Aagawin Ko Ang Lahat (Part 4)

hotsluttygay
Aagawin Ko Ang Lahat

Written by hotsluttygay

 


Sophia’s point of view

Nakatingin lang ako kay Magdalena habang masarap na kumakain ng sopas na luto ng aking lola. Gutom na gutom ito na akala mo hindi nakakain ng ilang araw.

Kumuha ako ng isang basong tubig at itinabi iyon malapit sa mangkok niya dahil nagaalala akong baka mabulunan ito.

“Ano ang nangyari sayo, Magdalena? Bakit hindi ka nakapasok ngayon?” hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

Binuhat nito ang mangkok at doon humigop ng sopas.

“May ginawa ba sayo si Tatay Tyago? Sinaktan ka ba niya?” huminto ito sa pagkain ng marinig ang pangalan ng kanyang tatay tatayan. Bumakas ang takot sa kanyang mukha at kita ang panginginig ng kanyang kamay.

“Sabihin mo sa akin Magdalena, sinaktan ka ba ni Tatay Tyago?” muli kong tanong at nagsimula itong humikbi. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad at umiyak.

Nakaramdam ako ng awa sa matalik kong kaibigan. Bawat hikbi, bawat patak ng luha at bawat tunog ng kanyang pagiyak ay alam mong may itinitagong pait at hinagpis na matagal ng kinikimkim. Tila ba isa itong bata na walang laban at tanging pag-iyak na lamang ang kayang gawin.

Ngayon ay sigurado akong sinasaktan at minamaltrato siya ng tatay tatayan niya. At ang kinakatakot ko ay ay baka … baka… baka minomolestya pa siya nito.

“Hfff hffff So-so-sophia ay-ay-ayaw k-k-ko ng bu-bumalik kay hff hfff Ta-tay Tyago hfff hfffff” dito bumagsak ang aking luha at niyakap ko ito.

“Sssshhhhhhh oo Magdalena, dito ka na lang tumira sa amin. Dito walang mananakit sayo at aalagaan ka namin ng lola ko”


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“Ba-ba-bata pa lang a-akooo hfff hfff sina-hffff-hffff saktan na niya ako. A-a-ayaw ko hfff hfff ng ma-ma-masaktan pa”

“Oo Magdalena, hinding hindi na kita papayagang bumalik sa inyo. Wag mo ng alalahanin ang mga naiwan mong mga gamit, ako na ang bahala basta wag na wag ka ng babalik sa tatay tatayan mo” hinimas ko ang ulo nito upang patigilin sa pag iyak.

“Salamat Sophia. Maraming salamat! Tatanawin kong malaking utang na loob ito” anito at niyakap ako ng mahigpit.

Sinabihan ko siya na magpunta kami sa pulis at magsuplong pero nagatubili itong tumanggi dahil natatakot siya na baka kung anong gawin sa kanya ni Tatay Tyago. Natatakot siya na baka hindi lang siya ang saktan nito, kundi madamay pati ako at ang malalapit sa akin.

Pumayag naman ako sa kundisyon na hinding hindi na siya babalik pa sa kanilang bahay at dito na titira sa amin.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta itong maghugas ng pinggan upang kahit paano raw ay makabawi ito sa pagpapakain namin sa kanya. Sinamahan ko na lamang ito sa lababo at tahimik na pinagmasdan dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Ngayon ay nasa loob na kami ng aking kwarto, bagong ligo at nakahiga.

“Sophia?” tawag nito sa akin kaya tumingin ako. “Maraming salamat sa pagtanggap sa akin dito bahay niyo ah. Nakakahiya man pero hindi ko na tatanggihan ang alok mo dahil hindi ko rin alam kung saan ako pupunta” nahihiya nitong sambit.

“Ano ka ba Magdalena? Para saan pa na matalik tayong magkaibigan kung hindi din tayo magtutulungan. Tsaka magtatampo ako niyan kung sa ibang tao ka pa hihingi ng tulong at hindi sa akin” ani ko.

“Nahihiya na kasi ako sayo, kasi sa lahat ng pagkakataon ikaw yung laging tumutulong sa akin. Wala akong matandaan na naitulong ko sayo” malungkot na sagot nito.

Kita ko ang lungkot sa kanyang itsura.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang photo gallery. Ipinakita ko sa kanya ang mga litrato namin na magkasama simula noong 1st year college kami; yung mga masasayang galaan, tawanan, at yung mga kapilyahan namin.

Natuwa naman ito ng makita ang mga litratong iyon. Natawa kami dahil sobrang iba ng itsura namin noong unang taon ng college kumpara ngayon. Napakalaki ng pinagbago!

“Nakikita mo yang mga masasayang pictures na yan?” tumango ito. “Yan ang naging dahilan kung bakit naging memorable ang college ko. Ikaw ang dahilan kung bakit naging masaya at napuno ng kulay ang buhay kolehiyo ko” napangiti ito sa aking sinabi na akala mo kinilig.

“At ikaw din ang may dahilan kung bakit napressure ako sa pag-aaral! Ang talino mo kasi eh, nakakachallenge!” dagdag ko na nagpatawa sa kanya.

Tumaas ang kilay nito at umirap pa na akala mo nagyayabang.

“Wala ka pala eh! Ako nga hindi pa nag-aaral ng lagay na ito pero nauungusan na kita sa klase. Paneeeessss!” pang-aasar nito.

“Ang yabaaaaaaanggggg!!!” sigaw ko na kunwari naasar.

“Oh well. Hindi lang ako matalino, ubod pa ako ng ganda!” muli nitong pang-aasar.

“WOWWWWWWW PARANG BINABAGYO ANG KWARTO KO SA LAKAS NG HANGIN! TEKA MAKAKAPIT NGA DITO SA KAMA!” ani ko at tumawa ito.

“Oh bakit sino ba ang nanalo ng Binibining Kagandahan noong first year college tayo? Diba ako?” patuloy nito.

“Oh bakit sino naman nanalo ng Binibining Marikit nung second year? Ako diba?” pagmamayabang ko naman.

“Oh eh nung third year tayo? Sino ang nanalo nung Binibining Mayumi?” tanong nito.

Pinanlakihan ko siya ng mata na akala mo inaantay ang sagot nito.

“Oh sino?! Sige sino?! Walang nanalo sa ating dalawa nun kasi yung bagong salta sa klase natin yung nanalo” ani ko.

“Ay oo nga ano? Akala ko ako yung nanalo dun eh!” kamot ulo nito. “Siya diba yung may anghet daw?” natawa ako sa tanong niya.

“Oo parang siya nga! Kasi minsan nakatabi ko yun, wala naman kaming ibang kasama, pero ang lakas lakas ng amoy niya! Amoy sibuyas ghorl!” pag amin ko.

“Ay naku! Bukod sa may anghit ay mabaho din hininga nun! Akala mo laging may panis na laway sa bibig kasi talagang mahihimatay ka kapag nagsalita yun. Feeling ko sibuyas ang deodorant at toothpaste nung babaeng iyon!” napatawa ako ng malakas sa kanyang sinabi.

Napuno ng tawanan at asaran ang aking kwarto. Pinagpatuloy namin ang aming kwentuhan at inalala ang nakalipas na taon; kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin, yung mga pinagdaanan namin sa school, mga kumpetisyon na sinalihan namin, pagtakas sa klase at kung ano ano pa.

Bakas ang tuwa sa mukha ni Magdalena kaya masaya ako dahil kahit paano ay nabaling ang atensyon nito sa masasayang bagay.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Akala mo bata ito dahil tunay na tunay ang kanyang pagtawa at pati mga reaksyon nito. Para itong isang bata na tuwang tuwa kapag kinakausap ng kanyang ina. Para itong bata na akala mo unang beses nakapag laro sa labas at ineenjoy ang pakikipaglaro at pakikipag kwentuhan sa kaibigan.

Ngayon ko lang nakita si Magdalena ng ganito kasaya. Pero sa likod ng mga ngiti at tawa niya ay alam kong mapait ang nakaraan ang nasa likod nito.

Ginawa ko ang lahat para maging masaya lang ang usapan namin ngayon.

Pero natigil ang tawanan nang…

“May gusto ako kay Adonis” pagamin nito.

“Tingin ko ay hindi lang ito pagkagusto Sophia, dahil sigurado akong malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya” dagdag nito. Tumingin ako kay Magdalena at nakitang seryoso ang kanyang mukha. “Mahal ko na si Adonis. Mahal ko siya hindi lang bilang isang kaibigan, kundi bilang isang lalake na pinapangarap kong mapangasawa”

Tila huminto ang oras at hindi ko alam ang sasabihin.

Sa limang katagang iyon, I was caught off guard.

Sa limang katagang iyon ay nakaramdam ako ng kaba.

Biglang nag iba ang mood sa loob ng kwarto at naging seryoso. Ilang segundong katahimikan ang namutawi na akala mo maririnig na ang tunog ng kuliglig.

“Matagal ko na siyang mahal Sophia at kung kaya ko lang siyang agawin sayo ay siguro ginawa ko na” dagdag nito. Mas kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya, pero ginawa ko ang lahat upang panatilihin ang kalmado kong itsura.

Kahit na matagal ko ng alam at napapansin ang kanyang nararamdaman para sa boyfriend ko, ay iba pa din ang pakiramdam kapag inamin nito ang kanyang nararamdaman.

“Tuwing nakikita ko siya, gusto ko siyang halikan sa labi. Sa tuwing kinakausap niya ako ay gusto kong aminin na sa kanya ang nararamdaman ko” dagadag niya. “Pero, kaya kong kalimutan at talikuran itong pagmamahal ko sa kanya, Sophia. Alam mo kung bakit? Kasi mas importante ka kaysa sa kanya. Mas importante ang pagkakakibigan natin kaysa sa kanya. Kaya wala kang dapat ipagalala o ikatakot kasi hinding hindi ko magagawang agawan ka ng kahit na anong bagay, lalong lalo na si Adonis”

Ngumiti ako at binigyan siya ng malumanay na ngiti. Nakabawi ako sa epekto ng kanyang pa gamin at sumagot.

“Alam ko Magdalena. Matagal ko ng napapansin ang bawat ngiti mo kapag kasama natin si Adonis, at pati ang mga panakaw mong sulyap sa kanya” nagulat ito. “Babae rin ako, kaya hindi ka makakapaglihim sa akin” dagdag ko.

“Mahal ko rin si Adonis, Magdalena. Mahal na mahal ko siya, kaya kung may isang bagay akong ipagdadamot sa kahit na kanino, kahit na sayo, siya iyon. Mahal ko siya at alam kong ganun din siya sa akin, at kung sakaling gusto niya ng itigil ang relasyon namin at maghanap ng iba ay ipaglalaban ko siya” dagdag ko.

“Ipaglalaban ko siya… kahit sayo” medyo madiin kong sambit.

Tila sumikip ang puso ko dahil tingin ko ay nakapag bitiw ako ng masakit na salita kay Magdalena. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya at nasayang ang masayang kwentuhan namin kanina.

“Wag ka mag-alala Sophia, hinding hindi ko aagawin si Adonis mula sayo. Hinding hindi ko nanaisin na masaktan ka ng dahil sa akin. Siguro nga tumakbo sa isip ko na agawin siya pero hinding hindi ko gagawin iyon kasi kaibigan kita, bestfriend kita, kaya tulad ng sabi ko kanina ay wala kang dapat ipagalala” ngumiti ito at binigyan ako ng kasiguraduhan.

“Salamat Magdalena. Salamat kasi inamin mo sa akin ang nararamdaman mo para kay Adonis. At kahit na alam kong dalawa tayong nagmamahal sa kanya ay hinding hindi ito magiging dahilan upang magbago ang pakikitungo ko sayo. Hindi ito magiging dahilan upang masira ang pagkakaibigan natin”

Ngumiti kami sa isat isa at bumalik sa pagkakahiga.

Unti unti ay naramdaman kong bumibigat na ang kama dahil nakatulog na si Magdalena. Habang ako ay gising na gising pa dahil naglalaro pa rin sa isip ko ang pagkagusto nito sa boyfriend ko. Alam kong secured naman ako sa pagmamahalan naming dalawa ni Adonis pero parang may bumabagabag sa akin.

Parang hindi ako makampante at mapakale.

Pilit kong inalis ang mga masasamang bagay sa isip ko at pinilit na makatulog.

Lumipas ang dalawang linggo at hindi ko na hinayaang bumalik si Magdalena sa kanyang tatay tatayan. Nagpatuloy ang kanyang pananatili sa aking bahay.

Sabay kaming pumasok at umuwi mula sa paaralan at paminsan minsa’y nalabas din kami kasama si Adonis. Binibilhan namin siya ng mga bagong damit at maging mga personal na gamit. Nakailang pilit din kami bago nito tanggapin ang mga pinamili namin dahil nahihiya raw ito.

Sinubukan rin naming bilhan ito ng cellphone pero tumanggi ito dahil malaking bagay na raw ang mga damit na naibigay namin sa kanya.

Sa bawat araw dumadaan na kasama namin ang boyfriend ko ay kapansin pansin na mas lalong sumasaya si Magdalena. Pakiramdam ko ay mas lumalalim pa ang kanyang nararamdaman at pagtingin para kay Adonis.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo ni Adonis sa akin dahil sweet pa din ito at talagang pinaparamdam ang kanyang pagmamahal, pero mas naging malapit din ito bigla kay Magdalena. Nagkakasundo sila sa mga kwentuhan at laging nagtatawanan. Nahahalata ko din ang paminsan minsang pagdantay ng kamay ni Magdalena sa katawan ng boyfriend ko kapag sila ay nagkekwentuhan.

At kahit anong tago ko, ay nakakaramdam ako ng selos. Hindi ko na lamang ito pinapansin upang walang maging problema sa pagkakaibigan namin ni Magdalena. Ayaw kong maging praning ng dahil sa selos.

Katulad ng sabi ko ay wala namang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Adonis kaya wala akong dapat ipangamba. Iyan ang pilit kong itinatatak sa isipan at puso ko.

Ngayon ay pauwi na kami ni Magdalena mula sa school, habang si Adonis naman ay naiwan pa sa court dahil kausap sila ng kanilang basketball coach.

Sasakay na sana kami ng taxi ng harangin kami bigla ng isang matandang lalake. Pagtingin namin ay si Tatay Tyago, ang tatay tatayan ni Magdalena. Amoy alak at sigarilyo ito at tingin ko ay kakagaling lang sa inuman at sugal.

“Hoi Magdalena! Ilang linggo ka nang hindi umuuwi, ano ang gusto mong ipagmalaki ha?!!” sigaw nito kaya napatingin ang ilang mga tao at estudyanteng nadaan.

“Ta-tay Tyago, a-a-anong g-g-ginagawa niyo di-di-dito?” nangingig na sagot ni Magdalena.

“Sinusundo na kitang bwisit ka! Halika na sumama ka na sa akin sa bahay!” marahas nitong hinatak si Magdalena.

“Ano baaaa Tay Tyagooooo bitawan mo ako nasasaktan akooo!” sigaw ng kaibigan ko habang nagpupumiglas.

“Putang ina mo ka! Tandaan mo hindi mo ako pwedeng layasan kasi ako ang tatay tatayan mo! Ako ang nagpalamon sayo!” hinatak pa nito ng madiin si Magdalena na halos madapa na sa daan.

Tumakbo ako papalapit at tinulungan itong makawala.

“Bitawan niyo siya! Hindi siya sasama sa inyo!” pinilit kong alisin ang pagkakahawak ng kamay nito sa bestfriend ko.

“Alisin mo ang kamay mo kundi masasaktan kita!!!” anito sa akin.

“Kung hindi mo siya bibitawan ay tatawag na ako ng pulis! Akala mo hindi ko alam ang mga ginwa mo kay Magdalena?” pagbabanta ko.

“Anong pulis pulis ang sinasabi mo? Marami akong kaibigang pulis kaya wala akong pakielam sa sinasabi mo! Umalis ka na dito at wag mangielam kundi matatamaan ka sa akin!” sagot nito.

“Sophia sige na kaya ko na ito! Lumayo ka muna sa amin” utos ni

Magdalena pero hindi ko sinunod.

Kinurot ko ang kamay ng matanda upang bitawan nito ang kaibigan ko pero isang napakalakas na sampal ang humagod sa pisngi ko na nagpatalsik sa akin sa sahig. Pakiramdam ko ay namaga ang aking mukha dahil sa bigat ng kanyang kamay.

“Sooooppphiiiiaaaaaaa!” napasigaw si Magdalena at mas lalong nagpumiglas. “Bitawan mo akoooo! Bitawan moooo koooooooo!” sigaw nito pero ginawaran din siya ng isang suntok sa tyan ng matanda.

“Wag na wag mo niyo akong gagalitin Magdalena. Kahit nandito tayo sa daan ay malilintikan ka sa akin, pati yung putang inang kaibigan mo!!!”

Muli na sana nitong hahatakin si Magdalena ng biglang dumating si Adonis at ginawaran ito ng isang malakas na suntok sa mukha.

“Gago ka! Sino may sabi sayong pwede mong saktan ang girlfriend ko!!!!” sigaw nito. Gumanti ng suntok ang matanda pero nakaiwas si Adonis.

“At sino ka naman? Huh? Akala mo uubra ka sa akin?” muling umatake ng suntok ang matanda pero nasikmuraan ito ni Adonis kaya natumba ito sa sahig.

“Subukan mo uli saktan ang girlfriend ko, o si Magdelana, makakalimutan kong matanda ka na at baka kung ano ang magawa ko sayo” nanlilisik ang mata ni Adonis at kita ang galit sa kanya.

Nakipagtitigan siya ng masama sa matanda.

“Tandaan mo Magdalena! Babalik ka din sa aking hayop ka!” banta pa nito at tuluyan ng umalis. Pinasadahan niya pa kaming tatlo ng masamang tingin na akala mo nagbabantang babalikan kami.

Nakaramdam ako ng takot, pero napawi naman ito agad ng mabilis akong lapitan ni Adonis.

“Ayos ka lang huh? Nagdudugo ang labi mo. Halika dito punasan ko yang sugat” kinuha nito ang kanyang panyo at pinunas sa aking labi.

“Oo ayos lang ako. Salamat dahil dumating ka, hindi ko alam gagawin ko” napayakap ako dito dahil sa takot.

“Ssssshhhhhhhh wag ka na matakot, andito na ako” anito. “Sasamahan ko na kayo hanggang sa bahay ninyo para sigurado akong ligtas kayo” dagdag ni Adonis at tumango ako.

Lumapit kami kay Magdalena upang tingnan at kamustahin ito. Nanginginig ito at hindi makapagsalita dahil sa takot.

Sinamahan kami ni Adonis na makauwi at siniguradong nakapasok na kami ng bahay. Bumalik ito sa school upang magpaalam sa kanyang coach na liliban muna sa practice at para din kuhanin ang motor nito dahil dito daw siya sa bahay matutulog.

Gusto niyang bantayan ako dahil baka raw bumalik yung tatay tatayan ni Magdalena at kung anong gawin.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Sa sala natulog si Adonis, habang kaming dalawa ni Magdalena ay sa loob ng kwarto. Hindi na ito nakakain ng hapunan dahil wala raw itong gana kaya ipinagtabi ko na lamang siya ng ulam at kanin dahil baka magutom ito sa madaling araw.

Lumipas ang isang buong magdamag at salamat sa may kapal dahil wala namang nangyaring hindi maganda.

Itutuloy …

===

Author’s Notes:

Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa at nagaabang sa story na ito. 🙂 As an amateur writer, sobrang laking impact ng support ninyo sa pangarap kong magsulat.hehe.

*** drama ni vakluuuuusssshhhhh.hahaha.***

At kung umabot ka sa chapter na ito, at bwisit ka na kay Tatay Tyago… KUMAPIT KA DAHIL NAGSISIMULA PA LANG ANG LAHAT.

Again, thank you for continually reading this story and hugs to you!!! ^^

hotsluttygay
Latest posts by hotsluttygay (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x