Written by ereimondb
Three Months Earlier
“Sir, negative. Wala na po yung madalas na sumasalubong sa amin sa tuwing may misyon. Maayos din po namin naisasagawa ang mga misyon namin para i-eliminate ang mga tumitiwalag sa Programme.” Saad ng isang agent habang nagrereport kay Ryan Santander.
Pakape-kape pa ang lalaki habang pinapakinggan ang mga sunod-sunod na magagandang balita na natatanggap nito sa kanyang mga tauhan.
Kahit na nagtataka ito kung bakit biglang nanahimik ang isang taong nagpapakilala na siya si Agent Orange, ay mas minabuti niya itong tanggapin na positibo upang mas mapalawig pa ang kumpanya sa kanyang pamamahala.
“Good! Mukhang nananakot lang talaga ang taong iyon. At malamang ay hindi siya nagtagumpay sa kanyang ginawang pananakot.” Tugon ni Ryan sabay higop sa kanyang mainit at mapait na kape.
“Tama po kayo sir Ryan. Ilang buwan na rin po ang nakakalipas mula noon. At sa tingin ko, at kung hindi ako nagkakamali, eh napatay nap o ng ibang Programme Agents ang taong nagpapanggap bilang si… si Agent Orange…” Nakayukong saad ng isang agent.
“Siguro nga… Nawa’y magdilang-anghel ka. At gusto ko ring ipaalala sa inyo na hindi na natin puwedeng banggitin ang pangalan ng traydor na iyan dito sa loob ng Programme…” Pautos na sagot ni Ryan.
“Opo sir. Paumanhin at masusunod po.”
“Sige na. Bumalik na kayo sa kampo.”
“Sige po sir Ryan.”
Kaagad na naglakad ang Programme Agent papalyo sa kanyang amo.
Abot hanggang tenga ang ngiti ni Ryan dahil sa magandang balita, at pakiramdam nito ay napagtagumpayan nilang mapatay ang impostor.
Ilang buwan na din kasing biglang nanahimik sa pagsalakay ang mga kalaban, maging ang iba pang miyembro ng Resistance.
Ang buong akala ng binata ay mabilis nilang nagapi ang mga ito at sa tingin niya’y tuluyan na nitong mabibigyan ng katahimikan ang buong kumpanya.
“Mukhang maganda ang gising mo ah?” Saad ni Melissa habang pumapasok ito sa tanggapin ni Mr. Santander.
“Hehehe… Siyempre naman…”
“Maaari ko bang malaman ang good news?”
“Sure… Maupo ka.”
Kaagad namang inilapit ni Melissa ang silya sa tapat ng lamesa ni Ryan at marahan itong umupo. Nakatingin ito sa maamong mukha ng kanyang fiancé.
“Ano na? Sabihin mo na sa akin?”
“Excited ka? Hehehe… Teka lang, kukuha lang ako ng alak.”
“Kauma-umaga magcecelebrate tayo? Hihihi…”
“Well it is about time to celebrate.”
“Make sure naman na good news talaga yang sasabihin mo sa akin ha…”
Kinindatan na lamang ni Ryan ang kanyang nobya habang inihahanda ang kanilang iinuming alak.
Nilagyan nito ng yelo ang dalawang baso saka ibinuho ang whisky sa mga ito. Binitbit ang mga baso papalapit kay Melissa saka iniabot ang isa.
Tumayo si Melissa habang sinusundan ng tingin ang kanyang fiancé.
“Cheers!”
“Cheers!”
“Cheers para sa tagumpay natin para mapanatili ang katahimikan dito sa Programme.”
“Cheers!”
“Cheers dahil dumarami na ulit ang mga nare-recruit natin upang maging kasapi ng kumpanya. In other words, we are getting back on track!”
“Cheers!”
“Cheers dahil unti-unti na tayong nagtatagumpay bilang mga tagapamahala ng Programme. Alam naman natin na kay tagal din nating hinintay na makuha ito mula sa… mula sa mga taong hindi karapatdapat na mamuno sa ating kumpanya…”
“Cheers!”
“And lastly, cheers dahil napagtagumpayan ng mga Programme Agents na maisagawa ang kanilang misyon, mabura sa mapa ang mga taong traydor at miyembro ng Resistance, at higit sa lahat, malakas ang paniniwala kong pananakot lamang ang ginawa ng isang taong nagpapanggap na si Agent Orange. Taong walang magawa sa buhay…”
Sandaling napatahimik si Melissa habang hawak-hawak pa rin nito ang kanyang baso.
“You don’t need to be scared honey… Sinabi ko naman sayo na imposibleng buhay pa si Ruth…”
“Eh sino yung nakita nung isang agent natin? Papaano kung… Paano kung totoo yung sinasabi niya?”
“Honey… It’s been three months at wala na tayong nababalitaan tungkol dito. Nagtatagumpay na rin ang mga mission ng mga Programme Agents natin. Nagiging okay na ang lahat at wala nang gumagambala sa ating katahimikan…”
“But still…”
“Honey… Believe me. I am doing my best para maisaayos ang lahat. Ang besides, matagal-tagal na ring nananahimik ang Programme…”
Nanatili namang tahimik si Melissa. Hindi nito kayang pakinggan ang mga ipinapaliwanag sa kanya ni Ryan Santander. Ininom na lamang niya ang lahat ng lamang alak sa kanyang baso at tila’y hindi pa ito nakuntento’t naglakad pa papunta sa mini bar ng silid.
Sinundan ng tingin ng binata ang kanyang nobya at naiintindihan nito ang kanyang labis na pag-aalala.
“Honey…” Tawag ni Ryan kay Melissa, habang naglalagay naman ng yelo ang huli sa kanyang baso.
“I’m sorry honey… pero talagang iba ang kutob ko eh… Ngayon lang talaga ako kinutuban sa kung anong puwedeng mangyari sa atin kung… kung sakaling…” Hindi nito matapos ang kanyang sinasabi dahil na rin sa matinding pag-iisip sa kung anong pupuwedeng maganap sa pagbabalik ng taong kanilang kinakatakutan. Muli nitong pinuno ng alak ang kanyang baso at doon na lamang ito nanatili’t uminom.
Nilapitan naman siya ng kanyang boyfriend.
“Honey… You don’t need to worry. Iyan nga ang gusto mangyari ng taong iyon. Ang subukang takutin tayo sa kung anong hysteria ang gusto niyang palabasin. Kaso, nagkamali siya honey. Hindi tayo papatalo’t papatinag sa kung ano ang gustong gawin ng babaeng iyon. Hindi niya tayo magigiba honey…” Sinserong saad ni Ryan habang hawak ang kanang kamay ni Melissa.
Napabuntong hininga ang magandang babae habang hawak nito ang kanyang baso.
“Please? Please honey? Believe me… Everything is under control now… Three months na tayong nasa magandang kundisyon. Please? Let’s work this out together. Tanggalin na natin lahat ng mga negatibong nakaraan natin and start anew… Kaya naman natin iyon di ba?” Muling pagsusumamo ng binata.
Dahan-dahan namang inilapag ni Melissa ang kanyang iniinumang baso sa may mini bar at hinawakan ang mga kamay ng kanyang fiancé.
“Kung yan ang gusto mo honey… gagawin ko. I trust you. I believe in you. I love you.” Tuluyan nang nagpaubaya si Melissa sa kagustuhan ni Ryan. Mahigpit niya itong niyakap at sinimulang tanggalin sa kanyang isipan ang tako na kani-kanina lamang ay masidhi nitong nararamdaman.
Napangiti naman ang binata dahil sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ni Melissa. Alam niyang mahal na mahal siya nito kung kaya’t nagawa nitong kalimutan ang lahat sa kanilang nakaraan. Alam din niyang mapagtutulungan nilang dalawa ang anumang problema, kung sakaling ito’y biglang dumating sa kanilang buhay.
“Thank you honey… Thank you for understanding and loving me. Alam mong malaking tulong ito para sa akin upang magampanan ko ng mabuti ang aking pamumuno sa Programme…” Saad ni Ryan nang ito’y kumalas na sa pagkakayakap sa kanyang nobya.
“I am very sorry kung pati ako ay nagiging pabigat sa iyo. Salamat din sayo for protecting me.”
“Kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin honey… You’ve been a lot of things for me. Utang ko sayo ang lahat sa buhay ko ngayon. Utang ko rin sa iyo na maibalik sa akin ang puwestong ito, bilang Country Director ng Programme…”
“You deserved it… You really deserved it…” Saad ni Melissa sabay hawak sa mukha ng binata.
Muling hinawakan ni Ryan Santander ang kamay ni Melissa at bakas sa mukha nito ang matinding excitement.
“Honey… hindi lang ang mga ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magcelebrate…” Saad ni Ryan.
“Mayroon pang iba? Ano naman iyon?” Tanong ng magandang babae.
“Just wait here. May kukuhanin lang ako… Stay right there.”
Mabilis na kumilos ang binata pabalik sa kanyang lamesa. Binuksan ang pangalawang drawer at kinuha ang isang maliit na kahon.
Kahit may ideya na si Melissa sa kanyang nakitang hawak ni Ryan, ay damang-dama nito ang sobrang kaba sa mga susunod na gagawin sa kanya ng binata.
“Ano yan? Hihihi…” Tanong ng dalaga.
“Dahil sa nagiging okay na ang lahat dito sa Programme… And I think this is long overdue… I want to give you this…” Ibinigay ni Ryan ang isang maliit na kahon kay Melissa.
Nakangiting inabot ng magandang babae mula sa kamay ng kanyang fiancé ang surpresa nito at kaagad na binuksan ito.
Nanlaki ang mga mata ni Melissa ng tumambad ang napakagandang set ng wedding ring.
“Wow!!! Sobrang ganda… I love it… I love it so much.”
“Para sa ating dalawa yan honey… it’s about time to plan for our wedding. Hehehe…”
Mabilis na yumakap si Melissa kay Ryan. Mahigpit na mahigpit nitong niyakap ang kanyang nobyo.
“I am so happy… I am so happy honey…”
“That’s what I want for the both of us. I just want us to be happy forever…”
“I love you so much…”
“I love you too…”
Marahang ibinaba ni Melissa ang maliit na kahon sa isang lamesita at muling hinarap si Ryan.
Ikinawit nito ang kanyang mga braso sa may balikat ng binata saka ito humalik sa kanyang mga labi.
Hindi na rin nagpaawat pa si Ryan.
Lumaban na rin ito ng halikan sa kanyang fiancé, at alam niyang matagal-tagal na rin silang diyeta sa umaatikabong kantutan.
Buong lakas nitong binuhat si Melissa at agad namang ikinawit ng babae ang kanyang dalawang binti upang suportahan ang kanyang bigat.
Tila magkahinang ang kanilang mga labi at hindi sila mapaghiwalay ng kahit sinumang pupuwedeng pumasok ng tanggapan ni Ryan Santander.
Inilapit niya sa may lamesa ang kanyang fiancé at ipina-upo niya ito dito.
Marahas na hinatak ng binata ang suot na manipis na pang-itaas ni Melissa at napigtas pa ang suot nitong perlas na kuwintas. Tumalbog ang mga maliliit na perlas sa sahig ng opisina ni Ryan, ngunit hindi na nila ito pinagaksayahan ng panahon.
Maging si Melissa ay libog na libog.
Matagal-tagal din niyang hinintay na bumalik ang gana ng kanyang fiancé.
At kahit na pinagpupunit na ng binata ang kanyang mga damit, ay wala na itong pakialam pa.
Naging marahas na rin si Melissa at tinanggal nito ang suot na putting polo ng kanyang kasintahan.
Lumantad ang malapad at maskuladong katawan ng lalaki nang tuluyan na nitong hinubad ang kanyang suot na pang-itaas.
Mabilis ding natanggal ni Ryan ang suot na bra ni Melissa.
Kumawala ang mapuputi’t malalambot na dalawang papaya ng kanyang kaniig.
Bahagaya niyang ibinaba ang kanyang mukha upang abutin ang mamula-mulang utong nito.
“Uhhhmmmpp…” Mahinang ungol ni Melissa nang maramdaman nitong umiikot ang dila ni Ryan sa kanyang areola.
Napapahapit ito sa bandang batok at ulunan ng binata at tila nais niya pang pag-igihan nito ang ginagawang pagdila.
Nang magsawa sa pagdede si Ryan ay muli nitong binalikan ang leeg at labi ng kanyang kaniig.
Kaagad din nitong kinapa ang hook and eye ng palda ni Melissa saka niya ito tuluyang binuksan at naibaba ang zipper.
Iniangat ng magandang babae ang kanyang puwitan upang tulungan si Ryan sa kanyang binabalak.
Nakita ng binata ang suot nitong kulay pulang panty. Ibinalik niya ang kanyang ginagawang paghalik sa mapupulang labi ni Melissa, habang ang kanyang mga kamay naman ay naglulumikot na sa natatakpan pang puke ng magandang babae.
Napapaungol naman si Melissa sa ginagawang iyon sa kanya ni Ryan.
Maya-maya ay unit-unti nanamang bumababa ang mukha ng binata sa makinis na katawan ni Melissa. Panay ang pagsinghap at pagdila nito at mariing napapakagat pa ito sa sobrang sarap ng kanyang nararamdaman.
Nang marating ang bandang puson ng kanyang nobya ay hinatak na nito paibaba ang suot nitong panty.
Inilagay niya sa kanyang magkabilang balikat ang mga binti ni Melissa at ipinuwesto ang kanyang mukha sa nakatambad na puke nito. Inilabas nito ang kanyang dila at bahagyang ipinatigas, hanggang sa nagsimula na nitong sungkit-sungkitin ang kuntil ni Melissa.
Napapasabunot naman sa sarap ang magandang babae.
Gustong-gusto niya ang ginagawang pagkain sa kanya ni Ryan.
Uhaw na uhaw siya sa ganitong kainit na tagpo at sadyang ipinapaubaya na niya ang lahat sa kanyang soon to be husband.
Lumiyad-liyad pa si Melissa habang nakaalalay ang kamay nito sa may bandang noo ng binata.
Panay naman ang sipsip at ginagawang paghalik ni Ryan sa labi ng puke ni Melissa. Halatang na-miss ng binata ang kanyang ginagawang pagkain mula pa noong medyo bata-bata pa sila.
Hindi pa nakuntento ang binata at ipinasok ang kanyang panggitnang daliri sa kumakatas nang puke ni Melissa.
“Aaaaaaahhhh… Aaaaaaahhhhh…” Wala namang iba pang masabi ang magandang babae habang ninanamnam nito ang ginagawang pagpi-finger sa kanya ng nobyo.
Sabayang pagdila sa kuntil at pagpasok ng kanyang daliri sa basa nang puke ng magandang babae.
Ilang minuto ang nakalipas ay tumayo na rin sa wakas si Ryan.
Ipinasubo niya ang daliring ginamit nito sa pagfinger sa kanyang kasintahan, saka nito muling hinalikan ang nobya.
Maya-maya ay naglakas-loob naman si Melissa na paligayahin ang kanyang fiancé.
Sinimulan nitong tanggalin ang belt at binuksan ang butones ng pantalon ni Ryan. Pagkababa ng zipper nito ay tuluyan nang lumantad ang suot na puting brief ng lalaki.
Bahagyang sinipa ni Ryan ang kanyang suot na slacks papalayo sa kanila, at saka ibinaba ang kanyang suot na panloob.
Walang anu-ano’y lumuhod sa kanyang harapan si Melissa.
Inuna nitong dinilaan ang medyo mabuhok na bayag ng binata, habang patuloy nitong dyina-jackol ang papatigas na kargada.
Tumingala na lamang si Ryan habang pinakikiramdaman ang kakaibang kiliting kanyang nararamdaman sa tuwing pinapaligaya siya ng kanyang girlfriend.
Nang magsawa na si Melissa sa pagdila sa kanyang dalawang betlog, ay nagsimula na nitong dilaan ang pinaka-katawan ng burat ng binata.
Bahagyang napakadyot si Ryan sabay hawak sa naka-lugay na buhok ni Melissa.
Unti-unti isinubo ng magandang babae ang ulo ng burat ni Ryan.
“Aaaaaahhhh… shit isubo mo lahat… kainin mo lahat…” Pautos na saad ng Country Director ng Programme.
Nakatingala naman sa kanya si Melissa at tila nangungusap ang mga mata nito. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang matinding kalibugan, at kayan-kaya nito ang anumang nais na ipagawa sa kanya ng lalaki.
“Isubo mo sabi eh… Isubo mo na…” Muling saad ni Ryan.
Kaagad namang sinunod ni Melissa ang nais ng nobyo at sinimulang isubo ang kabuuhan ng sandata nito.
Kinantot ni Ryan ang mukha ng dalaga habang hawak pa rin nito ang kanyang mahabang buhok.
Halos mabilaukan naman si Melissa sa tuwing tinatanggap nito ng buong-buo ang may kalakihan at mala-bakal sa tigan na burat ng nobyo.
Medyo napapaluha pa ito, ngunit mas nananaig sa kanya ang matinding kalibugan.
Napahinto pa ito saglit upang subukang ideep-throat ang talong ng kanyang boyfriend.
“Aaaaaaaahhhh… so good honey… so good… sige pa… huwag ka tumigil…”
Hindi pa rin nakuntento si Ryan. Mas pinag-ibayo pa nito ang ginagawang pagchupa sa kanya ng kanyang magiging asawa.
Para namang naging sunud-sunuran si Melissa sa kagustuhan ng kanyang kaniig.
Gusto kang din niyang ma-satisfy ang binata, at mapunan na rin ang kanyang pangangailangang seksuwal.
Nang maramdaman na ni Ryan na malapit-lapit na siyang labasan ay mabilis nitong inalalayan si Melissa na tumayo.
Pinatalikod niya ito sa kanya at bahagyang pinayuko.
Humawak naman si Melissa sa may lamesa at iniusli ng bahagya nag kanyang matambok na puwitan.
Ikiniskis saglit ni Ryan ang kanyang galit na galit na burat sa pintuan ng kuweba ni Melissa.
Dahan-dahang pinapasok ang ulo ng kanyang burat, hanggang sa maya-maya ay tuluyan na nitong naibaon ang kanyang naghuhumindig na kargada.
Plok… plok… plok…
Ito lamang ang tanging ingay na nadidinig sa tanggapan ng Country Director.
Malalakas na pag-ulos at pagkadyot ang pinakakawalan ni Ryan sa kaawa-awang puke ni Melissa.
Panay ang ungol ng dalaga.
Hindi mawari kung ito ba ay naiiyak sa sobrang sakit ng tumutusok sa kanyang kaibuturan, o sadyang libog na libog lamang ito at sarap na sarap sa batuta ng kanyang mapapangasawa.
Nakakapit naman sa may bandang balikat ng magandang babae si Ryan.
Gamit ang malakas na puwersang ito, kung kayat mas napapalakas pa ang ginagawa nitong pagbaon sa kaselanan ng babae.
Plok… Plok… Plok… Plok…
Pabilis ng pabilis.
Pasidhi naman ng pasidhi ang pagtangis ni Melissa.
Mamula-mula na ang puke nito ngunit nasasarapan pa ang magandang babae dahil sa di matatawarang masaganang katas na lumulukob sa kahabaan ng kanyang kaniig.
Lalong nasasarapan si Ryan sa tuwing nararamdaman niyang nilalabasan ang kanyang girlfriend.
Nasigurado niya na ang ginagawang pag-iyak nito ay dahil sa sobrang sarap na kanilang ginagawa.
Nanginginig pa ang katawan ng babae dahil sa sobrang libog nito.
Kinontrol muna ni Ryan ang pasabugin ang kanyang naipong tamod, at mabilis na inayos at pinahiga nito si Melissa sa may lamesa.
Tinanggal ng binata ang lahat ng mga nakabinbing papeles ng mga bagong aplikante ng Programme, upang mas maging kumportable ang babae sa kanilang ginagawang kantutan.
Inilapit niya sa may bandang dulo ng lamesa ang bukana ni Melissa at inalalayan nito ang kanyang binti upang hindi ito mangalay sa kanilang gagawin.
Muling pumasok sa kaloob-looban ang kargada ni Ryan.
Plok… Plok… Plok…
Sarap na sarap na talaga ito sa ginagawa niyang pagpapabaon ng kanyang burat sa puke ni Melissa.
Kahit malakas ang aircon sa opisina ni Ryan ay tumutulo pa rin ang kanyang pawis sa dibdib nito pababa sa may tiyan.
Para lamang siyang sumaglit sa gym o kaya naman ay nagbasketball sa sobrang pawis.
Nang maramdaman nanaman nito na nilukuban nanaman siya ng katas ni Melissa, at alam niyang muli nanaman itong nag-orgasmo, ay lalo pinagbuti ni Ryan ang kanyang ginagawang pagpapaloob.
Tumitirik-tirik pa ang kanyang mga mata habang binibilisan pa lalo ang kanyang ginagawa.
Plok… Plok… Plok… Plok…
“Malapit na ako… malapit na ako honey…” Mabilis na saad ni Ryan.
“Wait for me honey… fall me harder… fall me harder please…” Sagot naman sa kanya ni Melissa.
Dahil sa request na ito ng kanyang kaniig ay pinagbigyan na lamang niya ito kahit medyo sumasakit na ang kanyang puson at nangangawit sa pag-alalay sa binti ng dalaga.
Ngunit mas minabuti nitong panatilihing matigas ang kanyang burat sa pagtusok sa puke ng kanyang girlfriend.
May ritmo na ang ginagawang pagkadyot sa kanya ni Ryan.
At ramdam na ni Melissa ang kakaibang laki ng burat ng kanyang kaniig.
Muli nanamang naramdaman ng magandang babae ang kakaibang kilit sa kanyang kibuturan at gusto na nitong sabayan ang gagawing pagpapalabas ng kanyang fiancé.
“I’m cumming honey… Ayan na ako… ayan na ako…”
“Sabay tayo honey… sabay tayo… aaaaaaaaahhhh tangina…. Aaaaaaaahhhhh…”
Halos tatlong segundo lamang na magkasunod na nilabasan ang dalawa.
Pinasirit ni Ryan ang kanyang masaganang tamod sa kaloob-looban ng kanyang nobya.
Samantalang muling lumukob ang katas ng magandang babae sa mahaba’t matabang burat ni Ryan.
Napapakadyot pa rin ang binata habang idinedeposito ang kanyang tamod at ninanamnam ang bawat himaymay ng kaligayahang kanilang nararamdaman.
Kusang natanggal ang burat ng binata sa loob ng puke ni Melissa nang ito ay tuluyang lumambot.
Pagod na pagod ang dalawa at naghahabol ng kanilang hininga.
Muli silang naghalikan at ipinaramdam ang matinding pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Alam ni Ryan na nakuha na nito ang kumpiyansa ng kanyang fiancé at unti-unti nang nawawala sa isipan nito ang takot na dala ng kanilang nakaraan.
Gagawin niya ang lahat upang mawala ang anumang gumugula sa isipan ni Melissa. Gagawin din niya ang lahat upang mapangalagaan at hindi na muling mabawi pa sa kanilang angkan ang pinakamataas na posisyon sa Programme.
Mananatili silang makapangyarihan.
Mananatili silang diyos.
Mananatili silang kinakatakutan at maimpluwensiya dahil sa kanilang hinahawakang katayuan sa buhay.
“We are happy to announce, that Melissa and I are getting married.” Saad ni Ryan Santander sa harap ng mga empleyado ng Programme.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao at tuwang-tuwa sa magandang balita na ito na nanggaling sa Country Driector.
“Isa lamang itong patunay, na kaya pa nating pagtibayin ang kumpanya. Mas makagagawa pa kami ng magagandang plano para sa lahat ng empleyado. Ang dalawang angkan… Ang Santander at Villamor… Ay mag-iisang dibdib upang palaguin at ibangon mula sa lusak ang Programme…” Dagdag na paliwanag ni Ryan.
Muli nanamang naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng conference room.
“Lahat kayo ay invited sa kasalang ito… Mga importanteng tao… Mga miyembro ng konseho, at siyempre nakabantay din sa atin ang lahat ng mga mahuhusay at magagaling nating Programme Agents.”
Pinalakpakan naman nila ang mga itinuturing na bayani ng kumpanya.
Natuwa naman ang mga Programme Agents dahil sa importansyang ibinibigay sa kanila ni Ryan Santander.
Sa di kalayuan ay nakatayo’t nakikinig naman si Angel.
Tila nangingiti lamang ito sa mga anunsiyong isinisiwalat ng Country Director ng Programme.
Hindi nga lang ito nagpapahalata sa kanyang espesiyal na misyon.
Alam din niyang naaayon ang lahat sa mga planong inilatag sa kanya ni Ruth bago ito lumipad patungo sa ibang bansa.
Halos ilang buwan na silang hindi nagkikita ni Agent Orange dahil sa misyon nitong kuhanin at hingin ang tulong ng isang mahalagang miyembro ng Programme na ngayon ay naninirahan na sa ibang bansa. Ito rin ang taong nangangalaga sa isang sistemang nag-ngangalang Clearance. Ito sana ang misyong inaatas niya kina Ryan at Melissa noon upang kuhanin at bawiin, para mapagtagumpayan ang ipinanukalang proyekto na magsisilbing katapusan ng giyera sa pagitan ng Programme at Resistance. Ngunit trinaydor siya ng mga ito, at ibinigay sa kanya ang isang huwad na bersiyon ng Clearance, kung saan ay mabilis na ikinamatay ng kanyang mga kaibigan sa Resistance.
Sa ngayon, ay tanging si Angel lamang ang mata at tenga nito sa loob ng Programme.
Nananatiling alerto lamang ang magandang babae habang hinihintay ang go signal ni Agent Orange.
Pilit nitong pinapakinggan ang mga nakakasukang sinasabi ni Ryan Santander sa harapan ng lahat ng mga empleyado ng Programme.
Kailangan niyang magkunwari.
Kailangan siyang naandoon upang mabigyan ng update si Ruth Bermudes.
Nilapitan naman ni Melissa ang kanyang nobyo sa harapan ng kanilang mga empleyado. Niyakap niya ito at hinalikan, na nagbigay naman ng ibayong kiligan at hiyawan sa loob ng conference room. Nagpalakpakan ang mga empleyado sa ipinakitang pagmamahalan ng dalawa.
Tila isa silang larawan ng perpektong magkasintahan.
Ang lahat ay nagpapakita ng kanilang kagalakan, papuri at pagsuporta. Abot langit namana ng kasiyahan ng dalawa dahil sa nakikita nilang paghanga mula sa empleyado’t miyembro ng konseho.
Isa-isa nilang nilapitan ang mga ito at sinalubong ang kanilang mga pagbati.
“I am so happy for the both of you… You two are match made from heaven…” Saad ng isang miyembro ng konseho mula sa angkan ng Villamor.
“Salamat po. Masayo po kami dahil makakasama namin kayo sa napaka-importanteng araw na iyon.” Sagot naman ni Melissa.
“Talagang masaya tayong lahat dahil nawala na ang mga asungot sa kumpanya… Hahaha…” Dagdag pa ng matandang konseho, na sadya namang may malalim na galit sa mga miyembro ng angkan ng mga Bermudes, lalo na kay Ruth.
“Hehehe… Well ninong, ganun talaga ang buhay. Una-una lang. Hihihi…” Tugon naman ni Melissa sabay kindat sa matanda.
“And we also need to move on… Past is past…” Seryosong saad ni Ryan sa kanilang dalawa.
Biglang nag-iba ang mukha ng matandang miyembro ng konseho dahil sa pahayag ng Country Director.
“Such a kill joy…” Pahabol pa nito saka tuluyang lumayo’t umalis sa tabi ng dalawa.
Sinusubukan na rin kasing kalimutan ni Ryan ang lahat ng mga hindi magandang nagawa nila sa kanilang nakaraan, lalo pa’t nasa magandang desposisyon ang buong kumpanya. Ayaw niyang mahaluan pa ito ulit ng anumang negatibong enerhiya.
“Come on honey… nagbibiro lang si ninong…” Mahinang saad ni Melissa.
Hinawakan naman ng binata sa kanyang bandang siko ang magandang babae.
“I’m not joking about that… We all need to move on.” Bulong na sagot sa kanya ng binata.
Patuloy pa rin silang nakangiti kahit na mayroon silang pinagdidiskusyunang dalawa. Ayaw nilang magpahalata at maiba ang tingin sa kanila ng mga empleyadong nasa kanilang harapan.
“Oh! I am so happy for the both of you!!!” Masayang bungad sa kanila ni Evangeline Orbes.
“Tita! Kayo po pala. Mabuti naman at nakarating kayo ngayon dito para sa pormal na announcement.” Saad ni Melissa.
“Well alam mo naman na sobrang busy ko ngayon at abala sa aking mga lakad here and abroad. But when I heard the good news, ay napasugod agad ako pabalik dito sa Pilipinas para makibalita.” Sagot naman ng matanda.
“Well tita, siyempre ayaw namin kayong mawala sa mga ganitong espesiyal na event sa buhay namin.” Dagdag naman ni Melissa.
Tahimik at ngingiti-ngiti lamang si Ryan Santander habang pinapanood ang pag-uusap ng dalawa.
“Hehehe… That so sweet of you… Paborito talaga kita Melissa… Hihihi…” Sagot naman ni Evangeline sa magandang pagsalubong sa kanya ng soon-to-be bride.
“Basta tita ninang ka sa kasal namin ha… Huwag kang mawawala…”
“Sure, sure… No problem.”
“Okay tita, salamat po sa pagbati ninyo.”
“Okay may future inaanaks… Sumaglit din lang naman ako dito sa Programme para batiin kayong dalawa. May flight pa ako maya-maya eh, so I’d better go ahead na…” Saad ng matandang babae.
“Ahh okay tita… Enjoy your tour… Hihihi…”
“I will, I will…”
Kaagad namang humalik sa magkabilang pisngi ang matandang babae kay Melissa. Pilit din niyang inabot si Ryan upang bigyan din ito ng halik, at kahit na naiilang pa ang binata ay nagpaubaya na lamang ito upang hindi mapahiya si Evangeline.
“Bye tita.” Pahabol namang saad ni Melissa.
Sinundan nila ng tingin ang matandang babae habang ito ay lumalabas ng conference room.
“I don’t like her.” Saad ni Ryan.
Napatingin naman si Melissa sa kanyang nobyo at napangiti.
“Pagbalik-baliktarin mo man ang mundo, kabilang pa rin siya sa angkan ng mga Bermudes.” Dagdag na saad ng Country Director ng Programme.
Hinawakan ni Melissa ang kanang kamay ni Ryan saka ito bumulong.
“Just give me time para idispatcha ang matandang hukluban na yan… I’m going to handle her… just be patient… hihihi…”
Hindi napigilan ni Ryan ang mapangiti sa nadinig nito mula sa kanyang nobya.
“I’m really proud of you honey… so proud of you…” Saad ng binata.
“Hihihi…”
Tila patuloy nilang sinusupil ang mga natitirang miyembro ng angkan kung saan nagmula si Agent Orange.
Three Months Later
Makalipas ang ilang buwang paghahanda sa isang engrandeng kasalan, ay sa wakas natupad na rin ang matagal nang minmithi’t pinapangarap ni Melissa Villamor.
Ito ay ang ikasal sa kanyang long-time boyfriend na si Ryan Santander.
Bakas sa kanyang magandang mukha ang labis na kaligayahan habang inaayusan ng isa sa pinakasikat na make-up artists ng bansa.
Ang kanyang kulay puting traje de boda ay likha ng isang tanyag na designer, hindi lamang dito sa ating bansa, maging sa Estados Unidos.
Hindi mapagsidlan ang galak ng magandang babae na panay ang ngiti’t pagbati sa mga taong pumapasok sa kanyang silid upang siya ay silipin at papurihan.
Alam niyang isa sa mga minimithi ng babaeng katulad niya ang makasal sa lalaking pinapangarap din niya. Hindi lamang siya matagumpay bilang katuwang ng Country Director sa pagpapatakbo ng kumpanya, kundi ay magiging misis pa siya nito.
Ito ang isa sa mga bagay na ipinagdamot nila sa ngayong tila’y nananahimik na si Agent Orange.
Hindi nila ito binigyan ng pagkakataong lumigaya kapiling ang lalaking mahal na mahal niya.
Hindi nila ito binigyan ng pagkakataong baguhin ang hindi magandang nakaraan ng dalaga habang ito ay isang Programme Agent pa lamang.
Hindi nila ito binigyan ng pagkakataong patakbuhin ng maayos ang isang kumpanya na isa ang kanilang angkan na nagtaguyod at nagpayabong dito.
Tila kanilang inaangkin ang huwad na kasiyahan, na sana ngayo’y tinatamasa nina Ruth Bermudes at Myk Havila.
Hindi mo rin mababakas sa mukha ng magandang babae ang pagsisisi, at sa stuwing naaalala niya pa ang ginawa nilang pagtataksil at pagtatraydor sa kanilang kaibigan, ay may impit ng kasiyahang mababanaag sa kanilang paggunita.
Isang alaala na nagpapatunay kung gaano sila kalakas at makapangyarihan bilang representante ng dalawang angkan.
Magsisilbing isang paalala, na walang sinuman ang pupuwedeng kumanti o balaking agawin ang tronong kanilang ipinagpalit sa isang pagkakaibigan.
Kung kaya naman ay halos lahat ng mga empleyado ay takot na takot pa rin sa kanila. Nananatili silang tagasunod ng isang pamumuno, na may prinsipyong pagpapataw ng kamatayan sa sinumang miyembro na tatalikod at sasapi sa grupo ng mga Resistance.
Ilang buwan din nilang hindi naramdaman ang kanilang itinuturing na kalaban.
Ilang buwan din silang tumahimik at hindi humadlang sa mga misyong isinasagawa ng mga Programme Agents.
Sa isipan ni Ryan Santander ay nasupil na niyang lahat ang mga traydor mula sa kanilang kumpanya. Na ang mga ito ay unti-unti rin niyang naubos.
Kaya naman ay wala silang kahirap-hirap na gawing magarbo ang kanilang kasal.
Isang pag-iisang dibdib ng dalawang angkan, na natatanging natitirang nagtataguyod at nagpapatakbo ng Programme.
“Ready na po ba kayo madam?” Tanong ng isang utusan kay Melissa.
“Yes… I’m ready.” Nakangiting sagot nito.
Mabilis naman siyang tinulungang tumayo’t maglakad papalabas ng kanyang kuwarto. Marahan itong bumaba ng hagdanan ng kanilang bahay, at dumiretso papalabas ng bahay upang makasakay sa isang itim na Mercedes Benz.
Kinakabahan ito habang sila ay patungo sa simbahan kung saan ay naghihintay na si Ryan Santander.
Napakaraming naka-escort sa kanyang mga sasakyan upang mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang napakagandang bride.
Sinusubukan niya pa rin ngumiti kahit na tila may nararamdaman itong mga paru-parong umiikot sa kanyang bandang tiyan. Mahigpit na lamang nitong hinawakan ang kanyang bouquet at ibinaling ang kanyang paningin sa labas.
Nang sila ay nakarating na sa simbahan, ay kaagad namang inayos ang mga abay ng kasal.
Maging ang mga ninang ay tuwang-tuwa at excited masaksihan ang napakagandang si Melissa Villamor.
Nauna nang naglakad si Ryan Santander sa harapan kasama ang isang miyembro ng konseho, na tumayo bilang kanyang magulang.
Panay naman ang pagkislap ng mga flash ng kamera habang marahang naglalakad ang mga abay na kasunod ng groom.
Hindi naman nagpahuli ang mga bigating ninong at ninang nila sa kasal.
Naroroon din ang ibang mga miyembro ng konseho, kasama na din ang matandang babae na si Evangeline Orbes.
Katulad ng inaasahan ay patuloy na nagmamasid sa may gilid ng simbahan ang mga Programme Agents.
Maging si Angel ay abala sa kanyang ginagawang pagbabantay at panay ang tingin nila sa may labasan na tila ay may hinahanap.
Maya-maya ay nakita na ni Angel si Melissa na lumalabas ng sasakyan.
Bahagyang napatulala ang babae nang makita niya ang napakagandang bride na umaakyat ng simbahan. Mukha itong diwata sa sobrang kaputian at kagandahan. Iyon nga lang, sobrang itim naman ng budhi nito, sa pagisip-isip ni Angel.
Sandali munang isinarado ang malaking pintuan ng simbahan upang bigyan ng importansya ang pagpasok ng bride.
Madaliang inayusan muna ito ng kaniyang mga utasan at ng make-up artist upang maging perpekto ang lahat.
Ang lahat ng tao ay nag-aabang na sa kanyang engrandeng pagpasok.
Nakangiti naman si Ryan Santander habang hinihintay ang kanyang nobya.
Hanggang sa pinatugtog na ang kantang “Here Comes The Bride” at halos masilaw sila sa liwanag ng unti-unti nang binubuksan ang malaking pintuan ng simbahan.
Naaaninag na nila ang hitsura ni Melissa Villamor habang ito ay dahan-dahang naglalakad papasok.
Naka tingin lamang ng diretso ang magandang babae.
Nakatitig naman si Ryan sa kanyang mapapangasawa.
Halos mapanganga ang mga bisita dahil sa kanilang nasaksihang kagandahan ni Melissa Villamor.
Tila tumigil ang oras nang ito ay tuluyan nang nakapasok sa simbahan.
Dahan-dahan lamang siyang naglalakad at sobrang saya ng kanyang nararamdaman dahil sa pagsamba’t paghangang ibinibigay sa kanya ng mga bisita’t mga miyembro ng Programme.
Hanggang sa inabot na ni Ryan Santander ang kanyang kamay sa babae at inalalayan papunta sa altar.
“You look gorgeous, honey…” Bulong ng lalaki.
“Thank you… Hihihi…”
Tuwang-tuwa ito dahil alam niyang pag-uusapan siya ng mga tao dahil sa kanyang napakagandang hitsura. Alam niyang ang kanilang kasal ni Ryan ang isa sa pinakamahalagang nangyari sa kasaysayan ng Programme, at habang buhay itong mamumutawi sa bawat kuwentuhan at umpukan ng mga bisitang nakasaksi nito.
Sinundan naman ng tingin ni Angel si Melissa Villamor.
Nasa isipan nitong dapat ay si Ruth Bermudes ang ikinakasal ngayon at maligayang kapiling ang kanyang nobyo na si Myk Havila.
Ngunit ninakaw nang lahat nina Melissa at Ryan ang mga ito sa kanyang iniidolo.
Hanggang sa tumalikod na lamang ito at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagbantay sa labas ng simbahan.
Matapos ang halos isa’t kalahating oras na misa, ay kaagad namang nagtungo sina Melissa at Ryan, kasama ng mga bisita, papunta sa wedding reception. Isa itong tanyag na banquet hall na pagmamay-ari ng Programme, at tanging ang mga nakakataas lamang na miyembro ng kumpanya ang puwedeng gumamit nito.
Isang magarbong handaan at kainan ang inihahain sa mga bisista.
Abalang-abal ang mga nakaputing mga waiters na naghahanda ng mga di mabilang na putahe sa bawat lamesa sa loob ng isang banquet hall.
Punong-puno naman ng mga bulaklak ang kapaligiran. Animo’y mga dyos at diyosa ang mga ikinakasal sa lugar at sadya namang hindi mapipintasan ang mga lamesa’t upuang ipinapagamit sa mga bisita.
Halos isa-isa namang kinamayan nina Melissa at Ryan ang mga V.I.P. na nagbigay ng kanilang oras para makibahagi sa isang mahalagang pagtitipong ito.
Hindi magkamayaw ang mga palitan ng magagandang salita sa bawat isa, at kahit hindi pa masyadong kilala ng bagong kasal ang mga ito, ay pilit nila itong pinakikisamahan.
“Congratulations on your wedding. It was brilliant!” Saad ng isang bisita galing Thailand. Isa siya sa mga puwedeng maasahan ng Programme sa tuwing ito ay nangangailangan ng tulong sa pag-kundisyon ng utak gamit ang sistemang sila mismo ang gumawa.
“Thank you sir. Thank you for coming…” Mahinhing saad at pagbati naman ni Melissa.
Alam niyang madadalasan ang kanilang pagkikita lalo na’t balak nilang padamihin pa ang mga taong inere-recruit para maging kasapi ng kumpanya.
Kaagad na iniabot ng lalaki ang kanyang regalo sa isang utusan at isinama na ito sa isang parte ng hall na punong-puno ng mamahaling regalo.
Sunod-sunod namang dumating ang ibang mga pulitikong mahilig magpadulas at magpagamit sa Programme. Ang mga ito ay ganid sa kapangyarihan at ang tanging dahilan nila sa pagpunta sa mga ganitong uri ng pagdiriwang ay ang mamulitika at makakuha ng puwede nilang mapagkuhanan ng pondo.
Lubos namang pinahahalagahan ni Ryan Santander ang pakikipag-negosyo sa kanila, lalo na’t sila ang mga puwede niyang maasahan sa tuwing nalalagay sa panganib ang buong kumpanya.
Tuwang-tuwa naman ang mga ito, lalo na’t napakadali sa kanilang makapasok sa Programme dahil sa pagbabago ng namamahala. Hindi nila masyadong kasundo si Agent Orange dahil takot silang kausapin ang babaeng ito. Tanging ang mag-asawa lamang ang pilit na kumakausap sa kanila’t nakikipag-deal.
Sumunod naman nilang nakausap ay ang isang V.I.P. mula sa Japan.
Bahagyang napakapit si Melissa sa braso ng kanyang asawa nang ito ay lumapit sa kanila.
Hindi makapaniwala si Melissa na nasa harapan niya ngayon ang babaeng may gawa ng isang sistemang pinag-ugatan ng lahat. At ito ay ang The Clearance.
Walang imik na yumuko ang haponesa sa kanilang dalawa upang magbigay respeto.
Napayuko din ang bagong kasal.
“Congratulations…” Saad ng babae.
Napakaganda ng haponesa, at higit sa lahat ay kitang-kita ang kaputian nito dahil sa suot nitong pulang damit.
“T-t-thank you…” Sagot ni Melissa at pilit na nginingitian ito.
Ngayon lamang niya nakita ng harapan ang taong may likha ng Clearance.
Naalala tuloy niya ang misyong ibinigay sa kanila ni Agent Orange bago pa ito napatawan ng kamatayan ng konseho. Lingid sa kaalaman ni Ruth, ay hindi nagpunta sa Japan sina Melissa at Ryan para kuhanin ang sistemang The Clearance. Sa halip, ay nakipagnegosasiyon ito sa isang grupo upang maisagawa ang isang huwad na bersiyon ng sistema kung saan ay puwedeng ikamatay ng kahit sinong gustong subukan ito.
Nararamdaman ni Ryan ang panlalamig ng mga kamay ni Melissa dahil sa hindi maipaliwanag na tensiyon sa pagitan nila ng haponesa.
“Thank you for coming ma’am…” Saad ni Ryan Santander at iginiya niya ito papasok ng banquet hall.
Ngumiti at marahang tumango ang haponesa sa lalaki saka ito tuluyang pumasok sa loob.
Hindi naman nagustuhan ni Melissa ang ginawang pagbisita dito ng haponesa.
Ngunit wala siyang magagawa dahil sa V.I.P. ito at awtomatikong kasama sa mga guests na puwedeng dumalo sa magarbong kasalang ito.
“Relax honey… Just relax…” Bulong sa kanya ni Ryan.
Inutusan naman ng lalaki ang dalawang Programme Agents na manmanan ang haponesa habang ito ay nasa loob ng reception hall. Kaagad namang sumunod ang mga ito at kanya-kanya na silang nagtungo sa kanilang mga puwesto.
Tuwang-tuwa naman sinalubong ng dalawa ang iba pang mga bisita na dumalo sa kasal.
Hanggang sa nagsimula na ang kasiyahan at kainan, at nagpunta na sa kanilang lamesa sina Melissa at Ryan.
Nagpaunlak naman ng tatlong kanta ang isang sikat na singer na ginawang tanyag ng kumpanya.
Enjoy na enjoy ang lahat dahil sa mga kakaibang pagtatanghal na kanilang natutunghayan sa stage mula sa mga sikat na bisita.
Ang lahat ng mga ito ay nagaganap habang inihahanda ng mga waiter ang mga masasarap na pagkain.
Panay din ang pagbibigay ng alak at kung anu-anong maiinom para sa mga bisitang dumalo sa kasalan.
“It is perfect honey…” Saad ni Melissa sabay halik sa labi ng kanyang asawa.
“Siyempre naman honey… Lahat ng ito ay para sa iyo… Ikaw ang reyna ko at ng kumpanyang ito.” Masuyong saad naman ni Ryan Santander.
Patuloy na kumain at nagdiwang ang lahat habang nagtatanghal ang mga panauhin na nagmula pa sa ibang bansa.
May mga mananayaw.
May mga kumakanta kasama ang kanilang mga banda.
May mga sirkero’t sirkera.
May mga kumakain ng apoy o kaya naman ay nagtatanghal ng magic.
Kung kaya naman ay hindi nauubos ang mga papuri’t palakpakan na madidinig sa loob ng banquet hall.
“Ehem-ehem…” Saad ng isang lalaking guest host bago nito ipinakilala ang susunod na panauhin. Napatangin ang lahat sa kanya at tumahimik ang paligid.
“Upang mas lalo tayong ma-entertain ngayong hapon, ay magtatanghal sa ating harapan ang mga mananayaw galing sa pa sa ibang bansa. Atin pong salubungin ng masigabong palakpakan ang mga Bali Dancers!”
Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang paisa-isang namang nagpunta sa gitna ng stage ang mga mananayaw.
Nakangiting nanonood ang lahat, at maging si Melissa, dahil mga authentic Bali Dancers ang kanilang natutunghayan.
Mahilig din kasi sa mga cultural dances ang bride at sobra itong natutuwa sa kanyang mga nakikita.
Kinikilabutan pa ito habang pinapanood ang mala-dramang pagtatanghal ng kanilang sayaw, maging ang expression sa kanilang mga mukha ay talaga namang kapansin-pansin.
Halos pitong minutong nagtanghal ang mga ito at napatayo pa si Melissa sa sobrang saya.
Binati naman ng mga dancers ang bagong kasal bago sila tuluyang nagpaalam at bumaba ng stage.
“Wow! Talaga namang kakaiba ang pagtatanghal na iyon?! Hehehe…” Saad muli ng host nang ito ay tumayo sa kanilang harapan.
“Ang susunod namang magtatanghal, ay galing naman sa kultura ng mga hapon. Kilala ang play na ito sa kanilang bansa at talaga namang dinudumog ang pagtatanghal nila sa kahit saang lugar. Ating matutunghayan ngayon ang parte ng isang drama na tinatawag nilang “Kabuki”. Muli, atin pong salubungin ng masigabong palakpakan, ang natatanging pagtatanghal ng isang aktres mula pa sa bansang Japan!”
Sumunod naman ang mga bisita at kaagad binigyan ng malalakas na palakpakan ang isang babaeng umaakyat sa stage upang magtanghal.
Napalingon naman si Melissa sa bisita nilang haponesa, na marahil ang siyang may bitbit ng mananayaw na ito para sa pagtatanghal, ngunit napansin nitong ito ay tumayo at naglakad papalabas ng banquet hall. Hindi na lamang niya ito pinansin, dahil na rin sa may sumusunod na ditong Programme Agents.
Sinusundan ng tingin ng mga tao ang isang babaeng may kulay puting maskara sa kanyang mukha. Kapansin-pansin din ang napakagarang kasuotan nito at talagang kamangha-mangha dahil para na ring naidala sa Pilipinas ang kultura ng mga hapon.
Marahang naglakad ang babaeng ito patungo sa gitna ng stage habang bitbit nito ang kanyang payong.
Tahimik ang lahat habang hinihintay ang simula ng pagtatanghal nito.
Hanggang sa unti-unti nang pinatugtog ang three string instrument o tinatawag nilang “shamisen”. Sinasabayan naman ito ng isang malakas na tunog gamit ang isang drum na tinatawag naman nilang “ko-tsuzumi”.
Manghang-mangha si Melissa sa kanyang pinapanood.
Tutok na tutok ang magandang babae habang pinapanood ang napakagaling na pagsayaw ng isang haponesang aktres sa kanilang harapan.
Kahit anong pilit na pag-aninag nito sa hitsura ng mukha ng babae, ay hindi niya pa rin ito makilala dahil sa natatakpan ang buong mukha nito ng kulay puting maskara. Tanging ang mga mata lamang nito ang nakalitaw, ngunit natatabunan naman ito ng itim at pulang kolorete.
Napapangiti pa si Melissa at dama niya ang paggabog sa kanyang puso dahil sa sobrang kaligayahang dinudulot ng kanyang panonood.
Maya-maya ay pabilis na ng pabilis ang mga tugtog at lalong nagbibigay ng tensiyon ang tunog ng ko-tsuzumi. Kasabay naman ng pagpapaikot ng mananayaw ng kanyang bitbit na payong at pilit na ikinukubli ang kanyang sarili.
Hanggang sa…
Dahan-dahang tinanggal ng babaeng nagtatanghal ang kanyang puting maskara.
At nanlaki ang mga mata ni Melissa nang makita nito ang isang pamilyar na mukha.
Sabay na napatayo ang bagong kasal nang tumambad sa kanilang harapan ang multong kanilang kinakatakutan… si Ruth Bermudes.
Ngunit sa isang kisapmata ay bigla na lamang namatay ang lahat ng mga ilaw sa banquet hall.
Hindi na mapalagay ang lahat at isa-isa na rin silang napapatayo’t nagbubulong-bulungan.
Napakapit si Melissa sa mga braso ni Ryan.
“Nakita mo iyon? Nakita mo iyon?! Nandito siya!!! Naandito siya!!!” Natatarantang sambit ng magandang babae.
“Kumalma ka lang Melissa, mahahanap din natin siya. Nagkamali siya ng pinasukan.” Pagbabantang tugon ni Ryan Santander.
Kaagad namang sumigaw ang Country Director sa kanyang mga utusan upang mabilis na maibalik ang ilaw sa loob ng reception hall.
Halos hindi na kasi sila magkakitaan, at panay rin ang sulyap nila sa may stage kung saan nagpeperform si Ruth.
Ngunit, sa kasamaang palad, ay wala na si Agent Orange dito.
Pilit nilang inaaninag kung saan nagsuot ang fallen agent at nag-iwan ito ng matinding kaba at takot sa kanilang mga sarili.
Hanggang sa napabitaw naman si Melissa sa kanyang asawa.
Hindi niya malaman kung bakit biglang bumitiw sa kanya si Ryan.
“Ryan? Ryan nasaan ka? Ryan?!!!” Takot na takot na saad ng bride.
Maya-maya ay biglang bumukas ang ilaw sa may stage, at kahit may kadiliman pa rin sa reception hall, ay kahit papaano’y naaaninag na rin nila ang kanilang mga katabi.
Nilingon ni Melissa kung saan naroroon ang kanyang asawa at nakita nitong may nakatutok na patalim sa bandang leeg ng lalaki.
“Ryan?” Nanginginig na saad ni Ruth.
Hindi naman gumagalaw ang lalaki at nakatitig lamang ito sa kanyang napakagandang asawa.
Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, ay ginilitan ng taong ito sa leeg si Ryan Santander.
Kitang-kita ni Melissa kung papaano ito nangyari at habang unti-unting parang nabubulunan ang kanyang asawa.
Bumalot sa buong reception hall ang kanyang napakalakas na sigaw. At dahil sa lakas ng nakakatakot na paghiyaw ni Melissa ay kaagad na nagtakbuhan ang mga bisita.
“Ryaaaaaaaaaaaannnnnnnnnnn!!!”
Nanlaki ang mga mata nito at parang nahulog ang kanyang puso sa nasaksihan.
Hanggang sa tuluyan nang humandusay sa sahig ang kanyang asawa.
Napatingin si Melissa sa kung sinong tao ang gumawa nito sa kanyang asawa at nakita niya si Angel, isang Programme Agent. Duguan ang mga kamay nito at maging ang kanyang suot na damit.
“Ikaw?!”
Napangisi na lamang si Angel.
Mabilis na lumapit ang iba pang mga Programme Agents upang saklolohan si Melissa Villamor.
Kaagad ding sumaklolo kay Angel ang kanyang mga dala-dalang kasamahan mula sa Resistance na nagpanggap na waiter sa piging. Sila din ang sumuyod sa mga bisitang nagsilabasan sa reception hall at siniguradong hindi makakatakas ang mga taong nasa death list ni Ruth.
Mula naman sa isang madilim na bahagi ng hall ay biglang tumambad kay Melissa si Agent Orange.
“Long time no see… my old friend?!” Saad nito.
Kaagad namang prinotektahan ng mga Programme Agents si Melissa at sinugod nila sina Ruth at Angel. At habang nakikipagbakbakan ang iba ay pilit naman nilang inilalayo ang bride sa loob ng hall. Halos mapatulala si Melissa at nakatitig lamang ito sa nakahandusay na bangkay ni Ryan sa sahig.
Hindi naman nagpaawat sina Agent Orange at Angel sa malalakas na puwersa ng kanilang mga dating katrabaho. Hanggang sa nagbarilan na ang mga ito at naghabulan sa napakalaking reception hall.
Tumutulong naman sa kanila ang iba pang miyembro ng Resistance na nagpanggap na tagasilbi at waiters.
“Habulin mo na sila Ruth. Kami na ang bahala dito…” Saad ni Angel sa kanyang sensei.
Kaagad namang tumango si Agent Orange at naghanap ng malulusutan papalabas ng Reception Hall.
Pinagbabaril nito ang mga Programme Agents na tumutulong na makatakas si Melissa.
Hinahabol niya ang mga ito pinauulanan ng bala.
Kaagad na naubos ni Ruth Bermudes ang mga agents na pumuprotekta kay Melissa Villamor, at nakita nitong pumasok ang babae sa isang silid.
Papunta na sana si Agent Orange sa pinagtataguang silid ni Melissa nang bigla siyang hinampas sa kanyang likuran. Napadapa ito at bahagyang naihagis niya ang kanyang baril.
Napalingon ang magandang babae at kanyang nakita si Evangeline Orbes.
“Welcome back pamangkin!” Saad nito sabay kumpas ng kanyang matalim na samurai sword.
Mabilis namang nakagulong pakanan si Ruth at naiwasan nito ang ginawang pagsugod sa kanyang ng matanda.
Maliksing nakatayo muli si Ruth at hinugot ang kanyang balisong mula sa kanyang tagiliran.
“Akala mo ay makakligtas ka pa dito ng buhay? Hehehehe…” tanong ng kanyang tiyahin.
“Hindi ba’t dapat ako ang magtanong niyan sa iyo, matandang hukluban!?”
“Hiyang-hiya naman ang pusa sa dami ng iyong buhay…”
“Bugay pa ako dahil may misyon pa akong kailangang tapusin… at isa na doon ay ang patayin ka!” Saad ni Agent Orange sabay sugod sa babae.
Mabilis namang nagtama ang kanilang mga patalim at malakas pa ring nadepensahan ng matanda ang kanyang sarili.
Maya-maya ay tinadyakan niya si Ruth at naitulak niya ito sa may bandang pader.
Pilit namang nilalabanan ni Ruth ang matalim na samurai sword ng matandang babae sa pamamagitan ng kanyang balisong.
Hanggang sa kumalas ito at bahagyang napaurong malapit sa may hagdanan.
Panay naman ang hampas ng kanyang espada si Evangeline Orbes at na-korner niya si Agent Orange sa may hawakan ng hagdanan.
Tatawa-tawang idinidiin ng matanda ang kanyang espada papalapit sa mukha ni Ruth at nagbabanta pa itong ihulog ang kanyang kadugo’t pamangkin.
“Sisiguraduhin ko nang mamamatay ka…”
Kahit papaano ay may parte sa puso ni Agent Orange na huwag saktan ang isang matanda, lalo pa’t ito’y kanyang kamag-anak. Ngunit dahil sa makailang-ulit nang pagtatangka nito sa kanyang buhay ay kaagad na nabuo ang desisyon ni Ruth na tapusin na ang buhay nito.
Pilit niyang inabot at sinipa ang binti ni Evangelie Orbes, at bahagyang napayuko ito.
At sa isang iglap, ay animo’y naging sawa ang kaliwang kamay ni Ruth nang biglang tinuklaw ang kaliwang mata ng matandang babae.
Dinukot nito ang eyeball ng kanyang tiyahin.
Kaagad namang nagpupuyos sa sobrang sakit at hapding naramdaman ng matanda, at nabitawan na nito ang kanyang samurai sword.
Panay ang hawak nito sa kanyang kaliwang mata habang nararamdaman ang kanyang pagluha ng dugo.
Pinapanood na lamang siya ni Ruth habang natataranta ito sa kanyang sinapit.
At tila nakalimutan ng matandang babae na sila ay nasa may hagdanan, at nadapa ito’t nagpagulong-gulong pababa.
Kitang-kita ni Ruth kung papaano nangisay ang nakahandusay nang katawan ni Evangeline Orbes sa may semento.
Kinuha ng magandang babae ang samurai sword ng matanda at bumaba ito ng hagdanan.
Pagkadating niya sa kinaroroonan ng tiyahin, ay napansin nitong tila may ibinubulong ito sa hangin at may nais ipabatid sa kanya. Yun nga lang, ay hindi ito maintindihan.
Tumutulo na lamang ang dugo nito sa kanyag ilong, bibig at maging sa kaliwang mata.
Nanginginig ang buong katawan ng matanda.
“Alam kong marami-rami akong nagawang pagkakasala, ngunit wala pa ito sa kalingkingan ng mga ginawa mo sa akin at sa pamilya ko… Sana’y puno ng pagsisisi ang mga lumalabas sa iyong bibig ngayon tita Vangie… Paalam at magkita na lang tayo sa impiyerno.” Mahinang saad ni Ruth sa nakahandusay na tiyahin saka isinaksak sa ulunan nito ang kanyang hawak na samurai sword.
Tuluyan nang nalagutan ng hininga ang matanda habang nakatitig dito si Agent Orange.
Maya-maya ay biglang napatingala ang magandang babae at nakita nito si Melissa Villamor na nakasilip sa kanilang dalawa ni Evangeline Orbes. Tila nasaksihan din ng bride ang ginawang pagpaslang ni Agent Orange sa matanda.
Kaagad na tumakbo ito papalayo, at mabilis namang umakyat muli sa hagdanan ang galit na galit na fallen agent.
Hinanap niya sa bawat pasilyo ng gusali ang kinaroroonan ng babae, nang biglang tumambad sa kanyang harapan ang duguang si Angel.
Napansin ni Agent Orange na may tama ito sa kanyang bandang hita at naghahabol ng kanyang hininga.
“Naandoon siya Ruth… Sa may silid sa kaliwa… Tatapusin ko na ba?” Tanong ni Angel sa kanyang sensei.
“Hindi… Akin siya… Ako ang bahala sa kanya kanya…” Seryosong saad ni Agent Orange. Akmang patakbo na ito sa kinaroroonan ni Melissa nang bigla nitong nilingon ang kanyang kasamahan.
“Hintayin mo na lang ako diyan Angel… Magpahinga ka na, and you did a great job!” Nakangiting saad sa kanya ni Ruth Bermudes. Alam niya ang sakripisyong pinagdaanan ni Angel habang inuubos nila ang lahat ng mga Programme Agents sa reception hall.
Naligayahan naman si Angel sa narinig niyang papuri mula sa kanyang iniidolo. At katulad ng sinabi nito’y tahimik na lamang siyang maghinhintay hanggang sa matapos ang pagtutuos nila Ruth at Melissa.
Marahang binuksan ni Ruth ang pintuan ng silid kung saan nagtatago ang kanyang dating kaibigan.
Kaagad nitong itinutok ang kanyang baril nang mapansin nitong nakaupo ang naka-traje de bodang si Melissa Villamor sa isang itim na sofa.
Tila hinihintay na lamang nito si Agent Orange at nakatulala sa kawalan.
Dahan-dahang lumapit sa kanya si Ruth.
Gustong-gusto na sana niyang paputukan ang magandang babae, ngunit marami pa siyang gustong itanong dito.
“Handa ka na bang pagbayaran lahat ng kasalanan mo?” Tanong ni Ruth Bermudes.
Napatingin sa kanya si Melissa nang lumuluha.
“Anong karapatan mong sirain ang araw na ito?!” Sagot nito sa kanyang dating kaibigan.
“Katulad ng karapatang ibinigay sa inyo na bawiin ang kaligayahan ko…” Tugon naman ni Agent Orange.
“Pinangarap ko ito… Alam mong pinangarap ko ito Ruth… Alam na alam mo iyan…”
Hindi naman sumagot si Agent Orange at hinayaan na lamang niyang magsalita si Melissa.
“Mula pa noong mga bata pa tayo, sinabi ko na sa iyo na wala na akong ibang gustong gawin kundi ang makasama ng pang habang buhay si Ryan… At ang kasal na ito ang siyang minimithi ko para sa aming dalawa…”
“Tama ka… Alam kong matagal mo na itong pinangarap… Pero nag iba na ang lahat… Nagbago ka na… Trinaydor ninyo ako. Nang dahil sa matinding galit at inggit, nagawa ninyo akong talikuran at pagplanuhan…”
“Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo?! Ang makaalis ng tuluyan sa Programme?! Ikaw ang nagsabi sa akin na kung may pagkakataon ay aalis ka ng kumpanya at magpapakalayu-layo… Ibinigay lang namin ang kagustuhan mo…”
“Iba ang ginawa ninyo Melissa… Alam ninyo kung gaano kahalaga sa akin ang proyektong iyon… alam ninyong gusto kong baguhin ang kasamaang nangyayari sa pagitan ng Resistance at Programme… Pero hindi niyo ako binigyan ng pagkakataon… Trinaydor ninyo ako…”
Nanginginig na ang mga kamay ni Ruth habang nakatutok pa rin ang kanyang baril sa kinaroroonan ni Melissa. Mangiyak-ngiyak pa ito habang inaalala ang lahat ng ginawa sa kanya ng magandang babae at pati na rin ni Ryan Santander.
“Pinagplanuhan ninyong patayin ako, at pati si Myk… pati si Myk ay isinama ninyo sa kawalang-hiyaan ninyo… Inilayo ninyo sa akin ang lalaking pinakamamahal ko… Tinanggalan ninyo ako ng karapatang maging masaya… Wala na kayong itinira sa akin…” Dagdag na saad ni Ruth.
“Patawarin mo ako… Patawarin mo ako…” Biglang pagsumamo ni Melissa sa kanyang dating kaibigan.
Lumuhod ang magandang babae sa harapan ni Agent Orange.
Humihingi ito ng awa at kapatawaran sa kanyang mga nagawa dito.
“Patawarin mo ako Ruth… At kung may natitira pang kabaitan diyan sa puso mo, ay hahayaan mo akong mabuhay, pati na rin ang nasa sinapupunan ko…” Saad ni Melissa Villamor.
Nagitla si Ruth sa kanyang nadinig.
Hindi niya inasahang nagdadalang tao na pala ang kanyang kaibigan.
“Buntis ka?”
“Oo… Sorpresa ko sana ito sa aking asawa, kay Ryan… Hindi ko pa nasasabi sa kanya… Pero alam kong buntis na ako… Nakabuo na kami…” Dagdag na paliwanag sa kanya ni Melissa.
Bakas sa mukha ni Ruth ang matinding pagkainis, dahil na rin sa pagkalitong kanyang nararamdaman ngayon.
Paano nga naman niya papaslangin ang isang babaeng umaming nagdadalang tao siya?
Alam niyang nasa parehong sitwasiyon sila noon ni Melissa, at ngayon ay nasa kamay niya ang pagdedesisyon sa kung ano ang kahihinatnan ng kanyang dating kaibigan.
“Please… let me live… Hayaan mo na akong mabuhay… Susuko ako sa iyo… Just let me live and my baby…”
Dahan-dahan namang ibinaba ni Ruth ang kanyang baril at ibinaling ang kanyang paningin sa iba.
“Bakit mo sa akin ginagawa ito Melissa? Bakit mo sa akin ginagawa ito?!”
“Patawarin mo ako Ruth… Alam ko namang may natitira pang awa diyan sa puso mo… Hayaan mo na lang akong mabuhay… I am begging for my life… Please let me live…”
Napaluha naman si Ruth habang pinapakinggan ang ginagawang pakiusap sa kanya ng bagong kasal na kaibigan.
Nag-aaway ang kanyang puso’t isipan sa kung ano ba ang dapat gawin sa babaeng trumaydor sa kanya.
Alam niyang napakalaki ng kasalanang nagawa nito sa kanya at sa tindi ng inggit at galit nito sa kanilang angkan.
Pero paano nga ba niya gagawin ang makapaghiganti, kung nalaman niyang mayroon itong dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Tinitigan niya si Melissa habang ito ay ay nakaluhod at nagsusumamo.
Bilang isang dating Programme Agent, ay alam dapat niyang balansehin ang awa at ang kanyang misyon. At ngayon na lang niya ulit naramdaman ang ganitong kabigat na pagdedesisyon.
Yumuko naman si Melissa at hinayaan niyang tumulo ang kanyang mga luha sa sahig.
Hanggang sa magdesisyon na si Ruth na pagbigyang mabuhay ang kanyang kaibigan. Alam niyang sapat na ang paghihiganti nito kapalit ang mga buhay nina Ryan Santander at Evangeline Orbes.
“Pagbibigyan kita…” Maikling saad ni Ruth.
“Salamat… Maraming salamat…” Tugon naman ng kanyang dating kaibigan.
Maya-maya ay tila may inaabot sa kanyang bandang hita si Melissa.
“Ruth…” Saad nito.
Napatingin naman kaagad si Agent Orange sa kanya.
“Die you b*tch!!!” Pasigaw na saad ni Melissa sabay hugot sa nakatagong maliit na patalim sa kanyang bandang hita at itinapon ito sa kinaroroonan ni Ruth.
Mabilis namang nakaiwas si Ruth sa initsang patalim sa kanya, ngunit inabot at nadaplisan ang kanyang maputi’t makinis na mukha nito.
Nagulat si Ruth sa ginawa sa kanya ni Melissa at kaagad na iniangat nito ang kanyang baril at pinaputukan niya ito sa kanyang bandang ulo.
Tumalsik ang dugo ni Melissa sa dingding at nagkalat ang kanyang utak nang ito’y sumalampak sa sahig.
Napanganga si Agent Orange sa kanyang nagawa.
Hindi niya inakalang hanggang sa dulo ay mananatiling traydor si Melissa.
Iyon nga lang, ay mali ang kanyang kinakalaban.
Alam niya sa kanyang puso na tama ang kanyang ginawa. At kahit hindi niya alam kung nagsisinungaling lang ba si Melissa nang kanyang sinabi na buntis ito, ay nakaramdam pa rin siya ng awa sa kanyang kaibigan.
Dahil kahit nasa bingit na ito ng kamatayan, ay hindi nito inisip na magsisi sa kanyang nagawang mga kasalanan.
Kahit manlang isang sinserong paghingi ng kapatawaran.
Naglakad papalabas ng silid si Agent Orange.
Habang binabaybay ang may kahabaang pasilyo, ay nakita niyang nakaupo sa sahig si Angel.
Relax na relax pa ito kahit na tinitiis nito ang balang nakabaon sa kanyang bandang binti.
Hithit-buga pa ito sa kanyang yosi.
Napangiti si Angel nang kanyang makita si Ruth Bermudes na papalapit sa kanya.
Alam niyang nagtagumpay ito sa paghihiganting minimithi niya.
Alam niyang hindi nasayang ang kanilang oras sa pagpapalano kung papaano pabagsakin ang mga kalaban.
Nang tuluyang nakalipt sa kanya si Agent Orange, ay inalalayan niya itong makatayo’t makalakad.
Sabay-sabay namang nagsipaglabasan ang mga natitirang miyembro ng Resistance na tumulong sa kanila. Iginapos ang mga Programme Agents na kanilang napasuko at ginawang bihag.
Magkakasunod silang lumabas ng gusali at sumakay sa mga sasakyang sikretong inihanda ng gobiyerno para sa kanila.
Ito na ang hudyat upang tuluyan nang mapasakamay ng pangulo ang pangangalaga at pagpapatakbo sa Programme.
At kahit hingal na hingal si Agent Orange sa sobrang pagod mula sa kanilang pakikipaglaban, ay bakas sa mukha nito ang matinding saya dahil nakamtan nito ang pinaniniwalaang hustisya.
Napaghiganti na niya ang kanyang mga magulang at mga kaibigan sa Resistance. Nabawi niya ang kompiyansang tinanggal sa kanya nina Ryan at Melissa.
Nararamdaman na niya’t naaamoy ang halimuyak ng tagumpay at pagbabago sa kanyang buhay.
Magsisimula siya muli, kasama ang mga malaya nang miyembro ng Resistance.
Epilogue
Tagumpay.
Alam kong napagtagumpayan ko ang bawat pagsubok na dumaan sa aking buhay.
Hindi naging madali para sa akin na tahakin ang isang masalimuot na buhay.
Lalo hindi madali ang maging si Ruth Bermudes… o kaya naman ay ang maging si Agent Orange.
Ngunit nagawa ko, sa abot ng aking makakaya, na tapusin ang mga nasimulan kong pakikipaglaban.
Unti-unti akong bumabangon.
Unti-unti akong bumabawi sa aking mga nagawang mali.
Hindi ako tumitigil sa paghingi ng kapatawaran sa aking mga kasalanan.
Alam kong balang araw ay pagbabayaran ko ang lahat ng ito. Alam kong sa pagsapit ng araw na iyon, ay huhusgahan ako sa kung anong uri ng buhay na tinahak ko.
Pero…
Alam ko mas mainam na ring nakahingi ako ng kapatawaran, at umahon mula sa kumunoy ng aking mga pagkakasala.
Ngayon…
Natitiyak kong pagkatapos ng isang laban, ay may magbubukas nanamang panibagong problema.
At natitiyak ko ring handa ako sa kahit anong pupuwedeng mangyari sa mga pagkakataong ito.
Nakamasid lamang ako.
Pinagmamasdan ang pamamalakad na gingawa ng gobyerno sa Programme.
Kumpiyansa akong nababantayan ng mabuti ni Angel ang bagong bihis na kumpanya. Siya pa rin ang mata at tenga ko sa loob.
At ayon sa kanya, ay mas tahimik at maganda nga ang pangangalagang ginagawa ngayon ng pangulo… ang bagong Country Director.
Kahit papaano ay nakakahinga na ako ng maayos.
Nagagawa ko nang mamasiyal sa mga lugar na gugustuhin kong puntahan nang walang nakamasid sa aking mga mata.
Mas payapa na ang utak ko.
Mas tahimik na rin ang buhay ko.
At siyempre… araw-araw ko nang nagagawa ang mag-kape.
Halos kalahati ng aking araw ay ginugugol ko sa isang coffee shop.
Magiging paborito ko na nga siguro ito…
Lalo na ang isang lalaking palagi kong inoorderan ng paborito kong Frappuccino.
“Hi…”
“Hello…”
“Same order ma’am?”
“Yes, please…”
“Sige, ako na ang maghahatid sa lamesa mo.”
Kahit kailan ay hindi ako magsasawa kakatitig sa kanyang maamong mukha, sa kanyang mapang-akit na mga mata, at ang kanyang mga labi.
Kahti papaano ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko, sa tuwing naaalala kong hindi na niya ako matatandaan pa.
Nabura ang isipan niya.
Pero para sa akin, maganda na rin itong nangyari.
Dahil nagkaroon kami ng pagkakataong makilala muli ang isa’t isa.
Back to zero.
Clean slate.
Pinagmamasdan ko siya habang hinahanda niya ang aking inorder na inumin.
Nagmukhang stalker na niya ako, pero wala akong pakialam doon. Kahit pa siguro sawayin ako o harangin ng sibat, ay hindi ako papaawat.
Naandito lang ako.
Mananatiling nakaupo at nakatitig sa kanya.
“Miss… heto na po ang order ninyo…”
“Thank you…”
Siyempre, nginingitian ko rin siya.
Hanggang sa isang araw, habang nilalagyan ko ng Cinnamon powder ang aking inumin, ay napansin kong may nakasulat sa pinatungan nitong tissue.
Have dinner with me tonight?
Napangiti naman ako at mabilis ko siyang hinanap at sinulyapan.
Kinindatan naman niya ako habang pinupunasan ang maliit na wooden counter ng coffee shop.
Tumango na lamang ako bilang tugon at kitang-kita kong napa-“Yes!” siya sa sobrang tuwa.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang minahal ko na siya bago niya pa ako nakilala.
Hindi ko alam kung ano ang ikikilos sa kanya habang magkasama kaming nagdidinner.
Ang tanging alam ko lang, ay masaya ako sa pagkakataong makasama siya.
Ang lalaking pinakamamahal ko. Ang nag-iisa sa buhay ko.
Ang tanging nagpapalambot ng puso ng isang katulad ko.
Ang tanging tumanggap at nagmahal kay Agent Orange.
WAKAS
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024
- Undo – Episode 5: Ctrl + P - November 15, 2024
- Undo – Episode 4: Ctrl + Arrow [Up] - November 7, 2024