Aagawin Ko Ang Lahat (Part 18) – The End

hotsluttygay
Aagawin Ko Ang Lahat

Written by hotsluttygay

 


*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.

===

Author’s Note:

I would like to thank all the readers of this story. Shout out on below for your support, and also for all the readers out there. By the way, I will be on a long break before I continue Book 2 of this story as I am so busy at work and aiming for promotion so hopefully ma-keriboomboombells ni vaccla. 🙂

Again thank you and I hope you are still here on the the Book 2.

Enjoy this final chapter and I did my best to write this so hopefully ma-enjoy ninyo.

 


Sophia’s point of view

“A-a-donis”utal kong sambit.

Nakatingin ako sa kanyang mga mataat hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya sa muli naming pagkikita. Sabik na sabik akong mahawakan ang kanyang mukha at mayakap siya ng mahigpit. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung gaano ko inantay at hinangad na mangyari ang araw na ito.

“Ka-ka-kamusta k-ka n-n-na?” dagdag ko at ngumiti, sabay abot ng kanyang mukha upang hawakan sana ito. Ngunit hindi pa man nakakalapit ang aking kamay sa kanyang pisngi ay kumunot na ang noo nito at inilayo ang ulo mula sa akin.

Tila piniga ang puso ko dahil sa kanyang ginawa.

Pumikit ako upang kahit paano ay mainda ko ang sakit ng pakikitungo sa akin ni Adonis. At habang nakapikit ay iniisip ko na rin kung paano ko uumpisahan ang pagsasabi ng katotohanan sa kanilang lahat.

Napakuyom ako ng palad at huminga ng malalim, at akmang ibubuka ko na ang aking bibig upang simulan ang aking sasabihin nang bigla kong narinig na nagsalita si Magdalena.

“Sophia kamusta ka na?” rinig kong tanong nito. “It’s been so long. Bakit ngayon ka lang uli nagpakita sa amin?”dagdag na tanong nito na akala mo nag-aalala.

Napatingin ako sa kanya at kita sa kanyang mga mata ang pang-aasar at pangmamaliit sa akin sa kabila ng kanyang pagpapanggap sa harapan ng lahat.

“Natanggap mo ba ang pinadala naming pera sayo? Nakatulong ba iyon sa inyo ng kinakasama mo?Grabe yung pag-aalala namin sayo, Sophia”tanong muli nito.

Mas dumiin ang pagkakakuyom ng aking palad dahil sa kanyang tila nang-aasar na tono.

“Bakit ka nandito? Ano ang naisipan mo bakit nagpakita ka pa sa amin? Gusto mo ba kaming guluhin kasi hindi sapat yung perang pinadala namin sayo?” tanong ni Adonis.

“Ang kapal din naman ng mukha mong babae ka. After you left my son ay ngayon magpapakita ka sa amin at manggugulo? Sabihin mo na kung ano ang gusto mo o kung magkano ang kailangan mo para matapos na ito. We don’t wanna see you here anymore” ani Tita Olivia.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig, hindi ko sila maintindihan.

“Hi-hi-hindi po ako nagpunta dito para manggulo o para manghingi ng pera. A-a-andito po ako para sabihin sa inyo ang katotohanan” paliwanag at pagkaklaro ko.

“Ano pa ang gusto mong sabihin bukod katotohanang iniwan mo ako para sumama sa ibang lalake? Na matagal mo na pala akong hindi mahal at kinaawaan mo lang ako kaya um-oo ka noong inalok kita ng kasal. Na hindi ko napupunan yung kaligayahan mo kaya sa ibang lalake mo hinanap at enjoy na enjoy ka pang makipagsex sa mga lalake mo. Na hindi mo man lang dinalaw si Lola Tessa ni isang beses noong namatay siya. Sige Sophia, anong katotohanan ang gusto mong sabihin?”mariing tanong ni Adonis.

“Babe calm down, let’s listen to her first. For sure she has reasons kung bakit niya nagawa iyon sa iyo. This is the perfect time to hear her out. Maybe we can invite her inside para mas makausap pa natin siya ng masinsinan” ani Magdalena.

“Hindi. This kind of woman will never enter my house again. Dito lang siya sa labas ng bahay because this is going to be the last time we will see her” ani Adonis.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa naririnig. Halos saksakin ang puso ko dahil kumpara sa inaasahan ko ay mas sirang sira na ako sa pamilyang dating nagmamahal sa akin.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Mababa na ang tingin nila sa akin na pakiramdam nila’y pera lang ang habol ko sa kanila.

“Adonis kung anuman ang mga sinabi sayo ni Magdalena lahat ng iyon kasinungalingan. Lahat ng ito ay pakana ni Magdalena. Sinet-up niya ako, Adonis!” pag-amin ko at nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. “Si Magdalena din ang pumatay kay Lola Tessa! Siya ang may pakana ng lahat ng nangyari sa akin upang mapaghiwalay niya tayong dalawa! Para maagaw ka niya mula sa akin dahil alam niyang hanggat nandito ako ay hinding hindi ka niya makukuha” napataas ang boses ko.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Adonis ngunit nanatiling seryoso at wala ni anumang pagkagulat sa kanyang reaksyon.

“Pinadukot ako ni Magdalena kay Tatay Tyago noong gabing hinatid mo ako pauwi pagkatapos ng nagdinner natin nina Tita Olivia at Tito Romano. Dinala nila ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan, at doon nagsimula ang kalbaryo ko. Pinagsamantalahan nila ako Adonis! Ni-rape ako ni Tatay Tyago at pati ng mga kumpare niya!”ani ko. “Adonis binaboy nila ako! Lahat ng klaseng pambababoy ay ginawa nila sa akin! Oras oras, minuminuto kapag gusto nila ay pagsasamantalahan nila ako at wala akong nagawa kundi ang magpaubaya dahil natatakot ako na baka patayin nila ako!”bumuhos ang luha ko.

“Sinubukan kong tumakas Adonis, pero lagi nila akong nahuhuli at kapag naabutan nila ako ay bugbog sarado ang abot ko at muli nila akong pagsasamantalahan! Adonis wala silang itinira sa akin dahil hindi lang nila kinuha ang puri ko kundi pati ang dignidad ko ay kinuha nila!!! Hindi lang iyon, Adonis, pinainom pa nila ako ng gamot para mawala ako sa sarili at magawa nila ang mga gusto nila sa akin!” napataas ang boses ko upang kumbinsihin silang maniwala sa akin.

“At isang araw dumalaw si Magdalena sa kinaroroonan ko. Akala ko ay natagpuan na niya ako at itatakas sa lugar na iyon pero nagkamali ako. Doon pala uli magsisimula ang mas mabigat na kalbaryong pagdadaanan ko dahil pinagbantaan niya akong papatayin niya si Lola Tessa kung hindi ko susundin ang gusto niya. Kaya dahil sa takot ay sinunod ko ang kanyang utos na gumawa ng video na sinasabihng hindi na kita mahal at iniwan kita para sa ibang lalake. Pero yun pala ay binilog lang nitong babaeng ito ang ulo ko dahil umpisa pa lang ay patay na si Lola Tessa dahil siya ang pumatay sa kanya!!!”mariing turo ko kay Magdalena.

Wala pa ring reaksyon si Adonis at ang pamilya nito habang si Magdalena ay nakangisi lang sa akin.

“Adonis maniwala ka sa akin. Nagsasabi ako ng totoo! Lahat tayo napaikot ni Magdalena at nagtagumpay siya! Napaghiwalay niya tayong dalawa at ngayon ay sirang sira na ako sayo dahil sa kasinungalingang sinabi niya sa inyo” pagsusumamo ko sa lalaking karahap ko. “Adonis walang oras na hindi ko hiniling na makatakas ako sa kamay nina Tatay Tyago. Halos sumuko na ako at magpakamatay dahil hindi ko alam kung anong klaseng pambababoy pa ang gagawin nila sa akin. Adonis tinuring nila akong parang aso!!! Tinuring nila akong mas masahol pa sa hayop!!! Ikinulong nila ako sa kulungan na aso at pakakainin nila ako sa dog tray at nginungudngod pa ang mukha ko doon! Iniihian din nila akong lahat sa mukha at katawan!!! Sobrang hirap ng pinagdaanan koooooo Adooooniiisssss!!!! Pero hindi ako sumuko. Hindi ako sumuko dahil sinabi ko sa sarili ko na makakatakas ako at masasabi ko sa inyo ang katotohanan. At ngayon nandito na ako, sana paniwalaan niyo ako dahil nagsasabi ako ng totoo”

Lumapit ako kay Adonis at sinubukang haplusin ang kanyang pisngi. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay umiwas ito.

“Ang galing mong gumawa ng kwento, Sophia. Gaano mo katagal pinag-isipan itong sinabi mo ngayon? At sa tingin mo mapapaniwala mo kami sa kasinungalingan mo? Matagal ka ng wala sa buhay namin at masaya na kami ngayong lahat. Masaya na ako kasama si Magdalena dahil pinaramdaman niya sa akin ang pagmamahal na kailanman hindi ko naramdaman noong tayong dalawa pa lang. Mas naramdaman ko ang saya at ligaya ng maging girlfriend ko siya at alam ba Sophia? Mas masarap siyang magmahal kaysa sayo. Kaya please lang, bumalik ka na dun sa mga lalake mo dahil wala ka ng lugar dito sa buhay namin. Kaya wag ka ng mahiya, sabihin mo kung magkano ang kailangan mo para matapos na itong pag-aaksaya natin ng oras”

“Adonis…” pagsusumamo ko. “Adonis maniwala ka sa akin. Please! Wala akong ginagawang masama. Nagsasabi ako ng totoo”

“Magkano ang kailangan mo?”

“Adonis hindi pera ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay hustisya para sa pagkamatay ni Lola Tessa at sa ginawang kahayupan sa aking ni Magdalena. Ang kailangan ko ay ang paniwalaan mo ako dahil kriminal yang babaeng katabi mo!”

“Walang ginawang hindi maganda sayo si Magdalena. At hindi siya kriminal katulad ng paratang mo dahil yung pagkamatay ni Lola Tessa ay dahil sa cardiac arrest dulot ng pag-iwan mo sa kanya. Kaya kung tutuusin ay ikaw ang pumatay kay Lola Tessa at hindi si Magdalena. Ikaw ang gumawa sa sarili mo niyan dahil sumama ka sa ibang lalake. Kailangan mong tanggapin kung ano ang resulta ng ginawa mo at kung nahihirapan ang buhay mo ngayon hindi mo kailangangang manira ng ibang tao para lang magmukhang kaawa awa ka dahil sa totoo lang, hindi kami naawa sayo, Sophia. Nandidiri kaming lahat sa—.”

PAAAAAAKKKK!

Hindi ko na hinantay na matapos ang sasabihin ni Adonis at isang malakas na sampal ang nailapat ko sa kanyang pisngi. Alam kong malakas ito dahil ramdam ko ang init at hapdi sa aking palad.

“Adonis!!!” napasigaw si Magdalena at pati si Tita Olivia dahil sa gulat. Hindi ko alam kung anong enerhiya o espirito ang pumasok sa akin ngunit nagdilim ang aking paningin at hinablot ko ang buhok ni Magdalena.

Mariin ang pagkakasabunot ko sa kanyang buhok at niyugyog ang kanyang ulo.

“Hayop kang babae ka! Mamatay tao ka! Pinatay mo si Lola Tessa! Inagaw mo sa akin ang lahat at sinira mo ang buhay ko!!!” sigaw ko at kinaladkad si Magdalena palabas ng gate. Sinubukan nitong pigilan ako ngunit wala itong magawa dahil mas malakas ako sa kanya.

“Sophia itigil mo yan! Bitawan mo si Magdalena!!!” sigaw ni Adonis at pilit inihihiwalay ang kamay ko sa buhok ni Magdalena. Maging sina Tita Olivia at Tito Romano ay tumutulong na rin na maihiwalay ako kay Magdalena.

Pero lahat sila ay hindi nagtagumpay.

“Ano masaya ka na?! Nakuha mo na si Adonis sa akin at nasiraan mo na ako sa kanilang lahat? Ha?!” sigaw ko habang sinasampal si Magdalena at habang hawak din ang kanyang buhok. “Ipapakulong kitang hayop ka! Tandaan mo yan, mabubulok ka sa bilangguan dahil sa kasamaan mo!”

“Aray Sophia, bitawan mo ako! Masakit! Araaaayyy!”

“Masakit? Ha?! Masakit?! Kulang pa yan! Katiting pa lang yan sa lahat ng sakit na ginawa mo sa akin. Eto mas masakit hayop kang babae kaaaaa!” idinapa ko si Magdalena sa lupa at doon inginudngod ang kanyang mukha.

“Sophia maawa ka!!! Buntis ako!! Buntis akooooooo!!!!”

Napahinto ako dahil sa narinig at doon nagkaroon ng pagkakataon si Adonis na mahiwalay ako kay Magdalena. Naitulak ako ni Adonis papalayo.

“Buntiiisss akooooo buntiiissss akoooooo! Sophia buntis ako!!! Magkakaanak na kami ni Adoniiiisss!” muling sigaw ni Magdalena at napaiyak.

Lahat kami ay hindi nakapagsalita at kitang kita rin ang pagkabigla sa itsura nina Adonis.

“Tama ba yung narinig ko? Buntis ka?” gulat na tanong ni Adonis kay Magdalena.

“Oo Adonis, buntis ako. Natatakot lang akong sabihin sayo dahil hindi ko alam magiging reaksyon mo pero nagpacheck na ako sa doctor at sinabi niyang buntis a-a-akoo” napahawak si Magdalena sa kanyang tyan na tila may iniindang sakit. At ilang sandali pa ay may tumutulong dugo sa hita nito.

“Araaaaaaayyyy aaaaaaahhhh Adonis tulungan mo akoooo ang sakit ng tiyannnn kooooo aaaaahhhh” mabilis na kumilos si Adonis at binuhat si Magdalena papasok ng gate.

Lumapit si Tita Olivia sa akin at ginawaran ako ng magkabilang sampal sa pisngi.

“Kapag may nangyaring hindi maganda sa apo ko, ikaw ang mabubulok sa bilangguan. Tandaan mo yan! Tandaan mo yan Sophia!” mariing banta ni Tita Olivia at umalis.

Habang si Tito Romano naman ay lumapit rin sa akin at may inabot na isang cheke. “Please lang wag mo ng guguluhin ang pamilya namin. At tanggapin mo yang cheke na yan para lubayan mo na kami. Hindi na nilagyan ng halaga ng anak ko yang cheke para ikaw na daw magsulat kung magkano ang gusto mo. Basta wag ka ng magpapakita pa uli sa pamilya namin” wala sa katinuan kong kinuha ang cheke at umalis na rin si Tito Romano.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tila naestatwa ako. Nakita kong dumaan ang sasakyan ni Adonis sa tabi ko pero wala rin akong naging reaksyon.

Napapikit ako at napaluhod.

Matinding dalamhati at pagkabigo ang nararamdaman ko ngayon dahil ang inaasahan kong masayang kahihinatnan ng pagkikita namin ni Adonis ay nauwi sa isang mas malalim na hidwaan at sigalot sa pagitan namin ng kanyang pamilya. Lalo na ngayong magkakaanak na sila ni Magdalena.

Nararamdaman kong pabigat ng pabigat ang puso ko ngayon. Pabigat ito ng pabigat hanggang sa hindi ko na kayang pigilan pa kaya napasigaw ako ng malakas.

“Adooooniiiiissssss!!!! Aaaaaaaaaaaaahhh!!!! Adonooooniiisss!!” at sa pagsigaw kong iyon ay muling umagos ang luha sa aking mata. “Adooooniiiisssss!!! Bakkkkeeettttt?!!!! Bakeeeetttttt?!!!!!” patuloy kong sigaw.

Naramdaman ko na lamang na may kamay na humipo sa aking balikat. Si Sir King.

“Tumayo ka diyan, may pupuntahan tayo. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo doon” utos nito. Pinilit niya akong patayuin at dinala sa loob ng kanyang sasakyan.

Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak hanggang sa makarating kami sa isang sementeryo.

“A-a-anong ginawa natin dito?” taka kong tanong. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba ako at dinala niya ako sa isang libingan.

Sa libingan ni Lola Tessa.

Napatingin ako kay Sir King at nakita ko itong nakatingin sa akin sabay tango. Napapikit ako at mas lalong sumabog ang puso ko dahil sa sakit at bigat.

Napaluhod ako sa puntod ni Lola Tessa at doon ay parang batang umiyak. Hinawakan ko ang lapida nito at kinausap siya na parang buhay pa siya.

“Lola Tessa kamusta na po kayo diyan? Lola Tessa nakawala na po ako. Nakatakas na po ako, Lola. Nakawala na po ako sa mga dumukot sa akin. Lola Tessa, lola ko” parang bata kong sambit. “Salamat po kasi pinalakas niyo ang loob ko noong nagpakita kayo sa akin sa panaginip ko. Kung hindi po dahil sa inyo ay baka sumuko na din ako at nagpakamatay na lang talaga kung nakahanap ng pagkakataon”ani ko.

Napahiga ako sa kanyang puntod.

“Lola patawarin niyo po ako. Sorry kasi ngayon lang ako nakadalaw sa inyo. Sorry kasi wala ako sa tabi mo nung gabing kailangan mo ako. At hindi ko kayo napagtanggol sa gumawa sa inyo nito. Sorry Lola Tessa, patawarin mo akooooo. Pero ngayon andito na ako sa tabi niyo, hindi ko na po kayo iiwan Lola Tessa. Hinding hindi na po ako mawawala sa tabi niyo” pumikit ako at dinama ang puntod nito.

“Wag kang mag-alala, Lola Tessa. Magbabayad si Magdalena sa ginawa niya. Magbabayad siya sa pagpatay niya sayo at hindi ko siya tatantanan hanggat hindi niya pinagbabayaran ang ginawa niya sayo. Pinapangako ko yan Lola Tessa. Pinapangako ko yan”naramdaman ko na lang na biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi ko ito alintana at nakahiga lamang sa puntod ng aking lola. Si Sir King naman ay nakatayo sa hindi kalayuan at inaantay ako. Wala itong payong at nababasa na rin ng ulan pero hindi niya rin iyon alintana at nakatayo lamang siya.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Pumikit ako at dinama lamang ang puntod ni Lola Tessa dahil gusto kong sulitin ang panahon na hindi ko siya nakasama. Kahit sa puntod niya man laman ay maramdaman niyang niyakap ko siya sa kanyang huling mga sandali.

Lumipas ang ilang oras ay nagpasya na akong tumayo at bumalik sa sasakyan ni Sir King.

“Salamat Sir King sa pagdala sa akin dito. Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman kung nasaan ang puntod ng lola ko pero salamat. Gumaan ang pakiramdaman ko dahil sa ginawa mo” pasalamat ko. “Pasensya na rin nabasa ka ng ulan dahil sa paghihintay sa akin”

Seryosong itong tumango.

“Ano nang plano mo?” tanong nito.

“Hindi ko alam. Pero susubukan ko pa din kausapin si Adonis dahil baka nahihirapan lang siyang paniwalaan ako ngayon. Siguro bukas o sa isang araw ay pupuntahan ko uli siya para kausapin. Sana maniwala na siya”sagot ko at huminga ito ng malalim.

“Saan ka tutuloy niyan?”

“Siguro po sa dati naming bahay. Baka pwede niyo po akong ihatid doon ngayon para makita ko lang po kung ano na ang nangyari?”

“Pinuntahan ng mga tauhan ko yung dati ninyong bahay pero may iba ng nakatira doon. Ibinenta na raw sa kanila yung bahay dahil wala naman na raw titira doon”

Nabigla ako sa sinabi nito.

“Dun ka muna sa bahay ko tumuloy o di kaya kayna Carla. Siguradong inaantay ka rin nila ngayon at gustong malaman kung ano ang nangyari sayo ngayong araw”

“Hindi po ba nakakahiya Sir? Kasi tinulungan niyo na po ako tapos papatuluyin niyo pa ako kung sakali. Pwede naman po na maghanap ako ng matutuluyan”

“Hindi! Paano kung makita ka nung mga naghahanap sayo, siguradong may pinaplano sila para makuha ka nila uli at mailayo dito. Kung nasa amin ka ay siguradong ligtas ka at hindi nila malalaman kung nasaan ka. Tsaka wala kang dapat ipag-alala, kami ng bahala sayo”

“Pero Sir King, sobra sobra na ang ginawa niyo sa akin”

Hindi ako nito pinansin at pinaandar na ang sasakyan. Dumeretso kami sa bahay nina Maam Carla at doon ay inaantay nga nila kami. Pinaderetso muna nila ako sa guest room at doon ay naligo ako at nagpalit ng damit.

Nahiga muna ako sa kama at nagpahinga.

Muli kong naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Adonis kanina at muli kong naramdaman ang sakit. Parang kinikirot ang puso ko dahil sobrang hindi makatarungan ng nangyari sa akin. Ako na ang pinahirapan pero bakit parang ako pa ang may kasalanan? Mahirap ba akong paniwalaan? Hinanap ba talaga ako ni Adonis noong nawala ako? O nagpakakasa na lang siya kay Magdalena? Minahal ba talaga niya ako para hindi niya ako paniwalaan?

Napapikit ako at muling may luhang dumaloy sa mata ko.

Tok! Tok! Tok!

“Sophia? Kumain ka na muna. Naghanda ako ng sopas, tamang tama naulan kaya masarap ito pampainit ng tyan” nakangingin sambit ni Maam Carla.

“Maam Carla, okay lang po ba na dito muna ako tumuloy sa inyo? Hindi ko na po kasi alam kung saan ako pupunta dahil wala na ang lola ko at mukhang hindi na rin ako tanggap ng dati kong minamahal” malungkot na tanong ko.

“Oo naman Sophia. Tsaka hindi kami papayag na hindi ka dito titira lalo na ng malaman namin ang nangyari sayo. Alam kong mahirap at masakit ang nangyari ngayong araw pero andito kami at tutulungan ka namin, lalo na si King”

“Salamat po Maam Carla. Tatanawin ko po itong habang buhay na utang na loob. Kapag nakabawi ako ay pangako susuklian ko ang kabutihang pinakita niyo sa akin”

“Naku Sophia, ang pinaka magandang pwede mong gawin ay yung bumawi ka ng lakas at magsimula ng bagong buhay. Magiging masaya kami kapag nakita ka naming maayos na at nakabangon”

Natahimik ako.

“Mukhang matagal pa po mangyayari iyan dahil sa dami ng nangyari sa akin. Pero isa lang po ang sigurado, mananagot ang lahat ng gumawa sa akin nito” mariin kong sambit.

“Nandito kami para sayo, Sophia. Tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya” nakangiting sambit ni Maam Carla. “Oh siya kumain ka muna. Ituring mo na rin itong bahay na parang iyo ah at kung may kailangan ka wag kang mahiyang tumawag kayna Manang. Sinabihan ko na rin sila na dito ka na tutuloy. Sige ako ay aakyat muna sa kwarto at may kailangan akong gawin” tumango ako at nugmiti.

Pinagmasdan ko ang pagkain sa harap ko at agad ko itong sinunggaban. Sobra akong nagutom at pakiramdam ko ay matagal na panahon akong hindi nakakain ng ganitong kasarap na pagkain.

Nang maubos ko ang sopas ay parang nabitin ako kaya naman lumabas ako ng guest room upang tingnan sa kusina kung may sopas pa. Dahil hinahanap ko kung nasaan ang kusina ay nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makita ang buong bahay nina Maam Carla. Malaki ito at maganda ang pagkaka disensyo. Hindi sya yung tradisyunal na mansyon na may mahahabang hagdan at gintong mga disensyo. Makabago ang pagkakagawa sa kanilang bahay at sobrang linis.

Nang makarating ako sa kusina ay nakita kong may isang kaldero pa ng sopas kaya naman agad akong kumuha. Akmang babalik na ako sa aking kwart ng makita ko si Sir King na nakaupo sa may bar table; walang pang itaas at nagpupunas ng kanyang buhok.

“Sir King kain po tayo ng sopas” tumango lang ito at kumuha ng mangkok sabay nagsalin din ng sopas.

“Dito ka na kumain, sabay na tayo” tinuro niya ang bar table at inutusan na tumabi sa kanya.

Tahimik lang kaming kumakain at nakita ko siya na sarap na sarap din sa pagkain ng sopas. Nauna nitong maubos ang kanyang pagkain at nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at timingin ng seryoso.

“Sophia, simula ngayon ako na ang bahala sayo. Anuman ang gagawin mo kailangan alam ko dahil ako na ang magpoprotekta sayo. Lahat ng plano mo sasabihin mo sa akin kasi ako ang tutulong sayo. Lahat ng nararamdaman mo sasabihin mo sa akin dahil ako na ang makakasama mo. Tutulungan kita sa pagbangon mo at tutulungan kitang makamit ang hustisya sa mga nangyari sayo. At simula ngayon bawal mo na akong tawaging Sir King dahil hindi kita tauhan, King na lang itatawag mo sa akin”ma-otoridad na sambit nito.

Hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay nasa ligtas na kamay ako at anuman ang mangyari sa akin ay may poprotekta sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at idinantay ang aking ulo sa dibdib ni Sir King at doon napaiyak. Naramdaman kong hinimas niya ang ulo ko sabay niyakap rin ako ng mahigpit.

Sa wakas, kahit paano ay nakaramdam ako ng seguridad.

Nagpapasalamat ako sa may kapal dahil hinayaan niyang sina Sir King ang makakita sa akin. Kahit paano ay alam kong may magandang nangyari sa akin.

===

Tuluyan na nga akong tumira kayna Maam Carla at doon ay pinaramdaman nila sa akin na parte ako ng kanilang pamilya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makillaa sina Sir Knight pati ang kanilang anak na sina Frank at Knight Jr.

Si Sir King naman ay araw araw na dinadalaw ako at tinitingnan ang lagay ko.

May isang araw na nagsabi akong gusto kong puntahan uli si Adonis upang kausapin ito. Hindi pumayag si Sir King pero dahil nagpumilit ako at nagmakaawa ay pumayag din ito. Sa kasamaang palad ay hindi ako nilabas ni Adonis sa kanilang bahay. Kung hindi ang katulong ang kakausap sa akin ay si Tila Olivia na puro masasakit na salita ang binibitawan.

Minsan ay inabangan namin si Adonis sa kanyang trabaho at doon nagtagumpay akong kausapin siya pero pinagtabuyan niya lamang ako kahit na lumuhod na ako sa harap niya at magmakaawa.

Linggo linggo kong sinusubukan na kausapin sila pero lagi nila akong itinatakwil at pinagtatabuyan.

Naglagay na rin sila ng gwardya sa kanilang gate upang proteksyon daw sa kanila kung sakaling manggulo ako uli.

Sobrang sakit man pero tinanggap ko ng hindi na nila ako kayang tanggapin pa. Na wala na akong laban sa anumang pagpapaikot na ginawa ni Magdalena sa kanila at ako ay parte na lamang ng kanilang nakaraan.

Siguro ngayon ay ititigil ko muna ang laban. Aayusin ko muna ang sarili ko at magpapalakas, at kapag malakas na ako at nakabalik na sa tunay ako ay tsaka ako babalik upang maningil sa kanilang lahat.

Kung akala nila ay patatahimikin ko sila, nagkakamali sila dahil sa pagbabalik ko ay walang kasalanan ang hindi mababayaran.

===

Sa unang mga linggo ay tinulungan ako ni Sir King na magtrabaho sa kanyang kumpanya bilang Marketing Associate. Dito ay hinayaan niya akong matuto at hinayaan niyang dumaan ako sa hirap upang unti unti akong umangat.

Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang patunayan ang sarili ko sa trabaho at tila umaayon ang tadhana sa akin dahil gumaganda ang takbo ng career ko.

Tumaas ang posisyon ko at naging Head of Business Marketing. Dito mas napatunayan ko ang sarili ko at marami akong nagawa para sa kumpanya ni Sir King. Nalaman ko rin na may naiwang pera para sa akin si Lola Tessa at inasikaso na iyon ni Sir King upang mapunta sa akin. Ininvest ko ang pera kay Sir King at kapalit noon ay bingyan niya ako ng shares sa kanyang kumpanya.

Unti unti ay nakakabangon na ako.

Binigyan ako ni Sir King ng isang tauhan kung saan siya ang magmamanman sa pamilya ni Adonis at kung ano ang nangyayari sa sa kanila. Dito ko nalaman na nanganak na si Magdalena ng isang batang babae. Nagresign na rin ito sa kanyang trabaho at sa kumpanya na nina Adonis magtatrabaho upang mabigyan ng atensyon ang kanilang anak.

Lumipas ang isang taon.

Dalawang taon.

Tatlong taon.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nagpursige akong maigi sa aking buhay. Madaming nagbago at madaming nangyari sa akin. Masasabi kong nakabangon na ako at handa na akong ipagpatuloy ang laban para sa hustisya dahil sa pagkamatay ni Lola Tessa at sa nangyari sa akin.

Pero hindi ko mamadaliin ang lahat. Uunti untiin ko sila at sisiguraduhin kong hindi nila aasahan ang lahat ng mga inihanda kong plano para sa kanila. Akala siguro nila tapos na ang laban, nagkakamali sila dahil magsisimula pa lang ang lahat.

===

===

EPILOGUE

Narrator’s point of view

Eleganteng nakatayo si Sophia mula sa bintana ng rest house ni King. Nakasuot ito ng isang eleganteng puting dress na halos kahalintulad ng suot niya noong dinukot siya ni Tatay Tyago.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Mamahalin ang itsura ni Sophia ngayon at hindi na makikita sa kanya ang anumang bakas ng masamang pinagdaanan niya.

Malayo ang tingin ni Sophia mula sa bintana na animo’y inaalala ang lahat ng mga nangyari sa kaniya; simula noong nasa kamay pa siya nina Tatay Tyago hanggang sa kung paano siya pinagtabuyan nina Adonis at ng pamilya nito.

Huminga ng malalim si Sophia upang ikalma ang sarili sa galit na nagsisimulang bumalot sa puso niya.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang napakagwapong hari, si King. Rinig na rinig ni Sophia ang bawat yabag ng sapatos ni King na papalapit sa kanya.

“Handa na ang lahat”ani ng hari.

Pumaling ng tingin si Sophia sa lalaking nagsalita at tiningnan ito sa mata.

“Nakita niyo na si Tatay Tyago?” seryosong tanong nito.

“Hindi pa siya nakikita ng mga tauhan ko. Mukhang magaling magtago yung isang iyon, hindi tulad nung tatlong kasamahan niya na parang daga na madaling hulihin” sagot ni King.

Napabuntong hininga si Sophia.

“Magtago lang siya ng magtago, dahil kapag nakita natin siya…” napangiti ng matapang si Sophia na akala mo nagbabanta. Si King naman ay seryosong pinagmamasdan ang magandang babae sa kanyang harapan.

“Sigurado ka na bang gusto mong gawin ito? Pwede namang — ”

“Malaki ang kasalanan nila sa akin” pagputol ni Sophia kay King. “Namatay ang lola ko ng dahil sa kanila, at mahabang panahon ang nasayang sa buhay ko dahil sa kahayupang ginawa nila sa akin. At kung akala nila ay palalampasin ko ang lahat ng ginawa nila? Nagkakamali sila dahil sisiguraduhin kong matutuwa si satanas dahil ibabalik ko sa impyerno ang mga demonyong bumaboy at nanakit sa akin” mariin dagdag ni Sophia.

“Tatay Tyago, Mang Gado, Mang Berto, Mang Fred, Tita Olivia, Tito Romano…. Adonis… at Magdalena. Simula na ng paniningil ko. Humanda kayong lahat sa akin”

Lumabas sila ng kwarto upang simulan ang kanilang mga plano.

At ngayon, ang unang makakatikim ng hagupit ni Sophia ay si Mang Gado.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa may likuran ng rest house kung saan makikita ang isang malawak na lupain.

Sa gitna noon ay may isang sasakyan na nagbubuga ng puting usok. Ang usok na ibinubuga nito ay tumatama sa mukha ng isang matandang lalake na nakatali sa likuran ng sasakyan. Nanghihinaang lalakedahil sa pambububugbog na ginawa sa kanya ng mga tauhan ni King at kita ang mga sariwang sugat at dugo sabawat parte ng kanyang hubad na katawan.

Halos kainin ng hiya ang matandang lalake dahil kitang kita ng lahat ng nakatingin sa kanya ang kanyangkahubdan, dahil wala itong saplot na kahit na ano, mula ulo hanggang paa.

Lumapit si Sophia sa matandang lalake.

“Sophia, sigurado ka na ba na gusto mong makita ito? Pwede namang ako na lang at ang mga tauhan ko ang gumawa nitong plano mo” nag-aalalang tanong ni King at sinusubukang pigilan si Sophia sa panonood.

Muling tiningnan ni Sophia si King sa mga mata. Hindi man ito nagsalita ngunit kita sa kanyang mata na walang kahit na sino ang makakapigil sa kanya. Tila naman naintindihan ito ni king kaya wala na itong nagawa kundi hayaan si Sophia sa kung ano ang gusto niyang gawin.

Muling naglakad si Sophia papalapit sa matandang lalaki.

Nang makalapit ay umupo ito upang pumantay sa mukha ng lalake.

“Kamusta ka Mang Gado?” nakangiting tanong ni Sophia.

Tila nakakita ng multo si Mang Gado.

“So-so-sophia? I-i-ikaw ba yan?” utal na tanong nito.Kita ang gulat at takot sa itsura ng matanda dahil hindi ito makapaniwala sa nakita. “I-i-ikaw ang m-m-may pakana ng lahat ito?”

“Mm-mm” mapang-asar na sagot ni Sophia at ngumiti.

“Maawa ka sa akin, Sophia. Napag-utusan lang ako ni Tyago, hindi ko ginusto ang ginawa ko sayo” nangingiyak na sambit ni Mang Gado. “Parang awa mo na Sophiaaaaa” nanginginig ang bibig ng matanda dahil sa takot at kaba.

“Napag-utusan? Hmmmmmm siguro. Pero yung hindi ginusto?”napangisi si Sophia na akala mo hindi makapaniwala. “Natatandaan mo pa ba kung ilang beses niyo akong pinagsamantalahannina Tatay Tyago? Nabilang mo ba?”

Natahimik si Mang Gadoat napatingin sa ibang direksyon.

“Hindi mo alam diba? Kasi madami. Sobrang dami na kahit pagsamasamahin ang mga daliri ninyong lahat nina Tatay Tyago, Mang Fred at Mang Berto ay hindi pa din sasapat ang bilang nun sa kung gaano kadaming beses niyo akong binaboy” medyo madiin na sambit ni Sophia.

Hindi nakapagsalita si Mang Gado at hindi makatingin kay Sophia.

“Tsaka wag ka ng mag-makaawa. Kasi kahit na maubos pa yang boses mo kakasigaw ng awa mula sa akin ay hinding hindi na magbabago ang isip ko na pahirapan ka dahil sa katarantaduhang ginawa mo sa akin” dagdag ni Sophia.

“Sophia maawa ka! Lahat ng gusto mo gagawin ko. Pwede mo akong gawing tauhan mo o utusan, basta wag mo lang akong pahirapan o patayin”

Napangisi si Sophia at umiling.

“Hindi, Mang Gado. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kaya kumapit ka ng maigi dahil simula ngayong araw na ito ay mararanasan mo ang sakit na hinding hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo” tumayo ito at tinalikuran na si Mang Gado.

Tumingin si Sophia sa driver ng sasakyang kung saan nakatali ang matanda at tumango senyales na simulan na ang plano. Napangisi naman ang driver ng sasakyan na animo’y excited sa gagawin.

“Sophia…” muling pagsusumamo ng matanda ngunit hindi siya nilingon nito.

Patuloy sa paglalakad si Sophia pabalik sa tabi ni King at habang naglalakad ito ay naririnig niyang umiingay ang tunog ng sasakyan at maraming usok ang ibinubuga nito.

Kasabay ng malakas ng tunog ng sasakyan ay ang sigaw ni Mang Gado na patuloy na nagsusumamo at nagmamakaawa. Tila ba musika sa pandinig ni Sophia ang sigaw ni Mang Gado dahil matagal na panahon niyang inantay ang araw na ito.

Nang makabalik si Sophia sa pwest ni King ay lumingo ito sa isang doctor na katabi rin nila.

“Doctora Mendez, sigurado po ba kayong hindi siya agad mamamatay sa gagawin natin?” tanong ni Sophia.

“Yes. Basta kailangan lang natin siya magamot after nitong gagawin niyo sa kanya then once we medicated him and makapagpahinga na siya then he’s good to go again for another round” ani Dra.

“Thank you, Dra. Mendez”ngumiti sa Sophia at ibinaling ang tingin sa driver ng sasakyan.

Nagkatitigan ang dalawa na tila inaantay ang senyales ni Sophia.

Palakas ng palakas ang tunog ng sasakyan at pakapal ng pakapal ang usok na ibinubuga nito.

Ilang sandali pa…

Ilang sandali pa ay tumango si Sophia sa driver at pinaharurot na nito ang sasakyan.

===

Sa mansyon nina Adonisay maririnig ang masayang kwentuhan at biruan nina Adonis at Magdalena, kasama ang kanilang tatlong taong gulang na anak na babae na si Adelaida.

Nasa loob sila ng kanilang kwarto at nakikipaglaro sa kanilang anak.

“Salamat, Magdalena” nakangiting sambit ni Adonis.

“For what?” takang tanong ni Magdalena.

“For giving me a family. A happy family” sagot ni Adonis.

Napangiti si Magdalena.

“Ano ka ba naman Adonis, you keep on thanking me eh ako nga itong dapat magpasalamat sayo for that. Thank you for being a good husband and father to me andtothis little princesshere. And thank you for taking care of us lalong lalo na noong akala natin na mawawala na itong anak natin”

Napahinga ng malalim si Adonis. Naalala niya kung paano muntik mawala ang kanilang anak dahil kay Sophia.

“Wag ka mag-alala, I will protect you and our little princess here. Walang kahit na sino ang pwedeng makapanakit sayo”

“I know. And I will not allow anyone also to hurt our daughtertoo”

“Everything is good now. Sophia is no longer bothering us for a long time and blessing is outpouring in our family because of our baby daughter, kaya wala na dapat pa tayong ipag-alala” ani Adonis.

Nagkiss sila ng mabilis at muling nakipaglaro sa kanilang anak.

“By the way, sa Lunes na pala ang meeting mo with King Villarin, right? Grabe malaking investor siya kaya malaking tulong ang maibibigay niya sa kumpanya”

“Yes babe. He’s a good investor and na background check ko na rin yung mga companies na pagmamay-ari niya and malaking tulong talaga siya sa kumpanya natin lalo na ngayon na mageexpand tayo”

“Congratulations in advance. I’m sure you’re gonna make it at mapapapayag mo siya to invest sa kumpanya”

“Thank you. Anything for you and baby Addy”ngumiti si Adonis.

Tok! Tok! Tok!

“Come in!” sigaw ni Magdalena.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang maid na may bitbit na isang tray na may lamang isang basong gatas at dalawang baso ng juice.

“Ah-eh magandang gabi po Maam Magdalena at Sir Adonis. Nagtimpla na po ako ng gatas para kay baby at sinamahan ko na rin ng juice para sa inyo po” ani ng maid.

“Tamang tama, papatulugin na rin namin itong si Adelaida” inabot ng maid ang gatas kay Magdalena at ipinainom iyon sa kanyang anak.

Habang pinapanimo ni Magdalena ng gatas si Adelaida ay inabot ngman ng maid ang isang baso ng juice kay Adonis.

“Salamat yaya”masayang sambit ni Adonis habang iniimom ang juice. At ng matapos si Magdalena sa ginagawa ay inabot naman sa kanya ng maid ang isang baso ng juice.

“Thank you, yaya. Hindi kami nagkamali na kuhanin ka bilang maid dito sa bahay. Sobrang sipag at galing mo mag-alaga ng bata” nakangiting sambitni Magdalena sabay inom ng juice.

Inabot nila ang mga baso sa maid at tsaka lumabas na ito ng kwarto.Habang naglalakad pababa ng kusina ay nakangisi ang maid at may kinuha sa kanyang bulsa. Isang maliit na bote ng gamot na walang laman na inihalo niya sa isa sa mga baso.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“Hinding hindi ko makakalimutan ang pagliligtas mo sa akin Maam Sophia. Kung hindi dahil sayo baka nasa kamay pa ako ng hayop na Tyago na iyon at baka pinagpepyestahan pa ako ng mga lalaki sa sugalan. Kaya kahit na anong iutos mo ay susundin ko at sasamahan kita sa paghihiganti mo sa pamilyang ito” bulong ni Veronica at ibinalik ang bote sa kanyang bulsa.

THE END.

 

hotsluttygay
Latest posts by hotsluttygay (see all)
Subscribe
Notify of
guest
3 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
3
0
Would love your thoughts, please comment.x