Written by ereimondb
Three Days Later
Toot… toot… toot… toot…
Ito lamang ang tanging tunog na nadidinig sa silid na kinalalagyan ni Ruth Bermudes. Ang tunog ng isang makinang nakakonekta sa kanyang katawan, na siyang nagpapanatiling nasa tamang ang lahat ng nagaganap sa sistema ng magandang dalaga.
Nakatakip ang kanyang katawan ng puting kumot, habang ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa malambot na kama.
Tahimik at himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog si Agent Orange.
Tila wala itong kamuwang-muwang sa mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid.
Hindi mababanaag ang poot at galit na namuo sa kanyang puso’t alaala, mula nang siya ay kausapin ng mga taong pinagkatiwalaan niya ng kanyang buhay.
Ang mga traydor na sina Ryan Santander, Melissa Villamor at ang matandang tiyahin niyang si Evangeline Orbes.
Payapa ang lahat.
Hindi mo makikitaan ng labis na kagustuhang makaganti sa lahat ng umagrabiyado sa kanya.
Animo’y isang bulkan na naghihintay lamang na sumabog anumang oras.
Isang natutulog na halimaw; mapanganib… makamandag…
Ilang segundo pa’y biglang gumalaw ang kanyang hintuturo, kasabay din ng pagkagalaw ng talukap ng kanyang mata.
Bumibilis ang kanyang paghinga.
Bumibilis ang bawat pagpintig ng kanyang ugat, hudyat na may nangyayaring kakaiba sa kaloob-looban ng kanyang katawan.
Tanging si Ruth lamang ang nakakaalam at nakakaramdam sa kung ano ba ang totoong nangyayari sa kanyang sistema.
Umepekto na nga ba ang gamot?
O kaya naman ay dinalaw siya ng isang masalimuot na bangungot.
Isang masamang panaginip.
Tila sariwa pa sa kanyang gunit ang itsura ng kanyang mga magulang bago pa nito nakita ang huling kinahantungan ng mga ito. Kitang-kita pa niya ang makinis na balat ng kanyang mommy, at ang marangya’t mahabang bestida na itinahi pa ng isang kilala’t tanyag na tao. Magarbo kung manamit, kumikislap ito dahil sa dami ng mga diyamanteng nakasabit sa kanyang leeg at maging sa kanyang tainga. Ngunit ang isang aksesoryang hindi makakalimutan ni Ruth, ay ang napakatamis na ngiti ng kanyang ina noong gabing iyon.
“Matulog ka ng maaga Ruth… Huwag mo na kaming hintayin at gagabihin kami ng daddy mo…” Malumanay na saad ng kanyang ina.
At dahil sa nagrerebelde siya noong mga panahong iyon, ay isinawalang bahala niya ang mga salitang lumubas sa bibig nito. Bagkus, ay inirapan pa niya ang kanyang mommy at ibinaling na lamang ang kanyang mga mata sa ibang direksiyon.
“Ruth… Ikaw na muna ang bahala dito… Ikaw lang ang inaasahan ko… Ikaw lang inaasahan ng buong angkan natin… Be responsible… okay?” Saad naman ng kanyang daddy na biglang sumulpot sa kanyang likuran.
Madaling lumambot ang kanyang puso lalo na pagdating sa kanyang ama. Tila hindi niya maitatangging isa siyang daddy’s girl at kaagad itong nagpaunlak ng isang mahigpit na yakap.
Kinindatan naman ng daddy ni Ruth ang kanyang mommy, na ngayo’y nakasakay na sa isang magarang itim na sasakyan.
“Ingat kayo dad… Ingat po kayo…” Pabulong na saad ng magandang dalaga.
Hindi naman kumibo ang kanyang ama, sa halip ay tinapunan niya ito ng isang matamis na ngiti. Tumango na lamang si Ruth at marahang napayuko, habang pinapakinggan ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan.
Maya-maya ay ibinaba ng kanyang mommy ang bintana at nagpahabol pa ito ng salita sa kanya.
“I love you baby… I love you…”
Napatingin si Ruth, ngunit hindi na niya nagawa pang makasagot dahil mabilis na tumakbo ang magarang kotse ng kanyang mga magulang.
“I love you too… mommy…” Ibinulong na lamang ng babae sa hangin ang kanyang nais iparating sa kanyang ina.
Mula sa kalayuan, ay nakita niya ang kanyang tita Evangeline na naglalakad papasok ng kanilang bahay.
Dire-diretso lamang itong naglakad at tila hindi niya napansin si Ruth na nakatayo sa may main door ng mansion.
Sinundan ng tingin ni Ruth ang matandang babae, ngunit wala siyang napala dito dahil hindi manlamang siya nginitian o sinulyapan at nagmamadali pang pumasok sa loob ng bahay.
Noong mga panahong iyon, ay ikinibit-balikat na lamang niya ang mga ganitong pangyayari sa kanilang dalawa ni Evangeline, dahil wala naman itong kamalay-malay sa masamang gawain ng kanyang tiyahin.
Hanggang sa dumating ang balitang hindi lamang bumulabog sa buong kumpanya, kundi maging sa nananahimik na buhay ni Ruth Bermudes.
Natagpuan ang sunog na sunog na kotse ng kanyang mommy at daddy. Halos naging abo ang mga ito sa tindi ng pagsabog.
Tila sa bangungot ni Ruth ay naroroon siya sa nangyaring aksidente.
Pilit niyang binubuksan ang mga pintuan upang isalba ang kanyang ina o ama sa nasusunog na kotse, ngunit wala siyang magawa.
Isang panaginip na tila nagmulat sa kanya sa katotohanang ang lahat ng bagay ay pawang may katapusan. Na ang buhay ay maikli lamang, at hindi dapat sayangin sa poot at galit lamang.
Sa kanyang panaginip, ay wala nang ibang nagawa si Ruth kundi ang sumigaw sa pagsisisi at umiyak ng malakas. Sa kasamaang palad ay wala nang buhay ang kanyang mga magulang upang madinig ang pagdaing na ito na nagmumula sa kanya.
Isang masalimuot na panaginip.
Isang bangungot na tila pilit na ginigising ang natutulog na halimaw sa loob ng katawan ni Ruth.
Nanginginig ang kanyang mga kamay.
Namamanhid ang kanyang mga paa dahil sa tagal ng kanyang pagkakahiga.
Biglang dumilat ang kanyang dalawang mata.
Binuka ang kanyang bibig, at tila ay naghahagilap ng hangin.
Nanunuyo ang kanyang mga dating mapupulang labi.
Uhaw na uhaw.
Para nanaman siyang sinasakal at unti-unting hindi nakakahinga.
Hanggang sa nanginig ang kanyang buong katawan at tila kinukumbulsiyon.
Hindi niya makontrol ang malalakas na paggalaw ng kanyang buong katawan.
Mabuti na lamang at may nagbabantay sa kanyang sa bawat oras at mabilis na pumasok ang mga ito sa kanyang silid upang siya ay sagipin.
Kaagad siyang tinurukan upang mamanhid ang kanyang buong katawan at kumalma ito mula sa kanyang epileptic seizure.
Muling lumabo ang mga mata ni Agent Orange, hanggang sa tuluyan na niya itong ipinikit.
Nagtinginan naman ang mga doktor na pumasok sa kanyang silid at inirekord ang mga huling kaganapan sa kanilang binabantayang pasiyente.
Nang masiguradong okay na ulit si Ruth, ay isa-isa silang lumabas ng silid at hinayaan muli sa kanyang pagkakahimbing si Ruth Bermudes.
One Week Later
Dahan-dahang iminulat ni Ruth ang kanyang mga mata.
Tila bumubuti na ang kanyang pakiramdam, kumpara noong mga nakaraang araw. Medyo hirap pa rin siya sa kanyang paghinga, ngunit mas nakakayanan na niya ito ngayon.
Takang-taka ang magandang babae kung ano ang ginagawa niya sa isang hindi pamilyar na silid. Bago ito sa kanyang paningin, kung kaya’t agad na bumangon si Ruth upang tangkaing magsiyasat. Nakakaramdam pa rin siya ng pagmamanhid sa kanyang bandang binti pababa sa kanyang mga paa dahil na rin sa may katagalan itong nakaratay sa kama.
Marahan niya muna itong hinihilot upang matanggal ang pamamanhid.
Habang kanya itong ginagawa, ay napatingin siya sa isang salamin na bintana dahil mayroon siyang naulinigang mga boses sa gawing iyon.
Tumayo ito at kahit papilay-pilay pa siya, ay pinilit niya ang kanyang sarili na makariting at maabot ang salaming iyon.
Samantala, nakatingin lamang ang mga doktor sa viewing area, maging ang lalaking nagkalinga’t sumagip sa kanya noong isang araw. Pinapanood nila’t inoobserbahan si Ruth habang kinakapa ang salamin na bintana na kumukonekta sa silid nito at sa viewing area.
Maya-maya ay dahan-dahang naglakad papaatras ang magandang babae mula sa salamin.
Tinitignan pa rin niya ito at hindi nilulubayan ng kanyang paningin ang buong kalakihan nito.
“Lumabas kayo! Alam kong may tao diyan… Alam kong naandiyan kayo! Lumabas kayo, kung sino man kayo!” Malakas na saad ni Agent Orange.
Nagtinginan ang mag doktor at tila naghihintay sila sa kung ano ang ipapagawa ng kanilang boss.
Nakatitig lamang ang lalaki kay Ruth habang iniisip kung ito na nga ba ang pinakahihintay niyang oras upang ito ay kausapin.
“Lumabas kayo diyan! Huwag niyong hinataying maihagis ko ang oxygen tank at basagin yang salamin ninyo!”
Napalunok ang isang doktor at nag-aalala sa kanilang sasapitin kay Agent Orange.
Inayos ng lalaki ang kanyang suot na polo shirt, inihahanda ang kanyang sarili sa pakikipagtuos at pakikipag-usap sa isang babaeng matagal na niyang minamanmanan.
Maya-maya ay pumasok si Angel sa viewing area at pinigilan ang lalaki sa kanyang gagawin.
“Mas mabuti po yatang ako muna ang humarap kay Ruth…” Saad nito.
Sandaling nagisip-isip ang lalaki at muling tinitigan si Agent Orange na ngayon ay sinusubukan nang buhatin ang oxygen tank.
“Hindi ba mas mapanganib kung ikaw ang kakausap sa kanya?” Tanong ng lalaki.
“Kilala niya ako sir. Kahit papaano ay makoneksiyon kaming dalawa. At kaya ko rin naman siyang labanan. Kaya mas okay kung ako muna ang haharap…” Sagot ni Angel.
Tumango naman ito bilang pag-sang-ayon sa iminungkahi sa kanya ng double agent.
“Isuot mo itang earpiece, para kung kailangan mo ng assistance o kaya may hindi ka kayang sagutin, matutulungan kita.” Saad ng lalaki.
Kaagad namang sumunod si Angel sa protocol ng lalaki at isinukbit sa kanyang tainga ang earpiece mula sa iba pang agents.
Huminga ito ng malalim bago tuluyang pumasok sa silid ng pasiyente.
Napalingon naman si Ruth nang biglang bumukas ang kanyang pintuan.
“Ikaw?!” Tanong nito.
Hindi na sumagot si Angel, sa halip, ay dumiretso na ito papasok ng silid at isinarado ang pintuan.
“Anong ibig sabihin nito? Nasa Programme ako? Naandito ako? Buhay ako? Anong nangyayari?!” Sunod-sunod na tanong ng magandang babae.
“Ruth, maupo ka at mag-uusap tayo…”
“Anong ibig sabihin nito, Angel? Sumagot ka?!”
“Ruth… Please kumalma ka… Para maunawaan mo ang lahat ng sasabihin ko sayo…”
Hindi naman magawang mapaupo ni Angel si Agent Orange, at tila iniiwasan siya nito at nilalayuan.
“Nasaan ako? Nasaan tayo? Nasa Programme ba tayo?”
Sandaling tumahimik si Angel at lumunok. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na matakot at mataranta sa kung anong puwedeng gawin sa kanya ni Ruth Bermudes.
Umiling ito sabay tingin sa kanyang kaharap.
“Anong ibig mong sabihin? Nasaan ako?”
“Naandito ka sa Special Task Force Unit ng NBI.”
“NBI? Bakit ako nasa NBI?”
“Sila ang may hawak ng kaso mo. Ang mga taong ito ang matagal nang nagmamatyag sa kung ano ang kumpanya na pinanggalingan mo… kumpanyang pinanggalingan natin…”
“Hindi ko maintindihan… Ikaw? Bakit naandito ka? Hindi ba Programme Agent ka rin?”
“Isa akong undercover agent, Ruth… Double Agent.”
“Pero… Dumaan ka sa training period ng Programme…”
“Ipinasok ako ng NBI bilang undercover agent nila para makakuha ng impormasiyon sa Programme. Nagsimula ako sa pinakamababa… Nagtrain ako at inalam ko ang mga fighting techniques ninyo… Lahat inalam at inaral ko para maging magaling na Programme Agent… Pinagdaanan ko rin ang sinasabi nilang “debut mission”, at halos bumaligtad ang sikmura ko sa walang awang pagpaslang ng kumpanya ninyo sa mga taong nagnanais kumalas at magbago… Siyempre, hindi ko pinapatay ang mga target ng mission ko… Sila na ang bahalang magtago at palabasing napatay ko ang mga ito para malagpasan ang inuutos na trabaho sa akin ng Programme…”
“Pero sinabi mo sa akin noon yung tungkol sa kapatid mo… si Alfred? Alfred Velasco… Undercover Agent din ba siya?”
Napayuko si Angel at bahagyang nalungkot nang muli nitong madinig ang pangalan ng kanyang kuya.
“Hindi… Hindi siya undercover agent or double agent o konektado sa NBI… Totoong nagsilbi si kuya Alfred sa Programme… Naging magaling na sundalo si kuya Alfred para sa kumpanya ninyo… Nag-aaral pa ako noon nang makapasok siya sa Programme… Magaling siya… Ipinagmamalaki niya sa akin ang trabahong pinapasukan niya… Maging ikaw ay naikukuwento niya sa akin, at alam kong alam mo, na may lihim siyang pagtingin sa iyo… Basang-basa ko sa mga mata ni kuya Alfred kung paano ka niya laging ibinibida sa mga kuwentuhan namin… Pero sa kasamaang palad, namatay si kuya Alfred. Hindi namin nakuha ang bangkay niya. Hindi namin alam noon kung bakit siya biglang namatay. Hindi sumasagot ang kanyang boss sa kinaroroonan ni kuya Alfred. Hanggang sa isang araw, naghalughog at nagimbestiga ako sa kuwarto ni kuya. Nakita ko ang address kung saan siya nagtatrabaho. Inalam ko ang tungkol doon, pero ibang kumpanya ang lumalabas sa mga records. Doon ko nalaman na marami na rin palang lumalapit sa pulis para sa mga nawawala nilang kamag-anak. Hindi ko lubos maisip ang pinasok na mundo ng kapatid ko. At dahil sa tindi ng pagmamahal ko kay kuya Alfred, ay sinubukan ko ring pasukin ang mundo niya. Nahikayat ako ng NBI na maging undercover agent. Madali na lang ako makakapasok dahil sa pribilehiyong naibigay sa akin ni kuya Alfred bilang kapatid niya. May pagkakataon akong maging kaanib ng isang sikretong organisasyon. Tinanggap ko… Pinag-aralan ko… Ginalingan ko… At balang araw, magagamit ko rin ito laban sa kanila upang makakuha ng hustisyang ipinagkait nila kay kuya Alfred at sa pamilya namin…”
Dahan-dahang naupo si Ruth sa kanyang kama.
Nararamdaman nito ang poot at galit na pinagdaraanan ni Angel nang dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahala sa buhay.
At ang lahat ng ito ay nang dahil sa Programme.
“Hindi ko alam ang tungkol sa kapatid mo… Wala ako sa Programme noong mga panahong iyon…” Mahinang saad ni Ruth.
“Alam ko yon… Alam ko rin kung ano ang tunay na nangyari sa iyo Ruth… Wala kang maaasahan na kaibigan o kahit kapamilya sa Programme…” Makahulugang saad ni Angel.
“Mga hayup sila… Pinagkatiwalaan ko silang lahat… Pero ginawa pa rin nilang saktan ako… Mga traydor… Sila ang tunay na mga traydor…” Mangiyak-ngiyak na saad ni Ruth.
“Buhay ka Ruth… Buhay ka pa… Marami ka pang pagkakataong mabawi ang lahat ng nakuha nila sa iyo… Lahat ng natitira sa iyo…”
“Hindi ko maintindihan kung paano ako nabuhay? Ang alam ko’y katapusan ko na…”
Tinabihan ni Angel ang magandang babae at hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay.
“Sa tulong ng isang miyembro ng konseho, mula sa angkan ng Bermudes, ay nagawa ka naming mailigtas at mailayo sa Programme, Ruth…” Kuwento ni Angel.
Napasulyap naman si Agent Orange at bakas sa kanyang mukha ang pagkalito sa kanyang nadinig mula sa katabing babae.
“Dahil ang konseho lamang ang may hawak ng lethal injection na ituturok sa iyo, ay nagawa naming palitan ang laman nito… Isa itong kemikal na sandaling nagpatigil sa iyong paghinga… Pinalabas nitong namatay ka nang dahil sa cardiac arrest.” Pagpapatuloy na kuwento ni Angel.
“Paano ako nailabas ng building? Hindi ba’t mahigpit ang seguridad doon at napakaraming Programme Agents na nakabantay?”
“Ako na ang gumawa ng paraan. Sa tulong muli ng isang konseho galing sa iyong angkan, ay nagawa kitang mailabas ng parking lot, matapos kong mapatay ang lahat ng Programme Agents na nasa loob ng elevator…”
“Nagawa mo iyon?” Tanong ni Ruth.
“Oo… Nagawa ko ang lahat ng yon…” Sagot ni Angel.
Saglit na napatahimik si Ruth. Tila may sumagi sa kanyang isipan at bigla itong napaiyak.
“Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin… Pero… Pero sana hinayaan niyo na lang akong mamatay…”
“Ruth? Hindi ako makapaniwalang manggaling sa iyo yan?! Alam kong palaban ka… Alam kong kayang-kaya mong mapabagsak ang Programme kung gugustuhin mo… Sumusuko ka na ba sa laban?”
“Wala na akong dahilan para mabuhay… Nang dahil sa akin, napakaraming buhay ang nasayang… Binigo ko silang lahat… ang mga magulang ko… ang ibang mga miyembro ng Resistance… Si Myk… at maging ang inosenteng batang nasa sinapupunan ko noon, nagawa nilang patayin nang hindi ko nalalaman…. Sabihin mo sa akin… Saan pa ako huhugot ng lakas para makipaglaban?” Saad ni Ruth.
Napatahimik naman si Angel sa mga sinabi sa kanya ni Ruth. Alam niya kung gaano kasakit ang lahat ng katotohanang inilahad sa kanya nina Melissa at Evangeline Orbes. At kahit sinong tao ay mawawalan ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang buhay nang dahil sa mga trahedyang ito, na kagagawan ng Programme.
“Ayoko na… Ayoko nang lumaban… Ayoko nang mabuhay pa… Ayoko na…” Muling saad ni Agent Orange.
Hinaplos naman ni Angel ang bandang likuran ng kanyang idolo. Wala na siyang iba pang masasabi dito dahil sa tindi ng sakit at pighating nararamdaman ng magandang babae. Ang tanging magagawa niya ay makinig at maghintay kung kailan maghihilom ang bawat sugat ng pinakamagaling na Programme Agent. Inisiip niyang balang araw ay makakamtan din nilang dalawa ang hustisiyang inaasam-asam at mapaghigantihan ang mga traydor at salarin ng mga kasawiang ito.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan at biglang pumasok ang isang lalaki.
Napatingin sina Ruth at Angel sa kanya at sabay na napatayo.
“Sino ka?” Tanong ni Agent Orange.
“Siya si…” Putol na saad ni Angel.
“Ako si George. Ako ang bumuo ng escape plan para sa iyo at nagbibigay ng mga pangangailangan mo to recover…” Saad ng lalaki.
“Hindi mo na ako kailangang alagaan… Kaya ko ang sarili ko…” Tugon ni Ruth.
Napangisi ang lalaki dahil sa isinagot sa kanya ni Agent Orange.
“Yeah… Alam ko… Alam kong kaya mo na… Pero hindi ka namin hahayaang makaalis dito dahil alam nilang lahat eh patay ka na… Na sunog na ang katawan mo sa basement ng Programme… Hindi ba?” Paliwanag ni George sa kanya.
Tumahimik naman si Ruth at napahawak sa braso ni Angel.
“Ako na lang ang mapagkakatiwalaan mo Ruth… Dahil ako ang may hawak sa kaso mo… Actually sa kaso ng isang Secret Society na tinatawag nilang Programme…”
“Pasensiya ka na… Pero wala akong pinagkakatiwalaan…”
“Naiintindihan kita Ruth… Alam kong may mga trust issues ka na dahil sa mga nangyari sa iyo… Pero kailangan mong makipagtulungan sa akin para mailabas ang tungkol sa kumpanyang ito…”
“Mailabas? Walang sinuman ang makakagawa niyan… Makapangyarihan ang Programme… Maraming pulitiko at opisyales ang humahawak sa grupo… Naiintindihan mo ba kung ano yang mga sinasabi mo? George?” Matapang na saad ni Ruth.
“Alam ko… Matanda na ako Ruth… Marami na akong napagdaanan, napag-aralan… Secret Society… Illuminati… New World Order… Blah blah blah… at kung anu-ano pa… Pero itong Programme, ang pinaka-naintriga ako… Alam mo kung bakit? Dahil marami itong konkretong katibayan… marami akong mga ebidensiyang pinanghahawakan… at ikaw… ikaw Ruth Bermudes ang magbibigay sa akin ng pinakamalaki at pinaka-reliable na ebidensiya…” Paliwanag ni George.
“I don’t work for anyone… People work for me… And besides, hindi ako tumatanggap ng kahit anong utos mula sa inyo…” Saad ni Ruth.
“Ruth… o Agent Orange… o kahit ano pa mang itinatawag sa iyo… Sorry pero wala kang ibang magagawa kundi ang makipagtulungan sa amin… I risked my career for this… I even risked my whole life just to prove this secret society… Tinulungan kita, tutulungan mo ako… Magtutulungan tayo… It is a win-win situation… I can have my case closed, and you can have your sweetest revenge… Napakasimple lang….”
Sandaling napatigil si Ruth at tinitigan ang lalaking kanyang nasa harapan.
Tila naiinis na ito sa kayabangang ipinapakita nito sa kanya. Hindi niya kayang matagalan ang sinasabi sa kanya ni George.
“Angel… Pakisabi nga diyan sa boss mo, na hindi ako makikipagtulungan… Mas gugustuhin ko pang mamatay, kaysa sa makipagtrabaho sa isang ambisyosong tao… Hindi niya ikakayaman at ikakasikat kung sakaling mailalantad niya ang Programme… Dahil kahit kailan ay hindi niya ito magagawa…” Seryosong saad ni Ruth.
Nagtinginan naman sina Angel at George nang dahil sa mga binitiwang salita sa kanila ni Agent Orange.
“Pagod na ako… Gusto ko nang magpahinga…” Dagdag na saad ng magandang babae, sabay upo sa kanyang kama.
“Sige, magpahinga ka na… Lalabas na kami…”
Gusto pa sanang magsalita ni George at paliwanagan pa si Ruth, ngunit hinila na siya ni Angel papalabas ng silid.
Humiga na si Agent Orange sa kama at humarap ito sa kabilang direksiyon.
“Bullshit! Ang yabang pala niyang babaeng iyan eh! Akala mo kung sino!” Galit na saad ni George.
“Sir… Hindi naman po kasi tama ang ginawa ninyong pakikipag-usap sa kanya… Masyado pang sariwa at masakit ang mga sugat niya… At hirap pa rin siyang magtiwala sa kahit kanino, matapos siyang traydurin ng mga itinuring niyang kaibigan at kapamilya…” Saad ni Angel.
“Pero hindi niya ba naiintindihan na tinutulungan ko siya? Ano lang naman yung sabihin niya rin sa akin na tutulungan niya ako?! Ang yabang! Akala mo kung sino?!”
“Look… Sir… Kung nadinig ninyo ang sinabi kanina ni Ruth… Wala na siyang pakialam sa Programme… Gusto na nga niyang mamatay eh… Gusto na niyang sumuko sa laban… Wala na siyang dahilan para mabuhay pa at kalabanin ang Programme…”
“So ano? Ganun na lang? Sira nanaman ang kaso ko? Sira nanaman itong asset ko?”
Sandaling tumahimik si Angel upang makapag-isip ng mabisang diskarte. Alam niyang mali ang ginagawa ng kanyang boss at mas itinutulak niya pang papalayo si Ruth dahil sa ambisyon nitong i-expose ang Programme sa mga tao. Alam din niyang tama ang sinabi kanina ni Ruth na hindi basta-basta ang kanilang gagawin upang mailantad ang kumpanya, lalo pa’t napakaraming mayayaman, maimpluwensiya’t sikat na tao ang miymebro ng Programme. Isama mo pa ang mga may katungkulan sa gobiyerno na humahawak sa sikretong organisasyong ito.
“Ano nang gagawin natin? Paano na natin siya makukumbinsi?” Muling tanong ni George.
“Bigyan natin siya ng dahilan para lumaban… Ibigay natin ang pag-asang hinihingi niya…” Saad ni Ruth.
“Paano? Anong ibig mong sabihin?”
“Ipaalam na natin sa kanya…”
Tila nag-iba naman ang mukha ni George nang iminungkahi ni Angel ang isang kakaibang diskarte.
“Nawalan na siya ng ganang lumaban. Nawala na sa puso niya ang apoy para makamtan ang hustisya. Nawala na ang babaeng inidolo naming magkapatid. Nawala na ang dati kong kilalang Agent Orange…”
“Kung makakatulong sa mga pinaplano ko, hahayaan kita sa kung anong binabalak mo Angel… Ikaw na ang bahala…” Saad ni George.
Three Days Later
Nang tuluyan nang gumaling at bumuti ang kalagayan ni Ruth, ay minabuti ni Angel na isama ito sa kanyang mahalagang lakad. Ililibot lang niya ang magandang babae, gamit ang kanyang kotse, sa lugar malapit sa kanilang pansamantalang tinitirahan. Ang paraan na ito ay naisip ni Angel upang kahit papaano ay malibang-libang naman si Ruth, nagbabakasakaling makumbinsi niya itong ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kumpanyang sumira sa kanilang mga buhay.
Si Angel na mismo ang nagmaneho, at pinaupo niya si Ruth sa kanyang tabi.
Tahimik lamang ang magandang babae habang nakatanaw ito sa malayo.
“Okay ka lang ba Ruth? May masakit pa ba sa iyo?”
“Hindi na… Okay na ako…”
“Pasensiya ka na kung naabala ko ang pagpapahinga mo. Naisip ko kasi na mas makakabuti para sayo na lumabas-labas kung minsan…”
Hindi naman kumibo si Ruth. Hinayaan na lamang niya na magsalita at magkuwento si Angel, kahit na lumilipad pa ang kanyang isipan.
“Sabihan mo lang ako kung gusto mo kumain, o kung nauuhaw ka… o kaya naman baka naiihi ka… Just let me know, Ruth…”
Tumango na lamang ito bilang pagtugon sa sinabi sa kanya ni Angel.
Sandaling ipinikit ni Ruth ang kanyang mga mata. Halatang-halata na wala pa rin siyang gana na lumabas o magliwaliw, dahil sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Gusto niyang iwaksi ang lahat ng mga masasamang alaala, ngunit hindi niya ito magawa. Nananaig pa rin sa kanyang katinuan ang kasamaang ginawa sa kanya nina Ryan, Melissa at Evangeline Orbes. Maging ang ibang kasapi ng konseho na walang ginawa kundi sirain ang kanyang mga plano tungo sa pagbabago sa Programme.
Maya-maya ay naramdaman ni Ruth na biglang tumigil ang sasakyan.
Dahan-dahan itong dumilat at nagmasid-masid sa kanyang paligid.
“Anong gagawin natin dito? Bakit tayo huminto?” Malumanay na tanong ni Ruth.
Hinila papaitaas ni Angel ang hand brake, bilang hudyat na magtatagal pa sila sa lugar na iyon.
“Gusto ko lang na makapag-usap tayong dalawa Ruth… Na walang nakikinig o kaya naman ay walang nanonood… Tayong dalawa lamang ang naandito…”
“Kung pipilitin mo pa rin akong makipagtulungan kay George, sorry Angel pero hindi ko na kayang gawin. Ayoko nang maging sanhi ng kapahamakan ng mga tao sa paligid ko… Masyadong marami nang nawala’t namatay ng dahil sa akin… Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko… Nag-ambisyon akong baguhin ang Programme, kahit alam kong napakaimposible ng proyektong iyon… ng pagbabago… na pahintuin ang giyerang nagaganap sa Programme at Resistance… Ayoko na Angel… Ayoko na…”
Napayuko naman si Angel habang pinapakinggan ang mga hinaing ni Agent Orange.
“Buong buhay ko… Wala na akong ginawa kundi ituon ang oras ko sa Programme… Tinuruan nila akong lumaban at makipaglaban… Wala akong choice kundi ang sundin lahat ng kagustuhan ng mga taong nakapaligid sa akin… Ang mga magulang ko… Ang mga miyembro ng konseho… Sila ang nagturo sa akin gumawa ng ganitong pagkakamali… Akala ko noon, malakas ako… matapang… at walang kinakatakutan… Pero nagkamali ako… Hindi totoo ang lahat… mahina ako… mahina ang loob ko… at takot na takot ako sa mga kasalanang nagawa ko…” Paliwanag ni Ruth.
“Pero papaano ang mga taong umaasa sa iyo? Papaano ang mga taong naniwala sa mga ipinaglalaban mo? Ruth, hindi ka nag-iisa… Naandito kami para tulungan ka… Sabay nating tutuparin ang pangarap na makamtan ang hustisyang ipinagkait sa atin ng Programme…”
“Bakit pa ako makikipaglaban? Para saan? Para kanino? Para matugunan ang sarili kong paghihiganti? Tulad ng sinabi ko sa iyo… sana hinayaan niyo na lang akong mamatay…”
“Pero buhay ka Ruth… May dahilan kung bakit ka buhay ngayon…”
“Ayokong magmukhang walang utang na loob Angel, pero talagang mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mabuhay nang wala ang mga taong mahal ko… Pakiramdam ko, mag-isa na lang ako… Mag-isa na lang ako…”
Hindi na napigilan pa ni Ruth ang kanyang mga luha, at tuluyan na itong napayuko’t napaiyak. Inilabas niya ang lahat ng sama ng loob at pighati na nasa kanyang damdamin. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanyang isipan ang lahat ng mga ipinagtapat sa kanya ni Evangeline Orbes.
Na ang matandang babaeng ito ang pumatay sa kanyang mga magulang.
Na ang matandang babaeng ito ang nag-utos na tanggalin mula sa kanyang sinapupunan ang nabuo mula sa pagmamahalan nila ni Myk.
At ang matandang babaeng ito ang tumulong kay Melissa upang maisakatuparan ang mga masasama nitong balak.
Hindi niya lubos maisip na isang kadugo pa ang makakagawa nito sa kanya. Hindi niya masikmura ang lahat ng mga kasinungalingang itinanim sa kanyang utak, upang mabura ang mga magagandang alaala at manataliting halimaw sa ngalan ng Programme.
Hinayaan siyang katakutan ng mga miyembro ng kumpanya. Kasuklaman at kainisan ng mga pamilyang naghahangad ng kalayaan laban sa Programme.
At ngayon…
Wala nang natira sa kanya.
Kahit ang kanyang dangal at puri ay kinuha na ng mga taong lubos niyang pinagkatiwalaan noong mga panahong iyon.
At maging ang lalaking pinakamahalaga sa kanyang buhay… si Myk Havila.
Iyon ang dahilan kung bakit siya tuluyang nalugmok sa kumunoy ng matinding kalungkutan. Pakiramdam niya’y hindi na siya makakaahon pa mula sa pagsubok na ito sa kanyang buhay.
Maya-maya ay iniabot ni Angel ang kanyang panyo kay Ruth.
“Punasan mo na ang mga luha mo… Hindi natin kakailanganin yan…” Seryosong saad ng dalaga.
“Hindi mo ako maiintindihan… Kahit kailan hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon…”
“Naiintindihan kita Ruth… Naiintindihan kita… Pero sa ngayon, gusto kong punasan mo ang mga luha mo…” Muling saad ni Angel.
Sinunod naman ni Ruth ang sinabi sa kanya ng dalaga at agad na pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang panyo nito.
Pinaandar na ni Angel ang kanyang sasakyan at marahang ibinaba ang hand brake.
Inilagay ang kambyo sa drive, at dahan-dahang pinatakbo ang kanyang kotse. Tila inilapit niya ito sa isang coffee shop, at saka pinihit ang brake.
Nagtataka naman si Ruth sa ikinikilos ni Angel at maging ang ginagawa nitong pagmamaneho. Nakatingin lamang ito at naghihintay sa kung ano ang sunod na gagawin ng babae.
“Ireserba mo ang mga luha mo Ruth, dahil hindi mo yan kakailanganin ngayon… Hindi mo na kailangang umiyak pa… Gamitin mo lahat ng mga nalaman mong kawalanghiyaan at kasamaang ipinagtapat nila sayo, para ituloy ang nasimulan mong laban… Take it to your advantage…” Saad ni Angel Velasco.
Napakunot-noo na lamang si Ruth at pilit inuunawa ang mga sinasabi sa kanya ng dalaga.
Ibinaling na lamang niya ang kanyang paningin sa iba at napasulyap ito sa gusaling nasa kanilang harapan.
Isang sikat na coffee shop.
Habang pinupunasan ang tumutulong sipon sa kanyang ilong, gamit ang panyo, ay bigla itong natigilan.
Nanlaki ang mga mata ni Ruth…
Tila nanginig at kinilabutan ang kanyang buong katawan sa kanyang nakita…
May isang lalaking naka-uniporme, at sa palagay niya’y isang barista sa kaharap nilang coffee shop.
Naka-puti itong damit, naka-itim na pantaloon, at may nakasukbit na kulay berdeng apron.
Kinakausap nito ang guwardiya ng coffee shop habang sinisindihan ang kanyang yosi.
Nakangiti ang lalaking ito at tila magiliw na nakikipagkuwentuhan sa matandang guwardiya.
Muling umagos ang luha ni Ruth.
Hindi niya alam kung malulungkot o matutuwa ba siya sa kanyang nakikita…
Nanginginig ang kanyang mga labi, at gusto nitong isigaw ang pangalan ng lalaking iyon…
“M-m-m-m-a-a-a-h-h-h-y-y-y-k-k-k”
Nakatingin at naka-alalay lamang si Angel sa kanyang katabi at tila nangingilid na rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang pigilan at hindi maapektuhan sa mga nasasaksihan.
“Myk… Myk… Myk… Myk…” Paulit-ulit na binibigkas ni Ruth ang pangalan ng lalaking kanyang nasa harapan ngayon.
Bagong gupit ito.
Ibang-iba sa lalaking matagal na niyang nakasama’t minamahal.
“Nagsinungaling sina Melissa sa iyo… Gusto ka nilang pahirapan at saktan noong mga araw na iyon… Gusto nilang maghirap ang damdamin mo, at isiping wala na ang lalaking mahal na mahal mo… Gusto nilang panghinaan ka ng loob, at magdesisyon na mamatay na lamang… Iyon ang gusto nilang gawin mo Ruth… Ang tumigil, ang manghina at ang sumuko sa buhay…”
“Mga hayup sila… Mga hayup sila…”
“Sa ngayon, ako ang itinalaga ng Programme na bantayan si Myk. Binura nila ang isipan niya gamit ang Clearance… Wala siyang maalala sa dati niyang buhay… Ipinasok siyang barista at ang alam niya ay naaksidente siya at nagka-amnesia…”
“Gusto ko siyang lapitan… Gusto ko siyang yakapin… Gusto ko siyang halikan…”
“Patawad Ruth, pero hindi mo puwedeng gawin yan… Tandaan mo na ang alam ng lahat ay patay ka na… Marami ring mga Programme Agents sa paligid, kaya dapat lang tayong mag-ingat…”
“Anong gagawin ko? Buhay kami pareho, pero hindi ko naman siyang magawang lapitan?? Paano? Paano ko gagawin iyon?” Tanong ni Ruth.
“Madali lang… Pabagsakin natin ang Programme… Burahin natin sa mapa ang organisasyong walang habas sa pagkitil ng buhay… Palayain natin ang mga taong umaasa sa inyo ni Myk, mula sa Resistance… At mamumuhay kayong payapa at magkasama…” Sagot ni Angel.
Tila nabuhayan ng loob si Agent Orange.
Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig at nagising siya sa katotohanan.
Tama si Angel. Tama ang lahat ng mga sinabi niya.
Hindi sila magiging maligaya, hangga’t naririyan ang Programme na habang buhay na hahabol at hahadlang sa kanilang dalawa.
Buhay si Myk, at iyon ang mas mahalaga para kay Ruth.
At kaya niyang gawin ang lahat para makamtan ang kaligayahang matagal na nilang inaasam-asam.
Pakiramdam niya ay may bagong pag-asang nag-alab sa kanyang damdamin. Panahon na upang palabasin at gisingin ang natutulog na halimaw sa kanyang katawan. Panahon na para muling lumaban. Panahon na upang ilabas ang kinakatakutan ng lahat…
Kailangan na muling magdala ng delubyo sa kumpanyang pinamumugaran ng mga traydor na miyembro.
Panahon na para muling harapin ng Programme si Agent Orange.
“Lalaban na ako… Lintik lang ang walang ganti…”
Napangisi naman si Angel sa nadinig niya mula kay Ruth Bermudes at tuluyan nang pinatakbo ng matulin ang kanilang sinasakyang kotse.
Two Months Later
Alam ni Ruth na mahaba-haba ang gagawin nilang paghahanda upang harapin at pabagsakin ang Programme.
Wala na itong ibang nagawa kundi ang sumunod sa mga utos ni George.
At dahil nga sa isa itong sikretong misyon, at nanatili siya sa safe house, kasama ang iba pang mga agents, at paminsan-minsan ay naroroon din si Angel.
Pikit-mata niyang tinanggap ang mga hamon at utos na ibinibigay sa kanya ni George, kahit na hindi nito matagalan ang kayabangan ng matandang lalaki.
Idinadaan na lamang niya sa pagsuntok sa punching bag ang galit at inis nito sa matandang lider ng Special Task Force Unit.
Pinagdiskitihan na lamang niya ang punching bad upang mailabas ang lahat ng sama ng loob na kanyang nararamdaman at pinagdadaanan. Patuloy na isinasaisip ang mga mukha ng mga taong trumaydor sa kanya. Hinding hindi niya talaga ito nakakalimutan. At para sa kanya, ay wala itong kapatawaran.
Mata sa mata.
Ngipin sa ngipin.
Umutang sila ng buhay, at buhay din ang kanyang sisingilin.
Walang kapaguran si Ruth sa kanyang pag-eensayo at pagpapalakas ng kanyang katawan. Binuro niya ang kanyang sarili at oras sa pag-aaral ng iba’t iba pang fighting techniques. Kahit alam niya sa sarili niyang kayang-kaya niya pataubin ang mga kalaban, ay hindi ito nakumpiyansa sa mga bagay na matagal na niyang alam.
Alam niyang mahihirapan siya.
Alam niyang mag-isa lamang siya sa labang ito.
Ngunit buo ang kanyang loob upang tapusin ang labang nasimulan.
Pawis na pawis itong lumabas ng isang silid matapos mag-workout. Iniikot at tinatanggal nito ang benda sa kanyang makinis at malambot na kamay.
Hinahayaan niyang tumagaktak ang kanyang pawis habang nakaharap siya sa salamin.
Tila nanibago siya sa repleksiyong kanyang nakikita. Bakas sa kanyang mukha ang mala-halimaw na pagbabago. Makikita sa kanyang mga mata ang apoy na muling nag-aalab, simbolo ng pagnanais nitong makakuha ng hustisya sa lahat ng mga nagawang atraso sa kanya.
Kinuha niya ang tuwalya na nasa kanyang harapan at marahang pinunasan ang kanyang pawis.
Dumiretso sa may shower room at marahang pinihit ang bukasan ng shower hanggang sa lumabas ang malamig na tubig.
Marahan niyang hinubad ang kanyang mga damit at lumantad ang napakalaking tattoo na nasa kanyang likuran.
Saksi ang pintang ito mula sa kanyang katawan sa mga paghihirap at pagbabagong nangyayari kay Ruth Bermudes. Saksi ang pintang ito kung papaano niya tinalo ang napakaraming kalaban at dugong dumanak. Saksi ang pintang ito sa kung sino ba talaga si Agent Orange.
Itinapat niya ang kanyang makinis at maputing katawan sa dutsa at hinayaan niyang matuluan ang kanyang balat ng tubig. Marahang inuusli at itinatapat ang kanyang mukha upang harapin ang pagragasa ng tubig mula sa shower.
Sandaling ipinikit ang kanyang mga mata.
Inaalala ang itsura ni Myk Havila habang ito ay naninigarilyo sa isang coffee shop.
Ito lamang ang natitirang alaala niya sa binata. Hindi na niya ito binalikan muli upang pag-ingatan ang kanyang misyon.
Kung kaya naman ay lalong nanggigigil si Ruth na tapusin ang labanang ito.
Galit na galit.
Sa kadahilanang, nasasabik na siyang mahagkan at mahalikan ang pinakamamahal niyang nobyo.
Maya-maya ay umiba siya ng puwesto at inilapat ang kanyang mga kamay sa pader ng banyo. Marahang hinahaplos ang kinis at lamig ng tiles habang nakatapat ang kanyang harapan sa napakalamig na tubig.
Wala na siyang ibang pakiramdam.
Hindi na siya giniginaw, kahit na parang tinutusok ng maliliit na karayom ang kanyang balat sa lamig ng tubig.
Iisa lang ang nararamdaman niya ngayon.
Galit.
Poot.
Ang mga bagay na bumubuhay sa kanya ngayon. Ang dahilan kung bakit siya pilit na lumalaban. Ang dahilan kung bakit pa siya nakikisama kay George at sumunod sa mga utos at bilin nito.
Hindi na rin siya makapaghintay na ilabas ang galit na nasa kanyang puso. Pero wala rin naman siyang ibang magagawa kundi ang maghintay…
Maghintay ng tamang oras upang umatake sa kalaban.
Huminga ng malalim si Ruth nang sumagi ito sa kanyang isipan.
Kinukumbinsi ang kanyang sarili na ito ang tama at dapat na gawin.
Ilang minuto din siyang nagbabad sa shower at siniguradong malinis ang kanyang buong katawan.
Amoy na amoy ang napakabangong samyo ng magandang babae sa buong shower room.
Nang matapos, ay kinuha niya ang kanyang tuwalya upang ito ay itapis sa kanyang katawan.
Naglakad patungo sa locker room at kumuha ng malinis na maisusuot.
Kinuha ang isang pares ng workout clothes, dahil mayroon siyang session ngayon sa kanyang martial arts instructor. Gusto niyang maging kumportable habang iniisip at pinaplano kung papaano niya mapapabagsak ang isang napakatabang lalaki.
Napangisi ito at tila excited na siyang makipag-sparring sa kanyang mga kasamahan.
Matabos magbihis ay sandali itong umupo sa tapat ng kanyang locker. Inayos ang kanyang mga maruruming damit at ikinabit muli ang benda sa kanyang mga kamay.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng locker room at pumasok.
“Ms. Ruth, mayroon po kayong bisita…” Saad ng isang NBI Agent.
“Hah? Sino?” Nagtatakang tanong ni Agent Orange.
“Hindi po sinabi sa akin, pero ang alam ko, V.I.P. daw po.” Sagot ng lalaki.
Napaisip naman si Ruth sa kung sinong V.I.P. na bumibisita sa kanya ngayon.
At sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng bisita dito sa safe house.
Kaagad nitong inilapag ang kanyang mga damit sa lamesa at naglakad papalabas ng locker room. Habang binabaybay ang pasilyo patungo sa isang kuwarto, ay walang tigil ang pagkabog ng dibdib ni Ruth. Patuloy ito sa pag-iisip kung sino nga ba ang kanyang bisita.
Pagbukas ng pintuan ng isang NBI Agent, ay pinapasok na nito agad si Agent Orange.
Pagkapasok ni Ruth ay nadatnan nitong walang tao ang silid. Wala ang bisitang kanyang inaasahan sa loob.
“Nasaan na siya?” Tanong ng magandang babae.
“Maupo ho muna kayo…” Sagot ng lalaki.
Nakakunot ang noo at tila naasar siya dahil hindi niya akalaing siya papala ang maghihintay sa kanyang bisita.
Very Important Person nga, ika niya.
Naupo na lamang siya at tahimik na naghintay.
Hanggang sa…
Pumasok ang isang pamilyar na lalaki sa silid.
Napatayo si Ruth Bermudes nang makita niya ito.
“Ruth? Ruth Bermudes? Good Morning… Hehehe…” Saad ng lalaki.
“Mr. President?”
Dinalaw si Agent Orange ng Presidente ng Pilipinas.
Hindi niya ito inaasahan, ngunit hindi rin naman imposible para sa kanya. Dahil protektado ng gobyerno ang sikretong organisasyong kanyang pinanggalingan. Isa ang kumpanya nila sa tumulong para mailuklok sa puwesto ang Presidente.
“Yes, Ruth… You may take your seat…”
“Ano pong ginagawa niyo dito? Bakit niyo po ako kailangang kausapin?”
“Well, naandito ako para bisitahin ka… kamustahin ka… at tignan kung nasaayos ang kalagayan mo…”
Marahang naupo si Agent Orange sa tapat ng kinauupuan ng Presidente.
“Pinadala ka ba ng Programme?”
“No, no, no… Don’t worry, hindi ako ipinadala dito ng Programme… Confidential case ito at alam kong underoath ang mga humahawak nito… So, wala ka dapat ipag-alala…”
“Alam kong tauhan ninyo si Evangeline Orbes… Alam ba niyang buhay ako?” Tanong ni Ruth.
“Nagretire na si Evangeline a week ago… Hindi na siya ang representante ng Programme sa Malacañang… Wala ka dapat ipag-alala Ruth… I’m safe…” Sagot ng Presidente.
Bakas pa rin sa mukha ni Agent Orange nag malaking pagdududa. Hindi niya lubos maunawaan kung bakit ba siya dinalaw ng pinakamataas na opisyal sa Pilipinas.
“So anong ginagawa mo dito? Naandito ka ba para pigilan ako sa mga pinaplano ko?” Diretsahang tanong ni Ruth.
“Hmm… Paanong pigilan? Kung ang iniisip mo ay yung pipigilan kita para makuha ang nais mo sa Programme, eh nagkakamali ka. Hindi kita pipigilan para singilin ang lahat ng nangyari’t nagawa sa iyo ng mga kasamahan mo… Kahit papaano ay may alam ako sa background mo, siyempre with the help of George at ang iba pang mga undercover agents na nasa loob ng Programme.” Saad ng Presidente. Tumayo ito at nilagyan ng yelo at whisky ang dalawang baso. Binitbit niya ito at bumalik sa kanyang kinauupuan.
“Good… Dahil gusto ko lang ipaalam sayo na walang makakapigil sa akin… Kahit na ikaw pa ang pumigil, wala kang magagawa para baguhin ang isip ko…”
Napangiti ang Presidente sabay inom ng alak. Nakatingin lang sa kanya si Agent Orange at pinagmamasdan ang ikinikilos ng lalaking kausap.
“Well, actually Ruth… Naandito ako para pigilan ka sa plano ninyong ilantad ang Programme…” Biglang saad ng Presidente.
“Lasing ka na ba? Alam mo ba ang mga sinasabi mo?”
“Yes of course… I am here to make a deal with you… Ayokong ilantad kung ano ang dapat na manatiling sikreto…
“Pero yun ang deal ko with George… Tinutulungan niya ako, at tutulungan ko siya sa mga plano niya.”
“Well, I have already talked with George… Medyo dismayado siya, but I think mapag-iisipan din niya ang proposal ko sa kanya…”
“What do you want? What exactly do you want, Mr. President?” Tanong ni Ruth.
Umayos naman sa kanyang pagkakaupo ang lalaki at masinsinang hinarap si Agent Orange.
“I want to take over… Gusto kong pormal na maipasa mo sa akin ang ownership ng Programme…” Seryosong saad ng President.
“What?”
“Look, Ruth… Alam kong malaki ang naitutulong ng Programme, hindi lamang sa akin, sa gobyerno, kundi sa mga taong nagnanais na matupad ang kanilang mga pangarap. Nakakatulong din siya sa ekonomiya natin, in a very distinct at weird way… What I’m trying to say is, kung ako ang hahawak ng Programme, I think I can manage it properly…”
“What the hell are you talking about?”
“Hindi naman sa iniinsulto ko ang managing skills mo, but, alam mo naman ang kapangyarihang mayroon ako ngayon… I can handle it… I can do better with this company…” Dagdag na saad ng President.
Sandaling nanahimik si Ruth at tila pilit na ipinapasok sa kanyang isipan ang lahat ng mga sinabi sa kanya ng lalaki.
“I just to make it clear, na you can still do you thing… You can still have your revenge…” Pagkukumbinsi ng lalaki kay Ruth.
Napainom naman ng alak sa kanyang baso si Agent Orange. Tila naliliwanagan na siya sa tunay na dahilan ng pagdalaw ng Presidente sa kanya.
“I am willing to negotiate Ruth… I can give you what you want, if you can let me take over…” Muling saad ng Preisdent.
“Hindi ako nakikipagbiruan…” Sagot ni Ruth.
“I know that… 100%.”
“Hindi ako nakikipaglokohan…”
“Yeah… I know it…”
“So don’t give me that bullsh*T!”
“I won’t waste my time to talk non-sense with you… If you can just tell me what you want, what will be the prize, then maybe we can negotiate…”
“Amnesty…”
“Amnesty for?”
“Amnestiya sa lahat ng mga miyembro ng Resistance at sa mga taong gustong kumalas sa Programme… You will give them the freedom that they want.”
“Yeah… That’s fine with me… I have no problem with that…”
“Secondly, ikaw ang magpapatupad ng batas na nagawa ko para sa pagbabago ng Programme. After my last mission, no more killings…”
“I’m a peace advocate… Alam mo naman siguro na pati ang pamilya ko would really choose peace over other things…”
“And lastly… Hindi mo pakikialaman ang diskarte ko sa huling misyon ko para sa Programme. Ako ang gagawa ng mga plano… And you will support me all the way…” Seryosong saad ni Ruth.
“Just let me know of what kind of support that you need… I will be your silent supporter…” Sagot ng Presidente.
Sandaling binalutan ng katahimikan ang buong silid. Tila sa bandang huli ay nagkasundo na rin ang dalawa at naging maayos ang negosasiyon.
“So, it’s a done deal, I guess?” Tanong ng Presidente.
Hindi naman sumagot si Ruth at inubos ang alak mula sa kanyang baso.
“I would take that silence as yes… hehehe… I-update mo lang ako kapag natapos mo na ang mga kailangan mong gawin sa Programme… ” Muling saad ng Presidente sabay tayo sa kanyang kinauupuan.
“Goodbye Ruth… Nice dealing with you…”
Mabilis na naglakad ang Presidente patungo sa pintuan ng silid.
“Mr. President… ” Saad ni Ruth.
“Yes?!”
“Gusto ko lang ipaalam sa iyo na seryoso ako sa lahat ng mga kondisiyong inilatag ko sa inyo. At kahit isa sa mga iyon ay hindi mo nasunod, wala na ang deal na napag-usapan natin… It will be revoked.” Muling saad ni Ruth.
“Okay… No problem… I deeply understand…”
“And Mr. President, kung sakaling dumating ang araw na malalaman kong ginagamit mo ang kumpanya para magpahirap, manloko at pumatay ng tao… I will hunt you… Hahanapin kita kahit saan ka pa magtago… I will cut your f*ckin throat…” Pahabol na saad ni Ruth.
Napangiti na lamang ang Presidente sabay lunok. Tuluyan na siyang lumabas ng silid at naiwan nang mag-isa si Agent Orange.
Tumayo ang magandang babae at sinalinan muli ng whisky ang kanyang baso. Walang anu-ano’y nilagok niya ito at hinayaang sumayad sa kanyang lalamunan.
Marahan niyang inilapag ang baso sa tabi at nagpasiyang lumabas na rin ng silid.
Nagulat siya dahil ang mga tao ay nagsisimula nang mag-empake ng kanilang mga gamit.
Isa-isa nang binubuhat ng mga NBI Agent ang kanilang mga karton-karton na papeles papalabas ng safe house.
Tila may ideya na siya sa lahat ng mga nangyayari. Nagsisimula na ang kundisyong hiningi niya sa Presidente.
Maya-maya ay nasalubong niya si George na hawak-hawak ang kanyang sariling mga kagamitan.
“It looks like you win, Ruth Bermudes…” Saad ni George.
“It was purely unexpected. Trabaho lang… walang personalan…” Sagot ni Ruth.
“Well, Malacañang asked me to back-off with this case… Sana lang, makuha mo ang hustisyang inaasam-asam mo…”
Napayuko na lamang si Agent Orange sa mga nadinig niya mula kay George.
“It took me years para mapatunayan ang sikretong organisasyon na ito… At kahit hindi ko nagawang mailantad sa publiko ang tungkol dito, masaya na rin ako dahil nakuha ko ang gusto ko… I have proven myself… I have redeemed myself…” Muling saad ng matandang lalaki.
“George… thank you. Thank you…” Mahinang saad ni Ruth sabay hawak sa kamay nito.
Tinapunan naman ng ngiti ni George si Agent Orange.
“I wish you luck… Redeem yourself… I want you to redeem yourself…” Saad ng matandang lalaki sabay kindat kay Ruth. Nagpatuloy na siyang naglakad papalabas ng safe house at hindi na muling nilingon ang magandang babae.
Maya-maya ay pumasok si Angel sa safe house at nilapitan niya si Ruth. Kinakabahan si Ruth sa kung ano ang magiging reaksiyon ng dalaga sa kanyang nagawang desisyon.
“So I guess, you have already pushed the red button…”
“I just did what I have to do… I grabbed the opportunity, at para din iyon sa mga taong umaasa sa akin… Para sa Resistance… at para sa mga taong gusto ng makawala sa dekahong buhay ng Programme…” Paliwanag ni Ruth.
Napatahimik naman si Angel sabay suksok ng kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Galit ka ba sa akin? Nagalit ka ba sa desisyon ko?” Tanong ni Agent Orange.
“No. Definitely not… Sa totoo lang humahanga ako sa desisyon mo… It is a wise moved. I would probably do that kung ako ang nasa lugar mo… Atleast, hindi na habang buhay magtatago at tatakbo ang mga miyembrong gustong kumalas sa Programme…” Saad ni Angel.
Nilapitan ni Ruth ang dalaga at niyakap niya ito.
“Thank you… Thank you… Thank you…” Paulit-ulit na nagpasalamat ang magandang babae at hindi na rin nito napigilan pang maiyak.
“Don’t cry Agent Orange…. Save your tears…” Saad naman ni Angel.
Matapos nilang magyakap ay kinausap ng masinsinan ni Ruth ang double agent. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito.
“Maghanda ka na… Because this will be a long journey… I will teach you everything that you need to learn…”
Napangiti naman si Angel.
“I am ready… sensei…”
Three Months Later
Dali-dali bumalik sa opisina sina Ryan at Melissa at agad na nagpunta sa Emergency and Operating Room.
Pagdating doon ay pumasok sila sa loob at nadatnan ang isang lalaking Programme Agent. Tulad ng nangyari sa iba, ay putol din ang dila nito at dalawang paa. Ngunit, ang kakaiba sa kanya, ay itinira ang kaliwang kamay nito, at tanging ang kanang kamay ang pinutol ng vigilante.
TIla inaabot ng lalaking ito ang kamay ni Ryan Santander. Mabilis namang pinaunlakan ng binata ang nais gawin ng Programme Agent na ito. Bakas sa mukha nito ang matinding takot. Tila napakahirap ng dinanas nitong torture mula sa vigilante dahil sa panginginig ng kanyang bibig.
“Huminahon ka… huminahon ka lang…” Saad ni Ryan at awang-awa ito sa sinapit ng kanyang empleyado. Hindi siya makapaniwala na dumadalas ang ganitong sitwasyon sa Programme, na ninais itago lang sa kanya ni Melissa Villamor.
Maya-maya, ay sumensyas ang lalaking ito na gusto niyang magsulat, at ipaalam sa lahat kung sino nga ba ang tumitira at umuubos sa mga sundalo ng Programme.
Dali-daling kumuha ng papel at ballpen sina Ryan at Melissa at iniabot ito sa lalaki.
Kahit nanginginig pa ang lalaki, ay dahan-dahan nitong isinulat ang sa tingin niyang salarin sa mga nagaganap na karumaldumal na pagpatay sa kanilang mga empleyado.
Kahit nalalagyan ng dugo ang papel, ay sinikap ng lalaki na mababasa ng mabuti nina Ryan at Melissa ang kanyang isinusulat.
Nagtitinginan na lamang ang dalawa habang hinihintay kung ano ang mensaheng nais ipaabot ng lalaking Programme Agent.
Hanggang sa iniabot na muli niya ang papel at ballpen sa dalawa, at bigla na lamang nangisay ito dahil na rin sa tindi ng natamong sugat at pagkaubos ng dugo nito.
Kahit alalang-alala na si Ryan sa kalagayan ng kanyang tauhan, ay inuna muna nitong silipin ang kung anong nakasulat sa papel.
Nanlaki ang mga mata nito at napanganga sa kanyang nabasa.
Nang dahil sa reaksiyong ito, ay hinablot ni Melissa ang papel mula sa kamay ni Ryan upang basahin ang isinulat ng lalaki.
Pagkabasa nito ay halos manlambot ang tuhod ng magandang babae.
Kusang tumulo ang kanyang luha.
Nais nitong sumuka dahil sa nalaman nitong masamang balita.
Maraming mga bagay na naglalaro sa kanilang isipan.
Mga katanungang nais nilang mabigyan ng sagot at kaliwanagan.
“Papaano??? Papaano???”
“Hindi nangyayari ito… Hindi ito puwede mangyari… Hindi puwede…”
Nilapitan ni Ryan Santander ang naghihingalong Programme Agent at pinipilit nitong magbigay pa ng impormasiyon.
“Wake up! Wake up! Paano mo nalamang si Agent Orange iyon? Paano mo nalaman?!” Saad ng binata habang pinagsasampal ang nakaratay na lalaki.
Hanggang sa namatay na lamang ito nang nakadilat at nakatingin kay Ryan.
Napatakip sa kanyang mukha si Melissa sa sobrang takot at pag-aalala.
“No… This is not true… Hindi buhay si Ruth… Imposibleng buhay siya!”
“Pero paano mo maipapaliwanag ang lahat ng ito? Paano kung totoo ang lahat ng nakita niya? At paano kung siya ang may kagagawan ng lahat ng pagpatay sa mga Programme Agents natin?” Dire-diretsong tanong ni Melissa Villamor.
“I don’t believe this… Hindi ito totoo… Mayroong nananakot sa atin… They want us to back down… But I’m telling you, this is not going to happen… Hindi nila ako matatakot.”
“Sa tingin mo mga miyembro ng Resistance ang may gawa nito?” Muling tanong ni Melissa.
“Posible… o possible ding may traydor dito sa loob ng Programme… Aalamin ko ang lahat…” Sagot ni Ryan.
Yumakap naman si Melissa sa kanyang fiancé.
“Hanapin mo ang salarin Ryan… Please… Hanapin mo at iharap mo siya sa akin…” Pakiusap ng magandang babae.
Hindi naman sumagot ang binata.
Bakas sa kanyang mukha ang galit.
Hindi niya hahayaang masira ang buhay nila nang dahil sa pananakot.
Buo na ang kanyang loob na tugisin ang taong may pakana ng lahat ng pagpatay sa kanilang mga kasamahan.
Niyakap niya ng mahigpit si Melissa Villamor at nagsabing…
“I will honey… I will…”
Hingal na hingal ang isang babae.
Nakayuko pa ito at bahagyang nakapatong ang kanyang mga kamay nito sa may binti habang pilit na naghahabol ng kanyang hininga. Pinagmamasdan ang mga dugong tumutulo sa kanyang bandang noo, kahalo ang pawis, dahil sa pagod nito sa pakikipagbakbakan.
Hanggang sa dahan-dahan itong tumatayo ng matuwid at napatingala, sinusubukan kung may mahahagilap ba siyang sariwang hangin mula sa labas ng silid.
Iginala niya ang kanyang mga kamay papunta sa kanyang kaliwang bulsa. Ito ay upang kuhanin ang isang kaha ng sigarilyo.
Kahit nanginginig pa ang kanyang kanang kamay ay marahan nitong itinaktak ang kaha upang lumabas ang isang stick ng sigarilyo.
Hinugot ng kanyang duguang labi ang yosi at ibinalik sa bulsa ang kahang pinanggalingan nito.
Kinuha niya sa mula sa kanyang kanang bulsa ang lighter.
Mangilang-ulit niya itong sinubukang sindihan at saka inalog, hanggang sa ito ay tuluyan nang umapoy.
Hinithit ng babae ang yosi at nanatili itong nasa kanyang bibig habang isinasauli sa kanyang kanang bulsa ang kanyang lighter.
Hindi pa rin nito mapigilan ang kanyang panginginig sa tuwing hinahawakan niya ang kanyang yosi at inilalayo ito sa kanyang bibig.
Hihit-buga.
Panay ang linga ng magandang babae at tila ay may hinihintay.
Nararamdaman pa niya ang pagtulo ng kanyang dugo mula sa daplis ng baril sa kanyang bandang hita.
Panay ang pagpapakawala nito ng mabibigat na paghinga.
Dahan-dahang naupo sa may sahig, hanggang sa ibinagsak nito ang kanyang puwitan.
Naninibago pa ang kanyang pandinig sa nakakabinging katahimikan ng kanyang paligid.
Kani-kanina lamang ay umaalingaw-ngaw ang bawat palitan ng bala ang magkabilang kampo.
Nakakbingi ang bawat putok na kanilang nadidinig sa isang malaking engkuwentro.
Nararamdaman niya pa rin ang tila pagyanig at pagnginig ng kanyang bandang baba dahil na rin sa takot nito sa kanyang nasaksihan kani-kanina lamang.
Hithit-buga.
Sa palagay niya, ay ngayon na lang siya nakapagrelax sa tila napakatagal nang panahon.
- Undo – Episode 12: Ctrl + End - December 17, 2024
- Undo – Episode 11: Page Up - December 10, 2024
- Undo – Episode 10: Ctrl + Home - December 3, 2024