalik ko kaagad ang alaala ko…”
Napatahimik naman ang misteryosong lalaki habang pinagmamasdan si Ruth. Sa kanyang obserbasiyon ay wala nga talagang maalala ang babae. Ibang iba na ito sa dating kakilala niya. Mas pinong kumilos, mas magiliw at mas mabait kausap.
“Hindi kita kilala… Pauulit-ulit na lang ba tayo? Hindi kita kakilala… Okay? Alis na ako… Madami pa akong gagawin…” Saad ng misteryosong lalaki sabay buhat ng kanyang iniinom at naglakad papalayo sa babae.
“Wait!!!” Saad ni Ruth at mabilis na hinabol ang lalaking napakabilis maglakad.
“Ano nanaman?!”
“Sigurado ka ba? Hindi mo ako kakilala?”
“Ang kulit!!! Hindi nga!!!”
“Eh bakit ganun yung pakiramdam ko??”
“Ewan ko sa iyo? Baka napapraning ka lang… O baka naman pati yang pakiramdam mo eh may amnesia.”
Biglang huminto si Ruth at nagpasiyang huwag nang habulin ang misteryosong lalaki.
Panay naman ang silip ng lalaki sa kanyang likuran at mas binilisan pa nito ang kanyang lakad upang hindi na siya masundan.
Maya-maya….
“Magnanakaw!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Aaaaaaaaaaayyyyyyyyyy!!!!!!!”
Kaagad na lumingon ang misteryosong lalaki at nakita nito si Ruth na nakikipag-agawan sa kanyang maliit na bag. Mabilis itong tumakbo upang tulungan ang magandang babae.
Nang makaabot sa kinaroroonan ng isnatcher ay agad itong bumuwelo sa dingding at sinipa ng malakas ang lalaki sa kanyang dibdib. Natumba ang isnatcher dahil sa ginawa sa kanya.
Agad namang hinawakan ng misteryosong lalaki ang kamay ni Ruth at tumakbo sila sa isang maliit na eskinita.
Takot na takot naman si Ruth sa nangyari habang nakatingin ito sa bandang likuran ng misteryosong lalaki.
Mamaya-maya ay may sumalubong sa kanilang isa pang lalaki.
Saglit silang napahinto habang naghahabol ng kanilang hininga.
Lumingon sila sa kanilang likuran at naroroon ang isnatcher na ngayo’y may hawak nang balisong.
Tila wala na silang ibang mapupuntahan at nakakapit na si Ruth sa mga braso ng misteryosong lalaki, takot na takot sa maaaring mangyari sa kanila.
Nakatingin lamang ang misteryosong lalaki sa dalawa at nag-iisip ng kanyang gagawin.
Hanggang unang sumugod ang lalaking nasa kanilang harapan at akmang sasaktan ang magandang babae.
Mabilis silang nakaiwas at hinatak ng misteryosong lalaki si Ruth sa kanyang harapan at tinakpan niya ito. Siya na ang tumanggap ng mga sipa at suntok ng lalaki habang pinoprotektahan ang magandang babae.
Nakatakip naman sa kanyang mukha si Ruth at napapaiyak na ito sa sobrang takot. Tinititigan lamang siya ng misteryosong lalaki habang siya ay sinasaktan ng mga ito.
“Tangina! Ito ba talag yung Agent Orange? Bakit parang ang hina?” Saad ng isang lalaki.
“Oo nga pre… Kinakatakutan pa nila… Eh sobrang hina naman pala… Hahaha…”
Patuloy sila sa pagbugbog sa bandang likuran ng lalaki. Hanggang sa hindi na ito nakapagpigil at sinalubong suntok ng lalaki at hinawakan nito ang kanyang kamao.
Piniga niya ito sa pamamagitan ng kanyang kamay at mangiyak-ngiyak naman ang lalaki, na halos mapaluhoed sa sakit, dahil para siyang mapipilayan.
Maya-maya ay sumugod ang lalaking may balisong, at kaagad siyang nahawakan ng misteryosong lalaki. Idiniretso ang kutsilyo sa kanyang kasamahan at isinaksak ito sa ulunan ng lalaking nakaluhod.
Nanlaki ang mata ni Ruth sa kanyang nakita dahil namatay ang lalaking nasaksak ng balisong sa kanyang bandang noo.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!” Napatili ito sa sobrang takot.
Agad binugbog ng misteryosong lalaki ang isa pang isntacher hanggang sa hindi na ito makakilos at makagalaw.
Tila namanhid at nasaktan din ang kanyang kamao dahil sa malalakas na suntok na kanyang pinakawalan. Hingal na hingal ito at mahilu-hilo sa kanyang ginawang pakikipaglaban.
Maya-maya ay binalikan niya si Ruth at hinawakan ang kanyang kamay.
“Ihahatid na kita…” Maikling saad nito.
Kahit takot na takot ang babae ay sumunod na lamang ito sa kagustuhan ng misteryosong lalaki.
Mabilis silang naglakad hanggang sa makarating sa bahay ni Ryan Santander.
Nagdoorbell si Ruth at agad na lumabas sina Mae at ang asawa nitong si Ryan.
“Dear! Kanina ka pa namin hinahanap… Saan ka ba nagpunta?”
“Namasiyal lang sa park…” Nanginginig na saad nito.
Napatingin naman si Ryan sa kanyang kasamang lalaki at tila galit na galit ito sa kanya.
“Dear… Tinulungan niya ako kanina… Muntikan na akong maholdap at mapahamak…”
“Mae… Pakipasok na si Ruth sa kuwarto niya…” Seryosong utos ni Ryan.
Kaagad namang inalalayan ni Mae si Ruth papasok ng bahay. Panay ang lingon ng magandang babae at nag-aalala ito baka kagalitan ni Ryan ang misteryosong lalaki.
Ayaw pa sana niyang iwan ito, ngunit alam niyang nagkamali siya sa pagtakas kanina. Kung kaya’t tahimik na lamang itong sumunod sa kagustuhan ng mga ito.
Nang masiguradong nasa loob na ng bahay si Ruth ay saka hinarap ni Ryan ang lalaki.
“Puta… Makulit ka rin ano?! Hindi ba’t sinabi ko sayong layuan mo na si Ruth?”
“Kung hindi ko siya pinuntahan, malamang pinatay na yang binabantayan mo ng mga Programme Agents… ulol!”
Maya-maya ay kinuwelyuhan ng misteryosong lalaki si Ryan dahil sa sobrang galit nito.
“Kung hindi mo kayang bantayan si Ruth, ibalik mo siya sa akin at ako ang gagawa… Pero hindi ko maipapangakong maitatago ko pa ang sikreto at plano mo!!!”
“Sige subukan mo… At baka makalimutan kong magbabarkada tayo… Ipapaligpit kita.”
Kaagad na kumalas si Ryan sa ginawa sa kanya ng misteryosong lalaki.
Walang anu-ano’y bigla niyang naramdaman ang kamao ng lalaki sa kanyang pisngi at natumba ito sa harapan ng kaniyang gate. Halos umikot ang paningin ni Ryan Santander dahil sa lakas ng sapak ng misteryosong lalaki sa kanya.
“Puro ka lang porma… Wala ka namang binatbat… Santander!” Malakas na saad nito sabay talikod at naglakad papalayo ng bahay nina Ryan at Ruth.
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024
- Undo – Episode 5: Ctrl + P - November 15, 2024
- Undo – Episode 4: Ctrl + Arrow [Up] - November 7, 2024