Written by ereimondb
“Agent Orange… Agent Orange…”
Dahan-dahang ibinubukas ang kanyang mga mata. Ang liwanag mula sa ilaw na siyang tumatatama sa kanyang mukha and tanging naaaninag niya. Bahagyang nasisislaw, kung kaya’t panay ang pikit-dilat ng magandang babae.
“Agent Orange… Agent Orange… Agent Orange…”
Patuloy pa rin niya nadirinig ang mahinang pagbulong ng isang pamilyar na pangalan. Isang pangalang habang buhay na nakamarka sa kanyang pagkatao. Marahan niyang ikinilos pakanan ang kanyang mukha upang hanapin kung saan nanggagaling ang tinig na iyon.
“Agent Orange…”
“Agent Orange…”
“Agent Orange…”
Pakiramdam niya’y nasa malapit lamang ang taong bumubulong sa kanya. Panay ang pagsulyap nito sa kaliwa’t kanang bahagi ng kanyang kama. Pilit din nitong ikinikilos ang kanyang katawan, ngunit tila’y may mabigat na bato na nakapatong sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, hindi man lang nito maiangat ng bahagya ang kanyang paanan.
Nagtataka siya. Nagtatanong. Iniisip niya kung ano at paano siya napunta sa isang silid, na sa palagay niya’y isang operating room. Nadidinig niya ang pagtunog ng isang aparato sa kanyang gawing kaliwa, na isang palatandaan na siya ay buhay pa.
Ngunit iba ang nararamdaman niya. Sa isip-isip niya’y tila patay ang kalahati ng kanyang katawan. Hindi na niya ito maramdaman at maigalaw.
Bakit?
Bakit?
Panay ang tanong nito sa kanyang sarili.
Hanggang sa…
Hanggang sa naalala niya ang dahilan, puno’t dulo, isang masalimuot na pangyayaring naganap.
Sumagi muli sa kanyang balintataw ang itsura nina Carmen Sansuwat at ang mga kasamahan nitong sundalo ng Resistance, na namimilipit, nangingisay at bumubula ang bibig.
Napagtanto niyang buhay pa rin siya, samantalang ang mga taong binalak niyang ipagtanggol at ipaglaban, ay pumanaw na’t nasayang lamang ang kanilang mga buhay.
Ang lahat ng kanyang ipinaglalabang pagbabago para sa Programme ay nasayang lamang.
Impit na tunog ng pighati ang umalingawngaw sa buhong silid.
Humagulgol na lamang siya habang ginugunita ang mga pangyayaring naganap bago pa siya inihiga sa loob ng operating room.
Panay ang pagtulo ng luha ni Ruth at umaagos ito sa gilid ng kanyang mga mata.
Bakas din sa kanyang mukha ang matinding galit, dahil na lamang sa pamimilipit nito’t pagngitngit, mailabas man lang ang sama ng loob na nasa kanyang damdamin.
Galit na galit ang dating Programme Country Director.
Hindi niya kayang magpatawad sa mga oras na iyon.
At kung sakaling may pagkakataon siyang makabangon mula sa kanyang kama, ay tiyak na pasasabugin niya ang buong gusali, kahit pa nasa loob din siya nito.
Paghihiganti.
Ito lamang ang tanging bumubuhay sa kanya ngayon.
Ito ang dahilan kung bakit pa dumadaloy ang kanyang dugo sa buong katawan.
Gusto niyang tumayo.
Gusto niyang bumangon.
Pero walang siyang magawa.
Hindi niya ito kayang gawin dahil sa pakiramdam nito’y para siyang naistroke.
Pilit inuutusan ng kanyang isipan ang kanyang mga paa upang ito’y gumalaw, ngunit sadyang wala pa ring reaksiyon ang mga ito.
Napapakagat-labi na siya sa sobrang inis at galit.
Panay ang pagmumura nito at umaalingaw-ngaw ang kanyang boses sa buong operating room.
Ang hindi niya alam ay may mga taong nakamasid sa kanya. Nakatutok sa kung ano ang susunod niyang hakbang at paggalaw habang nasa loob ng silid.
Para siyang isang dagang kosta na patuloy na tumatakbo sa isang kahoy na gulong.
Isang eksperimento.
Habang patuloy pa rin niyang sinusubukang igalawa ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ay na-gitla ito nang mayroong pumasok na isang pamilyar na babae.
Mataba ito at nakasuot ng putting uniporme.
Hindi maipagkakailang isa siyang duktor o nars, at kahit pa nakatakip ng mask ang kanyang mukha, ay siguradong-sigurado si Ruth na magkakilala sila nito.
Lumapit ito sa pasiyente at itinusok ang syringe sa isang bote ng pampakalmang droga.
“Dok… dok… Alam kong ikaw yan… pakawalan mo ako dito…. Parang awa mo na… tulungan mo akong makatakas.” Paiyak na saad ni Ruth.
Tila wala namang nadidinig si Dra Galvez sa mga sinasabi sa kanya ng magandang babae. Patuloy pa rin ito sa pagsasaayos ng injectiong itatarak sa pasiyente.
“Dok… huwag… please huwag… huwag mong gawin… please…. Please… huwag…”
Maya-maya ay nanatiling nakatayo si Dra Galvez. Tila pinakikiramdaman nito ang mga taong nakamasid sa kanilang dalawa. Alam niyang hindi siya puwedeng gumawa ng kahit isang maling hakbang. Hindi rin siya puwede makipag-usap kay Agent Orange.
Inayos nito ang kanyang suot na puting coat, at pasimpleng ipinabasa sa pasiyente ang isinulat nito sa kanyang braso.
آسف
Nakasulat ito sa Arabic, na ang ibig sabihin ay “sorry”. Nais niyang maiparating sa kanyang kaibigan at pinaglilingkuran na siya ay napag-utusan lamang ng nakatataas sa kanya. At bilang empleyado ng Programme, ay dapat lamang siyang sumunod sa kahit anong inuutos ng mga namumuno’t mga miyembro ng konseho.
Kung hindi naman siya susunod sa mga ito, ay kamatayan naman ang magiging kapalit na kaparusahan.
“No… no… no… no… please don’t do this to me…” Mahinang saad ni Ruth.
Pilit namang ikinukubli ni Dra Galvez ang kanyang tunay na reaksiyon, maging ang pagpigil nito sa pagpatak ng kanyang luha at nagawa niyang itago sa mga tagapagmasid.
Mabilis namang nainip ang mga nanonood sa kabilang silid, kung kaya’t may pumasok na dalawang Programme Agents sa operating room upang tiyakin kung magagawa ba ng matabang doktora ang inutos na trabaho.
Mabilis namang inurong at inayos ni Dra Galvez ang manggas ng kanyang puting coat upang matakpan ang isinulat niya sa kanyang braso.
Napalingon ito sa dalawang lalaking nakatayo sa kanyang bandang likuran.
Tumango ang mga ito bilang hudyat para sa doktora na ituloy na nito ang gagawing pagtarak ng gamot sa sistema ni Ruth Bermudes.
Nagpigil na rin ng kanyang luha’t paghihinagpis si Agent Orange, at ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, habang pinakikiramdaman ang pagtusok sa kanyang bandang braso.
Malamig sa pakiramdam ang gamot na naitarak sa kanya, hanggang sa humalo na ito sa kanyang dugo at agad na namanhid ang kanyang buong katawan.
Damang-dama niya ang pagtayo ng kanyang buhok sa bandang batok papataas sa kanyang ulunan. Alam niyang umeepekto nanaman ang gamot sa kanyang sistema.
Isang gamot na puwedeng magpa-baliw sa kanya sa nalalabi niyang oras sa mundo.
Alam niyang papatayin at papatayin siya ng kanyang mga traydor na kaibigan – na sina Ryan Santander at Melissa Villamor.
Bzzzt! Bzzt! Bzzzzzzt! Bzzt! Bzzt!
Tila hindi nararamdaman ng magandang dalaga ang ginagawang pagtatattoo sa kanyang maputi’t makinis na likuran. Makailang beses na siyang bumalik sa tattoo artist upang ituloy at tapusin nito ang nasimulang disensyo.
April 2003
“Talagang hindi ka paawat ah? Hehehe…”
“Bakit naman ako magpapaawat? Eh ginusto ko naman ito… Hihihi…”
Tila hindi makapaniwala si Myk sa nakita nitong napakalikng disenyo na naka-tattoo sa likuran ng kanyang girlfriend.
“Woah… Astig! Ganyan pala kakalabasan niyan baby?” Tanong ng binata.
“Design niya yan dude, inayos ko lang para mas mapaganda.” Sabat ng tattoo artist.
“And please huwag mo itong itattoo sa iba ha… Gusto ko ako lang ang may ganyang tattoo…” Saad ni Ruth.
“Sure. Makakaasa ka na walang makakakuha ng tattoo design mo.” Sagot ng artist.
“Great.”
Napailing na lamang si Myk nang magkasundo ang tattoo artist at ang kanyang girlfriend. Hindi naman na ito nabibigla sa pag-uugali ni Ruth dahil kilalang-kilala na niya ito mula pa nang sila ay mga bata pa lamang.
“Ikaw bossing? Kailan ka magpapatattoo?” Tanong ng artist sabay baba ng kanyang paraphernalia sa isang lamesa.
“Naku… Takot kaya sa karayom iyang si Myk… Hihihihi…” Biro ni Ruth.
“Hindi naman sa takot… Ayoko lang talaga magpa-tattoo… Hehehe…” Sagot ng binata.
Sandaling nagpahinga ang artist at kumuha ito ng yosi. Samantalang nakatalikod pa rin si Ruth sa dalawang lalaki, at tanging ang kanyang makinis na likuran lamang ang nakatambad sa mga ito.
Inabot ni Ruth ang isang bote ng beer at ininom niya ito habang hinihintay ang susunod na gagawin sa kanya ng artist.
“Yosi?” Alok ng artist sa binata.
Kaagad namang kumuha si Myk. Alam niyang iba ang tama at gamit na yosi ng tattoo artist, kaya naman ay mabilis niyang sunggaban ito.
Sinindihan niya ang sigarilyo at tuluyan nang binalot ng usok ang tila napakainit na silid.
Binalikan naman ng tattoo artist ang kanyang masterpiece na nakadikit sa balat ni Ruth. Tinitigan niya muna ito at siniguradong detalyado ang kanyang pagkakagawa. Kinuha ng kanyang kanang kamay ang paraphernalia sa pagtatattoo at tuluyan na niyang tinapos ito.
Tahimik na lamang na nagmamasid si Myk sa isang tabi, ramdam na rin nito ang matinding tama mula sa kanyang hinithit na sigarilyo.
Pinapanood niya na lamang ang kanyang girlfriend na halos hawak-hawakan ng tattoo artist. Gustuhin man niyang sawayin ito, ngunit hindi niya magawa, dahil na rin sa pumapayag si Ruth sa mga pananantsing nito.
Halos tatlong oras ang lumipas hanggang sa pinakawalan na si Ruth ng tattoo artist.
Kaagad siyang lumabas ng silid at hinanap ang kanyang boyfriend.
Nakita na lamang niya itong naghihintay sa may kotse habang naninigarilyo.
Mabilis siyang naglakad patungo sa may parking lot.
“Ano? Gimik pa tayo?” Tanong ni Ruth.
“Balik na tayo sa Headquarters. Hinahanap ka na malamang.”
“Ang korni mo naman… Gusto ko pang gumimik eh…”
“Hindi na… Uuwi na tayo…”
“Myk…”
“Ruth… Uuwi na tayo. Ibinilin ka sa akin ng daddy mo. At ayokong sirain ang tiwala sa akin ni tito Richard.”
“fall! Eh di umuwi ka… Basta ako magliliwaliw pa.” Pabalang na saad ni Ruth.
“Ruth! Hindi puwede.”
“At sinong magbabawal sa akin? Ikaw?”
“Ruth naman… Alam mo namang hindi puwede iyang ginagawa mo…”
“Kung lagi kang ganyan, maghiwalay na lang tayo. And since panay naman ang sunod mo kay daddy, eh di magsama kayo! Bahala ka nga diyan!” Pagalit na saad ni Ruth sabay kuha ng kanyang bag sa bandang likuran ng kotse.
“Hindi mo puwedeng ipagpatuloy iyang pagrerebelde mo Ruth… Alam mong hindi lang ikaw ang mapapasama, kundi ang buong angkan ninyo.”
“fall you! I’m already 18. Malaya na akong gawin lahat ng gusto ko.”
“Anong gusto mo?”
“Ang malayo sa isang lugar na wala nang ginawa sa ating apat kundi ang pasunurin tayo sa napakaraming kautusan at regulasyon. Alam mo, balang araw lalayasan ko rin ang mga taong nagkakahon at nagkukulong sa akin. And I will be free as a bird…”
“You know you can’t do that… Parte ang angkan ninyo sa Programme… At malay mo, balang araw ikaw pa ang sumunod na Country Director sa daddy mo… At kapag ikaw na ang nasa puwesto, baka puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo… hindi ba?” Saad ni Myk.
Sandaling napaisip ang dalaga sa sinabi sa kanya ng binata. Alam niyang tama ang lahat ng sinabi ng kanyang boyfriend.
Alam din niyang kahit anong gawin niyang pagrerebelde at pagtakas sa kanyang tadhana, ay hinding hindi niya ito magagawa, lalo pa’t kabilang siya sa angkan ng Bermudes. Isa sa mga angkang bumuo upang maitaguyod ang Programme.
Dahan-dahan itong lumapit kay Myk at inilagay niya ang magkabila niyang braso papayakap sa balikat nito. Inilapit din niya ang kanyang mukha at akmang hahalikan ang kanyang boyfriend.
“Mabuti na lang naandito ka Myk… Mabuti na lang at kasama kita ngayon, kung hindi, malamang hindi ko na din alam kung ano ang magagawa ko.” Malambing na saad ni Ruth.
“Mahal na mahal kita… At ayokong mapariwara ka dahil sa pagrerebelde mo…”
“Ganun lang siguro ako. Masyadong napakaraming stress at pressure na naka-atang sa mga balikat ko. Hindi ko pinili ang maging kasapi ng Programme, o maging parte ng angkan ng Bermudes. Pero wala na akong magagawa… Wala na talaga siguro…”
“Hindi natin mapipili kung saan tayo nanggaling na angkan o pamilya… Pero ikaw, kaya mong baguhin at mapabuti ang buhay na tatahakin mo… Kaya mong baguhin ang nakagisnan mo…” Sagot ni Myk.
Napangiti naman sa kanya si Ruth. Tila nag-iba na ang ihip ng hangin at mabilis niya itong napaamo.
“Ikaw ba? Hindi mo ba pinangarap na makaalis kaagad sa anino ng angkan mo? Hindi mo ba pinangarap na makawala sa Programme?” Makahulugang tanong ni Ruth.
Napayuko naman ang binata at tila naghahagilap ng nais niyang isagot sa kanyang girlfriend.
“Kung alam mo lang…” Bunga ni Myk. “Kung alam mo lang kung gaano ko ginustong itakas at itanan ka… Magpakalayu-layo, pumunta sa isang lugar na tayong dalawa lang ang magkakilala… Humanap ng marangal na trabaho, bumuo ng pamilya kasama ka at tumira sa isang tahanan para sa ating magiging anak…” Dugtong na sagot ni Myk.
“Hahaha…” Malakas na napatawa si Ruth.
“Bakit ka naman natawa?”
“Wala lang… napaka-seryoso kasi ng sagot mo… May pami-pamilya ka pang sinasabi diyan… Hihihi…”
“Yun lang naman ang mumunting pangarap ko para sa ating dalawa…”
“Hihihi… Ako din naman eh… Mahal na mahal kita Myk…”
“Mahal na mahal din kita Ruth…”
Hindi nila inalintana kung mayroong mga taong makakakita sa kanilang dalawa sa labas, at agad na naghinang ang kanilang mga labi.
Dinadama ang tamis ng kanilang pagsasama at kahit na labing walong taong gulang pa lamang sila noon, ay alam na nila ang mabigat na tungkuling kailangan nilang sundin, alang-alang sa kanilang angkan at nasasakupan.
Maya-maya ay humiwalay na sa pagkakahalik si Ruth at dahan-dahan nitong binuksan ang kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata nito nang makitang mayroong dugong tumutulo sa mga mata ni Myk.
Bumilis ang pintig ng kanyang dugo at napapaatras pa ito habang nagsisigaw, takot na takot sa kung anong puwedeng mangyari sa kanyang kasama. Maya-maya ay bumulagta na si Myk sa sahig at bahagyang nangingisay pa.
Biglang idinilat ni Agent Orange ang kanyang mga mata. Para siyang malalagutan ng hininga dahil sa napakasamang panaginip na iyon.
“Myk… Myk… Myk…” Mahinang saad ng magandang babae at tila hinahagilap kung saan naroroon ang kanyang pinakamamahal.
“Good morning Ruth… Mabuti naman at gising ka na…” Pagbati ni Melissa.
Napatingin si Agent Orang sa gawing kanan at nakita niyang nakaupo sa isang silya si Melissa, ang babaeng trumaydor sa kanya.
“Hayup ka! Walang hiya ka! Traydor!” Gustuhin man ni Ruth na isigaw ang mga salitang ito sa pagmumukha ni Melissa, ngunit hindi niya ito magawa dahil na rin sa bahagya pa niyang panghihina.
“Hehehe… Well, I will take that as a compliment…” Sagot ng babae.
“Napaka-walang hiya ninyo… mga hayup kayo…”
“Oh come on… We just learned from the best, right? Ikaw ang leader, I mean “dating” leader ng Programme, and we have just learned na we should fight for what we believe in… Unfortunately, we believed na talagang traydor ka… Ikaw ang trumaydor sa kumpanya dahil na rin sa pagkampi mo sa mga tiga-kaliwa… At bilang empleyado ng Programme, I have the right para kastiguhin ang mga taong kasapi at miyembro ng Resistance… We all learned this from you, so I guess, you should atleast be proud of us… right Agent Orange?”
“Hindi ko ginawa iyon para kumampi sa kahit kaninong panig… Ginawa ko iyon para sa kinabukasan ng kumpanya… Pagbabago iyon… Pagbabagong sana’y matagal nang nagawa…”
“I don’t see the need for that change, Ruth… Hindi ko maintindihan sa iyo kung bakit kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga miyembrong kusang umalis sa Programme? Umalis sila, then panindigan nila. Nasa kontrata nila ang mga repercussions kung sakaling tatalikuran nila ang napagkasunduan na… At ayon sa batas natin, kamatayan ang parusa sa sino mang lalabag…”
“Puro pan-sarili lamang ang iniisip ninyo… Hindi na kayo naaawa sa mga susunod na henerasiyong magmamana ng batas at kaugaliang iyon… Hindi natin kailangang kumitil ng buhay upang maitago ang tungkol sa Programme… Alam ninyong puwedeng matigil ang patayan kung bubuksan niyo lang ang isipan ninyo sa pagbabagong sinasabi ko.”
“Maybe… Maybe you have a point… Pero paano iyan, naandiyan ka lang sa kama mo at mahina? Samantalang ako, nakaupo, malakas at nasa tamang pag-iisip… Baka hindi ka rin nila pagbigyan… Hihihihi…”
“Umasa ako sa inyo… Umasa akong tutulungan ninyo ako… Pero trinaydor niyo lang ako…”
“Ruth… kabayaran lang ang lahat ng iyan sa kayabangan mo… Ano akala mo? Na ikaw lang ang malakas? Na ikaw lang ang magaling at matalino? Na ikaw lang ang makapangyarihan? Dahil para sabihin ko sa iyo, guni-guni mo lang ang lahat ng iyon… Mula noong araw na nagbalik ka at pinaslang mo si tiya Editha, bumuo na ako ng planong magpoprotekta, hindi lamang sa akin kundi sa trono… Bago mo pa pinuntahan si Ryan para bigyan ng amnestiya, ay nakausap ko na siya. Napapayag ko siyang maghiganti laban sa iyo, kapalit ng pag-upo niya sa tronong maiiwan mo… FYI, siya na ang bagong Country Director. Sorry hindi ka na naming nahintay at naimbita, dahil halos apat na araw ka nang tulog… Hihihi…”
“Hudas! Hayop kayo! Hayup!!!”
“Well, I guess, mas nagtagumpay ang mga plano ko, dahil maging ang mga konseho ay napapayag ko para maisagawa ang palabas na ito. Ikinuwento ni Ryan na umamin sa kanya si Myk, na miyembro siya ng Resistance. Alam naming may pinaplano kayong dalawa laban sa Programme, at siyempre nagalit ang mga miyembro ng konseho, kaya naman ay niyakap nila ang iminungkahi kong plano… Sa una, ay papayag sila sa mga kahibangang ipinagsasabi mo… Kumuha kami ng dummy copy ng Clearance sa Japan, at nilagyan ito ng virus na siya namang ikinamatay nina Carmen Sansuwat at kanyang mga kasamahan. Pagkatapos noon ay hinayaan ka ng konsehong isagawa ang operasyon upang makita ng iyong dalawang mata kung papaano namatay ang mga traydor na miyembro ng Resistance… Hanggang sa, heto ka ngayon… Nakatali ang mga kamay at paa… hinihintay na lamang ang araw ng bitay mo… Don’t worry, hindi ka naman naming pupugutan ng ulo… It will be painless… Para bang matutulog ka lang… Hihihihi…”
Napaiyak naman si Agent Orange nang madinig ang buong kuwento kung papaano nagkaisa ang mga ito sa kaniyang pagbagsak. Napapailing na lamang ang magandang babae at hinahayaang tumulo ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mata.
“Nakakalungkot, hindi ba? Sobrang nakakaiyak? Tsk Tsk… Maaawa na sana ako sayo Ruth, kaso you really deserve this… Kulang pa nga eh… Kung ako nga sana ang nagdecide sa kaparusahan mo, well, I should have killed you right away… But still, you deserve due process… Kahit sinong kriminal naman ay may karapatan din… Oh well, what can I say?”
“Hayup ka… Hayup ka…”
“Ohhh… Don’t say that to me my dear friend… Kung hayup talaga ako tulad ng sinasabi mo, I should have cut your throat while you were sleeping… Mabait pa nga ako eh… Hihihi… And besides, I have a gift for you…”
Mabilis namang tumayo at naglakad patungo sa lamesa si Melissa upang kuhanin ang syringe na naglalaman ng gamot na isang hallucinogen.
“Ito ang regalo ko sa iyo Ruth… Bibigyan kita ng pagkakataong sariwain at alalahanin ang mga bagay na nawala sa iyong isipan….”
“Huwag… Please… Huwag mo gawin yan…” Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Ruth.
“Come on… Buti nga may pribilehiyo ka pang balikan lahat sa nakaraan mo eh… Hindi ba’t ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ka sumailalim sa Reversal method ng Clearance? Don’t worry, last gift ko na ito para sa iyo since baka mamaya o bukas mamamatay ka na…”
Hindi na nakapagsalita si Ruth. Wala siyang kalaban-laban sa kung ano ang puwedeng gawin sa kanya. Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil na rin sa matinding panghihina.
“This will take you to another dimension Ruth… You would be thanking me after this… Hihihi…” Muling saad ni Melissa, sabay tusok ng injection sa y-connector, dire-diretso pababa, papasok sa ugat ni Agent Orange.
Naramdaman ng magandang babae ang gamot na unti-unting pumapasok sa kanyang katawan. Bumibigat ang kanyang pakiramdam at tila namamanhid ang kanyang mga ugat.
Lumalabo ang kanyang paningin at gayundin ang repleksyon ng mukha ni Melissa, na tila ay nakangiti pa ito sa kanya.
Wala siyang magawa kundi ang tanggaping talunan siya sa mga taong nantraydor sa kanya.
Namimilipit si Ruth.
Tila hindi niya kinakaya ang bawat paghagod ng dila ni Myk, taas-baba at sinusungkit-sungkit ang kanyang clitoris. Habang ang hintuturo ng binata ay marahan nitong ipinapasok sa kanyang kuweba.
Napapasabunot pa ito sa bandang ulunan ng kanyang bofried.
“Aaaaaaaahhhhh… shit… soooo good… don’t stopppppp…. Uhhhmmppp..”
May 2003
Hindi naman itinigil ni Myk ang kanyang ginagawang pagbrotsa sa puke ng magandang babae.
Tumataas pa ang puwitan ni Ruth at hinahabol naman ito ng mukha ng binata. Inaalayan pa nito ang bandang hita ni Ruth upang hindi ito mangawit sa kanyang ginagawang paglililiyad.
Maya-maya ay hindi na nakayanan ng magandang babae ang ginagawa sa kanya ng kanyang boyfriend at mabilis na nanginig ang kanyang kalamnan nang magpalabas ito ng kanyang katas.
Hindi naman tinigilan ng binata ang kanyang ginagawa at tila takam na takam ito sa pagsipsip sa katas ng kanyang kaniig.
Sa itinagal-tagal ay ngayon lang niya tuluyang naangkin si Ruth.
Nang masaid na ang nilalasap na katas ay agad humalik papaakyat si Myk, patungo sa mga labi ni Ruth. Muli nanamang naglapat ang kanilang mga labi at walang kasawa-sawang nagtitikiman at nagpapalitan ng laway ang dalawa.
Nararamdaman naman ni Ruth ang tila pagkatok ng burat ni Myk sa kanyang naglalawang lagusan. Marahang hinagod ng kanyang kamay mula sa balikat, pababa sa malapad na likuran ng binata, hanggang sa umabot ang malambot na kamay nito sa puwitan ng lalaki.
Tila dinadama ang ritmong ginagawa nito sa bawat pagusad ng kanyang balakang.
Hinawakan ni Myk ang kanyang naninigas na burat at marahang ikiniskis sa kabirhenan ng dalaga. Samantalang dinig na dinig naman niya ang bawat paghinga ni Ruth at nababasa ang takot sa kanyang mga mata.
“Don’t worry… I’ll take good care of you…” Pabulong na saad ni Myk sabay halik nito sa pisngi ng dalaga.
Pinakiramdaman ni Ruth ang dahan-dahang pagbundol ng uten ng binata sa kanyang puke.
“Aaaahhh… ughh… ouch… sakit Myk…”
“Just relax…”
“Aaaahh… wait… parang di ko yata kaya…”
“I said just relax… ako bahala…”
Muling niromansa ni Myk ang kanyang nobya upang mawala ang pagkabahala nito sa una nilang pagkakantutan. Dinila-dilaan nito ang tayung-tayon na utong ni Ruth.
Maya-maya ay muling sinubukan ng binata ang gagawing pagpapaloob sa makipot pang puke ng kanyang kaniig.
Unti-unti nitong pinapasok ang pinaka-ulo ng kanyang burat.
“Ugh! Ugh! Ahhh… shit… too big… it won’t fit Myk…”
Tila nagbibingi-bingihan na ang binata dahil nais na din niyang pasukin ang lagusan ng kanyang girlfriend.
“Ugh!!! Ouch……ouch… aaaaahhh….”
Para namang mahahati si Ruth nang maramdaman nitong tila may napunit sa kanyang puke. Patuloy naman na ginagalaw ni Myk ang clitoris ng kanyang nobya dahil mabilis itong mapalibog sa tuwing ginagawa niya ito. Kinakatas si Ruth at nagsisilbi itong lubricant para lalo niyang mabaon ang kanyang matabang burat.
“Ughhh… fall… it hurts…” Impit na daing ng dalaga.
Unti-unting nilalamon ng kanyang puke ang sandata ng binata.
Sandaling huminto si Myk nang sa wakas ay naibaon na niya ng lubusan ang kanyang burat. Tila sinasanay muna nito si Ruth upang tanggapin ng husto ng kanyang katawan ang kung anong pumasok na matigas na bagay.
Maya-maya ay dahan-dahan na siyang kumanyod sa ibabaw ng kanyang nobya.
Kahit medyo masakait pa, ay hinahayaan at nagpapaubaya na lamang si Ruth para kay Myk.
Tinatanggap nito ang mararahan pang pag-ulos ng binata.
“Ooooohhh…ang sikip mo baby…so tight…fallk it feels so good…”
Sarap na sarap si Myk sa pag-angkin niya ng tuluyan sa magandang babae.
Hindi nagtagala ay pabilis na ng pabilis ang ginagawa nito sa ibabaw ni Ruth. Alam niyang nasasarapan na rin ang kanyang nobya dahil sa pagsalubong nito sa bawat pag-ulos niya dito.
Napapahapit pa ito sa kanyang puwitan at tila nais pa nitong ipabaon ng husto ang burat na kanina pang nagpapangiwi sa kanya.
“Sarap ba baby? Masarap ba? Ugh! Ugh! Ugh! Ugh!”
“Yes baby… sarap… baon mo pa… ibaon mo pa…please…”
Lalo namang ginanahan si Myk sa kanyang ginagawa at walang puknat na ang kanyang ginagawang pagkantot sa nobya.
Pabilis ng pabilis.
Walang hugutan.
Kahit kapwa pawis na pawis na ang dalawa ay hindi nila ito inaalintana, at patuloy sila sa ginagawa nilang pagniniig.
Hanggang sa ilang kadyot pa’y rumagasa ang masaganang tamod ni Myk sa kaloob-looban ni Ruth.
“Shit… Shit… aaaaaaahhhh fall…. Shit…”
Nangisay ang buong katawan ni Myk sa sobrang kiliting naramdaman habang idinedeposito ang kanyang katas kay Ruth. Hingal na hingal ang binata at bumagsak ito sa may dibdib ng kanyang nobay.
“I love you baby… I love you so much…” Malambing na saad ni Myk.
“I love you too… I love you too..” Pabulong na tugon ni Ruth.
“Ayokong nakikipagkita ka doon sa lalaking iyon! Naiintindihan mo ba?” Sigaw ng daddy ni Ruth.
“Honey… tama na.” Awat naman ng mommy ng dalaga habang pinapatahan niya ito sa pag-iyak.
August 2003
“Mahal ko siya daddy… Ano po bang masama doon? Ano po ba ang bawal?”
“Masamang impluwensiya ang lalaking iyon! And besides, napakabata mo pa. You’ve just turned 18 for god’s sake!”
“Lahat na lang bawal! Wala na ba akong puwedeng gawin sa buhay ko na ako naman ang magdedesisyon?”
“You don’t know what you’re saying… so just shut up kiddo!”
“I just hate here. Ayoko nang nakakulong ako dito sa headquarters. I want a normal life!”
“Hindi mo ba alam kung ilang tao ang nagkakandarapang makapasok dito sa Programme? Napakadaming malalaki’t maimpluwensiyang tao ang nagkakagusto sa tinatamasa mong oportunidad! At ikaw, naandito ka being such a spoiled brat, gusto mong umalis at sayangin ang lahat ng naipundar ng kanunu-nunuan mo?!”
“Hindi ko ginusto na maging parte ng pamilyang ito! I hate you! Both of you and this falling Programme!” Pasigaw na saad ni Ruth sabay tayo.
Hindi naman nakapag-pigil ang kanyang daddy at nasampal niya ang kanyang anak ng malakas. Wala sa isipan nitong saktan ang anak, ngunit tila’y nagiging pasaway na si Ruth at mahirap nang pasunurin.
Agad namang tumakbo si Ruth patungo sa kanyang kuwarto.
Gustohin mang humingi ng paumanhin ng kanyang ama ay tila nangyari na ang nangyari’t nasaktan na ng tuluyan si Ruth.
Ilang oras na nanatili ang magandang dalaga sa kanyang kuwarto. Nagmumukmok ito at nag-iisip kung papaano ba siya magiging malaya. Gusto niyang takasan ang kanyang pamilya, maging ang kumpanyang nagtatali sa kanyang mga kamay at paa.
Maya-maya ay kumatok ang kanyang daddy at tuluyang pumasok sa kanyang silid. Ibinaling naman ni Ruth ang kanyang paningin, at hindi nito matignan ng diretso ang kanyang ama dahil sa matinding galit.
“Puwede ba tayo mag-usap?” Mahinahong saad ng kanyang ama.
Hindi naman sumagot ang magandang babae.
“Alam mo… hindi ko alam kung natatandaan mo pa, pero noong bata ka pa eh panay ang tanong mo sa akin kung saan ako nagwowork… Gustong-gusto mo sumama dito sa Headquarters dahil palagi ka binibigyan ng mga chocolates at candy, at panay pa ang laro mo sa may open field. Noong una, ayaw kong isinasama kayong dalawa ng mommy dito sa kumpanya… Iniisip ko kasi, at nagbabakasakali akong ma-spare kayo na huwag maging parte ng Programme… Pero hindi ganun eh… Hindi ganun ang nakatakdang mangyari. That’s why I embraced my destiny, our fate, dahil wala na tayong choice…” Paliwanag ng kanyang ama.
Napapasulyap si Ruth habang nadidinig niyang tila nababasag na rin ang boses ng kanyang daddy dahil sa matinding kalungkutang nadarama nito.
“I’m sorry kung pati ikaw walang choice… Sorry dahil hindi mo puwedeng piliin ang pamilya at angkan mo… And I’m sorry dahil hindi tayo puwede umalis ng basta-basta sa Programme… I’m sorry anak… I am very sorry…” Lambing ng kanyang daddy.
Tuluyan na siyang hinarap ni Ruth at yumakap ito sa kanya.
“I’m sorry too dad… Sorry I don’t mean to say that, pero nasasakal na din po kasi ako sa mga rules… Hindi ko alam kung ano at sino dapat ang susundin ko…”
“I understand Ruth… I really understand and care about you… You are just too young to get hurt. At kung sakaling saktan ka ng mga taong nakapaligid sa iyo, kaming mga magulang mo ang pinakaunang masasaktan para sa iyo… I don’t want that to happen…”
“But dad, 18 na ako… Kaya ko na ang sarili ko… And I love Myk…”
“Myk is not good enough for you… I hope you understand, pero ikaw ang sasalo ng responsibilidad ko pagdating ng panahon… I want you to prioritize things other than love.”
“What do you mean dad?”
“Gusto kitang ipa-train na maging Programme Agent…”
“What? But why? Bakit kailangan kong gawin iyon?”
“I just want you to be ready… alam kong ito lang ang puwede kong iiwan sa iyo… I want you to become the best agent ever created by the Programme… I have seen your skills, I have seen your passion… Alam ko na puwedeng gamitin itong paraan para ilabas lahat ng angst mo sa buhay… I want you to be greater than I am…”
“But it’s too hard dad… Patayan ang usapan doon… Yung training, yung missions… I don’t know if I can do that…”
“I believe in you… You can just try and we’ll see afterwards kung para sa iyo talaga iyon… Just like me. I was trained to be the best agent ng Programme. At malaki ang naitulong nun sa akin para maging magaling na leader at Country Director ng Programme…”
Sandali namang napatahimik si Ruth at tila nag-iisip-isp siya sa iminungkahi ng kanyang ama.
“Simula ngayon Ruth… gusto kong isipin mo muna ang makakabuti para sa iyo… Love can wait… Pero ang responsibilidad mo para sa Programme is just around the corner… Puwede nila itong agawin sa iyo kung makikita nilang mahina ka at walang laban… Huwag kang masyadong magtiwala, lalo na sa mga taong naandito… sa mga taong namumuno at sa konseho… Ang sarili mo lang ang kakampi mo… So I want you to become the best soldier and the best leader of this company… I want you to become our best defense.”
Napabuntong-hininga naman si Ruth sa nadinig nito mula sa kanyang ama. Tila naliwanagan siya sa kung ano ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. Nabuksan ang kanyang isipan at nais niyang patunayan sa kanyang ama na kaya niyang gampanan ng mabuti ang pagiging leader ng Programme. Hinding hindi niya ito ipapahiya kailanman. At kapag dumating na ang araw na siya na ang mamumuno sa kumpanya, ay saka niya ipapatupad ang pagbabagong matagal nang nag-aalab sa kanyang puso.
“Ruth… wake up! Wake up!”
Mahilu-hilo pa si Ruth habang inaaninag nito kung sino ang taong gumigising sa kanya.
Nararamdaman niya ang malalakas na pagdami ng kamay ng taong ito sa kanyang pisngi.
“Wake up! Wake up!”
Hanggang sa tumambad muli sa kanyang mukha ang kanyang kaaway na si Melissa.
“Your time is up Agent Orange… Kamusta ang pag-throwback mo? Madami ka bang naalala from the past? Hihihi…”
“Pakawalan mo ako dito… Pakawalan mo ako…” Utos ni Ruth.
“Ooops! I’m sorry, hindi yan kasama sa gift ko… But don’t worry, mayroon pa akong isang regalong nakahanda para sa iyo… Hihihi…” Saad ni Melissa.
Maya-maya ay pumasok sa silid si Evangeline Orbes, ang kanyang tiyahin. Nginitian na lamang ni Melissa ang babae saka ito tuluyang lumabas ng operating room.
“The floor is yours tita. Hihihi…” Malanding saad ni Melissa.
“Tita… tita Vangie please set me free… Pakawalan mo ako dito parang awa mo na…” Pakiusap ni Ruth.
“I’m sorry Ruth… But I can’t do that…”
“Tita kapamilya kita… Kapatid ka ni daddy… Why are you doing this to me?”
“I know na kamag-anak kita… pero iba ang pinili mo at iba ang prinsipyo ko…”
“tita please… Pagbigyan mo na ako… Kahit ito lang ang request ko… Please…”
Hindi naman sumagot si Vangie saka kumuha ng yosi at sinindihan ito sa harapan ng pasiyente. Bawal ang manigarilyo sa loob ng operating room, ngunit ginawa pa rin ito ng matandang babae.
“You don’t need to keep on reminding me na kapatid ko ang daddy mo, o kaya naman ay pamangkin kita. Alam ko naman lahat iyan iha…”
“Please… let me go… lalayo na ako… lalayo na ako…”
“Well… I heard that before… I mean, I heard that a lot of times already… Hindi mo na nga lang naaalala… Hihihi…”
“Ano po ibig ninyong sabihin…”
“Alam ko naman na you hated me for such a long time… Hindi ko rin maintindihan noon kung bakit lagi mo akong iniiwasan at hindi pinapansin… At ngayon, unti-unit ko na rin naiintindihan… Maybe because kahit ilang beses naming palitan ang mga alaala sa isipan mo, ay hindi naming puwede dayain ang nararamdaman ng puso mo… hihihi…”
Tila nabigla at naguluhan si Ruth sa mga pinagsasasabi ng kanyang tiyahin.
“At dahil naman mamamatay ka na ngayon… Maybe, panahon na rin para malaman mo ang buong katotohanan sa pagkatao mo…”
“Wala akong pakialam sa istorya mo… Pakawalan mo ako dito please…”
“Makinig ka… Ten years ago, pilit kang nagrerebelde laban sa daddy mo at sa Programme… marami ang nakakadinig sa iyo na gusto mong pagtangkaang takasan ang kumpanyang bumuhay sa angkan natin ng ilang dekada. At dahil na rin sa kagustuhan ng daddy mo na maging isa kang magaling na mandirigma ng Programme, kaya naman ginawa ang isang eksperimento… Isang project na nagpabago ng buhay mo…” Saad ng matandang babaeng may kulay puting buhok.
Halos hindi naman makita ni Ruth ang kanyang kausap dahil na rin sa kapal ng usok na nanggagaling sa sigarilyo ni Evangeline Orbes.
“We created you… Using a mind conditioning tool and system, nagawa naming tanggalin lahat ng mga alaalang hindi importante at hindi makakabuti sa iyo… Happy thoughts… Birthday Celebrations… Christmas Party… New Year’s Eve… Valentines day… lahat iyon tinanggal naming sa iyo… They want you to become ruthless… heartless… Gusto nila makakita kung posible nga bang ikundisyon ang utak ng isang tao para tugisin lahat ng naninira sa Programme… Lahat ng makakasira sa Programme…” Dugtong ni Evangeline sabay hithit sa kanyang sigarilyo.
“Anong pinagsasasabi mo? Ano nanamang kasinungalingan iyang sinasabi mo?!” Pagalit na saad ni Ruth.
“No… For the very first time, ngayon lang ako magiging totoo sayo… Nakakasawa ka na din kasing plastikin ka… Tutal, wala ka na rin sa position, at kahanay mo na ang mga ordinaryong tauhan ng kumpanya… So might as well, tell you the truth, lalo na’t masasaktan ka dito… Hihihi…”
“Hayup ka!”
“No… You should be telling that to yourself… Ikaw ang hayup Ruth… You are a monster… Have you ever wondered why the called you Agent Orange? Simply because you are Programme’s deadly weapon… Agent Orange is also call Herbicide Orange… ginamit iyon ng US military bilang defoliant at para sa isang herbicidal warfare noong nakaraang Vietnam War. They sprayed the chemical almost all over Vietnam and it affected a lot of Vietnamese people… Death… deformed babies… Cancer… mutants and child abnormalities… Do you get the point? Hihihihi…”
“hayup kayo!!!! Mga walang hiya kayo!!!”
“Umayon lahat sa plano ng Programme, na maging halimaw ka… Na makundisyon ang utak mo upang patayin lahat ng mga taong kumakalaban sa kumpanya… Isa tagumpay na nilikha, Agent Orange… You accepted that name, isn’t it? Dahil gustong-gusto mo din namang pinapalakpakan ka… Gustong-gusto mong pinupuri ka… Well you deserve it naman… dahil nga sa naging monster ka, eh nag-enjoy ka sa pagpatay ng mga miyembro ng Resistance…”
“Mga duwag kayo… Hindi kayo lumalaban ng patas!!! Pakawalan mo ako dito… Labanan mo ako ng patas!!!!”
“Oh well Ruth… or Agent Orange… or monster… I am just so appalled by what happened to you… Katulad ng mga magulang mo, naging traydor ka rin…”
“Huwag mong idamay dito ang mga magulang ko! Putang ina mo!!!”
“Bakit hindi? Sila ang nagdecide na padaanin ka sa mind control room at ienhance ang skills mo… Sila ang may kagagawan ng proyektong gumawa ng isang sandatang pandigma… Well, yun nga lang hindi nila napanindigan… Hindi rin nila kinayang nakikita kang walang habas kung pumatay ng tao… Ayaw na nilang makita ang mga empleyado ng Programme na nangngingitngit sa iyo… And they even asked for my help na tanggalin ang memorya mo’t idaan ka sa Clearance eh…”
Napakunot-noo naman si Ruth ng madinig ang katotohanan mula kay Evangeline.
“Sinungaling… Iniimbento mo lang lahat ng mga sinasabi mo…”
“Why would I? Ano namang makukuha ko sa pagsisinungaling sa katulad mo? Hihihi… And by the way, dahil napagkasunduan ng konseho na tumataliwas na sa batas ng Programme ang daddy mo, kaya pinadalhan nila ako ng kill order para sa parents mo… Ako nga pala ang nag-orchestrate ng car accident ng parents mo at hindi si Editha… Kaya huwag mo siya pagbintangan, she’s just a puppet… Anyway, Editha deserves to die, napakawalang kuwenta din naman nung matandang iyon… Hihihi…”
“fall you!!! fall you!!!!! fall you!!!” Halos lumabas ang mga ugat ni Ruth sa sobrang galit at pag-iyak niya habang pinakikinggan ang ginagawang pag-amin sa kanya ng kanyang tiyahin. Hindi niya lubusang maisip na mismong kapamilya pala niya ang may sala sa aksidenteng nangyari sa kanyang mga magulang.
“Oh come on… lahat naman tayo mamamatay eh… Una-una lang iyan… Tignan mo nga ngayon, mamamatay ka na rin… So happy family reunion na kayo sa hell, right? Hihihihi…”
“Tangina mo!!!! Putang ina mo!!! Pakawalan mo ako dito’t tatadtarin kitang walang hiya ka… hayup ka!!!!”
“Ikaw naman… masyado kang magagalitin… Hindi pa nga tayo tapos sa istorya ko eh… Hihihi…”
“Humanda ka sa akin hayup ka… Humanda ka sa akin kapag nakaalis ako dito… tangina!!!!”
“Well Ruth, isa pang ikinatutuwa ko ay ang pakikipagrelasyon mo kay Myk… Kahit anong kundisyon namin sa utak mo… Kahit paulit-ulit na naming kinukontrol ang pag-iisip mo, talagang bumabagsak ka pa rink ay Mr. Havila… Well, I admire you one and true love… Ang sweet nun at talagang one of a kind love story… Hihihi… And well, aaminin ko na din sa iyo na… after ka sumailalim sa mind conditioning operation, your father found out that you were pregnant… Surprise! Hihihi…”
Napanganga si Ruth sa kanyang nadinig.
Tila nanginig ang kanyang kalamnan sa kanyang nalaman mula sa tiyahin.
Wala siyang maalalang nagbuntis siya o nanganak.
“And I’m sorry dahil… nawala rin yung baby ninyo ni Myk…”
Hindi naman makapagsalita si Ruth. Halos mabasag ang kanyang ngipin sa panggigigil nito sa walang pusong babaeng nasa kanyang harapan.
“Myk found out that you were pregnant that time, at siyempre, nagwala siya nang malaman niyang nalaglag ang bata… So basically, binura din naming ang isipan niya at idinaan din siya sa mind conditioning operation… Hindi nga lang naalis sa puso niya ang galit… Kaya patuloy siya lumalaban sa Programme… At talagang napatunayan pa naming traydor din siya dahil siya pala ang namumuno sa Resistance?! So pathetic… Such a disgrace… like you… Hihihihi…”
Parang nabaliw at natulala naman si Ruth. Nakatingin lang ito sa may bintana at tagusan ang tingin.
“Nasan si Myk?” Maikling tanong ni Agent Orange.
Bago namang sumagot si Evangeline, ay kumuha muli ito ng yosi saka sinindihan.
“He’s dead… Nauna siyang pinatawan ng kamatayan dahil na rin sa may concrete evidence na namuno siya ng isang rebolusyon…” Kaswal na sagot ng matandang babae.
“Patayin niyo na rin ako.” Muling saad ni Ruth.
Napangisi naman si Evangeline at hindi na rin kumibo. Kinatok niya ang two-sided mirror na nagdudugtong sa operating room at observation room.
Mabilis namang pumasok si Melissa at isang Programme Agent na may hawak ng tray.
Si Angel ang naatasang mag-assist sa gagawing pagbitay sa fallen agent. Pinipigil ni Angel ang maluha dahil sa sinapit ng kanyang tinitingala’t iniidolo.
“Well, sa tingin ko naman ready ka na talagang mawala, Ruth… I am so happy na dumating ang araw na ito… At last, we will be free from a monster like you… Hihihi…” Saad ni Melissa.
Kinuha ng babae ang syringe at bahagyang pinasirit pa nito ang lamang lason. Hindi naman nakayanan ni Angel ang mga pangyayari, kung kaya’t minabuti na lamang nitong lumabas at huwag panoorin.
“Any last words, Agent Orange?”
“Melissa… siguraduhin mong patay ako… siguraduhin mo…” Makahulugang saad ni Ruth.
Nagtinginan naman sina Melissa at Evangeline Orbes at sabay na naghalakhakan.
“Hahahahahahahahahahaha!!!!! That’s so funny tita…” Saad ni Melissa.
“You are so funny Ruth… Natawa ako sa last words mo…” Saad ni Evangeline.
Hanggang sa tuluyan nang itinurok sa y-connector ang injection at pinanood nila ang pagdaloy ng kemikal papasok sa ugat ng magandang babae.
Ipinikit ni Ruth ang kanyang mga mata habang dinadama ang malamig na lasong dahan-dahang humahalo sa kanyang dugo.
“Goodbye Agent Orange… See you in hell…”
“Cheers!”
“Cheers! Good job Melissa… Hihihi…”
“Salamat tita Vangie. Kung hindi dahil sa tulong mo, hindi ko mapapabagsak ang babaeng ito.” Saad ni Melissa sabay takip ng putting kumot sa mukha ng nakahigang si Ruth.
“I gave her chance… Sinabihan ko siya to back-off sa mga pinaplano niya. But she insisted.”
“Ganyan talaga ang napapala ng mga matitigas ang ulo’t pasaway. Akala kasi nila kaya na nilang maghari-harian sa kumpanya.”
“The reign of the Bermudes clan has already ended. It is an end of regime…”
Kahit alam niyang bahagi siya ng angkan ng Bermudes, ay tila hindi ito kinikilabutan sa mga ginagawang pangungutya ni Evangeline sa sarili nitong mga kapamilya.
Isang traydor mula sa angkan na pinagmulan ni Agent Orange.
“You really hated her that much tita?” Saad ni Melissa sabay inom ng white wine sa kanyang baso.
Napangiti naman si Evangeline sa kanyang kaharap na babae.
Bahagya nitong hinaplos ang kanyang kulubot na pisngi at tila may biglang siyang naalala.
“Sabihin na lang natin na may kanya-kanya tayong ipinaglalaban… May kanya-kanya tayong dahilan… At napaka personal nito sa akin…” Seryosong saad ni Evangeline Orbes.
“Sa tingin ko naman tita naka-ganti ka na rin at sulit na sulit ang iyong paghihintay… di po ba? Hihihi…” Pabirong saad ni Melissa.
“It is more than what I expected. Hindi ko akalain na talagang mawawala na ng tuluyan ang angkan na pinanggalingan ko… Ang tanging hiniling ko lang naman noon ay ang magbayad sila sa mga kasalanang ginawa nila sa akin… Well, it is sad to say na si Ruth ang napagbuntungan ko ng galit at paghihiganti…”
“And fortunately tita, we were dealing with only one person… Kaya siguro tayo nagtagumpay…” Dagdag ni Melissa sabay tingin sa nakahilatang dating Country Director ng Programme.
“Napaghigantihan ko na ang angkan ng Villamor na ilang dekada nilang inapi… Napaghigantihan ko na ang kahihiyan ng aking mga magulang nang dahil sa kanilang kagagawan… At napaghigantihan ko na si tita Editha… Kahit naging tanga at padalos-dalos siya, mahal ko pa rin ang tita kong iyon… Hihihihi…” Muling saad ni Melissa.
Maya-maya ay sinenyasan na niya ang mga Programme Agents para pumasok sa silid at kuhanin ang bangkay ni Agent Orange. Ipapadala niya ito sa basement ng building upang sunugin. Wala na silang maririnig o makikita pang kapiranggot na alaala ni Ruth Bermudes sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nila… Ang Programme.
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024
- Undo – Episode 5: Ctrl + P - November 15, 2024
- Undo – Episode 4: Ctrl + Arrow [Up] - November 7, 2024